Courtesy of Google Images |
Samantalang sa Awit 68:4 ay binanggit ang “**JAH” na kuha sa silanganin (eastern) tradisyon, na ang ibig sabihin sa kalakarang Tanakh ay יה (YH).
Kung babasahin iyan ay “YAH” mula sa kanluraning (Western) transliterasyon sa wikang Ingles na pinahikling ****YHWH (Yahweh).
Kabilang ang Awit 68:4 ay nasa 29 na ulit natala ang Strong’s Number H3050 sa 25 talata ng Tanakh. Ibig sabihin niyan ay 29 na ulit na binanggit ng mga banal ng Dios ang mga letrang יה (YH) na siyang unang dalawang letra (YH) ng tetragramaton (יהוה ***YHVH).
Sa pagtatapos ng akdang ito ay mauunawaang mabuti, kung totoo nga ba, o hindi, na sa balumbon ng mga sagradong kasulatang nabanggit ay iisa lamang ang pangalan na ibinigay ng Dios sa kaniyang mga banal.