Mula
sa tradisyonal, o yaong nakaugaliang laganap na katuruan hinggil sa tinatawag
na “Bugtong na Anak ng Dios.” Iyan ay
hindi pinag-aalinlangan ng sinoman na direktang tukuyin sa gayong kabanal na
kalagayan itong si Jesus ng Nazaret. Siya
nga ang ayon sa nakasanayang aral pangkabanalan ay ang kaisaisang Anak ng Dios.
Sa tila katiwatiwalang pahayag at personal na turo ng sariling bibig ni apostol
Juan. Walang pag-aalinlangan, na ang kaisa-isang itinuturo ng kaniyang daliri, ay ito
ngang si Jesus na nagtataglay ng
titulong Cristo ang siyang bugtong na
Anak ng Dios. Bagay na maliwanag ang pagkakatala ni apostol Juan sa
tinatawag na sagradong kasulatan (NT)
Alinsunod sa maliwanag niyang pahayag hinggil sa
paksang ito ay gaya ng mababasa sa ilang talata sa ibaba ang madiin niyang wika,
JUAN
1 :
18 Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang
BUGTONG NA ANAK, na nasa sinapupunan ng Ama,
siya ang nagpakilala sa kanya.
JUAN
3 :
16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng
Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang BUGTONG
NA ANAK, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay
huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
JUAN
3 :
18 Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi
hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya
sumampalataya sa pangalan ng BUGTONG NA ANAK
NG DIOS.
1JUAN
4 :
9 Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa
atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang BUGTONG
NA ANAK sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.
Mula
sa ilang talatang iyan sa itaas ay tiyakan na tutukuyin ng sinoman, na ang bugtong na Anak ng Dios ay wala na ngang
iba pa, kundi ang Cristo Jesus. Kaugnay niyan, sa pagsusuri ng kasulatan ay makikita din ng napakaliwanag, na ang pahayag na
iyon ay hindi nagmula sa sariling bibig ng Cristo,
kundi galing lamang sa matibay na paniniwala ni apostol Juan sa likas na kalagayan ni Jesus.