Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ama namin. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ama namin. Ipakita ang lahat ng mga post
Miyerkules, Hunyo 7, 2023
Huwebes, Agosto 16, 2018
THE APOSTLE'S CREED (Sumasampalataya) Part 1 of 3
PART 1 OF 3
Ayon sa malawakang kaalaman na tinitindigang matibay ng marami, na nagmula sa mga nakaraang yugto ng mga kapanahunan. Itinuturing na isang katotohanan, na ang Dios ay taglay ang likas nitong kalagayang Espiritu. Ayon pa, Siya ay may walang hanggang eksistensiya na hindi kailan man maaaring mapansin ni maunawaan man ng limang (5) pangdama ng tao (panglasa, pang-amoy, pandinig, paningin, pakiramdam).
Iyan ay dahil sa ang kabanalbanalang pag-iral nito'y hindi gaya ng sa atin na may taglay na katawang pisikal (physical body). Sa madaling salita ay walang anomang kakayanan ang mga nabanggit na mga pangdamang pisikal na makita, madinig, malasahan, maamoy, at maramdaman ang Espiritu, mabuti man o masama.
Dahil sa hindi mapapasinungalingang realidad na may ganap na kinalaman sa materiya at Espiritu. Gayon ngang hindi kailan man papasok sa anomang eksistensiya ng katotohanan, na ang materiya ay gaganap, o aakto na gaya ng likas na kalagayang Espiritu. Na kung lilinawin ay hindi kailan man mangyayari, na ang tao sa likas na estadong materiya ay maging Dios, upang siya'y kilalanin sa kalagayang tao na ay Dios pa rin.
Ang langis sa madaling salita ay hindi kailan man maaaring maging tubig, at gaya din naman na ang tubig ay hindi maaaring maging langis, kahi man sila'y magkatulad sa partikular na kondisyong likido. Ang tao sa makatuwid ay hindi kailan man maaaring maging Dios, at ang Dios ay hinding hindi kailan man lalapat sa likas na kalagayan ng NILALANG, sapagka't Siya sa Kaniyang kabuoan ay isang MANLALALANG.
Bago matapos ang ika-anim (6th) na siglo, o sa simula ng ika-pitong (7) siglo, ang Apostles Creed (Sumasampalataya Ako) ay dumating sa finalidad ng pagtanggap, hanggang sa ganap na kilalanin ng pamunuan ng Simbahang Katolika, na opisyal at matibay nilang "Pahayag ng Pananampalataya".
Bago matapos ang ika-anim (6th) na siglo, o sa simula ng ika-pitong (7) siglo, ang Apostles Creed (Sumasampalataya Ako) ay dumating sa finalidad ng pagtanggap, hanggang sa ganap na kilalanin ng pamunuan ng Simbahang Katolika, na opisyal at matibay nilang "Pahayag ng Pananampalataya".
Narito, at sa akdang ito ay masusi nating sisiyasatin, at isa-isang hihimayin ang buong nilalaman ng nabanggit na Kredo.
Mga etiketa:
Aking mga Kapatid,
Ama mo,
Ama namin,
Apostle's Creed,
Inyong Ama,
Iyong Ama,
Sumasampalataya Ako
Sabado, Enero 16, 2016
Ang Ama na nasa Langit
Courtesy of Google Images |
Mga etiketa:
Aking Ama,
Ama namin,
Anak ng tao,
Ang Cristo ay tao,
Inyong Ama,
Katuruang Cristo,
Mesias,
Messiah,
Rayos ng Liwanag,
Si Jesus ay tao
Lunes, Oktubre 8, 2012
PANALANGIN SA MGA BANAL
Sa umiiral na
kasalukuyang kapanahunan ay tila mahihirapan tayong bilangin ang mga tao na hindi lubos ang pagka-unawa sa umiiral na katuruang pangkabanalan. Iyan ay tanyag sa mga
mambabasa ng banal na kasulatan (bibliya)
sa tawag na, “Evangelio ng kaharian.” Ganap itong tumutukoy sa mga salita na mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesucristo, na isinatinig at isinatitik
ng labingdalawang (12) apostol. Sa
bilang nila ay nagkapalad na mailahok ang aklat
ni Mateo at Juan sa mga sinipi ng
emperiong Roma na matatandang
kasulatan, upang maging kapakipakinabang na bahagi nitong Bagong Tipan ng Bibliyang
Romano.
Sino man nga’y
mapapa-oo at mapapasang-ayon sa inihahaing banal na katuruan, kung ito ay
kasusumpungan ng mga salita ng Dios
na sinalita mismo ng sariling bibig ni Jesus.
Dahil dito, sa marami ay katiwatiwala at inaaring katotohanan ang kaniyang mga
pahayag. Kaya nga, alin mang katuruang pangkabanalan ay itinuturing na huwad, o
kaya’y pilipit na aral - kapag ito’y kinakitaan ng anomang uri ng
paghihimagsik, o pagsalungat sa mga nagtutumibay na salita ng kaniyang bibig.
Ngayon nga,
batay at alinsunod sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal (mga aral na binigkas ng bibig ni Jesus)
ay mabibigyan ng kaukulang tanglaw ang usapin na ganap ang kinalaman sa “panalangin sa mga banal.” Gayon din
naman na may magaganap na paglalahad sa ilang sitas ng lumang tipan - sa layuning pagtibayin ang mga salita (Evangelio ng kaharian) bilang pagsang-ayon ng katotohanan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)