Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Aking Ama. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Aking Ama. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Enero 16, 2016

Ang Ama na nasa Langit

 
Courtesy of Google Images
Noon pa mang una ay isa ng malaking usapin ang tungkol sa kaisisang Dios na nasa langit. Ama ang nakaugaliang itawag ng marami sa Kaniya, at pinaniniwalaan nilang nag-iisa lamang ang Kaniyang Anak, at siya ay walang iba, kundi itong si Jesus ng Nazaret. Isa lamang iyan sa hindi kakaunting palapalagay ng mga tao hinggil sa likas niyang kalagayan.

May nagsasabi din na siya ay "hindi anak ng Dios na Dios," kundi "anak lamang ng tao na tao." Ano pa't giit ng iba ay "hindi anak ng Ama itong si Jesus, kundi siya mismo ang Ama," sapagka't nasusulat na siya at ang Ama ay iisa. Ang iba naman ay nagsasabi na siya ay "tao at Dios," dahil sa pahiwatig umano ng kasulatan na siya ay "Dios na nagkatawang tao."

Ang mga argumentong iyan ay walang katapusan na pinagbabangayan ng marami noon pa mang una hanggang sa kasalukuyan nating panahon. Gayon man, kung bibigyan lamang ng pagkakataon ang Katuruang Cristo na liwanagin ang hindi matapostapos na isyung iyan ay hindi magiging mahirap sa atin, na maunawaan ng lubos ang katotohanan tungkol diyan.

Ang Katuruang Cristo, palibhasa'y mga sagradong aral (evangelio ng kaharian) na masigla at may galak sa puso na ipinangaral ng sarili niyang bibig ay taglay ang mga presisyon at eksaktong paglilinaw sa mga magugulong isyu na gaya niyan. 

Huwag nga lamang iyan lalakipan ng ibang evangelio (evangelio ng di pagtutuli) ay may katiyakan, na kasusumpungan ng mga katuwiran na sinasang-ayunang lubos ng katotohanang sumasa Dios ng langit.

Gawin naman natin ngayon na alisin sa eksena ang panggulong ibang evangelio nitong si Pablo, at subukan naman natin na bigyang pagpapahalaga ang Katuruang Cristo, na kay laon ng niwawalang kabuluhan ng marami. Kaya ngayo'y tingnan natin, kung ano ang kalalabasan ng mga salita na mismo ay iniluwal ng sariling bibig ni Jesus hinggil sa usapin na may kinalaman dito.

Lunes, Nobyembre 17, 2014

AKING AMA, INYONG AMA, ATING AMA

Ayon sa katuruang pangkabanalan na tinitindigang matibay ng hindi kakaunting tao sa kasalakuyan ay bugtong, o kaisaisang Anak ng Dios ang ating panginoong Jesucristo

Gayon ngang hindi maikakaila na ang katuruang iyan ay tila binibigyang diin ng ilang katunayang biblikal. Gaya halimbawa ng sumusunod na pahayag ng kagalangalang na San Juan hinggil sa usaping ito, na sinasabi,

JUAN 3 :
18  Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya SUMAMPALATAYA SA PANGALAN NG BUGTONG NA ANAK NG DIOS. (Juan 1:18, 1Juan 4:9)
(He that believeth on him is not condemned: but he that believeth not is condemned already, because he hath not believed in the name of the only begotten Son of God.)

Sa talata ay hindi mahirap mapag-unawa na ang nagsasalita ay walang iba, kundi ang kagalanggalang na San Juan. Winika niya, na may bugtong, o nag-iisang Anak ang Dios na nararapat sampalatayanan, upang ang sinoman gumawa ng gayon ay hindi pumasok sa paghatol.

Yamang ang pahayag na nilalaman ng Juan 3:18 ay mula lamang sa sariling pagmamatuwid ng kagalanggalang na San Juan. Maipasisiya na iyan ay matapat na opinyon lamang niya, na naglalahad ng mga bagay na ayon lamang sa abot ng kaniyang kamalayan, o pagka-unawa. 

Gayon ma’y hindi maituturing na ang nabanggit na pahayag ay sinasang-ayunan ng katotohanan, hanggang hindi iyan napapatotohanan sa pamamagitan ng mga katunayan na mismo ay sinalita ng sariling bibig ng Cristo.
Sa usapin ngang ito ay makikita ang panig ng ganap na kinauukulan laban sa panig ng isang saksi. Na ang ibig sabihin ay ang tuwirang testimoniya ng isa (Jesus) hinggil sa likas niyang kalagayan, laban sa pahayag ng isa (Juan) na kilala sa pagiging isang katiwatiwalang saksi.

Narito, at kung ang Cristo mismo ang ating kukunan ng pahayag hinggil sa tunay niyang likas na kalagayan ay ano kaya ang matuwid na maisasagot niya sa atin?

Gaya nga ng katotohanang nasusulat ay kaniyang sinabi,

AKING AMA

JUAN 8 :
38  Sinasalita ko ang mga bagay na aking nakita sa AKING AMA: ....
(I speak that which I have seen with my Father:)

Sa talata ay madiing winika ng panginoong Jesucristo, na sinasalita lamang niya ang mga bagay na kaniyang nakita mula sa KANIYANG AMA.

At sinabi pa,

MATEO 16 :
17  At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng AKING AMA NA NASA LANGIT.
(And Jesus answered and said unto him, Blessed art thou, Simon Barjona: for flesh and blood hath not revealed it unto thee, but my Father which is in heaven.)

MATEO 18 :
10  Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng AKING AMA NA NASA LANGIT.
(Take heed that ye despise not one of these little ones; for I say unto you, That in heaven their angels do always behold the face of my Father which is in heaven.)

MATEO 18 :
19  Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng AKING AMA NA NASA LANGIT.
(Again I say unto you, That if two of you shall agree on earth as touching any thing that they shall ask, it shall be done for them of my Father which is in heaven.)

Ang mga iyan ay patotoo mula sa sarili niyang bibig na nagsasabing, siya nga ay walang alinlangan na Anak ng kaisaisang Dios na nasa langit. Gayon ma'y napakaliwanag na hindi kailan man niya inari na siya lamang ang nag-iisa, o ang bugtong na anak ng Dios.

Karagdagang referensiya:

Ano pa’t sa kabila ng pahayag ni San Juan, hinggil sa pagiging bugtong na anak ng Dios nitong si Jesus ay mababasa sa sumusunod na patibayang aral, na hindi gaya ng kaniyang minamatuwid ang inilahad ng Cristo hinggil sa usaping ito.

Mababasa sa ibaba ang hindi kakaunting talata ng kasulatan (bibliya) na nagbibigay diin sa katotohanang hindi lamang siya ang Anak ng Dios, kundi,


INYONG AMA

Mat 5 :
16  Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.
(Let your light so shine before men, that they may see your good works, and glorify your Father which is in heaven.)

Mat 5 :
45  Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.
(That ye may be the children of your Father which is in heaven: for he maketh his sun to rise on the evil and on the good, and sendeth rain on the just and on the unjust.)

Mat 5 :
48  Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.
(Be ye therefore perfect, even as your Father which is in heaven is perfect.)

Karagdagang referensiya:

Isang katotohanan na matuwid nating panghawakang matibay, na may diing sinalita ng sariling bibig ng Cristo, na ang kausap niyang mga alagad sa mga sandaling iyon ay pawang mga anak ng Dios din naman. Dahil kaniyang sinabi sa kanilang lahat, 
“Inyong Ama.”

Sa katunayang biblikal ngang iyan, na mismo ay iniluwal ng sariling bibig ng panginoong Jesus ay sukat, o sapat na, upang mapatotohanang hindi lamang siya ang anak ng Dios, kundi pati na rin ang lahat ng mga kausap niyang alagad. 

Sa madaling salita ay hindi sinasang-ayunan ng mga salitang ipinangaral ng panginoong Jesucristo ang pangsariling opinyon ng kagalanggalang na San Juan na inilahad niya sa Juan 3:18

Kung gayon, saan man at kailan man ay hindi lumapat sa katotohanan na inaayunan ng ating Ama ang salitang “Bugtong na Anak ng Dios,” na ipinatutungkol sa pangionoong Jesus.

Sa pagpapatuloy ay kinakailangan ngang susugan pa ng ilang patibayang katuruan na nagbibigay diin, na hindi lamang ang panginoong Jesus ang Anak ng Dios, kundi ikaw, ako, at tayong lahat na nananahan sa munting bahagi ng dimensiyong ito ng materiya.

Gaya ng nasusulat ay sinabi,


AMING AMA

ISA 63 :
16  Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Yahovah, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.
(Doubtless thou art our father, though Abraham be ignorant of us, and Israel acknowledge us not: thou, O Yahovah, art our father, our redeemer; thy name is from everlasting.)

Sa talata ngang iyan na sinalita ng sariling bibig nitong si Propeta Isaias ay napakaliwanag na ang tinutukoy niyang anak ng Dios ay hindi lamang tumutukoy sa iisa, kundi sa lahat ng tao sa kalupaan.

Gayon nga rin na madiing iniutos nitong Espiritu ng Dios na nasa kalooban ng panginoong Jesus ang mga sumusunod,

MAT 6 :
9  Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
(After this manner therefore pray ye: Our Father which art in heaven, Hallowed be thy name.)

Diyan nga ay higit pang maliwanag sa katanghaliang tapat na tayo ay kailangang manalangin sa AMA NATING NASA LANGIT. Na ang ibig sabihin ay hindi lumalapat sa iisa ang salitang anak, o Anak man, kundi iyan ay ganap na tumutukoy sa sangkatauhan. 

Sa nilalaman nga ng talatang iyan (Mat 6:9) ay iniuutos ng Espiritu sa kalooban ng panginoong Jesus, na ang lahat ng tao sa kalupaan ay matutong manalangin ng direkta sa ating Ama na nasa langit. 

Sa pagwawakas ng akdang ito ay narito, at mismong ang panginoong Jesus sa kaniyang sarili ang nagsabi, gaya ng nasusulat,

JUAN 20 :
17  Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.
(Jesus saith unto her, Touch me not; for I am not yet ascended to my Father: but go to my brethren, and say unto them, I ascend unto my Father, and your Father; and to my God, and your God.)

Kung pakikinggan nga natin ang katotohanang binibigyang diin ng panginoong Jesucristo sa talatang (Juan 20:17) iyan, na sinasabing,

“Ama natin ang kaniyang Ama, at Dios natin ang kaniyang Dios”

Sukat na nga iyan, upang panindiganan natin ng lubhang matibay ang katotohanan, na SIYA (Jesus), AKO, IKAW, at TAYONG LAHAT na nananahan sa kalupaang ito ay pawang mga anak ng Dios.

Kaya nga ang kagalanggalang na San Juan ay nagsabi,

1 JUAN 5 :
2 Dito’y ating nakikilala na tayo’y nagsisiibig sa MGA ANAK NG DIOS, pagka tayo’y nagsisiibig sa DIOS at TINUTUPAD NATIN ANG KANIYANG MGA UTOS.
(By this we know that we love the children of God, when we love God, and keep his commandments.)

Ang salita ngang iyan ay sinalita din ng kagalanggalang na San Juan, na kung uunawaing mabuti ay hayagang sinasalungat ang sarili niyang pahayag sa Juan 3:18. Gayon ma’y isang madiing patotoo naman sa kapahayagan hinggil sa likas na kalagayan ng Cristo, na nagsasabing,

Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.

Kaya nga matuwid sa lahat na saliksikin at pag-aralan ang mga balumbon ng mga banal na kasulatan, upang ang malabong usapin na gaya niyan ay mapagtuonan ng kaukulang tanglaw ng kaliwanagan. 

Ang opinyon ay palapalagay lamang, at gaano man ang paglapat nito sa kinauukulan. Higit pa ring sumasang-ayon sa katotohanan ang mismong pahayag ng sinomang pinatutungkulan ng alin mang akala.


Anomang akala na ipinatutungkol sa sinoman ay hindi kailan man sinasang-ayunan ng katotohanan, at ito'y napapawalang kabuluhan sa sandaling ang taong (Jesus) tinutukoy ay magpahayag ng totoo na hindi pagsang-ayon sa akalang iyon. 

Hinggil naman sa paglalahad ng katotohanan na sinalita mismo ng sariling bibig ng Cristo. Sa ibang dako, huwag nga rin nating bigyang katuwiran ang inilahad na pagmamatuwid (evangelio ng di-pagtutuli) ng sinoman.  Dahil sa ibang evangelio ay napipilipit ang Katuruang Cristo, bunga nito ay nakakaladkad ang kaluluwa ng marami sa tiyak na kapahamakan.

Tungkol nga sa nararapat at matuwid na ganaping katuruang pangkabanalan (Katuruang Cristo) sa kalupaan ay iniutos ng kaisaisang Dios, na ang lahat ay makinig at sumunod sa iisa lamang, gaya ng nasusulat,

Na sinasabi,

MAT 17 :
5  ...... Ito ang sinisinta kong anak, na siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
(.....This is my beloved Son, in whom I am well pleased; HEAR YE HIM.)

Narito, at sa tanggapin man, o hindi ng sinoman ay tungkulin ng lahat na sundin at isabuhay ang mga salita (katuruang Cristo) na siyang ipinangaral ng sarili niyang bibig sa akdang ito. Na ang katawagang “ANAK,” ay katotohanang sangkatauhan ang ganap na kinatutuparan. Isang malaking kamalian sa makatuwid na sabihing, 


“Si Jesus ay bugtong na anak ng Dios.”


Doon nga tayo sa salita ng sariling bibig ng panginoon Jesus na nagsasabing siya ay hindi gayon, kundi siya’y isa lamang sa mga naging banal na anak ng Dios na minsan ay umiral ang eksistensiya sa kalupaan.

Ang kagalangalang na San Juan ay naglahad nga ng matapat niyang opinyon, hinggil sa likas na kalagayan ng panginoong Jesucristo bilang "Bugtong na Anak ng Dios". Nangyaring ang pahayag niyang iyon ay hindi sinang-ayunan ng mga patotoo na mismo ay sinalita ng Cristo


Magkagayon man ay hindi maituturing na isang kasinungalingan ang kay San Juan, bagkus iyon ay isang hindi sinasadyang pagkakamali lamang. Iyan ay dahil sa kakapusan niya ng kaalaman sa mga patotoo ng banal na Espiritu na nasa kabuoan ng panginoong Jesus hinggil sa tunay niyang likas na kalagayan.

Ang mahigpit na kautusan ng Ama nating nasa langit na mababasa sa Mateo 17:5 ay sa salita ng sariling bibig ni Jesus lamang tayo dapat makinig. Kaya kung katuwiran din lang naman ng Dios ang ating pagbabatayan, ay wala kaming nakikitang anomang balidong kadahilanan, upang paniwalaan na si Jesus ay "bugtong na anak ng Dios." Sapagka't madiing ipinahayag ng sariling bibig ni Jesus sa Juan 20:17, 


"Na siya ay may mga kapatid, at ang kaniyang Ama ay Ama din natin, at ang kaniyang Dios ay Dios din naman natin."


Tungkol sa usaping ito, kung ang pakikinggan natin ay ang mismong pinatotohanan (Juan 20:17) ni Jesus sa likas niyang kalagayan bilang tao, ay masiglang umaayon at may galak sa puso na sumusunod nga tayo kay Jesucristo sa pamamagitan ng pakikinig sa KATURUANG CRISTO.

Datapuwa't kung ang bibigyan ng halaga ninoman ay ang kalagayang ayon lamang sa opinyon ni Juan, Lucas, Marcos, o maging si Pablo man, na tumutukoy sa di umano ay pagiging "bugtong na anak ng Dios ni Jesus." Ang kalalabasan niyan ay magiging laban na nga iyan sa KATURUANG CRISTO, at ang sinomang hindi sumasang-ayon diyan ay wala ngang alinlangang ang taong iyon ay maliwanag na dumadako sa kasuklamsuklam na kalagayan ng mga ANTICRISTO. 

2JUAN 1 :
9 ANG SINOMANG NAGPAPATULOY AT HINDI NANANAHAN SA ARAL NI CRISTO, AY HINDI KINAROROONAN NG DIOS: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.

Sa pagtatapos ng akdang ito, gaya ng nasusulat sa 2Juan 1:9 ay KATURUANG CRISTO pa rin ang dapat paniwalaan at tindigan ng lahat bilang katotohanan na sumasa Dios. Ang nasasaad sa Juan 1:1-2, 14, at sa Juan 3:18, etc, kung gayon ay personal na pananaw lamang ng apostol na si Juan

Dahil diyan, maging si Lucas, o si Marcos, at si Pablo man, na nagpapahayag ng pangsarili nilang pananaw na hindi sinasang-ayunan ng KATURUANG CRISTO ay hindi nararapat pakinggan. 

Patuloy nawang tamuhin ng bawa’t isa ang masaganang bugso ng biyaya at pagpapala ng langit, na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unwa, at sagad na buhay sa kalupaan tungo sa buhay na walang hanggan sa kaluwalhatian ng Ama nating nasa langit.

Hanggang sa muli, paalam.