Biyernes, Agosto 30, 2024

EMMANUEL Isaiah 9:6

 

Mula sa nauna at nakaraang artikulo (Emmanuel [Isa 7:14]) ay naging isang nakakagulat na katotohanan ang tanawin na iniluwal ng bukang liwayway. Na sa pagsikat ng haring araw ay nahayag sa ganap na liwanag ang mahahalagang dako na kay laon ng nakukubli sa sukdulan ng kadiliman.

Gayon din naman sa akdang ito ay kasamang malalahad sa pagkaayon sa matuwid ng Dios ang isa pang usapin, na umano'y naging eksaktong kaganapan ng propesiya, o hula ni Propeta Isaias hinggil sa batang ipinanganak sa katawagang Immanuel.

Linggo, Agosto 25, 2024

BIRHENG MARIA













Paunang salita
Hindi namin layunin na gibain ang paninindigan ng marami, ni ilagay man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus ay maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Hindi namin hinangad na husgahan ang sinoman, palibhasa'y ang mga salita ng Dios na isinatinig ng mga banal ang siyang humuhusga sa mga karumaldumal ng marami. Nawa'y maunawaan ng lahat na kami'y alingawngaw lamang ng mga katotohanang isinigaw at isinatitik nilang mga totoong banal na nabuhay sa malayo at malapit na kapanahunan

Ang isa sa pangunahing layunin ng kababaihan ay dalhin sa kaniyang sinapupunan ang binhi ng buhay alinsunod sa kalooban ng Dios. Ito’y maluwalhating kinakalinga at pinagpapala ng kaniyang kabuoan sa loob ng siyam (9) na buwan – hanggang sa ang punlang iyon ay lumaki at isilang sa maliwanag.