He descended into hell; on the third day He rose again from the dead;
(Nanaog sa karoroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.)
Ang kalakarang umiiral sa kaluluwa ng tao ay pumapaloob lamang sa dalawang (2) masigla at estriktong hanay. Iyan ay ang buhay at ang kamatayan.
Ang kalakarang umiiral sa kaluluwa ng tao ay pumapaloob lamang sa dalawang (2) masigla at estriktong hanay. Iyan ay ang buhay at ang kamatayan.
Ano pa't kung gayong mayroong Dako ng kamatayan, ay maliwanag din naman na mayroon itong mahigpit na karibal sa kaniyang sarili, na kung tawagin ay ang Dako ng buhay.
Ang salitang Hebreo na, SHAMAYIM, sa saling Griego ay "OURANOS," Ang maliwanag na kahulugan nito sa wikang Ingles ay "HEAVEN." Na kung saan ay kumakatawan sa "BUHAY NA WALANG HANGGAN" o "DAKO NG WALANG HANGGANG BUHAY.
Samantala, ang salitang Hebreo na, "SHEOL" ay nangangahulugan na, Dako ng mga Patay. Ito'y nagtataglay din ng kahulugan na "DAKO NG WALANG HANGGANG KAMATAYAN."
Sa bagong tipan (NT) ng Bibliya, ang salitang "HADES" ng wikang Griego ay "HELL" ang sinadyang ilapat na kahulugan ng mga tagapasalin sa wikang Ingles. Ito ang itinapat na kahulugan sa salitang Hebreo na "SHEOL"
Ang "SHEOL" o ang "HADES" kung gayon ay dako na kung saan ay kasusumpungan ng "KAMATAYAN", o nitong "DAKO NG WALANG HANGGANG KAMATAYAN".
Kaugnay niyan, ang phrase na "He descended into hell" ay hindi mababasa sa alin mang pahina ng English Bible. Ito sa makatuwid ay hindi sinusuportahan ng bibliya.
Ang napakaliwanag na balidong lohiko ng nabanggit na dalawang (2) hanay na iyan, ay hindi maaari na ang isang totoong banal ay pabayaan ng Dios na makarating sa Hades, o sa impiyerno. Ni sumilip, ni masamyo man niya ang walang hanggang kamatayan mula sa nakakagimbal na dakong iyon.
Sapagka't tungkol sa Sheol ay madiing ipinahayag ni haring David, na sinasabi,
Awit 16 :
10 Sapagka't HINDI MO IIWAN ANG AKING KALULUWA SA SHEOL, NI HINDI MO MAN TITIISIN ANG IYONG BANAL AY MAKAKITA NG KABULUKAN.
Gayon din, na ang isang totoong makasalanan sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit ay hinding hindi Niya pahihintulutan na masaksihan, ni makasilip man lang sa banal na kalagayan ng buhay na walang hanggan.
Sapagka't nakatalaga ng napakaliwanag sa kaluluwa ng sangkatauhan ang dakong kanan ng Ama sa mga mga magsisipagtagumpay. At sa gawing kaliwa lamang Niya ang tanging kalalagyan ng sinoman na naghimagsik sa Kaniyang mga kabawalan at kaayunan.
Sa pagpapatuloy ay napakaliwanag na sa mga kasulatang Griego ay mababanaag ang influensiya ng Mitolohikong Griego (Greek Mythology), at diyan ay isang tradisyon, o karaniwang bukang bibig ang salitang "Hades." Na kung lalapatan ng mitolohikong kahulugan ang salitang iyan ay tutukoy sa "the god of the underworld. (dios ng kailalimang daigdig"

Ano pa't nang ito'y gamitin sa pagsasalin ng mga kasulatang Hebreo sa wikang Griego. Ang salitang Hebreo na tumutukoy sa "Sheol" (dako ng kamatayan) ay isinalin sa salitang Griego, na "Hades." Kahi man ang griegong kahulugan nito ay "dios ng kailalimang daigdig.")
Mula sa orihinal na mitolohikong kahulugan, ito ay tumutukoy sa kaisaisang persona nitong dios ng kailalimang daigdig. Subali't nang ito'y iugnay sa salitang "Sheol" ay sapilitan na itong tumukoy sa "lugar, o Pook" at iyan nga ang "dako ng kamatayan, o dako ng mga patay", na tanyag sa tawag na, "impierno (hell)."
Sa madaling salita, kung katotohanan na itong si Jesus ay pumaroon sa malalim na dakong iyon ng mga patay ay maliwanag lamang, na doon ay wala siyang nasumpungang sinomang may buhay, maliban kay Hades na ayon sa mitolohikong Griego ay siyang kaisaisang dios ng kamatayan.
Ano kung gayon ang balidong kadahilanan ni Jesus, kung nalalaman niya na sa pagparoon niya sa dako ng kailaliman ay si Hades lamang ang kaniyang masusumpungang buhay? Madiing winika na iyan ay dako ng mga patay, ano't umaasa ang mga hangal at hibang na makakasumpong sila doon ng mga may buhay?
Hindi nga maaari, na saan man at kailan man ay payagan ng Dios ang sinoman sa mga kinikilala niyang banal, na paroonan ang dako, na kung saan ay binubura ang di-makabuluhang eksistensiya ng sino mang kaluluwa.
Sapagka't ang kaluluwa na nagkakasala sa paningin ng Dios ay walang pagsalang mamamatay. Gaya ng napakaliwanag na nasusulat.
Eze 18 :
20 ANG KALULUWA NA NAGKAKASASALA, MAMAMATAY: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.
At sinu-sino naman ang ayon sa tahasang pahayag ng banal na Espiritu ang magtatamo ng buhay na walang hanggan?
Mateo 19 :

16 At narito, lumapit sa kaniya ang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng BUHAY NA WALANG HANGGAN?
17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't KUNG IBIG MONG PUMASOK SA BUHAY, INGATAN MO ANG MGA UTOS.
Sa gayo'y isang napakaliwanag na tanawin ang hatid ng pagtalima sa kautusan, at ito ay ang pagkakamit ng buhay na walang hanggan. Kabaligtaran nito ay ang kamatayang walang hanggan sa mga mananalangsang at manghihimagsik ng kautusan.
Ayon sa hustong kaliwanagan na matiyagang tumanglaw sa usaping ito'y walang anomang katotohanan ang isinasaad ng kredo. Na si Jesus matapos bawian ng buhay mula sa pagkakabayubay sa krus ay nanaog sa dako ng kailalimang daigdig ng mga patay. Upang umano'y mangaral sa makasalanan na kaluluwa ng mga yumao.
Ang kaluwalhatian ng langit ang huling hantungan ng mga matiyagang nagsitalima sa natatanging kalooban ng Dios. Sila nga'y nagsipagtamo ng buhay na walang hanggan. Samantala, ay Sheol (kailalimang daigdig o impiyerno) ang huling hantungan ng mga nagsilabag sa mga kabawalan at mga kaayunan ng Dios. Sila nga'y nagsipagkamit ng kamatayan na walang hanggan.
Iyan na nga ang hatol sa kanikanilang mga gawa, at wala ng anomang kaparaanan pa, upang ang kaluluwang napasa langit na ay maging masama pa sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit. Wala rin namang ipinagka-iba sa mga kaluluwa na nabulid sa Sheol, na dako ng walang hanggang kamatayan. Paano pa nga sila makaka-usap at mapagkakalooban ng katuwirang sumasa Dios, kung ang eksistensiya nila'y naparam na sa karumaldumal na dakong iyon ng walang hanggang kamatayan?
Wakas ng Paksa
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
Maging ang mga tunay na apostol, na mga saksing totoo nitong si Jesus ay walang ipinahayag hinggil sa pag-akyat niya sa kaluwalhatian ng langit. Ano't itong si Lucas na ni anino ni Jesus na hindi niya kailan man nakita at nasaksihan ang mga gawa ay nakapaghayag ng di-umano'y pag-akyat ni Jesus sa langit.
Gaya nito,
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
PANG-APAT (4th) NA MAHALAGANG PAKSA
He ascended into heaven, and is seated at the right hand of God the Father Almighty;
(Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Dios Amang Makapangyarihan sa lahat.)
Maging ang mga tunay na apostol, na mga saksing totoo nitong si Jesus ay walang ipinahayag hinggil sa pag-akyat niya sa kaluwalhatian ng langit. Ano't itong si Lucas na ni anino ni Jesus na hindi niya kailan man nakita at nasaksihan ang mga gawa ay nakapaghayag ng di-umano'y pag-akyat ni Jesus sa langit.
Bagama't tila katotohanan na nangyari ang kaniyang kuwento ay hindi mai-aalis sa sinoman na pagdudahan ang personal niyang pahayag hinggil sa umano'y pag-akyat ni Jesus sa langit. Iyan ay sa kadahilanang siya'y hindi isang saksi ni Jesucristo at ni Pablo man sa kanikanilang buhay na pinagdaanan.
Si Lucas sa makatuwid ay gaya nga lamang ng sarili niyang pahayag, na mababasa sa mga sumusunod na ilang talata, na siya mismo ang sumulat.
Luc 1 :
1 Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin,
2 Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga SAKSING NANGAKAKITA at mga MINISTRO NG SALITA.
3 Ay MINAGALING KO NAMAN, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na ISULAT sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo;
Maliwanag kung gayon, na ang buong sulat ni Lucas (Gospel of Luke at ang Acts of the Apostles) ay ayon lamang sa sali't saling sabi ng mga tao. Ito'y katotohanan na hindi isang eyewitness account, at dahil diyan ay walang anomang kredibilidad na maghatid ng aktuwalidad ng mga nakaraang kaganapan.

Luc 24 :
51 At nangyari, na samantalang sila'y binabasbasan niya ay INIWAN NIYA SILA; AT DINALA SIYA SA ITAAS SA LANGIT.
Ang kuwento (Luc 24:51) ng pag-akyat ni Jesus sa langit ay may sangkap ng napakalaking pag-aalinlangan. Sapagka't iyon ay hindi mula sa bibig ng mga saksi ni Jesucristo. Itoy maliwanag na salit'saling sabi (hearsay) lamang.
Kung paano nga ang kaparaanan ng pagkasulat ni Lucas sa kaniyang evangelio ay hindi lumalayo sa pagkasulat ni Marcos sa kaniyang evangelio. Sapagka't isa man sa kanilang dalawa (2) ay walang nasaksihan, ni nadinig man mula sa sariling bibig ng Cristo. Ang mga sulat ng dalawang (2) evangelistang iyan kuno, ay mga sali't saling sabi lamang, at sa gayo'y walang anomang balidong patotoo ng sinoman sa labingdalawang (12) apostol ng Cristo.
Si Jesucristo ayon sa tinaglay niyang hustong kabanalan sa natatangi niyang kapanahunan, ay walang alinlangan na naluklok sa kanan ng kaisaisang Dios ng langit.
Dinatnan niya na naluluklok sa kanan ng Dios si Abraham, si Isaac, si Jacob at mabibilang sa kanila ang marami pang iba, na magsisipanggaling pa lamang sa Silanganan (east) at sa Kanluran (west).
Dinatnan niya na naluluklok sa kanan ng Dios si Abraham, si Isaac, si Jacob at mabibilang sa kanila ang marami pang iba, na magsisipanggaling pa lamang sa Silanganan (east) at sa Kanluran (west).
Kung paano nga kinikilala ng Dios ang kanino mang kaluluwa na kaniyang pauupuin sa kaniyang kanan at idadako sa kaniyang kaliwa, ay gaya lamang ng payak niyang kaparaanan na mababasa ng maliwanag sa ibaba.
Mat 25 :
33 At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing.
Mat 8 ;
11 At sinabi ko sa inyo, na MARAMI ANG MAGSISIPANGGALING SA SILANGANAN at sa KALUNURAN, at MAGSISIUPONG kasama ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, sa kaharian ng langit.
Maliwanag kung gayon, na sa kaharian ng langit ay sa dakong kanan ng Dios magsisi-upo ang mga magmumula sa silanganan at kanluran. Sila'y makakasama ni Abraham, ni Isaac, ni Jacob, ni Jesucristo, at ng marami pang iba. Sapagka't sila ang maliwanag na TUPA sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit.
Napakaliwanag na ang nasa dakong kanan at kaliwa ng Dios ay pawang kaluluwa ng mga tao na nangamatay na. Silang lahat ay ibinibilang lamang ng Dios sa mga nagsipagtagumpay na tumalima sa lahat niyang kabawalan at kaayunan.
Si Jesus ng Nazaret, kung gayong nabibilang sa kalipunan ng mga naluluklok sa kanan ng Ama ay isang katotohanan na matuwid tanggapin ng lahat, na siya ay hindi Dios. Kundi gaya lamang ni Abraham, ni Isaac, ni Jacob, at ng marami pang iba na nagsipanggaling sa silanganan at kanluran.
Ang katotohanang iyan ay isang napakatibay na katunayang biblikal, na tahasang pinasisinungalingan at hayagang niwawalang kabuluhan ang likhang doktrinang Trinidad ni Constantino.
Napakaliwanag na ang nasa dakong kanan at kaliwa ng Dios ay pawang kaluluwa ng mga tao na nangamatay na. Silang lahat ay ibinibilang lamang ng Dios sa mga nagsipagtagumpay na tumalima sa lahat niyang kabawalan at kaayunan.
Si Jesus ng Nazaret, kung gayong nabibilang sa kalipunan ng mga naluluklok sa kanan ng Ama ay isang katotohanan na matuwid tanggapin ng lahat, na siya ay hindi Dios. Kundi gaya lamang ni Abraham, ni Isaac, ni Jacob, at ng marami pang iba na nagsipanggaling sa silanganan at kanluran.
Ang katotohanang iyan ay isang napakatibay na katunayang biblikal, na tahasang pinasisinungalingan at hayagang niwawalang kabuluhan ang likhang doktrinang Trinidad ni Constantino.
Wakas ng Paksa
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
Sa pagpapatuloy, ayon pa rin sa kredong ito. Mula sa kanang kamay ng Dios na siyang kaluwalhatian ng langit ay pariritong muli si Jesucristo bilang pangalawang (2nd) pagparito niya.
Ano pa't sa ilang nakaraang paglalahad ng mga katunayang biblikal ay napatunayan na si Jesus ay hindi kailan man lumapat sa kalagayan ng isang Dios na totoo.
Narito, kung gayon ang mahikling talaan ng mga katunayang biblikal, kung bakit itong si Jesus ay hindi lumalapat sa banal na kalagayang Dios, kundi sa likas na kalagayang tao lamang.
1. Si Jesus, gaya nating lahat na mga tao ay NILALANG ng Espiritu Santo mula sa sinapupunan ng isang ina. Ang tunay na Dios ay katotohanan na isang MANLALALANG. Sa gayo'y isang lubhang malaking kahibangan, na sabihing ang isang NILALANG lamang ng Dios ay Dios na ring maituturing. (Mat 1:20)
2. Bilang isang taong makasalanan ay nagpabautismo si Jesus kay Juan Bautista, ng BAUTISMO SA PAGSISISI NG KASALANAN (Mat 3:11)
3. Bilang isang tao na nagpipigil sa paggawa ng masama ay NAG-AYUNO si Jesus ng apat na pung (40) araw at apat na pung (40) gabi. (Mat 4:2)
4. Bilang isang tao na totoo ay TINUKSO si Jesus ng Diyablo. (Mat 4:3-11)
5. Sa New Testament ay pitong pu't walong ulit (78 times) ipinahayag ni Jesus na siya ay ANAK NG TAO. Siya nga ay isang tao na nagsasaysay lamang ng katotohanan na kaniyang narinig sa Dios (Juan 8:40, Juan 20:17)
6. Siya ay NANALANGIN sa Dios (Mat 26:39-44)
7. Siya ay isang TALAYTAYAN (medium) ng banal na Espiritu. (Mat 3:16, Juan 14:10, Juan 12:49)
8. Siya ay may KALULUWA (Mat 26:38)
9. Si Jesus ay NAMATAY. (Mat 27:50)
10. Siya ay kasama na ni Abraham, Isaac, Jacob, at ng mga kaluluwa na nagsipanggaling sa Silanganan (east) at Kalunuran (west), na mga NALULUKLOK SA KANAN NG AMA sa kaluwalhatian ng langit. (Mat 8:11)
Katotohanan, na itong si Jesus ayon sa pagiging isang tunay na banal ng Dios, ay kasama na ni Abraham, Isaac, Jacob, at ng iba pang kaluluwa na nagsipanggaling sa Silanganan (East) at kalunuran (West) na kasalukuyang nangaluluklok sa kanan ng Ama sa kaluwalhatian ng langit.
Gayon pa man ay hindi maaaring kilalaning Dios ang sinomang kaluluwa na naluluklok sa kanan ng Dios. Katotohanan din na ang Espiritu lamang ng kaisaisang Dios na si Yehovah ang may hustong kakayanan at ganap na kapamahalaan na paroonan ang kalupaan, upang dito ay hukuman ang bala niyang maibigan na hukuman.
Ano pa't isang katotohanan na sagradong kalakaran ng sangkalangitan, na sinomang magkapalad na makapasok sa kaluwalhatiang iyon ay hindi na lalabas pa doon.
Gaya ng napakaliwanag na nasusulat,
Apoc 34 :
12 Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at HINDI SIYA'Y LALABAS PA DOON: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng AKING DIOS, at ang pangalan ng bayan ng AKING DIOS, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa AKING DIOS, at ang aking sariling bagong pangalan.
Ang sinoman ngang kaluluwa sa sandaling makapasok sa kaluwalhatian ng langit ay HINDI NA LALABAS PA DOON. Sa madaling salita ay hindi na kailan man nakalabas pa sa kaluwalhatian ng langit si Abraham, si Isaac, si Jacob, at ang maraming kaluluwa na nagsipanggaling sa Silanganan (East) at sa Kalunuran (West) ng dimensiyong materiya. Lalong lalo na nga itong si Jesus ay hindi na din lalabas pa sa dakila at eternal na dimensiyong iyon ng Espiritu.
Kung gayon ay isang katotohanan na maliwanag pa sa sikat ng araw sa katanghaliang tapat, na ang sumusunod na bahagi ng kredong pagano. Saan man at kailan man ay hindi papayagan ng Dios na umiral ang eksistensiya. Sa madaling salita ay isa itong napakaliwanag na kabulaanan lamang.
PANGLIMA (5th) NA MAHALAGANG PAKSA
(Doon magmumulang paririto'y maghuhukom sa nangabubuhay at nangamamatay na tao.)Sa pagpapatuloy, ayon pa rin sa kredong ito. Mula sa kanang kamay ng Dios na siyang kaluwalhatian ng langit ay pariritong muli si Jesucristo bilang pangalawang (2nd) pagparito niya.
Ano pa't sa ilang nakaraang paglalahad ng mga katunayang biblikal ay napatunayan na si Jesus ay hindi kailan man lumapat sa kalagayan ng isang Dios na totoo.
Narito, kung gayon ang mahikling talaan ng mga katunayang biblikal, kung bakit itong si Jesus ay hindi lumalapat sa banal na kalagayang Dios, kundi sa likas na kalagayang tao lamang.
SAMPUNG (10) TAMPOK NA DAHILAN, KUNG BAKIT SI JESUS AY HINDI DIOS, KUNDI TAO LAMANG
1. Si Jesus, gaya nating lahat na mga tao ay NILALANG ng Espiritu Santo mula sa sinapupunan ng isang ina. Ang tunay na Dios ay katotohanan na isang MANLALALANG. Sa gayo'y isang lubhang malaking kahibangan, na sabihing ang isang NILALANG lamang ng Dios ay Dios na ring maituturing. (Mat 1:20)
2. Bilang isang taong makasalanan ay nagpabautismo si Jesus kay Juan Bautista, ng BAUTISMO SA PAGSISISI NG KASALANAN (Mat 3:11)
3. Bilang isang tao na nagpipigil sa paggawa ng masama ay NAG-AYUNO si Jesus ng apat na pung (40) araw at apat na pung (40) gabi. (Mat 4:2)
4. Bilang isang tao na totoo ay TINUKSO si Jesus ng Diyablo. (Mat 4:3-11)
5. Sa New Testament ay pitong pu't walong ulit (78 times) ipinahayag ni Jesus na siya ay ANAK NG TAO. Siya nga ay isang tao na nagsasaysay lamang ng katotohanan na kaniyang narinig sa Dios (Juan 8:40, Juan 20:17)
6. Siya ay NANALANGIN sa Dios (Mat 26:39-44)
7. Siya ay isang TALAYTAYAN (medium) ng banal na Espiritu. (Mat 3:16, Juan 14:10, Juan 12:49)
8. Siya ay may KALULUWA (Mat 26:38)
9. Si Jesus ay NAMATAY. (Mat 27:50)
10. Siya ay kasama na ni Abraham, Isaac, Jacob, at ng mga kaluluwa na nagsipanggaling sa Silanganan (east) at Kalunuran (west), na mga NALULUKLOK SA KANAN NG AMA sa kaluwalhatian ng langit. (Mat 8:11)
Katotohanan, na itong si Jesus ayon sa pagiging isang tunay na banal ng Dios, ay kasama na ni Abraham, Isaac, Jacob, at ng iba pang kaluluwa na nagsipanggaling sa Silanganan (East) at kalunuran (West) na kasalukuyang nangaluluklok sa kanan ng Ama sa kaluwalhatian ng langit.
Gayon pa man ay hindi maaaring kilalaning Dios ang sinomang kaluluwa na naluluklok sa kanan ng Dios. Katotohanan din na ang Espiritu lamang ng kaisaisang Dios na si Yehovah ang may hustong kakayanan at ganap na kapamahalaan na paroonan ang kalupaan, upang dito ay hukuman ang bala niyang maibigan na hukuman.
Ano pa't isang katotohanan na sagradong kalakaran ng sangkalangitan, na sinomang magkapalad na makapasok sa kaluwalhatiang iyon ay hindi na lalabas pa doon.
Gaya ng napakaliwanag na nasusulat,
Apoc 34 :
12 Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at HINDI SIYA'Y LALABAS PA DOON: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng AKING DIOS, at ang pangalan ng bayan ng AKING DIOS, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa AKING DIOS, at ang aking sariling bagong pangalan.
Ang sinoman ngang kaluluwa sa sandaling makapasok sa kaluwalhatian ng langit ay HINDI NA LALABAS PA DOON. Sa madaling salita ay hindi na kailan man nakalabas pa sa kaluwalhatian ng langit si Abraham, si Isaac, si Jacob, at ang maraming kaluluwa na nagsipanggaling sa Silanganan (East) at sa Kalunuran (West) ng dimensiyong materiya. Lalong lalo na nga itong si Jesus ay hindi na din lalabas pa sa dakila at eternal na dimensiyong iyon ng Espiritu.
Kung gayon ay isang katotohanan na maliwanag pa sa sikat ng araw sa katanghaliang tapat, na ang sumusunod na bahagi ng kredong pagano. Saan man at kailan man ay hindi papayagan ng Dios na umiral ang eksistensiya. Sa madaling salita ay isa itong napakaliwanag na kabulaanan lamang.
"Doon magmumulang paririto't maghuhukom sa nangabubuhay at nangamamatay na tao."Ang bahagi ngang iyan ng kredong pagano sa dakong itaas, sa tanggapin man natin, o hindi. Iyan ay isang mapanlinlang na doktriang pangrelihiyon, na kung saan ay bibigyang pag-asa ang marami sa kaganapan na kailan man ay hinding hindi pahihintulutan ng Dios na mangyari.
Wakas ng Paksa
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
I believe in the Holy Spirit,
(Sumasampalataya naman ako sa Dios Espiritu Santo,)
Sino man nga ay kailangang maniwala sa Banal na Espiritu (Holy Spirit). Sapagka't ang kabuoan nito ay walang ibang pinagmulan, kundi ang kaisaisang Dios ng langit lamang. Ang pananampalataya sa Kaniya ay isang karaniwang gawain lamang ng sinomang may kasipagan sa payak na tanghalan ng tunay na kabanalan.
Wakas ng Paksa
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
PANG-ANIM (6th) na MAHALAGANG PAKSA
the Holy Catholic Church, the communion of Saints,
(Sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal;)
Ang banal na pananampalataya ay hindi sa kanino pa man, at hindi kung saan pa man, at lalong hindi sa kung ano pa man. Ito ay nauukol lamang sa LUMIKHA (Yehovah) at hindi sa simbahan (kuriakon) ng mga kasuklamsuklam na mga tao (pagano) lamang ang may likha.
Ang banal na paggalang, o sagradong pamimitagan ay sa mga tunay na banal lamang, na sa kani-kanilang kapanahunan ay lubos na kinilala ng kaisaisang Dios ng langit sa larangan ng tunay na kabanalan. Hinding hindi sa mga santo at santa na pamunuan lamang ng simbahang katolika ang may halal sa kanila. Sila nga'y katotohanan na halal ng tao at kailan man ay hindi ng kaisaisang Dios ng langit.
Sa pangalan lamang ng kaisaisang Dios (Yehovah) na lumikha ng dimensiyon ng Espiritu at nitong dimensiyon ng materiya sasampalataya at sasamba bilang Dios ang lahat.
Siya nga lamang ang nag-iisang makapagpapatawad ng mga kasalanan, bumubuhay, at bumabawi ng eksistensiya ninoman, at ng anoman sa kabuoan ng nabanggit na dalawang (2) dakilang dimensiyon. Siya din naman ang nagkakaloob sa kanino mang kaluluwa ng buhay na kailan man ay hindi nakakakilala ng anomang kawakasan. Sa makatuwid baga’y ng buhay na walang hanggan.
Ano mang kaloob na mula sa kaisaisang Dios ng langit, gaya nitong buhay na taglay ng bawa't kaluluwa ay walang ibang bumabawi, kundi Siya lamang. Nasa kaniya kung gayon ang ganap na kapamahalaan na magbigay at bumawi ng buhay ng bawa't nilikha Niya sa dimensiyong ito ng materiya.
Buhay at kamatayan nga lamang ang masiglang kalakaran sa lupa na ating tinutuntungan. Bawa't isa ay malayang pumili, kung saang panig niya idadako ang sarili niyang kaluluwa.

AMEN
KONKLUSYON:
Ang Apostle's Creed (Sumasampalataya Ako) na isang doktrinang pangrelihiyon ng simbahang pagano. Batay sa hindi kakaunting katiwatiwalang katunayang biblikal. Mula sa mga iyan ay napatunayan ng walang pag-aalinlangan, na ang anim (6) na bahagi nito ay mga pilipit at hidwang paniniwala lamang. Kailan man nga ay hindi iyan sinang-ayunan ng katotohanan na masusumpungan sa mga pahina ng mga banal na kasulatan (OT/NT).
Ang mga sumusunod na ilang bahagi ng kredo na ito sa makatuwid, ay napakaliwanag na hindi kailan man inaring katotohanan ng kaisaisang Dios ng sangkalangitan.
1. Si Jesus ay nag-iisa na anak ng Dios.
2. Si Jesus ay Dios na nagkatawang tao.
3. Si Jesus ay nanaog sa kinaroroonan ng mga patay.
4. Si Jesus ay Dios na naluluklok sa kanan ng Dios Ama.
5. Si Jesus ay bababa mula sa langit upang hukuman ang mga nabubuhay at nangamatay.
6. Na dapat sumampalataya sa simbahang katolika, kay Jesus, sa mga santo at santa, at lalong lalo na sa kanilang Papa (Pope). Na sa hidwa nilang aral, ang Papa (Pope) ay siyang kahalili ni Jesucristo sa kalupaan.
Isang napakalaking hamon sa sinomang nabibilang sa simbahang iyan, na harapin ang katotohanang lakip ng mahikling akdang ito. Sila nga'y ipinanganak anila na katoliko at mangamamatay na katoliko. Iginagalang namin ang pasiya nilang iyan sa kanilang buhay.
Subali't sinoman ay hindi maaaring tumanggi, ni kumaila man sa mga katunayang biblikal na nagbibigay diin, na ang simbahang iyan ay hindi kailan man kinilala ng Dios, na emisario Niya ng tunay na kabanalan sa kalupaan. Kundi sa pagiging sugo ng kasamaan, na walang awang kumakaladkad sa bawa't kaluluwa ng mga miyembro nila sa malagim na dako ng sukdulang kadiliman.
Ang Apostles Creed (Sumasampalataya Ako) kung gayon, partikular ang anim (6) na nabanggit na iba't ibang deklarasyon nito - ay napatunayan na walang pag-aalinlangan, na hindi kailan man naging alinsunod sa Bibliya (unscriptural). ni sa mga salita man ng Dios na masusumpungan sa Katuruang Cristo.
Kamtin ng bawa’t isa ang walang patid na biyaya ng langit na tumutukoy ng ganap sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungan (may unawa), at buhay.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Hanggang sa muli, paalam
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
I would like to give an enormous thumbs up
TumugonBurahinfor the good information you have got right here.KEEP UP THE FAITH GUYS Sakit.info