Sabado, Setyembre 1, 2018

THE APOSTLE'S CREED (Sumasampalataya) Part 2 of 3

THE APOSTLE'S CREED
(Sumasampalataya)

PART 2 OF 3



PANGALAWA (2ND) NA MAHALAGANG PAKSA
Who was conceived by the Holy Spirit, born of the Virgin Mary, 
(Nagkatawang tao Siya LALANG ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.)

Ito ngang si Jesus ayon sa bahaging iyan ng kredo ng simbahang katolika ay ipinanukala at NILALANG ng Dios mula sa sinapupunan ni Maria.

Ano pa't mula sa kawalan ng kaalaman at unawa ng marami sa natatanging kaparaanan ng Dios sa paglikha. Ang mga nilalang na gaya natin ay pinagkamaliang sumamba sa kapuwa nila nilalang. 

Subali't ang karaniwang kadahilanan bang iyan kung gayon ay sapat na, upang si Jesus na NILALANG lamang ng Dios sa bahay bata ng isang ina na gaya natin, ay kikilalanin na ngang Dios.  Sa gayo'y sasambahin na ba siya, na gaya ng pagsamba sa kaisaisang Dios ng langit. 

Hinggil sa usapin na tumutukoy sa paglalang ng Dios sa sinapupunan ng isang ina, ay napakaliwanag ang hustong katotohanan sa bahaging ito ng artikulo na dapat at matuwid na maunawaan ng lahat.


Gaya ng napakalinaw na nasusulat, na sinasabi,

ANG SANGKATAUHAN MALIBAN KAY ADAN AT EBA AY NILALANG NG DIOS MULA SA SINAPUPUNAN NG ISANG INA

Sa simula (1st) ay nilalang ng kaisaisang Dios ng langit ang unang tao (lalake) mula sa alabok ng lupa, kasunod (2nd) nito ay muli siyang lumikha sa pamamagitan ng tadyang ng unang lalake. At sa pangatlong (3rd) ulit ay naganap na muli sa ibang kaparaanan ang tila walang katapusan na paglalang ng Dios mula naman sa sinapupunan ng isang babae.

Na kung lilinawin pa ay gaya ng mga sumusunod,

1. Ang naging unang (1st) paraan ng paglalang na ginawa ng kaisaisang Dios ng langit ay sa pamamagitan ng alabok ng lupa, na siya Niyang kinapal at nagkaroon ng anyo ang unang lalake. 

2. Ang pangalawa (2nd) ay sa pamamagitan ng tadyang ng unang lalake sa paglalang at pag-aanyo ng unang babae.

3. At ang pangatlo (3rd) ay nilalalang (kaluluwa) at inaanyuan (katawang pisikal) ang tao (lalake at babae) mula sa sinapupunan, o bahay-bata ng isang babae.

Gaya ng nasusulat,

Job 33 :
4  NILALANG AKO NG ESPIRITU NG DIOS, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay. 

Jer 1 :
4  Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 
5  BAGO KITA INANYUAN SA TIYAN AY NAKILALA KITA, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa. 

Isa 49 :
5  At ngayo'y sinasabi ng Panginoon na NAGANYO SA AKIN MULA SA BAHAY-BATA  upang maging kaniyang lingkod, upang dalhin uli ang Jacob sa kaniya, at ang Israel ay mapisan sa kaniya: (sapagka't ako'y marangal sa mga mata ng Panginoon, at ang aking Dios ay naging aking kalakasan;) 

Isa 44 :
2  Ganito ang sabi ng Panginoon na LUMALANG SA IYO, at NAGBIGAY ANYO SA IYO MULA SA BAHAY-BATA, na siyang tutulong sa iyo; Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw Jeshurun, na aking pinili. (Isa 57:16)

Sa gayo'y nilalang at inaanyuan ng kaisaisang Dios ng langit ang 
kaluluwa at katawang pisikal ng tao sa sinapupunan ng kaniyang ina. Kaugnay nito, hinggil sa Espiritu at kaluluwa ay madiing winika ng Dios ang mga sumusunod,

Isa 57 :
16  Sapagka't hindi ako makikipagtalo magpakailan man, o mapopoot man akong lagi; sapagka't ang DIWA (Espiritu) ay manglulupaypay sa harap ko, at ang MGA KALULUWA NA AKING GINAWA. (Mat 26:38) 

Mula sa daigdig (mundo), na munting bahaging ito ng dimensiyong materiya: Ang sangkatauhan na mula sa pangatlong (3rd) proseso ng paglalang na iyan ay lumalapat sa likas na kalagayan ng kataastaasang uri ng inanyuang nilikha. Sila nga'y mga lalake at babae, na kung tawagin ng kaisaisang Dios ng langit ay "tao," o mga "anak ng tao." 

Sa kongkretong kadahilanang iyan ay isang katotohanan na matuwid maunawaan ng lahat, na ang sinomang dumaan sa pangatlong (3rd) kaparaanang iyan ng paglikha sa sinapupunan ng isang ina ay tao nga na totoo sa likas nitong kalagayan. 


Ano pa't mula sa kawalan ng kaalaman at unawa ng marami sa tatlong (3) kaparaanan ng Dios na iyan sa paglikha. Ang mga nilalang na gaya natin ay pinagkamaliang sumamba sa kapuwa nila nilalang. Si Jesus na isang NILALANG NG DIOS sa makatuwid ay lubos nilang kinilala sa kataastaasang kalagayan ng Dios. Kasabay nito ay sinamba at pinaglingkuran nila ang kapuwa nila nilalang na si Jesus.

ANG KAPANGANAKAN NI JESUS NG NAZARET
Maliwanag na binibigyang diin ng kasulatan (Mat 1:20), na si Jesus ng Nazaret ay kaluluwang nilalang at binihisan ng nilikhang katawang pisikal nitong Espiritu Santo mula sa sinapupunan nitong si Maria. 

Mat 1 :
20  Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ANG KANIYANG DINADALANG-TAO AY SA ESPIRITU SANTO. 

Datapuwa't kung hindi mauunawaan ng lubos ang mga nagtutumibay na katunayang biblikal sa itaas ay lalabas sa nilalaman ng nabanggit na talata, na iyon ay isa na ngang napakatibay na patotoong biblikal, upang siya ay kilalanin bilang isang Dios na totoo. Palibhasa anila, mula sa sagradong kaparaanang iyon ng paglalang sa sinapupunan ni Maria. Katunayan lamang na siya ay Dios na nagkatawang tao, o sa ibang paliwanag ay Anak ng Dios na lumalapat sa likas na kalagayan ng totoong Dios.

Sa gayon ay maliwanag din, na ang pagiging Anak ay walang ipinagka-iba sa pangatlong (3rd) proseso ng paglikha, na tumutukoy sa pagbibigay ng anyo mula sa bahay-bata ng isang babae. Ano pa't lahat ng nagsipagdaan sa pangatlong (3rd) proseso, o kaparaanan ng paglikha at pag-aanyo ng Dios sa sinapupunan ay tinawag na "TAO," "ANAK NG TAO." 

Kabilang diyan si Jesus ng Nazaret, na madiing nagsasabi, na siya ay gayon nga na "ANAK NG TAO" sa bilang na pitongpu at walo (78), na saan man at kailan man ay hindi inari ang kataastaasang kalagayan na tulad ng sa Dios na totoo.

Ayon na rin sa bahaging iyan ng kredo nitong simbahang katolika, ay nabibilang itong si Jesus sa hanay ng mga NILALANG ng Dios. Laban sa likhang tao na paniniwalang iyan ay hindi kailan man maituturing na Dios ang sino mang NILALANG lamang ng Dios. Ang tunay na Dios sa madaling salita ay hindi gayon, kundi isang MANLALALANG, palibhasa Siya ay walang simula at walang katapusan, na sa kaisahan ng kaniyang persona ay maliwanag na walang lumalang na sino mang Dios sa Kaniya.

Sapagka't,

Isa 45 :
18  Sapagka't ganito ang sabi ni Yehovah na lumikha ng langit, na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na kaniyang inanyuan upang tahanan: Ako si Yehovah; at wala nang iba. 

Isa 45 :
21  Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ako na si Yehovah? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin

Kung gayon na ang Dios (Yehovah) ay nag-iisa nga lamang. Ang napakaliwanag na ibig sabihin lamang nito ay walang sinomag Dios na maaaring lumalang, o limikha sa Kaniya. Katotohanan nga kung gayon, na Siya ay hindi maaaring ibilang sa walang katapusang hanay ng mga NILALANG,
Kundi sa kataastaasang banal na kalagayan ng kaisaisang MANLALALANG.

Mula sa pangatlong (3rd) proseso ng paglikha na kasalukuyan at masiglang umiiral sa dimensiyong ito ng materiya. Na kung ano ay nililikha at inaanyuan ng Dios ang tao sa sinapupunan ng isang ina. Ako, ikaw, tayong lahat, at maging si Jesus ng Nazaret ay maluwalhating dumaan sa nabanggit na dakilang prosesong iyan ng paglikha sa sinapupunan ng isang ina.

Dios nga ang lumilikha at nilikha Niya ang tao, upang ilagay Niya sa likas na kalagayang tao. Ano pa't ang tao ay naging sukdulang palalo at lubos na naging kasuklamsuklam sa Kaniyang paningin. Sila'y tumalikod sa pagkilala sa totoong Dios na sa kaniya ay lumikha sa mismong sinapupunan ng sarili niyang ina.


Mula sa nag-uumapaw niyang kahangalan at kahibangan sa kaniyang sarili. Siya'y pumili at naghalal ng kapuwa niya tao, upang sambahin niya at paglingkuran na gaya ng sa Dios na totoo.  

At ang marami sa halip na itingala ang kanilang mukha sa Dios, upang sumamba sa kaniyang pangalan. Sila ay nagsisamba at nagsipaglingkod sa tao na inihalal lamang na dios ng mga kapuwa nila tao.

Wakas ng Paksa



Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento