PART 1 OF 3
Ayon sa malawakang kaalaman na tinitindigang matibay ng marami, na nagmula sa mga nakaraang yugto ng mga kapanahunan. Itinuturing na isang katotohanan, na ang Dios ay taglay ang likas nitong kalagayang Espiritu. Ayon pa, Siya ay may walang hanggang eksistensiya na hindi kailan man maaaring mapansin ni maunawaan man ng limang (5) pangdama ng tao (panglasa, pang-amoy, pandinig, paningin, pakiramdam).
Iyan ay dahil sa ang kabanalbanalang pag-iral nito'y hindi gaya ng sa atin na may taglay na katawang pisikal (physical body). Sa madaling salita ay walang anomang kakayanan ang mga nabanggit na mga pangdamang pisikal na makita, madinig, malasahan, maamoy, at maramdaman ang Espiritu, mabuti man o masama.
Dahil sa hindi mapapasinungalingang realidad na may ganap na kinalaman sa materiya at Espiritu. Gayon ngang hindi kailan man papasok sa anomang eksistensiya ng katotohanan, na ang materiya ay gaganap, o aakto na gaya ng likas na kalagayang Espiritu. Na kung lilinawin ay hindi kailan man mangyayari, na ang tao sa likas na estadong materiya ay maging Dios, upang siya'y kilalanin sa kalagayang tao na ay Dios pa rin.
Ang langis sa madaling salita ay hindi kailan man maaaring maging tubig, at gaya din naman na ang tubig ay hindi maaaring maging langis, kahi man sila'y magkatulad sa partikular na kondisyong likido. Ang tao sa makatuwid ay hindi kailan man maaaring maging Dios, at ang Dios ay hinding hindi kailan man lalapat sa likas na kalagayan ng NILALANG, sapagka't Siya sa Kaniyang kabuoan ay isang MANLALALANG.
Bago matapos ang ika-anim (6th) na siglo, o sa simula ng ika-pitong (7) siglo, ang Apostles Creed (Sumasampalataya Ako) ay dumating sa finalidad ng pagtanggap, hanggang sa ganap na kilalanin ng pamunuan ng Simbahang Katolika, na opisyal at matibay nilang "Pahayag ng Pananampalataya".
Bago matapos ang ika-anim (6th) na siglo, o sa simula ng ika-pitong (7) siglo, ang Apostles Creed (Sumasampalataya Ako) ay dumating sa finalidad ng pagtanggap, hanggang sa ganap na kilalanin ng pamunuan ng Simbahang Katolika, na opisyal at matibay nilang "Pahayag ng Pananampalataya".
Narito, at sa akdang ito ay masusi nating sisiyasatin, at isa-isang hihimayin ang buong nilalaman ng nabanggit na Kredo.
The Apostle's Creed
The Apostle's Creed
(Sumasampalataya Ako)
l believe in God the Father Almighty Creator of heaven and earth.
(sumasampalataya ako sa Dios Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.)
(sumasampalataya ako sa Dios Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.)
Sa simula nga nito'y ipinakikita ng simbahang katolika ang ganap at hustong pagkilala lakip ang pananampalataya at pagsamba sa kaisaisang Ama na nasa kaluwalhatian ng langit. Siya'y pinaniniwalaan ng lahat sa kanila, na may lalang ng dimensiyong Espiritu (langit) at ng dimensiyong materiya (lupa). Iyan ay isang paniniwala na lubos na tinitindigan ng lahat maging ng marami na nabibilang sa iba't-ibang paniniwala at pananampalataya.
Gayon man, ang mga katagang "God the Father (Amang Dios) ay may direktang pahiwatig, na mayroong "God the Son (Dios Anak).
Kasunod nga nito'y ang pagdedeklara ng pananampalataya kay Jesucristo bilang kaisaisang Anak ng Dios, na Dios Anak anila sa Espiritu nitong kalagayan.
Wakas ng Paksa
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
(Sumasampalataya naman ako kay Hesucristo iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.)
Ang pananampalataya nga nila'y hindi lamang nakatuon sa Ama na nasa langit, kundi pati na rin kay Jesucristo, na sa may diin nilang paninindigan ay lubos na kinikilala bilang kaisaisang Anak ng Dios at Paninoong Dios nilang lahat.
Dahil diyan ay napakaliwanag na ang pinaniniwalaan nilang Dios ay hindi lamang ang Ama, kundi pati na rin si Jesucristo, na anila'y nag-iisang Anak ng Dios na Dios. Subali't ang paniniwala baga nilang iyan ay may sustansiya, na kasusumpungan ng kaukulang awtentikasyon mula sa mga banal na kasulatan |(OT/NT|). Mayroon ba itong kalidad ng pagiging katiwatiwala at kapanipaniwala bilang isang ganap na katotohanan?
Totoo nga ba na si Jesus ay nag-iisang Anak ng Dios lamang?
Totoo nga ba na si Jesus ay nag-iisang Anak ng Dios lamang?
Upang ganap na matugunan ang katanungang iyan ay mangangailangan tayo ng mga patotoong biblikal, na madiing nagsasabi, na itong si Jesus ng Nazaret ay totoo ngang Anak ng Dios.
Gaya nga ng napakaliwanag na nasusulat ay madiing ipinahayag ng sariling bibig ni Jesus ang mga sumusunod.
MATEO 16 :
17 At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng AKING AMA NA NASA LANGIT.
MATEO 18 :
10 Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng AKING AMA NA NASA LANGIT.
MATEO 18 :
19 Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng AKING AMA NA NASA LANGIT.
Mula sa mga talatang iyan sa itaas ay isang lubhang napakaliwanag ngang katotohanan, na itong si Jesus ay walang alinalangan na lumalapat ng ganap sa banal na kalagayan, na tumutukoy sa Anak ng Dios.
Nguni't hindi naman yata mahirap mapansin mula sa mga talatang iyan sa itaas, na hindi niya kailan man winika na NAG-IISA lamang siya sa pagiging Anak ng Dios. Wala nga siyang sinabi, ni pahiwatig man na siya ay bugtong na Anak ng Dios, kundi si Juan lamang mula sa personal niyang opiniyon ang hindi maikakaila na nagwika nito.
JUAN 3 :
16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang BUGTONG NA ANAK, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Kung ang personal ngang opinion ni Juan na iyan sa dakong itaas tungkol sa pagiging bugtong na anak ng Dios nitong si Jesus ay inaaring lubos ng katotohanan. Bakit naman kaya sa ilang sumusunod na talata, ang mga nauna niyang pahayag hinggil dito ay tila yata siya na rin mismo ang sumasalungat.
Gaya ng pinag-agapay niyang mga pahayag,
HINGGIL SA ANAK NG DIOS
Personal na opinion ni Juan
(Bugtong nga Anak ng Dios) |
Personal na opinion ni Juan
(Mga Anak ng Dios) |
JUAN 1 :
18 Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang BUGTONG NA ANAK, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.
|
1 JUAN 3 :
1 Masdan ninyo kung gaanong pagibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y mangatawag na MGA ANAK NG DIOS, at tayo'y gayon nga. ...
|
JUAN 3 :
16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang BUGTONG NA ANAK, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:18, 1Juan 4:9)
|
1 JUAN 5 :
2 Dito’y ating nakikilala na tayo’y nagsisiibig sa MGA ANAK NG DIOS, pagka tayo’y nagsisiibig sa DIOS at TINUTUPAD NATIN ANG KANIYANG MGA UTOS.
|
Dahil sa hindi maikakailang salungatan ng personal na opinyon nitong si Juan na may kinalaman sa usapin hinggil sa anak. Mula mismo sa mga salita (evangelio ng kaharian, o nitong katuruang Cristo) na madiing ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo, ay alamin natin ang katotohanan hinggil sa makontrobersiyal na usaping ito.
Tungkol sa MGA anak ay heto at ating harapin ang aktuwalidad na sinaksihan ni Juan ayon sa hula ni Caifas, at sa mga sinalita ng sariling bibig ni Jesus na katotohanan hinggil diyan.
AYON KAY CAIFAS
JUAN 11 :
52 At hindi dahil sa bansa lamang, kundi UPANG MATIPON DIN NAMAN NIYA SA ISA ANG MGA ANAK NG DIYOS NA NAGSISIPANGALAT.
AYON MISMO SA SARILING BIBIG NI JESUS
JUAN 20:
17 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, AAKYAT AKO SA AKING AMA AT INYONG AMA, AT AKING DIOS AT INYONG DIOS.
Hinggil pa rin sa usaping ito, ayon kay Mateo na isa pa rin nating totoong saksi ni Jesucristo. Ano naman kaya ang mapapatotohanan niya tungkol sa sinalita ng sariling bibig ng Cristo.
MAT 6 :
4 Upang ang iyong paglilimos ay malihim: at ang IYONG AMA na nakakikita sa lihim ay gagantihan ka.
MAT 6 :
6 Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa IYONG AMA na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay gagantihin ka.
MAT 6 :
9 Magsidalangin nga kayo ng ganito: AMA NAMIN na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
Mat 6 :
14 Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng INYONG AMA sa kalangitan.
Mat 6 :
14 Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng INYONG AMA sa kalangitan.
MAT 6 :
18 Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng AMA MO na nasa lihim: at ang AMA MO, na nakikita sa lihim, ay gagantihan ka.
18 Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng AMA MO na nasa lihim: at ang AMA MO, na nakikita sa lihim, ay gagantihan ka.
Ayon na rin sa hindi maikakaila, ni mapapasinungalingan man, na patotoo ng mga tunay na saksi (eyewitness account) ni Jesucristo - Si Jesus na Cristong mula sa munting bayan ng Nazaret ay napakaliwanag at siyang katotohanan, na saan man at kailan man ay hindi lumapat sa kalagayan ng pagka Dios na tumutukoy sa bugtong na Anak ng Dios.
Ano pa't kung ipipilit ang pagiging Dios nitong si Jesus, ay dapat na ring tanggapin ng lahat, na ikaw, ako, at tayong lahat ay pawang mga Dios din.
Sapagka't hinggil sa MGA ANAK ay madiin niyang sinabi,
1. Inyong Ama (Mat 6:14)
2. Iyong Ama (Mat 6:4, Mat 6:6)
3. Ama Namin (Mat 6:9)
4. Ama mo (Mat 6:18)
5. Aking mga kapatid (Juan 20:17)
Itong si Jesus, kung gayon ay hindi kailan man naging kaisaisa, o bugtong na Anak ng Dios, kundi ang mga salitang iyan ay ganap lamang na tumutukoy sa sangkatauhan.
Hinggil sa usapin ng "Panginoon" at "panginoon" ay lubhang marami ang hindi ganap na nakaka-unawa. Ang salitang "Panginoo" sa madaling salita ay tumutukoy lamang sa kaisaisang Dios ng langit (Exo 20:7). Samantalang ang salitang "panginoon" ay tumutukoy sa TAO, gaya ng propeta (Bilang 11:28), Hari (2 Sam 2:7) pangulo (Bilang 36:1), at marami pang iba). Tumutukoy din naman ang pamimitagan na iyan sa anghel ng Dios (Gen 19:1-2) at diosdiosan.
Sa kredong ito ay "Panginoon" na may malaking letrang "P" sa unahan ang ginamit, bagay na nagpapahayag ng pagkilala ng simbahang katolika kay Jesucristo sa kalagayan ng Dios.
Sa ganap na ika-uunawa ng usapin na iyan ay i-click lamang ang sumusunod na pamagat (title) ng artikulo,
Wakas ng paksa
==============================================
(Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing.)
Mula sa matandang kasulatan at tanyag sa tawag na, "bagong tipan ng bibliya" ay mababasa ang paghihirap ni Jesucristo mula sa kamay ng mga tampalasan sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit. Siya nga ay tao na ipinako sa krus, namatay, at inilibing.
MAY KARUGTONG
Ilalathala dito sa September 1, 2018 ang pangalawang bahagi (Part 2 of 3) ng kapanapanabik na nilalaman ng artikulong ito. Inyong abangan.
Sundan ang karugtong sa Part 2 of 3. Please click here.
Sundan ang karugtong sa Part 2 of 3. Please click here.
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento