Ang katagang “ecclesia” sa wikang Griego ay may kahulugan na “called-out” sa lenguaheng Ingles. “Tinawag” naman ang translasyon, o pagkakasalin nito sa ating salita. Sa bibliyang Griego, isang halimbawa ng salitang iyan ay maliwanag na mababasa sa nilalaman ng Mateo 16:18.
Kaugnay niyan ay lumikha ng isang napakalaking problema ang mga translator, nang kanilang ihalili ang salitang “church” sa “called-out”, na siyang husto at wastong salin ng salitang “ecclesia” sa wikang Ingles. Samantalang ang katagang Griego na may kahulugang “church” ay walang iba, kundi ang “kuruakos, o kuriakon”. Diyan ay makikita ng napakaliwanag, na ang orihinal na kahulugan ng salita (ecclesia) sa wikang Ingles ay binago.
Isa lamang ang usaping ito, na kung saan sa bibliya (NT) ay hayagang makikita ang walang pakundangang paglalathala ng maling translasyon (Greek to English).
ANG KAHULUGAN NG CHURCH (SIMBAHAN)
Simulan nga nating bigyan ng kahulugan ang salitang “Church” mula sa sina-unang Ingles (cirice o cyrice), sa Holandes (kerk), at sa salitang Aleman (kirche).
Ang salitang “Church” sa kahulugang diksiyonaryo, ayon sa Oxford English Dictionary ay gaya ng sumusunod,
Church [Old English cir(i)ce, cyr(i)ce, related to Dutch kerk and German Kirche, based on medieval Greek kurikon, from Greek kuriakon (dōma) ‘Lord's (house)’, from kurios ‘master or lord’. Compare with kirk.]
Gayon ngang napakaliwanag na ang English word na "Church" ayon sa nabanggit na English Dictionary sa itaas ay walang alinlangan, na ang kahulugan nito sa wikang Griego ay "kuriakon (old Greek), o kuriakos (modern Greek)."
Kung bibigyan nga namin ng may sintidong kahulugan ang salitang iyan ay gaya nga lamang ng mga sumusunod.
1. Sa literal na pananaw, ang church (Kuriakos) ay tumutukoy sa espisipikong gusali, na kung saan ay dako na ginagawang sambahan ng mga mananampalataya sa kinikilala nilang Dios.
2. Sa aspetong ispirituwal, ang church (kuriakos) ay hindi ang literal na gusali ng pagsamba. Kundi ito'y kalipunan, o kongregasyon ng mga mananampalataya at mananamba sa kinikilalang Dios.
3. Ano mang paniniwala, o pananampalataya, bukal sa puso na paglilingkod, at mataimtim na debosyon ay lumalapat sa umano'y banal na kalagayan ng isang relihiyon.

Diyan ay maliwanag, na ang salitang “Church (kuriakos o kuriakon)” na inihalili at isiningit ng mga tagapagsaling wika (ingles) ng kasulatan (NT) ay hindi isang pagkakamali lamang, kundi sinadyang idagan ng translator ang salitang “Kuriakos (church)” sa katagang “Ecclesia (called-out)”. Kahit na nga ang dalawang (2) salitang iyan ay hindi kailan man naging magkatulad sa mababaw (literal), ni sa malalim man (ispirituwal) na anyo at kahulugan.
Sa mabilis na pag-usad ng panahon, mula sa manipulasyon ng popular at organisadong relihiyon (Roman Catholic Church) ay madaling tinanggap ng mga kasapi nito ang salitang "church" bilang umano'y balido na saling Ingles ng greek word na "ecclesia."
Ang salitang "ecclesia" sa kahulugang diksyonaryo, ayon sa Oxford Universal English Dictionary ay gaya ng sumusunod:
Ecclesia [mediaeval Latin, and Greek - from : SUMMONED] -A regularly convoked assembly, especially the general assembly of Athenians. Later, the regular word for church.
Dagdag pa sa kahulugan na mula sa Encyclopedia Britannica:
In the New Testament, "ecclesia" (signifying convocation) is the only single word used for the church. It (ecclesia) was the name given to the governmental assembly of the city of Athens, duly convoked (called out) by proper officers and possessing all political power including even juridical functions.
Iyan nga ay sa kadahilanan na ang salitang “ecclesia” ay tumutukoy sa sistemang sibil (palingkurang bayan) at sa sistemang political maging sa gawaing hudikatura. Ano pa’t sa tunay na aspetong ispirituwal ay nagpapahayag ito ng masiglang pagtawag (summon) sa sinoman, at ito'y sa pamamagitan ng mga dakilang aral (katuruang Cristo) na itinuturo ng mga totoong mangangaral ng Dios.
Hindi nakapagtataka kung bakit ang nabanggit na simbahan (RCC), saan man at kailan man ay hindi na tumigil sa pakiki-alam at pagdidikta sa alin mang kilusang political ng mga bansa.
[Ipinakahulugan ang salitang “Church (Kuriakos)” sa salitang “ecclesia (called-out)”]
Iyan ay sa nag-iisang kadahilanan lamang. Na palawakin mula sa relihiyoso hanggang sa sibil (palingkurang bayan), sa political at sa iba pang larangan ang hurisdiksiyon ng simbahan (catholic church). Sapagka’t may hidwang turo ang pamunuan nito, na nasa kanila na umano ang lahat ng karapatan na ipinagkaloob ng Dios, upang pairalin sa mundo ang relihiyosong gobyerno (religious government).

Ang paglalapat ng salitang “Church” sa salitang “ecclesia” sa makatuwid ay isang napakaliwanag na katunayan, o tanda, na ang nabanggit na simbahan ay sinimulan na noon pa mang una ang palihim na pagpapakawala ng pailalim na kilusan. Na ang natatanging layunin ay kontrolin ang bawa’t gobyerno na umiiral sa buong kalupaan.
Sapagka’t ang simbahang Katoliko sa ganyang uri ng supremong kalagayan ay maipanghihikayat nila, na kaisaisang simbahan, o relihiyon na umano’y pinili ng Dios, upang humalili at kumatawan sa Dios dito sa lupa. Sa gayo’y magamit na kadahilanan, upang maipairal ang likhang taong ispirituwal na pamahalaan sa buong kalupaan.
Nasa tiyak na pagkagiba at pagkalipol ang kapisanang iyan ng mga pagano, kung hindi nila lalawakan ang kanilang nasasakupan, gaya ng pag-kontrol sa gobyerno ng mga bansa. Hindi nakapagtataka, na ang pamahalaan at mamamayan ng mga bansang Katoliko ay ganap na kontrolado ng simbahang iyan.
Samantalang ang “kuriakos” ay limitado lamang sa “Church” na ang hurisdiksiyon ay tumutukoy lang sa relihiyosong pananaw at gampanin. Dalawang (2) ulit lamang nabanggit ang “kuriakos” sa bibliya, at iyan ay sa 1 Corinto 11:20, ito’y tumutukoy sa “the Lord’s supper.” At muli sa Apoc 1:10, na kung saan ay tumutukoy sa “the Lord’s day.” Ano pa’t sa dalawang (2) pagbanggit na iyan ng salitang “Kuriakos” sa bibliya, ayon sa translasyon ay kapansinpansin na ang mga iyon ay hindi sa saling “church.”
Gayon man, sa King James Version (KJV) ng bibliya (NT) ay namataan ang salitang “ecclesia” sa bilang na isang daan at labinglima (115). Sa bawa’t pagkakataon, maliban sa tatlong (3) talata, ito ay nasa maling translasyon na “church” Ang nabanggit na tatlong (3) bilang ay matatagpuan at mababasa ng maliwanag sa Gawa 19:32, 39, 41. At sa mga talatang iyan ay “assembly” ang pagkakasalin, sa halip na “church”. Ngunit, ang nabanggit na salitang Griego (ecclesia) ay eksaktong kapareho ng iba pang isang daan at labingdalawa (112) na mga kalahok, na kung saan ang tunay na kahulugan nito na “called-out” ay hinalinhan ng maling translasyon na "church".
Ang iglesia (ecclesia) sa orihinal na kahulugan ay magkahalong sibil at political sa anyo at layunin. Ano pa’t nang ito ay inilapat sa simbahan (church) sa anyong ispirituwal ay lumikha ng sukdulang kapangyarihan at hurisdiksiyon na lalong higit ang lawak sa ating inaasahan. Ito’y lumalayong isailalim sa kaniyang kapangyarihan ang buhay materiya at espirituwal ng sangkatauhan, at ganap na kontrolin ang bawa’t pamahalaan ng mga bansa.
Samantalang sa pamamagitan ng kaisahan lamang nitong “kuriakos, o church” ay aspetong ispirituwal lamang ang masasakop. Sa gayon ay mahina ito at walang lakas na paglaruan at paikutin sa kaniyang mga palad ang kapalaran ng bawa’t tao sa kalupaan.

Ang pinagsanib na "ecclesia" at "kuriakos" kung gayon ay nagbabadya ng lalong higit na banta sa kapakanan ng marami pagdating sa aspetong sibil at pulitikal. Sapagka't ang kahikahikayat na propagandang idiolohiko nito ay epektibong behikulo, na siyang tagapagpanatili ng sinoman sa lalong higit na mababang antas ng kamalayan at unawa, pagdating sa larangan ng totoong kabanalan sa kalupaan.
Ngayon nga, kung ilalahad ang nilalaman ng Mateo 16:18 ay gaya ng nasusulat sa dakong ibaba ang maliwanag na mababasa:
Mat 16 :
18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking IGLESIA (MGA TINAWAG); at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
Ang ecclesia sa madaling salita ay:
“SAMBAYANANG LUPON NG MGA TUMUGON SA PAGTAWAG NG DIOS"
Sila kung gayon ang munting kawan ng Dios, na masigla at may galak sa puso na tumataguyod, tumatangkilik, nagtatanggol, nangangaral, at sumusunod sa mga aral (katuruang Cristo) na mismo ay madiing sinalita at may kahinahunan na ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo.
Hindi nito hangarin na kontrolin ang pamahalaan ng mga bansa sa kalupaan. At lalo ng hindi nito gawain na pawalang kabuluhan ang kautusan ng Dios. Bagkus ay bigyan ng masigla at sagradong inspirasyon ang sinoman na tumugon mula sa kabanalbanalang TAWAG (ecclesia) ng kataastaasan.

Sa wakas ay maluwalhating naitayo nitong Espiritu ng Dios na nasa kabuoang pagkatao ni Jesus ang Kaniyang:
ECCLESIA (Sambayanang lupon ng mga tumugon sa pagtawag ng Dios).
Sa katulad na anyo ay Kawan ng mga tupa, Kawan ng Dios, o bayan ng Dios ang napakaliwanag na naitatag ng nabanggit na Espiritu. Hindi relihiyon (religion), o simbahan (church) na tumutukoy sa katolikong Romano at sa iba pa. Sa gayo'y katotohanan nga, na saan man at kailan man ay walang itinatag, ni itinayo man na church (simbahan), o relihiyon ang Espiritu ng Dios, na nasa kabuoang pagkatao nitong si Jesus ng Nazaret nang mga panahong iyon.
Ang ecclesia kung gayon ay bunga ng mapayapa at sagradong pagtawag ng Dios sa atin. Samantalang ang "Church" ng paganong Romanong katoliko ay nagmula sa napakarahas at napakadugo na kaparaanan ng pagtawag. Na ang sinoman noong una sa ayaw at sa ibig niya'y kailangang yakapin ang aral ng nabanggit na simbahan. Ano pa't walang pagsalang kamatayan ang hatol ng pamunuan nito (simbahan) sa sinomang hindi tutugon sa sapilitan nilang pagtawag.
Diyan ay napakaliwanag na makikita ang lubhang malaking kaibahan ng "ecclesia" (iglesia) ng Dios sa "Church" nitong paganong Romanong Katoliko. Ang una kung gayon ay tugon mula sa mahinahon at banayad na pagtawag ng Dios. Samantalang ang pangalawa ay pagtugon, nang dahil sa marahas at madugong kaparaanan ng pagtawag ng mga paganong Romano.
Ang "ecclesia (iglesia)" ay mga tinawag ng Dios, samantalang ang kuriakos (church) ay mga tinawag lamang ng tao. Sa gayon ay hindi mahirap tukuyin sa dalawa (2), kung alin ang tunay na sumasa Dios, at kung alin ang sumasa malabis na kamangmangan at kahibangan ng tao.
Isang napakalaking panlilinlang sa sangkatauhan ang ginawang iyan ng mga paganong Romano. Sapagka't imbis na maging makatotohanan sa partikular na usaping iyan ay nasumpungan silang nagtuturo ng isang napakalaking kasinungalingan.

Ang sinoman ngang nabibilang sa Kaniyang "ecclesia (iglesia)" ay sadyang may masigla at galak sa puso na pakikipag-isa sa kaisaisang Dios ng langit. Nakabigkis ng mahigpit sa kabuoan niyang pagkatao ang katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungan, at buhay, na siya niyang natatangi at siya niyang tunay na relihiyon, na walang iba kundi Dios mismo ang may likha.
Ano pa’t walang sinomang maliligtas na mga kasapi ng alin mang relihiyon, ni simbahan (church) man. Sapagka't iyon ay tao lamang ang may gawa. Ang kaligtasan ng kaluluwa at kapatawaran ng kasalanan, sa makatuwid ay hindi kayang ipagkaloob ng likhang relihiyon ng tao, kundi ito’y tanging nasa divino na kapasiyahan lamang ng kaisaisang Dios ng langit.
Dahil diyan ay isang napakaliwanag na katotohanan ang matuwid na sang-ayunan at nararapat tanggapin ng lahat. Na hindi kailan man naging gawaing maka-Dios, ni isinulong man nito ang nakasanayang kaugalian, o tradisyon ng marami. Na tumangkilik, tumaguyod, magtanggol, at magturo ng mga aral, hinggil sa pagpapasakop ng sinoman sa umano’y saklaw na hurisdiksiyong pangkabanalan ng alin mang simbahan (church), o relihiyon sa kalupaan.
Kamtin ng bawa't isa ang walang patid na pagdating ng mga biyaya ng langit, na tumutukoy ng ganap sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungan, at buhay.
Kamtin ng bawa't isa ang walang patid na pagdating ng mga biyaya ng langit, na tumutukoy ng ganap sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungan, at buhay.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento