Sa aklat ng mga gawa na sinulat nitong si Lucas. Ayon sa kaniya ay may isang hindi pangkaraniwan at mahimala na pangyayaring naganap sa daang malapit sa siyudad ng Damasco (road near to Damascus). Na ito aniya'y kinasasangkutan ni Pablo at ng iba pa niyang kasama at kasabay sa paglalakbay.
Umano'y nagliwanag sa buo nilang paligid ang isang malaking ilaw mula sa langit (Gawa 22:6), at nadinig ni Pablo ang isang kamanghamangha at higit sa karaniwang tinig (supernatural voice), at ito'y nakipag-usap sa kaniya.
Gaya ng nasusulat ay sinabi,
Gawa 9 :
3 At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y NAGLIWANAG SA PALIBOT NIYA ANG ISANG ILAW MULA SA LANGIT (Gawa 26:13)
4 At siya'y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya'y nagsasabi, SAULO, SAULO, BAKIT MO AKO PINAGUUSIG?
7 At ang mga taong kasama niya sa paglalakad ay nangatilihan na hindi makapagsalita, na naririnig ang tinig, datapuwa't WALANG NAKITANG SINOMAN.
Sukat upang maging higit sa sapat ang nilalaman ng mga talatang iyan (Gawa 9:3-5), upang ang marami ay tindigang matibay ang umano'y pakikipag-usap ng Espiritu ni Jesucristo kay Pablo. Iyan ay sa layunin umano na italaga, o ihalal siya bilang apostol ni Jesucristo sa mga Gentil.
Nguni't ang kuwentong nabanggit ni Lucas hinggil sa pangyayaring iyan sa isang bahagi ng buhay ni Pablo ay hindi maiaalis na pag-alinlanganan, o pagdudahan ng mga mag-aaral at ng mga mananaliksik ng kasulatan. Sapagka't sa katotohanan ay hindi niya nasaksihan sa kaniyang sarili ang partikular na kaganapang iyan na isinalaysay niya sa kaniyang sulat (Mga Gawa). Palibhasa'y hindi siya kailan man nakasama sa pulutong ng mga manlalakbay patungong Damasco, na kinabibilangan ni Pablo sa kasagasagan ng panahong iyon.
Maliwanag ayon sa sariling bibig ni Lucas, na ang dalawa (2) niyang sulat (Gospel of Luke, Acts of the Apostles) ay hindi kailan man niya nasaksihan sa kaniyang sarili, bagkus ay gaya lamang ng napakaliwanag niyang pahayag na mababasa sa ibaba, na sinasabi,
Lucas 1 :
1 Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin,
2 Alinsunod sa IPINATALOS sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga SAKSING NANGAKAKITA at mga MINISTRO NG SALITA.
3 Ay MINAGALING KO naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na ISULAT sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo;
Mula sa mga talata (Luc 1:1-3) na iyan sa itaas ay napakaliwanag ang pagkawika ni Lucas, na siya'y bumatay lamang sa mga sali't saling sabi, o kuwento ng mga pinaniniwalaan niyang mga saksi ni Jesucristo. Gayon din, na ang sulat niya tungkol sa buhay ni Pablo ay batay din naman sa sali't saling pahayag ng mga tao, na sa paniniwala niya ay mga saksi din naman sa mga gawa ng taong iyan.
Kung ang dalawa (2) niyang sulat (Gospel of Luke, Acts of the Apostle), o aklat na nabanggit ay gayong ngang mula lamang sa mga nakilala niyang nagsasabing nakasaksi sa buhay ni Jesucristo at ni Pablo. Kung gayo'y karapatan ng sinoman na hanapan ng patotoong biblikal (awtentikasyon) ang mga nilalaman ng mga nabanggit niyang sulat. Kaya't ang mga sulat na gaya niyan, hanggang hindi napapatotohanan ng mga saksing totoo (12 apostol) ay hindi matuwid na kapagdaka'y tindigan bilang katotohanan.
Maliban nga na ang isang nilagdaang salaysay ay mula sa saksing totoo - alin mang paglalahad, o testimoniya kung gayon ay mangangailangan na ng kaukulang awtentikasyon na galing sa pagpapatunay ng mga makatotohanang saksi. Gaya halimbawa ng mga orihinal na apostol na inihalal ng sariling bibig ng Cristo. Sila nga'y walang alinlangan na makapaglalahad ng walang pasubaling katotohanan, hingil sa kanilang nakita, nadinig, naamoy. nalasahan, at naramdaman.
JUAN 15 :
27 At kayo naman ay MAGPAPATOTOO, sapagka't kayo'y nangakasama ko buhat pa nang una.
Iyan ay sa mahikling panahon na sinaksihan nila ang ministeriyo nitong Espiritu ng Dios (Espiritu Santo) na namamahay at naghahari sa kabuoang pagkatao nitong si Jesus nang mga araw na iyon.

Ang pangunahing tanong hinggil sa paksang ito ay,
1. Gaano ba katotoo ang buong nilalaman ng dalawang (2) aklat ni Lucas (Gospel of Luke, Acts of the Apostle), gayong ang mga ito naman pala'y ayon lamang sa tradisyon, o sali't saling sabi ng mga tao na pinaniniwalaan niya, na sa simula ay mga saksing nangakakita, at mga ministro ng salita.
Hinggil sa mga saksing totoo, gaya ng mga tunay at orihinal na mga apostol nitong Espiritu ng Dios (Espiritu Santo). Sila'y
1. Inihalal,
2. hiningahan ng sariling bibig ng Cristo,
3. Tinanggap ng bawa't isa sa kanila ang Espiritu Santo, at kapagdaka'y
4. Ipinangalat sa buong sanglibutan.
1. Inihalal,
2. hiningahan ng sariling bibig ng Cristo,
3. Tinanggap ng bawa't isa sa kanila ang Espiritu Santo, at kapagdaka'y
4. Ipinangalat sa buong sanglibutan.
Gaya ng nangasusulat,
ANG PANGALAN NG LABINGDALAWA (12) BILANG MGA APOSTOL
Mateo 10 :
2 Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito: Ang una'y si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid; si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan;
3 Si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo;
4 Si Simon na Cananeo, at si Judas Iscariote, na siya ring sa kaniya'y nagkanulo.
Napakaliwanag na ang kahustuhan ng gawaing tumutukoy ng ganap sa pangangaral nitong Katuruang Cristo (evangelio ng kaharian) sa buong sanglibutan ay sapat na, upang maluwalhating magampanan ng labingdalawang (12) apostol. Labis na kung gayon sa natatanging layunin ang labingtatlo (13), at kulang naman sa kahustuhan ng bilang ang labing-isa (11). Kaya't sila'y katotohanan na hindi madadagdagan, ni mababawasan man sa bilang na labingdalawa (12). Kung sakaling mawala ang isa, kapagdakay hahalinhan ng karapatdapat, at sa gayo'y mananatili ang nabanggit na hustong bilang (12), hanggang sa dumating ang huling sandali nitong katapusan ng mga kapanahunan.
ANG PAGTANGGAP NG ESPIRITU SANTO
Juan 20 :
22 At nang masabi niya ito, SILA'Y HININGAHAN NIYA, at sa kanila'y sinabi, TANGGAPIN NINYO ANG ESPIRITU SANTO:
Gayon ngang napakaliwanag ayon sa husto at wastong patotoo ng ating saksing si apostol Juan. At ayon sa kaniya, sa mga sandaling iyon ay katotohanan na ang bawa't isa sa kanila ay hiningahan ng sariling bibig ng Cristo, at sa mga sandali nga ring iyon ay tinanggap nilang lahat sa kani-kanilang kabuoan ang Espiritu Santo.
ANG LAYUNIN NG PAGKASUGO SA LABINGDALAWANG APOSTOL
Mateo 28 :
19 Dahil dito MAGSIYAON NG KAYO, at GAWIN NINYONG MGA ALAGAD ANG LAHAT NG MGA BANSA, na SILA'Y INYONG BAUTISMUHAN SA PANGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.
Iyan ang natatanging layunin ng pangalawang (2nd) pagkasugo sa labingdalawang (12) apostol, na ang una ay nang sila'y isugo sa buong sangbahayan ng Israel. At sa panglawa'y bumautismo sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo, at gawing alagad ng tunay na kabanalan (KATURUANG CRISTO) ang lahat ng mga bansa sa kalupaan.
Sapagka't ayon sa nagtutumibay na turong pangkabanalan na ukol sa sanglibutan ay ito ang napakaliwanag na nasusulat.
Mateo 24 :
14 At IPANGANGARAL ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.
Nilinaw ng kasulatan kung sinu-sino (labingdalawang apostol) ang babautismo sa tatlong (3) pangalan, at mangangaral sa layuning gawing alagad ang lahat ng mga bansa. Sa gayo'y tinanggap ng bawa't isa sa kanilang kalooban ang Espiritu Santo, at dahil diyan ay niliwanag kung anong turo na pangkabanalan (evangelio ng kaharian) ang tanging aral na ipangangaral sa buong sanglibutan.
Gaya ng malinaw na mababasa sa ibaba, na sinasabi,
1. Labingdalawang (12) apostol ang babautismo sa tatlong (3) pangalan. Sa kanila'y hindi kabilang si Pablo.
2. Labingdalawang (12) apostol ang binigyan ng ganap na kapamahalaan na gawing alagad ang lahat ng mga bansa. Sa kanila'y hindi kabilang si Pablo.
3, Labingdalawang (12) apostol lamang ang hiningahan ng sariling bibig ng Cristo. Sa kanila'y hindi kabilang si Pablo.
4. Labingdalawang (12) apostol lamang ang tumanggap ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng iginawad sa kanila na hininga ng sariling bibig ng Cristo. Sa kanila'y hindi kabilang si Pablo.
5. Katuruang Cristo, o Evangelio ng Kaharian lamang ang itinalaga ng Dios, na ipangaral sa sangkatauhan. Sa halip ay Evangelio ng di-pagtutuli na sumasalangsang ng ganap sa Katuruang Cristo (Evangelio ng Kaharian) ang ipinangaral ni Pablo.
Mula sa kongretong katunayang iyan ay walang alinlangan na nalalahad sa dilang maliwanag ang mga huwad na apostol, at mga huwad na mangangaral gaya nitong si Pablo, na isang huwad na apostol at huwad na mangangaral. Gayon din ang mga kasama niya na sila Lucas, at Marcos, na mga huwad na evangelista.

Dahil sa hindi maikakailang katotohanan na iyan ay hindi katakataka na ang nabanggit na dalawang (2) sulat, o aklat ni Lucas ay walang pagsalang kakikitaan ng mga mali at pilipit na pahayag ng mga pangyayari at hidwang aral pangkabanalan. Palibhasa nga, si Lucas, at maging si Pablo ay hindi kailan man naging saksi ni Jesuscristo.
Ang lahat ng kanilang sinulat ay ayon sa kanikanilang personal na opinyon, at sa mga nadinig nilang iba't ibang kuwento. Mula din naman ang mga iyon sa mga samo't sari na sali't saling sabi ng mga tao ang naitala nila sa kanilang sulat.

Ang pangalawang tanong ay ito:
2. Gaano nga ba katotoo na ang umano'y nakausap na Espiritu ni Pablo sa daang malapit sa siyudad ng Damasco (road near to Damascus) ay walang iba, kundi ang Espiritu ni Jesucristo?
Dahil nga sa ang dalawang (2) sulat ni Lucas (Gospel of Luke, Acts of the Apostle) ay mula lamang sa samo't sari na sali't saling sabi ng mga tao. Sapat na kung gayon ang di tiyak na kalagayang iyan ng kaniyang mga sulat, upang mapagtibay na ang anomang pahayag na hindi magmumula sa mga saksing totoo ay tiyak na kakikitaan ng mga kathang kuwento lamang. O kaya naman ay lakip ang mga sinadyang dagdag at bawas sa katotohanan, o paglilihis sa aktuwalidad ng mga pangyayari na masusumpungan lamang mula sa mga balidong salaysay (eyewitness account) ng mga totoong saksi.
Kaugnay ng pangalawang tanong na iyan. Hinggil sa mga tagapagligaw (misleader) ng landas pangkabanalan. Ayon kay apostol Mateo ay mayroong madiing babala na mula sa sariling bibig ng Cristo, na sinasabi,
Mateo 24 :
4 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman.
5 Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, AKO ANG CRISTO; at ililigaw ang marami.
Sa talata ngang iyan ay ibinababala mismo ng sariling bibig ng Cristo, na hindi siya ang Espiritu na nagsasalita, kung ang paraan ng pagpapakilala ay sasabihing "AKO ANG CRISTO" o kaya naman ay "AKO NGA SIYA"
At sa mga tao na dumarating na isinasangkalan ang kaniyang pangalan ay ililigaw lamang pala nila ang ating kaluluwa. Dahil diyan ay madiing winika ng sariling bibig ni Jesus ang mga sumusunod,
Mateo 7 :
22 Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?
23 At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, KAILAN MA'Y HINDI KO KAYO NAKIKILALA: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.
Gaya nitong si Pablo na isinasangkalan at ginagamit lamang ang pangalan ni Jesus ng Nazaret, datapuwa't aral (evangelio ng di pagtutuli) na salungat at hidwa sa Katuruang Cristo (Evangelio ng kaharian) ang kaniyang itinuturo sa marami. Sa gayo'y ipahahayag nitong Espiritu Santo na noon ay tumira sa kalooban ni Jesus, na kailan man ay hindi Niya nakilala ang taong nagngangalang Pablo. (Saulo ng Tarsus).
Sa pagpapatuloy ay saan nga ba ang pook o dako na ibinabala ng Cristo, na kung saan ay magpapakilala ang tagapagligaw ng kaluluwa. At gaya ng napakalinaw na nasusulat kung saan ay madiing inihayag ng sariling bibig ni Jesucristo,
Mateo 24 :
24 Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.
25 Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo.
26 Kaya nga kung sa inyo'y kanilang sasabihin, Narito, siya'y nasa ILANG; huwag kayong magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan.
27 Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at NAKIKITA hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
Bago pa nga mangyari ang paglitaw ng mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta na pinangungunahan ni Pablo ay ipinagpauna ng ibabala ng sariling bibig nitong si Jesus ang gayon.
Sa makatuwid ay lilitaw at magpapakilala ang tagapagligaw ng kaluluwa sa ILANG (wilderness), o sa loob umano ng isang silid. Na ang ganap na kinatuparan ay ang umano'y Espiritu ni Jesus, na napakita kay Pablo sa Ilang (daang malapit sa mga hangganang nasasakupan nitong siyudad ng Damasco.)
Ang kabilinbilinan ay huwag silang paniwalaan. Sapagka't kung hindi nga iyon katotohanan at sa gayo'y hindi dapat paniwalaan ay maliwanag na ang nagpakilalang espiritu sa daan na malapit sa mga hangganan ng Damasco ay hindi sumasa Dios. Kundi ito nga ang tagapagligaw ng kaluluwa na walang iba, kundi ang espiritu ng diyablo (Satanas) na nagbabatkayo lamang sa anyo ng nakasisilaw na liwanag (2 Cor 11:14, Gawa 26:13).

Datapuwa't kung paano nga ang kidlat ay nasasaksihan ng marami na nagmumula sa silanganan at NAKIKITA hanggang sa kalunuran ay gayon nga rin ang pagparito ng Anak ng tao (Mat 24:27). Sa madaling salita ay maliwanag na makikita ng dalawang (2) mata ng sinoman ang pagparito ng Cristo (Anak ng tao) mula silanganan (east) hanggang sa kalunuran (west).
Ano pa't kapag ang salita ng sariling bibig ng Cristo at ang mga samo't saring kuwento na nakalap ni Lucas ay paghahambingin. Makikita ng napakaliwanag, kung kanino natutupad ang mahigpit niyang babala, hinggil sa lilitaw na tagapagligaw ng kaluluwa.
Narito, at siyasatin nating mabuti ang salungat na kuwento ni Lucas hinggil sa umano'y Espiritu ni Jesuscristo na nakausap ni Pablo sa ILANG(wilderness), o sa daan na malapit sa siyudad ng Damasco. Na kung lilinawin pa'y pook, o dako na labas at nalalapit na sa mga nasasakupang hangganan ng nabanggit na siyudad.
Ihambing nga natin ang mga pinagpupulot niyang kuwento (Sa mga Gawa) sa mga salita (Katuruang Cristo) na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ni Jesucristo.
AYON SA NAKALAP NI LUCAS NA MGA SAMO’T SARING KUWENTO
|
AYON SA SINALITA AT IPINANGARAL NG SARILING BIBIG NG CRISTO
|
Gawa 9 :
7 At ang mga taong kasama niya sa paglalakad ay nangatilihan na hindi makapagsalita, na naririnig ang tinig, datapuwa't WALANG NAKIKITANG SINOMAN.
8 At nagtindig sa lupa si Saulo; at pagkadilat ng kaniyang mga mata, ay DI SIYA NAKAKITA NG ANOMAN; at kanilang inakay siya sa kamay at ipinasok siya sa Damasco.
|
Mateo 24 :
27 Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at NAKIKITA hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
|
Gawa 9 :
3 At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y NAGLIWANAG SA PALIBOT NIYA ANG ISANG ILAW MULA SA LANGIT.
4 At siya'y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya'y nagsasabi, SAULO, SAULO, BAKIT MO AKO PINAGUUSIG?
5 At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, AKO SI JESUS na iyong pinaguusig:
|
Mateo 24 :
4 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, mangagingat kayo na huwag kayong maili- gaw ninoman.
5 Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsa- sabi, AKO ANG CRISTO; At ililigaw ang marami.
|
Ayon sa pulot na kuwento ni Lucas ay nakita ang nakasisilaw na liwanag at nadinig ng lahat ang malahimalang tinig na umano'y boses ng Espiritu ni Jesus. Ito'y hindi kailan man maaaring mangyari, sapagka't ang salita ng Espiritu ay hindi madidinig ng sinomang tao, malibang ito'y gumamit ng talaytayan (medium) na magsasatinig ng kaniyang mga salita.
Kakaiba naman ang aktuwalidad ng nangyari kay Juan mula sa isla ng Patmos. Siya naman ay napasa kalagayan ng Espiritu, at sa gayo'y nadinig niya ang tinig ng anghel at naipasilip lamang sa kaniya nito ang ilang simbolismong tanawin sa dimensiyon ng Espiritu.
Samantalang sa kuwento ni Lucas ay nasa literal, o materiyang kalagayan ang pulutong ng manglalakbay na kinabibilangan ni Pablo. At dahil diyan ay hindi maaaring mangyari, na silang lahat ay ilagay ng banal na Espiritu sa kalagayan ng Espiritu, sa layuning madinig lamang nilang lahat ang kaniyang mga salita, kundi isa lamang ang sasaniban ng banal na Espiritu, upang ang kaniyang salita ay isatinig nito, at sa gayo'y madining ng lahat ang kaniyang mga salita.
Sa panahong iyon ay maliwanag na talamak sa kasamaan ang buong pagkatao nitong si Pablo. Mula sa kadahilanang iyan ay katotohanan na siya'y hindi maaaring gamitin ng Dios bilang isang talaytayan (medium) ng sarili nitong Espiritu. Tanging ang may malilinis na kalooban at sila na mga kalugodlugod sa paningin ng kaisaisang Dios ang hinihirang Niyang talaytayan (medium), o daluyan ng banal niyang Espiritu. Dahil diyan ay hindi kailan man maaaring mangyari, na ang isang taong pusakal sa kasamaan, na malabis na kinasusuklaman ng Dios ay tatanggap ng partikular na tungkulin na tanging sa mga totoong banal lamang ganap na nauukol

Kung ang paghahambing na nalalahad sa itaas ang gagawing matibay na pamantayan ng katotohanan. Isang bagay lamang ang lalabas na konklusyon dito.
Isa lamang sa dalawa (2) ang lalabas na katotohanan at iyan ay walang iba, kundi ang salita ng sariling bibig ng Cristo. Isa din sa dalawa ang lalabas na aral ng tagapagligaw ng kaluluwa, at iyan ay ang kay Lucas.
"Salita ng sariling bibig ng Cristo laban sa mga pulot na sali't-saling sabi ng mga tao."
Isa lamang sa dalawa (2) ang lalabas na katotohanan at iyan ay walang iba, kundi ang salita ng sariling bibig ng Cristo. Isa din sa dalawa ang lalabas na aral ng tagapagligaw ng kaluluwa, at iyan ay ang kay Lucas.
SA IBANG ANGGULO AY SIPATIN NATIN
Sa kabilang dako, ipalagay na nating totoong si Pablo ayon sa kuwento ni Lucas ay may naka-usap nga na espiritu, at iyon ayon pa rin sa kaniya ay espiritu ni Jesucristo.
Ano pa't kapag ginamit natin muli na patibayang aral ang paghahambing ng sulat ni Lucas sa mga salita na ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo. Lalabas ang natatanging katotohanan, na ang nakausap ni Pablo sa ILANG (wilderness), o sa daang malapit sa siyudad ng Damasco ay maliwanag na hindi ang espiritu ni Jesucristo, kundi ang karumaldumal na espiritu ng diyablo (Satanas) lamang.
NABUBUHAY KAY PABLO SI JESUCRISTO
Ayon naman sa mismong sulat ng sariling kamay nitong si Pablo. Hindi nagtapos sa pagpapakita lamang ni Jesucristo sa kaniya sa daang malapit sa siyudad ng Damasco ang lahat. Kundi, ang espiritu ni Jesus aniya ay tumitira sa kaniya. Na kung lilinawin ay isa na siyang permanenteng talaytayan (medium) ng espiritu ni Jesucristo.
Gaya ng pagkasulat ni Pablo ay madiin niyang winika,
Gaya ng pagkasulat ni Pablo ay madiin niyang winika,
Gal 2 :
20 Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at HINDI NA AKO ANG NABUBUHAY, kundi SI CRISTO ANG NABUBUHAY SA AKIN: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.
Sa gayong katamis na mga salita at sa ganyang kahikahikayat na pahayag ba ay kaagad na tayo'y sasang-ayon at a-amen na lamang sa kadudaduda niyang mga salitang iyan? Bagkus ay bahagya nga nating siyasatin, kung ang sinalita ng sarili niyang bibig ay gayon nga rin ang kaniyang ginawa.
Ano pa't kung katotohanan na hindi na siya ang nabubuhay at espiritu na nga lamang ni Jesus ang nabubuhay sa kaniyang kabuoan. Matuwid lang na sasang-ayunan lahat ng nabanggit na espiritu ni Jesus na nasa kabuoan ni Pablo ang mga aral (katuruang Cristo). Na nang si Jesuscristo ng Nazaret ay nasa sanglibutan pa ay masigla at may katapangan niyang ipinangaral sa mga tupa na nangaligaw sa sangbahayan ni Israel.
PAGHAMBINGIN NATIN ANG TURO NITONG CRISTO NG NAZARET AT ANG TURO NG SINASABI NI PABLO NA CRISTO NG DAMASCO NA NABUBUHAY SA KANIYANG KABUOAN.
TUNGKOL SA KAUTUSAN
TURO NITONG CRISTO NG NAZARET
|
TURO NG UMANO'Y CRISTO NA NABUBUHAY KAY PABLO
|
MATEO 5 :
17 Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan(Torah) o ang mga propeta(Nevi’im) ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
18 Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN(Torah), hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
MATEO 19 :
17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay,
JUAN 12 :
50 At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS(Torah) AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
|
ROMA 3 :
20 Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.
ROMA 4 :
15 Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANGSANG.
ROMA 7 :
6 Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin, ano pa’t NAGSISIPAGLINGKOD NA TAYO SA PANIBAGONG ESPIRITU, at hindi sa karatihan ng sulat.
GAL 5 :
18 Datapuwa’t kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, ay WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN.
|
Mula sa pinaghambing na turo nitong Cristo ng Nazaret at ng Cristo ng Damasco na umano'y tumitira sa kabuoang pagkatao ni Pablo. Hindi mahirap makita ang malabis na pagsalangsang at paghihimagsik ng pangalawa (Cristo ng Damasco) sa una (Cristo ng Nazaret).
Tungkol sa kautusan ay maliwanag nga na hindi kailan man sinang-ayunan nitong Cristo ng Nazaret (Jesus) ang aral (evangelio ng di pagtutuli) na minamatuwid nitong Cristo ng Damasco, na umano'y tumitira sa buong pakatao ni Pablo. Diyan ay kitangkita ng napakaliwanag, kung paano binabaligtad ng huwad na Cristo (false Christ) ang aral (katuruang Cristo) na ipinangangaral ng tunay na Cristo (true Christ), na walang iba , kundi si Jesus ng Nazaret.

TUNGKOL SA PANANAMPALATAYA
TURO NITONG CRISTO NG NAZARET
|
TURO NG UMANO'Y CRISTO NG DAMASCO NA NABUBUHAY KAY PABLO
|
MAT 23 :
23 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't ang KATARUNGAN, at ang PAGKAHABAG, at ang PANANAMPALATAYA: datapuwa't dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.
SANT 2 :
8 Gayon man kung inyong GANAPIN ANG KAUTUSANG HARI, ayon sa kasulatan, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili, ay NAGSISIGAWA KAYO NG MABUTI.
14 Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya’y may PANANAMPALATAYA, nguni’t WALANG MGA GAWA? (kautusan) makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan?
17 Gayon din naman ang PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA GAWA (kautusan), ay patay sa kaniyang sarili.
18 Oo, sasabihin ng isang tao, Ikaw ay mayroong PANANAMPALATAYA, at ako’y mayroong mga GAWA: ipakita mo sa akin ang iyong PANANAMPALATAYANG HIWALAY SA MGA GAWA (Kautusan), at ako sa pamamagitan ng aking mga GAWA ay ipakita sa iyo ang aking PANANAMPALATAYA.
20 Datapuwa’t ibig mo bagang maalaman, Oh TAONG WALANG KABU- LUHAN, na ang PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA GAWA AY BAOG?
22 Nakikita mo na ang PANANAMPALATAYA AY GUMAGAWANG KALAKIP ANG KANIYANG MGA GAWA, at sa pamamagitan ng mga GAWA, ay nagiging SAKDAL ANG PANANAMPALATAYA.
24 Nakikita ninyo na sa pamamagitan ng mga GAWA’Y INAARING GANAP ANG MGA TAO, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya LAMANG.
26 Sapagka’t kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA GAWA AY PATAY.
|
GAL 2 :
16 Bagama’t naaalaman na ang tao ay hindi inaaring ganap sa mga gawang AYON SA KAUTUSAN, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo’y ariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at HINDI DAHIL SA MGA GAWANG AYON SA KAUTUSAN: sapagka’t sa mga gawang ayon sa kautusan ay HINDI AARIING GANAP ANG SINOMAN.
GAWA 13 :
39 At sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y HINDI KAYO AARIING GANAP sa pamamagitan ng KAUTUSAN NI MOISES.
GAL 3 :
11 Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaringganap sa KAUTUSAN sa harapan ng Dios; sapagka’t ang GANAP AY MABUBUHAY SA PANANAMPALATAYA.
ROMA 4 :
5 Datapuwa’t sa kaniya na hindi GUMAGAWA, nguni’t sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa MASAMA, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran.
ROMA 3 :
28 Kaya nga MAIPASISIYA NATIN na ang tao ay inaaring-ganap sa PANA- NAMPALATAYA na HIWALAY SA MGA GAWA NG KAUTUSAN.
|
Narito, at ang maliwanag na itinuturo ni Jesus ng Nazaret ay ang,
Ano pa't sa turo naman nitong Jesus ng Damasco na tumitira umano sa kabuoang pagkatao ni Pablo ay ang,
Salamat na nga lamang, at nabunyag ang katotohanan na naglalahad ng tumpak at mga presisyong detalye, upang makita ng lubhang maliwanag ang pagiging huwad nitong Cristo na umayo'y tumitira sa kalooban ni Pablo.
Ang una (Jesus ng Nazaret) nga'y nagtuturo na tumaguyod, tumangkilik, mangaral, magtanggol, at tumalima sa kautusan nitong kaisaisasng Dios ng langit. Samantalang ang Jesus ng Damasco sa pamamagitan ni Pablo ay nagtuturo, na huwag gumawa alinsunod sa mga kautusan ng Dios.
Isa ngang matibay na tanda o patotoo ang gayon, upang mapagkilala na walang anomang pag-aalinlangan ang kampon ni Satanas na gaya ni Pabo at Lucas, na lumalapat ng ganap sa kasuklamsuklam na kalagayan ng isang anticristo na totoo.
"Pananampalataya na may gawa ng mga kautusan ng Dios."
Ano pa't sa turo naman nitong Jesus ng Damasco na tumitira umano sa kabuoang pagkatao ni Pablo ay ang,
"Pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan ng Dios."
Salamat na nga lamang, at nabunyag ang katotohanan na naglalahad ng tumpak at mga presisyong detalye, upang makita ng lubhang maliwanag ang pagiging huwad nitong Cristo na umayo'y tumitira sa kalooban ni Pablo.
Ang una (Jesus ng Nazaret) nga'y nagtuturo na tumaguyod, tumangkilik, mangaral, magtanggol, at tumalima sa kautusan nitong kaisaisasng Dios ng langit. Samantalang ang Jesus ng Damasco sa pamamagitan ni Pablo ay nagtuturo, na huwag gumawa alinsunod sa mga kautusan ng Dios.
Isa ngang matibay na tanda o patotoo ang gayon, upang mapagkilala na walang anomang pag-aalinlangan ang kampon ni Satanas na gaya ni Pabo at Lucas, na lumalapat ng ganap sa kasuklamsuklam na kalagayan ng isang anticristo na totoo.
TUNGKOL SA BAUTISMO
TURO NITONG CRISTO NG NAZARET
|
TURO NG UMANO'Y CRISTO NA NABUBUHAY KAY PABLO
|
MATEO 3 :
11 Sa katotohanan ay BINABAUTISMUHAN KO KAYO SA PAGSISISI: datapuwa’t ang dumarating sa hulihan ko ay LALONG MAKAPANGHARIHAN kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: SIYA ANG SA INYONG MAGBABAUTISMO SA ESPIRITU AT APOY.
MATEO 28 :
19 Dahil dito’y magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong BAUTISMUHAN sa PANGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.
20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo, at narito, AKO’Y SUMASA INYONG PALAGI, HANGGANG SA KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.
|
ROMA 6 :
3 O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga NABAUTISMUHAN KAY CRISTO JESUS AY NANGABAUTISMUHAN SA KANIYANG KAMATAYAN?
4 Tayo nga’y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng BAUTISMO SA KAMATAYAN: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong buhay.
GAWA 19 :
5 At nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila sa PANGALAN ng Pangi- noong Jesus.
6 At nang MAIPATONG NA NI PABLO, sa kanila ang kaniyang mga KAMAY, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo; at sila’y nagsipagsalita ng mga wika, at nagsipanghula.
|
Sa turo ng sariling bibig nitong Cristo ng Nazaret ay babautismo ang mga tunay na alagad ng Dios sa pangalan ng Ama, at sa pangalan ng Anak, at sa pangalan ng Espiritu Santo. Na kung lalawakan pa ay bautismo sa tatlong (3) pangalan ang matatamo ng mga tumataguyod, tumatangkilik, nagtatanggol, nangangaral, at sumusunod sa Katuruang Cristo (evangelio ng kaharian).
Samantalang sa turo nitong Cristo na umano'y tumitira kay Pablo. Ang bautismo ay hindi sa tatlong (3) pangalan, kundi sa isang (1) pangalan lamang at iyan ay sa pangalan ni Jesus lamang. Tinawag niya itong "Bautismo sa Kamatayan."
Ano pa't mula sa turo ng dakila at sagradong aral (katuruang Cristo) pangkabanalan ay hindi kailan man isinulong, ni ipinahiwatig man ang gaya ng nabanggit na hidwang kaparaanan ng bautismo nitong si Pablo.
Narito, at hindi malilingid sa kanino mang mata ang napakalaking pagkakaiba ng mga talatang pinaghambing sa itaas. Bulag nga lamang ang hindi makakakita ng masidhing pagsalungat nitong antiCristo na tumitira sa buong pagkatao ni Pablo, laban sa turo ng panganay ni Maria na siyang Cristo ng Nazaret.
Maliwanag pagdating sa usapin ng kautusan, pananampalataya, at bautismo, gayon din sa likas na kalagayan ni Jesus ay makikita ng napakaliwanag, kung paano sinasalangsang ng Cristo ni Pablo ang Cristo ng Nazaret.
Sa gayo'y sino ba sa dalawang (2) Cristo ang dapat paniwalaan at matuwid na sundin ng lahat? Sa sumusunod na talata ay mabibigyang linaw ang katuwiran ng ating Amang nasa langit, sa kung sino at kaninong turo sa kalupaang ito ang ating pakikinggan at susundin.

Gaya ng madiing utos ng Ama ay winika,
Mateo 17 :
5 Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
Napakaliwanag ang mahigpit na utos ng Ama, na ang Cristo ng Nazaret lamang ang ating pakikinggan at susundin. Hindi kailan man ang anticristo (false christ) na umano'y namamahay sa kabuoang pagkatao nitong si Pablo. Na aniya'y kumausap at tumira sa kaniya mula sa daang malapit sa siyudad ng Damasco.
KONKLUSYON
Bilang pagtatapos ay katotohanan na nararapat tindigang matibay ng lahat. Na ang umano'y espiritu ni Jesucristo na kumausap kay Pablo mula sa ilang, o sa daan na malapit sa siyudad ng Damasco ay hindi totoong espiritu ni Jesucristo. Ito'y napakaliwanag na tumutukoy ng ganap sa karumaldumal na espiritu ng demonyo (Satanas), na nagpakunwari lamang sa anyo ng isang nakasisilaw na liwanag. Sapagka't siya'y gaya din ng isang anghel ng liwanag, na nang lumihis sa daang matuwid ng kaisaisang Dios ng langit, ay nakilala sa katawagang, "Anak ng bukang liwayway (son of the dawn).
Si Pablo sa katapusan ng mga salita ay katotohanan na hindi kailan man, tinawag nitong Cristo Jesus ng Nazaret bilang tagapangaral ng mga salita ng Dios, ni bilang isang apostol, ni bilang isang lehitimong mang-gagawa ng Dios. Sapagka't saan man at kailan man ay hindi humirang ang Dios ng isang sukdulan sa kasamaan, upang gumanap sa sagradong gawain ng mga tunay na banal. Saan man at kailan man din ay wala isa man sa mga tunay na apostol na naglubog sa kaniyang ulo sa ilog ng Jordan. Sa makatuwid ay hindi siya kailan man dumaan sa sagradong rituwal nitong bautismo sa pagsisisi ng kasalanan.
Ang totoong tumitira sa buo niyang pagkatao ay walang alinlangang napatotohanan na Espiritu ng demonyo (Santanas), na tanyag din sa tawag na ANTICRISTO.
Ang totoong tumitira sa buo niyang pagkatao ay walang alinlangang napatotohanan na Espiritu ng demonyo (Santanas), na tanyag din sa tawag na ANTICRISTO.
Ang mga sulat ni Lucas partikular ang sa "Mga Gawa" (Acts of the Apostle) ay lumalapat sa kalipunan ng mga kasulatan na kasusumpungan ng mga pinaglubidlubid na kasinungalingan lamang. Iyan ay sa layong ilihis sa matuwid na landas ng tunay na kabanalan ang sinoman sa kalupaan.
Ang Evangelio ni Lucas (Gospel of Luke) ay napakaliwanag na bunga lamang ng walang habas na pagrebisa sa Evangelio ng Apostol na si Mateo. Ang Evangelio ni Lucas at ang Evangelio ni Marcos sa madaling salita ay revised edition lamang ng Evangelio ni Mateo. Sa makatuwid ay binawasan at dinagdagan ang kabuoan ng eyewitness account sa buhay ng Cristo Jesus. At dahil diyan ay naiba at nalayo na sa katotohanan ang chronology of time and events na nilalaman ng eyewitness account.

Anomang pahayag kung gayon, na mula lamang sa sali't saling sabi ng mga tao ay lubhang nalalayo sa katotohanan. Tanging eyewitness account lamang ang kasusumpungan ng aktuwalidad, o ng presisyong pagsasalarawan ng anomang nakaraang kaganapan.
Isang napakaliwanag na katotohanan kung gayon, na ang umano'y espiritu na tumira at namahay sa kalooban ni Pablo ay hindi ang Cristo, kundi ito ay espiritu ng isang ANTICRISTO na totoo. Sa gayo'y hindi mahirap unawain, na ang nabanggit na espiritu ng anticristo na iyan ay si Satanas mismo at wala ng iba pa.

ITO ANG KATURUANG CRISTO
Tamuhin ng lahat ang walang humpay na samyo ng mga biyaya na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
RELATED ARTICLES:
(Please click the title)
1. MGA PANANALANSANG NI PABLO KAY JESUS
2. PABLO APOSTOL NGA BA NG CRISTO?
3. TANUNGIN NATIN SI PABLO
4. ANG UMANO'Y PAGBABALIK NI JESUCRISTO SA NASASAKUPANG PANAHON NI PABLO
5. SAN PABLO ISRAELITA NGA BA?
6. SAN PABLO PASIMUNO NG DAGDAGBAWAS
7. SAN PABLO : TALAYTAYAN (Medium) daw ng Espiritu ni Jesus
8. SAN PABLO: ULIRAN NA LINGKOD NI SATANAS
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento