Laganap sa buong
kapuluan at maging sa ibayong dagat ang kalakaran ng espiritismo. Ito’y
kinikilala na ng marami noon pa mang lubhang malayong nakaraan na tila isang
komprehensibong gawain, na umano’y tumutukoy sa larangan ng tunay na kabanalan. Ang katuruang iyan ay may kinalaman sa paniniwala hinggil sa pakikipag-ugnayan ng mga tao, o
ng mga buhay sa espiritu ng mga karaniwan at banal. Sila'y kinabibilangan ng mga namatay na karaniwang tao, ng mga santo, at ng mga anghel. Pinaniniwalaan din naman ng mga espiritista na sa pamamagitan ng katuruang iyan, maging ang
espiritu ng Dios ay kanilang nakaka-ugnayan.
Gayon ngang sa
sariling pahayag ni Pablo ay madiin niyang winika, na ang aral (evangelio ng di-pagtutuli) na kaniyang itinuturo sa mga Judio
at sa mga Gentil ay pawang mula sa Espiritu
ni Jesucristo na sa kapanahunang iyon aniya ay namamahay at naghahari sa
kaniyang kabuoan.
Gaya ng
napakaliwanag na nasusualat,
GAL 1 :
11 Sapagka’t aking ipinatatalastas sa inyo,
mga KAPATID, tungkol sa EVANGELIO NA
AKING IPINANGARAL, na ITO’Y HINDI AYON SA TAO.
12 Sapagka’t HINDI KO TINANGGAP ITO SA TAO, ni itinuro man sa akin, kundi AKING TINANGGAP SA PAMAMAGITAN NG PAHAYAG
NI JESUCRISTO.
GAL 2 :
20
Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay,
kundi SI CRISTO ANG NABUBUHAY SA AKIN:
at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa
pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay
umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.
Sa mga nagsasabing sila’y mga espiritista
ay hindi magiging mahirap sa kanila na maunawaan ang nilalaman ng tatlong (3)
talata na nabanggit sa itaas. Sapagka’t diyan ay napakaliwanag na kung hindi
galing sa tao ang aral na itinuturo nitong si Pablo, ay walang duda, na ang mga
iyon ay bunga ng pakikipag-ugnayan niya sa nabanggit niyang espiritu.
Kaugnay niyan ay maliwanag at madiin
niyang ideneklara, na alin man sa mga aral na nilalaman ng itinuturo niyang evangelio
ng di-pagtutuli ay hindi kailan man nanggaling sa labingdalawang (12)
apostol, na sinasabi,
GAL 2 :
6
Datapuwa't ang mga wari'y may dangal ng kaunti (maging anoman sila, ay
walang anoman sa akin: ang Dios ay hindi tumatanggap ng anyo ninoman) SILANG MAY DANGAL, SINASABI KO, AY HINDI
NAGBAHAGI SA AKIN NG ANOMAN:
Ang talatang iyan kung gayon ay ang
maliwanag na pagdidiin ni Pablo, na ang labingdalawang (12) apostol
ay hindi kailan man nagbahagi sa kaniya ng mga dakilang aral pangkabanalan na
nilalaman nitong evangelio ng kaharian (katuruang Cristo). Sa madaling
salita ay wala siyang anomang kamalayan at kaalaman sa mga aral
pangkabanalan (katuruang Cristo) na ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo,
noong panahon na siya ay nasa sangbahayan pa ni Israel.
Bagay na ibinunyag nitong si Pablo, na
ang aral (evangelio ng di-pagtutuli) na kaniyang itinuturo ay naglalaman
ng kabaligtarang aral na masusumpungan sa evangelio ng kaharian (katuruang
Cristo). Sa makatuwid ay hindi kailan man naging magkatulad, ni magkahawig
man sa kalikasan ang nilalaman nitong evangelio ng kaharian at ng evangelio
ng di-pagtutuli. Ang dalawang nabanggit na aral kung gayon ay gaya ng
langit at lupa ang kaibahan, kung ang mga ito’y sisiyasatin, uunawain at
paghahambingin o pag-aagapayanin.
Bago nga tayo pumalaot sa usaping
minamatuwid ng taong si Pablo sa mga sumusunod na talata ay atin
munang alamin ang nilalaman ng sinasabi niyang evangelio, na kaniyang
ipinangaral sa mga taga Galacia. Sa gayo’y atin namang ihambing sa evangelio
ng Espiritu ng Dios (evangelio ng kaharian) na naghari sa kalooban ni Jesus.
Iyan ay upang mapagunawa natin sa ating mga sarili, kung alin baga ang lalabas na tunay na evangelio at ibang evangelio na tumutukoy sa huwad at lihis na aral pangkabanalan. Gayon na nga ring makikita ng maliwanag, ang pagiging langit at lupa na pagkaka-iba ng nabanggit na dalawang (2) katuruang ng bibliya (NT).
Iyan ay upang mapagunawa natin sa ating mga sarili, kung alin baga ang lalabas na tunay na evangelio at ibang evangelio na tumutukoy sa huwad at lihis na aral pangkabanalan. Gayon na nga ring makikita ng maliwanag, ang pagiging langit at lupa na pagkaka-iba ng nabanggit na dalawang (2) katuruang ng bibliya (NT).
1. TUNGKOL SA KAUTUSAN
|
|
Evangelio ng kaharian
(Ayon kay Jesus)
|
Evangelio ng di pagtutuli
(Ayon kay Pablo)
|
MATEO 5 :
17 Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang
sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain,
kundi upang GANAPIN.
18 Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo,
Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT sa anomang paraan
ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
MATEO 19 :
17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo
itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti:
datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.
JUAN
12 :
50 At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
|
ROMA 3 :
20 Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng
kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa
pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG
KASALANAN.
ROMA
4 :
15 Sapagka’t ang kautusan ay
gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG SAAN WALANG
KAUTUSAN AY WALA RING PAG- SALANGSANG.
ROMA
7 :
6 Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa
kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin, ano pa’t NAGSISIPAG- LINGKOD NA TAYO SA PANIBAGONG ESPIRITU, at hindi sa karatihan ng sulat.
GAL 5 :
18 Datapuwa’t kung kayo’y
pinapatnubayan ng Espiritu, ay WALA KAYO SA
ILALIM NG KAUTUSAN.
|
Mula sa magkasalungat
na turo sa itaas ay hindi mahirap makita ang napakaliwanag na paghihimagsik ng
pangalawa sa una. Diyan nga’y walang alinlangan na itong si Pablo ay hindi kailan man kinilala, ni
sinunod man ang turo ng Cristo
hinggil sa pagpapatupad ng mga kautusan
ng Dios sa sangkatauhan. Sapagka’t aniya’y walang laman ang kautusan,
na kung lilinawin ay wala itong anomang kakayahan na pagtamuhin ang sinoman
kaluluwa nitong kapatawaran ng kasalanan at buhay na walang hanggan.
Kailangan ngang
pawalang kabuluhan niya ang kautusan, sapagka’t siya’y naniniwala na kung ito’y
mawawala ay wala nang anomang maaaring pagbatayan pa ng kasalanan. Kaya’t sa
pilipit at hidwang unawa ng taong si Pablo
ay ang paggiba lamang sa kautusan ang tanging kaparaanan, upang ang lahat ay maligtas
sa anomang kasalanan. Ano pa’t kung wala nga namang kautusan ay wala rin namang
maaaring magawang pagsalangsang ang sinoman sa kalupaan.
2. TUNGKOL SA PANANAMPALATAYA
|
|
Evangelio ng kaharian
(Ayon kay Jesus)
|
Evangelio ng di pagtutuli
(Ayon kay Pablo)
|
SANT 2 :
8 Gayon man kung inyong GANAPIN ANG KAUTUSANG HARI,
ayon sa kasulatan, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong
sarili, ay NAGSISIGAWA KAYO NG
MABUTI.
14 Anong pakikinabangin, mga kapatid
ko, kung sinasabi ng sinoman na siya’y may PANANAMPALATAYA, nguni’t WALANG MGA GAWA? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang
iyan?
17 Gayon din naman ang PANANAM- PALATAYA NA WALANG MGA GAWA, ay patay sa kaniyang sarili.
18 Oo, sasabihin ng
isang tao, Ikaw ay mayroong PANANAMPALATAYA, at ako’y mayroong mga GAWA: ipakita mo sa akin ang
iyong PANANAMPALATAYANG HIWALAY SA MGA GAWA (Kautusan), at ako sa pamamagitan ng aking mga GAWA ay ipakita
sa iyo ang aking PANANAMPALATAYA.
|
GAL 2 :
16 Bagama’t
naaalaman na ang tao ay hindi inaaring ganap sa mga
gawang AYON SA KAUTUSAN, maliban
na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo,
tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo’y ariing
ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at HINDI DAHIL SA MGA GAWANG AYON SA KAUTUSAN: sapagka’t sa mga gawang ayon sa kautusan
ay HINDI AARIING GANAP ANG SINOMAN.
GAWA
13 :
39 At sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay
inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y HINDI KAYO AARIING GANAP
sa pamamagitan ng KAU- TUSAN NI MOISES.
GAL
3 :
11 Maliwanag nga na sinoman ay hindi
inaaring-ganap sa KAUTUSAN sa harapan ng Dios; sapagka’t ang GANAP AY MABUBUHAY SA PANANAMPALATAYA.
|
Narito, at
maliwanag pa sa sikat ng araw sa katanghaliang tapat, na ang turo (katuruang Cristo) ng sariling bibig ni Jesucristo ay
ang “PANANAMPALATAYA
NA MAY GAWA NG KAUTUSAN.” Datapuwa’t sa evangelio ng di-pagtutuli nitong si Pablo ay mahigpit niyang turo ang “PANANAMPALATAYA NA WALANG
ANOMANG GAWA NG KAUTUSAN.”
3. TUNGKOL SA BAUTISMO
|
|
Evangelio ng kaharian
(Ayon kay Jesus)
|
Evangelio ng di pagtutuli
(Ayon kay Pablo)
|
Mateo 3 :
11 Sa katotohanan ay BINABAUTISMUHAN KO KAYO SA PAGSISISI: datapuwa’t ang
dumarating sa hulihan ko ay LALONG
MAKAPANGHARIHAN kay sa akin, na hindi ako
karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: SIYA ANG SA INYONG MAGBABAUTISMO SA ESPIRITU AT APOY.
MATEO 28 :
19 Dahil dito’y magsiyaon nga kayo, at gawin
ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong BAUTISMUHAN sa PANGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.
20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang
ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo, at narito, AKO’Y SUMASA INYONG PALAGI, HANGGANG SA KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.
|
ROMA 6 :
3 O hindi baga ninyo nalalaman na
tayong lahat na mga NABAUTISMUHAN KAY CRISTO JESUS AY NANGABAUTISMUHAN SA
KANIYANG KAMATAYAN?
4 Tayo nga’y nangalibing na kalakip niya sa
pamamagitan ng BAUTISMO SA KAMATAYAN: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga
patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay ga- yon din naman tayo’y
makala- lakad sa panibagong buhay.
GAWA 19 :
5 At nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo
sila sa PANGALAN ng
Panginoong Jesus.
|
Hinggil naman sa
bautismo ay walang alinlangan na imbis turo ng sariling bibig ng Cristo na
tumutukoy sa “BAUTISMO SA PANGALAN NG AMA, AT NG ANAK, AT NG ESPIRITU SANTO”
(bautismo sa tatlong [3] pangalan)
ang tangkilikin, itaguyod, ipangaral,
ipagtanggol, at sundin nitong si Pablo. Maliwanag na hindi gayon ang
kaniyang ginawa - bagkus, ay ang “BAUTISMO SA KAMATAYAN NI JESUS (BAUTISMO SA
ISANG PANGALAN)” ang kaniyang itinuro sa mga tao.
Bautismo sa kamatayan, o yaong bautismo sa isang (1) pangalan lamang ang minatuwid at itinanyag
nitong si Pablo, sa halip na itong bautismo sa tatlong (3) pangalan. Madali
nga lamang unawain, na ang turo ng Cristo
hinggil sa matuwid at makalangit na bautismong iyan ay itinuring lang ng
taong ito, na tila sukal sa lansangan na ang kaukulang kalalagyan ay tanging sa
basurahan lamang. Hindi niya sinunod ang utos, bagkus ay ang imbento niyang bautismo sa kamatayan ni Jesus ang
itinuro niya sa kaniyang mga kampon, na gawin nilang palagiang rituwal ng
bautismo.
4. TUNGKOL SA NAGTATAG AT ULO NG KOMUNIDAD (Kawan, o mga tinawag ng Dios)
|
|
Evangelio ng kaharian
(Ayon kay Jesus)
|
Evangelio ng di pagtutuli
(Ayon kay Pablo)
|
JUAN 5 :
30 HINDI AKO
MAKAGAGAWA NG ANOMAN SA AKING SARILI:
humahatol ako ayon sa aking narinig: at ang paghatol ko’y matuwid; sapagka’t
hindi ko pinaghaha- nap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban
niyaong nagsugo sa akin.
JUAN 12 :
29 Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSA- SALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT
KONG SABIHIN, at kung ANO ANG
DAPAT KONG SALITAIN.
MATEO 16 :
18
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng
batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng HADES ay hindi
magsisipanaig laban sa kaniya.
|
EFE
5 :
23 Sapagka’t ang lalake ay pangulo
ng kaniyang asawa, gaya naman ni CRISTO NA PANGULO
NG IGLESIA,
na siya rin ang TAGAPAGLIGTAS NG KATAWAN.
24 Datapuwa’t kung paanong ang IGLESIA AY NASASAKOP NI CRITO, ay gayon din naman ang
mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.
COL 2 :
7 Na nangauunat at NANGATATAYO SA KANIYA, at
matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana
sa pagpapasalamat.
ROMA 16 :
16 Mangagbatian kayo ng banal na
halik. Binabati kayo ng lahat ng IGLESIA NI
CRISTO.
|
Isang
napakaliwanag na katotohanan, nang madiing wikain ng sariling bibig ng Cristo,
na hindi siya gumagawa ng anoman sa kaniyang sarili, ni nagsasalita man na mula
sa kaniyang sarili. Kundi aniya’y ang Ama (Espiritu Santo) na sa kaniya ay nagsugo ang siyang nagbibigay sa kaniya ng mga utos, kung
ano ang dapat niyang sabihin, at kung ano ang dapat niyang salitain sa buong
sangbahayan ni Israel.
Samantala, sa
turo nitong si Pablo ay walang iba,
kundi ang Cristo ng Nazaret na
nagngangalang Jesus ang
ipinagdidiinan niyang nagtayo at siyang ulo ng komunidad, o ng tinatawag na iglesia.
Ano pa’t kung itong si Jesus ay tumatanggap
lamang ng utos sa Ama, kung ano ang kaniyang sasalitain at
gagawin. Napakaliwanag kung gayon, na hindi si Jesus sa kaniyang sarili ang nagtatag o nagtayo ng iglesia, kundi ang kaisaisang Ama nitong dimensiyon
ng Espiritu at ng Materiya, na
siyang nag-uutos kung ano ang kaniyang sasabihin at gagawin.
Ang iglesia kung
gayon na nagngangalang “Iglesia ni Cristo” ay isang katawagan na saan man at
kailan man ay hindi sinang-ayunan nitong katotohanan ng kaisaisang Dios ng
langit. Sapagka’t katotohanan na hindi si Jesus sa kaniyang sarili ang nagtayo
ng iglesia, o nitong komunidad ng Dios. Siya kung gayon ay
walang iba, kundi ang Espiritu nitong
kaisaisang Dios ng langit, na siyang kabuoang Espiritu na namamahay at
naghahari sa buong pagkatao ng mga banal ng Dios.
Siya ang sa kanila ang nag-uutos kung ano ang kanilang sasabihin at kung ano
ang kanilang gagawin.
Sa pinaghambing
na mga talata sa itaas na tumatalakay sa usaping ito ay malinaw pa sa dilang
malinaw ang katotohanan, na itong si Jesus
ay ginawa lamang kasangkapan (talaytayan
[medium]) ng nabanggit na Espiritu ng
Dios, upang maisakatuparan Niya
sa kapanahunang iyon ang mga dakila niyang layunin sa buong sangbahayan ni
Israel. Isa na nga sa mga iyon ay ang pagtatatag ng isang komunidad, o KAWAN (mga tinawag) ng
kaniyang pastulan. Natatag sa pamamagitan ng mga salita na mismo ay sinalita ng
Dios, na masigla namang isinatinig ng sariling bibig ng Cristo sa buong sambahayan ni Israel.
Ang maliwanag na
katawagan, o pangalan na maaaring itawag sa nabanggit na kalipunan ay hindi “IGLESIA
NI CRISTO,” kundi “KOMUNIDAD NG DIOS,” MGA TINAWAG NG DIOS, o kaya naman ay
“KAWAN
NG DIOS.” Kung magkagayon ay maliwanag din na ang sinoman na
nagsasabing siya ay isa sa mga tinawag ng Dios, Kawan ng
Dios, o nabibilang sa kalipunan nitong Komunidad ng Dios.
Matuwid lamang sa kaniya na ang isinasabuhay niyang turo na pangkabanalan ay
hindi ang hidwang evangelio ng
di-patutuli nitong si Pablo,
kundi ang dakilang evangelio ng kaharian,
na mismo ay tinangkilik, itinaguyod,
ipinagtanggol, ipinangaral, at sinunod
nitong Cristo ng Nazaret.
5. ANG EVANGELIO NA IPINANGARAL NG CRISTO
|
|
Evangelio ng kaharian
(Ayon kay Jesus)
|
Evangelio ng di pagtutuli
(Ayon kay Pablo)
|
JUAN 14 :
10 HINDI KA BAGA
NANA- NAMPALATAYA NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN? Ang
mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko
sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin
ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.
JUAN 18 :
37 Sinabi nga sa kaniya ni Pilato,
Ikaw nga baga’y hari? Sumagot si Jesus, Ikaw ang nagsasabing ako’y hari.
Ako’y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibu- tan, UPANG BIGYANG PATOTO ANG KATOTOHANAN. Ang bawa’t isang ayon sa katotohanan ay
nakikinig ng aking tinig.
JUAN 5 :
24
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at SUMASAMPALATAYA SA KANIYA NA NAGSUGO SA AKIN, ay may buhay na walang hanggan, at HINDI PAPASOK SA PAGHATOL, KUNDI LUMIPAT NA SA KABUHAYAN
MULA SA KAMATAYAN.
|
HEB 6 :
1 Kaya nga TAYO’Y TUMIGIL NA NG MGA UNANG SIMULAIN NG ARAL NI CRISTO, at tayo’y mangagpatuloy sa
kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasa-
ligan ng pagsisisi sa mga PATAY NA GAWA, at ng pananampalataya sa Dios.
2 Ng aral na tungkol sa mga paglilinis,
at ng pagpapatong ng mga kamay, at ang pagka- buhay na
maguli ng mga patay, at ng pahuhukom na walang hanggan.
|
Pinatutunayan ng
talata sa itaas na dapat sampalatayanan ng lahat, na itong si Jesus ay sumasa
Ama at ang Ama ay sumasa kaniya. Aniya’y hindi niya sinasalita sa kaniyang
sarili ang mga kataga na sinalita niya sa sanglibutan, kundi sa pamamagitan
niya ay gumagawa ng Kaniyang mga gawa
ang kaisaisang Dios ng langit. Iyan
ay sa layunin na bigyang patotoo ang katotohanan na tumutukoy ng ganap sa
kautusan, at dahil diyan ay ipinanganak siya.
Ano pa’t ang
sinomang ayon sa katotohanan ay nakikinig sa mga salita (evangelio ng kaharian [kauturuang Cristo]) na sinalita ng Dios mula sa sarili niyang
bibig. At ang sinomang dumidinig nito at sumasampalataya sa Ama ay pinagkakalooban ng buhay na walang hanggan, at dahil doo’y
walang matatamong hatol, kundi mula sa kamatayan ng kaluluwa ay lumipat na sa kabuhayan na
walang hanggan.
Maituturing nga
na ang mga iyan ay mga panimulang aral ng
Dios na ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo. Datapuwa’t sa kasamaang palad ito’y nilapastangan, hindi
binigyang halaga, at hindi sinunod nitong si Pablo. Ito'y nang tahasan niyang iutos, na ang mga aral (katuruang Cristo) na nabanggit ay ITIGIL NA ang pagsasabuhay. Palibhasa aniya’y mga patay na gawa lamang
ang lahat ng tinutukoy niyang mga unang
simulaing aral (katuruang Cristo) ng Dios, na isinatinig ng sariling bibig
ng Cristo.
Isalansan nga
natin sa ibaba ng isa-isa ang ilang aral (Katuruang Cristo) sa itaas na walang
anomang niwalang kabuluhan nitong si Pablo aka Saul ng Tarsus.
1. TUNGKOL SA KAUTUSAN
2. TUNGKOL SA PANANAMPALATAYA
3. TUNGKOL SA BAUTISMO
4. TUNGKOL SA NAGTATAG AT ULO NG KOMUNIDAD (iglesia)
5. ANG EVANGELIO NA IPINANGARAL NG CRISTO
Sa limang (5) ARAL na iyan ng katuruang Cristo (evangelio ng kaharian),
kung gayon ay hindi sana naging mapanghimagsik at kontra ang turo ni Pablo, nang sa gayon ay naging
higit na kapanipaniwala at katiwatiwala ang mga nilalamang aral ng likha niyang evangelio ng di-pagtutuli.
Maaaring tuwirang tanggapin ng lahat, na
itong si Pablo ay isa ngang kasangkapan o talaytayan (medium) ng espiritu.
Nguni’t ang isang hindi kailan man maaaring ariin ng katotohanan ay ang
pakikipag-ugnayan niya bilang isang talaytayan sa Espiritu nitong si Jesus.
Sapagka’t isa man sa mga mahahalagang aral pangkabanalan na masiglang
tinangkilik, itinaguyod, ipinagtanggol, ipinangaral, at sinunod ni Jesus ng
Nazaret ay hindi umayon munti man sa buong nilalaman ng kaniyang evangelio ng
di-pagtutuli.
Ang itinuro niyang aral sa makatuwid ay hindi turo nitong Espiritu ng Cristo, kundi ang napakaliwanag hinggil sa talakaying ito ay espiritu ng diyablo ang naka-ugnayan niya, at siya’y tinuruan ng mga aral na pawang kabaligtaran sa buong nilalaman ng Katuruang Cristo, o nitong Evangelio ng Kaharian.
Ang itinuro niyang aral sa makatuwid ay hindi turo nitong Espiritu ng Cristo, kundi ang napakaliwanag hinggil sa talakaying ito ay espiritu ng diyablo ang naka-ugnayan niya, at siya’y tinuruan ng mga aral na pawang kabaligtaran sa buong nilalaman ng Katuruang Cristo, o nitong Evangelio ng Kaharian.
Hinggil sa may kaselanan na usaping ito
ay bayaan nga natin na si Pablo mismo ang magbunyag at umamin, na siya’y may
panibago ng espiritu na tinatangkilik, itinataguyod, ipinagtatanggol,
ipinangangaral, at higit sa lahat ay masigla at bukal sa puso niyang sinusunod.
Gaya ng napakaliwanag na nasusulat,
ROMA 7 :
6 Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa
kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin, ano pa’t NAGSISIPAGLINGKOD
NA TAYO SA PANIBAGONG ESPIRITU, at hindi sa karatihan ng
sulat.
ROMA 4 :
5 Datapuwa’t sa kaniya (Gentil) na hindi GUMAGAWA, nguni’t
sumasampalataya sa kaniya (Satanas) na umaaring ganap sa MASAMA,
ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran.
2 COR 12:
7 At nang
ako’y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan
ako ng isang tinik sa laman, ng isang SUGO NI SATANAS, UPANG
AKO’Y TAMPALIN, NANG AKO’Y HUWAG MAGPALALO NG LABIS.
ROMA 7 :
18 Sapagka’t nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay HINDI
TUMITIRA ANG ANOMANG BAGAY NA MABUTI: sapagka’t ang pagnanasa ay nasa
akin, datapuwa’t ang PAGGAWA NG MABUTI AY WALA.
1 Cor 16 :
7 Sapagka’t hindi ko ibig na kayo’y makita ngayon sa
paglalakbay; sapagka’t inaasahan kong ako’y makikisama sa inyong kaunting
panahon, kung itutulot ng
Panginoon.
1 TESA 2 :
18 Sapagka’t nangagnasa kaming pumariyan sa inyo, akong si Pablo, na
minsan at muli; at hinadlangan
kami ni Satanas.
1 TIM 1:
20 Na sa mga
ito’y si Himeneo at si Alejandro; na sila’y AKING IBINIGAY KAY SATANAS,
UPANG SILA’Y MATURUANG HUWAG
MAMUSONG.
Gaya ng
pagkapahayag nitong si Pablo, na sila’y hindi na napapasakop pa sa kautusan ng Dios, at
bilang kahalili nito ay nagsisipaglingkod na aniya sila sa panibagong espiritu.
Sapagka’t ang nabanggit niyang espiritu (Satatans) ay umaaring ganap sa masama.
Narito, at ang
nagpadala sa kaniya ng sugo upang siya’y tampalin sa kaniyang bibig ay walang
iba kundi si Satanas. Sapagka’t sa kaniyang kabuoang pagkatao ay hindi tumitira
ang anomang bagay na mabuti. Kaya naman ang kasuklamsuklam na pagnanasa ay nasa
kaniya, at ang paggawa ng anomang mabuti ay wala.
Gayon nga ani Pablo, na kung ipahihintulot ng panginoon niyang si
Satanas ay makapaglalakbay siya tungo sa mga dako ng kaniyang mga kapanalig. Datapuwa’t sa
ibang mga pagkakataon ay hinahadlangan sila ni Satanas. Gayon din na ang mga
masuwayin sa itinuturo niyang aral ng demonyo (evangelio ng di-pagtutuli) ay ibinibigay niya kay Satanas, sa layuning
maturuan silang huwag mamusong sa bago niyang kinikilalang panginoon (Satanas).
KONKLUSYON
Mula mismo sa
sariling bibig nitong si Pablo ay lumabas ang katotohanan hinggil sa natatago
niyang pakikipag-ugnayan sa karumaldumal na espiritu nitong si Satanas. Si Pablo aka
Saulo ng Tarsus kung gayon ay isang kasangkapan o talaytayan (medium) na ang
lumuluklok o lumulukob sa kaniyang kabuoan ay walang iba, kundi si Satanas.
Dahil diyan ay hindi na nakapagtataka pa, kung bakit ang nilikhang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ni Satanas sa pamamagitan niya ay pawang mga pinaglubidlubid at pinagtagnitagni na mga kasinungalingan lamang. Si Pablo kung gayon ay isang medium (talaytayan) na isinugo ni Satanas sa sangkatauhan, upang sa pamamagitan nitong evangelio ng di-pagtutuli ay ilihis at iligaw sa KATOTOHANAN NG DIOS (KATURUANG CRISTO) ang sangkatauhan.
Dahil diyan ay hindi na nakapagtataka pa, kung bakit ang nilikhang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ni Satanas sa pamamagitan niya ay pawang mga pinaglubidlubid at pinagtagnitagni na mga kasinungalingan lamang. Si Pablo kung gayon ay isang medium (talaytayan) na isinugo ni Satanas sa sangkatauhan, upang sa pamamagitan nitong evangelio ng di-pagtutuli ay ilihis at iligaw sa KATOTOHANAN NG DIOS (KATURUANG CRISTO) ang sangkatauhan.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Kamtin ng bawa’t
isa ang walang patid na buhos ng mga biyaya na tumutukoy sa katotohanan, ilaw,
pag-ibig, kapangyarihan, paglikha, karunungan, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Hanggang sa muli, paalam.
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento