Sabado, Pebrero 17, 2018

PABLO: ULIRAN NA LINGKOD NI SATANAS

Noon pa man sa lubhang napakalayong nakaraan ay laganap na ang mga aral na malabis ang paghihimagsik sa natatanging kalooban (kautusan) ng kaisaisang Dios ng langit. Bagay na kumaladkad sa lubhang maraming tao sa pagkapahamak, na naglunsad sa kanila sa kamatayan (desolusyon) ng kanikanilang kaluluwa.

Kaugnay niyan, sa artikulong ito ay bibigyan ng husto at wastong unawa ang mga hidwang aral (evangelio ng di-pagtutuli), na ang pinag-ugatan, o pinanggalingan ay mula sa kasinungalingan at mapanglinlang na aral nitong entidad ng kasamaan, na walang iba kundi si Satanas.

Mula sa masiglang kapanahunan ng mga lihitimong apostol na hayagang inihalal nitong Espiritu ng Dios (Espiritu Santo) na nananahan at naghahari sa buong pagkatao ng Cristo. Ito'y naganap sa unang bahagi ng kaniyang ministeriyo sa kalakhan nitong sangbahayan ng Israel.

Layunin ng labingdalawang (12) apostol na nabanggit ay gawing alagad ang lahat ng mga bansa, sa pamamagitan ng pangangaral sa lahat nitong aral pangkabanalan na itinuro (Katuruang Cristo) at iniutos (Kautusang Cristo) sa kanila ng sariling bibig ng Cristo. Gayon din na ang lahat ng mga bansa ay bautismuhan nila sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Sa sinoman ngang nagsasabing siya'y apostol ng Cristo ay matuwid sa kaniya, na isakatuparan ang nabanggit na natatanging layunin ng isang matuwid at totoong alagad ng tunay na kabanalan. Subali't sa sinoman na nagsasabing siya'y gayon at sa kabaligtaran ay paghihimagsik sa layuning nabanggit ang itinuturo sa marami ay maipasisiyang siya'y isang huwad na apostol. Siya sa madaling salita ay hindi nabibilang sa dako ng mga banal, kundi sa sukdulang kadiliman na kaisaisang pook ng kasamaan, na kung saan ay samasamang nagkakatipon ang mga kampon ni Satanas.

Ang kabuoan ng labingdalawang (12) apostol na mga tunay na lingkod ng kaisaisang Dios ng langit ay katotohanan na ginagabayan at pinamamahayan ng nabanggit na EspirituSapagka't mula sa hininga ng sariling bibig ng Cristo ay maluwalhati nilang tinanggap ang Espiritu ng Dios (Espiritu Santo)

Gaya ng napakaliwanag na nasusulat,

JUAN 20 :
21  Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.

22  At nang masabi niya ito, SILA'Y HININGAHAN NIYA, AT SA KANILA'Y SINABI, TANGGAPIN NINYO ANG ESPIRITU SANTO.

Kasunod nito'y winika ng nabanggit na Espiritu ng Dios mula mismo sa sariling bibig ng Cristo ang mga sumusunod na pahayag,

Mat 28 :
19  Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo

20  Na ITURO ninyo sa kanila na kanilang GANAPIN ang lahat ng mga bagay na INIUTOS ko sa inyo: at narito,  AKO'Y SUMASA INYONG PALAGI, HANGGANG SA KATAPUSAN NG MGA KAPANAHUNAN (ages). 

Ang Kautusang Cristo kung bibilangin mula sa tinatawag na "Bagong Tipan ng Bibliya" ay umaabot sa bilang na isang daan at dalawampu't isa (121). Sa gayo'y ang buong bilang na iyan ang itinalagang ganapin ng sinomang pumapaloob sa tungkulin at layunin ng isang totoong apostol ng Cristo.

Kung gayo'y lalabas ng napakaliwanag, na ang sinoman na sinasakop ng gayong kabanal na kalagayan (apostol) ay masigla at may galak sa puso na tumatalima sa Katuruang Cristo, at sa Kautusang Cristo. Siya ay hayag na isang tapat at masunuring lingkod ng Dios

Ano pa't ang sinoman na pagsalangsang lamang sa Katuruang Cristo ang iniaaral at itinatanyag, ay hindi mahirap unawain na siya ay isang tunay na anticristo, at huwad na apostol. Iyan ay sa hindi mapapag-alinlanganan na kadahilang siya'y isang panatiko at ulirang lingkod ni Satanas. Na ang natatanging layunin ay baligtarin ang katuwiran ng Dios at ilihis sa matuwid na daan ng tunay na kabanalan ang  sinoman sa kalupaan.

Gaya ng magka-agapay na mga talata sa ibaba,


TUNGKOL SA ARAL NG CRISTO
KATURUANG CRISTO
KATURUANG PABLO
2Jn 1:9  ANG SINOMANG NAGPAPATULOY AT HINDI NANANAHAN SA ARAL NI CRISTO, AY HINDI KINAROROONAN NG DIOS: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.
HEB 6 :
1  Kaya nga TAYO’Y TUMIGIL NA NG MGA UNANG SIMULAIN NG ARAL NI CRISTO, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga PATAY NA GAWA, at ng pananampalataya sa Dios.


Narito, at ayon sa mahigpit na turo ng tunay na kabanalan ay kailangang manatiling nananahan ang lahat sa Katuruang Cristo, datapuwa’t sa hidwa at pilipit na turo nitong si Pablo ay dapat ng itigil ang nabanggit na katuruan (Katuruang Cristo). Sapagka't ang mga iyon aniya ay mga aral lamang na kinasasaligan ng pagsisisi mula sa mga patay na gawa ng kautusan, at hidwang pananampalataya sa Dios.

Ang saligan ng pagsisisi tungo sa kaligtasan ng kaluluwa at katubusan ng sala ayon sa turo ni Pablo kung gayon, ay hindi alinsunod sa pagtalima sa kautusan at hindi rin aniya sa pamamagitan ng pananampalataya sa Dios. Kundi ayon sa mga sumusunod na turo niya.

Na sinasabi, 

EFESO 1 :
7  Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating KATUBUSAN sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na KAPATAWARAN NG ATING MGA KASALANAN ayon sa mga kayamanan ng kaniyang BIYAYA


ROMA 6 :

14  Sapagka’t ang KASALANAN ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka’t WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN, kundi sa ILALIM NG BIYAYA.

Maliwanag na itinuro ni Pablo sa mga taga Efeso, na ang kanilang sala ay tinubos na ni Jesucristo, at sa pamamagitan ng kaniyang dugo ay nagawaran na sila aniya ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. Dagdag pa niya, iyon ay ayon sa kayamanan ng mga biyaya mula sa Cristo.

Dahil diyan, ang kasalanan sa madiing wika niya ay hindi na makapaghahari pa sa kanila, palibhasa'y wala na sila sa ilalim ng kautusan ng Dios, kundi sa ilalim ng biyaya ng pananampalataya kay Jesus na walang gawa ng kautusan.

Sa kawalan ng kasalanan ay walang anomang pagsisisihan ang sinoman. Kaya't ang unang simulain ng Katuruang Cristo, na saligan ng pagsisisi ay wala ng anomang kabuluhan, palibhasa'y ayon sa mga patay na gawa lamang ang lahat ng iyon, at dahil diyan ay kailangan na nga aniyang itigil.

Datapuwa't kung susundin ang hidwang aral na iyan ni Pablo at ititigil ang pagsasabuhay ng Katuruang Cristo, maliwanag kung gayon na ang sinoman ay tiyak na hahantong sa nilalaman ng talata na mababasa sa ibaba.

2Jn 1 :
9  ANG SINOMANG NAGPAPATULOY AT HINDI NANANAHAN SA ARAL NI CRISTO, AY HINDI KINAROROONAN NG DIOS: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.

Maliwanag kung gayon, na ang sinomang sumunod sa pilipit na aral (Heb 6:1) ng taong iyan ay totoong hindi kinaroroonan ng Dios, at ang katotohanan ay wala sa kaniya, kundi pawang kasinungalingan nga lamang.

Kaugnay niyan ay ano naman ang matuwid na turo ng sariling bibig ng Cristo hinggil sa hidwang aral na iyan nitong si Pablo.

TUNGKOL SA KAUTUSAN NG DIOS
KATURUANG CRISTO
KATURUANG PABLO
MATEO 5 :
17  Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.

18  Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

HEB 7 :
18  Sapagka’t NAPAPAWI ANG UNANG UTOS dahil sa kaniyang KAHINAAN at KAWALAN NG KAPAKINABANGAN.
19  (Sapagka’t ang KAUTUSAN AY WALANG ANOMANG PINASASAKDAL), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling (pananampalataya), na sa pamamagitan nito’y nagsisilapit tayo sa Dios.

MATEO 19 :
17  At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa MABUTI? May isa, na siyang MABUTI: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.

ROMA 7 :
21  Kaya nga nasumpungan ko ang isang KAUTUSAN na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang MASAMA ay nasa akin.

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.

HEB 7 :
19  (Sapagka’t ang KAUTUSAN AY WALANG ANOMANG PINASASAKDAL), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling (pananampalataya), na sa pamamagitan nito’y nagsisilapit tayo sa Dios.

ROMA 3 :
20  Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.



Katotohanan nga na hindi maaaring pasinungalingan ng sinoman, na ang turo nitong si Pablo ay napakaliwanag na  pagpapawalang kabuluhan at paggiba sa kautusan, palibhasa aniya’y inutil ito sa kaniyang layunin. Samantalang ang mahigpit na turo ng sariling bibig ng Cristo ay ang pagtalima at pagsasabuhay ng nabanggit na kautusan.

Maliwanag sa makatuwid, na ang turo ni Pablo ay hindi turo ng isang tunay na apostol, sapagka’t iyon ay mga aral na laban sa Katuruang Cristo, na ang pangunahing layunin nito'y ipaunawa ng ganap sa lahat ang husto at wastong kahalagahan ng pagtalima sa mga kautusan ng Dios.

Katunayan lamang iyan, na hindi Espiritu ng Dios ang nananahan sa buong pagkatao nitong si Pablo, sapagka’t imbis na siya’y tumangkilik, tumaguyod, magtanggol, mangaral, at sumunod sa Katuruang Cristo, sa halip ay paghihimagsik sa mga iyon ang itinuro niya na mababasa ng napakaliwanag sa kaniyang mga sulat.



ANGHEL NG DIOS

Bilang patotoo, na siya’y wala sa busilak na liwanag ng kaisaisang Dios ng langit, at sa halip ay dumoroon sa kasuklamsuklam na dako ng sukdulang kadiliman. Narito kung gayon ang ilang talata na mula mismo sa sariling bibig ng taong ito. Na nagpapahayag ng direkta niyang pagpapa-alipin kay Satanas, na aniya ay siya niyang bagong panginoon.

Sa simula nga ng paglalahad na ito ay ipinakilala ni Pablo ang entidad ng kasamaan na kaniyang pinaglilingkuran, gaya ng napakalinaw na nasusulat na sinasabi,

GAWA 27:
23 Sapagka’t nang gabing ito ay tumayo sa tabi ko ang angel ng Dios na may-ari sa akin, at siya ko namang  PINAGLILINGKURAN.

Hindi nga maikakaila ninoman, na maging itong si Satanas ay anghel din ng Dios, at dahil diyan ay maliwanag na sa mga susunod na talata ay mahahayag ng husto na si Satanas, at wala ng iba pa ang tinutukoy niyang bagong espiritu na kaniyang pinaglilingkuran.

Madiing wika pa niya,

 GAL 5 :
18  Datapuwa’t kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, (Satanas) ay WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN.

Katotohanan nga, na ang sinoman na pinapatnubayan ng lubos ni Satanas ay hindi nagpapasailalim sa kautusan ng Dios. Siya nga’y nagsusuwail at niwawalang kabuluhan ang natatanging kahalagahan at layunin nito patungkol sa sarili niyang kaluluwa. Gaya ng madiin wika ng sariling bibig ng Cristo, na ang maliwanag na pahayag ay gaya ng mga sumusunod,

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.

Sinoman ay hindi maitatanggi ang katotohanang iyan, na ang pagtalima sa kautusan ng Dios ay nangangahulugan ng pagtatamo ng buhay na walang hanggan. Ano pa’t ang sinoman na wala sa ilalim ng kautusan ng Dios ay walang anomang pag-asa na matamo sa kaniyang sarili ang nagtutumibay at masiglang pangako nito, na walang iba kundi, ang buhay na walang hanggan.

Kung pag-aagapayanin ang dalawang katuruang iyan ay gaya lamang ng maliwanag na matutunghayan sa ibaba.


Patnubay ng Dios laban sa Patnubay ni Satanas
KATURUANG CRISTO
KATURUANG PABLO
JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.

GAL 5 :
18  Datapuwa’t kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, (Satanas) ay WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN.


Hindi mahirap makita ang lubhang napakalaking salungatan ng dalawang (2) turo na pinag-agapay sa itaas. Makikita ng napakaliwanag, na ang turo ni Pablo ay malabis ang paghihimagsik sa nabanggit na aral ng sariling bibig ng Cristo (Juan 12:50).

Maliwanag ang pagkakalahad ng dalawang (2) aral na iyan sa itaas. Sa gayo'y madali lamang makita, na ang una (Juan 12:50) ay turo na galing sa Dios, at ang pangalawa (Gal 5:18) ay walang iba, kundi turo ng isang tao (Pablo) na hayagang nagpapa-alipin kay Satanas, na siyang hari ng mga demonyo.



NAGSISIPAGLINGKOD NA TAYO SA PANIBAGONG ESPIRITU
Madiin pa ngang turo ni Pablo laban sa kautusan ng kaisaisang Dios ng langit ay gaya nito,

ROMA 7 :
6  Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin, ano pa't NAGSISIPAGLINGKOD NA TAYO SA PANIBAGONG ESPIRITU, at hindi sa karatihan ng sulat (kautusan).

Sino kung gayon ang panibagong espiritu na pinaglilingkuran ni Pablo at ng kaniyang mga kampon? Hinggil diyan ay ayon sa nilalaman ng ilang talata sa ibaba ang payak na kasagutan sa tanong na iyan?

2 COR 12:
At nang ako’y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan ako ng isang tinik sa laman, NG ISANG SUGO NI SATANAS, UPANG AKO’Y TAMPALIN, NANG AKO’Y HUWAG MAGPALALO NG LABIS.

Isang napakalinaw na tanawin ang ipinahayag na iyan ng sariling bibig nitong si Pablo. Siya pala ay pinadalhan ni Satanas ng isang SUGO, sa layuning tampalin ang kaniyang bibig, kung siya’y lilihis bilang pagpapalalo, o paglabag sa kasuklamsuklam na turo ng mga demonyo.

Kung ito ngang si Pablo ay nilukuban sa buo niyang pagkatao ng sugo ni Satanas, higit pa ngang kasuklamsuklam sa paningin ng Dios ang sumunod niyang ipinahayag.

1 TIM 1:
20 Na sa mga ito’y si Himeneo at si Alejandro; na sila’y AKING IBINIGAY KAY SATANAS, UPANG SILA’Y MATURUANG  HUWAG MAMUSONG.

Ano pa’t sa mga napapag-alaman niyang namumusong sa turo ng mga demonyo ay kaagad niyang ibinibigay kay Satanas, upang sila’y maturuan ng higit pang kasamaan sa kanilang buong pagkatao. Gaya nga nila Himeneo at Alejandro ay ibinigay niya kay Satanas alinsunod sa masamang layunin na nabanggit.

Gayon din sa kanilang mga lakad ay hindi ang Dios ang nananaig, kundi si Satanas na panginoong ganap na pinaglilingkuran ni Pablo, gaya ng maliwanag na mababasa sa ibaba,

1 TESA 2 :
18  Sapagka’t nangagnasa kaming pumariyan sa inyo, akong si Pablo, na minsan at muli; at HINADLANGAN KAMI NI SATANAS.

Katotohanan na higit ang kapangyarihan ng Dios kay sa kay Satanas. Dahil diyan, maging si Satanas ay hindi kayang hadlangan ang lakad ng mga masusugid na mangagawa ng Dios. Nagawa nga niya na hadlangan ang lakad ng pangkat ni Pablo, sapagka't iyan ay wala ng iba pa, kundi ang espiritu na pinaglilingkuran niya. Ang sugo ngang iyan sa 2 Cor 12:7 ang tatampal sa bibig ng taong iyan at hahadlang sa kaniyang mga lakad na hindi pinahihintulutan ni Satanas.

ANG ESPIRITU NA UMAARING GANAP SA MASAMA
Ano pa rin ba ang inyong masasabi sa espiritu na umaaring ganap sa masama. Hindi baga mabuti lamang sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit ang inaari Niyang ganap. At sino sa makatuwid ang entidad na hindi umaari sa mabuti, kundi sa masama lamang.

Tanging si SATANAS nga lamang ang entidad ng kasamaan na umaari ng ganap sa sinomang masumpungang masama sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit.

Gaya ng nasusulat,

ROMA 4 :
5  Datapuwa’t sa kaniya na hindi GUMAGAWA, (Gentil) nguni’t sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa MASAMA(Satanas) ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran.

Mula sa paningin ni Satanas ay tuwid ang baluktot niyang kaisipan. Kaya nga siya ang entidad na umaari ng ganap sa mga baluktot ang isipan na gaya ni Pablo at ng marami pang iba.

Sa pagtatapos ng artikulong ito ay narito pa ang ilang talata na likhang turo ni Pablo, na hayagang nagpapawalang kabuluhan sa kautusan ng kaisaisang Dios ng langit. Ilang mga kasuklamsuklam na turo tungo sa tiyak na kapahamakan ng kaluluwa ninoman.


MGA KARAGDAGANG TURO NI PABLO NA NAGPAPAWALANG KABULUHAN SA KAUTUSAN
Narito, at paka-unawaing mabuti, na gaya ng nasusulat ay sinabi,

GAWA 13 :

39  At sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y HINDI KAYO AARIING GANAP SA PAMAMAGITAN NG KAUTUSAN NI MOISES. (1Hari 2:3-4)


ROMA 5 :

13  Sapagka’t ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang KAUTUSAN, nguni’t HINDI IBIBILANG ANG KASALANAN KUNG WALANG KAUTUSAN.

ROMA 4 :
15  Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANGSANG.

HEB 6 :
1  Kaya nga TAYO’Y TUMIGIL NA NG MGA UNANG SIMULAIN NG ARAL NI CRISTO, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga PATAY NA GAWA, at ng pananampalataya sa Dios.

Sa inyo kaya'y hindi pa sapat ang mga talatang iyan na hinango mula sa mga panulat ng sariling kamay nitong si Pablo? Buksan nga natin ang ating isipan, at unawaing mabuti, kung anong uri ng kapahamakan ang maaaring idulot sa kanino mang kaluluwa ng hidwang turo ng taong si Pablo. Itigil na nga natin ang walang kabuluhang paniniwala sa imbentong turo (evangelio ng di-pagtutuli) ng taong ito.

IIsa lamang ang ating kaluluwa, ano pa't kung ito'y mapahamak ay wala na ngang anomang pag-asa pa, upang matamo ninoman ang karapatan na maging bahagi ng kaluwalhatian, na kung saan ay tinatahan ng Ama nating nasa langit.

Wikain nga natin at ipahayag lakip ang matibay na paninidigan sa lahat.


"A BIG NO TO KATURUANG PABLO,  AND A GIGANTIC YES TO KATURUANG CRISTO"

KONKLUSYON:
1.  Katotohanan na matuwid tanggapin ng lahat, na si Pablo ay hindi ayon sa turo ng Cristo, kundi ayon sa turo ni Satanas.

2.  Katotohanan din na ang taong iyan ay si Satanas ang panibagong espiritu na kaniyang pinaglilingkuran.

3.  Katotohanan nga rin na siya ay isang anti-Cristo na totoo. Iyan ay sa kadahilanan na ang imbento niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay hindi kailan man umayon sa turo (evangelio ng kaharian) na mismo ay sinalita at ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo.

4.  Katotohanang nagtutumibay, na ang taong ito ay isang tunay at masigasig na sugo ni Satanas, sa layuning kaladkarin ang kaluluwa ninoman sa una at pangalawang kamatayan.

5.  Katotohanan kung gayon, na ang kabanalan ay sa pamamagitan ng masigla at may lugod sa puso na pagtalima sa mga kautusan ng Dios (Kautusang Cristo). Hindi kailan man sa pamamagitan ng pananampalataya na nagpapawalang kabuluhan sa mga pinaiiral ng kaisaisang Dios ng langit na pangkalahatang kautusan.

6.  Ano mang turo o aral na hindi umaayon, o laban sa Katuruang Cristo ay hindi kinakasihan ng Espiritu ng Dios. Sa madaling salita ay laban sa nabanggit na katuruang pangkabanalan (Katuruang Cristo) ang kasamaan (evangelio ng di-pagtutuli) na pinangunguluhan ni Satanas.

7.   Ang kautusan ng kaisaisang Dios lamang ang nag-iisang daan tungo sa kapatawaran ng mga kasalanankaligtasan ng kaluluwa at sa kabuhayang walang hanggan.

ITO ANG KATURUANG CRISTO

Tamuhin ng bawa't isa ang mga biyaya ng langit na tumutukoy ng ganap sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at sagad na buhay sa kalupaan.

Hanggang sa muli, paalam.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento