Sa pagsisimula pa lamang ng pangwalong (8th) kabanata ng Roma ay binigyan na agad ng diin ni Pablo ang ilang bagay sa talata 1 at 2 na gaya ng nasusulat sa ibaba.
ROMA 8 :
1 Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.
2 Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.
Hinggil dito’y wala na di umanong hatol pa sa mga na kay Cristo. Sapagka’t ang kautusan ng espiritu na nasa kaniya’y pinalaya siya aniya sa kautusan ng Dios na ang laman ay kasalanan at kamatayan.

Sa himig ng pananalita sa mga talatang ito’y tiniyak niya sa mga taga Roma na itinuring na sa wala ang kanilang mga kasalanan. Kaya’t sila’y hindi na maaaring hatulan pa ng Dios, sa kadahilanang sila’y kalas na sa bigkis ng kautusan ng kasalanan at kamatayan.
Ano pa’t sila’y nabubuhay na lamang sa ilalim ng biyaya na tumutukoy sa kautusan ng pananampalataya sa Cristo. Bagay na hayagang pamumusong sa katuwiran ng kaisaisang Dios na siyang Ama ng lahat nating kaluluwa. Na usaping natanglawan na namin ng may buong linaw sa ilang nakaraang kabanata ng sulat niyang ito.
Gayon pa ma’y narito ang ilang katibayang makapagpapatotoo, na kailan ma’y walang sinomang maaaring makatakas sa itinadhana ng Dios na mga kautusan sa lahat ng mga tao na nabubuhay sa boong kalupaan.
29 Oh mamalagi nawa sa kanila ang kaloobang ito, na sila’y MATAKOT SA AKIN, at kanilang ingatan KAILAN MAN ang lahat ng aking mga UTOS upang ikabuti nila at pati ng kanilang mga anak MAGPAKAILAN MAN.
AWIT 89:
34 Ang tipan ko’y hindi ko sisirain. Ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
ECL 12 :
13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay NARINIG: IKAW AY MATAKOT SA DIOS, at SUNDIN MO ANG KANIYANG MGA UTOS; sapagka’t ITO ANG BOONG KATUNGKULAN NG TAO.
14 Sapagka’t dadalhin ng Dios ang bawa’t GAWA SA KAHATULAN, pati ng bawa’t kubling bagay, maging ito’y MABUTI o maging ito’y MASAMA.
Ang salita ng Dios ay tapat at tunay na kailan ma’y hindi nabago at gayon ding mananatili sa kaniyang katalagahan sa lahat ng mga darating pang panahon. Tulad ng mga kautusan na itinatag ng Dios alinsunod sa tangi niyang katuwiran, na tungkuling inaatang niya sa balikat ng bawa’t tao sa kalupaan, upang kung ganapin ninoman ng may katotohanan ay ikabuti niya at ng kaniyang mga anak magpakailan man.
Alinsunod sa katuwirang ito’y napakaliwanag na ang kaisaisang daan ng kabutihan tungo sa pagtatangi ng kaisaisang Dios ay walang iba, kundi ang mga kautusan na iniukit ng kaniyang kamay sa tapiyas ng mga bato, na siya ngayong balumbon ng mga kautusan (Torah) na iniingatan at isinasabuhay ng mga tunay na nagsisikilala sa kaniya bilang kaisaisang Dios at Ama ng kanilang kaluluwa. Sa gayo’y nasa pagganap lamang sa kautusan ang katubusan ng sala at kaligtasan ng sangkatauhan.
Gaya ng sinasabi ng napakaliwanag na nasusulat, na ang madiing wika ay gaya nito,
EZE 18 :
21 Nguni’t kung ang MASAMA ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga PALATUNTUNAN, at gumawa ng TAPAT at MATUWID, siya’y hindi mamamatay.
22 Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa niya na aalalahanin laban sa kaniya: sa kaniyang KATUWIRAN na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya.
ISA 60 :
16 Ikaw naman ay iinom ng gatas ng mga bansa, at sususo sa mga suso ng mga hari; at iyong malalaman na akong si YEHOVAH ay TAGAPAGLIGTAS sa iyo, at MANUNUBOS sa iyo, Makapangyarihan ng Jacob.
Katototohanan na iisa lamang ang Dios na tagapagligtas ng kaluluwa at manunubos ng sala sa sanglibutang ito. Sapagka’t ang kumakatawan sa mga bagay na ito’y ang kaniyang mga kautusan. Na kung matutunang ganapin ng sinoma’y hindi na aalalahanin pa ng Dios laban sa kaniya ang kaniyang mga nagawang pagsalangsang noong una, na siyang katubusan ng kaniyang mga kasalanan at kaligtasan ng kaniyang kaluluwa.
Tunay ngang napakadakila ng pagibig ng Dios sa lahat ng sa kaniya ay nagmula. Sapagka’t sa lupa ay itinatag niya ang mga kautusan na kakatawan sa kaniya sa katubusan ng sala at kaligtasan ng kanino mang kaluluwa. Na siyang kaisaisang daan sa ikabubuti ng sinoman sa paningin niya na umanyo at lumikha ng lahat.
Datapuwa’t kung ang isa’y lilihis sa daang ito ng katubusan at kaligtasan ay marapat lamang niyang tanggapin na siya mismo ang nagligaw at nagpahamak ng sarili niyang kaluluwa. Gayon din naman, kung ang sinoma’y tatalikod sa kautusan ng kaisaisang Dios sa katubusan, at sa kaligtasan ay sa kaninong dios kaya niya maaaring iharap ang kaniyang mukha? Dahil dito’y lalagi siya sa kasalanan na maghahatid sa tiyak na kapahamakan ng kaisaisa at kaawaawa niyang kaluluwa.
Gaya ng imbentong aral ni Pablo na nagpapawalang kabuluhan sa salita ng Dios hinggil sa kasalanan ng sinoman sa kalupaan.
Gaya ng imbentong aral ni Pablo na nagpapawalang kabuluhan sa salita ng Dios hinggil sa kasalanan ng sinoman sa kalupaan.
KATURUANG PABLO
|
SALITA AT ARAL NG DIOS
|
ROMA 8 :
1 Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay
Cristo Jesus.
2 Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay
Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.
|
EZE 18 :
21 Nguni’t kung ang MASAMA ay humiwalay sa kaniyang lahat
na kasalanan na kaniyang nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga
PALATUNTUNAN, at gumawa ng TAPAT at MATUWID, siya’y hindi mamamatay.
22 Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na
nagawa niya na aalalahanin laban sa kaniya: sa kaniyang KATUWIRAN na kaniyang ginawa ay mabubuhay
siya.
|
Napakaliwanag ayon sa Katuruang Pablo, na ang mga palatuntunan at paggawa ng tapat at matuwid ay inilalapat niya sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.
Ano pa't kung ihahambing naman ang Katuruang Pablo sa Katuruang Cristo ay maliwanag din naman na gaya nito ang mahahayag na katotohanan.
Hindi mahirap unawain ang napakalaking salungatan ng Katuruang Pablo at Katuruang Cristo hinggil sa usapin ng kautusan. Madiing turo ni Pablo ay laya na sa kautusan ng Dios (Torah) ang lahat ng nananampalataya sa Cristo ng Nazaret na si Jesus. Tahasang saway naman nitong si Jesus ay hindi gayon, kundi ang kautusan ay kaisaisang daan sa ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan.
Sa makatuwid ay sila lamang na mga nagpapatali sa kautusan ng katubusan na siya ring kautusan ng kaligtasan ang maaaring umasa ng biyayang mula sa Dios na tumutukoy ng ganap sa ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan.
Datapuwa’t sila (iglesia ni Pablo) na ang boong akala ay nakalas na sa bigkis ng kautusan ay walang anomang maaaring maidahilan sa husgado ng Dios, sapagka’t sa huli’y ang kautusan ding ito pa rin ang presisyong sukatan na tanging maglalahad ng kanilang kakulangan at kasalanan, upang sila ay hatulan ng Dios sa kanilang mga kasalanan.
Gaya ng nasusulat,
Ano pa't kung ihahambing naman ang Katuruang Pablo sa Katuruang Cristo ay maliwanag din naman na gaya nito ang mahahayag na katotohanan.
KATURUANG PABLO
|
KATURUANG CRISTO
|
ROMA 8 :
1 Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay
Cristo Jesus.
2 Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay
Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.
|
MATEO 19 :
17 At sinabi niya
sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa MABUTI? May isa, na siyang MABUTI: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.
JUAN 12 :
50 At nalalaman ko na ANG
KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na
sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA,
GAYON KO SINASALITA.
|
Hindi mahirap unawain ang napakalaking salungatan ng Katuruang Pablo at Katuruang Cristo hinggil sa usapin ng kautusan. Madiing turo ni Pablo ay laya na sa kautusan ng Dios (Torah) ang lahat ng nananampalataya sa Cristo ng Nazaret na si Jesus. Tahasang saway naman nitong si Jesus ay hindi gayon, kundi ang kautusan ay kaisaisang daan sa ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan.
Sa makatuwid ay sila lamang na mga nagpapatali sa kautusan ng katubusan na siya ring kautusan ng kaligtasan ang maaaring umasa ng biyayang mula sa Dios na tumutukoy ng ganap sa ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan.
Datapuwa’t sila (iglesia ni Pablo) na ang boong akala ay nakalas na sa bigkis ng kautusan ay walang anomang maaaring maidahilan sa husgado ng Dios, sapagka’t sa huli’y ang kautusan ding ito pa rin ang presisyong sukatan na tanging maglalahad ng kanilang kakulangan at kasalanan, upang sila ay hatulan ng Dios sa kanilang mga kasalanan.
Gaya ng nasusulat,
4 Narito, LAHAT NG KALULUWA AY AKIN; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ANG KALULUWA NA NAGKAKASALA AY MAMAMATAY.
Ang hatol nga ng kaisaisang Dios ng langit na siyang nagmamay-ari sa lahat ng kaluluwa ay kamatayan sa sinomang magkakasala sa kaniyang kautusan, sa gayo’y kabaligtaran nito ang hatol sa kanila na naging mabuti at kalugodlugod sa kaniyang paningin. Sa makatuwid baga’y yaong buhay na walang hanggan na hindi maaaring ikaila ng sinoman.
Muli, sa talata 3 at 4 winika ni Pablo,
ROMA 8 :
3 Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan:
4 Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.
Sa mga talatang (Rom 8:3-4) iyan sa dakong itaas ay hinusgahan na naman ni Pablo ang Kautusan ng Katubusan na siya rin namang Kautusan ng Kaligtasan na hayagang pamumusong sa Dios. Aniya’y mahina ito sa pamamagitan ng laman, na kung lilinawin ay hindi nito magawang pasunurin ang tao na nasa anyo ng makasalanang laman.

Datapuwa’t sa pagkasugo aniya sa sariling Anak ng Dios na naganyo rin sa pamamagitan ng makasalanang laman, dahil sa sala ng sanglibutan ay hinatulan at pinatay ng Dios ang kautusan ng kasalanan sa kanilang laman. Upang sa kanila aniya ay matupad ang kahilingan ng kautusan ng pananampalataya sa Cristo na hindi nagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa espiritu.
Hinggil sa usaping ito’y nalalaman ng marami na ang Dios ay Espiritu at ang sinomang sasamba sa kaniya ay marapat na sumamba ayon sa Espiritu. Sa anong paraan kung gayon gaganapin ng tao ang katuwirang ito?
Hinggil sa Espiritu ay ganito ang maliwanag na mababasa,
24 ANG DIOS AY ESPIRITU: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa ESPIRITU at sa KATOTOHANAN.
JUAN 6 :
63 Ang ESPIRITU nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga SALITANG SINASALITA KO sa inyo ay pawang ESPIRITU, at pawang BUHAY.
JUAN 12 :
29 Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN.
Sa makatuwid ay walang anomang salitang maaaring sabihin ang Cristo na bunga ng sarili niyang kaisipan. Kundi ang Espiritu ng Dios na naghahari sa kaniyang kalooban ang nagsasalita sa pamamagitan lamang ng kaniyang bibig. Kaya’t ayon sa talata ay Espiritu rin na siyang buhay ang mga salita niyang binibigkas sa kanila na kaniyang kaharap. Sa gayo’y anu-ano baga ang mga salita na siyang bumubuhay, na Espiritu sa sinomang nagiingat at gumaganap ng mga ito?
JUAN 14 :
10 Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.
Sa ikatitibay nga ng katuwirang ito’y narito at sinusugan pa namin ng dagdag na patotoong mababasa sa itaas, na ang salitang nagsilabas sa bibig ng Cristo ay pawang Espiritu na siyang buhay.
MATEO 5 :
17 Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
18 Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
JUAN 14 :
31 Datapuwa’t upang maalaman ng sanglibutan na ako’y umiibig sa Ama, at ayon sa KAUTUSANG IBINIGAY SA AKIN NG AMA, AY GAYON DIN ANG AKING GINAGAWA. Magsitindig kayo, magsialis tayo rito.
Napakaliwanag kung gayon, na ang kaisaisang tanda ng pag-ibig sa Ama na maaaring ipakita ng sinoman, ay gawin (sundin) kung ano ang kautusan na ibinigay Niya sa sangkatauhan,
Napakaliwanag kung gayon, na ang kaisaisang tanda ng pag-ibig sa Ama na maaaring ipakita ng sinoman, ay gawin (sundin) kung ano ang kautusan na ibinigay Niya sa sangkatauhan,
MATEO 19 :
17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.
MAT 23 :
23 At inyong pinababayaang di ginagawa ang LALONG MAHAHALAGANG BAGAY NG KAUTUSAN, Na dili iba’t ang Katarungan, at ang Pagkahabag, at ang PANANAMPALATAYA: datapuwa’t dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pinababayaang di ginagawa yaong iba.
Sino ngayon sa inyo ang maaaring tumanggi na ang mga inilahad naming mga salita sa itaas ay pawang Espiritu na nagbibigay buhay. Palibhasa’y salita ng Espiritu ng Dios na naghahari sa kalooban ng Cristo ay makapagbibigay nga ng buhay sa sinomang sa mga ito’y magiingat.
Sa makatuwid, ang kautusan ng Dios kung gayo’y Espiritu ng buhay, na kung gaganapin ninoma’y napakaliwanag na siya’y sumamba sa Dios alinsunod sa kaanyuan at wangis ng kaniyang Espiritu. Sapagka’t ang kautusan ay anyo at wangis ng katotohanan, ilaw, pagibig, lakas, paggawa, karunungan, at buhay na walang hanggan. Na sa pagsamba ng sinoman sa kaisaiang Dios ng langit ay marapat na ang mga kaanyuang ito’y lumalarawan sa kaniyang kabuoan.
Siya nga na pumapaloob sa kalagayang ito’y katotohanang lumalakad ng ayon sa Espiritu. Datapuwa’t ang sinomang nagtatakwil sa kautusan ng Dios ay lumalakad sa sarili niyang pita ng laman at sa sukdulang kadiliman. Kung gayo’y nagkakamali si Pablo sa kaniyang sariling pagmamatuwid. Sapagka’t kung mga salita ng Dios mismo ang pagbabatayan sa usaping ito ay napakaliwanag, na ang itinuro niyang aral sa mga taga Roma ay hindi maitatanggi maging ng mga pantas, na yaon ang paglakad ng ayon sa laman.
Sa talata 5 at 6 ay tinuran ni Pablo,
ROMA 8 :
5 Sapagka't ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima sa mga bagay ng laman; datapuwa't ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu.
6 Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan.
Sa mga iyan ay sinasabing ang mga nasa laman ay nagsisitalima sa mga bagay ng laman. Datapuwa’t ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay na Espiritu. Gayon pala namang nalalaman ni Pablo ang tuntuning ito’y bakit iginigiit pa rin niya ang ayon sa pagmamatuwid ng kaniyang laman? Na talikuran ang kautusan ng Dios at harapin ang nilikha niyang doktrinang pangrelihiyon, na tumutukoy sa hidwang pananampalataya, na hitik sa binhi at bunga ng mga kasinungalingan.

Gayon din naman palang nalalaman niya na ang kaisipan ng laman ay kamatayan at ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan, ay pinipilit pa rin niyang palabasing tuwid ang kalikuan na nalalaman ng kaniyang kaisipan. Ano pa’t sa kadulasan ng kaniyang dila na tulad sa isang lasing sa alak ay siya na rin mismo sa kaniyang sarili ang nagbunyag ng kaniyang kahibangan. Sapagka sa Roma 8:7 ay ganito niya inilaglag ang kaniyang sarili.
“Sapagka’t ang KAISIPAN NG LAMAN AY NAKIKIPAGALIT LABAN SA DIOS; sapagka’t hindi napasasaklaw sa KAUTUSAN NG DIOS, ni hindi nga maaari.”
Sa gayo’y hindi baga siya nakikipag-alit laban sa Dios at katotohanan nga ba na siya’y napasasaklaw sa kautusan ng Dios? Hinggil dito ay inyong tunghayan ang isasagot niya sa ilang tanong naming ito.
24 Ano pa’t ang KAUTUSAN ay siyang naging TAGAPAGTURO natin upang ihatid tayo kay CRISTO, upang tayo’y ARIING-GANAP SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA.
25 Datapuwa’t ngayong dumating na ang pananampalataya ay, WALA NA TAYO SA ILALIM NG TAGAPAGTURO.
ROMA 3 :
20 Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.
GAL 2 :
16 Bagama’t naaalaman na ang tao ay hindi inaaring ganap sa mga gawang AYON SA KAUTUSAN, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo’y ariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at HINDI DAHIL SA MGA GAWANG AYON SA KAUTUSAN: sapagka’t sa mga gawang ayon sa kautusan ay HINDI AARIING GANAP ANG SINOMAN.
ROMA 4 :
15 Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANGSANG.
ROMA 5 :
13 Sapagka’t ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang KAUTUSAN, nguni’t HINDI IBIBILANG ANG KASALANAN KUNG WALANG KAUTUSAN.
ROMA 8 :
21 Kaya nga nasumpungan ko ang isang KAUTUSAN na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang MASAMA ay nasa akin.
HEB 7 :
18 Sapagka’t NAPAPAWI ANG UNANG UTOS dahil sa kaniyang KAHINAAN at KAWALAN NG KAPAKINABANGAN.
19 (Sapagka’t ang KAUTUSAN AY WALANG ANOMANG PINASASAKDAL), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling, na sa pamamagitan nito’y nagsisilapit tayo sa Dios.
GAWA 13 :
39 At sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y HINDI KAYO AARIING GANAP sa pamamagitan ng KAUTUSAN NI MOISES.
ROMA 3 :
28 Kaya nga MAIPASISIYA NATIN na ang tao ay inaaring-ganap sa PANANAMPALATAYA na HIWALAY SA MGA GAWA NG KAUTUSAN.
Siya na nagsasabing mahina, hindi epektibo at inutil ang kautusan ng Dios. Siya na nagsasabi na ang laman nito’y kasalanan at kamatayan. Siya na nagsasabing ito ang pasimuno ng kasalanan at kasamaan sa sanglibutan ay maituturing pa kayang hindi nakikipag-alit sa Dios na nagmamay-ari ng kautusang ito?
Hindi baga para na rin niyang sinabing initul din sa kabanalan at kasamasamaan ang Dios na maging ang kaniyang sarili ay doon din nagmula? Ngayo’y sabihin ninyo at ipamukha sa amin na ang iniidulo ninyong si Pablo ay isang banal, na walang bahid munti man ng anomang karumihan sa kaniyang pagkatao.
Ano pa’t kung totoong siya’y gayon ay wala ng maituturing pang masama sa mundo. Sapagka’t kabanalan na rin palang maituturing ang pagbabalatkayo, kasinungalingan, katusuhan, kahambugan at pag-akay ng kaluluwa sa tiyak na kamatayan, na siyang tanging masusumpungan sa kalooban at kabuoan ng taong ito.
Sa pagdako naman natin sa talata 8 ay madiin niyang sinalita,
ROMA 8 :
8 At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios.
Sinasabing ang nangasa laman ay hindi nakalulugod sa Dios. Kaugnay ng itinanglaw naming ilaw tungkol sa usaping ito’y walang alinlangan na ang pagsalangsang sa mga kautusan ng Dios ang siyang paglakad alinsunod sa laman. Sapagka’t ang kautusan ay sa Espiritu at ang sinomang dito’y gumanap ng may katotohanan ay napakaliwanag na lumalakad ng ayon sa Espiritu. Kaya’t sinasangayunan namin na siyang hindi kinaluluguran ng Dios ay yaong ayon sa laman (pagsuway) ang mga gawa.

Sa talata 9 ay buong giting na ipinahayag ni Pablo,
ROMA 8 :
9 Datapuwa't kayo'y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo'y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa't kung ang sinoma'y walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya.
Sa talata ngang iyan ay ideneklara ni Pablo na ang mga taga Roma ay wala sa laman kundi sa Espiritu, kaya’t sila aniya’y pinananahanan sa kanilang kalooban nitong Espiritu ng Cristo. Datapuwa’t ang sinoma’y walang espiritu niya’y hindi siya sa kaniya.

Hinggil dito ay nalalaman ninyo batay sa itinanglaw naming ilaw, na ang Espiritu ng Dios na naghahari sa kalooban ng Cristo ang tila tinutukoy ni Pablo, na espiritu ng Cristo na taglay na ng mga taga Roma sa kanikanilang kalooban. Datapuwa't maliwanag na ang isinusulong na aral ng Espiritung nabanggit ay ang pagsunod sa kautusan ng Dios, at hindi ang pagsuway at pagtalikod sa mga ito.
Ano pa’t kung ang isinulong na aral ni Pablo sa mga taga Roma ay gayon din. Sa tanglaw ng ilaw ay makikitang sila nga’y gayong taglay ang nabanggit na Espiritu. Subali’t sa kabaligtaran ng mga salitang ipinangaral niya sa kanila’y masasabi kaya silang nakasumpong ng aral sa Espiritu o sa laman lamang?
Gaya ng aral (evangelio ng di-pagtutuli) na madiing ipinahayag ni Pablo, na sinasabi,
Gaya ng aral (evangelio ng di-pagtutuli) na madiing ipinahayag ni Pablo, na sinasabi,
ROMA 3 :
20 Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.
HEB 7 :
18 Sapagka’t NAPAPAWI ANG UNANG UTOS dahil sa kaniyang KAHINAAN at KAWALAN NG KAPAKINABANGAN.
19 (Sapagka’t ang KAUTUSAN AY WALANG ANOMANG PINASASAKDAL), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling, na sa pamamagitan nito’y nagsisilapit tayo sa Dios.
Masasabi nga kayang sila’y natutong gumanap sa kautusan ng Dios, o nagtumibay lamang sa kanikanilang kalooban ang pagtatakwil sa nabanggit na kautusan.
Datapuwa’t kung inyong babalikan ang mga napagdaanan na nating mga presisyong paglalahad ay pawang aral sa pita ng laman na pagsusuwail sa kalooban ng Dios ang itinuro ni Pablo sa mga taga Roma. Kaya’t hindi kayo mga hangal na mapapaniwala pa niya sa mga pinaglubidlubid na daya ng kaniyang mga kasinungalingan, mula kabanata 1 hanggang sa bahaging ito (kabanata 8) ng kaniyang sulat.
Nalalaman nyo rin na ang sinomang mananalangsang sa kautusan ng Dios ay hindi kailan man pinamahayan ng Espiritu ng Dios sa kaniyang kalooban. Sapagka’t ang budhi niya ay puspos ng karumihan, na siyang pangunahing kaalit ng nabanggit na Espiritu. Sa gayo’y maliwanag na nadaya ni Pablo ang mga taga Roma, kung sila’y nagsipaniwala sa kaniyang kabulaanan. Gayon din niyang napaglalangan sila, na sa ating panahon ay lubos na tumitiwala sa nabanggit na kahibangan ng taong ito.
Patuloy nawang kamtin ng bawa't isa ang masaganang pagsapit ng mga biyaya ng langit. Na mga pagpapalang lumalarawan sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunugang may unawa, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Para sa inyong pakikibahagi at suporta sa sagradong gawaing ito. Click here

Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento