Una sa lahat ay hindi kailan man namin nilayon na sirain ang kredibilidad ng sinoman sa aming mga kapatid, ni ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus, ang sa amin ay paglalahad lamang ng mga sumusunod na pahayag, kung paano nalalabag ng mga tao ang pangalawang (2) utos ng Ama nating nasa langit. Yamang mayroon mga nangaral hinggil sa kinikilala nilang doktrinang pangrelihiyon. Matuwid nila’y walang masama sa paggamit ng mga larawang inanyuan.
Taliwas sa paniniwalang ito’y bayaan ninyong saliwan namin ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal ang mga sumusunod na paliwanag.
Taliwas sa paniniwalang ito’y bayaan ninyong saliwan namin ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal ang mga sumusunod na paliwanag.
Ang kaisaisang Dios na siyang Ama nating lahat ay nagbaba ng mga kautusan (10 utos) sa kaniyang mga anak sa kalupaan. Ito’y sa layuning itaas ang kalagayan nila mula sa pagiging karaniwan (ordinary) hanggang sa masiglang antas ng tunay na kabanalan (holy). Ano pa’t may mga anak na sadyang ang nalalaman ay paghimagsikan ang sarili nilang Ama, at sa gayo’y pinipilipit nila ang lubhang maliwanag Niyang mga salita na tumutukoy sa kautusan.
Tampok na usapin sa atin ngayo’y ang tungkol sa pangalawang (2) kautusan, gaya ng nasusulat,
Narito, at punto por punto ay hihimayin namin ang kautusang paksa sa usaping ito.
Ang utos sa lahat ng mga tao ay huwag gagawa ng larawang inanyuan, o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas ng langit, o ng nasa ibabaw ng lupa.
TANONG: Gumawa ba ng larawang inanyuan ang mga tao?
SAGOT: OO. At totoong nagpakasama ang marami, nang gawin nila ang mga sumusunod na karumaldumal.
SAGOT: OO. At totoong nagpakasama ang marami, nang gawin nila ang mga sumusunod na karumaldumal.
DEUT 4:
16 BAKA KAYO'Y MANGAGPAKASAMA, at kayo'y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, na kahawig ng LALAKE o BABAE,
TANONG: Ang ginawa ba ng mga tao ay larawan ng lalake at babae?
SAGOT: OO. Gayon ngang sa paggawa pa lamang ng mga larawan ng lalake at babae ay nagpapakasama na nga ang mga tao sa harapan ng Ama nating nasa langit. Mabuti man, o masama ang layunin natin ay hindi sinasang-ayunan ng Dios na gumawa ang sinoman ng gayong uri ng karumaldumal. Sapagka’t ang mga tao ay walang pagsala na matutuksong sambahin at paglingkuran ang mga kasuklamsuklam na larawang iyon.
SAGOT: OO. Gayon ngang sa paggawa pa lamang ng mga larawan ng lalake at babae ay nagpapakasama na nga ang mga tao sa harapan ng Ama nating nasa langit. Mabuti man, o masama ang layunin natin ay hindi sinasang-ayunan ng Dios na gumawa ang sinoman ng gayong uri ng karumaldumal. Sapagka’t ang mga tao ay walang pagsala na matutuksong sambahin at paglingkuran ang mga kasuklamsuklam na larawang iyon.
Sa pagpapatuloy ng usapin ay sinusugan ng ating Ama ang kaniyang kautusan, at sinabi, HUWAG MONG YUYUKURAN SILA, O PAGLINGKURAN SILA,…
TANONG: Niyukuran ba at pinaglingkuran ang ginawa nilang larawan ng babae at lalake?
SAGOT: OO, at hindi lamang NIYUYUKURAN, kundi NILULUHURAN pa ng mga tao gaya ng makikita sa dakong itaas na larawan.
Bilang paglilingkod sa mga larawang ginawa ng mga kamay ng mga tampalasan ay DINADASALAN, NILULUHURAN, BINIBIHISAN NG IBA’T IBANG MAMAHALING KASUOTAN, INAALAYAN NG MGA PILI AT MABABANGONG BULAKLAK, IPINUPRUSISYON, PINAGSUSUNUGAN NG KAMANGYAN, PINAGPAPANATAAN, HINAHALIKAN (gaya ng mga halik sa talampakan ng itim na Nazarenong idolo) at marami pang ibang uri ng karumaldumal na paglilingkod.
TANONG: Niyukuran ba at pinaglingkuran ang ginawa nilang larawan ng babae at lalake?
SAGOT: OO, at hindi lamang NIYUYUKURAN, kundi NILULUHURAN pa ng mga tao gaya ng makikita sa dakong itaas na larawan.
Bilang paglilingkod sa mga larawang ginawa ng mga kamay ng mga tampalasan ay DINADASALAN, NILULUHURAN, BINIBIHISAN NG IBA’T IBANG MAMAHALING KASUOTAN, INAALAYAN NG MGA PILI AT MABABANGONG BULAKLAK, IPINUPRUSISYON, PINAGSUSUNUGAN NG KAMANGYAN, PINAGPAPANATAAN, HINAHALIKAN (gaya ng mga halik sa talampakan ng itim na Nazarenong idolo) at marami pang ibang uri ng karumaldumal na paglilingkod.
Ang unawa ngang kailangan ng Ama sa kaniyang mga anak ay simple (payak) lamang - kung ano ang utos ay siyang sunod.
Na sinasabi,
Na sinasabi,
DEUT 12 :
32 Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong ISASAGAWA: HUWAG MONG DADAGDAGAN, NI BABAWASAN.
TANONG: Ano baga ang kautusan na iniutos ng Ama sa kaniyang anak?
SAGOT: Huwag gagawa ng larawan ng lalake at babae. Mga lumalakad sa lupa, mga lumalangoy sa katubigan, at mga nagsisilipad sa kalawakan. Ano pa? Huwag silang yuyukuran, ni sasambahin man.
SAGOT: Huwag gagawa ng larawan ng lalake at babae. Mga lumalakad sa lupa, mga lumalangoy sa katubigan, at mga nagsisilipad sa kalawakan. Ano pa? Huwag silang yuyukuran, ni sasambahin man.
TANONG: Dinagdagan ba ng mga tao ang partikular na utos ng Dios na ito?
SAGOT: OO, sapagka’t mula sa pilipit na pagmamatuwid ay madiing sinabi ng mga tao,
“Tagapagpaalala lang sa dios namin na si Jesucristo at sa ina ng dios na si Birheng Maria ang mga larawan nila na aming GINAWA.”
TANONG: Nilapastangan ba ng mga tao ang partikular na utos ng Dios na ito?
SAGOT: OO, sapagka’t hindi nila sinunod ang utos ng Dios sa sangkatauhan na nagsasabi, “HUWAG KANG GAGAWA"
TANONG: Huwag gagawa ng ano?
SAGOT: Ng mga kasuklamsuklam na larawang iyon ng lalake at babae” upang pagpitaganan, sambahin at paglingkuran bilang mga diosdiosan at mga santosantohan.
Dahil dito ay napakaliwanag na nilabag ng mga tao ang utos na huwag magdadagdag at huwag magbabawas ng mga salita ng kautusan. At kung ano ang utos ay malinaw na hindi nila sinunod.
UTOS NG DIOS NA HAYAGANG NILALABAG AT NILALAPASTANGAN NG MGA TAO
Deut 4 :
2 HUWAG NINYONG DARAGDAGAN NI BABAWASAN ANG SALITA NA AKING INIUUTOS SA INYO, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos sa inyo.
KAW 30 :
6 HUWAG KANG MAGDADAGDAG SA KANIYANG MGA SALITA, Baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang SINUNGALING.
6 HUWAG KANG MAGDADAGDAG SA KANIYANG MGA SALITA, Baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang SINUNGALING.
DEUT 12 :
32 Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong ISASAGAWA: HUWAG MONG DADAGDAGAN, NI BABAWASAN.
32 Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong ISASAGAWA: HUWAG MONG DADAGDAGAN, NI BABAWASAN.
JER 26 :
2 ... ang lahat na SALITA na inutos ko sa iyo upang SALITAIN SA KANILA; HUWAG KANG MAGBABAWAS NG KAHIT ISANG SALITA.
2 ... ang lahat na SALITA na inutos ko sa iyo upang SALITAIN SA KANILA; HUWAG KANG MAGBABAWAS NG KAHIT ISANG SALITA.
TANONG: Nagdagdag at nagbawas ba ang mga tao sa mga utos ng Dios na iniutos Niya sa sangkatauhan upang sundin?
SAGOT: OO, ayon sa katotohanan na katatapos lamang na ilahad sa dakong itaas ng akdang ito.
Ang buong kautusan (10 utos) na iniutos ng Dios sa atin na Kaniyang mga anak ay tungkulin nating sundin, at iyan ang kaisaisang katotohanan na nararapat isa-isip at isapuso ng lahat. Sapagka’t tungkol dito ay sinabi,
ECL 12 :
ECL 12 :
13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay NARINIG: IKAW AY MATAKOT SA DIOS, at SUNDIN MO ANG KANIYANG MGA UTOS; sapagka’t ITO ANG BOONG KATUNGKULAN NG TAO.
KAW 7 :
1 Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, At impukin mo sa iyo ang aking mga utos,
2 Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; At ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata.
3 Itali mo sa iyong mga daliri; Ikintal mo sa iyong puso.
Ang sinoman sa makatuwid ay kailangang matakot sa kaisaisang Dios, upang siya ay matutong sumunod sa Kaniyang mga utos. Dahil ang pagsunod sa kautusan ay katotohanan na buong katungkulan sa Panginoong Dios ng sinoman sa kalupaan.
Kailangan ang ibayong pag-iingat at pagpapahalaga sa kautusan ng Ama nating nasa langit. Iyan ay sa ikabubuhay ng ating kaluluwa. Kung paano nga nakikita ang itim ng ating mga mata ay gayon din naman dapat makita Niya ang masigla at may galak sa puso na pagsunod natin sa Kaniyang mga kautusan. Ang nais Niya ay itali iyon sa ating mga daliri, at gayon din namang ikintal natin sa ating puso.
ANYO NG KERUBIN AT AHAS NA TANSO
The bronse Snake |
Partikular na iniutos ng ating Ama kay Moses na gawin ang mga yaon na siya naman niyang sinunod. Sapagka’t nauna na Niyang ibinaba ang sampung (10) utos at sa panahong yao’y nalalaman Niyang isa man sa mga anak ng pagsunod na tumanggap ng mga nabanggit na utos ay hindi maglilingkod at sasamba sa ahas na tanso, ni sa kerubin man.
Ang ahas na tanso ay nagsilbing simbulo lamang ng kaligtasan nilang natuklaw ng makamandag na ahas sa panahong iyon at bilang isang kongkretong patotoo na ang presensiya nitong Espiritu ng Dios sa panahong iyon ay nasa kaniya . Doo'y hindi sinabi na ang yuyukod at sasamba doon ay gagaling mula sa tuklaw ng ahas, kundi ang sinomang tumingin lamang doon ay gagaling kapagdaka.
Ang kerubin naman ay simbolismo lamang ng dalawang (2) magkatuwang na bantay nitong kaban ng tipan. Kung paano nga ang kerubin ay mahigpit na tinatanuran ang lagusan ng paraiso ay gayon din naman ipinakikita ng Ama, na ang dalawang (2) kerubin ay masigla at maingat din na pinangangalagaan ang kaban ng tipan.
Gayon man ay nananatili ang unang utos na "huwag silang yuyukuran," kabilang dito ang ahas na tanso at karubin na ginto. Dahil diyan ay wala kaming nakikitang anomang salungatan sa mga salita ng Dios (YHVH) na mismo ay lumabas mula sa kaniyang bibig.
Ang matuwid ay sundin kung ano ang mga kautusan (10 utos) na pangkalahatan, at huwag gawing palusot ang partikular na utos na tanging iniutos ng Dios sa iisang tao lamang. Yung utos kay Moses ay sa kanya lamang, at ang dapat intindihin ng lahat ay ang katotohanan na nasasaad sa pangalawang (2nd) utos na sadyang ukol sa lahat ng tao sa kalupaan.
Ang eksistensiya ng dalawang (2) kerubin sa kaban ng tipan at ng ahas na tanso ang siyang laging ginagawang pilipit na pagmamatuwid (escape goat) ng mga paganong Romano, upang maipanakip ang isyu ng kerubin at ahas na tanso sa pagsasabuhay nila ng idolatriya.
Sa gayong kababaw na palusot (escape goat) ay katotohanang katotohanan na hindi pa rin nila naligtasan ang lubhang malaking kasalanan sa ating Ama. Iyan ay nang sadyain nilang gumawa ng larawan (imahe) ng babae at lalake, upang pagpitaganan, sambahin, at paglingkuran bilang diosdiosan at santo, o santa.
Kapag iyo ngang ginawa ang sa iyo’y hindi utos ay tiyak na masusumpungan ka ng Dios sa kalagayan ng isang pangahas, at tampalasan. Kasuklamsuklam ka nga sa kaniyang paningin. Ano pa’t kapag ginanap ng sinoman ang pangkalahatang kautusan (10 utos) ay banal nga siyang ituturing ng Ama nating nasa langit.
Maliwanag na nalabag at nalapastangan ng mga paganong Romano ang pangalawang (2) utos ng Dios, nang sila’y magsigawa ng mga larawan ng lalake at babae, na hayagang pinagpipitaganan, sinasamba, at pinaglilingkuran ng malaking bilang nila sa kalupaan hanggang sa ating panahong nilalakaran. Gayon ngang napakaliwanag sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit ay labis-labis na pagpapakasama ang kasuklamsuklam na gawa nilang iyon.
Mga buhay tayong saksi sa karumaldumal na gawang iyan ng mga tao, at tayo mismo ang makapagpapatotoo, kung paano umiiral ang gayong uri ng kasuklamsuklam na kaganapan sa kasalukuyan.
Mga buhay tayong saksi sa karumaldumal na gawang iyan ng mga tao, at tayo mismo ang makapagpapatotoo, kung paano umiiral ang gayong uri ng kasuklamsuklam na kaganapan sa kasalukuyan.
AKO'Y TAO, AKING AMA INYONG AMA, AKING DIOS INYONG DIOS
Sa isang dako ay madiing sinabi ni Jesus,
Sa isang dako ay madiing sinabi ni Jesus,
JUAN 8 :
40 Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo’y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING NARINIG SA DIOS: ito’y hindi ginawa ni Abraham.
JUAN 20 :
17 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t HINDI PA AKO NAKAKA AKYAT SA AMA, nguni’t pumaroon ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.
Ano’t ang napakaliwanag na salitang ito ni Jesus tungkol sa likas niyang kalagayan bilang tao na totoo ay hindi pinakinggan ng marami, at sa halip ay iniangat ang kalagayan niya bilang dios, at dahil dito ay nagkaroon ng dahilan ang mga karumaldumal na pagano, upang siya’y igawa nila ng hindi kakaunting larawan at rebulto na yari sa iba’t ibang bagay. Iyan ay upang ang mga GINAWA nilang larawan at wangis (rebulto) ni Jesus ay kanilang yukuran at luhuran bilang pagpipitagan, pagsamba, at paglilingkod sa kaniya na kinikilala nilang dios.
TANONG: Kinilala baga nila si Jesus ayon sa TOTOONG kalagayan na ipinakilala niya sa kanila bilang tao na totoo?
SAGOT: HINDI,sapagka't siya'y pinagpitaganan, sinamba, at pinaglingkuran ng marami sa kalagayan ng isang dios.
TANONG: Ano ang maaaring itawag sa larawan o rebulto ni Jesus na kinilalang dios ng mga tao.
SAGOT: DIOSDIOSAN, palibhasa’y iisa lamang ang umiiral na Dios sa lahat ng kaluwalhatian. At ang napakaliwanag hinggil dito ay sa bibig mismo ni Jesus lumabas ang katotohanan na siya ay tao na totoo.
(Sa NT[KJV] ng bibliya ay 78 ulit na may diing binigkas ng sariling bibig ni Jesus, na siya ay, "anak ng tao.") Sa amin ay higit sa sapat na ang bilang (78) na iyan, upang tindigan namin ng matibay na siya ay nagsasaysay ng katotohanan hinggil sa likas niyang kalagayan bilang isang tao na totoo. (Juan 8:40, Juan 20:17)
SAGOT: HINDI,sapagka't siya'y pinagpitaganan, sinamba, at pinaglingkuran ng marami sa kalagayan ng isang dios.
TANONG: Ano ang maaaring itawag sa larawan o rebulto ni Jesus na kinilalang dios ng mga tao.
SAGOT: DIOSDIOSAN, palibhasa’y iisa lamang ang umiiral na Dios sa lahat ng kaluwalhatian. At ang napakaliwanag hinggil dito ay sa bibig mismo ni Jesus lumabas ang katotohanan na siya ay tao na totoo.
(Sa NT[KJV] ng bibliya ay 78 ulit na may diing binigkas ng sariling bibig ni Jesus, na siya ay, "anak ng tao.") Sa amin ay higit sa sapat na ang bilang (78) na iyan, upang tindigan namin ng matibay na siya ay nagsasaysay ng katotohanan hinggil sa likas niyang kalagayan bilang isang tao na totoo. (Juan 8:40, Juan 20:17)
TANONG: Ano kung gayon ang maaaring itawag sa marami na hindi nagsipaniwala at niwalang kabuluhan (nilapastangan) ang mga salita (evangelio ng kaharian) na mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus?
SAGOT: ANTICRISTO.
TANONG: Kaugnay ng usaping ito, ano ang mga gawa, o kaugalian na pagkakakilanlan sa mga anticristo?
SAGOT:
1. Ang pagkilala kay Jesus bilang Dios.
2. Ang pagtanggap kay Maria bilang ina ng Dios.
3. Ang paggawa ng mga larawan ng lalake at babae na inanyuan ng mga kamay.
3. Ang pagsamba at paglilingkod sa larawan at wangis ng nabanggit na lalake at babae.
4. Ang pagsamba at paglilingkod sa mga santo/santa at relikiya nila.
TANONG: Kaugnay ng usaping ito, ano ang mga gawa, o kaugalian na pagkakakilanlan sa mga anticristo?
SAGOT:
1. Ang pagkilala kay Jesus bilang Dios.
2. Ang pagtanggap kay Maria bilang ina ng Dios.
3. Ang paggawa ng mga larawan ng lalake at babae na inanyuan ng mga kamay.
3. Ang pagsamba at paglilingkod sa larawan at wangis ng nabanggit na lalake at babae.
4. Ang pagsamba at paglilingkod sa mga santo/santa at relikiya nila.
TANONG: Ipinasasamba ba ng simbahang katoliko ang rebulto o larawan ni Jesus?
SAGOT: OO, sapagka't sa mga sumusunod na turo ng simbahang katoliko ay ganito ang napakaliwanag na mababasa sa mga hidwa nilang katuruan.
The Faith of our forefathers
James Cardinal Gobbons, p.200
Archbishop of Baltimore
It is in this sense, I take it, those scholastic writers have spoken of the same worship being paid to images of Christ as to Christ our Lord Himself; for the act which is called the worship of an image is really the worship of Christ Himself,
Tinagalog ni: Rufino Alejandro
Sa ganitong kahulugan, sa pagkakilala ko, bumabanggit ang mga manunulat na escolastico hinggil sa gayon ding pagsamba iniuukol sa mga larawan ni Kristo na parang kay Kristong Panginoon natin na rin; sapagka’t ang gawang kung tawagin ay pagsamba sa isang larawan ay tunay na pagsamba kay Kristo na rin, sa pamamagitan ng pagyukod sa harap ng larawan na totoong sa harap ni Kristo na rin.
At narito pa ang paliwanag ng simbahang katoliko hinggil sa turo na may kinalaman sa pagsamba sa larawan ni Jesus.
Early Christian Art
Eduard Syndicus, S.J. p. 151
Jesuit Priest
...following other schoolmen, Thomas (Aquinas) also showed in a wonderful section of his Summa Theologica, his understanding of the irrational element in the cult-image and its veneration: When one turns to an image, he says, in so far as it is a thing – either a painting or a statue – it deserves no veneration. But if one turns to it as an image of Christ, it deserves the same reverence as Chirst himself. ‘Since Christ is worshipped with humble veneration, it follows that his image, too, must be worshipped with (relatively) humble veneration.’
(... bilang pagsunod sa iba pang tagapagturo, ipinakita din naman ni Thomas (Aquinas) sa kahangahangang bahagi ng kaniyang Suma Teolohika, ang kaniyang pagka-unawa sa di makatuwirang bagay ukol sa kulto ng larawan at ang iniuukol na pamimitagan: Kapag ang sinuman ay bumaling sa larawan, sabi niya, sa dahilang iyon ay isang bagay - maaring guhit kamay o istatuwa – hindi nauukol doon ang pagsamba. Subali’t kung ang sinoman ay bumaling doon bilang isang larawan ni Kristo, yaon ay karapatdapat pag-ukulan ng gayon ding pamimitagan na iniuukol kay Kristo mismo. Yamang si Kristo ay sinamba na may kapakumbabaang pagpipitagan, dapat lamang na ang kaniyang larawan man ay marapat sambahin ng may kalakip na pagpapakumbabang pagpipitagan.)
Madiin nilang wika ay hindi sila sumasamba sa mga larawan. Gayong napakaliwanag sa doktrinang pangrelihiyon nila na sila'y gumawa ng gayon. Kaya pala naman hayagan nilang niluluhuran at pinaglilingkuran ang mga larawan ay pagpapakita lamang pala ng kanilang lantarang pagsamba sa mga iyon.
TANONG: Ang mga santo at santa ba ay sinasamba din ng mga katoliko?
SAGOT: OO, sapagka't pamunuan mismo ng simbahan ang nagtuturo na sila, at maging ang kanilang mga labi (relic) ay sambahin ng kanilang mga kasapi.
Ito na nga ang sukdulang kasuklamsuklam sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit, gaya ng napakaliwanag na hidwang turo ng nabanggit na simbahan.
Cathechism of Christian doctrine no. 3
Nihil Obstat: A.G. Casas, Censor Librorum
Imprimature: Rufino J. Santos, D.D.,
Archbishop of Manila, pp. 86-87
10. What is a saint?
A Saint, in the strict sense of the word, is one who is in heaven, and has been presented by the church for the public worship of the faithful.
13. Is the worship of the saits confined to their person?
No; it extends to their relics and images.
14. What do we call relics?
We call relics;
1. The remains of the body of a saint who has been canonized or beatified by the Church;
2. The objects which have belonged to the saints, or which have touched their bodies: such as their linen, coffins, etc.
(10. Ano ang Santo?
Ang Santo sa tumpak na pakahulugan ng salita, ay siyang nasa langit at pinagparangalan na ng Iglesia Katolika upang SAMBAHIN sa madla ng mga mananampalataya.
13. Ang PAGSAMBA ba sa mga santo ay ukol lamang sa kanilang katauhan?
Hindi, sumasaklaw din ito sa kanilang mga RELIKIYA at LARAWAN.
14. Tinatawag natin mga relikiya,
1. Ang mga LABI NG KATAWAN ng isang santo na pinapaging banal o inihanda sa pagiging banal ng iglesia;
2. Ang mga bagay na naging PAG-AARI ng mga santo, o yaong napadaiti sa kanilang mga katawan: tulad ng kanilang KASUOTAN, mga ATAOL, at iba pa.)
Napakaliwanag ang paglabag na iyan sa pangalawang utos ng Dios na sinasabi,
Exo 20 :
4 HUWAG KANG GAGAWA PARA SA IYO NG LARAWANG INANYUAN o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
5 HUWAG MONG YUYUKURAN sila, o PAGLINGKURAN man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;
Sino ang mga ipokrito (mapagkunwari) na nagsasabing sila'y hindi sumasamba at naglilingkod sa mga larawan ng lalake (Jesus) at babae (Maria) na inanyuan ng mga kamay. Yun pala naman ay gayon ang maliwanag nilang ginagawa. Ang hayagan na katunayan sa kasuklamsuklam na gawain nilang iyan ay ang lantaran nilang pagluhod sa harapan ng mga larawang nabanggit.
Ano pa't maging ang BANGKAY, DAMIT, ATAOL (kabaong), LARAWAN, at REBULTO ng itinalagang mga santo ng simbahan ay gayon din naman nila na sinasamba at pinaglilingkuran. Napakaliwanag kung gayon, na ang lahat ng iyan ay isang hayagan na paglabag at paglapastangan sa pangalawang (2nd) kautusan na nabibilang sa sampung (10) utos ng Dios.
Muli, hindi namin layunin na sirain ang kahit na sino, ni itindig man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Lalo ng ito'y napakaliwanag na hindi isang pag-atake sa alin mang doktrinang pangrelihiyon na tinitindigang matibay ng sinoman. Inilahad lamang namin ang mga katiwatiwalang katunayang biblikal na nagbibigay diin, kung papaano hayagang nalalabag ng mga tao ang pangalawang (2) kautusan ng Ama nating nasa langit. Ito ay katotohanan na nararapat tanggapin ng lahat, at tungkol dito ay sinabi,
JUAN 8 :
32 At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.
Ano pa't ang katotohanan ng Dios kapag natamo ng sinoman, kadalasa'y may kaakibat na kirot ng kurot sa ating kalooban,
Gayon ma'y maliwanag na ito ang makapagpapalaya sa mahigpit na bigkis na tanikala ng pagka-alipin nitong pagsamba sa larawan ng lalake at babae. Kahi man kaakibat nito ang hapdi sa ating damdamin ay marapat lamang natin itong tanggapin na may galak sa ating puso.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Suma inyo ang kapayapaan. Hanggang sa muli, paalam.
Related Topics:
1. Kautusan Laban sa Paganismo (Idolatriya at iba pa).
2. Bagong Anyo ng Pagsamba kay Jesus.
Para sa inyong pakikibahagi at suporta sa sagradong gawaing ito. Click here
JUAN 8 :
32 At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.
Ano pa't ang katotohanan ng Dios kapag natamo ng sinoman, kadalasa'y may kaakibat na kirot ng kurot sa ating kalooban,
Gayon ma'y maliwanag na ito ang makapagpapalaya sa mahigpit na bigkis na tanikala ng pagka-alipin nitong pagsamba sa larawan ng lalake at babae. Kahi man kaakibat nito ang hapdi sa ating damdamin ay marapat lamang natin itong tanggapin na may galak sa ating puso.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Suma inyo ang kapayapaan. Hanggang sa muli, paalam.
Related Topics:
1. Kautusan Laban sa Paganismo (Idolatriya at iba pa).
2. Bagong Anyo ng Pagsamba kay Jesus.
Para sa inyong pakikibahagi at suporta sa sagradong gawaing ito. Click here
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Masakit isipin na ang kinikilala mong magulang nanag mamahal sayo. Na binigyan ka ng edukasyon hinubog ka salahat ng uri ng karunungan ay nalaman mo na ikaw pala ay isang ampon ay halin tulad sa relihiyon na kinabibilangan mo ngayon. Iyo kayang itakwil ang mga rebulto na matagal mo nang minahal? o kaya`y tangapin ang katoto hanan na ibigin mo ang kaisa isang Dios na dapat sambahin sa espirito at katotohanan.
TumugonBurahinAng paliwanag na ito ay extreme. So, lumabas na ang totoo. Malaking kasalanan sa Diyos ang gumawa ng rebulto ni Jesus at ni Maria. Anticristo pala ang tawag sa kanila ha !!! Ngayon, maliwanag na sa akin ang lahat. Mabuhay ka Yohvshva.
TumugonBurahinClear ang explanation at batang paslit lang ang hindi makakaintindi nito. Totoo nga ito, kasi suportado ng scripture, kaya walang duda na masama ang gumawa at sumamba sa larawan ni Jesus at ni Mary, at sa mga saints ng gentile church.
TumugonBurahinKung bibliya din lang ang gagawing ebidnsya ay bawal na bawal ang sumamba sa mga diosdiosan. Kalaban ng dios ang nagtuturo ng pagsamba sa rebulto, at kalaban din ng dios ang sumasamba sa mga rebulto. Cool ito Yohvshva, walang lusot ang nagpapalusot.
TumugonBurahinBasta ang alam ko, galit ang dios sa lumuluhod at nagdadasal sa mga rebulto na diosdiosan. Naku, lalo na sa rebulto ni Jesus at ni Maria.
TumugonBurahinAno pa nga ba ang maidadahilan sa pangalawang utos na ito sadyang pinatigas ang paninindigan ng sarili nilang pamamaraan ng pag samba sa Dios ...take note ...nagbigay ang kaisa isang Diyos ng sampung utos ito ang pamamaraan kung paano mo siya dapat sambahin hindi ang pamamaraan ng tao kung paanong pamamaraan siya dapat sambahin .magkaiba ito diba?...pamamaraan ba ng Diyos?o pamamaraan ng tao?
TumugonBurahinJoey,
TumugonBurahinAng ibang malalaking relihiyon inilagay pa ang sampung utos sa may pinto ng church nila, nawawala naman ang ikalawang utos, i check mo na kapatid punta na sa simbahan nyo.
Sir Yohvshva bar Yusuf,
TumugonBurahintanong ko lang po kung ano religion nyo po. salamat
Maliwanag na mauunawaan sa artikulong iyan ang kalipunan ng mga tao na lubos ang pagkilala at pagsasabuhay ng mga katuruang pangkabanalan na iniluwal ng sariling bibig ng Cristo. Iyan ay hindi relihiyon, kundi isang kawan na masigla at may galak sa puso na tumutugon sa kalooban ng kaisaisang Dios na nasa langit. Ang kawan ngang iyan ang ganap na sumasakop at kumukupkop sa munti naming bilang sa kalupaan.
TumugonBurahinhttp://kamalayangyohvshva.blogspot.com/2012/10/masyak-cristo.html#more
sinasabi ninyong hindi Dios si Jesus paano ninyo ma-explain ang sinabi ng bibliya:
TumugonBurahinSome people claim to believe that Jesus was a “good prophet”, but they deny that Jesus is God. If that is you, I would like to encourage you to consider some of these Bible:
John 1:1
In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God... 1:14 - And the Word became flesh and dwelt among us,
John 10:30:
I and my Father are one.
Matthew 1:23
“Behold, the virgin shall be with child, and bear a Son, and they shall call His name Immanuel,” which is translated, “God with us.
Revelation 1:17-18; Revelation 2:8 - (Jesus is the First and the Last)
John 5:23
...that all should honor the Son just as they honor the Father. He who does not honor the Son does not honor the Father who sent Him.
John 14:6-7
Jesus said to him, “I AM the way, the truth, and the Life. No one comes to the Father except through Me.”
Acts 20:28 - (God purchased us with His own blood)
Revelation 1:5,6; Revelation 5:8-9 - (Jesus' blood purchased us)
Revelation 22:13 - “I AM the Alpha and the Omega, the Beginning and the End, the First and the Last.”... 22:16 - “I, Jesus, have sent My angel to testify to you these things in the churches.”
John 8:58 - Then Jesus said to them, “Most assuredly, I say to you, before Abraham was, I AM.”
John 8:24 - “Therefore I said to you that you will die in your sins; for if you do not believe that I AM He, you will die in your sins.”
John 14:9-11 - Jesus said to him, “Have I been with you so long and yet you have not known Me, Philip? He who has seen Me has seen the Father; so how can you say, 'Show us the Father'?”
Sinasabi din sa bibliya:
2 John 1:7 - For many deceivers have gone out into the world who do not confess Jesus Christ as coming in the flesh. This is a deceiver and an antichrist.