Miyerkules, Nobyembre 1, 2017

BUGTONG NA ANAK NG DIOS

Mula sa tradisyonal, o yaong nakaugaliang laganap na katuruan hinggil sa tinatawag na “Bugtong na Anak ng Dios.” Iyan ay hindi pinag-aalinlangan ng sinoman na direktang tukuyin sa gayong kabanal na kalagayan itong si Jesus ng Nazaret. Siya nga ang ayon sa nakasanayang aral pangkabanalan ay ang kaisaisang Anak ng Dios.

Sa tila katiwatiwalang pahayag at personal na turo ng sariling bibig ni apostol Juan.  Walang pag-aalinlangan, na ang kaisa-isang itinuturo ng kaniyang daliri, ay ito ngang si Jesus na nagtataglay ng titulong Cristo ang siyang bugtong na Anak ng Dios. Bagay na maliwanag ang pagkakatala ni apostol Juan sa tinatawag na sagradong kasulatan (NT)

Alinsunod sa maliwanag niyang pahayag hinggil sa paksang ito ay gaya ng mababasa sa ilang talata sa ibaba ang madiin niyang wika,

JUAN 1 :
18  Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang BUGTONG NA ANAK, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.

JUAN 3 :
16  Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang BUGTONG NA ANAK, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

JUAN 3 :
18  Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng BUGTONG NA ANAK NG DIOS.

1JUAN 4 :
Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang BUGTONG NA ANAK sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.

Mula sa ilang talatang iyan sa itaas ay tiyakan na tutukuyin ng sinoman, na ang bugtong na Anak ng Dios ay wala na ngang iba pa, kundi ang Cristo Jesus. Kaugnay niyan, sa pagsusuri ng kasulatan ay makikita din ng napakaliwanag, na ang pahayag na iyon ay hindi nagmula sa sariling bibig ng Cristo, kundi galing lamang sa matibay na paniniwala ni apostol Juan sa likas na kalagayan ni Jesus.
Ano pa’t ang deklarasyon niyang iyan hinggil sa pagiging bugtong na Anak ng Dios nitong si Jesus ay isang usapin na kinasasangkutan ng Espiritu, na labas sa buong nasasakupan ng limang (5) materiyal na pangdama (paningin, pangdinig, pang-amoy, panglasa, at pakiramdam). 

Sa pagpapatuloy, kung lilinawin ay walang sintidong pisikal na maaaring gawing batayan ang sinoman, upang tiyakin ang eksistensiya ng reyalidad at aktuwalidad ng anoman na pumapaloob sa kalawakan nitong dimensiyon ng Espiritu, ni sa parametro man nitong daigdig ng isipan

Dahil diyan ay maibibilang lamang iyan sa karaniwang personal na opinion ng isang tao, na naglalahad ng isang kalagayan na ayon lamang sa minatuwid, o minabuti ng sarili niyang isipan. Ito’y isang paglalahad lamang ng kongklusyon na binuo sa isipan, na walang kahustuhan at wastong kongretong batayan, na mula mismo sa mga salita na madiing winika ng sariling bibig ng Cristo.

Sa usaping iyan na binibigyang katuwiran ni apostol Juan ay may hustong diin sa kaniyang sulat ang pagiging Dios nitong si Jesus, palibhasa’y ipinahayag niya na ang Cristo ng Nazaret ay bugtong o kaisaisang Anak ng DiosSubali’t ang pahayag na gaya niyan ay mananatili na isang palapalagay, o hakahaka lamang, hanggang sa ito ay hindi pa nagkakaroon ng matibay at aktuwal na patotoo mula sa sariling bibig ng Cristo. Na nagsasabing siya ay gaya nga ng banal na kalagayan ng Dios na minamatuwid at ganap na inilalapat ni apostol Juan sa kaniyang kabuoan.


ISANG MAHALAGANG PAALALA:

Bago tayo tuluyang pumalaot sa kalawakan ng napakahalagang usaping ito ay nais naming ipa-unawa sa inyo ng lubos, na hindi namin layunin na pagbanggain ang personal na opinion ni apostol Juan at ang mga turo na siyang ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo. Ibig lamang naming linawin at bigyang diin, na hindi lahat ng nasusulat sa bagong tipan ng bibliya ay maituturing na inspirado ng Espiritu Santo. Kundi, ang kasulatang ito, sa tanggapin man natin, o hindi ay pinaghalong salita ng Dios at personal na opinion ng tao. Sa gayo’y mithiin namin na ipakita ng maliwanag ang lubhang malaking kaibahan ng dalawang (2) bungkos na iyan ng mga turong biblikal. Na hindi lahat ng turo ng bibliya ay sinasang-ayunan ng katotohanan na suma sa kaisaisang Dios ng langit. Dahil sa ito'y may halong personal na pagmamatuwid, o opinion ng napakalimitadong antas ng kaisipan na taglay ng tao sa kaniyang kabuoan.


LIKAS NA KALAGAYAN NI JESUS AYON SA KATURUANG CRISTO
Mula sa mga sumusunod na mga paglilinaw ay hinihingi namin ang matapat ninyong unawa hinggil sa makontrobersiyal na usaping ito. Gagamitin namin diyan ang higit sa lahat ay mga katiwatiwalang katunayang biblikal, na mga salita, o turo na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo

Sa pagpapatuloy ay siyasatin naman natin ang wika na masiglang ipinahayag ng sariling bibig ng Cristo, hinggil sa kung ano ang katotohanan sa likas niyang kalagayan, nang siya ay nasa sangkatauhan pa.

Bago nga ang paglalahad na iyan ay tiyakin muna natin mula sa Ama nating nasa langit, kung kaninong turo, o kung sino ang iniuutos Niyang matuwid at karapatdapat sundin ng sangkatauhan.

Gaya ng napakaliwanag na wika ng Ama ay tulad ng mababasa sa ibaba,

MAT 17 :
5  Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, NA SIYA KONG KINALULUGDAN; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.

Mula sa talatang iyan sa itaas ay napakaliwanag na ang Ama ay direktang nag-utos sa sangkatauhan, na ang turo ng sariling bibig ng Cristo Jesus lamang ang higit sa lahat ay matuwid nating tangkilikin, itaguyod, ipagtanggol, ipangaral, at sundin.
Sa makatuwid ay ang pagtindig ng matibay sa turo (evangelio ng kaharian) ng sarili niyang bibig, na lalong tanyag sa tawag na “Katuruang Cristo.”

Gaya nga lamang ng isang napakaliwanag na tanawin ang dakong iyan, na kung saan ay ipinapakita ng Ama nating nasa langit, kung anong espesipiko na katuruang pangkabanalan (Katuruang Cristo) sa kalupaang ito ang itinalaga Niyang magiging kaisaisang sandigan ng sinoman sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.  Gayon din, na ang Katuruang Cristo ay itinalaga Niya bilang nag-iisang behikulo na tagapaglunsad ng sinoman sa kabuhayang walang hanggan ng sarili niyang kaluluwa sa kaluwalhatian ng langit

Narito, at ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal (Katuruang Cristo) ay ipina-uunawa ng kaisaisang Dios ng langit sa lahat ang napakaliwanag niyang mga salita na isinatinig ng sariling bibig nitong Cristo ng Nazaret.

AKING AMA
Sa mga sumusunod na katunayang biblikal ay may matuwid na pagpapatotoo nitong si Jesus, na siya aniya ay may Ama na nananahan sa kaluwalhatian ng langit, Sa makatuwid baga ay ibig niyang ipahiwatig, o tuwiran niyang ipinauunawa sa lahat, na siya nga ay bugtong Anak ng Dios? 

Gaya ng napakaliwanag na nasusulat.

MATEO 16 :
17  At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng AKING AMA NA NASA LANGIT.

MATEO 18 :
10  Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng AKING AMA NA NASA LANGIT.

MATEO 18 :
19  Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng AKING AMA NA NASA LANGIT.

Mula sa mga hindi mapapasinungalingang mga talata na nalalahad sa dakong itaas ay tila nga iyan ay malinaw na pagsang-ayon ng Cristo sa banal na kalagayan, na sa kaniyang kabuoan ay mahigpit na inilalapat ni apostol Juan. Subali’t hindi nagtatapos sa mga talatang iyan ang pagbibigay ng konklusyon sa kung ito bang si Jesus ay bugtong na Anak ng Dios, o hindi. Sapagka’t sa mga sumusunod na mga matitibay na katunayang biblikal ay higit sa sapat, upang ang hatol sa usaping ito ay mailahad alinsunod sa mga salita na mismo ay si Jesus ang may madiing wika.

INYONG AMA
Gaya ng maliwanag na ulat sa ilang sumusunod na talata, na ang hustong mababasa ay gaya nito,

MAT 5 :
16  Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang INYONG AMA na nasa langit.

MAT 5 :
45  Upang kayo'y maging mga anak ng INYONG AMA na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.

MAT 5 :
48  Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng INYONG AMA sa kalangitan na sakdal.

Katuwiran ng langit na hindi kailan man maaaring pasinungaligan ng sinoman, na ang kaisaisang Dios ng kaluwalhatiang sumasa langit ay ganap na tumutukoy at lubos na lumalapat sa kataastaasang kalagayan bilang kaisaisang Ama ng sangkatauhan.

Dahil diyan ay matuwid lamang na ipahayag, na ang banal na kalagayang may ganap na kinalaman sa “bugtong na Anak ng Dios” ay hindi kailan man lumapat sa likas na kalagayan ni Jesus, kundi magaang sabihin na ito’y eksaktong tumutukoy sa sangkatauhan.

AMA NAMIN 
Mula pa rin sa sariling bibig ng Cristo ay lumabas ang mahigpit na utos ng Espiritu Santo na sumasa kaniya, na nagsasabi,

MAT 6 :
9  Magsidalangin nga kayo ng ganito: AMA NAMIN na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.

Napakaliwanag ang konteksto ng talata, na ang sangkatahuhan ay may mahigpit na pangangailangan ng panalangin sa ATING AMA NA NASA LANGIT. Sapagka't ang lahat ay hindi kayang gampanan ng sangkatauhan sa kaniyang sarili lamang. Kailangan niya ang patnubay at pagpapala na magmumula sa kaisaisang Dios ng langit na siya niyang Ama. Dahil diyan ay kailangan niyang idalangin at hingin sa Ama niyang nasa langit ang kapupunan sa lahat ng kaniyang kakulangan sa kalupaan.

Sa gayo'y isa pang katuwiran na nagtutumibay, na ang kaisaisang Dios ng langit ay ang Ama ng sangkatauhan. Siya ang ating Ama, at ang SANGKATAUHAN na kinabibilangan natin at ni Jesus ng Nazaret ay ganap na lumalapat sa salitang, "bugtong na Anak ng Dios". Ang salitang "Anak" kung gayon ay hindi lamang tumutukoy sa isa, o sa iilan lamang, kundi sa buong sangkatauhan. Dangan nga lamang, sa kanila ay masusumpungan ang dalawang hanay sa tawag na, "anak ng pagsunod(mabuti)," at "anak ng pagsuway(masama)." 

Narito, at sa unang bahagi ng akdang ito ay nailahad ng maliwanag ang mga personal na opinion ni Apostol Juan, hinggil sa likas na kalagayan ni Jesus bilang “bugtong na Anak ng Dios.” Ano pa’t nang ang mga turo na masigla at hayagang ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo ang malinaw na nalahad. Lumabas ang kristalinong katotohanan, na ang minatuwid na opinion ni apostol Juan hinggil sa usaping ito, ay napatunayan na walang anomang pag-aalinlangan, na bunga ng hidwang unawa lamang niya (Juan).

Kahi man sa mga nakaraang paliwanag ay nabigyan na ng hustong biblikal na unawa ang tungkol sa usapin ito. Gayon man ay higit na magiging malinaw sa isipan ng sinoman, kung ang dalawang (2) panig (turo ng Cristo at turo ni Juan) ay maingat na pag-agapayanin sa isa’t isa, at ang mga iyan ay gaya ng maliwanag na matutunghayan sa ibaba.


AKING AMA / BUGTONG NA ANAK NG DIOS
Turo ng Cristo
Personal na opinion ni apostol Juan
MATEO 16 :
17  At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng AKING AMA NA NASA LANGIT.

MATEO 18 :
10  Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng AKING AMA NA NASA LANGIT.

MATEO 18 :
19  Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng AKING AMA NA NASA LANGIT.

JUAN 1 :
18  Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang BUGTONG NA ANAK, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.

JUAN 3 :
16  Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang BUGTONG NA ANAK, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

JUAN 3 :
18  Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng BUGTONG NA ANAK NG DIOS.

1JUAN 4 :
Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang BUGTONG NA ANAK sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.


Tila nga nagkakaisa ang pinaghambing na mga talatang iyan sa itaas. Na kung hindi pag-uukulan ng higit na malawak, at ng husto, at ng wastong pagsisiyasat ang kasulatan. Tiyak na ang sinoman ay mabibitag ng mga aral na kailan man ay hindi sinang-ayunan ng katotohanan na sumasa Dios ng langit.

Nguni’t sa sumusunod na paghahambing ng mga aral ng magkabilang panig ay lalabas ang nagtutumibay na katotohanan sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit, at iyan ay hinggil sa totoong likas na kalagayan ni Jesus at ng sangkatauhan.


INYONG AMA / BUGTONG NA ANAK NG DIOS
Turo ng Cristo
Personal na opinion ni apostol Juan
MAT 5 :
16  Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang INYONG AMA na nasa langit.

MAT 5 :
45  Upang kayo'y maging mga anak ng INYONG AMA na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.

MAT 5 :
48  Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng INYONG AMA sa kalangitan na sakdal.

JUAN 3 :
16  Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang BUGTONG NA ANAK, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

JUAN 3 :
18  Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng BUGTONG NA ANAK NG DIOS.

1JUAN 4 :
Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang BUGTONG NA ANAK sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.


Isang katotohanan na walang sinoman na maaaring tumutol. Bagay na nagkakaloob ng hayagang pagtutuwid sa hidwang aral na tumutukoy di-umano sa pagiging bugtong na Anak ng Dios nitong si Jesus ng Nazaret. Tayo kung gayon ay mayroong isang Ama na sakdal na nasa kaluwalhatian ng langit. Mula sa katotohanang iyan ay hindi mahirap unawain, na ang kasalukuyang aral na mula sa sariling opinyon ni apostol Juan hinggil sa bugtong na anak ng Dios, ay hindi kailan man umiral bilang isang aktuwalidad sa kaluwalhatian nitong dimensiyon ng Espiritu.  Gayon din naman sa munting bahaging ito ng dimensiyong materiya ay hindi kailan man naging isang pisikal na kaganapan ang sagradong kalagayang iyan, na may kapangahasang inilapat ni Juan kay Jesus ng Nazaret.

Hindi sa dakong iyan nagtatapos ang katuwiran ng Dios, sapagka’t mayroon pang ilang napakatibay na katunayang biblikal, na tumutuldok at humuhusga ng tuwiran sa hidwang katuruan na nabanggit. Gayon ngang ang mga iyon ay madiing pinatutunayan ng dakilang Katuruang Cristo, na mga aral pangkabanalan na dibdibang tinangkilik, walang kapaguran na itinaguyod, walang takot na ipinagtanggol, may kahustuhan na ipinangaral, masigla at may galak sa puso na sinunod nitong Cristo ng Nazaret na si Jesus.

Ang napakaliwanag na pagbigkas sa katotohanan ng sariling bibig ni Jesucristo hinggil sa usaping ito, ay gaya ng mababasa sa pinag-agapay na salungatang turo sa ibaba.


AKING AMA, INYONG AMA, AKING DIOS, INYONG DIOS, AMA NAMIN
Turo ng Cristo
Personal na opinion ni apostol Juan
MATEO 6 :
9  Magsidalangin nga kayo ng ganito: AMA NAMIN na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.

JUAN 8 :
40  Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo’y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING NARINIG SA DIOS: ito’y hindi ginawa ni Abraham.

JUAN 20 :
17  Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t HINDI PA AKO NAKAKA AKYAT SA AMA, nguni’t pumaroon ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.

JUAN 3 :
16  Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang BUGTONG NA ANAK, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

JUAN 3 :
18  Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng BUGTONG NA ANAK NG DIOS.

1JUAN 4 :
Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang BUGTONG NA ANAK sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.


Narito, at sa mga salita na masiglang namutawi mula sa sariling bibig ng Cristo, ay mayroon siyang tinatawag na mga KAPATID. Madiin din niyang sinabi, na siya’y aakyat sa KANIYANG AMA at KANIYANG DIOS. Ayon din naman sa kaniya, na ang AMA at DIOS na kaniyang tinutukoy ay wala ngang iba, kundi ang, ATING AMA, at ATING DIOS. Sa makatuwid baga ay ang KAISAISANG DIOS nitong kaluwalhatian ng langit.

Mula sa banal ng Tanakh (OT) nitong kaisaisang Dios ng langit ay madali lamang maunawaan ang katuwiran hinggil sa usapin na may ganap na kinalaman sa "Anak ng Dios."

Na sinasabi,


MATEO 2 :
15  At dumoon hanggang sa pagkamatay ni Herodes: upang maganap ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, MULA SA EGIPTO AY TINAWAG KO ANG AKING ANAK.

EXO 4 :
22  At iyong sasabihin kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, ANG ISRAEL AY AKING ANAK, AKING PANGANAY:

AWIT 2 :
Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin (David), IKAW AY AKING ANAK; sa araw na ito ay ipinanganak kita.

PRO 2 :
1  ANAK KO, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita, at tataglayin mo ang aking mga utos;

PRO 3 :
1  ANAK KO, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos:

Saan man at kailan man ay hindi itinuro ng Tanakh (OT) ang aral na tumutukoy sa bugtong, o kaisaisang Anak ng Dios. Bagkus, sa nabanggit na balumbon ng mga banal na kasulatan ay nagtutumibay na ang natatanging katuwiran ng Dios ay napakaliwanag na binigyang diin, na ang tinatawag Niyang "ANAK" ay hindi lumalapat sa iisa lamang, kundi sa karamihan.

Gayong ngang isang katotohanan na matuwid tanggapin ng lahat, na ang madiing pahayag na mababasa ng napakaliwanag sa dakong ibaba ay personal na opinion nga lamang ni Juan patungkol sa likas na kalagayan ni Jesus ng Nazaret. 

Gaya ng nasusulat,

JUAN 1 :
18  Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang BUGTONG NA ANAK, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.

JUAN 3 :
16  Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang BUGTONG NA ANAK, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

JUAN 3 :
18  Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng BUGTONG NA ANAK NG DIOS.

1JUAN 4 :
9  Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang BUGTONG NA ANAK sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.

KONKLUSYON
Dahil sa madiing pagkakawika ng Cristo, na siya ay may mga KAPATID, at gayon ding binigyan niya ng hustong diin, na ANG AMA NIYA AY AMA DIN NATIN, at ANG DIOS NIYA AY DIOS DIN NATIN. Isa ngang napakalinaw na katotohanan, at sa gayo’y matuwid na tindigang matibay ng sinoman sa kalupaan, na ang aral na tumutukoy sa pagiging bugtong na Anak ng Dios nitong si Jesus ng Nazaret ay hindi kailan man sinang-ayunan ng katotohanan na sumasa kaluwalhatian ng langit.

Ano pa’t kapag tayo’y tinanong, kung kaninong aral ang paglalagakan ng lubos nating paniniwala at pananampalataya. Bilang matuwid na sagot ay wiwikain natin na walang anomang alinlangan, na ang mga aral pangkabanalan (Katuruang Cristo) na ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo ang kaisaisang katuruan na matuwid tangkilikn, itaguyod, ipagtanggol, ipangaral, at sundin ng sangkatauhan.

Maging si Mateo, maging si Juan, maging si Lucas, maging si Marcos, maging si Pablo man, o maging sino pa man sa mundong ito - kung ang itinuturong aral ay hindi umaayon sa mga dakilang aral pangkabanalan (Katuruang Cristo) na ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo.


"Siya nga ay matuwid na huwag pakinggan." 

Sapagka’t ang mahigpit na utos ng Ama ay si Jesus lamang ang ating pakikinggan. Sa makatuwid ay ang masigla at may galak sa puso na pakikinig sa balumbon ng mga aral pangkabanalan na tanyag sa katawagan na, “Katuruang Cristo.”

Sa pagtatapos ng akdang ito, ayon sa sukdulang kaliwanagan nitong aral ng Katuruang Cristo ay tao nga lamang si Jesus na nagsasaysay ng katotohanan na kaniyang narinig sa Dios, na kaniyang Dios at ating Dios, na kaniyang Ama na ating Ama din naman. Iyan ay alinsunod sa napakaklaro na mga salita na siyang naging aktuwalidad ng katotohanan. Na itong si Jesus ng Nazaret ay hindi kailan man lumapat sa napakabanal na kalagayan ng isang Dios, ni Anak man ng Dios na Dios, kundi gaya ng sangkatauhan ay isang totoong tao, na siya niyang kaisaisang likas na kalagayan.

Patuloy ninyo nawang kamtin ang masaganang pagsapit ng mga biyaya na gaya nito. Sana’y maging isang katuwiran sa sinoman ang mga dalisay at dakilang aral pangkabanalan na sa atin ay hatid nitong evangelio ng Kaharian (Katuruang Cristo), na kung saan ay walang pagsalang kasusumpungan ng katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungan, at buhay.

ITO ANG KATURUANG CRISTO

Hanggang sa muli, paalam.


Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento