Ang kaisaisang Dios (YHVH) ay hindi miminsan na nakipagtipan sa kaniyang mga banal. Iyan ay isang napakaliwanag na katunayang Siya ay umiral sa lubhang malayong nakaraan, at nananatili sa kasalukuyan, hanggang sa mga darating pang iba't ibang kapanahunan. Ang tipan niya ay tunay, tapat, at totoong makapayarihan sa pagpapatupad ng mga pangako sa kaakibat nitong mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan.
Gayon ngang sa natatanging kapanahunan ni Moses ay nakipatipan sa kaniya ang kaisaisang Dios sa taluktok ng bundok Sinai. Doon ay natamo niya ang sampung (10) kautusan na nasusulat sa tapiyas ng mga bato. Sa paglipas ng mga panahon ay ipinabatid ng ating Ama sa banal niyang si Jeremias, na Siya ay maglulunsad muli ng isa pang tipan sa sangbahayan ni Israel at ni Juda, na sinasabi,
JER 31:
31 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na AKO’Y MAKIKIPAGTIPAN NG PANIBAGO sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda.

32 Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, BAGAMAN AKO’Y ASAWA NILA, SABI NG PANGINOON.
33 Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, AKING ITATALA ANG AKING KAUTUSAN SA KANILANG KALOOBAN, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan;
34 AT HINDI NA MAGTUTURO BAWA’T ISA SA KANILA SA KANIYANG KAPUWA, at bawa’t tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; SAPAGKA’T MAKIKILALA NILANG LAHAT AKO, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka’t aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.
AWIT 89:
34 ANG TIPAN KO’Y HINDI KO SISIRAIN. NI AKIN MANG BABAGUHIN ANG BAGAY NA LUMABAS SA AKING MGA LABI.
Ayon sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ay maliwanag na sinabing makikipagtipan ang kaisaisang Dios ng panibago sa sangbahayan ni Israel at ni Juda. Kung uunawaing mabuti ay hindi upang sirain at pawalan ng kabuluhan yaong tipan na ipinakipagtipan niya kay Moises. Kundi ang ibig niyang sabihin ay gayong nananatili sa pagiral ang tipan kay Moises sa lahat ng panahon, sapagka’t hindi kailan man ipinahayag na kapag nakipagtipan siya ng panibago sa dalawang (2) nabanggit na sangbahayan ay mga bagong kautusan ang ilalagay niya sa kanilang pagiisip at mga puso.
Na sinabi,
Na sinabi,
“AKING ITATALA ANG AKING KAUTUSAN SA KANILANG KALOOBAN, at AKING ISUSULAT SA KANILANG PUSO at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan;“
Sapagka’t yaong tipan kay Moises ay pagkakaloob ng mga kautusan na itinala at isinulat lamang ng Dios sa tapyas ng mga bato. Nguni’t sa panibagong pakikipagtipan niya sa dalawang (2) sangbahayan ay hindi na nga sa gayong paraan, kundi ang kaniyang mga kautusan ay sa mga kaisipan at mga puso na nila itatala at isusulat ng Dios.
Kaya nga sinabi niyang ito’y hindi ayon sa tipan na kaniyang ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang. Sapagka’t yaong kay Moises ay nasusulat sa bato, samantalang ang sa mga anak ay katulad na kautusang nasusulat sa kaisipan at puso.
Sa pagpapatuloy ay sinabi,
“AT HINDI NA MAGTUTURO BAWA’T ISA SA KANILA SA KANIYANG KAPUWA, at bawa’t tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; SAPAGKA’T MAKIKILALA NILANG LAHAT AKO, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon:“
Kapag naganap na nga ang sinasabing panibagong pakikipatipan ay maliwanag pa sa sikat ng araw na wala ng magiging pangangailangan pa sa mga dakilang saserdote, pari, ministro, obispo, at mga mangangaral na lumalayong ipakilala ang Dios at ang kaniyang katuwiran sa sanglibutan. Nguni’t sa kasalukuyang kalakaran sa mundo ay hindi maikakaila ang presensiya ng hindi kakaunting relihiyon sa kalupaan at halos hindi mabilang na mangangaral.
Hinggil dito, ang katotohanan na nararapat tanggapin ng lahat ay ito. Ang sinasabi ng Dios na gagawin niyang panibagong pakikipagtipan sa nabanggit na dalawang (2) sangbahayan ay hindi pa nagaganap. Kaya’t samantalang ito’y hindi pa dumarating ay wala tayong magagawa, kundi tumalima sa mga kautusan na nasusulat sa tapyas ng mga bato.
Muli, mula sa mahigpit na pangangailangan ng pagpapatibay ay nararapat tanggapin ng lahat, na ang BAGONG TIPAN NG DIOS ay HINDI PA NAGAGANAP. Ang Bagong Tipan sa Biblia na inilalapat ng Simbahang Katoliko (Roman Catholic) kay Jesus, sa makatuwid ay hindi kailan man sinasang-ayunan ng Dios bilang isang katotohanan. Sapagka’t ang katotohanan ay hindi pa ito naganap, saan man at kailan man. Katotohanan din, na hindi si Jesus ang matuwid na kaganapan ng Bagong Tipan, kundi ang mga payak lamang na salitang nilalaman ng JEREMIAS 31:31-34.
Ano pa’t dumating man ito’y gaya rin naman ng mga kautusan na nasusulat sa bato ang itatala at isusulat ng Dios sa kanilang mga kaisipan at mga puso. Kaya nga, bakit pa ba natin pagmamatigasin ang ating mga puso sa mga kautusan ng ating Ama na nasa langit? Kung sa pamamagitan ng pagtalima sa mga ito’y makakamit naman pala ang buhay na walang hanggan.
Sa katunayan nga’y pinatotohanan at pinagtibay ni Jesus sa kaniyang kapanahunan ang usapin ng kaligtasan, at hinggil dito ay madiin niyang sinabi,
MATEO 19 :
17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa BUHAY, INGATAN MO ANG MGA UTOS.
JUAN 12 :
50 At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng aking AMA, GAYON KO SINASALITA.
Paano nga ba mababago ninoman ang tipan ng kaisaisang Dios ng langit, kung ang madiin niyang wika hinggil sa kaniyang mga salita ay gaya nito.
Napakaliwanag ng mga salitang iyan ng kaisaisang Dios ng langit. Na isang napakatibay na patoto mula mismo sa sariling bibig ng Dios, na ang kaniyang tipan saan man at kailan man ay hindi niya babaguhin. Higit pa ba ninyong paniniwalaan ang mga pinaglubidlubid na kasinungalingan ni Pablo, na nagsasabing naluma na ang tipan na iyon kay Moses, at ito ay kailangan ng halinhan ng bago.
Huwag nga kayong magpakahangal na pakinggan at sundin ang aral ng isang tao (Pablo) na nuno ng sinungaling. Upang ang nagtutumibay sa katotohanan na mga salita ng Dios na ginawang patibayang aral sa akdang ito ay turuan kayo na huwag tuparin at inyong kalimutan.
KONKLUSYON
Sa gayo'y walang anomang balidong sintido na ito ay palitan ng bago. Sapagka't ayon na rin sa pagbibigay diin ng kasulatan, ito ay gaya ng tuntungan, o tulad ng tulay ng sinoman tungo sa kabuhayang walang hanggan ng ating kaluluwa. Kaya maganap man ang muling pakikipagtipan ng Dios sa nabanggit na dalawang (2) sangbahayan ay gayon ngang mananatili pa rin sa pagiging bago ang kautusan. Dahil nga sa ang kautusan noong una na nasusulat sa tapyas ng mga bato; sa panahon nitong pagpapairal ng bagong tipan ay sa kaisipan at puso ng lahat isusulat ng kaisaisang Dios ng langit.
Walang maaaring mabago, ni mawala man sa kautusan, kahit kudlit, ni tuldok man, sapagka't ang tungkol diyan ay madiing niliwanag ng sariling bibig ng Cristo na ang napakaliwanag na wika ay ito,
MATEO 5 :
Ang kautusan sa makatuwid, saan man at kailan man ay hindi naluma, ni pinaglipasan man ito ng mga panahon. Bagkus, ito ay masiglang namamalagi na walang labis at walang kulang sa natatangi nitong layunin, na makapaghatid ng kanino mang kaluluwa sa buhay na walang hanggan. Ito nga'y nananatiling bago sa simula, sa kasalukuyan, at sa darating pang mga kapanahunan.
Paano nga ba mababago ninoman ang tipan ng kaisaisang Dios ng langit, kung ang madiin niyang wika hinggil sa kaniyang mga salita ay gaya nito.
MAL 3 :
6 Sapagka’t AKO, ANG PANGINOON AY HINDI NABABAGO, kaya’t kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob (Israel ), ay
hindi nangauubos.
AWIT 105 :
7 Siya ang Panginoon nating Dios; Ang kaniyang
mga kahatulan ay nangasa boong lupa.
8 Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan
magpakailan man, Ang salita na kaniyang
iniutos sa libong sali’t saling lahi.
AWIT 89:
34 Ang tipan ko’y hindi ko sisirain. Ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
KAW 8 :
8 Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa KATUWIRAN; Walang bagay na liko o suwail sa kanila.
9 Pawang MALINAW sa
kaniya na nakakaunawa, At MATUWID sa
kanila na nangakakasumpong ng kaalaman.
AWIT 111:
7 Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay KATOTOHANAN at KAHATULAN. Lahat niyang mga tuntunin (kautusan) ay tunay.
8 NANGATATATAG
MAGPAKAILAN KAILAN MAN. Mga yari sa KATOTOHANAN at KATUWIRAN.
ISA 40 :
8 Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta:
nguni’t ANG SALITA NG ATING DIOS AY
MAMAMALAGI MAGPAKAILAN MAN.
Napakaliwanag ng mga salitang iyan ng kaisaisang Dios ng langit. Na isang napakatibay na patoto mula mismo sa sariling bibig ng Dios, na ang kaniyang tipan saan man at kailan man ay hindi niya babaguhin. Higit pa ba ninyong paniniwalaan ang mga pinaglubidlubid na kasinungalingan ni Pablo, na nagsasabing naluma na ang tipan na iyon kay Moses, at ito ay kailangan ng halinhan ng bago.
Huwag nga kayong magpakahangal na pakinggan at sundin ang aral ng isang tao (Pablo) na nuno ng sinungaling. Upang ang nagtutumibay sa katotohanan na mga salita ng Dios na ginawang patibayang aral sa akdang ito ay turuan kayo na huwag tuparin at inyong kalimutan.
KONKLUSYON
Sa gayo'y walang anomang balidong sintido na ito ay palitan ng bago. Sapagka't ayon na rin sa pagbibigay diin ng kasulatan, ito ay gaya ng tuntungan, o tulad ng tulay ng sinoman tungo sa kabuhayang walang hanggan ng ating kaluluwa. Kaya maganap man ang muling pakikipagtipan ng Dios sa nabanggit na dalawang (2) sangbahayan ay gayon ngang mananatili pa rin sa pagiging bago ang kautusan. Dahil nga sa ang kautusan noong una na nasusulat sa tapyas ng mga bato; sa panahon nitong pagpapairal ng bagong tipan ay sa kaisipan at puso ng lahat isusulat ng kaisaisang Dios ng langit.
Walang maaaring mabago, ni mawala man sa kautusan, kahit kudlit, ni tuldok man, sapagka't ang tungkol diyan ay madiing niliwanag ng sariling bibig ng Cristo na ang napakaliwanag na wika ay ito,
MATEO 5 :
17 Huwag ninyong
isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan (Torah) o ang mga propeta (Neviim): ako’y
naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
18 Sapagka’t
katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa,
ang isang TULDOK o isang
KUDLIT, sa
anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN (Torah), hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
Ang kautusan sa makatuwid, saan man at kailan man ay hindi naluma, ni pinaglipasan man ito ng mga panahon. Bagkus, ito ay masiglang namamalagi na walang labis at walang kulang sa natatangi nitong layunin, na makapaghatid ng kanino mang kaluluwa sa buhay na walang hanggan. Ito nga'y nananatiling bago sa simula, sa kasalukuyan, at sa darating pang mga kapanahunan.
Sa tanggapin nyo man o hindi, ang katuwirang ito ay nagtutumibay, palibhasa’y lumabas mismo sa bibig ng kaisaisang Dios ng langit . Ito nga’y binigyan niya ng kaukulang diin sa pamamagitan ng kaniyang mga banal, upang matibay na tindigan ng kaniyang mga anak sa kalupaan. Sa gayo’y maipasisiya na ang katuwirang inihayag ng usaping ito ay isa lamang sa mga matitibay na padron ng katotohanan.
Tamuhin nawa ng bawa't isa sa atin ang masaganang daloy ng biyaya na nagmumula sa kaluwalhatian ng langit, na ang mga iyon ay ganap na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungan (may unawa), at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Para sa inyong pakikibahagi at suporta sa sagradong gawaing ito. Click here

Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento