Sabado, Setyembre 9, 2017

KAWANGGAWA (agape) Sin caridad no hay salvacion posible

PAALALA:

Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang kaalaman ng sinoman. Nawa, sana, bago nyo kami husgahan ay paka-unawain nyo munang mabuti ang buong nilalaman ng artikulong ito.

Hinggil sa larangan ng espiritismo sa buong kapuluan at sa ibayong dagat ay may nakabandera na salawikain, o doktrina na siyang tumatayong matibay na pamantayan ng kaligtasan. Marahil ay may ilan ng nagtanong, kung ito baga ay may awtentikasyon ng katotohanan na masusumpungan sa banal na kasulatan. Kaugnay niyan ay hindi naging mahirap sa mga nakaka-alam na ipaliwanag at ipagtanggol alinsunod sa Katuruang Pablo ang doktrina nila na gaya ng mababasa sa ibaba.

"SIN CARIDAD NO HAY SALVACION POSIBLE
 (without charity[Agape G26]) there is no salvation possible)." 


Ang ibig sabihin sa wika natin, 

“Sa kawalan ng kawanggawa ay walang posibleng kaligtasan.” 

Batay sa kinikilala at isinasabuhay na samo’t saring aral. Iyan ang eksistidong doktrina, o salawikain ng mga pinagbuklod (unyon) na kapatirang espiritista ng buong kapuluan at ng ibayong dagat.

Ang salitang CharityG26  ay dalawampung (20) ulit na binanggit ni Pablo sa kaniyang mga sulat at iyan ay sa mga sulat lamang niya mababasa.  Tanda na ang salitang iyan ay nabibilang sa samo’t saring aral na masusumpungan sa Katuruang Pablo. Paulinian origin sa makatuwid ang salitang iyan, na hindi dapat ipagkamali na nabibilang sa mga sagrado at dakilang aral ng Katuruang Cristo. Ang salitang iyan saan man at kailan man ay HINDI inari, ni napabilang man sa kalipunan ng mga sagradong aral ng Katuruang Cristo.

Ang salitang nabanggit sa wikang Griego ay “agapeG26,” na ang ibig sabihin sa Ingles ay gaya ng sumusunod.

ἀγάπη agápē, ag-ah'-pay; from G25; love, i.e. affection or benevolence; specially (plural) a love-feast:—(feast of) charity(-ably), dear, love.
(Pag-ibig, gaya ng pagmamahal o kabaitan; bangkete ng pag-ibig, (bangkete ng) kawanggawa, minamahal, pagmamahal.)

Ang agapeG26 ay isang pangngalan (noun), gayon man ay mahirap unawain (abstract). Sa gayon ang salitang ito ay tipo ng abstract noun. Na kung sisiyasatin ay isang general term, na may lawak at hindi naglalahad ng espisipikong kahulugan.

Yamang ang salitang AgapeG26 (charity [love]) ay mababasa lamang mula sa Katuruang Pablo ay siyasatin nga natin, kung ano ang inilapat niyang kahulugan sa salitang iyan.

Narito, at ang salitang iyan, sa saliw ng Strong's Numbers ay gaya ng mababasa sa ibaba ang ibinigay niyang kahulugan.


1Cor 13 :
4  Charity26 suffereth long,3114 and is kind;5541 charity26 envieth2206 not;3756 charity26 vaunteth not itself,4068, 3756 is not3756 puffed up,5448

5  Doth not3756 behave itself unseemly,807 seeketh2212 not3756 her own,1438 is not3756 easily provoked,3947 thinketh3049 no3756 evil;2556

6  Rejoiceth5463 not3756 in1909 iniquity,93 but1161 rejoiceth4796 in the3588 truth;225

7  Beareth4722 all things,3956 believeth4100 all things,3956 hopeth1679 all things,3956 endureth5278 all things.3956

Ang maliwanag na pagkakasalin sa wika natin ay gaya naman ng nasa ibaba,

1Cor 13 :
4  Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.

5  Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama;
6  Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;

7  Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.

Narito, at ang depinisyon ni Pablo sa salitang pag-ibigG26 (charity [kawanggawa]) ay ayon sa mga sumusunod,

1.  Mapagpahinuhod, at magandang loob;
2.  Hindi nananaghili,
3.  Hindi nagmamapuri,
4.  Hindi mapagpalalo,
5.  Hindi naguugaling mahalay,
6.  Hindi hinahanap ang kaniyang sarili,
7.  Hindi nayayamot,
8.  Hindi inaalumana ang masama,
9.  Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan
10.      Lahat ay binabata,
11.      Lahat ay pinaniniwalaan,
12.      Lahat ay inaasahan,
13.      Lahat ay tinitiis.

Sa mga bilang na iyan ay maliwanag na makikita, na ang salitang pag-ibigG26 ay nilapatan lamang ni Pablo ng pangsarili niyang kahulugan. Gayon man, sa kawalan ng mga iyan ay hindi nga kaya kakamtin ng sinoman sa kalupaan ang kaligtasan? Gaano nga ba katotoo ang sumusunod na doktrina, o salawikain ng pinagbuklod (unyon) na kapatirang espiritista ng buong kapuluan at ng ibayong dagat?  

“SIN CARIDAD NO HAY SALVACION POSIBLE (without charity[Agape G26]) there is no salvation possible)”

Samantala, sa Katuruang Cristo ng Tanakh ay ginamit ang salitang Hebreo na “ahav” na katumbas ng wikang Griego, na “agapaoG25. Ito ay isang anyo ng pandiwa (verb), na ang ibig sabihin ay gaya ng mababasa sa ibaba.  

ἀγαπάω agapáō, ag-ap-ah'-o; perhaps from ἄγαν ágan (much) (or compare H5689); to love (in a social or moral sense):—(be-)love(-ed). Compare G5368.
(Marahil ay mula sa ayav agan (lubha) (o ihambing sa H5689); Umibig (Sa isang sosyal at moral na kahulugan): ibigin, inibig. ihambing sa G5368.)

Mula sa balangkas ng Tanakh, ang mga sumusunod na talata ay halimbawa ng ahavH157  ayon sa eksaktong anyo ng AgapaoG25 .

Ang mga halimbawa niyan ay gaya ng mababasa sa ibaba.

Deu 6 :
5  At iyong iibiginH157 ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.

Lev 19 :
18  Huwag kayong manghihiganti o magtatanim laban sa mga anak ng inyong bayan, kungdi iibiginH157 ninyo ang inyong kapuwa na gaya ng sa inyong sarili: ako ang Panginoon.

Mula sa mga sumusunod naman na ilang talata ay ginawang patibayang aral sa evangelio ni Mateo ang mga salitang mababasa sa Deu 6:5 at Lev 19:18. Pansinin nyo sa ibaba kung ano ang strong’s number na kaakibat ng salitang iibigin.

Mat 22 :
37  At sinabi sa kaniya, IibiginG25 mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.

38  Ito ang dakila at pangunang utos.

39  At ang pangalawang katulad ay ito, IibiginG25 mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

Diyan nga ay napakaliwanag, na ang ahavH174  at agapaoG25 ay pag-ibig na may bigkis ng kautusan. Bawa’t isa sa kanila ay may maliwanag na larawan at anyo ng kautusan

Ang mga iyan sa makatuwid ay,

“Mga Kautusan ng Pag-ibig sa Dios at mga Kautusan ng Pag-ibig sa Kapuwa.”

Iyan nga ay hindi kinilala nitong si Pablo, sapagka’t nasusulat na siya ay malabis ang paghihimagsik sa nabanggit na kautusan ng pag-ibig sa Dios at pag-ibig sa kapuwa. Kaya hindi maaari na sabihing, ang tinutukoy ni Pablo na pag-ibigG26 (charity/love) ay lumalapat sa kautusan ng Dios.

Hinggil sa pagpapawalang kabuluhan ni Pablo sa nabanggit na kautusan ay madiin niyang sinabi,

GAL 2 :
16 Bagama’t naaalaman na ang tao ay hindi inaaring ganap sa mga gawang AYON SA KAUTUSAN, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo’y ariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at HINDI DAHIL SA MGA GAWANG AYON SA KAUTUSAN: sapagka’t sa mga gawang ayon sa kautusan ay HINDI AARIING GANAP ANG SINOMANG LAMAN.

HEB 7 :
18  Sapagka’t NAPAPAWI ANG UNANG UTOS dahil sa kaniyang KAHINAAN at KAWALAN NG KAPAKINABANGAN.
19  (Sapagka’t ang KAUTUSAN AY WALANG ANOMANG PINASASAKDAL), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling (pananampalataya), na sa pamamagitan nito’y nagsisilapit tayo sa Dios.

ROMA 3 :
20  Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.

ROMA 3 :
28  Kaya nga MAIPASISIYA NATIN na ang tao ay inaaring-ganap sa PANANAMPALATAYA na HIWALAY SA MGA GAWA NG KAUTUSAN.

Sa Katuruang Pablo, palibhasa’y laban sa kautusan, ang kaligtasan ay hindi sa pamamagitan nito, kundi sa kawanggawa (pag-ibigG26) Sa gayon ay pag-agapayanin nga natin ang kaligtasan na minamatuwid ng Katuruang Pablo at ang kaligtasan na siyang katotohanan na binibigyang diin ng Katuruang Cristo.

Saan nga ba masusumpungan ang tunay na pag-ibig na siyang kaligtasan ng lahat?

Katuruang Cristo – 
Amor/Love (AgapaoG25)
Katuruang Pablo – Caridad/Charity/Love (AgapeG26)
MATEO 19 :
17  At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.

Mat 22 :
37  At sinabi sa kaniya, IibiginG25 mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. (1-5 na utos)

38  Ito ang dakila at pangunang utos.

39  At ang pangalawang katulad ay ito, IibiginG25 mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. (6-10 na utos)

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
1Cor 13 :
Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.
5  Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama;
6  Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;
7  Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.


ANG PAG-IBIG NA MAY LAKIP NA GAWA NG KAUTUSAN
Sa dalawang pinaghambing na katuruan ay hindi mahirap makita, na ang pag-ibigG25 na masusumpungan sa KATURUANG CRISTO ay may bigkis ng pagsunod sa mga utos ng Dios, at may kakambal na garantiya ng tiyak at ganap na kaligtasan ng ating kaluluwa. Iyan ang pag-ibig na may kasamang gawa.


ANG PAG-IBIG NA WALANG LAKIP NA GAWA NG KAUTUSAN
Pansinin natin ang pag-ibigG26 na minamatuwid ng KATURUANG PABLO, at ito ay solo lamang na walang bigkis ng pagsunod sa mga utos ng Dios, at wala ring kaakibat na pangako ng kaligtasan ng kaluluwa, kundi bunga lamang ng mabubulaklak niyang dila. Iyan ang pag-ibig na walang kaakibat na gawa ng kautusan. Sa makatuwid ay pag-ibig na minamatuwid lamang ng mga taong ibinabasura ang mga salita ng Dios.

Dahil diyan ay napakaliwanag, na ang doktrina na nagsasabing,

“SIN CARIDAD NO HAY SALVACION POSIBLE (without charity[Agape G26) there is no salvation possible)”

Kung gayon ay hindi kasusumpungan ng makatuwiran at makatotohanang paliwanag na sinasang-ayung lubos ng Katuruang Cristo. Bagkus ay isang mapangahas na pahayag lamang na may halong kabulaanan at kahambugan. 

Ang doktrina na sinasang-ayunan ng katotohanang sumasa Dios imbis na iyan ay ito,

SIN AMOR NO HAY SALVACION POSIBLE" 
(without love[Agapao G25]) there is no salvation possible)”

O sa higit na malawak at malinaw na kaunawaan ay gaya nito,

”SIN LA OBEDIENCIA DE LOS MANDAMIENTOS DEL AMOR, NO HAY SALVACIÓN POSIBLE” 
(without obedience to the commandments of love, there is no possible salvation ). [ref: Mat 22:37-39, Mat 19:17, Juan 12:50]

(Sa kawalan ng pagsunod sa mga kautusan ng pag-ibig, ay walang posibleng kaligtasan)

Mula sa katotohanang sumasa Dios, ang dalawang nabanggit na magkawangis na patibayang aral ng Katuruang Cristo sa itaas, ay hindi sumasang-ayon sa doktrinang espiritismo, na pinaninindiganan nitong unyon 
(UECFI) ng kapatirang espiritista , at ng mga independiente na samahang espiritista ng buong kapuluan at ng ibayog dagat.

Maliban na talikdan nila ang Katuruang Pablo (Paulinian Religious Doctrines) at ang Katuruang Kardec ( glorified man's invented Spiritism) ay hindi kailan man tutugma sa kanilang kapatiran ang nabanggit na dalawang (2) doktrina na ipinahayag ng Katuruang Cristo sa itaas


Depinisyon ng dalawang nabanggit na pag-ibig

Amor – AgapaoG25 (Pag-ibig [umibig, ibigin, inibig)
Caridad – AgapeG26  (Pag-ibig)
Ang pag-ibigG25 ay ang pakikipag-isa sa kaiisang Dios ng langit. Iyan ay sa pamamagitan ng pagsunod sa natatangi niyang kalooban (kautusan).





Sa makatuwid ay gaya nga ng sumusunod;




“Ang pag-ibigG25 ay ang pagsunod sa mga kautusan ng pag-ibig sa Dios at sa mga kautusan ng pag-ibig sa kapuwa.”

1Cor 13 :
Ang pag-ibig G26 ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.
5  Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama;
6  Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;
7  Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.


Maliwanag ang paghahambing ng Katuruang Cristo at Katuruang Pablo na mababasa sa itaas. Hindi mahirap maunawaan na ang isa sa dalawang (2) turo na iyan ay nagsasabi ng katotohanan at ang isa ay nagbubulaan lamang. Wala ngang sinomang sasang-ayon, kung sasabihin namin na si Jesus ang siyang hindi nagsasaad ng katotohanan. Sa gayo'y maliwanag na ang tinutukoy na sinungaling sa kanilang dalawa (2) ay walang iba, kundi ang taong si Pablo.

KONKLUSYON
Sa pagwawakas ng mahalagang artikulong ito ay napakaliwanag, na ang kasalukuyang doktrina ng nabanggit na kapatirang espiritista ay hindi kailan man sinang-ayunan ng banal at dakilang aral ng Katuruang Cristo. 

Ang nabanggit na kawanggawa (charity, love [agapeG26]) nitong UECFI kung gayon, saan man at kailan man ay hindi maaring maging behikulo ng kaligtasan, o sa tuwirang pananalita ay hindi maaaring makapagligtas ng sinoman sa kalupaan. Palibhasa’y walang mandato ng pagtangkilik, pagtataguyod, pagtatanggol, pangangaral, at pagdinig (pagsunod) sa dakilang kautusan ng kaisaisang Dios ng langit.

Nababalita na ang nabanggit na kapatirang espiritista ay natatag higit sa isang daang (100) taon na ang nakakalipas. Simula noon at hanggang sa ngayon ay hindi man lang nabigyang ng kaukulang pagtutuwid, ni paglilinaw man ang anomalyang nabanggit. Iyan ay sa kadahilangang sila’y mahigpit na nagagapos sa tanikala ng mapanlinlang na doktrinang pangrelihiyon nitong si Pablo at ng mapanghikayat na pilosopiya ni Allan Kardek. Sila nga ay mga hidwa sa katotohanan at masusugid na PANATIKO (bulag na tagasunod) lamang ng nabanggit na dalawang (2) personalidad (Pablo at Allan).

Sunod agos lamang sa tradisyonal na doktrinang pangrelihiyon (Katuruang Pablo) ang turo ng mga pinaniniwalaan ng kapatiran na mga banal na espirituO kaya naman sa simula pa ay salagimsim na lamang ang umiiral sa mga talaytayan ng kapatiran? 


Kailan nga ba nila ipinangaral ang KATURUANG CRISTO? At kailan nga ba nila ipinatupad sa mge miyembro nila ang higit sa isang daang (100) bilang ng mga KAUTUSANG CRISTO?

O, hindi baga lagi na lamang nilang sinasalungat kung ano ang mga nasusulat sa mga balumbon ng Tanakh (OT), at niwawalan ng anomang kabuluhan ang mga patotoo ng mga lehitimong (orihinal) apostol ng Espiritu ng Dios na nasa kabuoan ng Cristo. Pati na Katuruang Cristo at Kautusang Cristo ay niwalan nila ng anomang kabuluhan.  

Kailan man ay hindi nila (espiritu) itinuro na ang kaligtasan ay batay lamang sa sumusunod na aral ng Cristo.



”SIN LA OBEDIENCIA DE LOS MANDAMIENTOS DEL AMOR, NO HAY SALVACIÓN POSIBLE” 

(without obedience to the commandments of loveG25, there is no possible salvation).

(Sa kawalan ng pagsunod sa mga kautusan ng pag-ibig, ay walang posibleng kaligtasan)

Kabigkis niyan ay madiing sinalta ng sariling bibig ng Cristo,

JUAN 12:
50 At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.

Gayon ngang ayon sa napakaliwanag na paglalahad ng Ama sa katotohanan gamit ang sariling bibig ng Cristo, ay madiing winika na,


"ANG UTOS NG DIOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN"
Na kung lilinawin pa ay sa pamamagitan lamang ng masigla at may galak sa bawa't puso na pagsunod sa mga kautusan ng Dios matatamo ng bawa't isa sa atin ang kaligtasan at buhay na walang hanggan ng sarili nating kaluluwa

Iyan ang halimuyak at samyo ng katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at sagad na buhay sa kalupaan.

Ito ang Katuruang Cristo.


Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento