Sabado, Setyembre 16, 2017

PAGSAMBA KAY JESUS

Saved from Randyfriemel.com
Dios nga lamang ba ang sinasamba ng mga tao? O, hindi baga ang mga diosdiosan ay sinasamba din ng mga relihiyoso at nilang mga kasapi nitong kulto ng Satanismo? Sa gayo’y hindi lamang eksklusibo na nauukol sa Dios ang salitang, “samba, o pagsamba,” kundi maaari din itong gamitin at ganap na lalapat sa mga huwad na dios at kay Satanas na siyang hari nitong sukdulan ng kadiliman.

Mula sa tinatawag na bagong tipan ng bibliya ay may mga talata na tila nagbibigay diin sa umano'y ginawang pagsamba ng ilan kay Jesus ng Nazaret, gaya halimbawa ng maliwanag na mababasa sa ibaba,

MATEO 2 :
11 At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at NAGPATIRAPA sila at NANGAGSISAMBA sa kaniya.

Courtesy of Pinterest
Ang ginawang pagpapatirapa at pagsamba ng tatlong (3) pantas na lalake ay isang tanda ng pagpupuri sa Dios na lumalang kay Jesus mula sa sinapupunan nitong si Maria. Gayon man ay hindi nangangahulugan na ang sinomang nilalang ng Dios mula sa sinapupunan ng isang ina ay lalapat na rin sa dakilang kalagayan ng isang Dios. Sapagka’t ang buong sangkatauhan maliban kay Adan at Eba ay nagmula sa masigla at makapangyarihang paglikha ng Dios mula sa bahay-batay ng kababaihan. Hindi upang maging Dios pagsilang sa maliwanag, kundi upang tawagin at gumanap sa kalupaan bilang "tao", o "anak ng tao".

Sabado, Setyembre 9, 2017

KAWANGGAWA (agape) Sin caridad no hay salvacion posible

PAALALA:

Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang kaalaman ng sinoman. Nawa, sana, bago nyo kami husgahan ay paka-unawain nyo munang mabuti ang buong nilalaman ng artikulong ito.

Hinggil sa larangan ng espiritismo sa buong kapuluan at sa ibayong dagat ay may nakabandera na salawikain, o doktrina na siyang tumatayong matibay na pamantayan ng kaligtasan. Marahil ay may ilan ng nagtanong, kung ito baga ay may awtentikasyon ng katotohanan na masusumpungan sa banal na kasulatan. Kaugnay niyan ay hindi naging mahirap sa mga nakaka-alam na ipaliwanag at ipagtanggol alinsunod sa Katuruang Pablo ang doktrina nila na gaya ng mababasa sa ibaba.

"SIN CARIDAD NO HAY SALVACION POSIBLE
 (without charity[Agape G26]) there is no salvation possible)." 


Ang ibig sabihin sa wika natin, 

“Sa kawalan ng kawanggawa ay walang posibleng kaligtasan.” 

Batay sa kinikilala at isinasabuhay na samo’t saring aral. Iyan ang eksistidong doktrina, o salawikain ng mga pinagbuklod (unyon) na kapatirang espiritista ng buong kapuluan at ng ibayong dagat.

Ang salitang CharityG26  ay dalawampung (20) ulit na binanggit ni Pablo sa kaniyang mga sulat at iyan ay sa mga sulat lamang niya mababasa.  Tanda na ang salitang iyan ay nabibilang sa samo’t saring aral na masusumpungan sa Katuruang Pablo. Paulinian origin sa makatuwid ang salitang iyan, na hindi dapat ipagkamali na nabibilang sa mga sagrado at dakilang aral ng Katuruang Cristo. Ang salitang iyan saan man at kailan man ay HINDI inari, ni napabilang man sa kalipunan ng mga sagradong aral ng Katuruang Cristo.

Biyernes, Setyembre 1, 2017

MGA PANANALANSANG NI PABLO KAY JESUS

Paul vs. Jesus
Madiing wika ni Jesus; ang Kautusan ay namamalagi sa kaganapan ng buhay na walang hanggan sa kanino mang kaluluwa. Sa kabila ng nagtutumibay na pahayag niyang iyan ay tila walang anomang ipinamalita nitong si Pablo, na ang nabanggit na kautusan ay hindi gaya ng pinatototohanan ng sariling bibig ng Cristo.

Bago nga natin suungin ang pagpalaot sa makontrobersiyal na usaping iyan ay bigyan nga muna natin ng kaukulan at hustong tanglaw, kung sino at kaninong aral pangkabanalan ang sa katuwiran ng kaisaisang Dios ng langit ay matuwid nating pakinggan at sundin.