Lunes, Agosto 14, 2017

AKO NGA SIYA (I am he)

Hindi kakaunti sa panahon nating ito ang may lubos na paniniwala sa salita na tumutukoy sa "ako nga," na kung sisiyasatin sa bersiyong ingles ay "I am he" ang ganap na mababasa. Sa gayo'y maipasisiyang higit na malapit sa ating wika ang translasyon na, "ako nga siya" sa halip na "ako nga".

Samantala ay pinaniniwalaan ng marami, na ang mga salitang iyan ay isa anila sa iba't ibang pangalan ng Dios na ipinahayag Niya sa buong kalupaan. Gayon man, sa pagpapatuloy ng akdang ito ay lalapatan namin ng kaukulang tanglaw ng ilaw ang usaping ito, na kay laon ng nakukubli sa kaduluhan ng karimlan. Bagay na nagbunga ng napakalaking pagkakamali sa panig ng nakakarami. Iyan ay dahil sa kakulangan nila ng husto at wastong pagka-unawa sa tunay na anyo ng madilim na tanawing tumutukoy dito.

Ngayon nga'y itututok namin ang ganap na pansin ng madla sa presisyong sukatan ng katotohanan, na magsisilbing panutok na spatlait (spotlight), upang mahayag sa maliwanag ang tunay na pangkabuoang larawan nito. Kasabay na matalastas ng lubos ang bawa't kaliitliitang mga detalye ng usapin na may ganap na kinalaman dito.

1. Ano nga ba ang nasusulat hinggil sa bagay na ito? Paano nga ba madadaig ng kasulatan ang pangkasalukuyang tradisyong doktrinang pangrelihiyon, na nagsasabing ang isa sa pangalan ng Dios ay "Ako ay si ako nga, o, Ako nga, o Ako nga siya." 

2. Paano nga ba mabibigyang linaw, na ang mga salitang iyan na patungkol sa kaisaisang Dios ng langit ay hindi kailan man tumukoy kay Jesus, upang sabihing si Jesus  ang Ama at ang Ama ay si Jesus. Palibhasa'y ilang ulit madiing binigkas ng sarili niyang bibig ang mga katagang,"Ako nga."

3. Paano nga ba mapapatunayan na ang, "Ako nga, o, Ako nga siya" ay ginamit sa banal na kasulatan, upang patotohanan na ang nagsasalita ay nagpapatibay lamang na siya nga at wala ng iba pa ang tinutukoy sa usapin na kinasasangkutan ng ilan o ng marami.  

Hinggil diyan ay narito ang katumpakan ng turo na tumatayong katiwatiwalang katunayang biblikal, at bagay na may katiyakang makapagpapabago sa hidwang unawa ng marami hinggil sa mga salitang iyan.

Sa banal na Tanakh (OT) ng Dios ay labing-isang (11) ulit na ginamit ng mga propeta ng Dios ang salitang tumutukoy sa "I am he, o Ako nga siya." Ang lahat ng iyan ay pagsusunodsunorin naming ilalahad, upang mapag-unawa kung kanino ba ipinatutukol ang nabanggit na salitang iyan.

Gaya ng napakaliwanag na nasusulat, na ang wika ay gaya ng mga sumusunod,


AKO NGA SIYA (I AM HE) NA TUMUTUKOY NG GANAP SA DIOS

Deut 32 :
39  See now that I, even I, am he, and there is no god with me: I kill, and I make alive; I wound, and I heal: neither is there any that can deliver out of my hand. 
(Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga siya, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay.)

Sa talata ngang iyan ay madiing ipinahahayag ng kaisaisang Dios, na walang sinomang dios na kasama siya, maliban sa kaisaisa niyang persona na tunay niyang likas na kalagayan bilang solo Dios ng langit. Siya nga Aniya ang kaisaisang Dios na pumapatay at bumubuhay, na sumusugat at nagpapagaling, at Aniya pa ay walang sino mang makaliligtas sa kaniyang kamay.

===============

Isa 43 :
13  Yea, before the day was I AM HE; and there is none that can deliver out of my hand: I will work, and who shall let it?
(Oo, mula nang magkaroon ng araw ay AKO NGA SIYA; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako'y gagawa, at sinong pipigil?)

Bago nga magkaroon ng araw ay Siya na nga, at sinasabing walang sinoman na maaaring maka-agaw sa sinomang hawak na ng sarili niyang kamay at sino Aniya ang maaaring pumigil sa kaniyang paggawa? Sa makatuwid ay wala ngang sinoman na maaaring pumigil sa anong gawa ng makapangyarihan na walang iba, kundi ang kaisaisang Dios ng langit,

===============


ANG DIOS NA NAGWIKANG "AKO NGA SIYA" (I am He)

Isa 41 :
4  Who hath wrought and done it, calling the generations from the beginning? I AM YEHOVAH, the first, and with the last; I AM HE. 
(Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? AKO SI YEHOVAH, ang una, at kasama ng huli, AKO NGA SIYA.) 

Diyan nga ay ipinakilala ng lubos kung sino ang tinutukoy na AKO NGA SIYA (I AM HE), na walang iba, kundi ang kaisaisang Dios ng langit na nagngangalang YEHOVAH. Siya ang nag-iisang tumawag sa mga sali't saling lahi mula pa noong una, na Siyang una, at Siya din ang huli. Siya nga Aniya ay si YEHOVAH.

===============

ISA 43 :
10  Ye are my witnesses, saith YEHOVAH, and my servant whom I have chosen: that ye may know and believe me, and understand that I AM HE: before me there was no God formed, neither shall there be after me. 
(Kayo'y aking mga saksi, sabi ni YEHOVAH, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na AKO NGA SIYA; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.) 

Ang buong sangbahayan ng Jacob ang ayon sa talata ay mga saksi ni YEHOVAH, at sila Aniya ay mga lingkod niya na kaniyang pinili sa layuning sila'y maka-alam at magsisampalataya sa Kaniya, at maunawaan nila ng lubos na Siya nga ang kaisaisang Dios ng langit at walang sino mang Dios na inanyuan na naging una sa Kaniya, ni magkakaroon man ng iba pa.


ANG DIOS NA NAGWIKANG "AKO NGA (I am)

Exo 14 :
4  And I will harden Pharaoh's heart, that he shall follow after them; and I will be honoured upon Pharaoh, and upon all his host; that the Egyptians may know that I AM YEHOVAH. And they did so.
(At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon, at kaniyang hahabulin sila at kayo'y magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa lahat niyang hukbo; at malalaman ng mga Egipcio, na AKO NGA si YEHOVAH. At kanilang ginawang gayon.)

Sa talatang iyan (Exo 14:4) ay napakaliwanag na ipinakikilala ni YEHOVAH ang kaniyang sarili sa mga Egipcio sa pamamagitan ni Moses. Madiin niyang wika na, Siya ay makikilala ng mga Egipcio sa pamamagitan ng gagawin ng mga Israelita na pag-iimbot sa karangalan ng Faraon at sa lahat ng kaniyang hukbo. Sa talatang iyan ay isang napakaliwanag na tanawin, na ang I AM (AKO NGA) ay hindi kailan man tumukoy sa pangalan, sapagka't ang kasunod niyan sa nabanggit na talata ay ang totoong pangalan (YEHOVAH) ng kaisaisang Dios ng langit, na Kaniyang kaisaisang walang hanggang pangalan, na Siya din naman Niyang pinaka-alaala sa lahat ng mga lahi sa buong sangkalupaan (Exo 3:15)  


===============


"I AM HE", NA TUMUTUKOY KAY JESUS
JUAN 8 :
24  I said therefore unto you, that ye shall die in your sins: for if ye believe not that I AM HE, ye shall die in your sins. 
(Sinabi ko nga sa inyo, na kayo'y mangamamatay sa inyong mga kasalanan: sapagka't malibang kayo'y magsisampalataya na AKO NGA ANG CRISTO, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.)

JUAN 8 :

28  Then said Jesus unto them, When ye have lifted up the Son of man, then shall ye know that I AM HE, and that I do nothing of myself; but as my Father hath taught me, I speak these things.
(Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na AKO NGA ANG CRISTO, at wala akong ginagawa sa aking sarili, kundi sinalita ko ang mga bagay na ito, ayon sa itinuro sa akin ng Ama.) 

Mula sa dalawang talata (Juan 8:24, 28) sa dakong itaas ay mapapansin na ang nasa saling ingles ay "I AM HE," nguni't sa sarili nating wika ay nai-translate gaya ng, "AKO NGA ANG CRISTO." Iyan ay dahil sa napakaliwanag sa mga nagsipagsalin nito sa tagalog, na ang ganap na tinutukoy ng "I AM HE," ay walang iba, kundi si Jesus ng Nazaret bilang isang Cristo ng Dios, at kailan man ay hindi tumukoy ang nilalaman ng partikular na talatang iyon kay YEHOVAH na kaisaisang Dios ng langit.



JUAN 18 :
4  Jesus therefore, knowing all things that should come upon him, went forth, and said unto them, Whom seek ye?
(Si Jesus nga, na nakatataho ng lahat ng mga bagay na sasapit sa kaniya, ay lumabas, at sa kanila'y sinabi, Sino ang inyong hinahanap? 

5  They answered him, Jesus of Nazareth. Jesus saith unto them, I AM HE. And Judas also, which betrayed him, stood with them.
(Sinagot nila siya, Si Jesus na taga Nazaret. Sinabi sa kanila ni Jesus, AKO NGA SIYA. At si Judas din naman, na sa kaniya'y nagkanulo, ay nakatayong kasama nila.)

6  As soon then as he had said unto them, I AM HE, they went backward, and fell to the ground.
(Pagkasabi nga niya sa kanila, AKO NGA SIYA, ay nagsiurong sila, at nangalugmok sa lupa.) 

7  Then asked he them again, Whom seek ye? And they said, Jesus of Nazareth.
(Muli ngang sila'y tinanong niya, Sino ang inyong hinahanap? At sinabi nila, Si Jesus na taga Nazaret.) 

8  Jesus answered, I have told you that I AM HE: if therefore ye seek me, let these go their way:
(Sumagot si Jesus, Sinabi ko sa inyo na AKO NGA SIYA; kung AKO NGA ang inyong hinahanap, ay pabayaan ninyo ang mga ito na magsiyaon sa kanilang lakad.) 

Sa mga talatang iyan ay hindi mahirap unawain, na itong si Jesus ng Nazaret ay kinumpirma sa pulutong na siya nga ang Jesus na kanilang hinahanap, sa pamamagitan ng pagsasabing, "AKO NGA SIYA." Gayon nga rin na ang salitang iyan sa partikural na mga talatang iyon ay hindi tumukoy sa kaisaisang Dios ng langit, ni sa kung kanino pa man, kundi kay Jesucristo lamang at wala ng iba pa. Iyan ay dahil sa siya lamang ang tao na pakay ng nabanggit na pulutong na naatasang dumakip sa kaniya.;

===============


AKO NGA SIYA (I AM HE) NA TUMUKOY SA PULUBING BULAG

JUAN 9 :
8  The neighbours therefore, and they which before had seen him that he was blind, said, Is not this he that sat and begged? 

9  Some said, This is he: others said, He is like him: but he said, I AM HE. 
(Ang mga kapitbahay nga, at ang nangakakita sa kaniya nang una, na siya'y pulubi, ay nangagsabi, Hindi baga ito ang nauupo at nagpapalimos? 
Sinabi ng mga iba, Siya nga: sinabi ng mga iba, Hindi, kundi nakakamukha niya. Sinabi niya, AKO NGA SIYA. 

Napakaliwanag na sa talatang iyan ay hindi kailan man tumukoy sa kaisaisang Dios ng langit, ni kay Jesus ng Nazaret man ang mga salitang, I AM HE (Ako nga siya). Kundi sa isang bulag na pulubing lalake lamang.


===============

Samantala, sa banal na Tanakh (OT) ay kinausap ng kaisaisang Dios itong si Moses at sa kaniya ay madiing winika ang mga sumusunod,


EXO 3 :

14  And God said unto Moses, I AM THAT I AM: and he said, Thus shalt thou say unto the children of Israel, I AM hath sent me unto you.
(At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.)

EXO 3 :
15  And God said moreover unto Moses, Thus shalt thou say unto the children of Israel, YEHOVAH the God of your fathers, the God of Abraham, the God of Isaac, and the God of Jacob, hath sent me unto you:THIS IS MY NAME FOR EVER, and THIS IS MY MEMORIAL UNTO ALL GENERATIONS.
(At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo nI YEHOVAH, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ITO ANG AKING PANGALAN MAGPAKAILAN MAN, at ITO ANG AKING PINAKAALAALA SA LAHAT NG MGA LAHI.)

Ang walang hanggang pangalan nga ng kaisaisang Dios ng langit ay "YEHOVAH." Ang pangalang iyan ay binigyan niya ng hustong diin, na pinaka-alaala niya sa lahat ng mga lahi. Sa makatuwid ay ganap na tumutukoy sa lahat ng lahi sa nasasakupan ng buong kalupaan ng mundo na ating tinatahanan. Napakaliwanag na ang ibinigay ng nabanggit na Dios kay Mosesna pangalang kaniyang ipahahayag sa mga Israelita ay walang iba, kundi ang pangalang "YEHOVAH". 


Gayon nga ring hindi ang mga katagang, "AKO YAONG AKO NGA", o yaong "AKO NGA". Sapagka't gaya ng liwanag ng araw sa katanghaliang tapat ay pagpapatotoo lamang iyon ni YEHOVAH, na Siya nga ang kausap ni Moses at bukod sa Kaniya ay wala ng iba pa. Nalalaman Niya na may pag-aalinlangan si Moses, sa kung sino ang totoong kausap niya. Mula sa kadahilanang iyon ay gayon ngang kaagad Niyang nilinaw kay Moses, na talagang Siya nga ang kausap niya. Sa gayo'y madiin niyang winika, "AKO YAONG AKO NGA", o yaong "AKO NGA".

Ano pa't lagi na lamang pinagkakamalian ng marami, na ang "AKO YAONG AKO NGA" (I AM WHO I AM, o ang EHYEH ASER EHYEH) ay pangalan na kung saan ay pagkakakilanlan sa kaisaisang Dios ng langit. Ito sa katotohanan lang ay hindi pangalan, kundi isang pahayag na ang kausap ni Moses ay totoo at walang iba, kundi si YEHOVAH. 

Kung lalapatan ng kaukulang paglilinaw ang talata ay ganito nga lamang ang payak na dapat maging matuwid, wasto at hustong unawa ng sinoman.


Ang napakaliwanag na kahulugan nitong Winika ng Dios kay Moses (Exo 3:14-15), na sinasabi, 


"AKO NGA at wala ng iba pa, Ganito ang ilahad mo sa kanila, Sinugo NIYA ako sa inyo. Sinugo ako ni YEHOVAH sa inyo, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob. YEHOVAH ang aking pangalan magpakailan man. Ang pangalan kong YEHOVAH ang aking pangalang pinaka-alaala sa lahat ng mga lahi sa buong kalupaan."


Gaya nga lamang ng isang karaniwang pakikipag-usap sa telepono, na sinasabi,

"Manuel, AKO NGA, sabihin mo na pinapunta kita diyan sa kanila. Sabihin mo na inutusan ka ni Wilson, na kamag-anak ng kanilang mga magulang. Wilson ang talagang pangalan ko at sa pangalang iyan ako naaala-ala at kinikilala ng kanilang mga magulang at ng iba pa." 


Hindi nangangahulugan na ang panukoy na, "AKO ITO" ay lumalapat sa isang katawagan na pangalan, kundi isa lamang karaniwang pagkikipag-usap ng isang tao sa kapuwa niya na sa kaniya ay lubos na nakakakilala.


Hindi tiyak si Manuel na ang tumawag sa kaniya sa telepono ay si Wilson, gayon ma'y nalalaman ni Wilson na ang kausap niya ay si Manuel. Kaya nang tawagan niya siya ay sinabi na lamang niya na "AKO NGA." Sapat ang dalawang katagang iyan, upang mula sa kilalang tinig ay matukoy at matiyak ni Manuel, na ang kausap niya sa telepono ay ito ngang si Wilson.


Gayon din naman, na hindi tiyak si Moses na ang kausap niya ay si YEHOVAH,  nguni't nalalaman ni YEHOVAH na si Moses ang tao na kinakausap Niya. Kaya nang Siya'y mag-umpisang magsalita ay sinabi na lamang niya na AKO YAONG AKO NGA, o AKO NGA. Iyan ay upang alisin ang agam-agam kay Moses kung mayroon man at matiyak niya sa kaniyang sarili, na ang kausap niya ay totoo ngang si YEHOVAH.



Sa pagpapatuloy ay lubhang napakalayo sa katotohanan, na ang mga katagang iyan (Ako yaong Ako nga/Ako nga) ay ituring na pangalan ng Dios, kundi isang napakaliwanag na paglalahad na ang kausap ni Moses ay totoo nga na si YEHOVAH at wala ng iba pa. Ibig sabihin lamang ng mga katagang iyan na bago pa ang pag-uusap nilang iyan, ay may nauna na silang naging pag-uusap. Kaya naman nang sila'y magkaniig na muli ay ipina-alaala na lamang Niya kay Moses na ang kausap niya ay si YEHOVAH, at iyan ay sa pamamagitan lamang ng pagwiwika ng "AKO YAONG AKO NGA," o ang tahasang pagsasabi ng mga katagang "AKO NGA."

O sa tuwirang unawa ay gaya lamang ito,


"AKO YAONG AKO NGA, na siyang nakaraan, na siyang kasalukuyan, at siyang hinaharap. YEHOVAH ang walang hanggang pangalan Ko, at sa pangalang iyan Ako'y aalalahanin ng lahat ng mga lahi sa dimensiyong ito ng materiya. AKO NGA SIYA."

Unang nadinig ni Moses ang tinig ng Dios sa taluktok ng bundok Sinai. Katunayan na dati na nga silang nagkaka-usap sa isa't-isa. Kasunod ay binigyan Niya ng diin kung sino Siya at iniutos Niya sa kaniya (Moses) na sabihin sa mga anak ni Israel ang Kaniyang pangalan, gaya ng napakaliwanag na nasusulat,

"Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni YEHOVAH, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob:"

===============

Sa ibang dako, ay pilit na iniuugnay ng mga hindi nakaka-unawa ang mga katagang "AKO NGA" kay Jesus, na hindi naiwasan na magwika din ng gayon. Pakahulugan nila ay si Jesus ang Dios na nagwika ng AKO NGA sa banal na Tanakh (OT) ng Dios. Ano pa't mapangahas nilang ipinahayag, na si Jesus ay si YEHOVAH, at si YEHOVAH ay si Jesus sa iisang kalagayan bilang Dios.

Nguni't sa panimulang paliwanag ng artikulong ito na may lakip na mga kaukulang katiwatiwalang katunayang biblikal (katuruang Cristo), ay nalahad ang kawalang sintido ng may kamangmangang pahayag na iyan ng marami. Sukat upang ang katotohanan hinggil sa makontrobersiyal na usaping ito ay magkaroon sa artikulong ito ng daan sa malayang pagtutuwid, na kasusumpungan ng katotohanan na walang bahid ng anomang pagdududa o pag-aalinlangan man.


===============



KONGKLUSYON

1. Maliwanag na napatotohanan mula sa saliw ng mga katiwatiwalang katunayag biblikal, na ang "AKO YAONG AKO NGA" (I AM WHO I AM, o ang EHYEH ASER EHYEH) ay hindi kailan man naging pangalan ng kaisaisang Dios ng langit.

2. Ang "AKO NGA", o ang "AKO NGA SIYA (I AM HE)" na mga katagang winika ng sariling bibig ng Cristo ay pahayag na katotohanang ipinatutungkol niya sa kaniyang sarili lamang. Samantalang ang mga salitang "AKO YAONG AKO NGA (EHYEH ASER EHYEH)", ay mga katagang madiing winika ni YEHOVAH, sa layuning tiyakin kay Moses, na Siya nga ang kaisaisang Dios ng langit na totoong kausap niya, at bukod sa Kaniya ay wala ng iba pa.


3. Ang pangalang YEHOVAH ay kaisaisang pangalan na ipinahayag ng kaisaisang Dios ng langit, na pangalan Niya na mananatili, iiral, at kikilalanin ng lahat na magpasawalang hanggan. 


4. Ang pangalang YEHOVAH ay kaisaisang pangalan ng kaisasiang Dios ng langit, na kaniyang pinaka-alaala sa lahat ng mga lahi at sa lahat ng nasasakupan ng buong kalupaan.


5. Ang pangalang YHVH (YEHOVAH) sa pinakahusto at pinakawastong unawa ay, 

"AKO YAONG AKO NGA, ang Kaisaisang Dios ng nakaraan, ng kasalukuyan at ng hinaharap. Na kung sino ang nakaraan, na kung sino ang kasalukuyan, na kung sino ang hinaharap ay AKO NGA. YEHOVAH ang aking pangalan."

Siya nga ang kaisaisang Dios noong una, siya ang kaisaisang Dios sa kasalukuyan, at siya din ang mananatiling kaisaisang Dios sa mga darating pang mga kapanahunan. Siya nga ay nagpakilala kay Moses sa gayong kadakilang kalagayan, at ang kaisaisa niyang pangalan ay walang iba, kundi, YEHOVAH. 

Sa gayon ay nakilala ni Moses si YEHOVAH, na kaisaisang Dios ng nakaraan,  ng kasalukuyan at ng hinaharap. Na gaya ng kaniyang salita ay umiiral na magpasawalang hanggan.

6. Ang YHVH sa bigkas na YEHOVAH ay ibinatay sa pinaniniwalaan namin na ilang tiyak at balidong mga kadahilanan. Sa ika-uunawa at ikalilinaw sa sinoman ng pinaninidiganan naming mga katiwatiwala na kaalamang biblikal ay mangyaring I-click lamang ang mga sumusunod na link:


http://www.proclaimhisholyname.org/article_3.html

https://www.youtube.com/watch?v=ivx_mVhYtsc

ITO ANG KATURUANG CRISTO


Mamalagi nawa sa bawa't isa ang patuloy na pagbibigay daan ng langit sa masagana at walang patid na pagsapit ng mga biyaya na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay. Nakakamit ang lahat ng iyan ng sinomang may ganap na kasipagan sa mga gawaing tumutukoy sa tunay na kabanalan. 


Hanggang sa muli, paalam


Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento