Nahahayag sa mga sumusunod na talata nitong evangelio ng apostol na si Juan ang sinaksihan na mga salita ng malinaw niyang pandinig. Pinatototohanan niya na ang mga iyon ay maliwanag na nangagsilabas mula sa sariling bibig ng Cristong si Jesus.
Gayon man ay hindi maaaring ituring na ang mga salitang iyon na ipinangaral ni Jesus sa buong sangbahayan ni Israel ay mula lamang sa sarili niyang kaisipan. Sapagka't may diin niyang sinalita, na ang aral (Katuruang Cristo) na kaniyang ibinahagi sa mga anak ni Israel ay hindi mula sa sarili niyang opinyon (pagmamatuwid), kundi doon sa kabuoan nitong Espiritu ng Dios, na sa kaniyang buong pagkatao sa panahon niyang iyon ay masigla at makapangyarihang namamahay at naghahari.

Kaniya pang mahigpit na ipinaunawa sa lahat, na anomang patotoo na magmumula lamang sa kaniyang sariling mga salita, o opinyon ay hindi katotohanan.
Gaya ng malinaw na nasusulat, na ang husto niyang wika ay ayon sa mga sumusunod,
JUAN 5 :
31 Kung ako’y nagpapatotoo sa aking sarili. ANG
PATOTOO KO AY HINDI KATOTOHANAN.
Iyan ay sa husto at wastong kadahilanan, na siya bilang Cristo ng Dios ay gumaganap sa larangan ng tunay na kabanalan, alinsunod sa mga salita ng Espiritu ng Dios (Espiritu Santo) na nasa kaniyang buong pagkatao. Ang Espiritu na iyon ang sa kaniya ay nag-uutos, kung ano ang kaniyang sasabihin at kung ano ang kaniyang gagawin.
Sa madaling salita ay sisidlang hirang (talaytayan [medium]) ng banal na Espiritu (Espiritu Santo) ang sagradong kalagayan na sumasaklaw at ganap na nilalapatan ng kabuoan niyang pagkatao sa panahong iyon.
At hinggil sa katotohanan na iniluwal ng sariling bibig ng Cristo ay gaya ng maliwanag na nasusulat,
JUAN 8 :
28 Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako ang Cristo, at WALA AKONG GINAGAWA SA AKING SARILI; KUNDI SINASALITA KO ANG MGA BAGAY NA ITO, AYON SA ITINURO SA AKIN NG AMA.
JUAN 14 :
10 Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO'Y HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang AMA na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. (Juan 10:30).
JUAN 8 :
26 Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ANG MGA BAGAY NA SA KANIYA’Y AKING NARINIG, ANG MGA ITO ANG SINASALITA KO SA SANGLIBUTAN. (Juan 15:15, Juan 17:8)

JUAN 12 :
49 Sapagka't AKO'Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI: Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN. (Juan 15:15, Juan 17:8)

JUAN 7 :
16 Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, ANG TURO KO AY HINDI AKIN, KUNDI DOON SA NAGSUGO SA AKIN. (Juan 15:15)
16 Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, ANG TURO KO AY HINDI AKIN, KUNDI DOON SA NAGSUGO SA AKIN. (Juan 15:15)
JUAN 14 :
24 ANG HINDI UMIIBIG SA AKIN AY HINDI TUMUTUPAD NG AKING MGA SALITA: at ANG SALITANG INYONG NARINIG AY HINDI AKIN, KUNDI SA AMANG NAGSUGO SA AKIN. (Juan 15:15)
Narito, at katotohanan na hindi mahirap unawain, na sa sariling bibig ng Cristo ay lumabas ang mga salita ng banal na Espiritu (Espiritu Santo), na sumasa kaniya. Hindi nga niya kailan man inaari ang mga salita (Katuruang Cristo) na ipinangaral ng sarili niyang bibig sa buong sangbahayan ni Israel, sapagka't ang mga iyon ay katotohanan na pawang mga salita ng nabanggit na Espiritu ng Dios.
Iyan ang katotohanan na magpapalaya sa sinoman mula sa malawak na laot ng kamangmangan at ng panatismo. Ang katotohanang iyan ang nagbibigay ng hustong unawa sa likas na kalagayan ni Jesus. Na hindi siya ang dapat na sambahin, kundi ang Espiritu ng Dios (Espiritu Santo) na suma kaniya, matapos na siya sa ilog ng Jordan ay bautismuhan ni Juan, nitong bautismo sa pagsisisi ng kasalanan.

IBINIGAY KO SA KANILA ANG IYONG SALITA
Katotohanan na anomang salita, o evangelio (Katuruang Cristo) na ipinangaral ng sarili niyang bibig ay hindi niya inaari na sarili niyang aral pangkabanalan. Sapagka't sa mataimtim na panalangin niyan sa Ama nating nasa langit ay may kahustuhan niyang winika ang mga sumusunod na salita.
JUAN 17 :
14 IBINIGAY KO SA KANILA ANG IYONG SALITA: at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka't hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.
Napakaliwanag kung gayon, na ang Katuruang Cristo ay hindi sariling aral pangkabanalan ni Jesus ng Nazaret, kundi ito'y inaaring ganap nitong Espiritu ng kaisaisang Ama ng langit na siya niyang direktang dinadalanginan.
Ang sinoman ngang nabigyan ng salita (Katuruang Cristo [evangelio ng kaharian]) ay kinapopootan ng sanglibutan. Sapagka't sila ay nagsasaysay ng katotohanan na nagmula sa Ama nating nasa langit. Dahil ang sangkatauhan ay tumitindig sa turo ng mga tao, at kailan man ay hindi kinilala ang katuwirang iyan.
Mula sa padron ng katotohanan, na nagsasabing
"Ang salita (evangelio ng kaharian) ay mula sa Espiritu ng Dios, datapuwa't ang tinig ay sa kaniyang mga lingkod."
Gayon ngang ang salita ng Dios (Katuruang Cristo [evangelio ng kaharian]) ay isinasatinig ng mga kinilalang lubos ng Ama na kaniyang mga tunay na banal (cristo, hari, propeta, etc).
ANG PUNO NG UBAS AT ANG MAGSASAKA
ANG PUNO NG UBAS AT ANG MAGSASAKA
Sa pagpapatuloy ay narito ang ilang sitas na naglalahad ng matuwid na aral pangkabanalan, na inunawa ng marami hindi sa tunay na konteksto nito, kundi sa literal lamang na ibig nilang ipakahulugan.
Wika ng nabanggit na Espiritu mula sa sariling bibig ng Cristo ay ito,
JUAN 15 :
1
AKO ang tunay na PUNO NG UBAS, at ang aking AMA ang MAGSASAKA.
2 Ang bawa't
sanga na sa akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis niya: at ang bawa't sanga na
nagbubunga ay nililinis niya, upang LALONG MAGBUNGA.
3 Kayo'y MALILINIS na sa pamamagitan ng SALITA (Katuruang Cristo) na sa inyo'y aking SINALITA.
Ang konteksto ng tatlong (3) talatang iyan sa itaas ay gaya nga lamang nito.
Ang Ama na nasa langit ang kaisaisang persona na sumisimbulo sa "magsasaka." Ang lupa ay nililinang ng may ari (magsasaka) nito , at hinahasikan ng mabubuting binhi, na sa di kalaunan ay mga nagiging mahahalagang luntiang pananim ng kaniyang lupain.

Nakikita ng magsasaka, kung alin ang mga kapakipakinabang at mga walang kabuluhan na mga sanga ng kaniyang mga pananim. Kaya't ang mabubuting sanga na nasulyapan at napansin ng matalas niyang paningin ay pinagyayaman niya, upang ang mga iyon ay magsipagbunga pa ng sagana. Datapuwa't ang mga masasamang sanga ng puno ay pinuputol niya, upang ito'y hindi na makahawa pa ng kasamaan sa ibang mabubuting sanga ng puno.
Sa hayagang tanglaw ng liwanag, ang "magsasaka" ay simbolismo nitong kaisaisang Dios ng langit. Ang "lupa" ay sumisimbulo sa dimensiyon ng materiya. Ang "***puno" ay sumisimbulo sa kabuoan ng Espiritu na tinamo ni Jesus mula sa bautismo ni Juan sa ilog Jordan. Sangkatauhan naman ang kumakatawan sa mga "sanga", na kasusumpungan ng mabuti at masama.
***Ang Espiritu ng Dios na nasa kalooban nitong si Jesus ang siyang ganap na nilalapatan ng salitang "puno ng ubas." Sa makatuwid ay hindi si Jesus sa kaniyang sarili ang tinutukoy na gayon (puno ng ubas), sapagka't siya'y tagapagsalita lamang na talaytayan (medium) nitong Espiritu ng Dios na nasa simbolismo nitong "puno ng ubas."
Ang sinoman nga ay hindi kayang linisin ng mga aral na gaya ng evangelio ng di-pagtutuli nitong si Pablo, at lalong hindi ng likhang pilosopiya (katuruang espiritismo) nitong si Allan Kardec at ng iba pa. Sapagka't gaya nitong napakaliwanag na sikat ng araw sa katanghaliang tapat ay gayon din kalinaw na makikita ang malabis na paghihimagsik ng mga nabanggit na hidwang katuruan laban sa kadakilaan at kasagraduhan ng Katuruang Cristo (evangelio ng kaharian).
Katotohanan kung gayon na ang nabanggit na mga hidwang katuruan sa pangalawang (2nd) talata ay lumalapat ng ganap sa kasuklamsuklam na "sanga na hindi namumunga."
Napakaliwanag ayon sa pangatlong (3rd) talata, na ang tagapaglinis sa karumihan ng sinoman sa kalupaan ay ang mga salita na nangagsilabas mula sa sariling bibig ng Cristo. Na ang mga iyon ay walang iba, kundi ang Katuruang Cristo (evangelio ng kaharian). Hindi sa evangelio ng di-pagtutuli ni Pablo at lalong hindi ang sariling likhang katuruang espiritismo ni Allan Kardec. Tunay na pagpapakarumi sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit ang pagkilala at pagsasabuhay ng nabanggit na turo ni Pablo at Allan. Sapagka't kailan man ay hindi umayon sa katuruang Cristo ang ibinabandera at itinatanyag nilang imbentong aral (evangelio ng di-pagtutuli) sa marami.

ISINUGO ANG ESPIRITU
Dito ay makikita ng napakaliwanag na ang Dios ay nagsugo ng kaniyang Espiritu at ang isinugong Espiritu ay namahay at naghari sa kabuoan ng tao na kinikilala niya ng lubos sa larangan ng tunay na kabanalan.
EZE 37 :
14 At
aking ilalagay ang aking Espiritu sa
inyo, at kayo'y mangabubuhay, at aking ilalagay kayo sa inyong sariling
lupain, at INYONG
MANGALALAMAN NA AKONG PANGINOON ANG NAGSALITA, AT NAGSAGAWA, sabi ng
Panginoon. (Apoc 5:6)
Ang KAISAISANG DIOS na nasa langit ay gayon ngang nagsugo ng Espiritu na kabahagi ng sarili niyang kabuoan. Ito'y lumukob, namahay, at naghari sa kabuoang pagkatao ni Jesus ng Nazaret at nilang mga tunay na banal ng Dios.
Bilang paglilinaw ay hindi kailan man nagsugo ang kaisaisang Dios ng Espiritu ng mga patay upang kumatawan sa Espiritu Santo. Bagkus ay ang pitong (7) Espiritu ng Dios lamang ang noon pa mang una ay isinugo na Niya sa sangkatauhan, bilang mga banal na Espiritu (Espiritu Santo), na tagapaghatid sa sanglibutan ng Katotohanan, Ilaw, Pag-ibig, kapangyarihan, paglikha, karunungan, at buhay.
Ano pa't sa katuwiran na sumasa Dios ng langit ay sasamba ang lahat sa Espiritu ng Dios na sumasa tao, at hindi sa tao (Jesus), na ginawa lamang nitong sisidlan ng taglay Niyang kabanalan.

40 Datapuwa’t ngayo’y
pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa
inyo’y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING
NARINIG SA DIOS: ito’y hindi ginawa ni Abraham.
JUAN 20 :
17 Sinabi sa kaniya ni
Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t HINDI
PA AKO NAKAKA AKYAT SA AMA, nguni’t pumaroon
ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.
Ito ngang si Jesus ay TAO na nagsasaysay lamang ng katotohanan sa buong sangbahayan ni Israel, na maliwanag niyang narinig mula sa Dios na sumasa kaniya. Ang Espiritu ngang iyan ang Espiritu na isinugo ng Dios, upang mamahay at maghari sa kabuoan ng mga tunay na banal.
Batay sa katuwirang iyang ng Dios ay walang anomang pag-aalinlangan, na mga katotohanang lahat ang anomang aral na itinuro sa sangkatauhan ng sariling bibig ng Cristo Jesus.
SANDIGAN NG KATOTOHANAN
SANDIGAN NG KATOTOHANAN
Kaugnay niyan, kung gayon ay maliwanag din, na ang Katuruang Cristo lamang ang nag-iisang sandigan ng sukdulang katotohanan, na kung saan ay kasusumpungan ng kaligtasan ng kaluluwa at kapatawaran ng mga kasalanan, na kaisaisang katuruang pangkabanalan na tagapaglunsad ng kanino mang kaluluwa sa kabuhayang walang hanggan.
JUAN 7 :
16 Sinagot nga sila ni Jesus,
at sinabi, Ang turo ko ay hindi
akin, kundi doon sa
nagsugo sa akin. (Juan
15:15)
Isang napakatibay na katotohanan sa silong na ito ng langit, na ang turo ng Cristo (katuruang Cristo) ay mula sa Ama na nagsugo sa Espiritu ng Dios na nasa kalooban ni Jesus nang mga panahong iyon. Dahil diyan ay matuwid sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit na ipahayag sa lahat, na tanging Katuruang Cristo lamang ang kaisaisang sandigan ng sukdulang katotohanan sa buong kalawakan ng dimensiyong ito ng materiya.
Narito, at ang mga tagatangkilik, tagapagtaguyod, tagapagtanggol, at tagasunod ng Katuruang Cristo ay kinaaawaan at pinagpapala ng Dios, at sila'y binibigyan ng walang hanggang buhay.
JUAN 15 :
4 Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo'y manatili sa akin.
5 AKO ANG PUNO NG UBAS, KAYO ANG MGA SANGA: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.
Napakaliwanag na ang salita sa Juan 15:4-5 ay mula sa Espiritu ng Dios na nasa kalooban ni Jesus, samantalang ang tinig upang madinig ng bawa't tainga ang salita (katuruang Cristo), na siyang verbo ay mula sa sariling bibig ng Cristo, at ng mga kinikilalang lubos ng kaisaisang Dios ng langit sa larangan ng tunay na kabanalan .
Hindi mahirap unawain ang katotohanang iyan na madiing ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo. Ang sinoman kung gayon bilang sanga nitong puno ng ubas ay matuwid na tumindig ng may hustong tibay sa Katuruang Cristo, upang ang sinoman ay maging kasiyasiya sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit. Sapagka't ang sinoman na hindi napapasakop sa dakila at banal na katuruang iyan ay ganap na nabibilang sa malaking kalipunan ng mga tao sa sanglaibutan, na lumalapat ng lubos sa kasuklamsuklam na kalagayan ng mga anticristo.

Isa nga ring matapat na pangako nitong Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa buong pagkatao nitong si Jesus ng Nazaret.
Na sinasabi,
7 Kung kayo'y magsipanatili sa akin, at ang mga salita ko'y magsipanatili sa inyo, ay hingin ninyo ang anomang inyong ibigin, at gagawin sa inyo.
8 Sa ganito'y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo'y magsipagbunga ng marami;
Kung tayo nga aniya'y maninindigan sa patuloy na pagsunod sa Katuruang Cristo, ay gayon ngang mananatili sa atin ang katuwiran ng Dios. Kaya kung tayo ay hihingi ng anoman nating maibigan ay walang pagsalang mapagtatagumpayan nga nating makamit sa ating mga sarili. Ano pa't sa banal na kalakarang iyan ay lubos na ikinararangal ng ating Ama na tayo ay masiglang sumasagana sa larangan ng tunay na kabanalan.
Datapuwa't ang mga anak ng pagsuway sa Katuruang Cristo ay gayon ngang natatamo nila ang masaklap na hatol ng Dios.

Gaya ng napakaliwanag na nasusulat,
JUAN 15 :
6 Kung ang sinoman ay hindi manatili sa akin, ay siya'y matatapong katulad ng sanga, at matutuyo; at mga titipunin at mga ihahagis sa apoy, at mangasusunog.
Ang sinoman nga na hindi tatangkilik, magtataguyod, magtatanggol, at susunod sa Katuruang Cristo na lakip ang mga Kautusang Cristo ay mauuwi sa wala na gaya ng mga sanga na hindi nagsisipagbunga. Sa pagkawalay sa kabuoan ay walang kakayahan na mabuhay sa kanilang sarili. Dahil diyan ay mangatutuyo, at magiging mga sukal sa lansangan. Titipunin ng mga tagapagwalis at ihahagis sa siga ng apoy upang sunugin.
KONKLUSYON:
Magsipanatili tayo bilang matitibay at mapagbunga na mga sanga ng puno. Iyan ay sa pamamagitan ng masigla at may galak sa puso na pagtalima sa dakila at dalisay na Katuruang Cristo.
Maliban na ang sinoman ay tumangkilik, tumaguyod, magtanggol, at sumunod sa Katuruang Cristo ay wala siyang anomang pagkakataon na matamo ang kapatawaran ng kasalanan at kaligtasan ng kaluluwa. Sa gayo'y hindi niya kailan man makakamit, ni malalasap man ang dakilang kaluwalhatian ng langit na tumutukoy ng ganap sa kabuhayang walang hanggan.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Kamtin ng bawa't isa ang walang patid na daloy ng mga biyaya, na masaganang bumubuhos at sumisikat mula sa kaluwalhatian ng langit, na tumutukoy ng ganap sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungan, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.

Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento