Ang
bawa’t bansa ay nagtataglay ng isang sagisag na kumakatawan sa diwa ng kaanyuan
nito. Gaya ng bantayog na kung saan ay naghihitay ng kaukulang pagpipitagan mula
sa sinoman. Ensignya na natatatak sa piling kayo (tela) bilang marangal na
tanda ng isang nasyon sa pagkakaroon nito ng nagtutumibay na kasarinlan. Mula
sa taluktok ng isang tikin (poste) ay masiglang iwinawagayway ng hangin, habang
ito’y mataimtim na pinagmamasdan ng sinomang dumadakila sa karangalang
inilalarawan ng pamahalaan sa mga mamamayan nito. Iyan ay tanyag sa marangal na katawagang watawat, o bandila.
May mga uri at kanikaniyang layunin ang sagisag, o watawat na binibigyang awtentikasyon ng mga banal na kasulatan (Tanakh ng Dios). Ang mga iyon ang sa inyo ngayon ay lalapatan namin ng kaukulang biblikal na paglilinaw.
Narito, at ang mga sumusunod ay mga katunayang biblikal, na kung saan ay nagbibigay awtentikasyon sa iba't ibang uri at layunin ng watawat na masusumpungan sa mga balumbon ng nabanggit na kasulatan (Tanakh ng Dios).

WATAWAT NG PAGKATAKOT AT
PAG-IBIG NG DIOS
Mula
sa lubhang malayong nakaraan ay sinimulan ng mga tao ang pagpapakita ng
pagpapahalaga sa sagisag, na kung saan ay nagpapakilala sa partikular na lahi.
Gayon din noong una’y ginawa ang sagisag na siyang watawat na iwinawagayway ng
mga hukbong pangdigma. Ang kahalagahan nito ay ibinigay ng Dios, upang maging
isang tanda ng pagkatakot sa kaniya, at magpahayag ng dakilang pag-ibig mula sa
kaisaisang Dios ng langit.
Awit 60 :
4 Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa
iyo, upang maiwagayway dahil sa katotohanan. (Selah)
Son
2 :
4 Dinala niya sa bahay na may pigingan, at ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta.
4 Dinala niya sa bahay na may pigingan, at ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta.
Ang
watawat kung gayon ay kaloob ng lumalang na siya nating Ama sa mga nangatatakot sa kaniya, na ang ibig
sabihin ay sila na masigla at may galak sa kani-kanilang puso, na
nangagsisisunod sa natatangi niyang kalooban (kautusan). Maliwanag na mapapag-unawa
ng sinoman ang katotohanan, na ang bandila ng Dios ay kumakatawan sa walang
hanggan niyang pag-ibig sa mga nangatatakot sa kaniya. Hudyat na kapag nasilayan
ng sinoman ay makapagpapa-alaala sa walang hanggang kadakilaan ng Ama nating nasa langit..
Mula
sa balumbon ng Tanakh, ang higit na malaking anyo ng watawat ay ginagamit ng
mga hukbo na sinasakop ng bawa’t angkan mula sa labingdalawang (12) lipi ng Israel.
Ang mga iyon ay nalalakipan ng mararangyang burda at magagarang palamuti. Ang
layunin nito ay upang ipakita sa sinoman ang eksaktong pagkakakilanlan sa hukbo
ng mga mandirigma, kung saang lipi o tribo baga nabibilang ang kanilang
magiting at marangal na hanay.
Num
1 :
52 At ang mga anak ni Israel ay magtatayo ng kanilang mga tolda, na bawa't lalake ay sa kaniyang sariling kampamento at bawa't lalake ay sa siping ng kaniyang sariling WATAWAT ayon sa kanilang mga hukbo.

2 Ang mga anak ni Israel ay magsisitayo bawa't lalake sa siping ng kaniyang sariling WATAWAT, na may tanda ng mga sangbahayan ng kaniyang mga magulang: sa tapat ng tabernakulo ng kapisanan ay tatayo sila sa palibot.

hanay ngang iyan ng mga hukbo na nabanggit sa itaas ay gaya ng sumusunod,
Num 2 :
3 At yaong tatayo sa dakong SILANGANAN, sa dakong sinisikatan ng araw, ay ang mga sa WATAWAT ng kampamento ng JUDA, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Juda ay si Naason na anak ni Aminadab.

10 Sa dakong TIMUGAN, ay malalagay ang WATAWAT ng kampamento ng RUBEN, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe ng mga anak ni Ruben, ay si Elisur na anak ni Sedeur.
Num 2 :
18 Sa dakong KALUNURAN ay malalagay ang WATAWAT ng kampamento ng EPHRAIM, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Ephraim ay si Elisama na anak ni Ammiud.
Num 2 :
25 Sa dakong HILAGAAN ay malalagay ang WATAWAT ng kampamento ng DAN, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Dan, ay si Ahiezer na anak ni Ammisad.
Mula
sa mga talatang iyan ay maliwanag na ipinakikita ang paglaladlad ng watawat sa dakong silanganan (east), timugan (south), kalunuran (west), at hilagaan
(north) ng Israel. Ang malaking hanay, o dibisyon ng apat (4) na hukbong sandatahan ng mga mararangal at magigiting na
mandirigma ng Dios ay pananggalang sa anomang tangkang pananakop ng mga karatig bansa. Gayon din sila'y inihanda ng Dios sa layuning pasukuin sa paanan ng kaniyang Hari ang mga karatig na bansa ng Israel.
WATAWAT NG MGA ANGKAN NI
ISRAEL
Samantala,
ang bandila na iwinawagayway ng bawa’t natitirang lipi ay nasa higit na maliit
na anyo kay sa naunang apat (Juda, Ruben, Ephraim, Dan). Sa mga iyan ay
nasusulat ang pangalan ng kani-kanilang lahi o tribo, kabilang din diyan ang
natatangi nitong debuho.
Num
2 :
2 Ang mga ANAK NI ISRAEL ay magsisitayo bawa't lalake sa siping ng kaniyang sariling WATAWAT, na may tanda ng mga sangbahayan ng kaniyang mga magulang: sa tapat ng tabernakulo ng kapisanan ay tatayo sila sa palibot.

34 Gayon ginawa ng mga ANAK NI ISRAEL; ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises ay gayon sila humantong sa siping ng kanilang mga WATAWAT, at gayon sila nagsisulong, na bawa't isa'y ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

watawat alinsunod sa konteksto ng dalawang talatang iyan sa itaas ay may
kalakip na tanda ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang at kasama, o
kasiping nila ang kanilang watawat, at sa gayong kaayusan ay nagsilakad sila,
ayon sa kani-kanilang lipi, ayon sa kani-kanilang ngalan ng kanilang mga
magulang.
WATAWAT NA PANGSENYAS
Ang
matayog na watawat na pangsenyas ay hindi dinadala sa pagmamartsa, kundi ito’y
nakahimpil lamang sa partikular na dako. Ito ay karaniwang itinatayo sa
taluktok ng bundok, o kaya naman ay sa mga matataas na pook. Sa sandaling ito
ay makita ng mga nasa ibaba ay sisimulan na nilang patunugin ang tambuli ng digmaan.
Isa 13 :
2 Kayo'y mangaglagay ng isang watawa't sa
bundok, na walang punong kahoy, mangaglakas kayo ng tinig sa kanila, inyong
senyasan ng kamay, upang sila'y magsipasok sa mga pintuang-bayan ng mga mahal
na tao.
Isa 18 :
3 Kayong lahat na nananahan sa sanglibutan, at
kayong mga naninirahan sa lupa, pagka ang isang watawat ay nataas sa mga
bundok, inyong tingnan; at pagka ang pakakak ay hinipan, makinig kayo.
Isa 30:17 Isang libo ay
tatakas sa saway ng isa; sa saway ng lima ay tatakas kayo: hanggang sa kayo'y maiwang
parang isang palatandaan sa taluktok ng bundok, at gaya ng isang watawat sa
isang burol.
Jer 4:6 Kayo'y
mangagtaas ng watawat sa dako ng Sion: kayo'y magsitakas sa ikatitiwasay, huwag
kayong magsitigil: sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan mula sa hilagaan, at
ng malaking paglipol.
Jer 4 :
21 Hanggang kailan makikita ko ang
watawat, at maririnig ang tunog ng pakakak?
Awit 74 :
4 Ang mga kaaway mo'y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan; kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda.
Awit 74 :
4 Ang mga kaaway mo'y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan; kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda.
Gayon
ngang ang pangatlong uri at layunin ng watawat ay upang itayo sa kabundukan at sa
matataas na dako lamang. At pagkakita nito ng mga nasa kalayuang ibaba ay
uumpisahan ng patunugin ang tambuli (pakakak) ng digmaan. Sa mga kaaway ay natataas ang kanilang watawat bilang isang tanda o senyas ng kanilang pagiging oposisyon sa kapamahalaan ng hari.
Awit 74 :
4 Ang mga kaaway mo'y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan; kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda.
Gayon ngang ang mga kaaway ay nagsisi-angal sa gitna ng kapulungan, at itinataas nila ang kanilang watawat o sagisag na pinakatanda ng kanilang paghihimagsik sa kalooban ng kaisaisang Dios ng langit.

WATAWAT NG ISANG DAONG SA
ANYO NG ISANG LAYAG
Narito
at ang ika-apat na uri ng watawat ay gaya ng maliwanag na mababasa sa
ibaba.
Eze 27 :
7 Manipis na kayong lino na yaring may burda na
mula sa Egipto ang iyong layag, upang maging sa iyo'y isang watawat; kulay asul
at morado na mula sa mga pulo ng Elisah ang iyong kulandong.
Ang
layag ng isang daong na yari sa burdado na kayong lino, sa kulay na asul at
morado ay kumakatawan din bilang watawat. Layunin nito na ipakita sa pamamagitan ng layag (sail) ang kinabibilangan nilang lipi ng Israel, upang maihiwalay nila ang kanilang kasarinlan sa ibang maglalayag ng karagatan.
WATAWAT NA TANDA NG APOY
Ang ika-limang (5th) uri nito ay ang watawat na tanda ng apoy, ginagamit din ito
bilang pangsenyas.
Isa 31 :
9 At ang kaniyang malaking bato ay lalagpasan, dahil sa kakilabutan, at ang kaniyang mga pangulo ay masisindak sa watawat, sabi ng Panginoon, na ang kaniyang apoy ay nasa Sion, at ang kaniyang hurno ay nasa Jerusalem.
Sa talatang iyan ay maliwanag na ipina-uunawa, na ang partikular na bandila, o watawat na iyan ay sumisumbulo sa apoy na mamumugnaw, na kung saan ay masusumpungan sa dako ng Sion (banal na bundok ng Dios) at sa lugarin ng Jerusalem.

pang-anim (6) na uri ng watawat ay gaya ng sumusunod,
PINAKAWATAWAT SA MGA BANSA
Isa 11 :
10 At mangyayari, sa araw na yaon
na ang angkan ni Isai, na tumatayong pinakawatawat ng mga bayan, hahanapin ng
mga bansa; at ang kaniyang pahingahang dako ay magiging maluwalhati.
Isa 11 :
12 At siya'y maglalagay ng
pinakawatawat sa mga bansa, at titipunin niya ang mga tapon ng Israel, at
pipisanin ang mga nangalat ng Juda mula sa apat na sulok ng lupa.
Hindi tulad ng una (1st) hanggang ika-lima (5th), kakaiba
ang ika-anim (6th) na watawat, sapagka’t ito’y nasa kalagayan at kaanyuan ng isang tao na
tumutukoy ng ganap sa isang propeta, o banal ng Dios. Gayon ngang sa bawa’t
henerasyon ng tao, Siya ay may ipinadadalang manggagawa, na nagbabangon ng katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may
unawa, at buhay sa mga higit na kinauukulan. Na siyang hudyat ng katapusan, o pagwawakas nitong kasinungalingan, dilim ng kaisipan, galit at panibugho, kahinaan,
katamaran, kamangmangan, at kamatayan sa sinomang magkakaroon ng masigla at may saya na pagtalima sa natatanging kalooban ng kaisaisang Dios ng
langit.
Hindi
nga mahirap maunawaan na ang mga uri ng watawat nitong Tanakh ng Dios ayon sa
pagkakasunod-sunod ay gaya ng maliwanag na mababasa sa ibaba.
1.
Watawat ng katotohanan at pag-ibig sa kaisaisang Dios ng langit.
2.
Watawat ng mga angkan ni Israel.
3.
Watawat na ginagamit bilang pangsenyas..
4.
Watawat ng isang daong sa anyo ng isang layag.
5.
Watawat na tanda ng apoy
6.
Watawat ng mga bansa na tagapagtipon ng mga tapon ng Israel at tagapisan ng mga
nangalat ng Juda mula sa apat na sulok ng lupa.
Batay
sa hindi mapapasinungalingang pagsasaad ng balumbong ito ng Tanakh ay
napakaliwanag na ang watawat, o sagisag ay kumakatawan lamang sa anim (6) na uri at layunin. Ang bilang 1 hanggang 5 ay hindi nagtataglay ng anomang kapangyarihan
o galing man, upang,
1.
Maging tagapaghatid ng suwerte sa sinoman.
2.
Maging kasangkapan sa pagpapa-ibig ng sinoman.
3.
Maging tagapagpagaling sa karamdaman ng sinoman.
4.
Maging kasangkapan upang maka-ugnay ang mga patay.
5.
Maging kasangkapan sa pagkakaroon ng personal na kapangyarihan.
6.
Maging kasangkapan sa personal na katanyagan.
7.
Maging kasangkapan sa personal na pagpapayaman.
8.
Maging kasangkapan sa pagpapasuko ng mga bagay.
9. Maging imahe upang sambahin.
9. Maging imahe upang sambahin.
Ang
watawat ng Dios ay hindi kailan man Niya idinesenyo, upang gamitin lamang ng
indibiduwal mula sa pangsarili niyang kapakinabangan, kundi nitong hukbo ng
digmaan at ng kalipunan, o bigkis ng mga tao na nangatatakot sa kaisaisang Dios
ng langit.
Sa
panahon nating ito ay hindi maikakaila ang isinasabuhay na tradisyon ng kapatirang espiritista
ng buong kapuluan at ng ibayong dagat. Sapagka't sila’y may paniniwala at paninindigan na ang likha nilang sagisag, o watawat na kanilang iwinawagayway ay may natatanging
kakayanan, na siya anilang daluyan ng kapangyarihan na nagmumula sa
kaluwalhatian ng langit.
Subali’t
ang banal na Tanakh ng Dios ay madiing tinututulan ang tradisyunal na
paniniwala nilang iyan. Sapagka’t maliwanag ayon sa balumbon ng mga kasulatang
iyan ay anim (6) lamang ang tanging uri at layunin ng watawat ng Dios na kaloob niya
sa buong sangbahayan ng Israel. Ang watawat na kung saan ay dinadaluyan ng sinasabi nilang fluido o
kapangyarihan na di-umano'y nagbibigay ng kagalingan sa mga may karamdaman ay hindi kailan
man nakasama sa anim (6) na bilang ng watawat na binibigyang awtentisidad ng
nabanggit na balumbon ng mga banal na kasulatan.
Wika
ng marami sa kanila ay mula sa lumang tipan ng bibliya ang matibay nilang
batayan sa ginagamit nilang sagisag o watawat. Subali’t iyon ay sali’t saling
sabi lamang ng mga matatanda ng kanilang samahan. Iyon ay minana nila na walang kaukulang pagbibigay linaw at unawa. Dahil sa maliwanag na nilalaman ng
artikulong ito ay pinatotohan ng mga
salita ng Dios sa balumbon na iyan ng Tanakh, na ang tradisyon nilang nabanggit ay
walang anomang katotohanan, kundi isang bungkos ng mga nilubidlubid na
kasinungalingan lamang.
Maliwanag
na binibigyang diin nitong balumbon ng Tanakh, na anomang usapin na tumutukoy
sa watawat, bandila, o sagisag ay hindi kailan man maaaring lumabas, ni lumihis man sa anim (6)
na awtentikadong uri at layunin ng watawat sa artikulong ito. Kung magkagayon ay hindi
na nga sasang-ayunan nito ang naiiba sa anim (6) na layunin ng watawat na
mamagalingin ng sinoman sa panahon nating ito. Maipasisiya na iyon, o ang mga
iyon ay mga kasinungalingan at pandaraya na lamang.
Bilang pagtatapos ay maliwanag na ang rituwal na isinasagawa ng buong samahang espiritista hinggil sa likha nilang sagisag, o watawat ay walang anomang biblikal na batayan, pundasyon, ni awtentikasyon man ng mga nilalaman nitong Tanakh ng Dios. Dahil diyan, ang rituwal nila ng watawat na tumutukoy sa panggagamot, pagkuha ng lakas, kaligtasan, kapangyarihan, pagtawag ng espiritu, at iba pa ay maipasisiyang isang gawain na kailan man ay hindi sinang-ayunan ng katotohanan na sumasa Dios.
Saan man at kailan man, ang partikular na kaugalian, o tradisyon nilang iyan ay hindi mababasa sa alin mang rolyo, o balumbon ng banal na Tanakh ng Dios. Bagkus iyan ay mahigpit na nabibigkis sa karaniwang kaugaliang pagano, na tumutukoy ng ganap sa pagsasabuhay ng karumaldumal na gawang lumalarawan sa kasuklamsuklam na anyo ng idolatriya. Walang ipinagkaiba sa pagsamba ng mga Gentil (pagano) sa larawan na inanyuan ng mga kamay, sapagka't ang sagisag nila'y niluluhuran at dinadasalan, at ang pinaka buntot nito ay paulit-ulit na hinihila ng padausdos pababa, na gaya kung paano ginagatasan ang inahing baka, kalabaw, o kambing. Iyan ay sa layuning kumuha ng fluido o kapangharihan ng langit na di umano ay dumadaloy sa pamamagitan ng pinakabuntot ng kanilang sagisag (watawat).
Bilang pagtatapos ay maliwanag na ang rituwal na isinasagawa ng buong samahang espiritista hinggil sa likha nilang sagisag, o watawat ay walang anomang biblikal na batayan, pundasyon, ni awtentikasyon man ng mga nilalaman nitong Tanakh ng Dios. Dahil diyan, ang rituwal nila ng watawat na tumutukoy sa panggagamot, pagkuha ng lakas, kaligtasan, kapangyarihan, pagtawag ng espiritu, at iba pa ay maipasisiyang isang gawain na kailan man ay hindi sinang-ayunan ng katotohanan na sumasa Dios.
KONKLUSYON
Kamtin ang masaganang biyayang mula sa langit ng sinomang tumatangkilik, tumataguyod, nagtatanggol, at tumatalima sa mga
salita ng Dios na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo.
Hanggang
sa muli, paalam.
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento