Linggo, Mayo 14, 2017

UNA AT HULI (Alpha at Omega)

Ang tinatawag na Lumang Tipan ng Bibliya ay hango sa Tanakh, na siyang balumbon ng mga banal na kasulatan ng Israel sa wikang Hebreo. Bahagi niyan ang Torah, na naglalaman ng limang (5) aklat ni Moses. Sa mga antigong kasulatan na iyan ay hayagan at tuwirang binanggit ang pangalan ng kaisaisang Dios (YHVH). Gayon man, sa pagsasalin sa wikang Griego ng 70 iskolar na Hebreo sa panahon ng Paraon ng Egipto na si Ptolomy II. Taong 132 BC ay natapos ang pagsasalin ng bibliyang Hebreo sa wikang Griego (koine) sa siyudad ng Alexandria. Sa pagsasalin ng mga nabanggit na iskolar ay ipinasiya nila na huwag ilagay sa saling Griego (Septuagint) ang YHVH. Ito’y dahil sa ito’y hindi nila kayang bigkasin mga Griego, at sa halip ay minabuti nilang palitan na lamang ng salitang  “KURIOS,” na sa wikang Ingles ay, “LORD,” o kaya naman ay “Lord” ang ibig sabihin. Iyan ay upang makatiyak na ang nabanggit na pangalan ay hindi malapastangan, at maiwasan na malabag ng marami ang pangatlo (3rd) sa sampung (10) utos ng Dios.

Kaugnay niyan, sa isang artikulo nitong Rayos ng Liwanag ay nilinaw ang usapin na may direktang kinalaman dito. Na sinasabi,

PANGINOON (LORD)
Ang salitang Hebreo na  יְהֹוָה (YHVH) ay tumutukoy lamang sa walang hanggang pangalan ng kaisaisang Dios na natatala sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ng bansang Israel. Tetragramaton ang tanyag na bansag nito at kilala sa transliterasyong Yahovah,  o,  Yehovah.
 
Ang יְהֹוָה(YHVH) ay 6519 na ulit binanggit sa 5521 talata nitong Hebrew concordance ng King James Version (KJV) ng bibliya. IEUS ang transliterasyon sa wikang Griego. YHVH ang baybay sa ingles ng Inglatiera at America. H3068 ang nakatalagang numero nito (יְהֹוָה) sa Strong’s concordance.

Bilang tugon ng mga iskolar ng bibliya sa pangatlong (3) utos, na sinasabi,

Huwag mong babanggitin ang pangalan ng PANGINOON mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka’t hindi aariin ng PANGINOON na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan. (Exd 20:7)

Thou shalt not take the name of the LORD thy God in vain; for the LORD will not hold him guiltless that taketh his name in vain (Exd 20:7).”

Ang pangalang nabanggit ay minabuti nilang palitan ng salitang “LORD,” na may malalaking letra. “KURIOS” ang itinapat na salita ng mga Griego sa salitang ito. “Panginoon” na may malaking letrang “P” sa unahan ang naging katumbas na salita sa ating wika.
Ang kinalabasang anyo sa makatuwid nitong יְהֹוָה (YHVH) sa saling ingles ng Masoretic Texts sa KJV ay walang iba, kundi ang salitang, “LORD.” Ito nama”y mababasa sa Hebrew concordance sa hindi kakaunting bilang na nalalahad sa itaas.


Ano pa’t kung isusulat sa may kahustuhang anyo ang pangalan ng kaisaisang Dios sa nabanggit na saling talata ay gaya nga ng mababasa sa ibaba.

Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Dios mong si YAHOVAH sa walang kabuluhan; sapagka’t hindi aariin ni YAHOVAH na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan. (Exd 20:7)
(“Thou shalt not take the name of YAHOVAH thy God in vain; for YAHOVAH will not hold him guiltless that taketh his name in vain (Exd20:7).”

Narito, at sa kabutihang palad ay nagkaroon kami ng mabuting pagkakataon, na mailakip na muli ang pangalan ng kaisaisang Dios sa mga saling ito ng biblia. Sapat upang ang sinoma’y lubos na maliwanagan at mapag-unawa ang katotohanan na binibigyang diin ng kahayagang ito.

Sa pagpapatuloy ay madiing winika ng kaisaisang Dios, na siya ang una at ang huli, at sa wikang Griego ay katumbas ng alpha at omega. Iyan ang una at huling letra nitong alpabetong Griego, na isinimbulo sa kagamitan nitong salitang una at huli, o ang simula at wakas na nasusulat sa bibliya.

Kung paano nga mababasa ang mga talata sa ibaba lakip ang walang hanggang pangalan ng kaisaisang Dios ay gaya ng mga sumusunod,

ISA 41 :
4  Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong si YAHOVAH ang UNA, at kasama ng HULI, ako nga,
(Who hath wrought and done it, calling the generations from the beginning? I am YAHOVAH, the first, and with the last; I am he.)

ISA 44 :
6  Ganito ang sabi ni YAHOVAH, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, si YAHOVAH ng mga hukbo, AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI; at LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.
(Thus saith the YAHOVAH the King of Israel, and his redeemer YEHOVAH of hosts; I am the first, and I am the last; and beside me there is no God.)

ISA 48 :
12  Inyong dinggin ako, Oh Jacob, at Israel na tinawag ko: Ako nga; AKO ANG UNA, AKO RIN ANG HULI.
(Hearken unto me, O Jacob and Israel, my called; I am he; I am the first, I also am the last.)

ISA 45 :
21 Kayo’y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? HINDI BAGA AKO NA SI YAHOVAH? at  WALANG DIOS LIBAN SA AKIN, isang GANAP NA DIOS at TAGAPAGLIGTAS; WALANG IBA LIBAN SA AKIN.
(Tell ye, and bring them near; yea, let them take counsel together: who hath declared this from ancient time? who hath told it from that time? have not I YAHOVAH? and THERE IS NO GOD ELSE BESIDE ME; A JUST GOD AND A SAVIOUR; THERE IS NONE BESIDE ME.)

JOEL 2 :
27  At inyong malalaman na ako’y nasa gitna ng Israel, at, AKO SI YAHOVAH NA INYONG DIOS at WALA NANG IBA: at ang aking bayan ay hindi mapapahiya magpakailan man.
(And ye shall know that I am in the midst of Israel, and that I am YAHOVAH your God, and none else: and my people shall never be ashamed.)

OSEA 13:
4 Gayon ma’y AKO SI YAHOVAH NA IYONG DIOS, mula sa lupain ng Egipto; at WALA KANG MAKIKILALANG DIOS KUNDI AKO, at LIBAN SA AKIN AY WALANG TAGAPAGLIGTAS.
(Yet I am YAHOVAH thy God from the land of Egypt, and THOU SHALT KNOW NO GOD BUT ME: for there is no saviour beside me.)

Gayon ngang sa aklat ng propetang si Isaias, at ni Joel, at ni Oseas ay tinuldukan ng Dios ang likas niyang kalagayan mula pa noong una bilang kaisaisang Dios ng langit at lupa. Siya ang una at ang huli, ang simula at wakas, at sa alpabetong Griego ay alpha at omega, at binigyan niya ng diin na maliban sa kaniya ay wala ng iba pang Dios na umiiral dito sa dimensiyon ng materiya at sa dimensiyon ng Espiritu.

Ano pa’t sa kabuoan nitong kalipunan ng mga banal na aklat (Tanakh) ng Israel ay iisang Dios lamang ang masiglang ipinakilala na taglay ang iisang pangalan (YHVH [YAHOVAH]) lamang, na ayon sa maliwanag na pagkakasabi Niya kay Moises ay iyan ang walang hanggan Niyang pangalan.

Gaya ng nasusulat,

EXO 3 :
15  At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni YAHOVAH, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ITO ANG AKING PANGALAN MAGPAKAILAN MAN, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.
And God said moreover unto Moses, Thus shalt thou say unto the children of Israel, The LORD God of your fathers, the God of Abraham, the God of Isaac, and the God of Jacob, hath sent me unto you: this is my name for ever, and this is my memorial unto all generations. 

Kung lilinawin ay YAHOVAH ang pangalan (transliterated name) ng kaisaisang Dios ng langit at lupa na umiiral na magpakailan man. Ang pangalang iyan ay lubos na nakilala noong una, at sa panahong kasalukuyan ay matuwid na makarating sa kaalaman ng lahat, at gayon ngang makikilala sa lahat ng mga darating na kapanahunan.  Siya ang Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, ng Dios ni Jacob, ng Dios ni Jesus, Dios ng lahat ng mga propeta, at gayon ngang kaisaisang Dios ng sangkatauhan. Kaisaisang Dios na una at huli, o yaong tinatawag na Alpha at Omega.

Kung dadako naman tayo sa nakaraang yugto ng panahon na nilakaran ng mga apostol, na nangakasama ng Cristo Jesus ay wala rin namang pagkakaiba ang sinalita nitong Espiritu ng Dios na isinatinig nitong si Juan.

Na sinasabi,

UNANG PAGBANGGIT NG ALPHA AT OMEGA.

APOC 1 :
8  AKO ANG ALPHA AT ANG OMEGA, sabi ni YAHOVAH na Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat. (Juan 10:29)
(I am Alpha and Omega, the beginning and the ending, saith the Lord, which is, and which was, and which is to come, the Almighty.)

PANGALAWANG PAGBANGGIT NG ALPHA AT OMEGA.

APOC 1 :
11 Na nagsasabi, AKO ANG ALPHA AT OMEGA, ang UNA at HULI.  Ang iyong nakikita, ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa pitong iglesia: sa Efeso, at sa Smirna, at sa Pergamo, at sa Tiatira, at sa Sardis, at sa Filadelfia, at sa Laodicea.
(Saying, I am Alpha and Omega, the first and the last: and, What thou seest, write in a book, and send it unto the seven churches which are in Asia; unto Ephesus, and unto Smyrna, and unto Pergamos, and unto Thyatira, and unto Sardis, and unto Philadelphia, and unto Laodicea. 

PANGATLONG PAGBANGGIT NG ALPHA AT OMEGA (UNA AT HULI).

APOC 1:
17 At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; AKO'Y ANG UNA AT ANG HULI, 
(And when I saw Him, I fell at His feet as dead. And He laid His right hand upon me, saying to me, Do not fear, I am the First and the Last,)

18 At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades.
18  I am he that liveth, and was dead; and, behold, I am alive for evermore, Amen; and have the keys of hell and of death. 

Sa unang (1st) pagbanggit ay napakaliwanag sa Apoc 1:8 na si YHVH (YAHOVAH)  na kaisaisang Dios ang ganap na tinutukoy. Ang pangalawang (2nd) pagbanggit sa Apoc 1:11 ay siya ding talata na pinatototohanan ng una. Gayon din ang pangatlong (3rd) talata na tumutukoy ng napakaliwanag sa Panginoon nating Dios na si YHVH (YAHOVAH)
Ang ibig sabihin ay iisa lamang ENTIDAD ang ganap na tinutukoy sa TATLONG (3) talata ns iyan. Siya ay walang iba, kundi si YAHOVAH, na kaisaisang Dios at Ama ng lahat ng kaluluwa.

Samantala, sa Apoc 1:18 ay binanggit ang nabubuhay at namatay, na nabubuhay na magpakailan man, na taglay ang mga susi ng kamatayan at ng Hades. Ano pa't kung ang totoong tinutukoy dito ay si Yahova na kaisaisang Dios ng langit at ng lapa ay bakit sinabi niyang siya ay nabubuhay at namatay. Sa gayon ay namatay ba ang Dios at nabuhay?

Hindi nga ang gayon, sapagka't ang ganap na tinutukoy sa talatang ito ay hindi si Yahovah, kundi ang pitong (7) Espiritu ng  Dios (Cordero) na isinugo sa buong lupa.

Ang paglahok ng nabanggit na pitong Espiritu ng Dios kay Jesus ay noong matapos na siya ay bautismuhan ni Juan bautista sa ilong ng Jordan. Nang magkagayon ay lumakad sa sangbahayan ni Israel sa anyong laman (Jesus) ang nabanggit na Espiritu (Cordero). Ito nga ay nabuhay at namatay sa katauhan ni Jesus ng Nazaret. Ano pa't sa likas nitong kalagaya bilang Espiritu ay patuloy na nabubuhay na magpasawalang hanggan.

Ano pa't ang nabanggit na Espiritu (Cordero) ay madiing nagwika sa pamamagitan ng sariling bibig ng Cristo, na sinasabi,

JUAN 14 : 
28  Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama: sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.  

Hinding hindi maaaring mangyari na si Jesucristo ang tinutukoy sa Apoc 1:17-18, sapagka't napakaliwanag na si Jesus ay may Ama na lalong higit na dakila kay sa kaniya. Gayon nga rin na madiing winika ni Jesus ang napakaliwanag na katotohanan hinggil sa makontrobersiyal na usaping ito. Na sinasabi,

JUAN 20 :
17  Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, AAKYAT AKO SA AKING AMA at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.. 

APOC 21 :
6  At sinabi niya sa akin, Nagawa na. AKO ANG ALPHA AT ANG OMEGA, ang pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay.
Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at AKO'Y MAGIGING DIOS NIYA, AT SIYA'Y MAGIGING ANAK KO.
(6 And he said unto me, It is done. I am Alpha and Omega, the beginning and the end. I will give unto him that is athirst of the fountain of the water of life freely. 7 He who overcomes will inherit all things, and I will be his God, and he will be My son.)

Sa Apoc 21:6 na pang-apat (4th) na pagbanggit ay hindi pa din nagbago ang katuwiran ng mga pahayag na gaya ng sa aklat ni propeta Isaias, na ang "alpha at omega," ang "pasimula at ang wakas" ay walang iba, kundi si YAHOVAH. Sapagka't sa sumunod na talata (7) ay sinabi niya sa mga magtatagumpay na makatupad ng kaniyang mga kautusan, 

"AKO'Y MAGIGING DIOS NIYA, AT SIY'A MAGIGING ANAK KO."

Iyan ay napakaliwanag na hindi maaaring ikaila, ni pasinungalingan ninoman. Na sa pang-apat (4th) na pagkakataon na binanggit ang gayon sa Apocalipsis ni Juan ay si YAHOVAH pa rin ang madiing tinutukoy.

APOC 22 :
13  AKO ANG ALPHA AT ANG OMEGA, at ang una at ang huli, ang PASIMULA at ang WAKAS. 
14 Mapapalad sila na tumatalima sa Kaniyang mga kautusan, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan. 
(13 I am Alpha and Omega, the beginning and the end, the first and the last. 14 Blessed are they who do His commandments, that their authority will be over the Tree of Life, and they may enter in by the gates into the city.)

Narito, sa panglima (5th) at huling pagbanggit sa "alpha at omega,"  at sa "una at ang huli," at sa "pasimula at ang wakas," ay hindi tumukoy sa kanino pa man, kundi maliwanag na si YAHOVAH pa din ang ganap na pinatutungkulan ng talata. Ito'y dahil sa sumunod na talata (14) ay sinabi, 

"Mapapalad sila na tumatalima sa Kaniyang mga kautusan (Torah), (Blessed are they who do His commandments,)

Nalalaman ng lahat na ang kaisaisang Dios na si YAHOVAH ay nagbaba ng kaniyang mga kautusan (10 utos) sa taluktok ng bundok Sinai, na siya namang malugod na tinanggap ng sugo niyang si Moses. Ano pa't katotohanan na sadyang mapalad ang sinoman na susunod sa mga kautusan (Torah) ng Dios, sapagka't ayon na rin kay Jesus ay tatamuhin niya ang buhay na walang hanggan, gaya ng nasusulat,

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
(And I know that his commandment is life everlasting: whatsoever I speak therefore, even as the Father said unto me, so I speak.)

Kung sasabihing hindi utos ng Ama ang tinutukoy na kautusan sa Apoc 22:14, kundi sariling utos ni Jesus. Kaya lalabas na si Jesus ang tinutukoy na alpha at omega, una at huli, at ang pasimula at ang wakas sa nabanggit na talata. Gayon ma'y kailangang tuldukan ang maling pahayag na iyan, at unawain natin ang nilalaman ng talata na mismo ay sinalita ng sariling bibig ni Jesus


Na sinasabi,

MAT 19 :

16  At narito, lumapit sa kaniya ang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan? 
17  At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.
18  Sinabi niya sa kaniya, Alin-alin? At sinabi ni Jesus, HUWAG KANG PAPATAY, HUWAG KANG MANGANGALUNYA, HUWAG KANG MAGNANAKAW, HUWAG SASAKSI SA DI KATOTOHANAN,
19  IGALANG MO ANG IYONG AMA AT ANG IYONG INA; AT IIBIGIN MO ANG IYONG  KAPUWA NA GAYA NG IYONG SARILI. 

MATEO 5 :
17  Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.

18  Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

JUAN 14 :
31  Datapuwa’t upang maalaman ng sanglibutan na ako’y umiibig sa Ama, at ayon sa KAUTUSANG IBINIGAY SA AKIN NG AMA, AY GAYON DIN ANG AKING GINAGAWA. Magsitindig kayo, magsialis tayo rito.

Sa mga talata sa itaas ay nagtutumibay ang katotohanan, na ang tinutukoy na kautusan sa Apoc 22:14 ay totoong utos (Torah) na mula sa kaisaisang Dios (YHVH [YAHOVAH]). Ito'y dahil sa pinatotohanan mismo ng sariling bibig ni Jesus sa mga talata sa itaas, na sundin ang kautusan (torah) na timutukoy sa sampung (10) utos. Ang iniutos niya na ganapin ng mga apostol sa Mat 28:20 ay walang iba rin kundi ang nabanggit na sampung (10) kautusan ng Ama nating nasa langit.


MATEO 22 :
36  Guro, alin baga ang DAKILANG UTOS sa KAUTUSAN? (Torah)
37  At sinabi sa kaniya, IIBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIOS NG BOONG PUSO MO, AT NG BOONG KALULUWA MO, AT NG BOONG PAGIISIP MO. (Deut 6:5)
38  Ito ang DAKILA AT PANGUNANG UTOS.
39  At ang PANGALAWANG KATULAD ay ito, IIBIGIN MO ANG IYONG KAPUWA NA GAYA NG IYONG SARILI. (Lev 19:18, Mat19:19)

40  SA DALAWANG UTOS NA ITO’Y NAUUWI ANG BOONG KAUTUSAN, AT ANG MGA PROPETA.

Iyan nga ang kautusan (Torah) ng Ama nating nasa langit na kung saan ay kinapapalooban ng sampung (10) utos, na nagpapaging mapalad sa sinomang diyan ay masigla at may galak sa puso na tatalima at magsasabuhay. Ibig sabihin niyan ay nakakamit ng sinoman ang buhay na walang hanggang, kapag siya ay sumusunod sa mga nabanggit na kautusan (Torah) ng kaisaisang Dios na nasa langit. Napakaliwanag kung gayon, na ang tinutukoy na alpha at omega sa Apoc 22:13-14 ay hindi kailan man tumuro sa kabuoan ni Jesus, kundi kay YAHOVAH, na Siyang Ama natin na nasa langit.

Kung paano nga ipinakilala ng Panginoon nating Dios na si YAHOVAH ang likas niyang kalagayan sa iba’t ibang henerasyon ng mga tao ay gayon din naman Niya ipinakilala ang Kaniyang sarili bilang kaisaisang Dios, na siyang una at huli (alpha at omega) sa panahon ng mga apostol. 

Sa higit na malalim na kahulugan niyan ay Siya ang simula ng katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, karunungang may unawa, at buhay. Siya din naman ang wakas ng kasinungalingan, dilim ng isipan, kapootan, kahinaan, katamaran, kamangmangan, at kamatayan.

Diyan nga ay binigyan Niya ng diin, na sa supremo Niyang kalagayan ay kaisaisa nga Siya na makapangyarihan sa lahat. Sa madaling salita ay walang sinoman, o anoman na maaaring humigit sa kaniyang kapangyarihan, ni sinoman, o anoman na maaaring pumantay man sa likas Niyang kalagayan bilang kaisaisang Dios ng langit at lupa

Dahil sa walang kasing tibay na dahilang iyan ay lalabas na ngang isang napakalaking kasinungalingan, kung igigiit ng sinoman na, "Si YAHOVAH, na siyang Ama at si Jesus ay iisa sa pagiging Dios." Oo, hindi namin tinututulan ang pagiging anak niya, gayon ma’y nagtutumibay ang katotohanan na hindi maaaring ikaila, ni pasinungalingan ninoman na Siya (YAHOVAH) ang Ama ng sangkatauhan. 

Kung sinoman sa makatuwid ang magsasabing si Jesus ang Dios na tinutukoy na, “una at huli, o ang “alpha at omega” sa Apocalipsis ni Juan ay malaki ang magiging pananagutan sa ating Ama, sapagka’t ang taong iyon ay hindi nagsasaad ng katotohanan. Gayon din na isang nuno ng sinungaling ang sinoman na ipipilit papaniwalain ang marami sa paganong aral na, “Si Jesus ay ang Ama, at ang Ama ay si Jesus.”

Ang kaisahan ng Ama sa anak ay sa banal na layunin lamang. Ang dako ng Dios ay sa tunay na kabanalan, kaya naman ang anak ay nakikiisa sa kaniyang Ama sa larangan ng tunay na kabanalan. Dahil diyan ay iisa ang Ama at ang anak. Gayon ma’y sangkatauhan ang ganap na tumutukoy sa anak at iyan ay katotohanan na hindi tumuturo sa iisa lamang. Sa gayon, kung ang sangkatauhan ay makikipag-isa sa Dios sa larangang iyan ay gayon ngang maipasisiya natin, na, “Ang Ama at ang sangkatauhan na siyang anak ay iisa.” 

Ito’y hindi nangangahulugan na ang sinoman, kung mangyaring maka-isa ang Dios sa kabanalan ay Dios na ring matatawag gaya Niya. Hindi nga ang gayon, sapagka’t ang natatanging layunin ng kaluluwa ay maging dalisay at busilak sa paningin ng Ama niyang nasa langit. Iyan ay mula sa kabanalang hatid ng masigla at malugod na pagtalima ng sinoman sa mga kautusan ng kaisaisang Dios.

Dangan nga lamang ay sa dalawang (2) hanay dumadako ang anak. Ang isa ay sa pagsunod at ang isa ay sa pagsuway. Sa kalipunan ng mga anak ng pagsunod ay kinabibilangan ng sinomang masigla at may galak sa puso na tumatalima sa kalooban ng sarili niyang Ama na nasa langit. Siya ang indibiduwal na may ganap na kasipagan sa larangan ng tunay na kabanalan. 

Ang isa naman ay tinatawag na anak ng pagsuway, sapagka’t siya ay gumagawa ng sarili niyang daan, at dahil diyan ay patuloy niyang nalalabag, nalalapastangan, at pinaghihimagsikan ang kalooban
(Katuruang Cristo) ng kaisaisang Dios. Tanyag siya sa pagiging tamad, makatuwiran, at mapagdahilan, palibhasa'y pilipit ang tingin niya sa mga payak na bagay ng Dios. Maging ang sariling kautusan ng kaniyang Ama na nasa langit ay pinanghihimasukan niyang baguhin, at iniaayon sa kung ano ang iginigiit ng may kamangmangan niyang isipan. Sa lahat ng mga panahon ay lubhang malaki ang bilang ng mga tao na sinasakop ng malaking kalipunan na iyan.

Sa pagtatapos ng usaping ito ay matuwid sa lahat na mapag-unawa ng lubos, na ang pagiging ganap na masunurin sa kalooban ng Ama nating nasa langit ang kataastaasan, o ang pinakamatayog na antas pangkabanalan na maaaring maabot ng sinomang kaluluwa mula sa kalupaan. Ang Ama at ang anak, kapag nagkaisa sa tunay na kabanalan, kasunod niya’y makapangyarihang iiral sa kaluluwa ng anak ng pagsunod ang buhay na kailan man ay hindi makakatikim ng katapusan, ni ng kamatayan man.

JUAN 12:

50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN, ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
(And I know that his commandment is life everlasting: whatsoever I speak therefore, even as the Father said unto me, so I speak.)

Sinoman nga'y matatamo ang buhay na walang hanggan ng kaniyang kaluluwa, kung siya'y makikipag-isa sa alpha at omega (YHVH). Siya ay si Yahovah Elohim, ang una at ang huli, at liban sa kaniya ay wala ng iba. Kaisaisa nga lamang siyang persona sa supremo niyang kalagayan bilang Dios ng dimensiyong Espiritu at dimensiyong materiya.

Ang katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungan, at buhay, na siyang larawan at wangis ng Ama nating nasa langit ay masigla nawang umiral sa kabuoan ng bawa’t isa sa buong nasasakupan ng dimensiyong ito ng materiya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento