
Kung paano ginagawa ng Espiritung banal ang gayon ay iyon din naman ang kaparaanan na ginagamit ng diyablo. Iyan ay dahil sa siya'y tanyag sa pagiging manggagaya at sikat sa walang tigil na paglulubidlubid ng mga kasinungalingan, na siyang dumadaya sa marami tungo sa kanikanilang pagkatisod at pagkapahamak.
Ang Espiritu ng Dios na bantog sa katawagang "Espiritu Santo" ay may mga hinihirang na kasangkapan (sisidlang hirang ng kabanalan [medium]) sa kalupaan. Iyan ay sa layuning maghatid ng mga salita ng kabanalan sa mga tao na pinagsisikapang maging karapatdapat sa mabuting pagtingin ng kaisaisang Dios ng langit. Gayon din sa kanila na itinuturing Niyang nabibilang sa mabubuting binhi na nangalihis lamang sa matuwid na landas ng sagradong buhay sa kalupaan.