Eze 2 :
1 At sinabi niya sa akin, ANAK NG TAO, tumayo ka ng iyong mga paa, at ako'y makikipagsalitaan sa iyo.
2 At ang Espiritu ay sumaakin nang siya'y magsalita sa akin, at itinayo ako sa aking mga paa; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin.
Eze 2 :
3 At kaniyang sinabi sa akin, ANAK NG TAO, sinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin: sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin, hanggang sa kaarawan ngang ito.
Eze 3 :
4 At sinabi niya sa akin, ANAK NG TAO, yumaon ka, paroon ka sa sangbahayan ni Israel, at magsalita ka ng aking mga salita sa kanila.
Hindi mahirap unawain na sa mga talatang iyan sa itaas ay maliwanag na si Ezekiel bilang isang propeta na kinikilala ng kaisaisang Dios ng langit ay tinatawag Niyang "ANAK NG TAO." Gayon nga rin sa natatanging kapanahunan ng propeta Daniel ay tinawag ang kaniyang pansin ng panauhing Espiritu sa katulad na katawagan.
17 Sa gayo'y lumapit siya sa kinatatayuan ko; at nang siya'y lumapit, ako'y natakot at napasubasob: nguni't sinabi niya sa akin, Talastasin mo, Oh ANAK NG TAO: sapagka't ang pangitain ay ukol sa panahon ng kawakasan.
Maliwanag ayon sa mga higit na kapanipaniwalang katunayang biblikal na iyan sa itaas, na ang katawagang "anak ng tao" ay tawag na tumutukoy din sa mga piling tao na pinagkakatiwalaan ng kaisaisang Dios ng langit sa pagpapangaral ng kaniyang mga salita (verbo).
Sa simula ay nilalang ng kaisaisang Dios ng langit ang unang tao mula sa alabok ng lupa, kasunod nito ay muli siyang lumikha sa pamamagitan ng tadyang ng unang lalake. At sa pangatlong ulit ay naganap na muli sa ibang kaparaanan ang tila walang katapusan na paglalang ng Dios mula naman sa sinapupunan ng isang babae.
Gaya ng nasusulat,
Job 33 :
4 NILALANG AKO NG ESPIRITU NG DIOS, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.
Gaya ng nasusulat,
Job 33 :
4 NILALANG AKO NG ESPIRITU NG DIOS, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.
Jer 1 :
4 Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
5 BAGO KITA INANYUAN SA TIYAN AY NAKILALA KITA, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa.
Isa 49 :
5 At ngayo'y sinasabi ng Panginoon na NAGANYO SA AKIN MULA SA BAHAY-BATA upang maging kaniyang lingkod, upang dalhin uli ang Jacob sa kaniya, at ang Israel ay mapisan sa kaniya: (sapagka't ako'y marangal sa mga mata ng Panginoon, at ang aking Dios ay naging aking kalakasan;)
2 Ganito ang sabi ng Panginoon na LUMALANG SA IYO, at NAGBIGAY ANYO SA IYO MULA SA BAHAY-BATA, na siyang tutulong sa iyo; Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw Jeshurun, na aking pinili. (Isa 57:16)
Isang katotohanan na matuwid panghawakang matibay ng lahat, na ang tao matapos ang panimulang (1st) paglalang sa unang lalake (Adan) at ang pangalawang (2nd) paglalang sa unang babae (Eba) na may kakaibang paraan kay sa una. Masiglang sinundan ng pangatlo (3rd) na mula rin sa kakaibang paraan ng paglalang (kaluluwa) ay inaanyuan (katawang pisikal) ng kaisaisang Dios ng langit ang tao sa sinapupunan ng isang ina.
Na kung lilinawin pa ay gaya ng napakaliwanag na mababasa sa ibaba,
TATLONG (3) PARAAN NA GINAMIT NG DIOS SA PAGLIKHA
1. Ang naging unang paraan na ginawa ng kaisaisang Dios ng langit ay sa pamamagitan ng alabok ng lupa, na siya Niyang kinapal sa pag-anyo ng unang lalake.
2. Ang pangalawa ay sa pamamagitan ng tadyang ng unang lalake sa pag-aanyo ng unang babae.
3. At ang pangatlo ay nilalalang (kaluluwa) at inaanyuan (katawang pisikal) ang tao (lalake at babae) mula sa sinapupunan, o bahay-bata ng isang babae.
Ang pangatlong (3rd) paraan sa madaling salita ay nagmumula ang paglalang ng Dios, o ng kaniyang banal na Espiritu sa bahay-bata ng isang babae. Maliban kay Adan at Eba ay maliwanag na katuwiran kung gayon, na ang sangkatauhan ay isang nilikha (kaluluwa) na inanyuan (katawang pisikal) ng Ama nating nasa langit, o nitong Espiritu Santo sa sinapupunan ng kababaihan (womankind).
Mula sa globo (mundo), na munting bahaging ito ng dimensiyong materiya: Ang sangkatauhan na mula sa pangatlong (3rd) proseso ng paglalang na iyan ay lumalapat sa likas na kalagayan ng kataastaasang uri ng inanyuang nilikha. Sila nga'y mga lalake at babae, na kung tawagin ng kaisaisang Dios ng langit ay "tao," o mga "anak ng tao."
Kaugnay niyan ay isang katotohanan na matuwid tanggpin ng lahat, na ang sinomang dumaan sa pangatlong (3rd) kaparaanang iyan ng paglikha sa sinapupunan ng isang ina ay napakaliwanag na lumalapat sa likas na kalagayan ng tao, at taong totoo sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit.

ANG KAPANGANAKAN NI JESUS NG NAZARET
Maliwanag na binibigyang diin ng kasulatan (Mat 1:20), na si Jesus ng Nazaret ay kaluluwang nilalang na binihisan ng katawang pisikal nitong Espiritu Santo mula sa sinapupunan nitong si Maria.
Mat 1 :
20 Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ANG KANIYANG DINADALANG-TAO AY SA ESPIRITU SANTO.
Datapuwa't kung hindi mauunawaan ng lubos ang mga nagtutumibay na katunayang biblikal sa itaas ay lalabas sa nilalaman ng nabanggit na talata, na iyon ay tila isang napakatibay na patotoong biblikal, upang siya ay kilalanin bilang isang Dios na totoo. Palibhasa anila, mula sa sagradong kaparaanang iyon ng paglalang sa sinapupunan ni Maria ay katunayan lamang na siya ay Dios na nagkatawang tao, o sa ibang paliwanag ay Anak ng Dios na lumalapat sa likas na kalagayan ng totoong Dios.

Sa gayon ay maliwanag din, na ang pagiging Anak ay walang ipinagka-iba sa pangatlong (3rd) proseso ng paglikha, na tumutukoy sa pagbibigay ng anyo mula sa bahay-bata ng isang babae. Ano pa't lahat ng nagsipagdaan sa pangatlong (3rd) proseso, o kaparaanan ng paglikha at pag-aanyo ng Dios sa sinapupunan ay tinawag na "TAO," o "ANAK NG TAO." Kabilang diyan si Jesus ng Nazaret, na madiing nagsasabi, na siya ay gayon nga na "ANAK NG TAO", na saan man at kailan man ay hindi inari ang kataastaasang kalagayan na tulad ng sa Dios na totoo.
ANAK NG
TAO
Mula sa
buong nilalaman nitong Bagong Tipan ng Bibliya ay tinawag ni Jesus ng Nazaret
ang kaniyang sarili na, "Anak
ng Tao." Iyan ay
sa bilang na hindi hihigit sa pitongpu't
walong (78) ulit. Ang
ilan sa mga iyon ay gaya ng maliwanag na mababasa sa ibaba.
MATEO
11 :
19 Naparito
ang ANAK NG TAO na kumakain at umiino, at
sinasabi nila, Narito, ang isang matakaw na tao at isang manginginom ng alak,
isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan. At ang
karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa.
MATEO
17 :
9 At
habang sila’y nagsisibaba mula sa bundok, ay iniutos sa kanila ni Jesus, na
nagsasabing, Huwag ninyong sabihin kanino mang tao ang pangitain, hanggang sa
ang ANAK NG TAO ay ibangon sa mga patay.
MATEO
26 :
22
Nalalaman ninyo na pagkaraan ng dalawang araw ay darating ang paskua, at
ibibigay ang ANAK NG TAO upang
ipako sa krus.
JUAN 3 :
14
At kung paano itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang
itaas ang ANAK NG TAO.
JUAN 5 :
27
At binigyan niya siya ng
kapamahalaan na makahatol, sapagka’t siya ay ANAK NG
TAO.
JUAN 13
:
31
Nang siya nga’y makalabas na, ay sinabi ni Jesus, Ngayon ay niluluwalhati ang ANAK NG
TAO, at ang Dios ay niluluwalhati sa kaniya.
32 At
luluwalhatiin siya ng Dios sa kaniyang sarili, at pagdaka’y luluwalhatiin siya
niya.
Ilan
nga lamang ang mga iyan sa napakaraming ulit (78 times) na pagtawag ni Jesus sa kaniyang
sarili na, "anak ng tao" Nguni’t sa hindi kakaunting
pagbanggit niya sa kaniyang sarili bilang ANAK NG TAO ay higit pa nga sana sa
sapat, upang ariing katotohanan ng lahat, na siya ay isang tao na puspos ng dakilang kabanalan sa kaniyang kabuoan.
INYONG AMA, AKING AMA, AKING DIOS, INYONG DIOS, AMA NAMIN.
Hinggil sa likas na kalagayang TAO (ANAK NG DIOS) ay binigyang diin ng sarili niyang bibig ang mga sumusunod na paglilinaw.
JUAN 20 :
17 Sinabi sa kaniya ni
Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t HINDI
PA AKO NAKAKA AKYAT SA AMA, nguni’t pumaroon
ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.
Sa talata ngang iyan ay napakaliwanag ang katotohanan na ipinaaabot ng Cristo sa sangkatauhan. Na ang kaniyang Ama ay Siya din naman nating Ama. Gayon din na ang kaniyang Dios ay Siya din naman nating Dios. Iisa kung gayon ang ating Ama at ang kaniyang Ama. Katotohanan nga rin na ang kaniyang Dios at ang ating Dios ay IISA lamang. Sa makatuwid baga ay ang kaisaisang Dios ng langit? Siya na nga at wala ng iba pa.
INYONG AMA
Bilang pagpapatibay ng ganap sa katotohanan na nilalaman nitong Juan 20:17 ay gaya nga ng mababasa sa ibaba ang walang alinlangan na mapapatunayan ng lahat.
Mat 5 :
16 Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.
Mat 5 :
45 Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.
Mat 5 :
48 Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.
Katuwiran ng langit na hindi kailan man maaaring pasinungaligan ng sinoman, na ang kaisaisang Dios ng kaluwalhatian ay walang iba, kundi ang Ama ng sangkatauhan. Saan pa nga ba ang kauuwian, kapag madiing winika ng Cristo, na ang nabanggit na Dios ang siya nating Ama na nasa langit. O hindi baga sa pagkilala sa kaisaisang Dios ng langit bilang nag-iisang Ama ng sangkatauhan.
AKING AMA
Kung ang Ama ng sangkatauhan ay walang iba, kundi ang kaisaisang Dios ng langit, ay katotohanan nga ring maituturing, na ang Dios na tinutukoy ni Jesus ng Nazaret ay ang kaniya rin namang Ama na nasa langit.
Gaya ng napakaliwanag na nasusulat.
MATEO 16 :
17 At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng AKING AMA NA NASA LANGIT.
MATEO 18 :
10 Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng AKING AMA NA NASA LANGIT.
MATEO 18 :
19 Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng AKING AMA NA NASA LANGIT.
Diyan nga'y napatotohanan ang madiin niyang wika, na,
"AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS."
Kaugnay niyan ay pakatandaan nga ng lahat, na ang mga salitang iyan sa dakong itaas ay katuwiran na mula lahat sa sariling bibig ng Cristo. Kaya naman ang pahayag na iyan ay higit na kapanipaniwala, kay sa mga kahikahikayat na hidwang aral na inilalahad ng ibang mapangahas na bibig.

Mula pa rin sa sariling bibig ng Cristo ay lumabas ang mahigpit na utos ng Espiritu Santo na sumasa kaniya, na nagsasabi,
MAT 6 :
9 Magsidalangin nga kayo ng ganito: AMA NAMIN na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
Napakaliwanag ang konteksto ng talata, na ang sangkatahuhan ay may mahigpit na pangangailangan ng panalangin sa ATING AMA NA NASA LANGIT. Sapagka't ang lahat ay hindi kayang gampanan ng sangkatauhan sa kaniyang sarili lamang. Kailangan niya ang patnubay at pagpapala na magmumula sa kaisaisang Dios ng langit na siya niyang Ama. Dahil diyan ay kailangan niyang idalangin at hingin sa Ama niyang nasa langit ang kapupunan sa lahat ng kaniyang kakulangan sa kalupaan.
Sa gayo'y isa pang katuwiran na nagtutumibay, na ang kaisaisang Dios ng langit ay ang Ama ng sangkatauhan. Siya ang ating Ama, at ang SANGKATAUHAN na kinabibilangan natin at ni Jesus ng Nazaret ay katotohanang ganap na lumalapat sa salitang, "bugtong na Anak ng Dios".
Ang salitang "Anak" kung gayon ay hindi lamang tumutukoy sa isa, o sa iilan lamang, kundi sa buong sangkatauhan. Dangan nga lamang, sa kanila ay masusumpungan ang dalawang hanay, sa tawag na, "anak ng pagsunod(mabuti)," at "anak ng pagsuway(masama)."

Likas na kalagayang tao lamang ang kaisaisang estado na maaaring lapatan ng sinomang nilikha at inanyuan ng Dios. Gaya ng sa simula ay sila Adan at Eba, at tayong lahat na mga ipinanganak mula sa sinapupunan ng isang ina, na pawang lalang at inanyuan ng Espiritu Santo.
Ang una (1st) at ang pangalawa (2nd) ang siyang naging simula at kapagdaka'y sinundan ng pangatlo (3rd), na nang mag-umpisa ay wala ng nakapigil pa sa mabilis na paggulong nito. Isang galaw ng kalikasan, na sa bungad pa lamang ay naging masigla at makapangyarihan na ang pag-iral, at nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan, upang maging isang tiyak at matatag na sagradong kaganapan sa mga darating pang kapanahunan.
Ang likas na kalagayan natin sa makatuwid na kinabibilangan ni Jesus ng Nazaret ay katotohanan na lumalapat lamang sa estado ng tao na totoo, at mananatili sa gayong kasagradong kalagayan hanggang sa katapusan ng sanglibutan.
Ano pa't mula sa nagtutumibay na tatlong (3) paraan ng paglikha na ipinakita sa atin ng kaisaisang Dios ng langit ay hindi nga kailan man maaaring lumapat sa kalagayang Dios itong si Jesus ng Nazaret, o ang sino pa man sa kalupaan.
Kung kaya isa ngang katuwiran na matuwid tindigang matibay ng sinoman, na ang pagkakatawang tao ng Dios ay hindi kailan man sinang-ayunan ng katotohanan. Gayon man ay walang pag-aalinlangan na ang Espiritu ng Dios ay sumasa tao, hindi upang siya'y maging Dios, kundi sa layunin na gawing sisidlan (holy grail) lamang ito ng kabanalan (pitong [7] Espiritu) na nagmumula sa kaluwalhatian ng langit.
Hindi katotohanan na ang Dios ay nagkatawang tao (Jesus) upang siya'y maging Dios. Kundi ang Espiritu ng Dios ay lumukob sa mga ANAK NG TAO na lubos Niyang kinikilala bilang mga banal, hindi upang maging mga Dios. Kundi upang maging sisidlan (medium) hirang lamang ng totoong kabanalan (Espiritu Santo). Mga banal ng Dios ang pangkalahatang tawag sa kanila, at hindi Dios na gaya ng Dios na totoo na ang ngalan ay YEHOVAH.
Napakaliwanag ayon sa mga nalahad na talata sa kabuoan ng akdang ito, na ang Ama (Yehovah) na nasa langit ay hindi lamang Ama ng iisa (Jesus), kundi ng lahat, o sa makatuwid ay ng sangkatauhan.

Kamtin ng bawa't isa ang masaganang biyaya ng langit na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Ralated articles:
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento