Martes, Disyembre 20, 2016

ANAK NG TAO

Mula sa balumbon ng mga sagradong kasulatan na masusumpungan sa banal na Tanakh ng kaluwalhatian, ay "anak ng tao" ang karaniwang tawag ng kaisaisang Dios ng langit sa mga kinikilala niyang mga lingkod. Ang gayong katawagan ay tumutukoy sa mga inihalal niyang propeta, hari, at iba pa.

Eze 2 :
1  At sinabi niya sa akin, ANAK NG TAO, tumayo ka ng iyong mga paa, at ako'y makikipagsalitaan sa iyo. 
2  At ang Espiritu ay sumaakin nang siya'y magsalita sa akin, at itinayo ako sa aking mga paa; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin. 

Eze 2 :
3  At kaniyang sinabi sa akin, ANAK NG TAO, sinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin: sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin, hanggang sa kaarawan ngang ito.

Biyernes, Disyembre 16, 2016

Mga Mata na Ukol sa Tatlong Daigdig

Paunawa:
Ang mga sumusunod na pahayag ay pawang mga komentaryo lamang na walang lakip na katunayang biblikal, ni suporta man ng relihiyosong pananaw. Ang lahat ng iyan ay nabuo mula sa isang kamanghamanghang tanawin, na kung saan ay kasusumpungan ng dakilang balanse at perpektong kaayunsan ng kaisaisang dakilang lumikha. Ang akdang ito'y hindi pahayag ng panghihikayat sa sinoman, kundi isang magandang paksa na kiwiliwiling pag-usapan. 

Ang paksang ito'y makatutulong ng malaki sa pagpapaunlad ng ating kaunawaan sa kapayakan ng isang natatanging larangan sa kalupaan na tumutukoy ng ganap sa tunay na kabanalan.



DAIGDIG NG MATERIYA (Material World)

Iyan ang isa sa tatlong daigdig, na kung saan ay kabilang ang bawa't isa sa sangkatauhan. Ang dimension na kung saan ay nananahan ang pysical body (pisikal na katawan) ay ang mundo ng materiya (material world). Diyan ay masiglang umiiral ang unang mata (first eye) na may kakayanan lamang na makita ang materiya at maliban doon ay wala ng iba pang kakaibang mundo na maaaring masaksihan ang matang iyan. Ang pisikal na mata o first eye bagaman dalawa sa bilang ay iisa ang nakikita, kaya iyan ay katotohanan na bilang lamang sa isa, unang mata, o first eye.

Huwebes, Disyembre 1, 2016

NAGKATAWANG TAO ANG VERBO (salita)

Sinabi nga sa Juan 1:1, na sa simula ay Siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Iyan ay isang napakaliwanag na pahayag, dangan nga lamang ay hindi naging malinaw kung sino ang tinutukoy na "Siya" sa talata (Juan 1:1). Diyan ay hindi mahirap unawain na ang tinutukoy na panahon ay yaong "simula", at may tinutukoy na personalidad (Siya) na kumakatawan sa Verbo. Kasunod nito'y ipinahayag, na ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.