Mula sa nauna at nakaraang artikulo (Emmanuel [Isa 7:14]) ay naging isang nakakagulat na katotohanan ang tanawin na iniluwal ng bukang liwayway. Na sa pagsikat ng haring araw ay nahayag sa ganap na liwanag ang mahahalagang dako na kay laon ng nakukubli sa sukdulan ng kadiliman.
Gayon din naman sa akdang ito ay kasamang malalahad sa pagkaayon sa matuwid ng Dios ang isa pang usapin, na umano'y naging eksaktong kaganapan ng propesiya, o hula ni Propeta Isaias hinggil sa batang ipinanganak sa katawagang Immanuel.
Ngayon nga'y nalalaman na natin, ayon sa tiyempo ng hula ng Propeta Isaias ay hindi lumayo ni lumagpas man sa nasasakupang kaarawan ng mga hari ng Juda at Israel. Bagay na nagbibigay diin sa katotohanan na hindi kailan man maaaring tumukoy, ni tumugon man sa panahon ng kapanganakan nitong si Yehoshua (Jesus) ng Nazaret.
Kaugnay niyan ay madiing winika ng sariling bibig ng Propeta Isaias ang hindi mapapasinungalingang propesiya na gaya ng mga sumusunod,
ISA 7 :
14 Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng TANDA; narito, ISANG DALAGA(almah) AY MAGLILIHI, AT MANGANGANAK NG ISANG LALAKE, AT TATAWAGIN ANG KANIYANG PANGALAN NA EMMANUEL.
Diyan nga'y maliwanag ang winika, na isang dalaga. o binibini (young woman) ay maglilihi at manganganak ng isang lalake, at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Emmanuel.
Kaugnay niyan, ang panahong tinutukoy sa hustong kaganapan (Isa 9:6) ng hula (Isa 7:14) ay binubuo lamang ng dalawang (2) henerasyong biblikal. Iyan ay maliwanag na mapapatunayan sa dalawang (2) sumusunod na talata, na sinasabi,
Mula sa Isa 1:1 ay hindi mahirap unawain, na ang pangitain na inihula ng Propeta Isaias sa kabuoan ng kaniyang aklat ay nakatuon lamang sa nasasakupan na kapanahunan ng mga hari ng Juda, na sila Uzias, Jotham, Ahaz, at ni Ezchias.
Maliwanag din sa talata (Isa 7:15-16), na ang bata kapag natutong pumili ng mabuti at tumanggi sa masama, ay pababayaan ang lupain (Israel) nang mga haring si Razin ng Damasco, at haring Pecah ng Samaria na mga hari na kinayayamutan ni Haring Ahaz.
Mula sa mga balidong kadahilanang iyan, ang kaganapan ng propesiya (hula) ni Propeta Isaias sa Isa 9:6 ay napakaliwanag na nangyari sa panahon ng nabanggit na dalawang hari. Hinding hindi sa nasasakupang kapanahunan ng kapanganakan nitong si Yehoshua (Jesus) ng Nazaret, na halos pitong daang (700) taon ang pagitan. Katumbas halos ng labingwalong (18) henerasyong biblikal.
KAARAWAN NG HARI NG ISRAEL AT NG JUDAH
Haring Pekah (Israel) - 740 - 732 BC
Uzias (Judah) - 767 - 740 BC
Jotham (Judah) - 740 - 732 BC
Ahaz (Judah) - 732 - 716 BC
Ezechias (Judah) - 716 - 687 BC
Itinataya sa bilang na walompung (80) taon, o dalawang (2) henerasyong biblikal ang kapanahunan ng mga nabanggit na hari sa itaas. Binibigyang diin nito na hindi hihigit sa bilang ng mga taon na iyan ang naging kaganapan ng hula (Isa 9:6) ni Propeta Isaias na mababasa sa Isa 7:14, gaya ng nauna ng inilahad sa dakong itaas.
Ang ibig sabihin ay sa nasasakupan na panahon ng walompung (80) taon na paghahari ng mga hari ng Judah at ng Israel ay maliwanag na ipananganak ang nabanggit na bata ayon sa hula, at ang pangalan niya ay tinawag na Emmanuel.
Ang hustong kaganapan sa propesiyang iyon ni Propeta Isaias - sa nasasakupan nga ng nabanggit na bilang ng mga taon (80) ay isinilang sa maliwanag ang isang batang lalake, gaya ng nasusulat.
ISA 9 :
6 Sapagka't sa atin ay IPINANGANAK ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ANG PAMAMAHALA AY MAAATANG SA KANIYANG BALIKAT: at ANG KANIYANG PANGALAN AY TATATAWAGING Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.
Bilang kaganapan ng hula ni Propeta Isaias sa nakaraan. Gayon ngang sa kapanahunan nilang iyon ay isinilang ng isang binibini (young woman [almah]) ang batang lalake, na ang pangalan niya'y tinawag na Emmanuel. Siya sa makatuwid ang TANDA na ibinigay ng kaisaisang Dios sa buong sangbahayan ni David.
Ang babaeng nanganak sa Isa 9:6, batay sa Isa 7:14 ay maliwanag na isang almah (young woman), o isang dilag na hindi maaaring tawaging bethulah, o birhen, sapagka't ang kaniyang hymen ay sira na.
Ang pamamahala, o ang pamumuno ay maaatang sa kaniyang balikat, na kung lilinawin ay itinalaga sa isang tungkulin na kung saan ay mangangailangan ng pangangasiwa at kapamahalaan. Iyan ay tumutukoy ng ganap sa dakila at kagalanggalang na kalagayan ng mga hari, hukom, heneral ng hukbong sandatahan at marami pang iba.
Gaya lamang ng mga sisidlang hirang ng kabanalan, o ng mga lingkod ng kaisaisang Elohim (Dios) ng langit, na pinangunguluhan ng dakilang Espiritu ni Yehovah Elohim. Siya'y nagsasalita sa pamamagitan ng mga labi ng Kaniyang mga lingkod, at Siya'y gumagawa ng mga dakila at kamanghamanghang mga gawa sa pamamagitan din naman nila.
Ang "Emmanuel" ay tatawaging "Palayaas", "Elgebur", "Abiad", "Sarshalom", palibhasa ang mga panawag na iyan ay ka-antas ng una. Sa gayo'y hindi kailan man tumukoy ang mga iyan sa bata, kundi sa mga nabanggit na pamimitagang panawag, palibhasa siya (bata) ay sisidlang hirang lamang ng nabanggit na kabanalan.
Sa ating wika ay gaya nga nito ang lalabas,
Ang EMMANUEL na panawag sa pangalan ng bata na ang ibig sabihin ay "Sumasa atin ang Dios," ay tatawagin din na "Kamanghamanghang tagapayo", "Makapangyarihang Dios", "Walang hanggang Ama", at "Pangulo ng kapayapaan".
Hindi naman marahil mahirap maunawaan na ang Dios na sumasa atin (Immanuel) ay kamanghamanghang tagapayo(Palayaas), Makapangyarihang Dios(Elgebur), Walang hanggang Ama(Abiad), at Pangulo ng kapayapaan(Sarshalom). Hindi nga iyan tumutukoy kay Yehoshua (Jesus) ng Nazaret bilang Elohim (Dios), kundi sa kaisaisang Elohim (Dios) lamang ng langit na si Yehovah.
Mahirap nga rin ba na unawain, na ang Emmanuel ay tinatawag din na Palayaas, Elgebur, Abiad, at Sarshalom. Ang mga iyan ay hindi pangalan, kundi pamimitagang panawag sa kataastaasan at dakilang kalagayan ng kaisaisang Dios ng langit, na nagpapatunay sa katotohanan na sumasa atin ang Dios.
Ganyan nga lamang binibigyang diin ng mga talata (Isa 9:6) ang sarili nilang konteksto.
ANG PAGLAGO NG PAMAMAHALA AT NG KAPAYAPAAN Sa pagpapatuloy ng Propeta Isaias, sa kaganapan ng kaniyang propesiya (hula) ay may kahustuhan niyang winika ang mga sumusunod,
ISA 9 :
7 Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo.
Mula sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian ay hindi magkakaroon ng wakas ang paglago ng pamamahala at kapayapan ng "Dios na sumasa atin (Immanuel)". Iyan ay upang itatag, at alalayan ng Kaniyang katuwiran, at ng Kaniyang kahatulan na pawang tumutukoy sa kautusan mula ng una at sa magpakailan man.
Ang lahat ng iyan ay isasagawa ni Yehovah na Siya nating Dios (Elohim) na sumasa atin, at iyan ay sa pamamagitan ng kaniyang mga hinirang (elect) na mga pinahiran (annointed). Sila'y tumutukoy sa mga Pangulo (Hari), at mga propeta na tagapagsatinig ng Kaniyang mga salita (Propeta).
Napakaliwanag ayon sa katuwiran na binibigyang diin ng talata (Isa 9:7), na ang "Dios na sumasa atin (Emmanuel)" ay hindi kailan man tumukoy sa isang lingkod ng Dios lamang. Sapagka't sa pagpapatuloy ng walang hanggan Niyang pag-alalay sa pangangasiwa at pamamahala ay mangangailangan ang kaisaisang Dios ng hindi lamang isang sisidlang hirang ng Kaniyang Espiritu. Sapagka't sa bawa't henerasyong biblikal ay mayroong ilan sa bawa't sangkapat na seksiyon (quarter section [NSEW]) ng ating daigdig.
SINO ANG IBINIGAY NA TANDA NA SIYANG TINUTUKOY NG ISA 7:14?
Hinggil sa tanda na sa nasasakupan ng nabanggit na kapanahunan ay inihayag ng may kahustuhan nitong si Propeta Isaias. Narito, at kung sinu-sino sila ay gaya ng napakaliwanag na nasusulat.
Isa 8 :
18 Narito, AKO at ang mga ANAK na ibinigay ni YEHOVAH sa akin ay mga PINAKATANDA at pinaka kababalaghan sa Israel na mula kay YEHOVAH ng mga hukbo, na tumatahan sa bundok ng Sion.
(Behold, I and the children whom YEHOVAH hath given me are for SIGNS and for wonders in Israel from YEHOVAH of hosts, which dwelleth in mount Zion.
Ang tanda na ibinigay ng Dios sa Israel kung gayon ay walang iba, kundi si Propeta Isaias, at ang dalawa niyang anak na sila, Shear-Jashub at Maher-shalal-hash-baz. Ang kaganapan ng hula sa Isa 7:14 ay gayon ngang napakaliwanag na tumutugon at tumutukoy sa isang anak ni Propeta Isaias.
SINO ANG TINUTUKOY SA HULA NA EMMANUEL?
Mula sa nasasakupan ng walompung (80) taon na kapanahunan ng mga nabanggit na hari ng Israel at ng Juda ay may nasusulat na maaaring tumutugon bilang hustong kaganapan ng nabanggit na hula.
Gaya ng napakaliwanag na mababasa sa ibaba, na ang wika ay tulad ng mga sumusunod,
Isa 8 :
3 At ako'y naparoon sa propetisa; at siya'y naglihi, at nanganak ng isang lalake. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Tawagin mo ang kaniyang pangalan na Maher-salal-hash-baz.
(And I went unto the prophetess; and she conceived, and bare a son. Then said the LORD to me, Call his name Mahershalalhashbaz.)
Napakaliwanag ayon sa talata, na ang nabanggit na propetisa (asawa ni Propeta Isaias) ay isang babae na lumalapat sa kalagayan ng isang almah, o binibini (young woman), sapagka't siya ay may isa ng anak (Shear-Jashub) bago pa niya ipanganak itong si Maher-salal-hash-baz.
Ang propetisa kung gayon ay tunay na isang almah (young woman), gaya ng babaeng ganap na tinutukoy sa tektong Hebreo ng Isa 7:14. Hindi tulad ng salin (KJV) sa wikang Ingles, na ang mababasa sa talata ay "virgin" (birhen), na ang kahulugan sa wikang Hebreo ay "bethulah."
ANG KAGANAPAN NG HULA NI PROPETA ISAIAS
Ang kahulugan ng Maher-salal-hash-baz ay "Madaliin sa kalayawan," na ang ibig sabihin ay "bago ang anak ay matutong dumaing ng, Ama ko, at: Ina ko, ang mga kayamanan ng Damasco at ang samsam na mula sa Samaria ay dadalhin sa harap ng hari ng Asiria.
Sa madaling panahon pagkapanganak sa bata, bago pa ito matutong magsalita ay dadalhin sa hari ng Asiria ang kayamanan at samsam ng Damasco at Samaria. Na kung lilinawin ay magagapi ng Asiria sa digmaan ang dalawang nabanggit na bayan. Sa gayo'y lilimasin, o sasamsamin na lahat ang iniingatan nilang yaman at pag-aari.
Ang Maher-salal-hash-baz kung gayon ay hula, o pahiwatig ng Dios, na siyang(bata) TANDA sa magiging masaklap na kapalaran ng Damasco at ng Samaria sa lalong madaling panahon, o sa buong nasasakupan lamang ng nilalakaran nilang kapanahunan, na binubuo lamang ng walompung (80) taon, o ng dalawang (2) henerasyong biblikal.
Gayon ngang ang pangalang Maher-salal-hash-baz ng bata ay tatawaging Emmanuel (sumasa atin ang Dios). Na ang ibig sabihin ay nasa pagpapala at pangangalaga ng kaisaisang Dios ang buong sambahayan ng Isarel at ng Judah.
Gayon ngang binibigyang diin ng katotohanan, na ang "Maher-salal-hash-baz" ang siyang tanda sa buong sangbahayan ni David (Israel), na pinatotohanan at pinapangyari ng Dios na sumasa atin (Emmanuel) mula sa nasasakupan ng nabanggit na kapanahunan.
HENERASYONG BIBLIKAL
Sa bawa't henerasyong biblikal, (40 na taon) mula sa apat (4) na dako, o bahagi ng mundo nating tinatahanan - sa pamamagitan ng apostolic succession ay nagtatalaga ang Yehovah Elohim ng mga lingkod Niya sa bawa't dako na tutugon sa tuloytuloy na ministeriyo ng salita sa ikahahayag ng kaniyang kautusan, palatuntunan, at kahatulan. Iyan ay upang maging masiglang gampanin ng sinomang taong nabubuhay sa silong na ito ng langit (kalupaan).
KONKLUSYON
Ayon sa mga katunayang biblikal na hindi maaaring pasinungalingan ng sinoman,
1. Ang propesiya (hula) ni Propeta Isaias na mababasa sa Isa 7:14 ay naghayag ng kaganapan sa nasasakupan lamang ng walompung (80) taon ayon sa kapanahunan nila Haring Pecah ng Israel, Haring Rezin ng Damasco(Syria), Haring Uzias, Haring Jotham, Haring Ahaz, at Haring Ezechias na pawang mga hari ng Judah.
Ang kaganapan ng hula na mababasa sa Isa 9:6 kung gayon, ay naganap sa nasasakupan lamang ng walongpung (80) taon na paghahari ng mga nabanggit na hari sa itaas.
2. Ang dalaga (young woman) o ang almah na tinutukoy sa Isa 7:14 ay hindi kailan man tumugon sa kalagayan ng isang bethulah (birhen). Punit o sira na ang hymen ng isang almah, samantalang ang isang bethulah ay nananatili pa ang kaniyang hymen sa dalisay at orihinal na kalagayan nito na walang bahid ng karumihan, ni tanda man ng anomang kasiraan.
3. Ayon kay Haring Solomon, ang almah sa kaniyang pakikipagtalik ay hindi nag-iiwan ng anomang bakas. Samantalang ang bethulah sa gayong kalagayan, sa pakikipagtalik niya'y nag-iwan ng dugo matapos na masira ang kaniyang hymen. Ang salitang almah sa makatuwid ay napakaliwanag na hindi kailan man tumukoy sa isang birhen, kundi sa isang dalaga, dilag, o binibini na ang pagkabirhen ay nasira, o lumipas na sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang lalake.
4. Ang giit na pag-uugnay ng Mat 1:23 sa Isa 7:14 ay isang napakapadalosdalos na pagmamarunong ng marami. Iyan ay dahil sa ang tinutukoy na dalaga sa Isa 7:14 ay hindi isang betulah (birhen), kundi isang almah (hindi na birhen). Dahil diyan ay para na ring sinabi, na si Maria ay hindi na isang birhen, kundi siya'y nauna ng nagkaroon ng karanasan sa pakikipagtalik sa isang lalake.
5. Kung ang pagkapanganak kay Yehoshua (Jesus) ng Nazaret ay ang totoo ngang kaganapan ng hula ni Propeta Isaias sa Isa 7:14. Dapat lang na tanggapin ng lahat, na si Maria ay isa ring almah, gaya ng binibigyang diin ng hula ni Propeta Isaias sa nabanggit na talata. Si Maria kung gayon ay hindi na isang birhen, kundi isang karaniwang babae (almah) lamang, na ang pagkabirhen ay sinira na ng unang lalake na nakipagtalik sa kaniya.
6. O kaya naman ay tatanggapin natin, na ang nasasaad sa Mat 1:23 ay walang anomang kaugnayan sa nilalaman ng Isa 7:14 at sa Isa 9:6.
7. O dili kaya'y isa lamang itong mapangahas na opinyong pangpersonal (personal opinion) ng sumulat (author) nitong kasaysayan ng kapanganakan ni Yehoshua (Jesus) ng Nazaret na mababasa sa kabanata 1 at 2 ng evangelio ni Mateo.
8. Ang Emmanuel (sumasa atin ang Dios) ay hindi pangalan, kundi isang pahayag lamang na nagkakaloob ng katiyakan sa isang matuwid at dakilang kaganapan. Ang salitang iyan sa makatuwid ay isang tiyak at ganap na deklarasyon ng katotohanan, na nasa gitna natin ang presensiya ng sariling Espiritu ng kaisaisang Dios ng langit.
9. Ang pangalan ng bata na siyang tanda sa sangbahayan ni David (Israel) sa partkular na henerasyong biblikal na iyon, ayon sa Isa 8:3 at Isa 8:18 ay Maher-salal-hash-baz at ang pangalan niyang iyon ay tatawaging Emmanuel. Upang sa pagsilang ng bata, kasabay nito bilang isang napakaliwanag na tanda ay ipahayag ng lahat na ang presensiya nitong Espiritu ng Dios ay nasa gitna ng buong sangbahayan ni David, o ng Israel. Gaya ng madiing wika, "Ang Dios ay sumasa atin."
10. Immanuel Palayaas Elgebur Abiad Sarshalom, na ang husto, wasto, at matuwid na kahulugan sa ating wika ay gaya nito.
"Ang Dios (Yehovah Elohim) na sumasa atin ay Kamanghamanghang tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, at pangulo ng kapayapaan.
Si Yehovah Elohim ay tinatawag sa gayong katayog at kadakilang likas na kalagayan."
11. Hindi kailan man tumukoy kay Yehoshua(Jesus) ng Nazaret ang nilalaman ng Isa 7:14 at Isa 9:6. Pinatototohanan at binibigyang diin ng kasaysayang nasusulat, na siya'y walang anomang naging kaugnayan, ni kinalaman man sa pangyayari na nagkaroon ng hustong kaganapan halos pitong daang (700) taon bago pa siya isilang.
PANGHULING SALITA
Ang nilalaman ng akdang ito ay gaya lamang ng isang maliwanag na tanawing ipinakita sa atin. Na may pangilan-ngilang detalye na ipinapansin sa atin. Tititigan nga lamang natin mabuti ang napakaliwanag na tanawing iyan, at walang anomang negatibong kadahilanan, upang hindi natin makita ang marami pang mahahalaga at kapakipakinabang na detalye diyan na masiglang naghahayag ng katotohanan na sumasa Dios ng langit.
BASBAS
Patuloy na tamuhin ng bawa't isa ang masaganang daloy ng biyaya, na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Closely related article:
Emmanuel (Isa 7:10-16) Click here
Para sa inyong pakikibahagi at suporta sa sagradong gawaing ito. Click here

Isa 1 :
1 Ang PANGITAIN ni Isaias na anak ni Amoz, na nakita tungkol sa Juda at Jerusalem, sa mga kaarawan ni Uzias, ni Jotham, ni Ahaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda.
Isa 7 :
Isa 7 :
16 Sapagka't bago maalaman ng bata na tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti, PABABAYAAN ANG LUPAIN NG DALAWANG HARING IYONG KINAYAYAMUTAN.

Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
maari po ba na ang mga katanggian lamang ng Diyos ang binibigyan ng diin at hindi ibig sabihin ay si Jmmanuel na nga ay ang Elohim na rin upang pakahulugan na "Ang Dios ay sumaatin."?
TumugonBurahin8. Ang Immanuel (sumasa atin ang Dios) ay hindi pangalan, kundi isang pahayag lamang na nagkakaloob ng katiyakan sa isang matuwid at dakilang kaganapan. Ang salitang iyan sa makatuwid ay isang tiyak at ganap na deklarasyon ng katotohanan, na nasa gitna natin ang presensiya ng sariling Espiritu ng kaisaisang Dios ng langit.
BurahinAng Immanuel ay karaniwan ng taglay ng sinomang lingkod ng Dios na ipinadadala ng kaisaisang Dios ng langit sa apat ng direksiyong ng ating mundo. Sa gayo'y isang nagtutumibay na katotohanan, na ang Immanuel ay isang napakaliwanag na pahayag na ang Espiritu ng Dios ay masigla at makapangyarihan namamahay at naghahari sa kabuoang pagkatao ng sinomang tao na kinilalang lubos ng kaisaisang Dios ng langit sa larangan ng tunay na kabanalan. Mula sa kalipunan ng mga banal ng Dios ay nawiwika ng bawa't isa ang pagpapahayag ng Immanuel, na kung lilinawin ay nasa kalooban at kabuoan ng bawa't isa sa kanila ang Espiritu ng Dios. Kaya ang wika nila, "Ang Dios ay sumasa atin."
Ang Immanuel sa madaling salita ay hindi kailan man tumukoy sa sinoman bilang kaniyang pangalan, kungdi ito'y isang sagradong kalagayan o estado na kung saan ay kinaroroonan ng sinomang banal na nabuhay at nabubuhay pa sa kalupaan.