Mula sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ay masusumpungan ang ilang talata ng hula ni propeta Isaias hinggil umano sa pagsilang ng isang sanggol na lalake bilang tanda ng buong sambahayan ni David. Pinaniniwalaan ng marami na iyon ay naganap halos pitong daang (700) taon matapos na masiglang ipahayag ng nabanggit na propeta.
Kaugnay niyan ay matuwid siyasatin na may masusing pag-aanalisa ang pahayag sa aklat ni Propeta Isaias, na umano ay mga hula na tanging kay Yehoshua (Jesus) ng Nazaret lamang tumutukoy. Siya nga kaya ang katotohanan na kinatuparan ng nabanggit na hula?

Gaya ng napakaliwanag na nasusulat ay sinabi,
Isa 7 :
10 At ang Panginoon ay nagsalita uli kay Ahaz,
na nagsasabi,
11 Humingi ka sa ganang iyo ng tanda na mula sa
Panginoon mong Dios; humingi ka maging sa kalaliman, o sa kaitaasan sa itaas.
12 Nguni't sinabi ni Achaz, Hindi ako hihingi,
ni tutuksuhin ko man ang Panginoon.
13 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon, Oh
sangbahayan ni David; maliit na bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na
inyong papagurin rin ang aking Dios?
14 Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa
inyo ng tanda; narito, ISANG DALAGA(almah)* AY MAGLILIHI, AT MANGANGANAK NG ISANG
LALAKE, AT TATAWAGIN ANG KANIYANG PANGALAN NA EMMANUEL.
(* = MISTRANSLATION
almah - salitang hebreo na ang kahulugan ay batang babae [young woman]. Almah ang ginamit na salita sa orihinal na texto ng sulat ni Isaias. Ref: Isa 7:14.
Bethulah - salitang hebreo na tumutukoy sa birhen [virgin]. Ref: Isa 23:4, Isa 23:12, Isa 37:22, Isa 47:1, Isa 62:5, Deu 22:28.
Parthenos - salitang Griego na ang kahulugan ay birhen [virgin]. Ref Mat 1:23
Mistranslation sa KJV ang salitang "virgin" [parthenos], palibhasa'y "young woman" [almah] ang salitang ginamit sa orihinal na texto.
Sa gayon, ang salitang almah o [young woman] ay nangangahulugan na hindi na isang birhen.
"Ayon kay Haring Solomon, ang almah sa kaniyang pakikipagtalik ay hindi nag-iiwan ng anomang bakas (Kaw 30:18-20)."
Samantalang ang bethulah sa gayong kalagayan ay nag-iiwan ng dugo bilang bakas matapos na masira sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa lalake ang kaniyang hymen. Ang salitang almah sa makatuwid ay napakaliwanag na hindi kailan man tumukoy sa isang birhen, kundi sa isang dalaga o dalagita na hindi na birhen.

Kung may pagdidiin sa pagiging birhen ng nabanggit na dalaga sa Isa 7:14 ay hindi sana ginamit ang salitang almah sa orihinal na teksto, at sa halip ay ang salitang bethulah. Dahil diyan ay magaang sabihin, na ang tinutukoy na almah [young woman] sa talata [Isa 7:14] ay nakipagtalik na sa lalake at nagdalang tao, kasunod nito'y nagsilang siya ng sanggol at ang pangalan niya'y tinawag na Emmanuel.)
Sa pagpapatuloy,
15 Siya'y kakain ng mantekilla at pulot, pagka
siya'y natutong tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti.
16 Sapagka't bago maalaman ng bata na tumanggi
sa kasamaan, at pumili ng mabuti, PABABAYAAN ANG LUPAIN NG DALAWANG HARING
IYONG KINAYAYAMUTAN.
Kung
susundan ang mga mahahalagang bagay na matuwid ikonsidera hinggil sa mga talatang
iyan sa itaas ay hindi mahirap makita ang matuwid at hustong konteksto nito.
Gaya
ng Tema, Panahon, Tauhan, at Layunin. Sa pamamagitan nga ng apat na panuntunang
iyan ay maliwanag na maipapakita ang totoong konteksto na makapagbibigay ng
higit at hustong unawa sa alin mang usapin na nangangailangan ng lalong malinaw
na tanawin at kaunawaan.
TEMA
Ang
kaisaisang Dios ng langit ay muling nagsalita kay Haring Ahaz at nagwika. Humingi ka
ng tanda na galing kay Yehovah na iyong Elohim (Dios); kahi man ito ay galing sa dako ng
kalaliman, o sa kaitaasan man ng langit. Sagot niya’y hindi siya hihingi, ni
tutuksuhin man niya ang Elohim (Dios).
Sa
gayo’y madiing nagwika ang propeta Isaias, Dinggin ninyo ngayon, Oh sangbahayan ni
David; maliit na bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na inyong papagurin
rin ang aking Elohim (Dios)?
Kaya't si Yehovah nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, ISANG DALAGA(almah) AY MAGLILIHI, AT
MANGANGANAK NG ISANG LALAKE, AT TATAWAGIN ANG KANIYANG PANGALAN NA EMMANUEL.
Mantekilla
at pulot ang kakainin ng bata, pagka natutunan niyang tumanggi sa kasamaan, at
pumili ng mabuti. At bago malaman ng bata na tanggihan ang masama, piliin ang
mabuti, ang lupain ay pababayaan ng dalawang hari (Rezin at Peca) na
kinayayamutan ni Ahaz.
PANAHON
Ang
kapanahunan ay sa mga kaarawan ng mga Haring Rezin ng Damasco(Syria), at ng Haring
Peca ng Samaria(Israel) at ng haring Ahaz(Juda). Bilang hula, ang kaganapan nito ay hindi sa lubhang malayong hinaharap, kundi sa
nasasakupan lamang na panahon ng mga nabanggit na hari sa Isa 1:1, at Isa 7:1. Na sila Haring Achaz, Uzzias, Jotham, Hezekiah ng Judah, at sila haring Rezin ng Damasco, at Haring Peca ng Samaria.
Sapagka’t
sinabi,
Isa 7 :
16 Sapagka't bago maalaman ng bata na tumanggi
sa kasamaan, at pumili ng mabuti, PABABAYAAN ANG LUPAIN NG DALAWANG HARING
IYONG KINAYAYAMUTAN.
Gayon
ngang napakaliwanag ang pagbibigay diin sa panahon, na ayon lamang sa
nasasakupang mga araw ng nabanggit na dalawang hari (Rezin at Peca). Hindi kailan man maaaring
lumagpas sa nasaksihan ni propeta Isaias na kapanahunan ang kaganapan ng hula, na tumutukoy sa
batang lalake na ipanganganak at tatawaging Emmanuel ang kaniyang pangalan.
Ang hulang iyan sa makatuwid ay hindi kailan man maaaring tumukoy, ni umugnay man sa naganap na kapanganakan nitong si Yehoshua (Jesus) ng Nazaret, sapagka't maliwanag na nasusulat sa unang talata ng aklat ni Isaias ang nagtutumibay na katunayan sa sinasakop na kapanahunan ng pangitain niya na kaniyang inihula sa sangbahayan ni David.

Gaya ng napakaliwanag na nasusulat, at ang wika ay ito,
Isa 1 :
1 Ang PANGITAIN ni Isaias na anak ni Amoz, na nakita tungkol sa Juda at Jerusalem, sa mga kaarawan ni Uzias, ni Jotham, ni Ahaz, at ni Ezechias, na mga naghari sa Juda.
Napakaliwanag na ipinahihiwatig ng talata sa itaas, na ang mga pangitain na ihihula ni Propeta Isaias ay hindi maaari na lumagpas ang kaganapan sa mga kaarawan ng mga nabanggit na hari sa itaas (Isa 1:1). Kaya't isang katotohanan na matuwid lamang tindigang matibay ng lahat, na ang pangyayari, o kaganapan sa halos pitong daang (700) taon na lubhang malayong hinaharap ay hindi kailan man sinakop ng mga nabanggit na pangitain ni Propeta Isaias.
KAARAWAN NG HARI NG ISRAEL AT NG JUDAH
Haring Pekah (Israel) - 740 - 732 BC
Uzias (Judah) - 767 - 740 BC
Jotham (Judah) - 740 - 732 BC
Ahaz (Judah) - 732 - 716 BC
Ezechias (Judah) - 716 - 687 BC
Itinataya sa bilang na walompung (80) taon ang kapanahunan ng mga nabanggit na hari sa itaas. Hindi hihigit at hindi rin kukulangin sa bilang ng mga taon na iyan ang naging kaganapan ng hula (Isa 9:6) ni Propeta Isaias na mababasa sa Isa 7:14.

TAUHAN
1.
Ang kaisaisang Dios sa ngalang YEHOVAH.
2.
Propeta Isaias
3.
Achaz na anak ni Jotham
4.
Emmanuel ng hula
5.
Haring Rezin ng Damasco
6.
Haring Peca ng Samaria
Mahalagang ihanay ng sunod-sunod ang mga persona ng salaysay, nang sa gayon isa man sa kanila ay hindi makaligtaan. Ano mang sandali ay maaaring balikan ang nabanggit na talaan bilang gabay na makapagpapaalala sa sinoman sa kanila.

LAYUNIN
Ang
layunin ng tanda (pagsilang ni Emmanuel [Isa 7:14]) ay bilang hudyat ng mga parating na kaganapan sa
buong sangbahayan ni David. Na sa sandali ng kapanganakan ng bata ay kasunod na
nito ang mga araw ng kabagabagan na hindi pa nangyari mula ng araw na humiwalay
ang Ephraim sa Juda.
Ang
Tema, Panahon, mga Tauhan, at Layunin, o nitong husto at maliwanag na konteksto
ng Isa 7:10-16 ay mahigpit na binibigyang diin, na ang tanda na ibinigay ng Elohim (Dios) sa buong sangbahayan ni David ay nagkaroon ng kaganapan (Isa 9:6) lamang sa mga panahon na nilakaran ng Haring Rezin ng Damasco, at Haring Peca ng
Samaria. Na ayon sa kasaysayan ay naganap halos pitong daang (700) taon bago pa isilang si Yehoshua (Jesus) ng Nazaret.
KONGKLUSYON
KONGKLUSYON
1. Ang kaganapan ng hula ay sa ngalang Emmanuel (עמנואל) na ang ibig sabihin ay "SUMASA ATIN ANG DIOS"(with us is God, or God is with us).
2. At hindi kailan man sa ngalang Yehoshua (יהושע) na ang ibig sabihin ay "SI YEHOVAH AY KALIGTASAN" (the LORD is salvation).
3. Walang kaugnayan ang Isa 7:14 sa nilalaman ng Mat 1:23 dahil almah (young woman), at hindi bethulah (virgin) ang salitang ginamit ni Propeta Isaias sa kaniyang sulat.
4. Ang pag-uugnay ng Mat 1:23 sa Isa 7:14 ay isa lamang sa kamalian (error) ng mga nagsipagsulat ng kasaysayan ng kapanganakan ni Yehoshua (Jesus) na mababasa sa buong nilalaman ng kabanata 1 at 2 ng ebangelio ni Mateo.
5. Ang mga nilalaman ng mga nabanggit na talata mula sa aklat ni Propeta Isaias ay tumutukoy lamang sa kapanahunan ng mga hari sa panahon niyang iyon, gaya ng napakalinaw na nasusulat sa dakong itaas.
6. Walompung (80) taon ang itinatayang mga panahon na ipinaghari ng mga nabanggit na Hari ng Israel at ng Juda. Dahil diyan ay malinaw na hindi hihigit sa panahong iyan ang naging kaganapan ng mga nasasaad sa Isa 9:6.
7.Napakaliwanag, na nang si Maria ay kilalanin bilang kaganapan ng hula sa Isa 7:14, ay gayon ngang lumapat ang kalagayan niya sa karaniwang babae (almah) na dumanas na ng pakikipagtalik sa lalake, at sa gayo'y hindi maitatanggi na siya pala ay hindi na isang birhen bago pa niya ipaglihi si Yehoshua (Jesus) ng Nazaret.
Kung hindi gaya ng nasasaad sa itaas (7), ay tunay at katotohanan na ang nabanggit na propesiya (Isa 7:14) na masiglang inihayag ng sariling bibig ng Propeta Isaias ay hindi kailan man tumukoy sa kapanganakan ni Yehoshua (Jesus) ng Nazaret.
8. Sa aklat ni Propeta Isaias ay ginamit niya ng limang (5) ulit ang salitang "Bethulah," na lumalapat sa kalagayan ng isang birhen (virgin). Isa 23:4, Isa 23:12, Isa 37:22, Isa 47:1, Isa 62:5.
Samantalang minsan lang niyang ginamit ang salitang "almah," na ang ibig sabihin ay isang dalagita (young woman) na hindi na isang birhen (Mat 1:23), o kaya naman ay babae na may asawa na. Katunayan lamang bilang isang Hebreo ay napakaliwanag sa unawa ni Propeta Isaias ang malaking kaibahan ng "Almah" at ng "Bethulah."

Sundan ang higit pang kapanapanabik na kabanata, na siya namang tumatalakay sa makontrobersiyal na usapin hinggil sa nilalaman ng Isa 9:1-7.
Hanggang sa muli, paalam.
Click here to continue: Emmanuel (Isa 9:6)
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento