Sa pagdaraan ng mga kapanahunan ay patuloy na dumadami ang populasyon ng sangkatauhan, gaya ng isang masiglang kaganapan na tila hindi na magkakaroon pa ng takdang katapusan. Sa una nga ay isang tao lamang, na sinundan pa ng isa at nagsimulang magpakarami na maihahalintulad sa bilang ng buhangin sa baybayin ng dagat.
Narito at ating tunghayan,
Narito at ating tunghayan,
ANG TATLONG MAGKAKAIBANG KAPARAANAN NG DIOS SA PAGLALANG NG TAO
1. Mula sa unang paglalang ng kaisaisang Dios ng langit ay naitala ang kasaysayan, na Siya ay kumapal ng alabok upang anyuan ang unang lalake na tinawag niyang Adan.
Gen 2 :
7 At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.

2. Sa pangalawa'y kakaibang paraan ng paglikha, sapagka't iyon ay sa pamamagitan ng tadyang na hinugot ng Dios mula sa tagiliran nitong si Adan, at mula doon ay inanyuan niya ang unang babae at siya'y tinawag Niya sa ngalang Eba.
Gen 2 :
21 At hinulugan ng Panginoong Dios ng di kawasang himbing ang lalake, at siya'y natulog: at kinuha ang isa sa kaniyang mga tadyang at pinapaghilom ang laman sa dakong yaon:
22 At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae, at ito'y dinala niya sa lalake.
23 At sinabi ng lalake, Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya'y tatawaging Babae, sapagka't sa Lalake siya kinuha.

3. Kasunod nito'y binigyang kaganapan ng kaisaisang Dios na manlilikha ang pangatlong paraan ng paglalang, sa pamamagitan ng pag-anyo ng tao sa sinapupunan, o bahay bata ng isang babae. Ang prosesong ito ay hindi na tumigil pa at bunga nito ay patuloy na dumami ang mga lalake at babae, na tinawag ng Dios na "Tao," o, "Anak ng Tao."
2 Ganito ang sabi ng Panginoon na LUMALANG SA IYO, at NAGBIGAY ANYO SA IYO MULA SA BAHAY-BATA, na siyang tutulong sa iyo; Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw Jeshurun, na aking pinili.
Nagdaan ang halos hindi mabilang na mga kapanahunan at ang pangatlong kaparaanan ng paglikha ng kaisaisang Dios ng langit ay masiglang umusad. Nagluwal ng mga tao sa daigdig na tila singdami ng buhangin sa dalampasigan, na maaaring maihahalintulad sa dami ng bituin sa kabuoan ng kalawakan.
Alinsunod sa mga kapanipaniwalang katunayang biblikal ay nangyayari ang paglalang bilang pangatlong kaparaanan, mula sa sinapupunan ng kababaihan. Na sa pamamagitan ng sagaradong prosesong iyan ay mabilis na kumalat sa buong daigdig ang mga tao.
Ang tao ay binubuo ng tatlong mahahalagang bahagi, o pangtatluhang likas na kalagayan (tripartite nature). Hinggil diyan ay siyasatin nga natin, kung ang mga nabanggit na bahaging iyan ay binibigyan ba ng patotoo o pasisinungalingan ng mga nilalamang pahayag nitong banal na Tanakh ng kaisaisang Dios ng langit.
1. Katawang laman
GEN 3 :
19 Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: sapagka’t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.
ECL 3 :
20 Lahat ay nagsisiyaon sa isang dako; lahat ay buhat sa alabok, at lahat ay nanguuwi sa alabok uli.
ECL 12 :
7 At ang alabok (katawang laman) ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa (katawang Espiritu) ay babalik sa Dios na nagbigay sa kaniya (tao).
JOB 34 :
15 Tanang laman ay mamamatay na magkakasama, At ang tao ay babalik uli sa alabok.
Maliwanag kung gayon na ang katawang laman sa kabuoan ng tao ay walang ibang uuwian kundi ang lupa na ganap ang pagmamayari sa kaniya. Sapagka’t siya’y ginawa sa pamamagitan ng lupa, at sa paghihiwalay ng lahat ng mga bagay (bahagi) sa kabuoan ng tao ay hindi nga uuwi ang katawang laman sa langit, kundi sa lupa na kung saan siya ay nagmula.
Ito’y hindi kailan man maaaring ariin ng langit, kaya’t kailan man din ay hindi maaaring tanggapin ng langit, palibhasa’y hindi nga taga langit, kundi siya’y katawang ukol sa lupa. Na katotohanang mananatili sa likas na kalagayang lupa, na lubos ang pagmamay-ari sa kaniya nito bilang materiya.
GEN 2 :
7 At nilalang ng Dios ang tao (lalake) sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hinga ng buhay; at ang tao (lalake) ay naging KALULUWANG MAY BUHAY.
EZE 18 :
4 Narito, LAHAT NG KALULUWA AY AKIN; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ANG KALULUWA NA NAGKAKASALA AY MAMAMATAY.
JOB 12 :
10 NASA KAMAY NGA NIYA (Dios) ANG KALULUWA NG BAWA'T BAGAY NA MAY BUHAY, AT ANG HININGA NG LAHAT NG MGA TAO.
AWIT 116 :
4 Nang magkagayo’y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon; Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
DEUT 6 :
5 At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong boong PUSO (katawang laman), at ng iyong boong KALULUWA (katawang kaluluwa), at ng iyong boong LAKAS (katawang Espiritu).
Narito, at sa kabuoan ng tao ay totoo ngang katawang kaluluwa lamang ang napapahamak at naliligtas, na kung lilinawin ay siya sa kaniyang sarili ang napapasa langit sa kadakilaan ng mga gawa sa lupa. Gayon din siya ang napapasa dako ng mga patay (sheol) sa katampalasanan ng mga gawa sa lupa.
Siya ay tigib ng emosyon, at nasa kaniya din ang limang (5) pangdama. Sapagka't siya ay nakakakita (sight), nakakarinig Hear), nakaka-amoy (smell), kakakalasa (taste), at nakakaramdam (touch).
Nasa ganap na kapamahalaan ng kaluluwa ang lahat ng boluntaryong paggalaw ng katawang laman (pisikal) ng tao.

Sa makatuwid ay siya ang katawan na tumutukoy sa tupa na nasa dakong kanan ng Dios, at ang kambing na nasa dakong kaliwa ng Dios. Sa gayo’y siya rin ang nagtatamo ng buhay na walang hanggan at buhay na may hanggan.
3. Katawang Espiritu
EZE 37 :
14 At aking ilalagay ang aking ESPIRITU sa inyo, at kayo’y MANGABUBUHAY at aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain, at inyong mangalalaman na akong Panginoon ang nagsalita, at nagsagawa, sabi ng Panginoon.
APOC 11 :
11 At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, ang HININGA NG BUHAY na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila’y nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila.
KAW 20 :
27 Ang diwa(espiritu) ng tao ay ilawan ng Panginoon, na sumisiyasat ng mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.

ZAC 12 :
1 Ang hula na salita ng Panginoon tungkol sa Israel. Ganito ang sabi ng Panginoon, na naguunat ng langit, at naglalagay ng mga patibayan ng lupa, at NAGLALANG NG DIWA(espritu) sa loob ng tao:
Ang katawang Espiritu kung gayo’y ang buhay na taglay ng katawang laman, na may kagagawan sa inboluntaryong paggalaw ng mga sistema sa loob at labas nito. Ito rin naman ang ganap na may kinalaman kung bakit ang katawang kaluluwa ay nabubuhay, upang patuloy na umiral sa kabuoan ng isang tao
PAANO DUMAMI ANG TAO
Kapansinpansin sa nilalaman ng Zac 12:1, na ang katawang Espiritu ng tao ay nilalalang ng kaisaisang Dios ng langit. Kaugnay niyan, sa sinapupunan ng isang babae ay nagsasanib bilang isang ganap na kabuoan ang katawang Espiritu, katawang kaluluwa, at katawang laman, na pangtatluhang likas (tripartite nature) na kalagayan nito.
Kung sa sinapupunan ay nagsisimula ang paglalang ng Espiritu, ay maliwanag kung gayon, na kasabay nito na nilalalang ng Dios ang kaluluwa at laman. Sapagka't isa man ang magkulang sa kabuoang iyan ay hindi na maaaring magkaroon pa ng eksistensiya, o maging ang pag-iral man nitong kaluwalhatian ng tao.
Maliban kay Adan at Eba, ang bawa't tao nga kung gayon ay lumalapat sa pangatlong (3rd) kaparaanan ng paglalang. Ang una ay mula sa alabok ng lupa, na sinundan ng paglalang mula sa tadyang ng unang lalake. At ang pangatlo ay yaon ngang paglalang ng tao mula sa sinapupunan ng sangkababaihan, na sa kabuoan ay taglay ang pangtatluhang likas (tripartite nature) na kalagayan (katawang laman, katawang kaluluwa, at katawang espiritu).
Na sinasabi,
Jer 1 :

4 Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
5 BAGO KITA INANYUAN SA TIYAN AY NAKILALA KITA, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa.
Isa 49 :
5 At ngayo'y sinasabi ng Panginoon na NAGANYO SA AKIN MULA SA BAHAY-BATA upang maging kaniyang lingkod, upang dalhin uli ang Jacob sa kaniya, at ang Israel ay mapisan sa kaniya: (sapagka't ako'y marangal sa mga mata ng Panginoon, at ang aking Dios ay naging aking kalakasan;)
Isa 44 :
2 Ganito ang sabi ng Panginoon na LUMALANG SA IYO, at NAGBIGAY ANYO SA IYO MULA SA BAHAY-BATA, na siyang tutulong sa iyo; Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw Jeshurun, na aking pinili.
Ang pangatlong proseso o kaparaanan ng paglalang, kung gayon ay nagbunsod sa mabilis at tila wala ng katapusang pagdami ng tao sa kalupaan. Gayon ngang kung gaano karami ang katawang laman ay gayon din naman ang siyang dami ng katawang kaluluwa at katawang Espiritu.
Kung uunawaing mabuti ang katotohanan na binibigyang diin ng mga banal na kasulatan hinggil sa usaping ito ay napakaliwanag, na wala ng nagbabalik pang kaluluwa at Espiritu ng mga namatay na tao sa dimensiyong ito ng materiya.
Iyan ay sa nagtutumibay na katunayang sa sinapupunan pa lamang ng isang ina ay nilalalang na ng Dios ang bawa't kaluluwa ng tao at iyon ay binibigyang buhay ng kaniyang Espiritu. Katunayan na walang bumabalik na kaluluwa, ni espiritu man ng mga namatay. Palibhasa'y pawang mga bagong nilalang na kaluluwa at espiritu ang mahigpit na ibinibigkis ng Dios sa katawang laman, upang kamtin nito ang kabuoan na lumalapat sa katawagang "tao".
REINCARNATION
Kaugnay niyan ay hindi kailan man lalapat sa katotohanan na sinasang-ayunang lubos ng mga banal na kasulatan ang usapin na may kinalaman sa reincarnation, o yaong muli at muling pagkakatawang tao ng kaluluwa, na sa unawa ng iba ay walang ipinagkaiba sa espiritu.
Ano pa't kung katotohanan ang ideya ng reincarnation ay hindi na sana dumami pa ang tao na gaya ng sa ngayon, na higit sa pitong (7) bilyon na ang kasalukuyang bilang. Ibig sabihin niyan ay kung gaano karami ang katawang laman sa bilang na iyan ay gayon din karami ang katawang kaluluwa at Katawang Espiritu.
Sapagka't sinabi,
"Ganito ang sabi ng Panginoon na LUMALANG SA IYO, at NAGBIGAY ANYO SA IYO MULA SA BAHAY-BATA, ....."
Kung ang kaluluwa ay bumabalik upang ipanganak na muli sa pamamagitan ng rumaragasang tubig mula sa sinapupunan ng isang ina. Isang katotohanan na hindi maaaring tanggihan ng sinoman, na ang nabanggit na populasyon ay hindi na sana lumobo pa sa gayong nakakalulang bilang.
Mula sa hindi mabilang na mga taon na nagsipagdaan ay may higit na katiyakan, upang ang lahat ng kaluluwa ay kamtin ang banayad na pagsulong sa kaunlaran na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, kapangyarihan, paglikha, karunungan, at buhay ng kaluluwa. at sa gayo'y hindi na magbabalik pang muli sa kalupaan sa anyo ng tao.
Hindi nga ang gayon, sapagka't patuloy na dumadami ang tatluhang likas (tripartite nature) na kalagayang iyan, na kung tawagin ay "tao", o "anak ng tao". Katunayan lamang na wala ng sinomang kaluluwa na nakababalik pa sa lupa, kundi bawa't katawang laman mula sa sinapupunan ng kababaihan ay binibigkisan ng Dios ng inanyuan Niya na, katawang kaluluwa at katawang Espiritu ng buhay.
Sapagka't hinggil sa usaping iyan ay madiing winika ng sariling bibig ng Cristo ang mga sumusunod,
Apoc 3 :
12 Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at HINDI NA SIYA'Y LALABAS PA DOON: ......
Kung paano ang kaluluwa na napasa kailalimang dako ng mga patay (sheol) ay hindi na nga aahon pang muli upang maghasik ng lagim sa sanglibutan. Gayon din naman ang kaluluwa na napasa kaluwalhatian ng langit ay hindi na kailan man lalabas pa doon, upang gumanap bilang mga banal na "protektor", "tagapagtanggol", "gabay", o mga tagapagturo ng kabanalan sa mga tao ng sanglibutan.
Patuloy ang dakilang proseso ng paglalang ng kaisaisang Dios ng langit, at kung kailan ito Niya ihihinto ay siya lamang sa kaniyang sarili ang lubos na nakababatid. Dahil diyan ay asahan ng lahat ang bilang ng mga tao na nakakalat sa kalupaan ay patuloy na dadami pa, gaya ng mga bituin sa kalawakan ng langit na ating namamasdan sa dilim ng gabi.
Na gaya ng napakaliwanag na nasusulat ay madiin winika ng kaisaisang Dios ng langit ang mga sumusunod,
Ang sumpa ng Dios Kay Abraham
Gen 22 :
17 Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway;
Pinagtibay Kay Isaac ang mabuting sumpa ng Dios sa Ama niyang si Abraham (Gen 22:17)
Gen 26 :
4 At aking pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito: at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa;
Sa gayo'y nabigyang linaw ang hindi maipaliwanag na kadahilanan, kung bakit dumami ang tao sa taglay nitong tatluhang likas na kalagayan, na laman, kaluluwa, at Espiritu. Kung paano nga dumadami ang katawang laman, ay kasabay din naman nito na dumadami ang kaluluwa, pati na ng Espiritu. Palibhasa'y tatlong (3) bahagi sa natatanging likas na kalagayan sa kalupaan na binigkis ng Dios ng langit, upang maging isang ganap na kabuoan (tao). Ang pinag-isa nga ng Dios ay huwag papaghiwalahin ng tao.
KONKLUSYON
1. Ang tao ay mabilis na kumalat sa buong mundo sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na paglalang ng Dios sa pangtatluhang likas na kalagayan (tripartite nature) ng tao sa sinapupunan ng isang ina. Na siyang tanging kadahilanan kung bakit ang sangkatauhan ay patuloy na dumadami.
2. Walang anomang balidong sintido, na sabihing ang pag-unlad ng kaluluwa, o ng Espiritu ng tao ay nasasalalay lamang sa muli at muling pagsilang (reincaranation) sa pamamagitan ng tubig na lumalagaslas mula sa sinapupunan ng isang ina. Kung sa simula pa lamang ay isa na itong eksistensiya ng aktuwalidad sa dimensiyong ito ng materiya, disin sana ay hindi na dumami pa, bagkus ay nabawasan ng lubhang marami sa bilang.
3. Ang paganong turo hinggil sa reincarnation ay hindi kailan man inayunan ng kaisaisang Dios ng langit (Evangelio ng Kaharian/Katuruang Cristo), bilang isang kaganapan na umiiral ang aktuwalidad sa dimensiyong ito ng materiya. Bagkus, sa paningin Niya'y kasuklamsuklam na likhang kaugalian lamang ng mga hindi nakaka-unawa. Na ayon sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal ay nagpapahayag lamang ng ganap na pagpapakahangal at pagpapakahibang ng sinoman sa kalupaan.

4. Kaya nga, ang magagawa mo sa mga sandaling ito ay huwag mo ng ipagpa-mamaya na. Ang "ngayon" ang siyang mahalaga kay sa "mamaya", sapagka't ang "ngayon" ay lumilipas at hindi na muli pang babalik ang sinakop na panahon nito. Samantalang ang "mamaya" ay paulit-ulit na dumarating na siyang ugat ng ganap na katamaran ng tao sa kalupaan.
5. Ikaw ang "ngayon", at sila ang "mamaya". Paglipas ng "ngayon" ay kasabay ka nitong lilipas at maglalaho na parang bula.
6. Ang pagtatagumpay ay katotohanan na abot-kamay lang ng sinomang tao sa kalupaan. Iunat mo lamang ang iyong kamay kapatid at ito'y husto na, upang kamtin mo ang buhay na kailan man ay hindi pinahintulutan ang anomang katapusan.
7. Ang sandaling iyan ay "ngayon", na siyang "ikaw'. "Ikaw" nga ang "ngayon" na sa mga susunod na sandali ay lilipas na. May natitira ka pang ilang saglit, kaya heto ang ilaw at tinatanglawan sa iyo ang Katuruang Cristo (Evangelio ng Kaharian). Ito lamang ang kaisaisa na may ganap na kapamahalaan na magpahinto sa orasan ng iyong buhay. Sapagka't ang sinomang natutuntong sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungan, at buhay ay hindi na maaari pang sakupin ng anomang panahon. Ano pa't sa sinoman na nananahan sa Katuruang Cristo, o nitong Evangelio ng Kaharian, sa kaniya ang panahon ay naparam na. Ang ngayon, at ang ngayon ay hindi na kailan man lilipas at ang "ngayon" na siyang kaisaisang "ikaw" gaya ng iyong Ama na nasa langit, sa piling Niya ay mananatili na magpasawalang hanggan.
ITO ANG KATURUANG CRISTO AYON SA ABOT-SABI NG BANAL NA ESPIRITU.
Kamtin ng bawa't isa ang masaganang biyaya na nagmumula sa kaluwalhatian ng kaisaisang Dios ng langit.
Hanggang sa muli, paalam.
Para sa inyong pakikibahagi at suporta sa sagradong gawaing ito. Click here

Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento