Napakaliwanag at hindi maaaring pasinungalingan ng sinoman, na ang Ama (Dios) na umano'y sinasamba ng mga Judio at ng mga Cristiano ni Pablo ay iisa. Sa pahayag na ito'y dito lamang ang dalawa (2) nagkakaroon ng pagkakaunawaan, na hindi pinagsimulan ng anomang pagtatalo. Gayon man, sa isa't isa ay lubhang malaki ang pagkakaiba ng katuruan na tumutukoy sa larangan ng tunay na kabanalan. Halimbawa ay ang usapin na sa inyo ngayo'y bibigyan ng kaukulang tanglaw.
Hinggil nga dito ay nalalaman ng lahat na ang unang araw ng isang linggo ay linggo (Sunday), gayon din naman ang ikapitong-araw ay sabado (Saturday). Kaugnay nito'y malinaw na nasasaad sa balumbon ng mga banal na kasulatan ng mga anak ni Israel ang tungkol sa banal na araw (Sabbath) sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit.

Ano pa’t ang katuwirang binibigyang diin tungkol sa paksang ito ay gaya ng maliwanag na mababasa ibaba.
8 Alalahanin mo ang araw ng Sabbath upang ipangilin.
9 Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain.
10 NGUNI’T ANG IKAPITONG ARAW (Sabado) AY SABBATH SA PANGINOON MONG DIOS; sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake at babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan.
11 Sapagka’t sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw, na ano pa’t PINAGPALA NG PANGINOON ANG ARAW NG SABBATH, AT PINAKABANAL.
Ang SABADO na siyang ikapitong (7th) araw ang pinakabanal na araw sa loob ng isang linggo. Ang lahat ng kaluluwang sumasa katawan (tao) ay inuutusan ng Dios, na ipangilin ang banal na araw na ito. Sapagka’t ito ang Kaniyang kapahingahan matapos Niyang gawin ang lahat sa loob ng anim na araw. Tinawag niya ang araw na ito na SABBATH NG PANGINOON.
Mula sa kaliwanagan na aming itinanglaw sa inyong mga kamalayan ay nalalaman na ninyo, na ang tao ay nilikha at inanyuan ng ayon sa kaniyang larawan at wangis. Ang mga iyan ay walang iba, kundi ang anyo at wangis Niya ng KATOTOHANAN, ILAW, PAGIBIG, LAKAS, PAGGAWA, KARUNUNGANG MAY UNAWA at BUHAY. Sa mga ito’y larawan at wangis tayong lahat ng sa atin ay gumawa.

Nasa ating lahat ang kaniyang binhi. Dangan nga lamang, tayo ay binhi ng bunga at Siya naman ay punong nagbungang kinasumpungan ng binhi. Ang mga ito ang bahagi ng Dios sa kalooban ng bawa’t tao na kinakailangang magpahinga sa ikapitong araw, sapagka’t itinalaga Niya na pinakabanal ang araw na ito.
Sa kalooban ng bawa’t tao ay gumagawa ang Dios na ito sa loob ng anim na araw sa kapakinabangan ng bawa’t kaluluwa sa boong kalupaan, kaya’t tuwing sabado ay may pangangailangan Siya ng kapahingahan.
Sa kabila ng katotohanang ito’y nagtalaga pa rin ang mga hindi nakakaunawa ng ibang araw, subali’t hindi para bigyang kapahingahan ang Dios sa kanilang kalooban, kundi sa kapakanan ng kanilang mga katawan. Upang bigyang kalayawan ang mga sarili sa pamamagitan ng mga aktibidad na pang-sosyal at iba pa.
Katotohanang ang Sabbath ay nagsisimula sa gabi at nagtatapos sa araw, na ang ibig sabihin ay mula sa ika-anim ng gabi ng Biyernes na magtatapos sa ika-anim ng gabi sa araw ng sabado (sunset to senset). Ito ay dalawangpu at apat na oras na kapahingahan ng Dios na ang ginagawa lamang ng mga tao ay pumuri, lumuwalhati, magdasal sa kaniya, bumasa ng kasulatan, at makinig ng mga aral (evangelio ng kaharian) sa kabanalan ng gabi at araw na ito. Sa makatuwid ay yaong gabi at araw na pakikipag-isa sa Kabuoan (Ama) ng mga bahagi (anak).
Datapuwa’t sila na higit pang may dunong sa mga bahagi ng Dios na sumasa kanila ay niwalan ng anomang kabuluhan ang banal na araw na ito, at itinalaga ng kalakhang simbahan (Katoliko) sa napakalaking bahagi ng daigdig ang araw ng linggo na imbentong Sabbath ng Panginoon. Gayong napakaliwanag ang utos ng kaisaisang Dios, na sabado (ikapitong araw) ang tanging araw na ipangingilin ng lahat sa kalupaan. Sa usaping ito’y naganap baga ang kalooban ng kaisaisang Dios, o yaong pilipit na pagmamatuwid ng mga mapanghimagsik sa natatanging kalooban ng Dios?

Bilang patotoo sa hayagang paglabag ng tao sa kautusang ito’y minarapat naming gumamit ng ibang aklat.
Sa WEBSTER COMPREHENSIVE DICTIONARY International Edition, sa pahina 1104. Tungkol sa Sabbath ay ganito ang nasasaad.
SABBATH :
1. The seventh day of the week, appointed in the DECALOG as a day of rest to be observed by the JEWS; now, SATURDAY.
1. The seventh day of the week, appointed in the DECALOG as a day of rest to be observed by the JEWS; now, SATURDAY.
2. The first day of the week as observed by Christians; SUNDAY.
Dito ay maliwanag na makikitang bagama’t iisang Dios umano ang sinasamba at kinikilala ng mga Judio at Cristiano ni Pablo, ay magkaibang araw ang kanilang kapahingahan na tumutukoy sa Sabbath. Katanggap-tanggap sana ang gayon, kung magkaiba ang Dios na pinaniniwalaan ng dalawang panig.
Datapuwa’t hindi nga magkaiba kundi iisa lamang. Kung kaya sino sa dalawang kalipunan ang umaayon at di umaayon sa kalooban ng Dios na kanilang sinasamba? Sila baga na mga JUDIO o silang mga GENTIL? Sila bagang IGLESIA NG DIOS o silang IGLESIA NI PABLO? Kayo ang magsabi.
Kaugnay pa rin nito'y dapat alalahanin na mula sa bibig ng kapatid nating si Santiago ay may mahigpit na tagubilin na tumutukoy sa mga kautusan. Hinggil dito ay narito ang katuwiran na nasasaad.

SANT 2:
10 Sapagka't ang sinomang gumaganap ng boong kautusan, at gayon ma’y natitisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat.
Katotohanan na ang lahat ng kaluluwa sa boong kalupaan, sumasa Gentil man, sumasa Barbaro man, o sa anomang lahi at wika ay sakop ng kautusan ng kaisaisang Dios ng langit na ipinagkaloob kay Moises sa taluktok ng bundok ng Sinai. Ito ang buhay na walang hanggan ng kaluluwa at siya rin namang kamatayan sa sinoman na masusumpungang may sala sa nabanggit na kautusan.
Kung ito’y katotohanang nauukol lamang sa bansang Israel ay bakit bago lisanin ni Jesucristo ang sanglibutan ay iniutos ng Espiritu ng Dios na sumasa kaniya sa mga tunay na Apostol, na gawing alagad ang lahat ng mga bansa at sila’y bumautismo sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo?
Bakit sinabi niyang ang Evangelio ng kaharian na tumutukoy sa mga salita ng Dios na nagsilabas sa kaniyang bibig ay ipangangaral sa lahat ng mga bansa?
Hindi baga ang Ama na tinutukoy ni Jesucristo, at ang Ama ng mga Judio at ng mga Cristiano at lahat ng kaluluwa sa boong kalupaan ay iisa? Kung gayon na iisa, ang kautusan niya ay para sa lahat ng tao sa boong kalupaan at hindi sa partikular na lahi lamang (Israel). Kung kaya nga ito’y nararapat na maipangaral sa lahat ng tao gaya ng nasusulat.
Mateo 4 :
23 At nilibot ni Jesus ang boong Galilea, na nagtuturo sa mga sinagoga (Juan18:20 ) nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao.
23 At nilibot ni Jesus ang boong Galilea, na nagtuturo sa mga sinagoga (Juan
Mateo 24 :
14 At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa boong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.
Kabilang dito ang kautusan hinggil sa Sabbath, na nawa sana ay kumintal sa puso at isipan ng marami ang kahalagahan ng utos na ito, upang isabuhay sa ikasisiya ng mga bahagi ng ating Ama na sumasa ating kalooban.
Ang lahat ay pumapasok sa kautusan, nang dahil sa ang lahat ay nagmula sa iisang Dios na tunay lamang.
1. Ang KATOTOHANAN ay iisa lamang, na tumutukoy sa pagganap sa kautusan.
2. Ang ILAW ay iisa lamang, na tumutukoy sa liwanag na hatid ng kautusan sa bawa’t kaisipan.
3. Ang PAGIBIG ay iisa lamang, yaong paglakad ng ayon sa kautusan.

4. Ang KAPANGYARIHAN ay iisa lamang, na ang kautusan ay may kakayahang maghatid kanino mang kaluluwa sa buhay na walang hanggan.
5. Ang PAGGAWA ay iisa lamang, na kayang gawin ng kautusang bumuhay ng mga patay sa kalooban ng bawa’t tao.
6. Ang KARUNUNGAN ay iisa lamang, na hatid ng kautusan.
7. Ang BUHAY ay iisa lamang, na sa pamamagitan ng pagtalima sa kautusan, ito ay nagiging magpasa walang hanggan.
Paanong nagawa ng IGLESIA NI PABLO (Cristiano ni Pablo) na talikuran at itakuwil ang mga ito na maging siya sa kaniyang sarili ay ganap din namang sinasakop nito?
Ang unang araw ng sanlinggo na kinikilala noong una ay ang araw ng Linggo (Sunday), at hanggang sa kasalukuyang panahon ay gayon pa rin ang kalakaran at kailan ma’y hindi nagbago.
Dahil dito ay napakaliwanag na ang ika-pitong (7th) araw ay papatak sa araw ng Sabado (Saturday). Ito sa makatuwid ang araw na tinutukoy ng kaisaisang Dios na araw ng Sabbath, na siyang pinakabanal na araw sa loob ng sanlinggo. Sa gayo’y walang alinlangang ipangingilin nga ng lahat (anak ng pagsunod) ang kabanalang lumalarawan sa araw (Sabado) na ito. Bakit nga hindi matanggap ng simbahang katoliko ang kapayakan ng usaping tumutukoy sa Sabbath ng Panginoon?
Tungkol dito ay gaano kaya kabigat ang ipapataw na parusa sa kanilang nagsitakwil sa kautusan ng Dios, na ang kumakatawan ay yaong pitong (7) Espiritu niya na isinugo dito sa boong kalupaan?
Marahil ay makabubuti na ang Espiritu ng Dios na naghari sa kalooban ni Jesucristo ang ating pasagutin sa tanong na iyan.
Marahil ay makabubuti na ang Espiritu ng Dios na naghari sa kalooban ni Jesucristo ang ating pasagutin sa tanong na iyan.
MATEO 12:
32 Ang sinomang magsalita ng isang salita laban sa anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa’t ang sinomang magsalita laban sa ESPIRITU SANTO, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.
Ano baga ang mga salitang laban sa Espiritu Santo na sinalita ni Pablo at ng kaniyang mga alagad, na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin nilang iniaaral na nangagsitiwala sa kaniyang mga kasinungalingan
Tungkol sa mga iyan ay narito ang nasasaad at ating tunghayan.
Tungkol sa mga iyan ay narito ang nasasaad at ating tunghayan.
GAWA 13:
39 At sa pamamagitan niya ang bawa’t NANANAMPALATAYA ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng KAUTUSAN NI MOSES.
ROMA 3:
28 Kaya nga MAIPASISIYA NATIN na ang tao ay inaaring-ganap sa PANANANAMPALATAYA na HIWALAY SA MGA GAWA NG KAUTUSAN.
HEB 7:
18 Sapagka't NAPAPAWI ANG UNANG UTOS dahil sa kaniyang KAHINAAN at KAWALAN NG KAPAKINABANGAN
19 Sapagka't ang KAUTUSAN AY WALANG ANOMANG PINASASAKDAL,
Nasa mga talatang nabanggit sa itaas ang ilang mapanghimagsik na salita sa ESPIRITU SANTO, na habang silang mga mangangaral ay patuloy na ipinangangaral ang gayo’y nadaragdagan ng nadaragdagan ang mga kaluluwang nagkakasala sa Panginoong Dios na walang anomang kapatawaran.
Kaya’t magsipagingat tayo na huwag nating kasangkapanin ang ating mga sarili sa pagpapahayag ng mga talatang nabanggit. Sapagka’t nalalaman na natin ang masaklap at napakapait na kahihinatnan ng ating kaluluwa. Ito’y isang babala na kung ating susundin ay walang pagsalang tayo’y mamumulat sa matuwid na daang nararapat lakaran ng sinomang kaluluwa sa boong kalupaan.
Ang banal na Sabbath ay gayon din namang nabibilang sa sampung (10) mahigpit na kautusan ng kaisaisang Dios. Kaya’t ang sinomang magsalita ng anomang laban sa kautusang ito’y nagkasala sa Panginoong Dios at ang gayon ay wala ring anomang kapatawaran.
Ang sinomang nalinlang, na sa ngayon ay araw ng linggo ang pagkakakilala sa tunay na kapahingahan ng Dios ay mayroon pang pagkakataong ituwid ang pagkakamaling ito. Ipangilin lamang niya ang araw ng Sabbath ng ayon sa isinasaad ng kautusan, at huwag na muling mangilin sa araw ng linggo. Sapatka't ang araw na iyan kailan ma'y hindi itinuring at ipinahayag ng kaisaisang Dios na "banal", kundi yaon lamang Sabbath.
Kung nais ninoman na siya'y makapasok sa kabanalan ay ipangilin niya ang kapahingahan ng kaniyang Dios. Sapagka't ang gabi at araw nito ay pinakabanal sa lahat ng gabi at araw ng sanlinggo. Nababahiran ng kabanalan na hindi kayang sukatin ang sinomang bukal sa puso na pumapasok sa kapahingahan ng kaisaisang Dios ng langit, na siyang SABBATH NG PANGINOON.
Isa ito sa katotohanan na magpapalaya sa sinomang may ganap na pagkakatali sa hidwang pananamalataya na pumapaloob sa kapamahalaan ng IGLESIA NG MGA GENTIL (Cristianismo ni Pablo). Na ang patibayang aral ay yaong IBANG evangelio ng di pagtutuli (gospel of the uncircumcised).

Tunay na sila’y mga mamamatay tao at mamamatay ng kaluluwa, sapagka’t ang kanilang iniaaaral ay ayon lamang sa karunungan ng sanglibutan, na kailan man ay hindi makapagliligtas ng kaluluwa, bagkus ay tungo sa una at ikalawang kamatayan. Sapagka't madiing niwawalang kabuluhan ang banal na araw ng Sabbath, na mismo ay ipinag-utos ng kaisaisang Dios ng langit na ganapin ng sangkatauhan.
Sa pagtatapos ng usaping ito’y marangal naming binibigyang diin ayon na rin sa katotohanang isiniwalat namin sa inyo, na ang evangelio ng kaharian ay daang matuwid tungo sa larangan ng tunay na kabanalan sa kalupaan at sa buhay na walang hanggan. Sa katuruang ito’y mahigpit na ipinatutupad ng kaisaisang Dios ang pangingilin sa araw ng Sabbath (Sabado), na siyang pang-apat (4) sa sampung kautusan na tinanggap ni Moises mula sa taluktok ng bundok ng Sinai.
Kamtin ng bawa't isa sa banal na araw na ito ng Sabbath ang masaganang dating ng biyaya ng langit, na tumutukoy ng ganap sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungan, at buhay.
Kamtin ng bawa't isa sa banal na araw na ito ng Sabbath ang masaganang dating ng biyaya ng langit, na tumutukoy ng ganap sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungan, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam
Para sa inyong pakikibahagi at suporta sa sagradong gawaing ito. Click here
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Kitang kita na ang saturday ay ginawang sunday? Patay tayo, nilabag natin ang 4th commandment. Pero hindi pa huli ang lahat para ibalik sa saturday ang sabbath. Haaay naku, si Pablo na naman pala ang promotor nito. Anti-cristo talaga ang taong to.
TumugonBurahinSant 2:
TumugonBurahin10 Sapagka't ang sinomang gumaganap ng boong kautusan, at gayon ma'y natitisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat.
Sa 4th commandment may kaso pala sa Dios ang mga Cristiano. So far, wala pa kahit isa sa kanila na nakapasok sa langit. Bakit? ginawa nilang Linggo ang pagsamba ng Sabado (Sabbath). Saan napunta ang mga kaluluwa nilang mga namatay na? Saan pa, e di sa impierno, alangan namang sa langit pupunta ang kaluluwa ng mga masuwayin sa kautusan ng Dios.
Bato bato sa langit, ang tamaan ay huwag magagalit.