Una sa lahat, ang marami ay laging inaala-ala ang pangsarili nilang kaligtasan mula sa iba't ibang nakaakmang kaganapan na nakapagdudulot ng sarisaring kapahamakan. Dahil diyan ay kanikaniya ang ginagawang kaparaanan ng pag-iingat, maiwasan lamang ang mga bagay na kadalasan ay nagiging sanhi ng kasawian.
Gayon din naman sa personal na kaligtasan ng ating kaluluwa, ang marami ay inilalagak ang kanilang lubos na tiwala sa Dios, na kung saan ay pinaniniwalaan na may ganap at hustong kakayahan na pangalagaan at ipagsanggalang ang sinoman sa anomang uri ng masamang kapalaran.
Kaugnay niyan ay isa ng relihiyosong kaugalian, na palagiang itinuturo ng hindi kakaunting tagapangaral ang pagkakaloob ng hindi matatawarang tiwala kay Jesucristo bilang personal na tagapagligtas ng lahat. Anila, iyan ay mula sa kadahilanang siya ayon sa kasulatan ang nag-iisang tagapaglitas ng kaluluwa at tagapagpatawad ng kasalanan.
May katotohanan nga kaya ang nakaugaliang aral na iyan na natutunan ng marami, o baka naman mula sa personal na opinion lamang nila ang gayong katuruan. Hinggil sa mga kapanipaniwala at katiwatiwalang katunayang biblikal ay malugod naming tatanglawan ng kaukulang rayos ng liwanag ang may kalabuan na usaping iyan.
HINDI AKO ANG NAGSASALITA, NI ANG GUMAGAWA
Bago nga ang lahat ay matuwid na kilalanin muna natin ang likas na kalagayan nitong si Jesus, nang sa gayon ay malubos ang ating pagkakakilala sa kaniya bilang isang tagapagligtas, o isang behikulo ng kaligtasan lamang.
Mula sa sariling bibig ng Cristo ay madiin niyang winika ang likas niyang kalagayan bilang isang sisidlan hirang ng kabuoang Espiritu, na kung saan ay kinasusumpungan ng Katotohanan, Ilaw, Pag-ibig, Lakas, Paggawa, Karunungang may unawa, at Buhay na walang hanggan.
Ayon sa napakaliwanag na nasusulat ay gaya nito ang mababasa,
JUAN 5 :
30 HINDI
AKO MAKAGAGAWA NG ANOMAN SA AKING SARILI: humahatol ako ayon sa aking narinig: at ang paghatol
ko’y matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban,
kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.
31 Kung ako’y nagpapatotoo
sa aking sarili. ANG PATOTOO KO AY HINDI KATOTOHANAN.
JUAN 8 :
28 Sinabi nga ni Jesus, Kung
maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako ang Cristo, at WALA AKONG
GINAGAWA SA AKING SARILI; KUNDI
SINASALITA KO ANG MGA BAGAY NA ITO, AYON SA ITINURO SA AKIN NG AMA.
JUAN 14 :
10 Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at
ang Ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG
AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang AMA na tumatahan sa akin ay GUMAGAWA NG KANIYANG MGA GAWA. (Juan 10:30).
JUAN 8 :
26 Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa
inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniya’y aking
narinig, ang
mga ito ang sinasalita ko sa sanglubitan. (Juan 15:15, Juan 17:8)
JUAN 12 :
49 Sapagka’t AKO’Y
HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa
akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN. (Juan 15:15, Juan 17:8)
Mula na mismo sa sariling bibig ng Messiah (Mesias), o ng Cristo ay lumabas ang katotohanan na hindi maaaring itanggi, ni pasinungalingan man ng kahit sino sa kalupaan. Na siya ay tumatanggap lamang ng utos sa dakilang Espiritu ng Dios, kung ano ang kaniyang sasalitain at gagawin. Sa madaling salita ay napakaliwanag na "tinig" lamang ang sa kaniya, samantalang ang "salita" ay nanggaling sa Espiritu ng Dios na sumasa kaniya, mula sa natatanging kapanahunang iyon.
Gayon din, na ginagamit lamang ng nabanggit na Espiritu ng Dios ang kaniyang pisikal na katawan, upang sa pamamagitan nito ay makapagpamalas ito sa mga higit na kinauukulan ng makapangharihang mga gawa.
ANG TUNAY AT KAISAISANG TAGAPAGLIGTAS
Ang matuwid na nagtutumibay sa usaping ito ay hindi kay Jesus ng Nazaret ang makapangyarihang mga gawa at hindi rin sa kaniya ang mga aral pangkabanalan na sinalita at ipinangaral ng sarili niyang bibig sa buong sangbahayan ni Israel. Kundi ang lahat ng iyon ay mula sa nabanggit na kabuoan nitong Espiritu ng Dios, na sa natatanging kapanahunang iyon ay masiglang namamahay at makapangyarihang naghahari sa kabuoan ng sarili niyang pagkatao.
Bagay na kapag ipinaari kay Jesus ang mga "gawa" at "salita" ay totoong ikatitisod ng sinoman sa atin. Sapagka't tungkol sa tunay na tagapagligtas at tagapagpatawad ng kasalanan ay maliwanag na ipinakilala ni Jesus kung sino Siya.
Na sinasabi,
9 Magsidalangin nga kayo ng ganito: AMA NAMIN na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
10 Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.
11 Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.
12 At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.
13 At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi ILIGTAS MO KAMI SA MASAMA. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.
Ang sinoman nga’y sa Ama lamang nating nasa langit nararapat na hingin ang kaligtasan ng sarili niyang kaluluwa laban sa masama. Ito’y katunayan na Siya lamang ang kaisaisang maaaring magligtas ng sinoman, sapagka’t ang mga salitang ito’y hindi lumabas mula sa bibig ng sinomang tao, kundi mga salita ng Dios na pinadaloy lamang Niya mula sa sariling bibig ng Cristo.
Kung gayong ang karapatdapat na panalangin sa Ama ay matuwid na ibinigay sa lahat ng tao sa pamamagitan ng bibig ni Jesus; katotohanan ngang maituturing ang mga salitang nilalaman ng nabanggit na panalangin. Sukat upang mapag-unawa ng lahat ang mga sumusunod na katuwirang pangkabanalan.
1. Nararapat tanggapin ng lahat, na ang sarili nating Ama ang Siyang kaisaisang may ganap na kapamahalaan sa PAGPAPATAWAD NG KASALANAN, at bukod sa Kaniya ay wala ng iba pa.
2. Maliban na ang tao ay pamahayan at pagharian ng Espiritu ng Dios sa kaniyang kabuoan ay hindi magagawang magpatawad ng kasalanan, sapagka't ang Espiritu ng Dios na makapangyarihang sumasa kaniya ang gumagawa ng kaniyang mga gawa, at nagsasalita ng kaniyang mga salita (Juan 5:30, Juan 8:26, Juan 12:49). Ang kapatawaran ng kasalanan ay pinadadaloy ng Dios mula sa bibig ng kaniyag mga banal.
3. Mahalaga din na mapag-unawa ng lahat, na mula sa kaisahan ng ating Ama ay Siya lamang ang tanging TAGAPAGLIGTAS NG KANIYANG MGA ANAK(sangkatauhan) LABAN SA MASAMA.
ANG TAGAPAGLIGTAS AT MANUNUBOS AYON SA BALUMBON NG TANAKH (OT)
Isa 44 :
22 Aking pinawi na parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan:manumbalik ka sa akin; sapagka't TINUBOS kita.
Isa 33 :
22 Sapagka't ang Panginoon ay ating hukom, ang
Panginoon ay ating tagapaglagda ng kautusan, ang Panginoon ay ating hari; KANIYANG
ILILIGTAS TAYO.
Psa 80 :
19 Papanumbalikin mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo; pasilangin mo ang iyong mukha at MALILIGTAS KAMI.
Psa 18 :
2 Ang Panginoon ay aking malaking bato, at
aking kuta, at AKING TAGAPAGLIGTAS; aking Dios, aking malaking bato na sa
kaniya'y manganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking KALIGTASAN, aking matayog na moog.
Psa 62 :
1 Sa Dios lamang
naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa: SA
KANIYA GALING ANG AKING KALIGTASAN.
Psa 62 :
7 NASA DIOS ANG AKING KALIGTASAN at aking
kaluwalhatian; ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa
Dios.
Hab 3 :
18 Gayon ma'y magagalak ako sa Panginoon, AKO'Y MAGAGALAK SA DIOS NG AKING KALIGTASAN.
Kaugnay ng mga katunayang iyan sa itaas ay maituturing na isang napakalaking pagkakamali at malaking batong katitisuran, na bukod sa kaisaisang Dios ng langit ay umasa pa ang sinoman ng kaligtasan sa iba.
DIREKTANG PANGUNGUMPISAL SA KAISAISANG DIOS NG LANGIT
Napakaliwanag sa mga nakaraang istansa, na ang kaligtasan ng kaluluwa at kapatawaran ng kasalanan at iba pa ayon sa Katuruang Cristo (Mat 6:9-13) ay direktang hinihingi sa Dios. Sa gayo'y lalabas na isang napakamaling pagkakamali, na ang paghingi ng kaligtasan at kapatawaran sa Dios ay paraanin pa sa mga pari, o sa kanino pa man.Mat 6 :
6 Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.
Gaya din naman ng napakaliwanag na padron ng katotohanan mula sa mga balumbon nitong Tanakh ng Dios, na madiing sinabi,
Ezr 10 :
11 Ngayon nga'y MANGAGPAHAYAG KAYO SA PANGINOON, sa Dios ng inyong mga magulang, at inyong gawin ang kaniyang kalooban: at magsihiwalay kayo sa mga bayan ng lupain, at sa mga babaing tagaibang bayan.
Jos 7 :
19 At sinabi ni Josue kay Achan, Anak ko, isinasamo ko sa iyo, na iyong luwalhatiin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, at magpahayag ka sa kaniya; at IPAHAYAG MO SA AKIN NGAYON KUNG ANO ANG IYONG GINAWA; HUWAG KANG MAGLIHIM SA AKIN.
Psa 32 :
5 Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli: aking sinabi, AKING IPAHAHAYAG ANG AKING PAGSALANGSANG SA PANGINOON; at iyong IPINATAWAD ang kasamaan ng aking kasalanan.
Ang Ama nating Dios na nasa langit kung gayon ang KAISAISA nating personal na tagapagpatawad ng kasalanan. Siya lamang ang kaisaisang nararapat na pagkumpisalan ng mga kasalanan, hindi kailan man sa mga pari at sa kung sino pa man. Palibhasa'y madiing sinalita ng sariling bibig ni Ezra (Ezr 10:11), ni David (Awit 32:5), at nitong Cristo na Nazaret sa Mat 6:9-13, kung sino ang kaisaisang Dios ng langit na matuwid kumpisalan ng mga kasalanan.
KONKLUSYON
Nangangahulugan na si Jesus (Messiah) ay katotohanan na hindi isang tagapaglitas ng kaluluwa, ni tagapagpatawad man ng kasalanan, kundi siya'y nabibilang sa munting kalipunan ng mga totoong banal na kinikilalang lubos ng Ama nating nasa langit.
Isa ngang napakalaking pagkaligaw sa sinoman, na kilalanin si Jesus bilang "personal na tagapagligtas." Bagkus ang napakaliwanag na katuwiran hinggil sa usaping iyan ay, "kaisaisang Dios ng langit" lamang ang tanging sinasang-ayunan ng katotohanan bilang nag-iisang "PERSONAL NA TAGAPAGLIGTAS NG SANGKATAUHAN"
Siya nga rin sa makatuwid ang tunay na kaisaisang "TAGAPAGPATAWAD NG KASALANAN" nitong sanglibutan. Dahil diyan ay magpapahayag (mangungumpisal) lamang ng mga kasalanan ang sinoman sa kaisaisang Dios ng langit at mula sa pagtalikod niya sa kaniyang mga kasalanan ay patatawarin siya ng kaisaisang Ama na nasa langit (Eze 18:2-22).
Ang lahat sa tuwirang pananalita ay DIREKTANG TATAWAG SA AMANG NASA LANGIT, upang sa Kaniya ay deretsahang hingin ng sinoman ang kapatawaran ng kaniyang kasalanan at kaligtasan ng kaniyang kaluluwa. Saan man at kailan man ay walang itinuro ang Cristo ng Nazaret, na ang sinoman ay manalangin o magdasal sa kaniya.
Ang pangungumpisal at paghingi ng patawad sa mga pari ng simbahang katoloko ay isang maliwanag na gawang kahangalan at kasuklamsuklam sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Siya nga rin sa makatuwid ang tunay na kaisaisang "TAGAPAGPATAWAD NG KASALANAN" nitong sanglibutan. Dahil diyan ay magpapahayag (mangungumpisal) lamang ng mga kasalanan ang sinoman sa kaisaisang Dios ng langit at mula sa pagtalikod niya sa kaniyang mga kasalanan ay patatawarin siya ng kaisaisang Ama na nasa langit (Eze 18:2-22).
Ang lahat sa tuwirang pananalita ay DIREKTANG TATAWAG SA AMANG NASA LANGIT, upang sa Kaniya ay deretsahang hingin ng sinoman ang kapatawaran ng kaniyang kasalanan at kaligtasan ng kaniyang kaluluwa. Saan man at kailan man ay walang itinuro ang Cristo ng Nazaret, na ang sinoman ay manalangin o magdasal sa kaniya.
Ang pangungumpisal at paghingi ng patawad sa mga pari ng simbahang katoloko ay isang maliwanag na gawang kahangalan at kasuklamsuklam sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Patuloy nawang dumaloy sa isipan at puso ng bawa't isa ang walang patid na biyaya na nagmumula sa kaluwalhatian ng kaisaisang Dios ng langit at ng lupa.
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento