Tungkol sa usaping ito, sa 1 Cor 15:24-44 ay gayon ani Pablo sa pagkabuhay na maguli ay itinatanim (inililibing) na may kasiraan, at binubuhay na walang kasiraan. Na kung lilinawin ay namatay at inilibing na makasalanan, datapuwa't sa pagkabuhay na maguli ng mga patay sa mga huling araw (paghuhuykom) ay mabubuhay na taglay ang kabanalan.
Kung gayon sa minamatuwid ng taong ito’y maliwanag niyang sinabi, na si Jesucristo bilang isang halimbawa at padron ng katotohanan, ay namatay na makasalanan (may kasiraan), at binuhay ng Dios na puspos ng kabanalan (walang kasiraan).
Kung gayon sa minamatuwid ng taong ito’y maliwanag niyang sinabi, na si Jesucristo bilang isang halimbawa at padron ng katotohanan, ay namatay na makasalanan (may kasiraan), at binuhay ng Dios na puspos ng kabanalan (walang kasiraan).
Ang tao nga rin aniya’y namamatay at inililibing na may kasiphayuan, at binubuhay na may kaluwalhatian. Gayon nga ring inililibing na may kahinaan, at binubuhay na may kapangyarihan. Datapuwa’t itong si Jesus na siya nating halimbawa sa pagkabuhay mula sa mga patay ay namatay na may kasiphayuan at nabuhay na may kaluwalhatian.
Nguni’t siya’y hindi namatay ng may kahinaan, upang mabuhay na may kapangyarihan, sapagka’t sa aklat ng mga tunay na banal ay hindi kakaunting halimbawa ng kapangyarihan ang nasaksihan ng marami mula sa mga kamay ni Jesucristo. Palibhasa’y nananahan at naghahari sa kaniyang kabuoan ang Espiritu ng Dios na gumagawa ng mga bagay na tanging Dios lamang ang may kakayanang magsakatuparan.
Inililibing nga rin aniya na may katawang ukol sa lupa, at binubuhay ng Dios na may katawang ukol sa langit. Sapagka’t kung may katawang ukol sa lupa ay matuwid lamang aniya na mayroon ding katawang ukol sa langit.
Sa bahagi ngang ito ng kaniyang sulat ay pinalalabas ng taong ito na ang katawang pisikal na inilibing sa lupa, kahi man gaano katagal ay muling bubuoin ng Dios sa sandaling bubuhayin na niya ang lahat ng mga namatay sa buong kalupaan. Ano pa’t sa pagbuo niyang yaon ay gagawin niya ang mga piling katawan (iglesia ng mga Gentil) na katawang ukol sa langit.
Nguni’t ang pagmamatuwid na ito nitong si Pablo ay maliwanag na pahiwatig na wala siyang anomang nauunawaan tungkol sa kabuoang nilalaman ng kaganapan na ganap na kinalaman sa pagbangon ng mga patay sa mga huling araw.
Sapagka’t sa pagkamatay ng tao ay yaon ang sandali na ang mga katawan sa kaniyang kabuoan ay sasauli sa kanikanilang pinagmulan. Kaya’t ano ang sintido, upang silang nagsibalik na sa kanikanilang pinagmulan ay kaladkarin pang muli sa lupa upang husgahan?
Ano ang kabuluhan na muli ay buoin ang nangagbalik na sa lupa? Ano rin ang kabuluhan, kung ang kaluluwang dumako na sa kanan o kaliwa ng kaisaisang Dios ay tatawagin pang muli sa lupa, upang ilagay sa panibagong katawan na ukol sa langit.
Samantalang yaong tinatawag na katawang kaluluwa ay kay laon ng suma langit. Sa gayo’y walang anomang maaring makitang sintido sa sinasabing pagkabuhay na maguli ng mga literal na patay sa umano’y darating na paghuhukom.
Sapagka’t katotohanan na sa sandaling ang sinoma’y lisanin ng buhay (katawang Espiritu) ang katawang laman, at kung magkagayon ay uuwi ng madali ang katawang kaluluwa sa kaluwalhatian ng langit, upang doo’y maalaman niya kaagad, kung siya baga’y idadako ng Dios sa Kaniyang kanan o sa Kaniyang kaliwa.
Datapuwa't kung uunawaing mabuti ang katotohanang nilalaman nitong sinasabing pagkabuhay na maguli ng mga patay (resurrection) ay payak lamang na kasagutan ang sa inyo ay aming ilalahad ng napakaliwanag.
Tungkol nga dito’y nalalaman natin na ang kasinungalingan, dilim ng kaisipan, galit at panibugho, kahinaan, katamaran, kamangmangan, at kamatayan ay laganap sa kalupaan. Na siyang namamahay at naghahari sa kalooban at kabuoan ng lubhang marami sa sanlibutang ito.
Datapuwa't kung uunawaing mabuti ang katotohanang nilalaman nitong sinasabing pagkabuhay na maguli ng mga patay (resurrection) ay payak lamang na kasagutan ang sa inyo ay aming ilalahad ng napakaliwanag.
Tungkol nga dito’y nalalaman natin na ang kasinungalingan, dilim ng kaisipan, galit at panibugho, kahinaan, katamaran, kamangmangan, at kamatayan ay laganap sa kalupaan. Na siyang namamahay at naghahari sa kalooban at kabuoan ng lubhang marami sa sanlibutang ito.
Sa makatuwid ay tila baga sa kalooban at kabuoan ng lubhang marami sa ating mga kapatid ay namatay ang katotohanan, ilaw, pagibig, lakas, paggawa, karunugang may unawa, at buhay. Ano pa’t tungkol sa kawakasan ng mga dating bagay ay sinabi,
Mateo 24 :
14 At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa boong sanglibutaN sa PAgpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.
13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay NARINIG: IKAW AY MATAKOT SA DIOS, at SUNDIN MO ANG KANIYANG MGA UTOS; sapagka’t ITO ANG BOONG KATUNGKULAN NG TAO.
Narito, at sa pamamagitan ng mga tunay na mangangaral ng Dios ay itatanyag sa sanglibutang ito ang evangelio ng kaharian. Kung magkagayon ay darating ang wakas na tumutukoy sa pagkilala at pagtalima ng mga tao sa kautusan ng Dios. Kung lilinawin pa’y mangyayari sa pagkadinig ng marami sa buong nilalaman nitong evangelio ng kaharian ay matututo silang matakot sa Dios. Sukat upang silang nangakarinig ay bukal sa pusong sundin ang mga kautusan (10 utos) ng Ama nating nasa langit. Sapagka’t katotohanan na ang pagtalima sa mga nabanggit na kautusan ang buong katungkulan ng sinoman sa kalupaan.
Dahil dito ay darating ang kawakasan ng kasinungalingan, dilim ng kaisipan, galit at panibugho, kahinaan, katamaran, kamangmangan, at kamatayan. Upang mula sa libingan ng mga patay sa kalooban ng tao ay ibangong maguli ang katotohanan, ilaw, pagibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay na walang hanggan.
Courtesy of Pinterest |
Ano mang saglit, sandali, oras, at araw na nagsisidating ay maaaring kawakasan na sa iyong kabuoan ng pitong (7) kasamaan.
Kailangan nga lamang ng bawa't isa ay maging tagatangkilik, tagapagtaguyod, tagapangaral, tagapagtanggol, at tagasunod nitong Evangelio ng Kaharian (Katuruang Cristo). At kung magkagayon ay iyon na nga ang WAKAS ng iyong kasinungalingan, ng kadiliman ng iyong isipan, ng iyong galit at panibugho, ng iyong kahinaan, ng iyong katamaran, ng iyong kamangmangan, at ng iyong kamatayan.
Sapagka't ang katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay ay nagsibangon na sa iyong kabuoan. Na sa sinoman ay siya niyang simula ng sagradong kalagayan sa kalupaan, na siya niyang pitong (7) baitang ng kabuhayang walang hanggan.
Ito kung gayon ang nilalamang katotohanan ng usapin na ganap ang kinalaman sa pagkabuhay na maguli ng mga patay (resurrection of the dead).
Kamtin ng bawa't isa ang masaganang daloy ng mga biyaya ng langit, gaya ng kristalinong tubig na malayang nahuhulog mula sa isang maharlikang talon.
Hanggang sa muli, paalam.
Para sa inyong pakikibahagi at suporta sa sagradong gawaing ito. Click here
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Para sa akin ay totoo ang nilalaman ng sulat na ito. Sa literal na kahulugan ay babangon ang mga taong namatay na. Pero dito ay nakita ko ang mas tamang paliwanag. Tanggap na tanggap ko ang laman ng sulat na ito.
TumugonBurahinAmen !!!!!!
TumugonBurahinPalibhasa huwad na apostol itong si PABLO ay literal ang pagkaunawa sa pagkabuhay na mag uli ng mga patay .Naway marami po ang makabasa sa blog na ito upang maliwanagan ang madilim na kaisipan....ito ang tamang ibig sabihin ng pagkabuhay ang kaliwanagan ang 7 spirit na papasok sa bahagi{katawan}ang kabuuan{DIYOS]upang maganap ang sistema ng kaayusan sa langit.
TumugonBurahin