Martes, Pebrero 16, 2016

NR004 SAN PABLO PASIMUNO NG DAGDAG/BAWAS?

PAALALA:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. 

Gayon din namang nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus.  

Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal. 


Mula sa sulat ni Pablo sa mga taga Roma ay may ginamit siyang ilang talata galing sa Awit ni David. Diyan ay maliwanag na makikita, kung paano nagkakaroon ng malaking pagbabago ang kahulugan ng teksto na ginagamit niya, upang gawing patibayang aral sa kaniyang mga sulat. 

Ang hindi maikakailang katotohanan sa usaping ito ay binabago ni Pablo ang partikular na mga bahagi ng kasulatan, sa layuning pagtibayin ang likha niyang doktrinang pangrelihiyon. Sa gayon ay aakalain ng mga bumabasa, na ang patibayan niyang aral ay eksaktong teksto na mula sa Tanakh (OT), 

Totoo nga na teksto ng Tanakh ang ginagamit niyang mga patotoo, nguni't iyon ay may dagdag at may bawas na. Sa madaling salita ay may halo ng kasinungalingan ang anomang teksto ng Tanakh na ginagamit niyang patotoo sa kaniyang mga sulat. Iyon umano ay sa layunin niyang pagtibayin sa mga bumabasa ang iginigiit niyang aral pangkabanalan.

Narito ang isa pang halimbawa ng ilang talata mula sa Awit ni David, na iniba niya ang orihinal na konteksto sa pamamagitan ng pagdadagdag at pagbabawas ng mga salita.


Na sinasabi,  

ROMA 10 :
6  Datapuwa’t sinasabi ng KATUWIRAN ayon sa PANANAMPALATAYA ang ganito, Huwag mong sabihin sa iyong puso, SINO ANG AAKYAT SA LANGIT? (sa makatuwid baga’y upang ibaba si Cristo:)

7  O, SINO ANG MANANAOG SA KALALIMLALIMAN? (sa namakatuwid baga’y upang iakyat si Cristo mula sa mga patay.)

8  Datapuwa’t ano ang sinasabi nito? ANG SALITA AY MALAPIT SA IYO, SA IYONG BIBIG, SA IYONG PUSO: sa makatuwid baga’y ang SALITA NG PANANAMPALATAYA na aming ipinangangaral:


Sa Roma 10:6-8 na mababasa sa itaas ay inumpisahan ni Pablo na ipasok ang katuwiran ng pananampalataya, na inilahok sa ilang salita ni Moises. Sa gayo’y aakalain ng sinoman na ang sinasabi niyang bagong katuwiran ay eksistido sa aklat ni Moises. Ayon nga aniya sa katuwiran ng pananampalataya ay,


 “sino ang aakyat sa langit at sino ang mananaog sa kalaliman." 
Na dinagdagan niya ng mga salita na mababasa sa ibaba, 
(sa namakatuwid baga’y upang iakyat si Cristo mula sa mga patay.)

Ang salita nga aniya’y 
“malapit sa iyo, sa iyong bibig, at sa iyong puso:
 Na dinagdagan niya ng pangungusap na mababasa sa ibaba, na sinasabi,
sa makatuwid baga’y ang SALITA NG PANANAMPALATAYA na aming ipinangangaral:” 


Datapuwa’t kung tatanungin natin si Moises kung katotohanan nga ba ang sinasabing ito ni Pablo tungkol sa kaniyang sulat (epistle), ay ano kaya ang kaniyang masasabi? 

Hinggil dito ay bayaan natin tanglawan tayo ni Moses ng ilaw tungkol sa usaping ito, at nang sa gayo’y ating makita ng may linaw, kung ang iginigiit bang aral ng taong ito’y may katotohanan nga o wala.


Gaya nga ng malinaw na mababasa sa tekso ni David ay ganito ang sinasabi,

DEUT 30 :
10  Kung iyong susundin ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang tuparin mo ang kaniyang mga palatuntunan na nasusulat sa AKLAT na ito ng KAUTUSAN (Torah). Kung ikaw ay MANUNUMBALIK sa Panginoon mong Dios ng iyong boong puso, at ng iyong boong kaluluwa.

11  Sapagka’t ang UTOS na ito na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, ay HINDI TOTOONG MABIGAT sa iyo, ni MALAYO.

12  Wala sa langit, upang huwag mong sabihin, SINONG SASAMPA SA LANGIT PARA SA ATIN, at MAGDADALA niyaon sa atin, at MAGPARINIG sa atin, upang ating MAGAWA.

13  Ni wala sa dako roon ng dagat, upang huwag mong sabihin, SINO ANG DARAAN SA DAGAT PARA SA ATIN, at MAGDADALA niyaon sa atin, at MAGPAPARINIG sa atin, upang ating MAGAWA.

14  KUNDI ANG SALITA AY TOTOONG MALAPIT SA IYO, SA IYONG BIBIG, at sa iyong PUSO, upang iyong MAGAWA.

15  Tingnan mo, na inilagay ko sa harap mo sa araw na ito ang buhay at ang kabutihan, at ang kamatayan at ang kasamaan.

16  Na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito na IBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIOS, na lumakad ka sa kaniyang mga DAAN, at tuparin mo ang kaniyang mga UTOS, at ang kaniyang mga PALATUNTUNAN, at ang kaniyang mga KAHATULAN, upang IKAW AY MABUHAY AT DUMAMI, at upang PAGPALAIN ka ng PANGINOON MONG DIOS sa lupain na iyong pinapasok upang ariin.

Napakaliwanag na inihahayag sa konteksto ng mga nabanggit na talata sa dakong itaas. Ang lahat kung gayon ay inuutusan ng kaisaisang Dios na manumbalik ng buong puso, at buong kaluluwa sa kaniyang mga palatuntunan na nasusulat sa aklat ng kautusan (Torah [limang aklat ni Moses])

Ang SALITA na tinutukoy sa Deut 30:10-14 ay walang iba, kundi ang nilalaman ng Deut 30:16 na mababasa sa itaas.

Sa ganap na ikalilinaw ng usaping ito’y aming iaagapay ang salin ni Pablo sa orihinal na salita na inilahad namin sa itaas.



SALIN NI PABLO mula sa 
Deut 30:12-16

ROMA 10 :
Datapuwa’t sinasabi ng KATUWIRAN ayon sa PANANAMPALATAYA ang ganito, Huwag mong sabihin sa iyong puso, Sino ang aakyat sa langit? (sa makatuwid baga’y upang ibaba si Cristo:)


O, Sino ang mananaog sa kalalimlaliman? (sa namakatuwid baga’y upang iakyat si Cristo mula sa mga patay.)

Datapuwa’t ano ang sinasabi nito? 
ANG SALITA AY MALAPIT SA IYO, SA IYONG BIBIG, SA IYONG PUSO: sa makatuwid baga’y ang SALITA NG PANANAMPALATAYA     na aming ipinangangaral:
TEXTO NI MOSES 
Deut 30:12-16


DEUT 30 :
12  Wala sa langit, upang huwag mong sabihin, SINONG SASAMPA SA LANGIT PARA SA ATIN, at MAGDADALA niyaon sa atin, at MAGPARINIG sa atin, upang ating MAGAWA.

13  Ni wala sa dako roon ng dagat, upang huwag mong sabihin, SINO ANG DARAAN SA DAGAT PARA SA ATIN, at MAGDADALA niyaon sa atin, at MAGPAPARINIG sa atin, upang ating MAGAWA.


14  KUNDI ANG SALITA AY TOTOONG MALAPIT SA IYO, SA IYONG BIBIG, at sa iyong PUSO, upang iyong MAGAWA.

16  Na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito na IBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIOS, na lumakad ka sa kaniyang mga DAAN, at tuparin mo ang kaniyang mga UTOS, at kaniyang mga PALATUNTUNAN, at ang kaniyang mga KAHATULAN, upang IKAW AY MABUHAY AT DUMAMI, at upang PAGPALAIN ka ng PANGINOON MONG DIOS sa lupain na iyong pinapasok upang ariin.

Sa paghahambing ng salin ni Pablo sa orihinal na salita (text) na mababasa sa aklat ni Moises ay hindi maikakaila, na siya’y gumamit ng daya ng kasinungalingan. Sapagka’t sa teksto ay maliwanag na ang tinutukoy na salita ay yaong salita ng kautusan (Deut 30:16), o ang nilalaman ng Torah at walang anomang nabanggit o ipinahiwatig man tungkol sa salita ng pananampalataya

Sa Deut30:10-16 ay napakaliwanag ang sinasabi ng Dios tungkol sa kaniyang kautusan (Torah) na hindi mahirap maunawaan ng sinomang babasa.

Datapuwa’t nang ito’y gawing patotoo ni Pablo, upang bigyang diin ang di umano’y salita o katuwiran ng pananampalataya na kaniyang isinusulong. Kinailangan niyang tabasin ang teksto ni Moises at itagni sa mga ito ang nabanggit na mga kabulaanan. Nang sa gayo’y mapalabas niya na makatotohanan ang nilalaman ng doktrina niyang pangrelihiyon.

Sa tanglaw na ito’y lalong nagtumibay, na ang layunin niya’y totoo ngang iligaw lamang sa katotohanan ang marami. Sapagka’t ang isinusulong niyang salita ng pananampalataya na may kasarinlan ay hindi kailan man naging eksistido sa alin mang aklat ng mga tunay na banal.

Kaniyang ihiniwalay sa kautusan ang pananampalataya, na siyang kabuoang kinabibilangan nito. Sa gayo’y nawalan ng anomang kabuluhan, palibhasa’y patay sa kaniyang sarili. Nguni’t ang pananampalataya ay buhay habang nananatili sa kautusan bilang isa sa mahahalagang bahagi nito. Kaya’t sa alin mang aklat ng mga tunay na banal ay walang anomang mababasa na ito’y iwinalay sa kabuoan niyang kinabibilangan.

Maging ang Cristo ay nagsaad ng tungkol sa bagay na ito, at hindi lamang gayon, kundi binigyan niya ng katiyakan, na ang pananampalataya ay bahagi lamang ng kautusan.

MATEO 23 :
23  .....At inyong pinababayaang di ginagawa ang LALONG MAHAHALAGANG BAGAY NG KAUTUSAN, Na dili iba’t  ang Katarungan, at ang Pagkahabag, at ang PANANAMPALATAYA: datapuwa’t dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pinababayaang di ginagawa yaong iba.

Kaya nga kapag pinaniwalaan ninyo ang iginigiit na aral ng taong si Pablo tungkol dito, ay maliwanag pa sa sikat ng araw, na kayo na rin sa  inyong mga sarili ang nagligaw at nagpahamak ng inyong kaluluwa. Sapagka’t pakatalastasin ninyo na ang pagtalikod sa kautusan ng Dios ay maliwanag ding pagtalikod sa Dios

Ano pa’t siya’y kaisaisa lamang at bukod sa kaniya’y wala ng iba, at kung siya’y inyong tatalikuran sa pamamagitan ng pagtatakuwil sa kaniyang mga kautusan ay kanino naman kayo haharap? Yaan ang tanong na sa inyo ay aming iiwan.

Sa puntong ito’y hindi pa namin tinatapos ang usaping aming tinatalakay. Sapagka’t nasasaad pa rin sa Deut30:11-14 ang isang katotohanan, na nalalaman naming hindi kailan man umabot sa kaalaman ng taong si Pablo at ng sina-una, ni ng kasalukuyan niyang mga kampon.

DEUT 30 :
11  Sapagka’t ang UTOS na ito na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, ay HINDI TOTOONG MABIGAT sa iyo, ni MALAYO.

12  Wala sa langit, upang huwag mong sabihin, SINONG SASAMPA SA LANGIT PARA SA ATIN, at MAGDADALA niyaon sa atin, at MAGPARINIG sa atin, upang ating MAGAWA.

13  Ni wala sa dako roon ng dagat, upang huwag mong sabihin, SINO ANG DARAAN SA DAGAT PARA SA ATIN, at MAGDADALA niyaon sa atin, at MAGPAPARINIG sa atin, upang ating MAGAWA.

14  KUNDI ANG SALITA AY TOTOONG MALAPIT SA IYO, SA IYONG BIBIG, at sa iyong PUSO, upang iyong MAGAWA.

Hindi nga totoo na ang kautusan ng Dios ay lubhang mabigat na pasanin ng sinoman bilang pamatok, kundi ito ay may kagaanan sa mga taong nais na makipagisa sa kanilang Dios. Ito’y wala sa langit upang huwag sabihing sino ang sasampa doon at maghatid sa atin.

Gayon ding wala sa dako pa roon ng dagat upang huwag sabihing sino ang daraan sa dagat at maghatid sa atin ng kautusan (Torah). Sapagka’t ang salita ng kautusan (Torah) ay totoong malapit sa atin, sa ating bibig at sa ating puso upang magawa, palibhasa’y natatatag sa kalupaan.

Sa gayo’y maliwanag na walang sinomang maaaring maging tagapamagitan sa tao at sa Dios maliban sa kaniyang kautusan. Sapagka’t ang mga ito’y katotohanang nahahahayag sa lahat. Na tulad sa mga handang pagkain na nahahain sa hapag kainan, at ang lahat ay may layang dumampot nito sa kanilang kabusugan. Kaya’t nagbubulaan ang taong si Pablo, nang sa sulat niya’y sabihin niya ang mga sumusunod.

1 TIM 2 :
Sapagka’t may isang Dios at may ISANG TAGAPAMAGITAN SA MGA TAO, ang TAONG si CRISTO JESUS.

Na ibinigay ang kaniyang sarili na PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan.

Na dito’y itinalaga ako na TAGAPANGARAL at APOSTOL (sinasabi ko ang KATOTOHANANHINDI AKO NAGSISINUNGALING), guru sa mga Gentil sa PANANAMPALATAYA at KATOTOHANAN.

Hindi nga kaya siya nagsisinungaling sa kaniyang mga sinasabi, gayong nalalaman na ninyo, na sa bawa’t buka ng kaniyang bibig ay hindi NIYA sinasangayunan ang katotohanan? Paano ngang nasabing siya’y isang banal, gayong tinatabas niya ang salita ng Dios at tinatagnian ng kaniyang mga kabulaanan? 

Nagsasabi nga ba siya ng katotohanan, gayong nasumpungang pinagmamatigas niya ang kaniyang puso sa kautusan? Ano't sa aral (Heb 7:18-19) niya'y pinalalabas niyang inutil ang kautusan (Torah).

Kamtin ng bawa't isa ang masaganang biyaya ng Ama nating nasa langit, na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.

Hanggang sa muli, paalam.

RELATED ARTICLE:

NR.005 SAN PABLO: PASIMUNO NG DAGDAG/BAWAS



Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento