Katotohanan na sinoman at
anoman sa dimensiyon ng materiya at dimensiyon ng Espiritu ay nagtataglay ng
pangalan. Kung gaano nga kahalaga sa dakong ito ng uniberso ang pangalan, ay
gayon nga rin kahalaga iyon sa kaluwalhatian ng langit.
Sa artikulong ito ay tatanglawan namin ang usapin na may kinalaman sa pangalan. Higit sa lahat ay kailangan itong maunawaang mabuti ng sinomang nagnanais, na maglayag sa kalawakan ng larangang may ganap na kinalaman sa tunay na kabanalan.
Ang tungkol dito ay hindi madaling tanggapin, at dahil diyan ay hinihingi namin ang lawak ng inyong pang-unawa at makatuwiran ninyong pagtanggap sa mga katunayang biblikal, na dito ay ginamit naming patibayang aral.
Hindi sa layuning baguhin, ni guluhin man ang nakagisnan na relihiyosong tradisyon ng higit na nakakarami. Kundi tanglawan nitong rayos ng liwanag ang ilang dako, na noon pa mang una ay nalalambungan na ng malalabo at mga di tiyak na unawa.
Sa artikulong ito ay tatanglawan namin ang usapin na may kinalaman sa pangalan. Higit sa lahat ay kailangan itong maunawaang mabuti ng sinomang nagnanais, na maglayag sa kalawakan ng larangang may ganap na kinalaman sa tunay na kabanalan.
Ang tungkol dito ay hindi madaling tanggapin, at dahil diyan ay hinihingi namin ang lawak ng inyong pang-unawa at makatuwiran ninyong pagtanggap sa mga katunayang biblikal, na dito ay ginamit naming patibayang aral.
Hindi sa layuning baguhin, ni guluhin man ang nakagisnan na relihiyosong tradisyon ng higit na nakakarami. Kundi tanglawan nitong rayos ng liwanag ang ilang dako, na noon pa mang una ay nalalambungan na ng malalabo at mga di tiyak na unawa.
Mga Depinisyon
Pangalan
Ang salitang (pangalan)
iyan ay tumutukoy ng ganap sa panawag na nagpapahayag ng partikular na kaibahan
sa kaninoman at sa anoman. Sa katawagang iyan nakikilala ang isang tao o bagay.
Ang pangalan sa makatuwid ay salita na kapag sinambit ay gaya ng daliri na tumuturo
sa sinoman, o sa anoman, na nagpapakita ng kaibahan
Palayaw
Ito naman ang pinahikling
pangalan ng tao, na kinukuha mula sa ilang unang letra ng pangalan. O kaya
naman ay sa ilang huling letra ng pangalan. Sa gayo’y bilang palayaw (alias) ay Arman, o
Mando ang maaaring itawag na palayaw sa pangalang Armando.
Bansag
Ang bansag ay hindi tumuturo sa pangalan, ito’y panawag na ginagamit upang tukuyin ang wangis o katangian ng tao, hayop, o anomang bagay. Binibigkas din upang ipahayag ang pagkakahawig, o pagkakatulad sa ibang tao, hayop, o sa anomang bagay.
“Tangkad” ang tawag ng lahat na nakakakilala kay Michael, sapagka’t taglay niya ang taas na lalong higit sa kaniyang mga kaanak at kakilala. Bagaman nalalaman nilang lahat ang kaniyang pangalan (Michael) ay tinatawag nila siyang “Tangkad,” na siya nilang ibinansag sa kaniya. Kapag binanggit nga nila ang bansag na iyan sa kaniya ay iisang tao nga lamang ang maaaring tuwirang tukuyin mula sa mga kaanak at kakilala, at siya ay walang iba, kundi si Michael.
Pamimitagang
panawag
Ito ay salita na
binabanggit bilang panukoy na paggalang sa sinoman. Halimbawa ay Itay, Inay,
Ate, Kuya, Tiyo, Tiya, Boss, Amo, etc. Nalalaman natin ang pangalan ng ating Ama at ina, gayon
man ay hindi natin sila tinatawag sa kanilang pangalan, ni sa kanilang bansag
kung mayroon man, kundi sa katawagan na nagpapahayag ng pamimitagan.
Binabanggit nga lamang
natin ang kanilang pangalan, kung ang sinoman ay magtanong, kung ano ang
pangalan nila. Sinoman sa kamatuwid na bumabanggit ng pamimitagang panawag na
tumutukoy sa mga kaanak ay maliwanag na nalalaman nila ang eksaktong pangalan
ng pinatutukulan nila nito.
Tulad nga rin ang sa
kaisaisang Dios ng langit, na may taglay na pangalan na mismo ay ipinagkaloob
niya upang malahad sa buong sanglibutan. Siya ay may palayaw at bansag na ipinatungkol
sa Kaniya ng mga tunay na banal. Higit sa lahat ay may pamimitagang panawag sa kaniya, na kapag binanggit ng sinoman ay tuwirang tumutukoy sa pangalan ng kaisaisang Dios ng langit.
Ang salitang LORD, Lord, at PANGINOON, o Panginoon ay
napagkakamalan ng marami na pangalan ng Dios. Gayon man, ang mga iyan ay
hindi pangalan, kundi pamimitagang panawag lamang. Siya sa pagiging kaisaisa na
totoo ay taglay ang nag-iisa niyang pangalan, na 6,519 na ulit binanggit sa mga balumbon ng Tanakh. Ayon sa Kaniya ay iyon ang magpasawalang
hanggan niyang pangalan (Exo 3:15), na Kaniyang ala-ala sa lahat ng mga lahi sa buong
kalupaan.
Ang pangalan ay
permanente, o pirmihan, na ang ibig sabihin ay hindi mababago. Oo, sinoman ay
maaaring gumamit ng hindi kakaunting pangalan (alias). Magkagayon man ay
pinatototohanan nitong Tanakh ng Dios,
na Siya ay may iisang pangalan lamang na matuwid at karapatdapat na mahayag sa
sangkalupaan.
Na sinasabi,
Exo 9 :
16 And in very deed for this cause have I
raised thee up, for to shew in thee my power; and THAT MY NAME MAY BE DECLARED THROUGHOUT ALL THE EARTH.
(Datapuwa't totoong totoo, na dahil dito ay pinatayo kita, upang maipakilala sa iyo ang aking kapangyarihan, at UPANG ANG AKING PANGALAN AY MAHAYAG SA BUONG LUPA.)
(Datapuwa't totoong totoo, na dahil dito ay pinatayo kita, upang maipakilala sa iyo ang aking kapangyarihan, at UPANG ANG AKING PANGALAN AY MAHAYAG SA BUONG LUPA.)
Eze 39 :
7 So WILL I MAKE MY HOLY NAME KNOWN IN THE MIDST OF MY PEOPLE ISRAEL; and I will not let them pollute my holy name
any more: and the heathen shall know that I am the LORD3068, the Holy One in Israel.
(At ANG AKING BANAL NA PANGALAN AY IPAKIKILALA KO SA GITNA NG AKING BAYANG ESRAEL; at hindi ko man titiising
malapastangan pa ang aking banal na pangalan: at malalaman ng mga bansa na ako
si Yehovah, ang banal sa Israel.)
Zec 13 :
9 And I will bring the third part through the
fire, and will refine them as silver is refined, and will try them as gold is
tried: THEY SHALL CALL ON MY NAME, and I
will hear them: I will say, It is my people: and they shall say, The LORD 3068 is my God.
(At aking dadalhin ang ikatlong bahagi
sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y
susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. SILA'Y MAGSISITAWAG SA
AKING PANGALAN, at akin silang didinggin: aking
sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Si Yehovah
ay aking Dios.
Zec
14:9 And the LORD3068 shall be king over all the earth:
in that day shall there be one LORD3068, and HIS NAME ONE.
(At ang Panginoo'y
magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ANG KANIYANG PANGALAN AY ISA.)
Gaya nga ng nasusulat sa mga balumbon ng Tanakh, si Jesus ay pinatayo ng kaisaisang Dios, upang gawing isang kopa ng kabanalan, o, sisidlang hirang ng kabanalan (Medium). Iyan ay upang masaksihan sa panahon niyang iyon ang kadakilaan ng kaisaisang Dios ng langit, at ihayag sa pamamagitan ng bibig ni Jesus ang nag-iisa Niyang pangalan sa buong sangbahayan ni Israel. Malugod niyang ibinigay sa mga ganap na kinauukulan ang pangalan, upang maging lubos ang kanilang pagkakilala sa kaisaisang Dios na siyang Ama ng lahat ng kaluluwa.
Gaya ng nasusulat,
Joh 17 :
26 AND I HAVE
DECLARED UNTO THEM THY NAME, AND WILL DECLARE IT: that the love wherewith thou hast loved me may be in
them, and I in them.
(AT IPINAKILALA KO SA
KANILA ANG IYONG PANGALAN, AT IPAKIKILALA KO; upang ang pagibig na sa
akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila.)
Joh 17 :
6 I HAVE MANIFESTED THY NAME unto the men which thou
gavest me out of the world: thine they were, and thou gavest them me; and they
have kept thy word.
(IPINAHAYAG KO ANG IYONG
PANGALAN sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula
sa sanglibutan: sila'y iyo, at sila'y ibinigay mo sa akin; at TINUPAD NILA ANG IYONG SALITA.)
Hindi mahirap unawain ang
isinasaad na katotohanan ng dalawang talata (Juan 17:6, Juan 17:26) sa itaas.
Na silang lahat ay natamo mula sa tinig ng sariling bibig ng Cristo ang
pangalan ng kaisaisang Dios ng langit.
YHVH ang orihinal na pangalan na nasusulat sa mga balumbon ng Tanakh. Nguni’t iyon ay may nakaugaliang tatlong (3) bigkas, na ngayon ay nakalimbag sa iba’t ibang salin ng bibliya.
Gaya ng mga sumusunod,
Mula sa masusi na pagsusuri ng pamunuan nitong RAYOS NG LIWANAG
(Katuruang Cristo) BIBLE MINISTRY ONLINE ay kinilingan namin ang pangalang
YEHOVAH, na salin nitong PROCLAIM HIS HOLY NAME BIBLE (PHHNB).
Ref. http://www.proclaimhisholyname.org/article_3.html
Ref. http://www.proclaimhisholyname.org/article_3.html
Psa 34 :
(Oh dakilain ninyo na kasama ko si Yehovah,
at tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan.)
Psa 33 :
20 Our soul waiteth for the LORD3068: he is our help
and our shield. 21 For our heart shall rejoice in him, because
we have trusted in his HOLY NAME.
(20 Hinintay ng aming kaluluwa si Yehovah:
siya'y aming saklolo at aming kalasag. 21 Sapagka't ang aming puso ay magagalak sa
kaniya, sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang BANAL NA PANGALAN.)
Psa 45 :
17 I WILL MAKE THY NAME TO BE REMEMBERED IN ALL GENERATIONS: therefore shall the
people praise thee for ever and ever.
(AKING IPAAALAALA ANG IYONG
PANGALAN SA LAHAT NG SALI'T SALING LAHI: kaya't ang mga bayan ay mangagpapasalamat
sa iyo magpakailan-kailan man.)
Gayon man ay may mahigpit
na utos ang Ama sa sinomang nag-iingat ng kaisaisa at walang hanggan niyang
pangalan, at ang utos ay gaya ng mababasa sa ibaba,
Exo 20 :
7 Thou shalt not take the name of the LORD thy
God in vain; for the LORD will not hold him guiltless that taketh his name in
vain.
(HUWAG MONG BABANGGITIN
ANG PANGALAN NI YEHOVAH MONG DIOS SA WALANG KABULUHAN; sapagka't hindi aariin ni YEHOVAH walang sala ang
bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.)
Sa panahon ngang iniutos
ng Dios ang gayon ay maliwanag, na ang kaniyang pangalan ay hayag sa buong
sangbahayan ni Israel. Ang kaniyang pangalan ay nababanggit ng marami sa mga walang
kapararakan na mga bagay, dahilan upang iutos Niyang huwag gawin ang gayong
kasuklamsuklam sa kaniyang pandinig.
Kung ibinilang man ng
kaisaisang Dios sa sampu (10) Niyang utos ang pagbabawal na banggitin ang
kaniyang pangalan sa walang kabuluhan. Iyan ay hindi nangangahulugan na iyon ay
ikukubli na sa kaalaman ng sangkatauhan, upang iyon ay maging isang lihim sa
kaniya. Sa gayon ay napakaliwanag na nananatili pa rin ang mandato ng Ama, na
ang kaniyang pangalan ay kailangang mahayag sa buong sangkatauhan.
Sa ganap na ikalilinaw ng
usaping ito ay ang walang hanggang pangalan ng kaisaisang Dios ng langit ang ihahayag
sa sangkatauhan. Hindi ang bansag na ibinansag sa kaniya ng mga tunay na
banal. Hindi ang kaniyang palayaw na itinawag nila sa kaniya. Hindi ang mga
alias na ipinatungkol sa kaniya ng mga Gentil na nagagapos sa kasuklamsuklam na
kaugaliang pagano ng Italiya. Lalong hindi ang pangalang Jesus, sapagka't saan man at kailan man ay walang kautusan ang kaisaisang Dios, na sa sanglibutan ay maghayag ng ibang pangalan bukod sa Kaniyang pangalan.
SAAN IHAHAYAG ANG KANIYANG PANGALAN?
Sa pagpapatuloy ay SAAN baga
ihahayag ang pangalan ng kaisaisang Dios ng langit? Hinggil sa tanong na iyan ay malinaw na
tutugunin ng mga sumusunod na talata sa ibaba, na ang sinasabi ay ganito.
Psa 22 :
22 I will
declare thy name unto my brethren: in the midst of the congregation will I
praise thee.
(Aking
ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid: sa gitna ng kapulungan ay
pupurihin kita.)
Psa 105 :
(Oh
magpasalamat kayo kay Yehovah, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan; ipabatid
ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan.
Psa 18 :
49
Therefore will I give thanks unto thee, O LORD3068, among the heathen, and sing praises unto thy name.
(Kaya't ako'y
magpapasalamat sa iyo, Oh Yehovah, sa gitna ng mga bansa, at aawit ako ng mga pagpupuri
sa iyong pangalan.)
Psa 138 :
1 A
Psalm of David. I will praise thee with my whole heart: before the gods
will I sing praise unto thee. 2 I will
worship toward thy holy temple, and praise thy name for thy lovingkindness and
for thy truth: for thou hast magnified thy word above all thy name.
(1 Ako'y magpapasalamat
sa iyo ng aking buong puso: sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa
iyo. 2 Ako'y sasamba sa dako ng iyong
banal na templo, at magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong
kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan: sapagka't iyong pinadakila ang
iyong salita sa iyong buong pangalan.)
Ihahayag ang pangalan ng
kaisaisang Dios:
1. Sa kapulungan ng mga
kapatid.
2. Sa mga bayan.
3. Sa mga paganong bansa.
4. Sa banal na Templo.
Ngayong nalaman kung sino,
ano, at saan, ay bakit nga ba kailangan nating gawin ang
bagay na ito? Hinggil diyan ay malugod at may galak sa puso na winika ni Haring David ang mga sumusunod.
Psa 61 :
8 So
will I sing praise unto thy name for ever, THAT I MAY DAILY PERFORM MY VOWS.
(Sa gayo'y
aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man. UPANG MAISAGAWA KO ARAW-ARAW ANG AKING MGA PANATA.)
Psa 61 :
5 For thou, O GOD, HAST HEARD MY VOWS: thou hast given me the heritage of
those that fear thy name.
(Sapagka't DININIG
MO, OH DIOS, ANG AKING MGA PANATA: ibinigay mo ang mana sa
nangatatakot sa iyong pangalan.)
ISA 26 :
(Magsitiwala kayo kay YEHOVAH magpakailan
man: sapagka't na kay YAH YEHOVAH ang walang hanggang lakas.)
Psa 118 :
3 Let the house of Aaron now say, that his
mercy endureth for ever.
(Magsabi ngayon ang sangbahayan ni
Aaron, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.)
Joel 2 :
32 And it shall come to pass, that WHOSOEVER SHALL CALL ON THE NAME OF THE LORD SHALL BE
DELIVERED: for in mount Zion and in Jerusalem shall be deliverance, as
the LORD hath said, and in the remnant whom the LORD shall call.
(At mangyayari na ang sinomang tumawag
sa pangalan ni YEHOVAH ay maliligtas, sapagka't sa bundok ng Sion at sa
Jerusalem doroon yaong nangakatanan, gaya ng sinabi ni YEHOVAH, at sa nangalabi
ay yaong mga tinatawag ni YEHOVAH.)
1. Kailangan ng lahat na
umawit sa kaniyang pangalan magpalakailan man.
2. Ibinibigay ng Ama ang
mana sa nangatatakot sa kaniyang pangalan.
3. Na kay Yehovah ang
walang hanggang lakas.
3. Walang hanggang kagandahang
loob ng Ama ang natatamo ng nangakaka-alam ng kaniyang pangalan.
4. Ang sinomang tinawag ni
Yehovah na tumatawag sa Kaniyang pangalan ay maliligtas. Na ang ibig sabihin ay
buhay na walang hanggan ng kaluluwa.
Ihayag nga natin sa buong kalupaan ang pangalan ng Ama nating nasa langit. Huwag nating bayaan na ito ay patuloy na malihim sa mga higit na kinauukulan. Kaawa-awa ang sinoman, na hindi nalalaman ang kaisaisang magpasawalang hanggang pangalan ng sarili niyang Ama na nasa langit.
Ihatid natin sa kaalaman ng ating mga kapatid ang Kaniyang pangalan, na siyang nag-iisang paraan upang mapukaw natin ang kaniyang pansin. Kung magkagayon ay Kaniyang lilingunin at didinggin ang hinaing ng bawa't isa sa atin.
Kamtin ng bawa't isa ang mga biyaya ng langit na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, pagggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Ihayag nga natin sa buong kalupaan ang pangalan ng Ama nating nasa langit. Huwag nating bayaan na ito ay patuloy na malihim sa mga higit na kinauukulan. Kaawa-awa ang sinoman, na hindi nalalaman ang kaisaisang magpasawalang hanggang pangalan ng sarili niyang Ama na nasa langit.
Ihatid natin sa kaalaman ng ating mga kapatid ang Kaniyang pangalan, na siyang nag-iisang paraan upang mapukaw natin ang kaniyang pansin. Kung magkagayon ay Kaniyang lilingunin at didinggin ang hinaing ng bawa't isa sa atin.
Kamtin ng bawa't isa ang mga biyaya ng langit na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, pagggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento