Sabado, Enero 16, 2016

Ang Ama na nasa Langit

 
Courtesy of Google Images
Noon pa mang una ay isa ng malaking usapin ang tungkol sa kaisisang Dios na nasa langit. Ama ang nakaugaliang itawag ng marami sa Kaniya, at pinaniniwalaan nilang nag-iisa lamang ang Kaniyang Anak, at siya ay walang iba, kundi itong si Jesus ng Nazaret. Isa lamang iyan sa hindi kakaunting palapalagay ng mga tao hinggil sa likas niyang kalagayan.

May nagsasabi din na siya ay "hindi anak ng Dios na Dios," kundi "anak lamang ng tao na tao." Ano pa't giit ng iba ay "hindi anak ng Ama itong si Jesus, kundi siya mismo ang Ama," sapagka't nasusulat na siya at ang Ama ay iisa. Ang iba naman ay nagsasabi na siya ay "tao at Dios," dahil sa pahiwatig umano ng kasulatan na siya ay "Dios na nagkatawang tao."

Ang mga argumentong iyan ay walang katapusan na pinagbabangayan ng marami noon pa mang una hanggang sa kasalukuyan nating panahon. Gayon man, kung bibigyan lamang ng pagkakataon ang Katuruang Cristo na liwanagin ang hindi matapostapos na isyung iyan ay hindi magiging mahirap sa atin, na maunawaan ng lubos ang katotohanan tungkol diyan.

Ang Katuruang Cristo, palibhasa'y mga sagradong aral (evangelio ng kaharian) na masigla at may galak sa puso na ipinangaral ng sarili niyang bibig ay taglay ang mga presisyon at eksaktong paglilinaw sa mga magugulong isyu na gaya niyan. 

Huwag nga lamang iyan lalakipan ng ibang evangelio (evangelio ng di pagtutuli) ay may katiyakan, na kasusumpungan ng mga katuwiran na sinasang-ayunang lubos ng katotohanang sumasa Dios ng langit.

Gawin naman natin ngayon na alisin sa eksena ang panggulong ibang evangelio nitong si Pablo, at subukan naman natin na bigyang pagpapahalaga ang Katuruang Cristo, na kay laon ng niwawalang kabuluhan ng marami. Kaya ngayo'y tingnan natin, kung ano ang kalalabasan ng mga salita na mismo ay iniluwal ng sariling bibig ni Jesus hinggil sa usapin na may kinalaman dito.

Bago nga ang lahat ay paka-unawain nga muna natin ang sumusunod na kautusan ng Ama, hinggil sa kung sino sa kalupaang ito ang ating tatangkilikin, itataguyod, IPANGANGARAL, ipagtatanggol, at susundin.

Gaya nga ng nasusulat ay madiing winika,

Mateo 17 :
5  Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, NA SIYA KONG KINALULUGDAN; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.

Iyan sa makatuwid ay isang napakaliwanag at mahigpit na kautusan ng Dios, na ang KATURUANG CRISTO, o yaong sagradong katuruang pangkabanalan lamang na ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo ang ating pakikinggan. Bukod diyan ay katotohanan na wala ng ibang aral, o katuruan man na matuwid pakinggan ng lahat. 

Ang ibang evangelio (evangelio ng di pagtutuli) kung gayon ay hindi makakabuti sa kanino mang kaluluwa, kundi kakaladkarin lamang nito ang sinoman sa tiyak na kapahamakan at kamatayan. 

Sa ibaba ay magka-agapay ang mga talata na sinalita mismo ng sariling bibig ng Cristo, at diyan ay maliwanag na makikitang si Jesus ay may sariling Ama, at ang sangkatauhan ay gayon din naman na may kinikilala at tinatawag na Ama.

Diyan ay hindi upang ipakita ang pagkakaiba ng magkabilang panig, kundi sa layuning ipa-unawa sa lahat, na kung may sariling Ama ang Cristo, ay gayon din naman na may sariling Ama ang sangkatauhan.

Na sinasabi,

My Father
You Father
Mat 11:27  All things are delivered unto me of my Father: and no man knoweth the Son, but the Father; neither knoweth any man the Father, save the Son, and he to whomsoever the Son will reveal him.
(Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at sinoma'y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at sinoma'y hindi nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.) 
Mat 6:4  That thine alms may be in secret: and thy Father which seeth in secret himself shall reward thee openly.
(Upang ang iyong paglilimos ay malihim: at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.)


Mat 20:23  And he saith unto them, Ye shall drink indeed of my cup, and be baptized with the baptism that I am baptized with: but to sit on my right hand, and on my left, is not mine to give, but it shall be given to them for whom it is prepared of my Father.
(Sinabi niya sa kanila, Katotohanang iinuman ninyo ang aking saro: datapuwa't ang maupo sa aking kanan, at sa aking kaliwa, ay hindi sa akin ang pagbibigay; datapuwa't yaon ay para sa kanila na mga pinaghandaan ng aking Ama.)
Mat 6:6  But thou, when thou prayest, enter into thy closet, and when thou hast shut thy door, pray to thy Father which is in secret; and thy Father which seeth in secret shall reward thee openly.
(Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.)


Mat 24:36  But of that day and hour knoweth no man, no, not the angels of heaven, but my Father only.
(Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang aking Ama lamang.)
Mat 6:8  Be not ye therefore like unto them: for your Father knoweth what things ye have need of, before ye ask him.
(Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya.


Mat 25:34  Then shall the King say unto them on his right hand, Come, ye blessed of my Father, inherit the kingdom prepared for you from the foundation of the world:
(Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan.)
Mat 6:15  But if ye forgive not men their trespasses, neither will your Father forgive your trespasses.
(Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.)


Mat 26:29  But I say unto you, I will not drink henceforth of this fruit of the vine, until that day when I drink it new with you in my Father's kingdom.
(Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na buhat ngayon ay hindi na ako iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago na mga kasalo ko kayo sa kaharian ng aking Ama.)
Mat 6:18  That thou appear not unto men to fast, but unto thy Father which is in secret: and thy Father, which seeth in secret, shall reward thee openly.
(Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka.)


Mat 10:20  For it is not ye that speak, but the Spirit of your Father which speaketh in you.
(Sapagka't hindi kayo ang mangagsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang sa inyo'y magsasalita.)



Courtesy of Google Images
Ang katuwiran na binigyang diin ng sariling bibig nitong si Jesus ay gaya sa linaw ng kristalinong tubig ang pagkakalahad. Na ang lahat sa kalupaan, maging siya (Jesus) sa kaniyang sarili ay may kinikilala at tinatawag na Ama sa kaluwalhatian ng langit.

Gayon ngang patotoong winika ng sarili niyang bibig, na tayo sa kalupaang ito, at maging siya mismo ay may nag-iisang Ama, na kung lilinawin ay lumalapat sa kalagayang Dios. Ang Dios bagang iyan na sinasabing ating Ama ay may partikular na lugarin, o dimensiyon, na kung saan Siya ay matagumpay na masusumpungan ng sinoman sa atin?

Ang katanungang iyan ay hindi mahirap sagutin, sapagka't hayag sa mga banal na kasulatan, na Siya, na ating Ama ay nananahan at naghahari sa kaluwalhatian ng langit. Isang dimensiyon na kinalulugaran ng kabuoang entidad na lumapat sa likas na kalagayang Espiritu.

Ang Ama ng sangkatauhan ayon sa itinanglaw na liwanag nitong si Jesus ay gaya ng katotohanan na masusumpungan sa ibaba, na sinasabi,


My Father which is in Heaven
Your Father which is in Heaven


Mat 7:21  Not every one that saith unto me, Lord, Lord, shall enter into the kingdom of heaven; but he that doeth the will of my Father which is in heaven.
(Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.)
Mat 5:16  Let your light so shine before men, that they may see your good works, and glorify your Father which is in heaven.
(Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.)


Mat 10:32  Whosoever therefore shall confess me before men, him will I confess also before my Father which is in heaven.
(Kaya't ang bawa't kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.)
Mat 5:45  That ye may be the children of your Father which is in heaven: for he maketh his sun to rise on the evil and on the good, and sendeth rain on the just and on the unjust.
(Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.


Mat 12:50  For whosoever shall do the will of my Father which is in heaven, the same is my brother, and sister, and mother.
(Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina.)
Mat 6:1  Take heed that ye do not your alms before men, to be seen of them: otherwise ye have no reward of your Father which is in heaven.
(Mangagingat kayo na huwag magsigawa ng katuwiran sa harap ng mga tao, upang kanilang makita: sa ibang paraan ay wala kayong ganti ng inyong Ama na nasa langit.)


Mat 16:17  And Jesus answered and said unto him, Blessed art thou, Simon Barjona: for flesh and blood hath not revealed it unto thee, but my Father which is in heaven.
(At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.)
Mat 7:11  If ye then, being evil, know how to give good gifts unto your children, how much more shall your Father which is in heaven give good things to them that ask him?
(Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya?)


Mat 18:10  Take heed that ye despise not one of these little ones; for I say unto you, That in heaven their angels do always behold the face of my Father which is in heaven.
(Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng aking Ama na nasa langit.)
Mat 18:14  Even so it is not the will of your Father which is in heaven, that one of these little ones should perish.
(Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.)


Mat 18:19  Again I say unto you, That if two of you shall agree on earth as touching any thing that they shall ask, it shall be done for them of my Father which is in heaven.
(Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit.)
Mat 23:9  And call no man your father upon the earth: for one is your Father, which is in heaven.
(At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit.)



Ang Ama nitong si Jesus ay nasa langit, at gayon din na ang Ama nating lahat ay nasa langit din. Mula sa katotohanag iyan ay nangangahulugan baga, na dalawa Sila, o higit pa, na tumatahan sa kaluwalhatian ng langit, o ilan nga ba ang Dios na masusumpungan sa kaluwalhatian ng langit?

Sa mga tanong na iyan ay bayaan natin na ang Dios mismo ng langit ang Siya nating pasagutin. Ang katotohanan hinggil sa paksang iyan gaya nga ng madiin Niyang wika, ay tulad nito ang mababasa.

OSEA 13 :
4 Gayon ma’y AKO ANG PANGINOON MONG DIOS, mula sa lupain ng Egipto; at WALA KANG MAKIKILALANG DIOS KUNDI AKO, at LIBAN SA AKIN AY WALANG TAGAPAGLIGTAS

ISA 43 :
11  Ako, sa makatuwid baga’y ako, ang Panginoon; at LIBAN SA AKIN AY WALANG TAGAPAGLIGTAS.

ISA 44 :
Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang MANUNUBOS, na Panginoon ng mga Hukbo, AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI; at LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.

ISA 45 :
21 .... WALANG DIOS LIBAN SA AKIN, isang GANAP NA DIOS at TAGAPAGLIGTAS; WALANG IBA LIBAN SA AKIN.

22  Kayo’y magsitingin sa akin at kayo’y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka’t AKO’Y DIOS, at WALANG IBA LIBAN SA AKIN.

Ganyan ngang maliwanag pa sa dilang maliwanag, na ang Dios na nananahan at naghahari sa kaluwalhatian ng langit ay IISA lamang. Iyan nga ay higit sa sapat, upang mapag-unawa ng lubos, na ang Amang nasa langit nitong si Jesus, at Ama nating nasa langit ay IISA lamang.

Narito pa, bilang karagdagan sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal na nakalahad sa itaas, ay ipinahayag ng sariling bibig ng Cristo, na siya at maging tayo ay may Ama na nasa kalangitan (heavenly Father). 

  
My Heavenly Father
Your Heavenly Father


Mat 15:13  But he answered and said, Every plant, which my heavenly Father hath not planted, shall be rooted up.
(Datapuwa't sumagot siya at sinabi, Ang bawa't halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa kalangitan, ay bubunutin.)
Mat 6:14  For if ye forgive men their trespasses, your heavenly Father will also forgive you:
(Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.)


Mat 18:35  So likewise shall my heavenly Father do also unto you, if ye from your hearts forgive not every one his brother their trespasses.
(Gayon din naman ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa kalangitan, kung hindi ninyo patatawarin sa inyong mga puso, ng bawa't isa ang kaniyang kapatid.)
Mat 6:26  Behold the fowls of the air: for they sow not, neither do they reap, nor gather into barns; yet your heavenly Father feedeth them. Are ye not much better than they?
(Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila'y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila?)



Mat 6:32  (For after all these things do the Gentiles seek:) for your heavenly Father knoweth that ye have need of all these things.
(Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.)



Dahil diyan ay tinuruan ng Cristo ang lahat na tumawag, sumamba, at manalangin ng direkta sa kaisaisang Ama na nasa kalangitan. Upang sa Kaniya ay idulog ng lahat ang kani-kaniyang hinaing sa buhay. Gaya ng kapatawaran ng kasalanan, kaligtasan sa masama, pagkain na ikabubuhay etc.

Gaya ng nasusulat,

Courtesy of Google Images
Mat 6 :
9  Magsidalangin nga kayo ng ganito: AMA NAMIN NA NASA LANGIT KA. Sambahin nawa ang pangalan mo
10  Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. 
11  Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. 
12  At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. 
13  At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa

Sa panalanging iyan ay gayon ngang kailangang tumawag ang sinoman hindi sa kanino pa mang dios, kundi sa kaisaisang Dios lamang, at Siya ay walang iba, kundi ang ating Ama sa kalangitan

Sa Kaniya natin hihingin ang lahat, sapagka't siya ang kaisaisang nagmamay-ari nitong kaharian ng langit at nag-iisang nagtataglay ng kapangyarihan at kaluwalhatian magpakailan man.


Si Jesus ay nananalangin sa Ama nating nasa langit


Joh 11 :
41  Then they took away the stone from the place where the dead was laid. And Jesus lifted up his eyes, and said, Father, I thank thee that thou hast heard me.  42  And I knew that thou hearest me always: but because of the people which stand by I said it, that they may believe that thou hast sent me.
(Kaya't inalis nila ang bato. At itiningin ni Jesus sa itaas ang kaniyang mga mata, at sinabi, Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, na ako'y iyong dininig. 42  At nalalaman ko na ako'y lagi mong dinirinig: nguni't ito'y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot, upang sila'y magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.)

Joh 12 :
27   Now is my soul troubled; and what shall I say? Father, save me from this hour: but for this cause came I unto this hour. 28  Father, glorify thy name. Then came there a voice from heaven, saying, I have both glorified it, and will glorify it again.

(Ngayon ay nagugulumihanan ang aking kaluluwa; at ano ang aking sasabihin? Ama, iligtas mo ako sa oras na ito. Nguni't dahil dito ay naparito ako sa oras na ito. 28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan. Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin. [Juan 17:1-26])

Courtesy of Google Images
Sa kapanahunan ngang iyon ay makikita ng napakaliwanag na itong si Jesus ay nanalangin sa Ama ng kaniyang kaligtasan. Iyan ay isang kongretong katunayan, na siya ay gaya nga rin natin na taong nanghihingi ng kaligtasan sa Ama, palibhasa ay Siya lamang ang kaisaisang makapagkakaloob ng kaligtasan (Mat 6:13) at kapatawaran ng kasalanan (Mat 6:12) sa sangkatauhan. Gaya natin na mga tao ay nagugulimihanan din naman ang kaniyang kaluluwa (Juan 12:27).

Kung ang mahigpit na giit ng marami ay Dios itong si Jesus, palibhasa siya anila'y "Anak ng Dios." Batay sa direktang turo ng sariling bibig ng Cristo, tayo din naman, o ang sangkatauhan ay mga anak ng Dios. kung gayon ay nararapat tindigan ng lahat, na ikaw, ako, si Jesus at tayong lahat, o ang sangkatauhan ay pawang mga Dios. Iyan ay dahil sa katotohanan na siyang winika ng sariling bibig ni Jesus ng Nazaret, na, 


"Ang Ama niya ay Ama rin natin, at ang Dios niya ay napakaliwanag na Dios din naman natin."

Tayong lahat kahi man Ama nating ang kaisaisang Dios ng langit ay ganap tayong lumalapat sa nagtutumibay na likas na kalagayang "tao na totoo." Dahil diyan, ayon na rin sa patotoo mismo ng sariling bibig ng Cristo sa artikulong ito ay gayon nga rin, na siya ay sa kalagayang tao lamang lumalapat, at hindi sa pagiging Dios.

Bilang patotoo sa likas na kalagayan niyang iyan ay WALOMPU AT ISANG (81) ulit binanggit ni Jesus sa pitompu at siyam (79) na talata ng Bagong Tipan (NT) ng bibliya, na siya ay, "ANAK NG TAO." 


ANG PAULIT ULIT NA PAGBANGGIT NI JESUS NA SIYA AY “ANAK NG TAO”

Mateo
Juan
Marcos
Lucas
Kabuoang Bilang
32 ulit
14 na ulit
25 ulit
10 ulit
81 ulit









Courtesy of Google Images
Katulad natin ay anak din naman siya ng tao, gayon man na gaya niya ay maliwanag na tayo ay mga anak ng Dios sa Espiritu.

Kailan ba naging kasinungalingan ang nilalaman ng ilang sumusunod na talata, na tuwirang sinalita ng sariling bibig ng Cristo

Na sinasabi,

JUAN 8 :
40  Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo’y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING NARINIG SA DIOS: ito’y hindi ginawa ni Abraham.

JUAN 20 :
17  Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t HINDI PA AKO NAKAKA AKYAT SA AMA, nguni’t pumaroon ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.

Mula sa mga sagradong aral pangkabanalan (Katuruang Cristo), na masiglang ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo sa artikulong ito. Kapansinpansin na patotoo lamang ni Propeta Oseas at Propeta Isaias ang napabilang. 

Sa madaling salita ay dalisay na katuruang Cristo ang nagpapatunay, na ikaw, ako, si Jesus at maging ang buong sangkatauhan ay pawang mga anak ng Dios.

Sinoman ay may karapatan na tindigan ang anomang paniniwala sa alin mang bahagi ng silong na ito ng langit. Nguni't hindi nangangahulugan na ang partikular at matibay na paniniwala ng sinoman ay lumalapat na sa katotohanan. 

Ang katotohanan hingil sa usaping ito ay iisa lamang. Oo mga kapatid, iisa lamang ang nagtutumibay na katotohanan dito, at iyan ay ang mga natatanging aral pangkabanalan (Katuruang Crito) na madiing sinalita at may katapangang ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo.

Sa simula nga ay sinabi niya, 

"My Father which is in Heaven," (Ang aking Ama na nasa langit) 

kasunod nito'y sinalita ng sarili niyang bibig,

"Your Father which is in Heaven." (Ang inyong Ama na nasa langit) 

at sa huli ay gaya nito ang kaniyang winika, 

"OUR FATHER WHICH ART IN HEAVEN." (Ama namin na nasa langit)

Sa usaping ito ay iyan ang nag-iisang katotohanan, na matuwid pakinggan ng sinomang nagnanais na maging kaisa ng kabuoan, na lumalapat sa larangan ng tunay na kabanalan. 

Sa ibang dako, ang tradisyon, o kaugaliang espiritista, na tumutukoy sa pagka-Dios nitong si Jesus ay maliwanag na hindi kailan man sinang-ayunan ng katotohanang nilalaman ng Katuruang Cristo, na mababasa sa artikulong ito.

Ang mahigpit na utos ng Ama sa Mateo 17:5 ay hindi upang sumunod sa mga aral ng sinomang nagsasabi, na siya ay isang luklukan (talaytayan/batlayan) ng espiritu. Kundi sa mga salita (Katuruang Cristo) na siyang ipinangaral ng sariling bibig ng taong si Jesus ng Nazaret.

Ano pa't kung susundin ng lahat ang mahigpit na utos ng Ama tungkol sa kung sino ang dapat nating sundin ay hindi magiging mahirap sa sinoman, na pakinggan at isabuhay ang katotohanan na nilalaman ng artikulong ito.

KONKLUSYON

1. Si Jesus ay tao lamang na nagsasaysay ng katotohanan na kaniyang narinig sa Dios. (Juan 8:40, Num 23:19)

2. Ang Ama niya na nasa langit ay Siya din nating Ama na nasa langit. (Juan 20:17)

3. Ang Dios niya na nasa langit ay Siya din naman nating Dios na nasa langit. (Juan 20:17)

4. Direktang pakikipag-ugnayan (panalangin) sa Ama na nasa langit ang utos ng sariling bibig ng Cristo. (Mat 6:9) [Para umugnay sa Ama ay hindi natin kailangan ang pamamagitan ng sinoman, (santo, diosdiosan) o anoman (idolo), ni ng espiritu man].

5. Sangkatauhan ang lumalabas na bugtong na Anak ng Dios. (Mat 6:9).

6. Ang sinoman ngang hindi naninindigan sa Katuruang Cristo bilang katotohanang sumasa Dios, ay maliwanag na lumalapat sa kategoriya ng isang Anti-Cristo na totoo. (1Juan 2:4, 2 Juan 1:9-10)


7.Ang sinoman ngang nagsasabing siya'y nagsisipag sa larangan ng tunay na kabanalan, at hindi nananahan sa Katuruang Cristo ay hindi kinaroroonan ng Ama nating nasa langit. (2 Juan 1:9)  

Gaya ng nasusulat,

2Juan 1 :
9  Whosoever transgresseth, and abideth not in the doctrine of Christ, hath not God. He that abideth in the doctrine of Christ, he hath both the Father and the Son. 
(Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.) 

Ang sinoman sa makatuwid, na nananahan sa Katuruang Cristo ay pinananahanan ng katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at makabuluhang buhay, na hindi kinasusumpungan ng anomang hangganan, ni katapusan man.

Purihin ang Ama ng sangkatauhan na walang iba, kundi si Yehovah na kaisaisang Dios ng langit. Awitan natin Siya lakip ang masiglang pagpupuri sa kadakilaan ng kaniyang pagka Dios magpakailan man.

"ITO ANG KATURUANG CRISTO" 

Hanggang sa muli. Paalam. 



Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento