Martes, Disyembre 1, 2015

Tagapamagitan sa Dios at sa Tao

Courtesy of Google Images
Tayong nangabubuhay sa kalupaan ay nararapat na umasa ng kaligtasan ng kaluluwa at katubusan ng sala mula sa kaisaisang Dios na nasa langit. 

Kaugnay niyan, sa,"Sa mga Hebreo" ay madiing sinabi,



Heb 7 :
25  Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang MAMAGITAN sa kanila.

Na itong si Jesus ay nakapagliligtas ng lubos sa mga nagsisilapit sa Dios, palibhasa aniya’y laging nabubuhay si Jesus, upang magsilbing tagapamagitan ng Dios sa mga tao.



Gayon nga rin sa 1 Timoteo 2:5, giit ni Pablo ay gaya nito,

1TiM 2 :
5  Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang TAONG si Cristo Jesus
Nguni’t katotohanang sinasabi namin sa inyo, na ang minamatuwid na yaon sa Heb 7:25 ay isang katitisurang ganap na magpapahamak sa kaluluwa ninoman. Sapagka’t bago pa bumangon sa layunin itong si Jesus ay marami ng kaluluwa na masiglang sumanib sa kaluwalhatian ng Dios. Isa man sa kanila ay maliwanag na makikitang hindi kailan man nangailangan ng sinomang tagapamagitan ng Dios sa tao.

Tungkol sa tagapamagitan ay atin ngang pakaunawain ang ilang bagay na ilalahad namin sa maliwanag. Upang hindi na tayo muli pang mapaglalangan ng mga hidwang turo, at sa gayo'y mailakip natin ang ating mga sarili sa tunay na tagapamagitan ng Dios sa mga tao.


Gaya ng rumaragasang tubig sa malawak na ilog ay may kahahantungang pangpang sa magkabilang tabi. Kaya naman totoong mangangailangan kang gumamit ng tulay sa iyong pagtawid. 


Salamat sa kaisaisang Dios ng langit at yao’y kay laon ng naitatag sa pamamagitan ng kaniyang mga banal. Ang gagawin na lamang ng sinoman ay tahakin ang landas ng tulay na iyon. Nang sa gayo’y marating ang kabilang pangpang na walang kahaharapin na mga sagabal, at iba't ibang banta ng anomang kapahamakan.


Courtesy of Google Images
Ang tao nga’y hangad ang buhay na walang hanggan, sapagka’t nais niyang takasan sa kalupaan ang mahahaba at matatalim na pangil ng kamatayan. 

Dahil diyan ay kailangan niyang gumamit ng subok na kaparaanan, upang matawid ang kalawakan na naghihiwalay sa pangpang ng lupa at sa pangpang ng langit. Gaya halimbawa ng tulay na naghahatid ng sinoman sa kabilang ibayo ng rumaragasang tubig sa ilog. 

Makatuwiran at makatotohanan kung gayon, na kongretong tulay nga lamang ang pinakaligtas na daan ng pagtawid mula sa marahas at nagngangalit na kalagayang iyon ng tubig. Ang iba’t ibang paraan maliban diyan kung gayon ay may katiyakan, na ang kahahantungan ng sinoman ay kapahamakan at kamatayan lamang.


Hinggil dito ay sinabi,



Ang tagapamagitan ng Dios sa tao
DEUT 30 :
10
  Kung iyong susundin ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang tuparin mo ang kaniyang mga palatuntunan na nasusulat sa AKLAT na ito ng KAUTUSAN (Torah). Kung ikaw ay MANUNUMBALIK sa Panginoon mong Dios ng iyong boong puso, at ng iyong boong kaluluwa.
 
11  Sapagka’t ang UTOS na ito na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, ay HINDI TOTOONG MABIGAT sa iyo, ni MALAYO. (1 Juan 5:3) 
12  Wala sa langit, upang huwag mong sabihin, SINONG SASAMPA SA LANGIT PARA SA ATIN, at MAGDADALA niyaon sa atin, at MAGPARINIG sa atin, upang ating MAGAWA. 
13  Ni wala sa dako roon ng dagat, upang huwag mong sabihin, SINO ANG DARAAN SA DAGAT PARA SA ATIN, at MAGDADALA niyaon sa atin, at MAGPAPARINIG sa atin, upang ating MAGAWA. 
14  KUNDI ANG SALITA AY TOTOONG MALAPIT SA IYO, SA IYONG BIBIG, at sa iyong PUSO, upang iyong MAGAWA.

EXO 20 :
6
 At pinagpapakitaan ko ng KAAWAAN ang libolibong UMIIBIG SA AKIN at TUMUTUPAD NG AKING MGA UTOS. 

Ang mga iyan nga ay ayon sa balumbon ng mga banal na aral mula sa Tanakh ng Dios, na mga katunayang naghahayag sa nagtutumibay, na katotohanang matuwid tindigan at isabuhay ng sinoman sa kalupaan. Gayon nga rin sa mga salita, o aral (Katuruang Cristo) na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo, ay gaya nga ng katotohanan na mababasa sa ibaba. 
MATEO 22 :
36  Guro, alin baga ang DAKILANG UTOS sa KAUTUSAN? 
37  At sinabi sa kaniya, IIBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIOS NG BOONG PUSO MO, AT NG BOONG KALULUWA MO, AT NG BOONG PAGIISIP MO. (Deut 6:5) 
38  Ito ang DAKILA AT PANGUNANG UTOS. 
39  At ang PANGALAWANG KATULAD ay ito, IIBIGIN MO ANG IYONG KAPUWA NA GAYA NG IYONG SARILI. (Lev 19:18, Mat19:19) 
40  SA DALAWANG UTOS NA ITO’Y NAUUWI ANG BOONG KAUTUSAN, AT ANG MGA PROPETA.

JUAN 14 :
31
 Datapuwa’t upang maalaman ng sanglibutan na ako’y umiibig sa Ama, at ayon sa
KAUTUSANG IBINIGAY SA AKIN NG AMA, AY GAYON DIN ANG AKING GINAGAWA ... (Roma 3:28)

JUAN 12 :
50
 At nalalaman ko na
ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
Ang matibay na patotoo hinggil sa usaping ito ay iniluwal na mismo ng sariling bibig ng Cristo. Ang katuruan ngang iyan ay higit sa sapat, upang mapag-unawa ng lahat, na may nag-iisang paraan lamang sa ikapagtatamo ng kapatawaran ng kasalanan, at kaligtasan ng kaluluwa ninoman.

Courtesy of Google Images
Narito, at napakaliwanag na ang kaisaisang tulay sa ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan ay ang kautusan ng pagibig sa Dios at ang kautusan ng pag-ibig sa kapuwa

Kautusan kung gayon ang namamagitan sa tao at sa Dios, upang ang sinoman mula sa pangpang ng lupa ay makalipat na maluwalhati sa pangpang ng langit. Ang kalawakan na naghihiwalay sa dalawang (2) dimensiyon (lupa at langit) na nabanggit ay kautusan ng Dios ang siyang katotohanang nag-uugnay. 


Kaya’t kung ang sinoma’y gagamit ng tulay (kautusan) ay walang pagsalang siya’y makakatawid sa kalawakang nabanggit, at hahantong sa kung saa’y nananatili ang buhay na hindi napaparam, sa makatuwid baga’y yaong buhay na walang hanggan.


Gayon ma’y nalalaman namin na ang katuwirang ito’y tiyak na sasalagin ng marami, sa pamamagitan ng mga salitang nasasaad sa Juan 14:6. Nguni’t bago namin isaad ang talata ay tunghayan nyo muna ang ilang katunayan na masusumpungan sa aklat pa rin ni Juan, nang sa gayo’y mapag-unawa natin, kung sino nga ba ang totoong nagsaad sa nabanggit na talata, na sinasabi,


JUAN 12 : 
49  Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN. 

JUAN 14 :
10  Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang AMA na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.  
JUAN 14 :
24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.
Napakaliwanag na itong si Jesus ay hindi nagsasalita ng anoman mula sa sarili niyang pagmamatuwid, kundi ang Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban ang siyang nagsasalita ng kaniyang mga salita (Katuruang Cristo). Kaya’t nang sa bibig niya’y lumabas ang mga salita, na sinasabing


JUAN 14 : 
6 Sinabi sa kaniya ni Jesus, AKO ANG DAAN, at ang KATOTOHANAN, at ang BUHAY: SINOMAN AY DI MAKAPAROROON SA AMA, KUNDI SA PAMAMAGITAN KO.

Katotohanan ngang hindi si Jesus sa kaniyang sarili ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay, kundi yaong nabanggit na Espiritu ng Dios na nasa kaniya. Ano pa’t maliwanag ang sinoma’y hindi makaparoroon sa Ama, kundi sa PAMAMAGITAN ng Espiritu na iyon. Sapagka’t tungkol sa katotohanan ay sinabi,
1 JUAN 2 : 
4  Ang nagsasabing nakikilala ko siya, at HINDI TUMUTUPAD NG KANIYANG MGA UTOS ay SINUNGALING,  at ang KATOTOHANAN AY WALA SA KANIYA.  
2 JUAN
4 Ako’y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak na NAGSISILAKAD SA KATOTOHANAN, ayon sa ating tinanggap na UTOS sa AMA.
Kung ang kautusan ng Dios ay ang katotohanan, at ang katotohanan ay inaaring ganap nitong Espiritu ng Dios na nasa kay Jesus. Maliwanag nga kung gayon, na sinoma’y hindi makaparoroon sa Ama, kundi dahil sa nagtutumibay na kautusan ng nag-iisang Dios ng langit. Ang pagsunod sa kautusan sa makatuwid ang napakaliwanag na, 


"Kaisaisang daan tungo sa buhay na walang hanggan."

Dahil dito’y napakaliwanag na ang mga "kautusan ng pagibig sa Dios at kautusan ng pag-ibig sa kapuwa" ay may anyong lumalarawan sa nabanggit na Espiritu, na siya ring Espiritu na nananatili ng magpasawalang hanggan. Iyan ang kaisaisang tagapamagitan ng Ama sa mga tao. Sa makatuwid baga’y Espiritu ang kautusan, at ang kautusan ay Espiritu.

Na sinasabi,
JUAN 6 :
63  Ang Espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinasalita ko sa inyo ay pawang Espiritu, at pawang buhay.

Courtesy of Google Images
Palibhasa’y mga salitang nangagsilabas sa bibig ng Dios ang mga kautusan ay katotohanang nagtutumibay na yaon ay Espiritu, at ang sinomang makipag-isa sa Espiritu ay tunay na nakipagisa sa Dios. Sa pamamagitan nito’y makaparoroon nga ang sinoman sa kaharian ng langit, upang kamtin ang buhay na walang hanggan. 

Ang sinoman ngang laban sa kautusan ay laban sa Espiritu ng Dios, at 


"Malibang siya’y tumalima sa kautusan ay hindi siya makaparoroon sa Ama." 

Sapagka’t katotohanang sinoma’y hindi magtatamo ng buhay na walang katapusan, kundi sa pamamagitan ng kautusan, na madiing winika ng sariling bibig ng Cristo,

Gaya ng napakaliwanag na nasusulat,
JUAN 12 :
50
 
 At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.

Sa pagtatapos ng usaping ito’y nahayag sa maliwanag, kung ano ang nananatili magpakailan kailan man, na siyang tagapamagitan ng Dios sa mga tao. 

Sa makatuwid ay walang iba kundi ang, 


"Kautusan na nangatatatag na magpasawalang hanggan" 

at sa pamamagitan ng pagtalima sa mga yaon ay naliligtas ang kaluluwa at natutubos ang sala ng sinoman. 

Kaya maipasisiyang isang malaking kahangalan at kahibangang sabihin, na si Jesus ang siyang tagapagligtas ng kaluluwa at siya rin ang manunubos ng sala ninoman sa kalupaan. Ang banal na gawaing iyan ay maliwanag na binibigyang diin ng ilang sumusunod na katiwatiwalang katunayang biblikal (Tanakh), na sinasabi, 

ISA 43 :
11  Ako, sa makatuwid baga’y ako, ang Panginoon; at LIBAN SA AKIN AY WALANG TAGAPAGLIGTAS.
ISA 44 :
6  Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang MANUNUBOS, na Panginoon ng mga Hukbo, AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI; at LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.
Kung iisa nga lamang ang Dios na nasa langit ay nararapat ngang tanggapin ng lahat, na siya’y gayon ngang kaisaisang persona lamang sa likas niyang kalagayan. Kaya’t matuwid nating tindigan, na sa kaluwalhatian ng langit, ni sa silong man nito ay walang ibang Dios na kikilalanin ang sinoman, kundi ang kaisaisang Ama lamang ng langit, na walang iba kundi si YHVH (YEHOVAH).

ITO ANG KATURUANG CRISTO.
(Na tanyag sa katawagang Evangelio ng Kaharain. Ang taglay na aral pangkabanalan nito ay higit sa sapat, upang kamtin ng sinoman ang kaligtasan (katubusan) ng kaniyang kaluluwa at kapatawaran ng sarili niyang kasalanan. 

Mula sa kahustuhan ng mga sagradong aral na masusumpungan sa Katuruang Cristo ay wala na ngang anomang pangangailangan pa, na ilagak ang ating paniniwala sa ibang evangelio (evangelio ng di pagtutuli), na ang natatanging layunin ay kumaladkad lamang ng kaluluwa sa tiyak na kapahamakan nito.

Kapansin pansin na sa buong nilalaman ng akdang ito ay walang ginamit na alin man sa katuruang Pablo bilang patibayang aral. Ano pa't sa pamamagitan lamang ng Katuruang Cristo ay naipakita ng luboslubusan sa atin, na ang tulay na nag-uugnay sa pampang ng lupa at sa pampang ng langit ay nagtutumibay sa dakila nitong layunin. Na ang lahat ng kaluluwa ay maluwalhating maitawid mula sa rumaragasang unday ng kapahamakan at nagngangalit na ulos ng kamatayan.) 

Tamuhin ng bawa't isa ang masaganang biyaya na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungan na may unwa, at buhay.

Hanggang sa muli, paalam.



SUPPORT:



1 komento:

  1. Hello

    I visited your web site earlier today and firstly wanted to congratulate you on the appearance, excellent content and accessibility I discovered there. It is not often I come across a web site that offers such a positive user experience and great information too.

    You can add your site free to:
    1. Religion and Spirituality Top Sites Pokrov http://top.pokrov.com
    2. Religion and Spirituality Link Exchange Directory Pokrov http://directory.pokrov.com
    3. Link Exchange Directory Pokrov 22 http://directory.pokrov22.net
    4. You can advertise your website for free or pay on my website http://welcome.pokrov.com/en/advertisers

    If you have any questions or concerns, please don't hesitate in contacting me by replying to this email. I will then get back to you as soon as possible.

    Web Site Administrator

    TumugonBurahin