Lunes, Nobyembre 2, 2015

Sino si JAH, YAH


Courtesy of Google Images
Sa King James Version (KJV) ng bibliya, ang יהּ (YH) na mula sa saling “LORD *H3050  ay binanggit ng 28 ulit sa 24 na talata nito. 

Samantalang sa Awit 68:4 ay binanggit ang **JAH” na kuha sa silanganin (eastern) tradisyon, na ang ibig sabihin sa kalakarang Tanakh ay יה (YH).

Kung babasahin iyan ay “YAH” mula sa kanluraning (Western) transliterasyon sa wikang Ingles na pinahikling ****YHWH (Yahweh). 

Kabilang ang Awit 68:4 ay nasa 29 na ulit natala ang Strong’s Number H3050 sa 25 talata ng Tanakh. Ibig sabihin niyan ay 29 na ulit na binanggit ng mga banal ng Dios ang mga letrang יה (YH) na siyang unang dalawang letra (YH) ng tetragramaton (יהוה ***YHVH).

Sa pagtatapos ng akdang ito ay mauunawaang mabuti, kung totoo nga ba, o hindi, na sa balumbon ng mga sagradong kasulatang nabanggit ay iisa lamang ang pangalan na ibinigay ng Dios sa kaniyang mga banal.

(*      = Strong's Numbers)
(**     = KJV ASV   JHVH [JEHOVAH [JAH])    - Exo 6:3, Psa 68:4
(***    = PHHNB     YHVH [YEHOVAH [YEH]) -  Exo 6:3, Exo 17:16
(****   = HCSB        YHWH  [YAHWEH [YAH]) - Exo15:3, Isa 12:2, Isa 26:4


Palayaw at Bansag

Ang pangalang יהּ (YAH) ay totoong hindi maituturing na panibagong pangalan nitong Dios ng Tanakh. Iyan, kung baga sa tao ay palayaw na itinatawag sa kapuwa nila tao. Gaya halimbawa ng pangalang “Matthew’, na ang kaukulang palayaw ay “Mat”. Gayon din ang pangalang “Gabriel” ay tinatawag sa palayaw na “Gab”, o “Gabby”.

Ang “palayaw” ay lubhang napakalaki ng kaibahan sa “bansag”, sapagka’t iyan ay katawagan sa sinoman na iniuugnay sa ibang tao, bagay, hayop, kalikasan at iba pa. 

Si Jose halimbawa ay likas na may kalakihan ang mga paa, at dahil diyan ay binansagan siyang “paa”. Sinoman na nakakakilala sa kaniya, imbis na pangalan (Jose), o palayaw (Joe) ang tawagin ay bansag na “paa” ang naibubulalas. Ang ibig sabihin nito ay si “Jose” na may palayaw na “Joe” ang tuwirang tinutukoy ng malalapit niyang kakilala, kapag hinahanap nila si “paa”.


Unang dalawang letra ng YHVH

Ang יהּ YH ay ang unang dalawang letra יהּ (YH) ng  יהוה (YHVH), at lumalabas na ang una ay pinahikling יהוה (YHVH) lamang, at sa gayo’y madiing ipinahahayag nitong balumbon ng Tanakh, na ang  יהּ YH (YAH) ay palayaw lamang ni יהוה (YEHOVAH). 

Iyan ay hindi maituturing na ibang pangalan ng Dios, kundi palayaw na masiglang sinambit ng sariling bibig ni Moses, David, at Isaias. Sapagka’t iyan ay mula sa una at pangalawang letra ng orihinal na pangalan ng Dios, at dahil diyan ay napakaliwanag na ang יהּ (YH) o ang transliterasyon nito na “YAH” ay hindi kailan man umugnay sa ibang pangalan, kundi sa יהוה (YHVH) lamang.

Ang יהוה (YHVH) na siyang etimolohiya, o pinagmulang salita ng יה (YH) ay naghahayag ng nag-iisang kahulugan lamang, na tumutukoy ng ganap sa kaisaisang Dios ng langit. 

Iyan ayon sa mga balumbon ng Tanakh ay isang napakatibay na katunayan, na hindi kailan man naging dalawa, o tatlo, o pagkadamidami man ang pangalan ng Dios. Kundi iyon ay nanatili sa iisang pangalan lamang. Iyan nga ang יהוה (YHVH), na ang isa sa ilang transliterasyon nito ay YEHOVAH”. 

Ano pa’t sa kabuoan ng Tanakh (Torah, Nevi’im, at Katuvim) ay walang ibang pangalan ng Dios na ipinakilala, kundi ang kaisaisang pangalan lamang na iyan. 

Gayon ma’y tinawag siya sa kaniyang palayaw (YAH) at Siya ay tinawag sa hindi kakaunting mga katangian, o pag-aangkin (El Shaddai, Elohiym, Elyon, Avinu, Nisi, Osenu, Ro’I, Roph’ekha, etc) na siyang kinilalang mga pamimitagang katawagan, o bansag sa Dios (יהוה [YEHOVAH]) ng Tanakh.

Ang isang katotohanan na nagtutumibay hinggil sa talakaying ito ay maliwanag pa sa sikat ng araw, na ang mga naunang bumanggit ng palayaw na יהּ (YH)  kay יהוה (YEHOVAHay walang iba, kundi sila Moses, David, at Isaias. 

Samantalang saan man at kailan man sa buong balumbon ng Tanakh ay hindi nagpakilala ang Dios sa ibang pangalan, kundi sa kaisaisang pangalang יהוה (YEHOVAHlamang. Iyan nga lang ang nag-iisang pangalan ng Dios na mababasa sa simula hanggang sa katapusan ng nabanggit na dakilang balumbon ng mga tunay na aral pangkabanalan (Tanakh).

Ang palayaw ng Dios na "YH" sa makatuwid ay hindi ibinigay ng Dios, upang sa kaniya ay itawag ng mga tao, kundi katotohanan na sila lamang ang tumawag ng gayon sa Kaniya, gaya ni Moses, David, Isaias, at iba pa

Hindi nangangahulugan na nagkaroon na ng ibang pangalan ang sinoman. Bagkus, ang palayaw ay pinahikling pangalan lamang ng isang tao, na kinuha mula sa ilang unang letra, o mula sa ilang huling letra ng kaniyang pangalan.

Sa mga mambabasa ng bibliya ay isang malaking kalituhan ang tungkol sa salitang **JAH, o ****YAH. Ayon sa hidwang pagkaunawa ng marami ay kabilang ang mga iyan sa hindi kakaunting pangalan ng Dios. Gayon ma’y nananatili ang matibay na paninindigan ng mga banal ng Tanakh, na ang Dios sa kalagayang ISA ay taglay ang nag-iisa at walang hanggang pangalan lamang. Siya mismo ang nagbigay nito sa Kaniyang mga banal.

Gaya ng napakaliwanag na nasusulat.


Exo 3 :
15  And God said moreover unto Moses, Thus shalt thou say unto the children of Israel, The LORD H3068 God of your fathers, the God of Abraham, the God of Isaac, and the God of Jacob, hath sent me unto you: THIS IS MY NAME FOR EVER, and THIS IS MY MEMORIAL UNTO ALL GENERATIONS.
(And God said moreover unto Moses, Thus shalt thou say unto the children of Israel, YEHOVAH the God of your fathers, the God of Abraham, the God of Isaac, and the God of Jacob, hath sent me unto you: THIS IS MY NAME FOR EVERAND THIS IS MY MEMORIAL UNTO ALL GENERATIONS.
(At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni YEHOVAH, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.) 

Kung ang JAH o YAH ay totoong pangalan ng Dios ay tila magkakaroon na nga yata ng salungatan ang mga nilalamang aral pangkabanalan ng tatlong (3) dibisyon ng Tanak (Torah, Nevi’im, at Ketuvim). Nguni’t sa akdang ito ay banayad at bahabahagdang nilinaw ang tungkol sa kontrobersiyal na usaping may kinalaman diyan.

Bago nga ang lahat ay dapat maunawaan ng bawa't isa. na hindi kailan man lumapat sa salitang LORD ang pangalan ng Dios. יהוה (YHVHang kaisaisang pangalang nasusulat sa masoretic text (miqra) na lalong kilala sa katawagang Tanakh. Iyan ang canon ng Hebrew Bible.

Ang mga sumusunod na katunayang Tanakh (biblikal) ay naglalahad ng mga katibayan, na ang salin na LORD na may Strong's numbers H3050 ay ganap na tumutukoy sa salitang Hebreo, na YAH. Dahil diyan, ang mababasa sa KJV ng bibliya na JAH (Psa 68:4) ay katotohanan na mistranslation lamang. 



Inihalili ang letrang "J" sa letrang "Y"

Sa saling Ingles, ang unang letra ng tetragramaton (Yod [י]), na “Y” ay pinalitan ng letrang “J”. Ang יהּ (YAH) sa kalakarang Hebreo, nang maisalin sa kaugaliang Latino ay naging JAH. Gayon din ang יהוה (YEHOVAHnang maisalin sa wikang Ingles ay naging JEHOVAH. 

Kaya naman, ang יהוה (YEHOVAH) na siyang pangalan ng kaisaisang Dios ng Tanakh ay nakurap ng husto, at dahil diyan, ang kasagraduhan ng tunay na pangalan ay nahalinhan ng tunog na hindi kaibig-ibig sa pandinig ni יהוה (YEHOVAH), na kaisaisang Dios na nasa langit.

Sinoman nga’y hindi sasang-ayon, kung ang kaniyang pangalan ay papalitan ng ibang letra, upang ito ay bigkasin ng kaibang kaiba kung papaano binibigkas ang tunay niyang pangalan. 

Matutuwa ka ba sa kapuwa mo, kung ang iyong pangalan ay papalitan niya ng ibang mga letra, upang ito ay bigkasin niya ng lubhang malayo sa hustong pagbikas ng iyong pangalan? Bakit nga kailangang niyang gawin ang gayong kahangalan, samantalang maaari at magaan naman niyang mabibigkas ang iyong pangalan alinsunod sa mga letra nito.

Napakagaan naman sa sinoman na bigkasin ang YHVH sa baybay na יהוה (YHVH). Gayon ma’y hindi ikinasiya iyon ng mga Ingles at Latino, at ang “Y” ay walang anoman nilang pinalitan ng letrang “J”. 

Papaano kung gayon magiging makatotohanan ang pangalang JEHOVAH, samantalang walang kabilang na letrang “J” sa alpabetong Hebreo. Ang יהוה (YHVH) ay ang hustong transliterasyon ng Tetragramaton (YHVH). 

Ang pangalang Jah at Jehova batay sa katuwiran ng Tanakh ay ilan lamang sa malaking kalipunan ng mga huwad na pangalan ng Dios. 



Ang JAH (Mistranslation)

PSA 68 :
4  Sing unto God, sing praises to his name: extol him that rideth upon the heavens by his name JAH, H3050 and rejoice before him.
(Sing unto God, sing praises to his name: extol him that rideth upon the heavens by his name JAH, and rejoice before him.
(Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan: ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang; ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.) 

Diyan ay iminumunkahi niya sa lahat na sila’y magsi-awit ng kapurihan sa pangalan ng Dios. Gayon ma’y hindi niya binanggit ang kaniyang pangalan (יהוה [YEHOVAH]). Nguni’t siya na nangangabayo sa mga ilang na nagngangalang JAH, H3050 ay kailangan nilang ipaghanda ng maluwang na lansangan. 

Sa talata ngang iyan ay napakaliwanag na ang tinutukoy na JAH, H3050 ay walang iba, kundi ang winika na nangangabayo sa mga ilang. Sa nabanggit na talata ay maliwanag na tumutukoy sa “YAH”  ang JAH, H3068.

(Batayan nito ay ang una at pangalawang letra ng YHVH, ang "YH" na tumutukoy sa pangalan ng Dios.)

Ang YAH

EXO 15 :
2  The LORD H3050 is my strength and song, and he is become my salvation: he is my God, and I will prepare him an habitation; my father's God, and I will exalt him.
(YAH  is my strength and song, and he is become my salvation: he is my God, and I will prepare him an habitation; my father's God, and I will exalt him.)
(Si YAH ay aking lakas at awit, At siya'y naging aking  kaligtasan: Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin. Dios ng aking ama, at siya'y aking tatanghalin.)

Sa talatang iyan sa itaas ay maliwanag na ipinahahayag ni Moses, na ang Dios na tinawag niyang Dios sa palayaw na יהּ (YAH) ang siya niyang naging tagapagligtas. Sa talata ay si יהּ (YAH) ang palayaw ng Dios, na itinatanghal, kinikilala, pinaglilingkuran, at sinasambang Dios ni Moses at ng kaniyang ama.


PSA 68 :
18 Thou hast ascended on high, thou hast led captivity captive: thou hast received gifts for men; yea, for the rebellious also, that the LORD H3050 God might dwell among them.
(Thou hast ascended on high, thou hast led captivity captive: thou hast received gifts for men; yea, for the rebellious also, that YAH God might dwell among them.)
(Sumampa ka sa mataas, pinatnubayan mo ang iyong bihag sa pagkabihag; tumanggap ka ng mga kaloob sa gitna ng mga tao, Oo, pati sa mga mapanghimagsik, upang makatahang kasama nila si YAH na Dios.)

Sa talatang iyan ay sinasabing si YHVH (YEHOVAH) ay pumailanglang sa kaitaasan, at Siya na Dios ay pinapatnubayan ang sambahayan ni Israel na humantong sa pagka-alipin ng mga bansa, at Siya (YEHOVAH) ay tumanggap ng mga kaloob (iba't ibang handog) mula sa mga tao, gayon din sa mga masuwayin, upang sila'y makapamuhay na kasama si YH (YAH) na palayaw ng kanilang Dios.

PSA 77 :
11  I will remember the works of the LORD: H3050  surely I will remember thy wonders of old.
(I will remember the works of YAH: surely I will remember thy wonders of old.)
(Babanggitin ko ang mga gawa ni YAH; sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una.)

PSA 94 :
Yet they say, The LORD H3050 shall not see, neither shall the God of Jacob regard it.
(Yet they say, YAH shall not see, neither shall the God of Jacob regard it.)
(At kanilang sinasabi, si YAH ay hindi makakakita, ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito.)

PSA 94 :
12  Blessed is the man whom thou chastenest, O LORD, H3050 and teachest him out of thy law;
(Blessed is the man whom thou chastenest, O YAH, and teachest him out of thy law;)
(Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh YAH, at tinuturuan mo sa iyong kautusan.)


Ang Dios na si יהוה (YHVH) sa palayaw niya na יהּ (YAH) ay may mga kautusan (Torah) na itinuturo sa mga tao. Siya ang kaisaisang Dios na makapangyarihang umiiral at naghahari sa langit at lupa. 

Ang mga tao ay nagkakasala sa Dios at sila ay nagtatamo ng kaparusahan mula sa Kaniya, gayon ma’y mapalad sila, sapagka’t mula sa kaparusahan ay nalalaman nila ang mga nangagawa nilang pagsalangsang sa kautusan. 

Dahil diyan ay may lubhang malaking pagkakataon na mailagay nila ang kanilang mga kilos at gawa alinsunod sa kautusan ng Dios na si יהּ (YAH).

PSA 102 :
18  This shall be written for the generation to come: and the people which shall be created shall praise the LORD. H3050
(This shall be written for the generation to come: and the people which shall be created shall praise YAH)
(Ito'y isusulat na ukol sa lahing susunod: at ang bayang lalalangin ay pupuri kay YAH.)

PSA 105 :
45  That they might observe his statutes, and keep his laws. Praise ye the LORD. H3050
(That they might observe his statutes, and keep his laws. Praise ye YAH.)
(Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan, at sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin ninyo si YAH.)

Ang Dios nga sa palayaw na יהּ (YAH) ay may mga iniingatang palatuntunan at mga kautusan (Torah) na nararapat sundin ng lahat ng mga tao sa kalupaan. Sapagka’t iyan ang natatangi niyang kalooban na kung susundin, at kung isasabuhay ng sinoman ay sukat upang kamtin niya sa kaniyang kabuoan ang totoong kabanalan na sumasa Dios.

PSA 113 :
He maketh the barren woman to keep house, and to be a joyful mother of children. Praise ye the LORD. H3050
(He maketh the barren woman to keep house, and to be a joyful mother of children. Praise ye YAH.)
(Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae, at maging masayang ina ng mga anak. Purihin ninyo si YAH.)

PSA 115 :
17  The dead praise not the LORD, H3050 neither any that go down into silence.
(The dead praise not YAH, neither any that go down into silence.)
(Ang patay ay hindi pumupuri kay YAH, ni sinomang nabababa sa katahimikan;)
Mga karagdagang Sanggunian: Psa 115:18, Psa 118:5, Psa 118:14

Sa palayaw na יהּ (YAH), ang Dios na si יהוה (YHVH) ang siyang kalakasan at awit ng sinoman sa kalupaan, at Siya din ang kaisaisang tagapagligtas ng kaluluwa sa anomang napipintong kapahamakan nito. 

Gayon man ay may pangangailangan na ang sinoma’y matutong sumunod sa Kaniyang mga kautusan, upang maging totoong malakas at kamtin sa kaniyang kabuoan ang kaligtasan, mula sa anomang uri ng kasamaan sa kalupaan.

PSA 118 :
17  I shall not die, but live, and declare the works of the LORD. H3050
(I shall not die, but live, and declare the works of YAH.)
(Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ni YAH.)
Mga Karagdagang Sanggunian: Psa 118:18-19, Psa 130:3, Psa 135:4


Nang dahil nga sa pagiging isang matapat na anak ng pagsunod nitong si Jacob ay pinagpala siya ni יהּ (YAH), at siya ay inari Niya sa ngalang Israel na natatangi Niyang yaman sa kalupaan. 

Ang ISRAEL ay isang pangalan na sumisimbulo sa kalipunan ng mga “ANAK NG PAGSUNOD”, at iyan ang maaaring itawag sa sinomang may kasiglahan at galak sa puso na tumatalima sa natatanging kalooban (kautusan) ni יהּ (YAH). 



PSA 147 :
Praise ye the LORD: H3050 for it is good to sing praises unto our God; for it is pleasant; and praise is comely.
(Praise ye YAH: for it is good to sing praises unto our God; for it is pleasant; and praise is comely.)
(Purihin ninyo si YAH; sapagka't mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios; sapagka't maligaya, at ang pagpuri ay nakalulugod.)

PSA 147 :
20  He hath not dealt so with any nation: and as for his judgments, they have not known them. Praise ye the LORD. H3050
(He hath not dealt so with any nation: and as for his judgments, they have not known them. Praise ye YAH.)
(Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa: at tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman. Purihin ninyo si YAH.)

Si יהּ (YAH) sa ngalang יהוה (YHVH) kung gayon ay hindi gumawa ng anomang paglalahad ng Kaniyang  mga salita, na tumutukoy sa Kaniyang mga kahatulan at mga palatuntunan sa alin mang bansa sa kapanahunang iyon. Iyan ay dahil sa ang Jacob (Israel) lamang ang natatanging bayan na kinasumpungan niya ng maalab, masigla, bukal sa puso at walang kapaguran na pagsunod sa kaniyang kalooban (kautusan). Dahil diyan ay kagalakan sa Israel ang awitan at papurihan ang kaisaisang Dios na si יהוה (YHVH[יהּ YAH]).

PSA 148 :
14  He also exalteth the horn of his people, the praise of all his saints; even of the children of Israel, a people near unto him. Praise ye the LORD. H3050
(He also exalteth the horn of his people, the praise of all his saints; even of the children of Israel, a people near unto him. Praise ye YAH.)
(At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan, ang papuri ng lahat niyang mga banal; sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, na bayang malapit sa kaniya. Purihin ninyo ang YAH.)

Ang layunin ng sungay ay bilang sandata ng bayan ng Dios, upang labanan at gapiin ang kasamaan na naglipana sa kaniyang paligid. Iyan ay sumisimbulo sa kapangyarihang ibinibigkis ni יהוה (YHVH[YAH]) sa kaniyang bayan at sa sino pa man, na masiglang naglalayo sa kaniya sa anomang kapahamakan. 

Sa hayop ay walang ipinagkaiba, sapagka’t ang kaniyang sungay ay ginagamit bilang proteksiyon, upang ipagtanggol ang kaniyang sarili laban sa mga ka-uri nya at sa ibang mga hayop na maninila. Dahil sa kagandahang loob na iyan ni יהּ (YAH) ay ganap Siyang pinapupurihan ng mga banal, na tumutukoy sa mga anak ni Israel – ang bayang higit na malapit sa Kaniyang sariling kalooban.

PSA 149 :
To execute upon them the judgment written: this honour have all his saints. Praise ye the LORD. H3050
(To execute upon them the judgment written: this honour have all his saints. Praise ye YAH.)
(Upang magsagawa sa kanila ng hatol na nasusulat: mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal. Purihin ninyo si YAH.)


ISA 38 :
11  I said, I shall not see the LORD, H3050 even the LORD, H3050in the land of the living: I shall behold man no more with the inhabitants of the world.
(I said, I shall not see YAH, even YAH, in the land of the living: I shall behold man no more with the inhabitants of the world.)
(Aking sinabi, hindi ko makikita si YAH, si YAH sa lupain ng buhay: Hindi ko na makikita pa ang tao, na kasama ng mga nananahan sa sanglibutan.)
Mga Karagdagang Sanggunian: Psa150:1, Psa 150:6

Sa pagpapatuloy ay narito, at sa mga talata ay magkasama ang יהּ (YAH) at יהוה (YHVH) na mababasa sa ilang talata sa dakong ibaba. Diyan ay mapapatotohanan at mabibigyang diin, na ang יהוה (YHVH)  at יהּ (YAH) ay hindi dalawang magkaibang pangalan, kundi ang una (YEHOVAH) ay ang orihinal na pangalan nitong Dios ng Tanakh at ang pangalawa (YAH) ay ang palayaw lamang Niya.


Ang YAH at YEHOVAH

A
ng magkasamang יהּ (YAH) at  יהוה (YHVH) sa mga talata ay natatala sa aklat ng Exodo, aklat ng mga Awit, at sa aklat ni propeta Isaias. Sa KJV, iyan ay 18 ulit na mababasa ng napakaliwanag.

Na sinasabi,

EXO 17 :
16  For he said, Because the LORD H3050 hath sworn that the LORDH3068 will have war with Amalek from generation to generation.
(For he said, Because YAH hath sworn that YEHOVAH will have war with Amalek from generation to generation.)
(At kaniyang sinabi, Isinumpa ni YAH: si YEHOVAH ay makikipagdigma kay Amalec sa buong panahon ng lahi nito.)

PSA 89 :
8  O LORDH3068 God of hosts, who is a strong LORDH3068 like unto thee? or to thy faithfulness round about thee?
(O YEHOVAH God of hosts, who is a strong YAH like unto thee? or to thy faithfulness round about thee?)
(Oh YEHOVAH na Dios ng mga hukbo, sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh YAH? At ang pagtatapat mo'y nasa palibot mo.)
Mga Karagdagang Sanggunian: Psa 104:35, Psa 106:1, Psa 106:48, Psa  111:1, Psa 112:1, Psa 113:1, Psa 116:19, Psa 117:2, Psa 122:4, Psa 135:1, Psa 135:3, Psa 135:21, Psa 146:1, Psa 146:10, Psa 148:1, Psa 149:1, 


Sa mga talata sa itaas ay hindi mahirap maunawaan, na ang יהּ (YAH) at  יהוה (YEHOVAH) ay hindi dalawang magkaibang pangalan, kundi ang dalawa ay iisang pangalan lamang. 

Diyan ay napakaliwanag na ipinakita, kung paano ang palayaw at ang pangalan ng Dios ay pinagsasama sa ilang talata sa balumbon ng Tanakh. Diyan ay makikita ng napakaliwanag, na pinupuri ang palayaw, samantalang inaawitan ang pangalan ng mga bagong awit.

Purihin ninyo si YAH. Magsiawit kayo kay YEHOVAH ng bagong awit, at ng kaniyang kapurihan sa kapisanan ng mga banal.)

Purihin ninyo si YAH; sapagka't si YEHOVAH ay mabuti: magsiawit kayo ng mga pagpuri sa KANIYANG pangalan; sapagka't maligaya.)

Maghahari si YEHOVAH magpakailan man. Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi. Purihin ninyo si YAH.


Ayon pa, ang יהּ YAH at  יהוה  (YEHOVAH) ay kapansinpansin na kapuwa “LORD” (all caps) ang pagkakasalin. Gayon ma’y nagkaiba lamang sa kaakibat nitong Strong’s Numbers. LORD. H3050 ang tumutukoy sa palayaw na  יהּ (YAH). LORD H3068 naman ang ganap na tumutukoy kay יהוה  (YEHOVAH). 

Kaya nga kung ang sinoman ay hindi babatay sa Strong’s Concordance ay tiyak na siya ay magkakamali sa pagkilala sa mga mahahalagang bagay at usapin na gaya ng salitang LORD, Lord, at lord. 

Dahil sa kakulangan ng kaalamang gaya niyan ay lubhang marami ang mga tao, na hanggang sa ngayon ay hindi pa nauunawaang lubos ang napakahalagang kaibahan ng mga salitang nabanggit.

Ang Strong’s Numbers ay mga numero na inilapat sa bawa’t orihinal na salita ng Tanakh sa wikang Hebreo. Ang saling Ingles nitong KJV gaya ng mga halimbawang talata sa itaas ay may katabing maliliit na numero, na nagsasalin ng salitang Ingles sa kahulugan nito sa wikang Hebreo. 

Sa pamamagitan niyan ay para na ring natuto kang bumasa ng salitang Hebreo, dahil ang bawa’t salita sa wikang Ingles ay may kaakibat na kahulugan (Strong's Numbers) pabalik sa wikang Hebreo.



Ang magka-agapay na YAH at YEHOVAH 
(YH at YHVH)

Sa natitira pang dalawang talata ay pinagsunod ang palayaw at pangalan, sa layuning bigyang diin ang kaisahan ng tila dalawang pangalang iyan. Kung paano ipinakita ni propeta Isaias ang gayon ay malinaw na mababasa sa ibaba, at gaya ng nasusulat ay madiing sinabi,

ISA 12 :
Behold, God is my salvation; I will trust, and not be afraid: for the LORD H3050 JEHOVAH H3068 is my strength and my song; he also is become my salvation.
(Behold, God is my salvation; I will trust, and not be afraid: for YAH YEHOVAH is my strength and my song; he also is become my salvation.)
(Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: sapagka't si YAH YEHOVAH ay aking kalakasan at awit; at SIYA'Y naging aking kaligtasan.)

Wika ni propeta Isaias ay Dios ang kaniyang kaligtasan, at siya aniya ay titiwala sa kaniya at hindi matatakot, sapagka’t si YAH YEHOVAH ang kaniyang kalakasan, at SIYA aniya ay naging kalakasan niya sa kaniyang sarili. 

Binibigyan niya ng diin ang kaisahan ng pangalang iyan, nang banggitin niya ang salitang “SIYA”. Iyan nga ay pagpapahayag ng kaisahan, sapagka’t hindi niya ginamit ang salitang “SILA”. 

ISA 26 :
Trust ye in the LORD H3068 for ever: for in the LORD H3050 JEHOVAH H3068 is everlasting strength:
(Trust ye in
YEHOVAH for ever: for in YAH YEHOVAH is everlasting strength.
(Magsitiwala kayo kay YEHOVAH magpakailan man: sapagka't na kay YAH YEHOVAH ang walang hanggang lakas.

Narito, at iminumungkahi ni propeta Isaias sa atin na tayo’y magsitiwala kay YHVH magpakailan man. Sapagka’t nalalaman niya na, na kay YH YHVH ang inaasam ng marami na walang hanggang lakas.

Sa akdang ito ay nabigyang linaw ang malabong pagka-unawa sa tunay na anyo ng salitang YAH at YEHOVAH. Ngayo’y hindi na makapaghahatid pa sa inyo ng anomang kalituhan at pag-aalinlangan ang tungkol sa usapin na may kinalaman diyan. Bagkus ay ilaw na sa anomang sandali ay maaari ninyong magamit, upang tanglawan din naman ang isipan ng sinoman sa ating mga kapatid.

"Siya na may maunlad na kamalayan sa larangan ng tunay na kabanalan – saan man at kailan man ay hindi malilihis sa matuwid na landas ng sagradong buhay sa kalupaan."

Note:
Dahil sa ang iniaaral ng KATURUANG CRISTO na pangalan ng Dios ay YEHOVAH, imbis na YAH (pinahikling Yahweh) ay YEH (pinahikling YEHOVAH) ang palayaw ng Dios na sinasambit ng munting kalipunang ito, na tumatangkilik, nagtataguyod, nagtatanggol, at sumusunod sa nabanggit na lehitimong katuruang pangkabanalan (Katuruang Cristo).


(*      = Strong's Numbers)
(**     = KJV ASV   JHVH [JEHOVAH [JAH])    - Exo 6:3Psa 68:4
(***    = PHHNB     YHVH [YEHOVAH [YEH]) -  Exo 6:3, Exo 17:16
(****   = HCSB        YHWH  [YAHWEH [YAH]) - Exo15:3Isa 12:2Isa 26:4

Suma atin ang kapayapaan, hanggang sa muli, paalam.


RELATED ARTICLE:
Paano binibigkas ang pangalan ng Ama nating nasa langit? Click here.


4 (na) komento:

  1. Maliwanag naman ang nasasaad na katibayang biblikal. Hindi parin katanggap-tanggap sa iba ang Pangalan. Bakit? Sa kadahilanang may nakagisnan na silang itawag. At hindi na maaari sa kanila ay mabago pa iyon..Sino kaya ito na sa inyo ay lilingon sa inyong panawag? At sino rin ito na sa amin ay lilingon sa amin nalalamang panawag na ibinubunyag!

    TumugonBurahin
  2. JESUS NAME TRANSLATIONS:
    YESHUA/YEHOSHUA (Hebreo-aramaico/Hebrew-aramaic/old testament) > IESOUS (Greek/Griego/new testament) > IESVS o IESUS (Romano/Latin) > JESUS (English/Spanish/modernong mga wika) > JESUS/HESUS (Tagalog/Filipino)

    Ang JESUS O HESUS ay orihinal/oginally sa Hebreo-Aramaiko na "YESHUA o YASHUA o YEHOSHUA".. Sa Greek/Griegong salin na internasyonal na wika ng mga Hebreo/Judio/Israelita nuun ay orihinal na ginamit sa New Testament o Greek Scriptures ng Bible siya ay may name o ngalan na "IESOUS" at dahil dito binase ang I.N.R.I. na inskripsyon sa tulos o krus ni JESU-CRISTO (I.N.R.I. = IESUS NAZARENUS REX IUDAERUM sa wikang Latin na wika ng mga Romanong nagpako sa kanya).

    So/Kaya, makikita natin na mula sa:
    > YASHUA/YESHUA/YAHOSHUA/YEHOSHUA - sa Hebreo-Aramaiko (wika ng mga Judio/Hebreo/Israelita, ang lahi ni JESUS)
    > IESOUS - ang spelling ng ngalan ni JESUS sa Greek/Griego (wikang internasyonal/international language na ginagamit nila noon kung saan din isinulat ang mga libro ng New Testament)
    > IESVS o IESUS - spelling sa wikang Latin o Romano na makikita sa I.N.R.I. na inskripsyon sa tulos/krus na pinakuan sa kanya
    > JESUS - sa modernong Ingles/English at Spanish/Espanyol
    > JESUS o HESUS - sa tagalog na may tunog na "H" imbes na "J"

    TumugonBurahin
  3. [💠Bible Name Examples with GOD's HOLY NAME💠:
    e.g.,🔆#EliJAH/EliYAHU*/Elias (=JAH/YAH is my GOD),
    🔆#IsaIAH/YeshaYAHU*/Isaias (=IAH/YAH/JAH saves),
    🔆#JeremIAH/YirmeYAHU*/Jeremias (=IAH/YAH/JAH lifts),
    🔆#NetanYAHU/NetanIAH/Netanias (=YAH/IAH/JAH gives);
    🔆#Hesus/#Jesus*/#Joshua*/#Yeshua*/#Josue a.k.a. #JEHOshua* ([#ישוע]
    > also translated #Jeshua / #Yahshua / #Yehoshua / #Iesus* / #Iesous*
    (✳️MEANING⏩"GOD YAH/JAH delivers/helps to save/rescue; ~is salvation")*]
    [more examples at the bottom*]
    >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
    https://en.wikipedia.org/wiki/Yeshua
    https://en.wikipedia.org/wiki/Jesus
    https://www.christianity.com/bible/dictionary.php?dict=sbd&id=2395
    https://www.biblegateway.com/resources/all-men-bible/Joshua-Jehoshua-Jehoshuah
    http://www.jewishencyclopedia.com/articles/8906-joshua-jehoshua

    TumugonBurahin
  4. #HEBREW / #JEWISH NAMES TRANSLATIONS/DERIVATIONS:
    (#HEBREONG/#JUDIONG/#HUDYONG PAGSASALIN/PINANGGALINGAN NG MGA KASALUKUYANG PANGALAN):
    ⏩#JESUS from "YESHUA*/YASHUA/YAHUSHUA/YEHOSHUA" (original Hebrew/Jewish name variants)
    > ΙΕΣΟΎΣ [IESOÚS] (Greek name used in New Testament)
    > #IĒSVS/IĒSUS (Latin/Roman name, stauros/crux/cross' I.N.R.I. inscription)
    > #JESUS/HESUS/JOSHUA/JOSUE (English/Spanish/French/Tagalog translations)
    [MEANING = "ALMIGHTY CREATOR GOD YAH[U]/JAH/YAHWEH/JEHOVAH DELIVERS AS SAVIOR"]
    ^"YESHUA" WAS USED IN THE MOVIE "PASSION OF THE CHRIST"
    *Hebrew has no vowels and became dead, only revived thus vowel pronunciation variants exist as possible names on almost all Hebrew names
    ⏩#MESSIAH/#CHRIST from "MASHIACH" (Hebrew title, Old Testament)
    > ΧΡΙΣΤΟΣ [CHRISTOS] (Greek title, New Testament)
    > C[H]RISTO[S] (Latin/Roman title)
    > #MESSIAH/#CHRIST (English)
    > MESIAS/#CRISTO/#KRISTO (Spanish/Tagalog)
    [MEANING = "GOD'S CHOSEN/ANOINTED/APPOINTED/BLESSED/POURED ON BY HOLY OIL OR THE HOLY SPIRIT TO SAVE AND BECOME KING"]
    ⏩#DAVID from "DAWID/DAWUD" (Hebrew name used in Old Testament)
    > ΔΑΥΙΔ/Δαυιδ/ ΔΑΒΙΔ/Δαβιδ/δάδ [DAUID/DABID] (Greek name, New Testament)
    > DAVIDUS (Latin) > DAVID/DAVE
    [MEANING = "BELOVED" BY GOD YAHWEH/JEHOVAH]
    ⏩#MARY from "MIRYAM" (Hebrew name)
    > MARIAM (Greek name, used in New Testament)
    > MARIA (Latin/Spanish)
    > MARY/MARIAN/MERRIAM/MIRIAM (English)
    > MARIA/MARYA (Tagalog/Filipino)
    [MEANING = "BELOVED LONG-WISHED WOMAN"]
    ⏩#JOSEPH from "YOS[S]EF" (Hebrew name, Old Testament)
    > IOSSIF (Greek name, used in New Testament)
    > JOSEPHUS (Latin name)
    > JOSEPH (English)
    > JOSÉ/JOSE (Spanish/Tagalog)
    [MEANING = "GOD YAH/JAH/IAH will ADD/INCREASE"]
    ⏩#JOB from "IYOV" (Hebrew name)
    > JOB (English) > JOB/HOB (Spanish/Tagalog)
    [MEANING = "One HATED/PERSECUTED/TESTED" by the devil and people]
    ⏩#JEREMIAH from "YIRMIYAHU/YIRMEYAHU" (Hebrew name)
    > JEREMIAH (English)
    > JEREMIAS (Spanish/Tagalog)
    [MEANING = "GOD YAH/YAHWEH/JAH/IAH/JEHOVAH EXALTS"]
    ⏩#ISAIAH from "YESHAYAH[U]" (Hebrew name)
    > ISAIAH (English)
    > ISAIAS (Spanish/Tagalog)
    [MEANING = "GOD YAH/YAHWEH/JAH/IAH/JEHOVAH IS SALVATION"]
    ⏩#ELIJAH/#ELIAS from "ELIYAHU" (Hebrew/Jewish name)
    > ELIJAH (English)
    > ELIAS (Spanish/Filipino)
    [MEANING ="My GOD is YAH/YAHWEH/JAH/JEHOVAH"]

    TumugonBurahin