Ahtanasius of Alexandria was traditionaly thought to be the author of the Athanasian Creed, and gives his name to its common title. |
Sa
bilang na 4 hanggang 6 nitong Kredo ni Athanasius ay ipinahayag
ang pangunahing doktrinang pangrelihiyon ng simbahang katoliko na tumutukoy sa Trinidad, na sinasabi,
KREDO NI ATHANASIUS
(bilang 4 hanggang 6)
4. Ni hindi pinag-iisa ang mga Persona o
pinaghihiwa-hiwalay ang kalikasan.
5. Sapagkat mayroong isang Persona ng Ama, isa ng Anak, at isa pa ng Espiritu Santo.
6. Ngunit ang pagka-Diyos ng Ama, ng
Anak, at ng Espiritu Santo ay iisa lahat, ang kaluwalhatian
ay pantay, at ang kamahalan ay magkakasing walang
hanggan.
Narito, at sa Kredo
ni Athanasius ay maliwanag na makikitang malayang inilagay ng mga kapariang katoliko ang Persona ng Ama, ang Persona ni Jesus, at ang Persona
ng Espiritu Santo, alinsunod sa mga sumusunod na kalagayan.
- Dios
- Hindi nilikha
- Eternal (walang hanggan)
- Makapangyarihan sa lahat
- Panginoon
Binibigyang diin
sa bilang na 4 hanggang 6 nitong pananampalatayang Athanasius, na ang persona
ng tatlo (3) ay hindi pinag-iisa, at ang kalikasan nila ay magkakatulad. Ibig
sabihin, sila ay may tatlong (3)
magkakahiwalay na Persona, gayon ma’y nabubuklod sa iisa ang kani-kanilang
kaluwalhatian at kamahalan sa pagiging walang hanggan.
Binibigyan ng diin na ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo ay iisa sa kalagayan o estado ng pagka-Dios. Ang kaluwalhatian nila, na tumutukoy sa kadakilaan ay sinasabing pantay, at ang pagkakaroon ng pinakamatayog na kalagayan nilang tatlo (3) ay magkakatulad na walang hanggan.

KAPAHAYAGANG BELGIC
Artikulo 8
"Ayon sa katotohanang ito at sa Salita ng Diyos, sumasampalataya kami sa tangi at nag-iisang Diyos, na Siyang nag-iisang diwa, kung saan ay may tatlong persona, na totoo, tunay, at mula pa sa walang hanggan ay MAGKAKAIBA ayon sa Kanilang katangian na makikita sa Kanila lamang; sila nga’y, ang Ama, at ang Anak, at ang Espiritu Santo.
Ang Ama ang sanhi, pinagmulan, at simula ng lahat ng mga bagay na nakikita man o di-nakikita; ang Anak ay ang salita, karunungan, at larawan ng Ama;7 ang Espiritu Santo ay ang eternal na kapangyarihan at kalakasan, na nagbubuhat sa Ama at sa Anak.
Gayunman, bagama’t ang Diyos ay nahayag sa tatlong persona, hindi naman nahahati sa tatlo, yamang itinuturo ng Banal na Kasulatan na ang Ama, at ang Anak, at ang Espiritu Santo ay may KANYA-KANYANG PERSONALIDAD, na nakikilala sa KANYA-KANYANG KATANGIAN; ngunit pakataandaan na ang mga tatlong persona ay walang iba kundi ang iisang Diyos."
Sa doktrinang
pangrilihiyon na iyan ng simbahang katoliko ay napakaliwanag na ipinahahayag
ang pagkakahiwahiwalay sa kalikasan at kasarinlan nila, palibhasa ay tinatlo
ang persona sa kaisaisang kalagayang Dios.
Sa kalagayan
ngang nasusulat sa itaas ay maaaring lamnan ng hindi kakaunting persona. Ang
pagiging Dios ay isang natatanging
kalagayan na lumalapat lamang sa isa. Na ang ibig sabihin ay kaisaisa lamang ang
kalagayang iyan at diyan ay maaaring pumaloob ang pagkadamidami man na persona.
Isa nga lamang ang Dios na sa kalakarang katolika ay napapalooban ng tatlong (3) persona, na tumutukoy sa Ama, Anak, at Espiritu Santo.
Isa nga lamang ang Dios na sa kalakarang katolika ay napapalooban ng tatlong (3) persona, na tumutukoy sa Ama, Anak, at Espiritu Santo.
Gayon nga rin
ang
Na mga kalagayang maaaring palooban ng hindi kakaunting persona. Ang tatlong persona ay sinasabing nadadako sa kalagayan ng mga hindi nilikha.
Sila umano'y magkakasamang nabubuhay na magpasawalang hanggan (eternal). Tinutuntungan din umano nilang tatlo (3) ang kalagayan ng makapangyarihan sa lahat. Gayon din ang palagay sa kanilang tatlo (3) ay magkakatulad na Panginoon (LORD).
“Hindi nilikha, Eternal, Makapangyarihan sa lahat, at Panginoon."
Na mga kalagayang maaaring palooban ng hindi kakaunting persona. Ang tatlong persona ay sinasabing nadadako sa kalagayan ng mga hindi nilikha.
Sila umano'y magkakasamang nabubuhay na magpasawalang hanggan (eternal). Tinutuntungan din umano nilang tatlo (3) ang kalagayan ng makapangyarihan sa lahat. Gayon din ang palagay sa kanilang tatlo (3) ay magkakatulad na Panginoon (LORD).
Halimbawa nito
ay gaya ng kalagayang Heneral, na sinomang angkop na persona sa kalagayan iyan ay maaaring pumaloob dito. Gaya nitong si Heneral McArthur, Heneral Ramos, Heneral Yamamoto, etc. Sila nga ay tatlong (3) persona sa iisang kalagayang Heneral, at gayon din sa iba pang nabanggit sa
itaas.
Matuwid na
sabihing iisa lamang ang Dios,
sapagka’t ang salitang ito’y ganap na lumalapat sa isang natatanging uri ng
kalagayan lamang. Dahil dito ay hindi na sasangayunan pa ng katotohanan, kung
magkakaroon ng isa pang kalagayan na tutukoy sa Dios. Isa nga lamang ang matuwid, at bukod doo’y wala ng iba pa
ayon sa KATURUANG CRISTO, o sa mga katiwatiwalang balumbon ng kasaysayang biblikal.
ANG KAISAISANG PERSONA SA KALAGAYANG DIOS
Taliwas diyan, ang kalagayang Dios sa mga balumbon ng Tanakh ay kinasumpungan lamang ng isang persona, at Siya ay nilapatan ng pamimitagang panawag ng mga totoong banal na,“Ama.”
Ang Ama ngang iyan, noong una ay ipinakilala ang Kaniyang pangalan sa pamamagitan ng kaniyang mga banal. Sa panahon nating ito ay Panginoong Dios ang itinatawag sa kaniya ng mga hindi nakababatid ng walang hanggan niyang pangalan.
Exo 3 :
15 At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni YEHOVAH, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ITO ANG AKING PANGALAN MAGPAKAILAN MAN, at ito ang AKING pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.
Ano pa’t tungkol
sa eksaktong bilang ng persona na pumapaloob sa nabanggit na kalagayan, gaya ng
nasusulat ay madiin Niyang sinabi ang
mga sumusunod na salita,
Deut 32
12 Ang Panginoon na MAGISA ang pumapatnubay sa kaniya, At walang ibang dios na kasama siya.
(So
the LORD3068 alone910
did lead5148 him, and there was no369 strange5236
god410 with5973 him.)
Sa Strong’s
concordance, ay maliwanag na makikita sa itaas ang mga numerong 3068 na
kumakatawang bilang sa salitang “LORD.” Sa orihinal na kasulatan (Tanakh) ay YHVH ang nasusulat, at iyan ay binanggit
ng 7,771 ulit sa 6,617 talata ng bibliyang Hebreo (HNV).
Iyan ay salitang ipinalit ng mga nagsipagsalin ng mga canon (Tanakh) ng bibliyang Hebreo sa Griego at Latino. Iyan ay sa pangamba, o, sa takot na ang pangatlong (3) utos ng bundok Sinai ay malabag ng marami.

"Sa Canon ng bibliyang Hebreo ay ang pangalang, "YEHOVAH" ang ginagamit na transliterasyon nito . Gayon din naman sa akdang ito ay iyan din naman ang ipinakikilala namin na Kaniyang pangalan na magpasa walang hanggan."
Kung ilalagay ang transliterated na pangalan ng Dios, na
nasusulat sa Tanakh ay gaya nga ng
mababasa sa ibaba.
Deut 32
12 Si YEHOVAH na magisa ang pumapatnubay sa kaniya, At walang ibang dios na kasama siya.
(So
the LORD3068 alone910
did lead5148 him, and there was no369 strange5236
god410 with5973 him.)
Sa talatang
nalalahad sa itaas ay maliwanag na sinasaksihan na kaisaisa lamang si YEHOVAH (Panginoon [LORD]), na siyang Persona na kumakatawan sa Ama. Gayon ding binibigyang diin ang kalagayang
Dios, na kailan ma’y hindi lumabis sa bilang na isa.
Ito’y nang wikain na,
Ito’y nang wikain na,
“walang ibang Dios na kasama siya.”Gaya pa nga ng nasusulat sa ibaba ay madiing sinabi,
ISA 45 :
22 Kayo’y
magsitingin sa AKIN
at kayo’y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka’t AKO’Y DIOS, at WALANG IBA LIBAN SA AKIN.
Pansinin
nga ninyo ang maliwanag na sinasabi sa itaas, at dito’y madiing tinutukoy ni YEHOVAH na Siya lamang ang kaisaisang Persona ng Dios na siyang Ama ng lahat ng kaluluwa sa kalupaan. Liban sa Kaniya ay napakaliwanag na wala nang iba pang personang kagaya Niya na naluluklok sa kalagayang Dios.
Sa makatuwid, ang Ama (Panginoon) ay inaaring lubos nitong kaisaisang persona na nagpapahayag ng pagka-Dios.
Sa makatuwid, ang Ama (Panginoon) ay inaaring lubos nitong kaisaisang persona na nagpapahayag ng pagka-Dios.
Sa
pagbibigay diin sa kaisaisang Persona ng Dios
sa kaniyang pagka Dios ay
kinasumpungan lamang ng kaisaisang pangalan (YEHOVAH). Iyan ay napakaliwanag at tuwirang nagpapahayag sa kaisahan ng Kaniyang
Persona, na bumibigkis ng mahigpit sa kalagayang Dios
na tinitindigan Niya na mag-isa
lamang.
Gaya
ng napakaliwanag na paglalahad ni YEHOVAH ng kaniyang kaisahan sa kalagayang Dios sa sumusunod na talata,
Na sinasabi,
Na sinasabi,
ISA 43 :
11 AKO, sa makatuwid baga’y AKO, si YEHOVAH; at LIBAN SA AKIN AY WALANG TAGAPAGLIGTAS.
(I,595 even I,595 am the LORD;3068 and beside4480, 1107 me there is no369 savior.3467)
Si YEHOVAH na Dios ay katotohanan na kaisaisang tagapagligtas ng lahat, at liban sa Kaniya aniya’y wala ng iba na gaya Niya na tagapagligtas.
Kung gayon ay napakaliwanag na kapag iginiit ninoman, na may iba pang tagapagligtas ay asahan, na ang taong iyon ay nuno ng sinungaling at puno ng mga magdaraya.
ANG UNA AT ANG HULI (ALPHA AT OMEGA)
ISA 44 :
6 Ganito
ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at
ng kaniyang MANUNUBOS, na Panginoon ng mga Hukbo, AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI;
at LIBAN
SA AKIN AY WALANG DIOS.
(Thus3541 saith559 the LORD3068 the King4428 of Israel,3478 and his redeemer1350 the LORD3068 of hosts;6635 I589 am the first,7223 and I589 am the last;314 and beside4480, 1107 me there is no369 God.430)
Kung ibabalik ang pangalan ng Dios sa talata gaya ng sa Tanakh ay tulad nga ng mababasa
sa ibaba, na sinasabi,
ISA 44 :
6 Ganito
ang sabi ni YEHOVAH, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang MANUNUBOS, si YEHOVAH ng mga Hukbo, AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI; at LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.
(Thus3541 saith559 the LORD3068 the King4428 of Israel,3478 and his redeemer1350 the LORD3068 of hosts;6635 I589 am the first,7223 and I589 am the last;314 and beside4480, 1107 me there is no369 God.430)
Ayan, at si YEHOVAH na Dios, na kaisaisang manunubos ng
sala ninoman sa sanglibutan ay nagsabing Siya
ang una at ang huli, o yaong tinatawag na alpha at omega. Liban nga sa Kaniya na Ama
ay walang sinoman na lumalapat sa kalagayan Niyang iyon bilang kaisaisang persona sa kalagayang Dios.
Dahil diyan ay matuwid na sabihing kaisaisa lamang ang kalagayang Dios. Liban sa kalagayang iyan na tinitindigan ni YEHOVAH sa kaisahan ng sarili Niyang Persona ay wala na ngang iba pang gayong kabanal na katayuan sa kabuoan ng dimensiyon ng Materia at dimensiyon ng Espiritu.

Hindi nga mahirap unawain, na si
YEHOVAH na Ama nating lahat, ang siyang kaisaisang Persona na kumakatawan sa nag-iisang kalagayang Dios. Siya sa madaling salita ang tanging tagapagligtas ng kaluluwa, at nag-iisang manunubos ng sala ninoman.
Maging ang mga propeta ng Dios ay hindi tinutulan, bagkus ay pinagtibay nila ang kaisaisang persona ng Ama na nasa kaluwalhatian ng langit,
Na sinasabi,
Maging ang mga propeta ng Dios ay hindi tinutulan, bagkus ay pinagtibay nila ang kaisaisang persona ng Ama na nasa kaluwalhatian ng langit,
Na sinasabi,
MATEO 23 :
9 At HUWAG NINYONG TAWAGING
INYONG AMA ANG SINOMAN SA LUPA: sapagka’t IISA ang inyong AMA (YEHOVAH), sa makatuwid baga’y SIYA na nasa LANGIT.
EZE 18 :
4 Narito, LAHAT NG KALULUWA AY AKIN;
kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ANG KALULUWA NA NAGKAKASALA AY MAMAMATAY.
WALANG IBA LIBAN SA AKIN
Ang kaisaisang Ama
(YEHOVAH) natin ay nasa langit, at Siya sa kaniyang kaisaisang persona ang
nagmamay-ari sa lahat nating kaluluwa.
Kaya nga bilang pag-aari Niya’y
maaari Niyang gawin sa kanino mang kaluluwa ang gayon, sa sandaling ang
sinoman ay magkasala laban sa Kaniyang
mga kautusan, mga palatuntunan, at mga kahatulan. Siya ang ating Ama (YEHOVAH) na kaisaisang personang
kumakatawan sa nag-iisang kalagayang Dios.
Pansinin nga ninyo at siyasating mabuti, kung sino ang
nagsasalita sa mga sumusunod na talata, sa makatuwid baga’y napakaliwanag na narinig ang tinig nitong persona ni YEHOVAH, na sinasabi,
ISA 45 :
21 .... WALANG DIOS LIBAN SA AKIN, isang GANAP NA DIOS at TAGAPAGLIGTAS;
WALANG IBA LIBAN SA AKIN.
22 Kayo’y
magsitingin sa AKIN
at kayo’y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka’t AKO’Y DIOS, at WALANG IBA LIBAN SA AKIN.
ISA 44 :
6 Ganito
ang sabi ni YEHOVAH, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang MANUNUBOS, si
YEHOVAH
ng mga Hukbo, AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI; at LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.
ISA 43 :
11 AKO, sa makatuwid baga’y AKO, si YEHOVAH;
at LIBAN
SA AKIN AY WALANG TAGAPAGLIGTAS.
Deut 32
12 Si YEHOVAH na MAGISA ang pumapatnubay sa kaniya, At walang ibang dios na kasama siya.
Mula sa ilang magkakasunod na
talata, na nalalahad sa itaas ay madaling makita, na iisa nga lamang ang
kalagayang Dios at liban doon ay wala
ng iba pa. Datapuwa’t pansinin nga rin natin, kung SINO ang siyang pumapaloob
sa kalagayang iyon na madiing nagsasabing, "AKO, AKIN at SIYA"
Kaisahan nga lamang ang tinutukoy ng mga salitang iyan (Ako, Akin, at Siya) ng pag-aangkin. Diyan ay wala na ngang iba pang persona ng Dios na kasama siya sa kalagayang iyon ng pagka Dios.
ANG PERSONANG PUMAPALOOB SA AKO, IKAW, AT SIYA.
Kaisahan nga lamang ang tinutukoy ng mga salitang iyan (Ako, Akin, at Siya) ng pag-aangkin. Diyan ay wala na ngang iba pang persona ng Dios na kasama siya sa kalagayang iyon ng pagka Dios.
Maliwanag ngang sa kalagayang Dios ay si YEHOVAH na ating Ama ang entidad na nagsasalita sa mga nabanggit na talata, at ang
kaniyang tinig ay malinaw na nadinig ng mga propeta.
Kung gayon ay walang alinlangan na tanging ang Ama lamang nating nasa langit ang kaisaisang persona, na siyang pumapaloob sa kalagayang Dios. Ito'y nang ipatungkol nila sa Kaniya ang salitang, "SIYA".

pangrelihiyon ng simbahang katoliko ay napakaliwanag na nilakipan ng pamunuang Romano ng tatlong (3) persona, na
may kanikaniyang pangalan ang kalagayan na tumutukoy sa Dios.
Sapat upang makita at maunawaang lubos, na ang patotoo mismo ni YEHOVAH na ating Ama sa kabuoan ng Tanakh ay hindi kailan man sinang-ayunan ang doktrinang Trinidad ni Constantino.
Sapat upang makita at maunawaang lubos, na ang patotoo mismo ni YEHOVAH na ating Ama sa kabuoan ng Tanakh ay hindi kailan man sinang-ayunan ang doktrinang Trinidad ni Constantino.
Kahi man sa Tanakh
ay madiing ipinaunawa ni YEHOVAH
na sa kalagayang Dios ay iisang
pangalan lamang ang masigla at makapangyarihang umiiral. Iyan ay ang
pangalang “YEHOVAH.”
Higit sa sapat at napakatibay na katunayan, na sa kalagayang Dios, bukod sa pangalan Niyang iyan ay wala ng iba pang pangalan na maaaring pagkakilanlan sa Kaniyang pagka Dios. Ang Ama nating si YEHOVAH nga lamang ang katotohanan na taglay ang kaisaisang pangalan at persona sa kalagayang iyan ng pagka Dios.
Na sinasabi,
Higit sa sapat at napakatibay na katunayan, na sa kalagayang Dios, bukod sa pangalan Niyang iyan ay wala ng iba pang pangalan na maaaring pagkakilanlan sa Kaniyang pagka Dios. Ang Ama nating si YEHOVAH nga lamang ang katotohanan na taglay ang kaisaisang pangalan at persona sa kalagayang iyan ng pagka Dios.
Na sinasabi,
Deut 32
12 Si YEHOVAH na MAGISA ang pumapatnubay sa kaniya, At walang ibang dios na kasama siya.
(So
the LORD3068 alone910
did lead5148 him, and there was no369 strange5236
god410 with5973 him.)
ISA 43 :
11 Ako, sa
makatuwid baga’y ako, si YEHOVAH; at LIBAN SA AKIN AY
WALANG TAGAPAGLIGTAS.
(I,595 even I,595 am
the LORD;3068 and beside4480, 1107 me there is no369 savior.3467 )
ISA 44 :
6 Ganito
ang sabi ni YEHOVAH,
ng Hari ng Israel, at ng kaniyang MANUNUBOS, si YEHOVAH ng mga Hukbo, AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI;
at LIBAN
SA AKIN AY WALANG DIOS.
(Thus3541
saith559 the LORD3068
the King4428 of Israel,3478 and his redeemer1350
the LORD3068 of hosts;6635 I589
am the first,7223
and I589 am the
last;314 and beside4480, 1107 me there is no369
God.430 )
OSEA 13 :
4 Gayon
ma’y AKO SI YEHOVAH NA IYONG DIOS,
mula sa lupain ng Egipto; at WALA KANG MAKIKILALANG DIOS KUNDI AKO, at LIBAN SA AKIN AY WALANG TAGAPAGLIGTAS.
(Yet I595
am the LORD3068 thy God430 from the land4480, 776
of Egypt,4714 and thou shalt know3045 no3808
god430 but2108 me: for there is no369
savior3467 beside1115 me.)
JOEL 2 :
27 At inyong malalaman na ako’y
nasa gitna ng Israel, at ako si YEHOVAH na inyong Dios,
at wala
nang iba: at ang aking bayan ay hindi mapapahiya magpakailan
man.
(And ye
shall know3045 that3588 I589 am in the midst7130 of
Israel,3478 and that
I589 am the LORD3068 your God,430 and none369
else:5750 and my people5971 shall never3808, 5769
be ashamed.954)
EZE 18 :
4 Narito, LAHAT NG KALULUWA AY AKIN;
kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay AKIN: ANG KALULUWA NA NAGKAKASALA AY MAMAMATAY.
(Behold,2005 all3605 souls5315 are mine; as the soul5315 of the father,1 so also the soul5315 of the son1121 is mine: the soul5315 that sinneth,2398 it1931 shall die.4191)
Gayon ngang
higit na maliwanag kay sa katanghaliang tapat, na ang kalagayang Dios ay tinatahanan, pinangangasiwaan, itinataguyod,
tinatangkilik, at higit sa lahat ay pinaghaharian, hindi ng tatlo, ni ng dalawa
man, kundi ng kaisaisang persona lamang,
Ang personang iyan ay walang iba, kundi ang kay YEHOVAH lamang na Ama at Dios ng lahat ng kaluluwa sa dimensiyong ito ng materiya.
Ang personang iyan ay walang iba, kundi ang kay YEHOVAH lamang na Ama at Dios ng lahat ng kaluluwa sa dimensiyong ito ng materiya.
Sa aral ng Trinidad nitong si Constantino ay pinaniniwalaan ang
kalagayang Dios na kinapapalooban ng
tatlong (3) magkakahiwalay na Persona, na,
“Ang kalagayang Dios ay pinangyayarihan ng tatlong (3) magkakaibang kaisipan, ng tatlong (3) magkakaibang pangalan, ng tatlong (3) magkakaibang katangian.”
Iyan ay hindi
sinasang-ayunan ng katotohanan, sapagka’t isa man sa mga naging tunay na banal
na propeta ng Dios sa kabuoan ng Tanakh, ay bumanggit man lang
sana kahit minsan ng mga salita na,
o kaya naman ay may binanggit man lang sana na salitang,
Kung wala ay katotohanan na matuwid tindigan ng lahat, na tao lamang ang lumikha ng gayong uri ng hindi makatotohanang doktrinang pangrelihiyon.
“May tatlong Persona sa kalagayan ng Iisang Dios,”
o kaya naman ay may binanggit man lang sana na salitang,
“Trinidad.”
Kung wala ay katotohanan na matuwid tindigan ng lahat, na tao lamang ang lumikha ng gayong uri ng hindi makatotohanang doktrinang pangrelihiyon.
ANG TRINIDAD NI CONSTANTINO
Ang Dios ng Tanakh ay bantog at tanyag sa
kapahayagan ng mga salita at mga dakilang aral na lumalapat sa larangan ng
tunay na kabanalan sa kalupaan. Lalo na’t kung ito’y diretsahang pagpapakilala ng kaniyang
likas na kalagayan bilang kaisaisang persona ng Dios.
Gayon man ay walang anomang mababasa sa mga balumbon ng Tanakh (OT), na tuwirang ipinakilala ng Ama ang kalagayang Dios, na kinapapalooban ng tatlong persona.
Napakatibay na katunayan lang iyan, na ang doktrinang Trinidad ni Constantino ay napakaliwanag na imbentong aral lamang ng tao. Saan man at kailan man kung gayon, ang doktrinang iyan ay hindi inari ng katotohanan, na masusumpungan sa Tanakh (OT) ng kaisaisang Dios ng langit.
Gayon man ay walang anomang mababasa sa mga balumbon ng Tanakh (OT), na tuwirang ipinakilala ng Ama ang kalagayang Dios, na kinapapalooban ng tatlong persona.
Si Constantino, na isang kasuklamsuklam na pagano at gentil ang siyang sapilitang nagpatupad nitong aral ng Trinidad sa mga lupain, na madugong sinakop ng mabangis na Emperyong Roma. Kabilang na diyan ang lupain, na kung tawagin ay Perlas ng Silangan (Philippines).
Iyan ay isang napakaliwanag na katunayan, na ang aral ng Trinidad ni Constantino ay hindi inari, ni inayunan ng Dios saan man at kailan man. Sa gayo’y wala na ngang iba magmamay-ari pa ng karumaldumal na katuruang iyan, kundi ang solong pangulo ng kasamaan lamang.
Napakatibay na katunayan lang iyan, na ang doktrinang Trinidad ni Constantino ay napakaliwanag na imbentong aral lamang ng tao. Saan man at kailan man kung gayon, ang doktrinang iyan ay hindi inari ng katotohanan, na masusumpungan sa Tanakh (OT) ng kaisaisang Dios ng langit.
Kumakatawan sa PADRON
NG KATOTOHANAN at pawang katotohanan lamang ang mga katunayang Tanakh, na masigla naming inihayag sa
artikulong ito.
KONKLUSYON
Sa taglay na hustong tibay ng katiwatiwalang katunayang biblikal na nabanggit sa kabuoan ng artikulong ito - ay hindi mahirap maunawaan, na sa kaisaisang kalagayang Dios ay kaisaisa rin naman ang pumapaloob na persona. Ito ay ang persona nitong Ama nating nasa langit na kilala sa ngalang YEHOVAH.
Kailan man ay hindi maaaring maging dalawa, ni tatlo man, sapagka’t ganap na nilalapatan ng Ama nating nasa langit ang kaisaisang persona na kumakatawan sa kalagayang Dios na inaaring lubos ng nag-iisang pangalang "YEHOVAH".
Kaugnay niyan ay tahasan sinabi ng Ama, na bukod sa kaniya ay wala ng iba. Ano pa't kung lilinawin pa ay wala siyang kasamang ibang persona sa kalagayang Dios na bumibigkis sa kaniyang kabuoan bilang kaisaisang Ama ng langit.

Sa KATURUANG CRISTO, ang ibig sabihin lang niyan ay hindi kailan man naging iisa ang pangalan ng tatlo, sapagka’t ang Ama ay may tinataglay na sariling pangalan (YEHOVAH). Ang Anak sa hiwalay na pagka Persona ay iba naman ang pangalan (Jesus). Samantalang ang Espiritu Santo, kung bakit sa kasarinlan ay naiba sa dalawa ay taglay din ang sarili niyang pangalan.
Dangan nga lamang, hanggang sa ngayon ay lubhang malalim na lihim pa rin sa mga tao ang pangalan ng nabanggit na Espiritu Santo.
Kung ang sinoman nga ay hihikayatin at pipilitin ang kaniyang kapuwa, na yapusin at isabuhay ang Trinidad ni Constantino. Nangangahulugan lamang iyon na maliwanag niyang inililigaw ang kaluluwa ng kaniyang kapuwa sa daan ng totoong kabanalan sa kalupaan.

Ang PADRON
NG KATOTOHANAN na ito ang tumatayong ultimong pinaka-patibayang aral,
pagdating sa usapin na may ganap na kinalaman sa Persona na pumapaloob sa
kalagayang Dios.
IYAN ANG KATURUANG CRISTO.
IYAN ANG KATURUANG CRISTO.
Patuloy nawa nating
tamasahin ang masaganang daloy ng mga biyaya na nagmumula sa kaluwalhatian ng
langit.
Hanggang sa
muli, paalam.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento