Martes, Setyembre 15, 2015

MGA UTOS NG CRISTO (Kautusang Cristo)


Kung sinasabi nga natin na tayo ay kay Cristo Jesus ay matuwid lamang sa sinoman sa atin, na tangkilikin, itaguyod, ipagtanggol, ipangaral, at sundin ang mga sumusunod na KAUTUSANG CRISTO.

Magiging isang napakalaking kasinungalingan, kung sasabihin natin na tayo’y sa KAUTUSANG CRISTO, gayong ang sinusunod naman natin ay ang KAUTUSANG GENTIL.

Sa ganap na ikalilinaw, sa kung sino nga ba ang nararapat nating sundin ay tunghayan nga natin ang mga sumusunod na talata,

Mat 17 :
5  Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, NA SIYA KONG KINALULUGDAN; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
Gayon ngang higit pa sa lalong maliwanag, na ang salita (Katuruang Cristo at Kautusang Cristo) nga lamang, na ipinangaral ng sarili niyang bibig ang katotohanan na matuwid at karapatdapat nating sundin. Sa gayo’y maituturing na isang katitisuran at ikaliligaw na aral ang makinig sa ibang evangelio na isinusulong ng KATURUANG GENTIL at KAUTUSANG GENTIL.

JUAN 14 :
21  ANG MAYROON NG AKING MGA UTOS, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.

JUAN 14 :
23  Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, KUNG ANG SINOMAN AY UMIIBIG SA AKIN, AY KANIYANG TUTUPARIN, ANG AKING SALITA:” at siya’y iibigin ng aking Ama, at kami’y pasasa kaniya, at SIYA’Y GAGAWIN NAMING TAHANAN.

24  ANG HINDI UMIIBIG SA AKIN AY HINDI TUMUTUPAD NG AKING MGA SALITA:” at ang salitang inyong narinig ay HINDI AKIN, kundi sa Amang nagsugo sa akin.

JUAN 10 :
27  Dinidinig ng aking mga tupa ang aking TINIG, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin. (Eze 34:31)

Narito, at ang umiibig nga lamang pala sa Cristo ang maliwanag na tumutupad ng KATURUANG CRISTO at KAUTUSANG CRISTO. Ano pa’t sila na hindi umiibig sa kaniya ang siyang tagasalangsang ng katuruan at kautusan na nabanggit sa itaas.

Sila lamang pala na nabibilang sa simbolismo ng tupa ang nakikilala ng Cristo, at sila din naman ang mga tao na may sigla at may galak sa kanilang puso na nagsisisunod sa KATURUANG CRISTO at KAUTUSANG CRISTO.

Kambing ang simbolismo ng pagsuway, kaya nanaisin ba natin na tayo ay mapabilang sa lubhang malaking kalipunan ng mga anak ng pagsuway(kambing)? Gayong narito at napakaliwanag ang mga utos (mitzvot) ng Cristo, na matuwid sundin ng lahat.  

Sa madali at tuwirang salita ay hindi tayo susunod sa turo (aral) at utos nitong si Pablo, bagkus ay ang KATURUANG CRISTO at ang KAUTUSANG CRISTO lamang ang ating susundin. Iyan ay dahil sa mahigpit na utos ng Ama, na Cristo lamang ang ating pakikinggan at susundin.

Dahil diyan ay isa-isahin nga natin sa ibaba ang isang daan at dalawamput isa (121) na mga utos (mitzvot), na may katapangan at katapatan na itinuro ng sariling bibig ng Cristo, at sa gayo'y unahin nga muna natin ang tatlongpu at tatlo (33) na utos (mitzvot), na mula sa bulubundukin ng Moriah (Sermon on the mount) ay maliwanag na iniutos ng sarili niyang bibig.

At gaya ng napakaliwanag na nasusulat ay madiing iniutos.


MGA KAUTUSAN (mitzvot) NG MORIAH  
(Sermon on the Mount)
Nr 1 - 33


1. MANGAGALAK KAYO
Mat 5 :
11  Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.
12  MANGAGALAK KAYO, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.

2. PALIWANAGIN NINYO ANG ILAW
Mat 5 :
16  LUMIWANAG NA GAYON ANG INYONG ILAW SA HARAP NG MGA TAO; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.

3. HUWAG NINYONG ISIPING AKO’Y NAPARITO UPANG SIRAIN ANG KAUTUSAN O ANG MGA PROPETA.
Mat 5 :
17  HUWAG NINYONG ISIPING AKO'Y NAPARITO UPANG SIRAIN ANG KAUTUSAN O ANG MGA PROPETA: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.

4. MAKIPAGKASUNDO MUNA SA KAPATID BAGO MAGHANDOG NG HAIN
Mat 5 :
23  Kaya't kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo'y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo,
24  Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.

5. MAKIPAGKASUNDO SA KAALIT
Mat 5:
25  Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan.

6. ALISIN SA KATAWAN ANG NAKAPAGPAPATISOD
Mat 5 :
28  Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.
29  At kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mabulid sa impierno.
30  At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mapasa impierno.

7. MAGING, OO, HINDI ANG INYONG PANANALITA
Mat 5 :
37  Datapuwa't ang magiging pananalita ninyo'y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka't ang humigit pa rito ay buhat sa masama.

8. HUWAG LABANAN ANG MASAMA
Mat 5 :
39  Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.

9. IWAN ANG BALABAL
Mat 5 :
40  At sa magibig na ikaw ay ipagsakdal, at kunin sa iyo ang iyong tunika, ay iwan mo rin naman sa kaniya ang iyong balabal.

10. DALAWANG MILYA
Mat 5 :
41  At sa sinomang pipilit sa iyo na ikaw ay lumakad ng isang milya, ay lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya.

11. BIGYAN ANG HUMIHINGI
Mat 5 :
42  Bigyan mo ang sa iyo'y humihingi, at huwag mong talikdan ang sa iyo'y nangungutang.

12. IBIGIN ANG KAAWAY
Mat 5 :
44  Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;

13. MAGPAKASAKDAL NA GAYA NG AMA   
Mat 5 :
48  Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng INYONG AMA sa kalangitan na sakdal.

14. MANALANGIN NG LIHIM
Mat 6 :
6  Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.

15. MANALANGIN NG HINDI PAULIT-ULIT
Mat 6 :
At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.
8  Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya.

16. DUMALANGIN SA AMA
Mat 6 :
Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
10  Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.
11  Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.
12  At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.
13  At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.

17. LANGISAN ANG ULO AT HILAMUSAN ANG MUKHA KAPAG NAG-AAYUNO
Mat 6 :
17  Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha;
18  Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka.

18. HUWAG MAGTIPON NG KAYAMANANG PANGLUPA
Mat 6 :
19  Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito'y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito'y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:

19. MAGTIPON NG KAYAMANANG PANG LANGIT
Mat 6 :
20  Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:
21  Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.

20. HUWAG MANGABALISA SA PAMUMUHAY
Mat 6 :
25 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit?

21. HUWAG MANGABALISA TUNGKOL SA PANANAMIT
Mat  6:
28 At tungkol sa pananamit, bakit kayo nangababalisa? Wariin ninyo ang mga lirio sa parang, kung paanong nagsisilaki; hindi nangagpapagal, ni nangagsusulid man:

22. HUWAG MANGABALISA TUNGKOL SA PAGKAIN
Mat 6 :
31 Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin?

23. HANAPIN ANG KAHARIAN NG LANGIT
Mat 6 :
33  Datapuwa't HANAPIN MUNA NINYO ANG KANIYANG KAHARIAN, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

24. HUWAG IKABALISA ANG ARAW NG BUKAS
Mat 6 :
34 Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagka't ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili. Sukat na sa kaarawan ang kaniyang kasamaan.

25. HUWAG KAYONG MAGSIHATOL
Mat 7 :
1  HUWAG KAYONG MAGSIHATOL, upang huwag kayong hatulan.

26. ALISIN MUNA ANG TAHILAN SA IYONG SARILING MATA
Mat  7:
5 Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid.

27. HUWAG IBIGAY SA HINDI KARAPATDAPAT ANG ANOMANG BANAL
Mat 7 :
Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang anomang banal, ni ihagis man ang inyong mga perlas sa harap ng mga baboy, baka yurakan ng kanilang mga paa, at mangagbalik at kayo'y lapain.

28. MAGSIHINGI KAYO
Mat 7:7  Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan:
Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.

29. HUMANAP KAYO
Mat 7 :
Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan:
Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.

30. KUMATOK KAYO
Mat 7 :
Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan:
Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.

31. HUWAG GAWAN NG MASAMA ANG IBA
Mat 7 :
12  Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: sapagka't ito ang sa kautusan at ang mga propeta.

32. MAGSIPASOK SA MAKIPOT NA PINTUAN
Mat 7 :
13  Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok.
14  Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.

33. MAG-INGAT SA MGA BULAANG PROPETA
Mat 7 :
15  Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila.

Iyan ang nasusulat na  MITZVOT  NG MORIAH na naglalaman ng  tatlongpu at tatlo (33) na mga utos (mitzvot).

Ang mga sumusunod naman ay mga nasusulat na utos (mitzvah), na nang hindi pa inaakiyat ni Jesus ang bulubundukin ng Moriah, at nang makababa na siya  sa bundok na iyon, ay iniutos ng sarili niyang bibig. Ang mga utos (mitzvot) na iyan ay nabuo sa bilang na walompu at walo (88).

Kabilang ang tatlompu at tatlong (33) utos nitong mitzvot ng Moriah ay umabot sa isang daan dalawangpu’t isa (121) ang kabuoan ng mga utos (mitzvot) na iniutos ng sariling bibig ng Cristo. Iyan ay naganap sa kasagsagan ng masigla at may galak sa puso niyang ministerio sa buong sangbahayan ni Israel.

Gaya ng mababasa sa ibaba ay iniutos ng sariling bibig ng Cristo ang mga sumusunod,


IBA’T IBANG NASUSULAT NA UTOS NG CRISTO
(Various written commandments [mitzvot] of Christ)
Nr 34-121


34. MANGAGSISI KAYO
Mat 4 :
17  Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit. 

35. HINDI SA TINAPAY LANG NABUBUHAY ANG TAO
Mat 4 :
4 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.

36. SA PANGINOON MONG DIOS SASAMBA KA
Mat 4 :
10 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't NASUSULAT; Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.

37. MANGAGSISI KAYO
Mat 4 :
17  Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, MANGAGSISI KAYO; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit. (Mat 3:2)

38. MAGSISUNOD KAYO SA HULIHAN KO     
Mat 4 :
19  At sinabi niya sa kanila, MAGSISUNOD KAYO SA HULIHAN KO, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.

39. BAYAANG ILIBING NG MGA PATAY ANG SARILI NILANG MGA PATAY
Mat 8 :
22 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Jesus, Sumunod ka sa akin; at pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay.

40. LAKASAN MO ANG IYONG LOOB
Mat 9 :
2 At narito, dinala nila sa kaniya ang isang lumpo, na nakahiga sa isang higaan: at nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, ay sinabi sa lumpo, Anak, laksan mo ang iyong loob; ang iyong mga kasalanan ay ipinatatawad na.

41. HABAG ANG IBIG KO, AT HINDI HAIN
Mat  9:
13 Datapuwa't magsihayo kayo at inyong pagaralan kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain: sapagka't hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan.

42.  PINAGALING KA NG IYONG PANANAMPALATAYA
Mat 9 :
22 Datapuwa't paglingon ni Jesus at pagkakita sa kaniya, ay sinabi, Anak, laksan mo ang iyong loob; pinagaling ka ng iyong pananampalataya. At gumaling ang babae mula sa oras na yaon.

43. IDALANGIN ANG MANGGAGAWA
Mat 9 :
37  Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa.
38  Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin.

44. MAGSIPANGARAL KAYO
Mat 10 :
7  At samantalang kayo'y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, Ang kaharian ng langit ay malapit na.
8  Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.
9  Huwag kayong mangagbaon ng ginto, kahit pilak, kahit tanso sa inyong mga supot:
10  Kahit supot ng pagkain sa paglalakad, kahit dalawang tunika, kahit mga pangyapak, o tungkod: sapagka't ang manggagawa ay karapatdapat sa kaniyang pagkain.
11  At sa alin mang bayan o nayon na inyong pasukin, siyasatin ninyo kung sino roon ang karapatdapat; at magsitahan kayo roon hanggang sa kayo'y magsialis.
12  At pagpasok ninyo sa bahay, ay batiin ninyo ito.
13  At kung karapatdapat ang bahay, ay dumoon ang inyong kapayapaan: datapuwa't kung hindi karapatdapat, ay mabalik sa inyo ang kapayapaan ninyo.
14  At sinomang hindi tumanggap sa inyo, ni duminig sa inyong mga pananalita, pagalis ninyo sa bahay o bayang yaon, ay ipagpag ninyo ang alabok ng inyong mga paa.
15  Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma at ng Gomorra sa araw ng paghuhukom, kay sa bayang yaon.

45. SINUSUGO KO KAYO NA GAYA NG TUPA
Mat 10:
16  Narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo: mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati.

46. MAGSITAKAS KAYO
Mat 10 :
23  Datapuwa't pagka kayo'y pinagusig nila sa isang bayang ito, ay magsitakas kayo tungo sa kasunod na bayan: sapagka't sa katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo matatapos libutin ang mga bayan ng Israel, hanggang sa pumarito ang Anak ng tao.

47. HUWAG MATAKOT
Mat 10 :
28  At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno.

48. HUWAG NINYONG ISIPING AKO’Y NAPARITO UPANG MAGDALA NG KAPAYAPAAN.
Mat 10 :
34 Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak.

49. DINGGIN ANG TINIG NG DIOS
Mat 11 :
15  Ang may mga pakinig upang ipakinig, ay makinig.

50. MAG-ARAL KAYO
Mat 11 :
28  Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin.
29  Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.
30  Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.

51. HUWAG MAGSALITA NG LABAN SA ANAK NG TAO AT SA ESPIRITU SANTO
Mat 12 :
33 At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.

52. MAKINIG ANG MAY PAKINIG
Mat 13 :
9  At ang may mga pakinig, ay makinig.

53. PAKINGGAN ANG TALINGHAGA
Mat 13 :
18 Pakinggan nga ninyo ang talinghaga tungkol sa manghahasik.

54. MAGLILIWANAG ANG MGA MATUWID
Mat 13 :
43 Kung magkagayo'y mangagliliwanag ang mga matuwid na katulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama. Ang may mga pakinig, ay makinig.

55. IGALANG ANG AMA AT INA
Mat 15 :
Sapagka't sinabi ng Dios, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala.

56. PAKINGGAN NINYO AT UNAWAIN
Mat 15 :
10 At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan, at sa kanila'y sinabi, Pakinggan ninyo, at unawain.

57. PABAYAAN ANG MGA BULAG NA TAGA-AKAY
Mat 15 :
14 Pabayaan ninyo sila: sila'y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay.

58. UMIWAS SA MAPAGPAIMBABAW 
Mat 16 :
At sinabi sa kanila ni Jesus, Kayo'y mangagingat at magsipangilag sa lebadura ng mga Fariseo at mga Saduceo.

59. TUMANGGI SA SARILI
Mat 16 :
24  Nang magkagayo'y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
25  Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon.
26  Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?

60. SIYA ANG INYONG PAKINGGAN
Mat 17 :
5 Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.

61. PUTULIN ANG MAKAPAGPAPATISOD
Mat 18 :
At kung ang kamay mo o ang paa mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay, kay sa may dalawang kamay o dalawang paa na ibulid ka sa apoy na walang hanggan.
9  At kung ang mata mo ang makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata, kay sa may dalawang mata na ibulid ka sa apoy ng impierno.

62. BIGYANG HALAGA ANG MGA BATA
Mat 18 :
10  Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng aking Ama na nasa langit.

63. PAROONAN ANG KAPATID NA NAGKASALA SA IYO
Mat 18 :
15  At kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo, pumaroon ka, at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa: kung ikaw ay pakinggan niya, ay nagwagi ka sa iyong kapatid.
16  Datapuwa't kung hindi ka niya pakinggan, ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa't salita.
17  At kung ayaw niyang pakinggan sila, ay sabihin mo sa iglesia: at kung ayaw rin niyang pakinggan ang iglesia, ay ipalagay mo siyang tulad sa Gentil at maniningil ng buwis.

64. MAGPATAWAD HANGGANG SA MAKAPITONGPUNG PITO
Mat 18 :
21  Nang magkagayo'y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya'y aking patatawarin? hanggang sa makapito?
22  Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.

65.  HUWAG PAPAGHIWALAYIN ANG PINAGSAMA NG DIOS
Mat 19 :
4  At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae,
5  At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman?
6  Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.

Mat 19 :
17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos.
18  Sinabi niya sa kaniya, Alin-alin? At sinabi ni Jesus, Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag sasaksi sa di katotohanan,
19  Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

Mat 19 :
21 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig mong maging sakdal, humayo ka, ipagbili mo ang tinatangkilik mo, at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.

66. MAGING ISANG LINGKOD 
Mat 20 :
26  Sa inyo'y hindi magkakagayon: kundi ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo;
27  At sinomang magibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo:
28  Gayon din naman ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami.

67. ANG AKING BAHAY AY TATAWAGING BAHAY PANALANGINAN
Mat 21 :
13  At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, datapuwa't ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan.

68. MAGKAROON NG PANANAMPALATAYA 
Mat 21 :
21  At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo'y may pananampalataya, at di mangagaalinlangan, hindi lamang mangagagawa ninyo ang nangyari sa puno ng igos, kundi maging sabihin ninyo sa bundok na ito, mapataas ka, at mapasugba ka sa dagat, ay mangyayari.
22  At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin.

69. IBIGAY ANG KAY CESAR
Mat 22 :
19  Ipakita ninyo sa akin ang salaping pangbuwis. At dinala nila sa kaniya ang isang denario.
20  At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat?
21  Sinabi nila sa kaniya, Kay Cesar. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Kaya't IBIGAY NINYO KAY CESAR ANG SA KAY CESAR; AT SA DIOS ANG SA DIOS.

70. IBIGIN ANG DIOS
Mat 22 :
37  AT SINABI SA KANIYA, IIBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIOS NG BUONG PUSO MO, AT NG BUONG KALULUWA MO, AT NG BUONG PAGIISIP MO.
38  Ito ang dakila at pangunang utos.

71. IBIGIN ANG KAPUWA      
Mat 22 :
39  At ang pangalawang katulad ay ito, IIBIGIN MO ANG IYONG KAPUWA NA GAYA NG IYONG SARILI.
40  Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta. 

72.  GAWIN AT GANAPIN ANG KANILANG UTOS
Mat 23 :
1  Nang magkagayo'y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad, 
2  Na nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo sa luklukan ni Moises.
3  Lahat nga ng mga bagay na sa inyo'y kanilang ipagutos, ay gawin ninyo at ganapin: datapuwa't huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka't kanilang sinasabi, at hindi ginagawa.
4  Oo, sila'y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan at mahihirap na dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao; datapuwa't ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri.
5  Datapuwa't ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang mangakita ng mga tao: sapagka't nangagpapalapad sila ng kanilang mga pilakteria, at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilang mga damit,
6  At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan, at ang mga pangulong luklukan sa mga sinagoga,
7  At pagpugayan sa mga pamilihan, at ang sila'y tawagin ng mga tao, Rabi.


73. HUWAG PATAWAG NA RABI (GURO)
Mat 23 :
8  Datapuwa't kayo'y huwag patawag na Rabi: sapagka't iisa ang inyong guro, at kayong lahat ay magkakapatid.

74. HUWAG PATAWAG NA AMA
Mat 23 :
9  At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit.

75. HUWAG PATAWAG NA PANGINOON
Mat 23 :
10  Ni huwag kayong patawag na mga panginoon; sapagka't iisa ang inyong panginoon, sa makatuwid baga'y ang Cristo.

76. SUNDIN ANG KAUTUSAN
Mat 23 :
23  Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't ang KATARUNGAN, at ang PAGKAHABAG, at ang PANANAMPALATAYA: datapuwa't dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.

77. MANGAGINGAT NA HUWAG MAILIGAW NG SINOMAN
Mat 24 :
4 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman.

78. INGATAN NA HUWAG MAGULUMIHANAN
Mat 24 :
6 At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan:

79. IPANGARAL ANG EVANGELIO NG KAHARIAN SA BUONG SANGLIBUTAN
Mat 24 :
14  At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas. 

80. MAGSITAKAS
Mat 24 :
15  Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa),
16  Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:
17  Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay:
18  At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal.

81.  MAGSIPANALANGIN
Mat 24 :
20   At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o sa sabbath man:

82. HUWAG NINYONG PANIWALAAN
Mat 24 :
23 Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan.

83. HUWAG MAGSILABAS
Mat 24 :
26  Kaya nga kung sa inyo'y kanilang sasabihin, Narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan.

84.  MANGAGPUYAT KAYO
Mat 24 :
42 Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.

85. MAGSIHANDA
Mat 24 :
44 Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.

86. KANIN NINYO, INUMIN NINYO
Mat 26 :
26  At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.
27  At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan;
28  Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
29  Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na buhat ngayon ay hindi na ako iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago na mga kasalo ko kayo sa kaharian ng aking Ama.

87. MANGAGPUYAT KAYO
Mat 26 :
41  Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman.

88. ISAULI ANG TABAK SA KANIYANG LALAGYAN
Mat 26 :
52  Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Isauli mo ang iyong tabak sa kaniyang lalagyan: sapagka't ang lahat ng nangagtatangan ng tabak ay sa tabak mangamamatay. 

89. GAWING ALAGAD ANG LAHAT NG MGA BANSA
Mat 28 :
19  Dahil dito magsiyaon nga kayo, at GAWIN NINYONG MGA ALAGAD ANG LAHAT NG MGA BANSA, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:

90. BUMAUTISMO SA PANGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRIT SANTO
Mat 28 :
19  Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na SILA'Y INYONG BAUTISMUHAN SA PANGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO:

91. ITURO SA SANGLIBUTAN ANG KAUTUSANG CRISTO.
Mat 28 :
20  Na ITURO NINYO SA KANILA NA KANILANG GANAPIN ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA INIUTOS KO SA INYO: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

92. KAILANGANG KAYO’Y IPANGANAK NA MULI
Juan 3 :
5  Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.
6  Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.
7  Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, KINAKAILANGAN NGANG KAYO'Y IPANGANAK NA MULI.

93. SUMUNOD KA SA AKIN
Juan 1 :
43 Nang kinabukasan ay pinasiyahan niyang pumaroon sa Galilea, at kaniyang nasumpungan si Felipe: at sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Sumunod ka sa akin.

94. PUNUIN NG TUBIG ANG MGA TAPAYAN
Juan 2 :
Sinabi sa kanila ni Jesus, Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan. At kanilang pinuno hanggang sa labi.

95. HUWAG NINYONG GAWIN ANG BAHAY NG AKING AMA NA BAHAY-KALAKAL
Juan 2 :
16  At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya, Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito; huwag ninyong gawin ang bahay ng aking Ama na bahay-kalakal.

96. KINAKAILANGAN NGANG KAYO'Y IPANGANAK NA MULI
Juan 3 :
Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli.

97. ITANAW NINYO ANG INYONG MGA MATA
Juan 4 :
35  Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin.

98. HUWAG KA NG MAGKASALA
Juan 5 :
14  Pagkatapos ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay gumaling na: huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama.

99. SALIKSIKIN NINYO ANG MGA KASULATAN
Juan 5 :
39  Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.

100. MAGSIGAWA KAYO
Juan 6 :
27  Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: sapagka't siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga'y ang Dios.

101. HUWAG KAYONG MANGAGBULONGBULUNGAN
Juan 6 :
43  Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Huwag kayong mangagbulongbulungan.

102. MAGSIHATOL NG MATUWID NA PAGHATOL
Juan 7 :
24  Huwag kayong magsihatol ayon sa anyo, kundi magsihatol kayo ng matuwid na paghatol.

103. KAYO’Y MAGSILAKAD
Juan 12 :
35  Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Kaunting panahon na lamang sasagitna ninyo ang ilaw. Kayo'y magsilakad samantalang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng kadiliman: at ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.

104.  MAGSISAMPALATAYA KAYO SA ILAW
Juan 12
36  Samantalang nasa inyo ang ilaw, ay magsisampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw. Ang mga bagay na ito'y sinalita ni Jesus, at siya'y umalis at nagtago sa kanila.

105. MANGAGHUGASAN NG MGA PAA
Juan 13 :
14  Kung ako nga, na Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa't isa.
15  Sapagka't kayo'y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo.

106. MANGAG-IBIGAN SA ISA’T ISA
Juan 13:
34  Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa.

107. MAGSISAMPALATAYA KAYO SA DIOS
Juan 14 :
Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin.

108. MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN NA AKO’Y NASA AMA
Juan 14 :
11  Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin.

109. GAGAWIN KO ANG ANOMAN NINYONG HINGIN SA AKING PANGALAN
Juan 14 :
13  At ang anomang inyong hingin sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak.

110. TUPARIN ANG AKING MGA UTOS
Juan 14 :
15  Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.

111. HUWAG MAGULUMIHANAN ANG INYONG PUSO
Juan 14:
27   Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.

112. KAYO’Y MANATILI SA AKIN, AT AKO’Y SA INYO
Juan 15 :
4   Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo'y manatili sa akin.

113. KAYO'Y MAGSIPAGBUNGA
Juan 15 :
Sa ganito'y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo'y magsipagbunga ng marami; at gayon kayo'y magiging aking mga alagad. 

114. MAGSIPANATILI KAYO SA AKING PAG-IBIG
Juan 15 :
9 Kung paanong inibig ako ng Ama, ay gayon din naman iniibig ko kayo: magsipanatili kayo sa aking pagibig.

115. MANGAG-IBIGAN SA ISA’T ISA
Juan 15 :
12 Ito ang aking utos, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa, na gaya ng pagibig ko sa inyo.
Juan 15 :
17 Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo, upang kayo'y mangagibigan sa isa't isa.

116. ALAGAAN ANG AKING MGA TUPA
Juan 21 :
15  Kaya't nang mangakapagpawing gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga ako ng higit kay sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, PAKANIN MO ANG AKING MGA KORDERO.

117. KAYO NAMAN AY MAGPATOTOO
Juan 15:
27  At kayo naman ay magpapatotoo, sapagka't kayo'y nangakasama ko buhat pa nang una.

118. MAGSIHINGI KAYO, AT KAYO’Y TATANGGAP
Juan 16 :
23  At sa araw na yaon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anomang tanong. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo'y hihingi ng anoman sa Ama, ay ibibigay niya sa inyo sa aking pangalan
24  Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihinging anoman sa pangalan ko: kayo'y magsihingi, at kayo'y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan.
26  Sa araw na yao'y magsisihingi kayo sa aking pangalan: at sa inyo'y hindi ko sinasabi, na kayo'y idadalangin ko sa Ama; 

119. LAKSAN NINYO ANG INYONG LOOB
Juan 16 :
33   Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.

120. ISINUSUGO KO KAYO
Juan 20 :
21  Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.

121. TANGGAPIN NINYO ANG ESPIRITU SANTO
Juan 20 :
22  At nang masabi niya ito, sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo:

ITO ANG KAUTUSANG CRISTO

Sa pagtatapos ng akdang ito ay maituturing lamang na tayo ay kay Cristo, kung magagawa natin na tumalima sa KAUTUSANG CRISTO. Huwag nga nating ilagay ang ating sarili sa dako ng kasuklamsuklam na kasinungalingan, na nagsasabing tayo'y sa KATURUANG CRISTO, yun pala'y KATURUANG PABLO ang ganap nating sinusunod. Huwag nga nating pakadayain ang ating mga sarili sa pagwiwikang tayo ay sa KAUTUSANG CRISTO, nguni't sa kabaligtaran nito'y mga hidwang KAUTUSANG PABLO naman pala ang masugid nating sinusunod. 

Hinggil sa hindi maikakaila na katotohanang ito'y paka-alalahanin nga natin, na sa mga hindi gumaganap sa KAUTURUANG CRISTO na kasusumpungan ng KAUTUSANG CRITO. Bagkus ay nagsipaglagak ng lubos nilang tiwala, pananampalataya, at pagtalima sa KATURUAN AT KAUTUSANG PABLO. Sila kung gayon ay totoong nabibilang sa lubhang malaking kalipunan ng mga ANTICRISTO. Sila sa madaling salita ay samasamang nagkakatipon sa dako ng sukdulang kadiliman, na kung saan ay pook na kasusumpungan nitong si Satanas at lahat ng kaniyang mga kampon ng kasamaan   

Sundin nga natin ang mahigpit na utos ng Ama, na nagsasabing,

Mat 17 :
5  ............. ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, NA SIYA KONG KINALULUGDAN; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.

Kamtin ng bawa't isa ang mga biyaya ng langit na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.


ITO ANG KATURUANG CRISTO AYON SA ABOT SABI NG BANAL NA ESPIRITU. Na ang lahat ay masigla at bukal sa puso na tumangkilik, tumaguyod, ipangaral, ipagtanggol, at  tumalima sa mga UTOS (KAUTUSANG CRISTO) na mismo ay iniutos ng sariling bibig ng Cristo. SIYA NGA ANG ATING PAKINGGAN. AMEN

1 komento:

  1. There is much talk about, "belief in Jesus," but what does belief in Jesus mean? It means belief in his words, in the Principles he enunciated - and lived, in his commandments and in his exemplary life of perfection. He who declares belief in Jesus, and yet is all the time living in his lust & indulgences, or in the spirit of hatred & condemnation, is self decieved. He believes not in Jesus. He believes in his own animal self. He who believes in the commandments, and so is saved from sin.

    TumugonBurahin