Lunes, Setyembre 28, 2015

HINDI AKO ANG NAGSASALITA, NI ANG GUMAGAWA

Una sa lahat ay nararapat maunawaang lubos ng lahat, na ang Ama nating nasa langit ay mahigpit na ibinilin at iniutos sa mga apostol, pati na rin sa atin ang gawang matuwid na karapatdapat tindigang matibay at isabuhay ng sinoman sa kalupaan. Hindi lingid sa ating kaalaman, na ang kaisaisang Dios (Yehovah) ay gumagawa ng kaniyang mga gawa sa pamamagitan ng Kaniyang mga sisidlang hirang, o mga buhay na templo ng kaniyang Espiritu (7 Espiritu). Dahil diyan ay naisasatinig ng mga banal ang Kaniyang mga salita, na siyang nagiging matibay na gabay ng sinoman na pumapalaot sa larangan ng tunay na kabanalan.

Kaugnay niyan, nang ang ilang apostol ay isinama ni Jesus sa taluktok ng isang bundok ay naganap ang isang kagilagilalas na pangyayari na hindi nila inaasahan. Iyon ay ang tinig ng Dios na kanilang nadinig mula sa isang alapaap na lumilim sa kanila, na sinasabi,


MAT 17 :
5  Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.

Ang kautusan ngang iyan ng kaisaisang Dios ay tumimo sa puso at isipan ng mga tunay na apostol. Iyan ay walang alinlangan nilang sinunod at ginawang sandigan ng katuruang pangkabanalan (katuruang Cristo), na sinasang-ayunan ng katotohanang sumasa Dios.

Ang nabanggit na utos ng Dios na mababasa ng napakaliwanag sa Mat 17:5 ay katotohanan din naman na tumutukoy sa sangkatauhan. Sapagka’t ang mga salita, o katuruan (evangelio ng kaharian) na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo ay pawang sa ikaliligtas ng kaluluwa. Gayon din naman sa ikapagpapatawad ng mga nangagawang kasalanan.

Heto nga, at mula din naman sa bibig ni Propeta Ezekiel ay sinalita nitong Espiritu ng Dios ang mga sumusunod, na sinasabi,

EZE 37 :
14  At aking ilalagay ang aking Espiritu sa inyo, at kayo'y mangabubuhay, at aking (Yehovah) ilalagay kayo sa inyong sariling lupain, at INYONG MANGALALAMAN NA AKONG PANGINOON (Yehovah) ANG NAGSALITA, AT NAGSAGAWA, sabi ng Panginoon (Yehovah).


Katotohanan nga rin na si Jesus ay ipinangaral ng may katapangan ang evangelio ng kaharian (katuruang Cristo), at mula sa kaniyang bibig ay masiglang namutawi ang mga sumusunod na salita, gaya ng nasusulat.

JUAN 10 :
32  Sinagot sila ni Jesus, MARAMING MABUBUTING GAWA NA MULA SA AMA ANG IPINAKITA KO SA INYO; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin?

JUAN 5 :
30  HINDI AKO MAKAGAGAWA NG ANOMAN SA AKING SARILI: humahatol ako ayon sa aking narinig: at ang paghatol ko’y matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo (Yehovah) sa akin. 

31 Kung ako’y nagpapatotoo sa aking sarili. ANG PATOTOO KO AY HINDI KATOTOHANAN.

JUAN 8 :
28  Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako  ang Cristo, at WALA AKONG GINAGAWA SA AKING SARILI; KUNDI SINASALITA KO ANG MGA BAGAY NA ITO, AYON SA ITINURO SA AKIN NG AMA.(Yehovah) (Jer 1:9)

JUAN 14 :
10  Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, (Yehovah) at ang Ama (Yehovah) ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang AMA(Yehovah) na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. (Juan 10:30).

JUAN 8 :
26  Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ANG MGA BAGAY NA SA KANIYA'Y AKING NARINIG, ANG MGA ITO ANG SINASALITA KO SA SANGLIBUTAN  (Juan 15:15, Juan 17:8)

JUAN 12 :
49  Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang (Yehovah).na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN. (Juan 15:15, Juan 17:8, Exo 4:12)

JUAN 7 :
16  Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, ANG TURO KO AY HINDI AKIN, KUNDI DOON (Yehovah)SA NAGSUGO SA AKIN. (Juan15:15)

Paulit-ulit na binibigyang diin ng Cristo ang eksistensiya at presensiya nitong Espiritu ng Dios na masigla at makapangyarihang namamahay at naghahari sa kaniyang kabuoang pagkatao. 

Gaya ng mga talata na nalalahad sa itaas ay tahasan niyang winika, na anomang SALITA (turo, ni aral man) ng kabanalan na iniluwal ng sarili niyang bibig ay hindi mula sa kaniyang sarili, kundi ang lahat ng mga iyon ay sa nabanggit na Espiritu ng Dios na sumasa kaniyang kabuoan. Gayon ma'y hindi kakaunti ang mga tao na nagkaroon ng maling akala tungkol sa likas niyang kalagayan.

Sa gayong kasagradong kalakaran na umiiral sa mga banal ng Dios ay hindi na marahil mahirap umawain, kung kaninong salita ang nilalaman ng mga sumusunod na talata, na sinasabi,

MATEO 24 :
35  Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa’t ANG AKING MGA SALITA AY HINDI LILIPAS.

MATEO 16 :
18  At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at SA IBABAW NG BATONG ITO AY ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA;  at ang mga pintuan ng HADES ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

Mateo 28 :
18  At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y kaniyang kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN SA LANGIT AT SA IBABAW NG LUPA AY NAIBIGAY NA SA AKIN.

19  Dahil dito magsiyaon nga kayo, at GAWIN NINYONG MGA ALAGAD ANG LAHAT NG MGA BANSA, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

20  Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, AKO'Y SUMASA INYONG PALAGI, HANGGANG SA KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.

MATEO 15 :
24  Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi, HINDI AKO SINUGO KUNDI SA MGA TUPANG NANGALIGAW SA BAHAY NI ISRAEL.

JUAN 7 :
38  ANG SUMASAMPALATAYA SA AKIN, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay. (Juan 12:44).


JUAN 8 :
51  Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, KUNG ANG SINOMAN AY TUTUPAD NG AKING SALITA, AY HINDI SIYA MAKAKAKITA MAGPAKAILAN MAN NG KAMATAYAN. (Juan 12:49)

Juan 10 :
30  AKO AT ANG AMA AY IISA. (Juan 17:21-22)

Juan 11:
25  Sinabi sa kaniya ni Jesus, AKO ANG PAGKABUHAY NA MAGULI, AT ANG KABUHAYAN: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya;

JUAN 12 :
26  KUNG ANG SINOMANG TAO'Y NAGLILINGKOD SA AKIN, AY SUSUNOD SA AKIN; at kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung sinomang tao’y maglingkod sa akin, ay siya’y pararangalan ng Ama.

JUAN 14 :
6  Sinabi sa kaniya ni Jesus, AKO ANG DAAN, at ang KATOTOHANAN, at ang BUHAY: SINOMAN AY DI MAKAPAROROON SA AMA, KUNDI SA PAMAMAGITAN KO.

JUAN 15 :
5 AKO ANG PUNO NG UBAS, KAYO ANG MGA SANGA; Ang nananatili sa akin, at ako’y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka’t kung kayo’y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.

JUAN 15 :
20  KUNG TINUTUPAD NILA ANG AKING SALITA, ang inyo man ay tutuparin din.

Juan 17 :
24   ...AKO 'Y IYONG INIBIG BAGO NATATAG ANG SANGLIBUTAN.

JUAN 20 :
21  Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: KUNG PAANONG PAGKASUGO SA AKIN NG AMA, AY GAYON DIN NAMAN SINUSUGO KO KAYO.
22  At nang masabi niya ito, sila’y HININGAHAN niya, at sa kanila’y sinabi, TANGGAPIN NINYO ANG ESPIRITU SANTO. (Apoc 5 :6)

JUAN 18 :
37  Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga’y hari? Sumagot si Jesus, Ikaw ang nagsasabing ako’y hari. Ako’y ipinanganak dahil dito, dahil dito AKO NAPARITO SA SANGLIBUTAN, UPANG BIGYANG PATOTOO ANG KATOTOHANAN. Ang bawa’t isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.

JUAN 10 :
9  AKO ANG PINTUAN; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya’y maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan.

JUAN 10 :
14  AKO  MABUTING PASTOR; at nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako.

APOC 21 :
6  At sinabi niya sa akin, Nagawa na. AKO (Yehovah) ANG ALPHA AT ANG OMEGA, ANG PASIMULA AT ANG WAKAS. Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay.

APOC 22 :
13  AKO (Yehovah)  ANG ALPHA AT ANG OMEGA, AT ANG UNA AT ANG HULI, ANG PASIMULA AT ANG WAKAS.

Katotohanang katotohanan na matuwid sampalatayanan ng lahat, na ang mga talata na nahahayag sa itaas ay hindi nga mula sa sariling pagmamatuwid nitong si Jesus, kundi ang lahat ng iyan ay salita nitong nabanggit na Espiritu ng Dios na nag-uutos sa kaniya kung ano ang nararapat at matuwid niyang gawin, sabihin at salitain.

Katunayan lamang iyan, na ang Espiritu ng Dios na nakatira kay Jesus at ang kaisaisang Dios (Yehovah), na Siyang Ama na nasa langit ay iisa. Sapagka't sinalita ng Espiritung iyan sa pamamagitan ng sariling bibig ni Jesus, na, "Ako at ang Ama ay iisa."

Ang pagiging isa ng Ama at ng Cristo kung gayon ay katotohanang hindi sa pagiging Dios, kundi sa gawain na tumutukoy ng ganap sa tunay na kabanalan sa sangbahayan ni Israel. At dahil diyan ay hindi si Jesus ang karapatdapat na tawaging Dios, kundi ang nabanggit na Espiritu ng Dios, na sa panahong iyon ay nasa kalooban at kabuoan ni Jesus. Sapagka’t siya (Jesus) ay tumutukoy lamang bilang isang tao na lumalapat ng ganap sa kalagayang kasangkapan ng Espiritu, sisidlang hirang, talaytayan (medium), propeta, at sa madaling salita ay isang buhay na templo ng Dios. Sapagka’t tungkol sa usaping iyan ay may pagdidiin na sinabi ang Ama, gaya ng nasusulat,

DEUT 18 :
18  Aking (Yehovah) palilitawin sa kanila ang isang PROPETA sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at AKING ILALAGAY ANG AKING MGA SALITA SA BIBIG NIYA, at KANIYANG SASALITAIN SA KANILA ANG LAHAT NG AKING IUUTOS SA KANIYA. (Amos 3:7)


EXO 4 :
12  Ngayon nga’y yumaon ka, at AKO’Y SASAIYONG BIBIG, AT ITUTURO KO SA IYO KUNG ANO ANG IYONG SASALITAIN.

JER 1 :
Nang magkagayo’y iniunat ng Panginoon (Yehovah). ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, INILALAGAY KO ANG AKING MGA SALITA SA IYONG BIBIG.

Sa mga buhay na templo ng Dios, o sisidlang hirang ng Dios na nabuhay sa lubhang malayong kapanahunan ay maliwanag ngang nabibilang sa kanila itong si Jesus. Sapagka’t kaniyang sinabi, gaya ng nasusulat,

MATEO 13 :
54  At pagdating sa kaniyang sariling lupain (Nazaret), ay kaniyang tinuruan sila sa kanilang sinagoga, ano pa’t sila’y nangagtaka, at nangagsabi, Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan, at ng ganitong mga makapangyarihang gawa?

57  At siya’y kinatisuran nila. Datapuwa’t sinabi sa kanila ni Jesus, WALANG PROPETA NA DI MAY KAPURIHAN, LIBAN, SA KANIYANG SARILING LUPAIN, AT SA KANIYANG SARILING BAYAN.

Ito ngang si Jesus ay pinatotohanan mismo ng kaniyang sarili na siya ay isang propeta ng Dios, at gaya din naman sa gayong kabanal na kalagayan ay malugod siyang kinilala ng mga anak ni Israel, na sinasabi,

Mateo 21 :
11  At sinabi ng mga karamihan, ITO 'Y ANG PROPETA, JESUS  na taga Nazaret ng Galilea.
                                                                                                               
Mateo 21 :
46  At nang sila’y nagsisihanap ng paraang siya’y mahuli, ay nangatakot sila sa karamihan, sapagka’t ipinalalagay nila na SIYA'Y PROPETA.


Juan 6 :
14  Kaya nang makita ng mga tao ang tandang ginawa niya, ay kanilang sinabi, TOTOONG ITO NGA ANG PROPETA NA PARIRITO SA SANGLIBUTAN.

Juan 7 :
40  Ang ilan nga sa karamihan, nang marinig ang mga salitang ito, ay nangagsabi, TUNAY NA ITO ANG PROPETA.

Ano pa’t may isang umiiral na sagradong kalakaran, na ang Espiritu ng kaisaisang Dios ay maliksi at makapangyarihang pinamamahayan at pinaghaharian ang kalooban ng Kaniyang mga banal (propeta). Na sa kanila nga ay ang taong nagngangalang Jesus ang kinatuparan sa panahong iyon. Sapagka’t sinabi ng kaisaisang Dios,

DEUT 18 :
18  Aking (Yehovah) palilitawin sa kanila ang isang PROPETA sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at AKING ILALAGAY ANG AKING MGA SALITA SA BIBIG NIYA, at KANIYANG SASALITAIN SA KANILA ANG LAHAT NG AKING IUUTOS SA KANIYA. (Amos 3:7)

Bilang kaganapan sa pahayag ng Dios na iyan ay pinatotohanan naman nitong si Jesus, na siya ay hindi gumagawa, ni nagsasalita ng anoman sa kaniyang sarili, kundi ang Espiritu ng Ama (pitong [7] Espiritu) na sumasa kaniya ang gumagawa ng Kaniyang mga gawa, at nagsasalita ng Kaniyang mga salita.

Muli, at mismong si Jesus na ang madiing nagwika na ang mga salita na ipinangaral ng sarili niyang bibig ay hindi sa kaniya, kundi sa Espiritu ng Dios na sumasa kaniya. Sa akdang ito ay makatuwiran na pinatototohanan mismo ni Jesus, na ang likas niyang kalagayan ay hindi kailan man lumapat sa kalagayang Dios

Sapagka't ang katotohanan na nalalahad ng maliwanag hinggil sa likas niyang kalagayan ay tahasan niyang sinabi,


JUAN 8 :
40  Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, naTAONG sa inyo'y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na aking NARINIG SA DIOS, ito’y hindi ginawa ni Abraham. (Juan 8:42, Juan 20:17)

JUAN 20 :
17  Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, AAKYAT AKO SA AKING AMA AT INYONG AMA AT AKING DIOS AT INYONG DIOS. 

Sa pagtatapos ng akdang ito ay alalahanin natin ang mahigpit na utos ng Ama, na sinasabing, 

"SIYA ANG INYONG PAKINGGAN," 


at dahil diyan ay walang anomang maidadahilan ang sinoman, upang ang mga sinalita ng sariling bibig ng Cristo ay ipagpasawalang kabuluhan ninoman. (Mat 17:5)

Katotohanan sa makatuwid na ang kaligtasan (salvation) ay hindi sa pamamagitan ng Cristo, kundi sa pamamagitang ng KATURUANG CRISTO. Hindi kailan man naging si Jesus ang daan ng kaligtasan, kundi ang Espiritu ng Dios na sa kapanahunan niyang iyon, ay masigla at makapangyaring namamahay at naghahari sa kaniyang kabuoang pagkatao. Salita ng Dios lamang ang kaisaisang daan ng kaligtasan ng kaluluwa ninoman sa kalupaang ito.


"Alin mang kasangkapan, kung hindi dadamputin ng kamay ay walang anomang kabuluhan sa natatangi nitong layunin. Ang saro kahi man ito yari sa lantay na ginto ay walang kabuluhan, malibang ito salinan ng tubig at ihatid ng kamay sa bibig upang patirin ang uhaw ng nanunuyong lalamunan." 

Ang Rayos ng Liwanag (Katuruang Cristo) Bible Ministry online ay masiglang nakatuon sa Katuruang Cristo, na kasusumpungan ng mga dalisay at dakilang aral, at siyang tagapaghatid ng sinoman sa dako ng larangang may kinalaman sa totoong kabanalan sa kalupaan.

Patuloy nawang makamit ng bawa’t isa ang masaganang bugso nitong biyaya ng langit, na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at sagad na buhay sa kalupaan.

Hanggang sa muli, paalam.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento