REINCARNATION
Ang paniniwala sa reincarnation ay isang hayag na hindi pangkaraniwang bagay noon pa mang una, at siyang pangunahing doktrina sa ilang mayoriyang relihiyon ng India, gaya ng Hinduism, Sikhism, at Jainism.
Sa makabagong panahon ay iyan pa rin ang matibay
na paninindigan ng marami, lalo na ang kalipunan ng mga tao na dumadako sa masalimuot
na larangan ng espiritismo alinsunod sa di-makatuwirang simulain ng paganismo.
Winikang gayon, dahil sa ang paniniwalang iyan ay may ganap na pagsalungat sa
katuwiran ng mga banal na kasulatan (OT/NT).
Mula naman sa mga balumbon ng Tanakh (OT) ay hindi kailan man
nabanggit ni ipinahiwatig man, na ang sangkatauhan ay binibigyan ng maraming pagkakataon na isilang na muli bilang tao. Sa biblia
(OT/NT), ang konsepto ng reincarnation ay walang anomang
ipinakita, ni ipinahiwatig man na pinag-ugatan, o
pinagmulan man nito.
Ang katuruan hinggil diyan ay nililinaw ng mga nabanggit na kasulatan na saan man at kailan man ay hindi umiral, ni nagkaroon man ng anomang eksistensiya.

Gayon ma’y
isang pangkalahatang tradisyon ng di makatotohanang paniniwala sa kapanahunan
ng panginoong Jesus ang usaping iyan.
Sapagka’t may mga talata sa bagong tipan ng bibliya, na nagpapahayag ng mga
sumusunod,
1. SINO ANG NAGKASALA
JUAN 9 :
JUAN 9 :
1 At sa pagdaraan
niya, ay nakita niya ang isang lalaking bulag mula sa kaniyang kapanganakan.
2 At itinanong sa kaniya ng kaniyang mga
alagad, na nangagsasabi, RABI, SINO ANG
NAGKASALA, ANG TAONG ITO, O ANG KANIYANG MGA MAGULANG, upang siya'y
ipanganak na bulag?
3 Sumagot si Jesus, HINDI DAHIL SA ANG TAONG ITO'Y NAGKASALA, NI ANG KANIYANG MGA MAGULANG MAN: KUNDI UPANG MAHAYAG SA KANIYA ANG MGA GAWA NG DIOS.
Sa Juan 9:3 na mababasa sa itaas ay mapapag-unawa ng napakaliwanag, na ang tanong sa Juan 9:2 ay hindi sinang-ayunan ng mga salita na isinagot ni Jesus. Sapagka't iyon ay hindi tumutukoy sa pagsilang na muli (reincarnation). kundi upang ipahayag sa mga tao ang mga gawa ng Dios.
Ang pananaw na iyan bago pa
ang panahon ng Cristo Jesus ay naging isa ng tanyag na paniniwala ng mga
pagano ilang libong tao na ang nakalilipas, at hanggang sa ngayon ay
patuloy pa ring tinitindigan ng marami. Sila yaong tinutukoy sa
Juan 9:1-3, na mga walang
anomang ganap na kamalayan at hustong kaunawaan sa katotohanang binibigyang
diin ng mga nabanggit na kasulatan. Iyan ay hindi kailan man tinanggap ng
Judaismo at ng mga Cristiano ni Jesucristo, dahil sa pagkontra nito sa katuwiran
na nilalaman ng iskriptura (OT/NT).
2. ANG PAGPARITO NI ELIAS
Gayon man ay pinaniniwalaan na sa bagong tipan ng bibliya ay may ilang talata na umano ay naglalahad ng matibay na katunayan sa makatotohanang eksistensiya, o masiglang pag-iral ng reincarnation.
Na sinsabi,
MATEO 17 :
10
At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Bakit nga
sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?
11
At sumagot siya, at sinabi, Katotohanang si Elias ay paririto, at
isasauli ang lahat ng mga bagay:
12
Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, NA
NAPARITO NA SI ELIAS, at hindi nila siya nakilala, kundi
ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig. GAYON DIN NAMAN ANG ANAK NG TAO AY MAGBABATA SA KANILA.
13
Nang
magkagayo'y napagunawa ng mga alagad na si Juan Bautista ang sa kanila'y
sinasabi niya.
Maliwanag na
tinitindigan ng mga talata sa itaas, na si Elias
ay paroroon, at siya nga ay katotohanan na naparoon na. Gayon man ay hindi nila
siya nakilala na isang tunay na sugo ng Dios,
at ginawa ng mga tampalasan ang anoman nilang inibig na gawin sa kaniya. Gaya
din naman ani Jesus, na ang Anak ng tao na sugo din naman ng Dios ay magbabata ng hirap sa kanilang
mga kamay.
Diyan ay malinaw
ang pagkasabi bilang isang katotohanan, na si Elias ay nabuhay sa kaniyang kapanahunan, at si Jesus ay nabuhay din naman sa kaniyang
kapanahunan. Sila ay maliwanag na dalawang (2) magka-ibang persona, mula sa
kani-kanilang natatanging kapanahunan. Hindi nga rin kailan man sinabi, ni
ipinahiwatig man, na itong si Elias
ay muling nagbalik sa katauhan nitong si Jesus, o ni Juan Batista man.
Sa Mat 17:13 ay
napag-unawa umano ng mga alagad na si Juan
Bautista ang sa kanila ay tinutukoy ni Jesus, na Elias na pumaroon sa kanila.
Gayon man ay maipasisiya na ang nasasaad sa talatang iyan ay palapalagay lamang
ng mga alagad, at maliwanag na hindi sinasang-ayunan ng katotohanan. Sapagka’t
nang tanungin ng mga tao ang tungkol sa likas niyang kalagayan ay
madiin niyang winika sa kanila ng napakaliwanag ang mga sumusunod na salita,
Na sinasabi,
Juan 1 :
19 At ito ang patotoo ni Juan, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga?
20
At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi
ako ang Cristo.
21
At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? IKAW BAGA'Y SI ELIAS? At
sinabi niya, HINDI AKO. Ikaw baga ang propeta? At
siya'y sumagot, Hindi.
Sa gayo’y binigyang linaw ng Juan 1:21 ang nasasaad na hakahaka ng mga alagad ng Cristo sa Mat 17:13, hindi upang gawing sinungaling ang mga alagad. Kundi upang
ipakita na sila ay nagkamali lamang. Ito'y nang akalain nila na si Elias ang katauhan at persona na
pumapaloob kay Juan Bautista. Sa Juan 1:21 ay maliwanag na ang reincarnation ay hindi sinasang-ayunan nito.
Mula sa pinag-agapay na mga talata ay gaya ng nasusulat
sa ibaba ang mababasa.
MATEO 17 :
10
At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Bakit nga
sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?
11
At sumagot siya, at sinabi, Katotohanang si Elias ay paririto, at
isasauli ang lahat ng mga bagay:
12
Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, NA
NAPARITO NA SI ELIAS, at hindi nila siya nakilala, kundi
ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig. GAYON DIN NAMAN ANG ANAK NG TAO AY MAGBABATA SA KANILA.
13
Nang magkagayo'y napagunawa ng mga alagad na si JUAN BAUTISTA ang sa kanila'y sinasabi niya.
|
JUAN 1 :
19
At ito ang patotoo ni Juan, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa
Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka
baga?
20
At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag,
Hindi ako ang Cristo.
21
At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? IKAW BAGA'Y SI ELIAS? At sinabi niya, HINDI AKO. Ikaw baga ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi.
|
Isang
katotohanan na matuwid tanggapin ng lahat na karapatdapat paniwalaan ang
mismong sinalita ng sariling bibig ni Juan
Bautista, kay sa palapalagay lamang ng mga alagad ng Cristo
tungkol sa kaniya. Diyan ay matibay ang patotoo mula sa Juan 1:21 na higit kay sa
nilalaman ng Mateo 17:13.
Sa mga
talatang iyan ay kasing linaw ng kristalinong tubig, na si Jesus at si Juan Bautista ay hindi kaganapan ng
ipinalalagay na pagbabalik ni Elias. Ang itinatayang matibay na
katunayan ng reincarnation sa evangelio ng kaharian na masusumpungan sa Mateo 17:13. ay hindi kailan man naging balido, bilang katunayan ng
eksistensiya at pag-iral ng reincarnation.
Gayon din
ayon sa aklat ni Job ay malinaw din na pinasisinunglingan ang
pangkalahatang pagbangon (resurrection) ng mga patay mula sa pagkakalibing sa
lupa sa araw ng di-umano'y huling paghuhukom (final judgement).
Na sinasabi,
Na sinasabi,
JOB 7 :
9 Kung paanong ang ulap ay napapawi at
nawawala, GAYON SIYANG BUMABABA SA SHEOL
AY HINDI NA AAHON PA.
10 Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay,
ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.
JOB 14 :
10 Nguni't
ang tao ay namamatay at natutunaw; Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at
saan nandoon siya?
11 Kung
paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat, at ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
12 Gayon ang
tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: HANGGANG
SA ANG LANGIT AY MAWALA, SILA'Y HINDI MAGSISIBANGON, NI MANGAGIGISING MAN SA
KANILANG PAGKAKATULOG.
ECC 9 :
5
Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi
nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan;
sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.
Wala
na ngang sinomang aahon pa mula sa sheol (libingang dako ng mga patay) ayon kay Job, at sa sandaling ang
sinoman ay pumanaw sa kalupaan ay hindi na siya mabubuhay pang muli. Hanggang
sa ang langit ay maparam, siya’y hindi na babangon pa, ni magigising man sa
kalagayan niyang iyon. Ano nga naman ang sintido na buhayin pa ang mga patay, kung ang lahat ng alaala nila ng nakaraan ay nabura na sa kanilang kaisipan.
Napakaliwanag ang winikang iyan ni Job na walang ibang pinagbatayan, kundi ang dakilang balanse at perpektong kaayusan na walang hanggang pinaiiral ng kaisaisang Dios ng langit sa kabuoang kalikasan ng dimensiyong ito ng materiya.
3. KAILANGANG IPANGANAK NA MULI
3. KAILANGANG IPANGANAK NA MULI
Isa pa
ring kinikilala na katunayan ng reincarnation ang sumusunod na talata,
JUAN 3 :
5 Sumagot si Jesus,
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng
TUBIG at ng ESPIRITU, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.
6 ANG IPINANGANAK NG LAMAN AY LAMAN NGA; at ang IPINANGANAK NG ESPIRITU AY ESPIRITU NGA.
7 Huwag kang magtaka sa
aking sinabi sa iyo, KINAKAILANGAN NGANG
KAYO'Y IPANGANAK NA MULI.
Diyan
ay maliwanag na sinasabi, na ang sinoman ay kailangan na ipanganak sa tubig
at sa Espiritu, upang siya ay makapasok sa kaharian ng Dios. Huwag ngang magtaka ani Jesus, sapagka’t kailangan ngang ang lahat ay ipanganak
na muli (born again).
Sa
biglang unawa ay lalabas ngang isang matibay na katunayan ng reincarnation ang
isinaad ng sariling bibig ni Jesus sa
Juan 3:5-7. Gayon man, kung uunawaing
mabuti ang mga talata sa itaas ay lalabas ang katotohanan na iyan ang
pinakamatibay na katunayan, na ang reincarnation ay hindi kailan man umiral sa
kalawakang ito ng dimension ng materiya.
Ang
lahat ay nagdaan sa unang kapanganakan sa pamamagitan ng masaganang daloy ng
tubig mula sa mapagpalang sinapupunan ng isang ina. Dahil diyan ay walang sinoman sa
kalupaan na hindi sumailalim sa kaisaisang paraan na iyan ng kapanganakan, o pagsilang ng pisikal na katawan. Maging si Jesus na kinikilalang
Dios ng mga pagano ay dumaan sa
dakila at masiglang kaparaanang iyan ng pagsilang.
Ang
tao sa makatuwid ay kailangang dumaan sa dalawang (2) kapanganakan, at ang una nga
diyan ay sa pamamagitan ng tubig mula sa dalisay na sinapupunan ng isang ina. Ang
pangalawa ay sa pamamagitan ng Espiritu. Na ang ibig sabihin ay ipanganganak na
bagong tao, mula sa pagkamulat sa katotohanan, sa liwanag, sa pag-ibig, sa
lakas, sa paggawa, sa karunungang may unawa, at sa buhay na walang hanggan.
SINO ANG IPINANGANAK SA ESPIRITU?
SINO ANG IPINANGANAK SA ESPIRITU?
I
PEDRO 1:
23 Yamang ipinanganak
kayong muli. Hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan sa pamamagitan
ng SALITA NG DIOS NA NABUBUHAY at namamalagi.
I
JUAN 2 :
29 Kung nalalaman ninyong
siyay matuwid ,nalalaman naman ninyo na ANG BAWAT GUMAGAWA NG KATWIRAN AY
IPINANGANAK NIYA.
NAIPANGANAK
NA TAYONG MULI SA PAMAMAGITAN NG PAGTUPAD SA MGA KATWIRAN NG DIOS.
Maliwanag na ipina-uunawa sa panahong nilakaran ng mga Apostol, na ang pagsilang na muli ay masiglang nagaganap sa pamamagitan ng paggawa nitong katuwiran ng Dios (kautusan).
Sinabing ang muling pagkapanganak ay sa pamamagitan ng Espiritu. Kung gayon ay ano nga ba ang tinutukoy na Espiritu nitong si Jesus ng Nazaret. At gaya ng napakaliwanag na nasusulat mula sa aklat ng mga banal ng Dios ay ganito ang mababasa.
JUAN
6:
63 ANG ESPIRITU NGA ANG BUMUBUHAY; sa
laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay
pawang ESPIRITU, at pawang BUHAY.
Ang mga salita ng Dios (kautusan) na masiglang iniluwal ng sariling bibig ng Cristo ang siyang katotohanan na ESPRITU NA BUMUBUHAY.
Kung gayong ang Cristo na mismo mula sa sarili niyang bibig ang siyang nagpatotoo hinggil sa pagsilang na muli, o yaong pangalawang kapanganakan. Naipanganak na ngang muli, hindi sa laman (tubig), kundi sa ESPIRITU ang sinoman na nakipag-isa sa ESPIRITU. Na kung lilinawin ay siya na masigla at may galak sa puso na nakinig at sumunod sa mga salita (utos) ng Dios.
Sapagka’t
tungkol diyan ay napakaliwanag ang pagkasabi ng sariling bibig ni Jesus, na ang
wika ay gaya nito,
Juan 3 :
7 Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, KINAKAILANGAN NGANG KAYO'Y IPANGANAK NA MULI.

Pakatandaan
natin na hindi kailan man itinuro ng sariling bibig ni Jesus,
na ang lahat ay ipanganganak na “MULI AT MULI.” Ang turo ay hindi
gayon, kundi ang sinabi niya ay “MULI”, na ang ibig sabihin ay
minsan lamang. Ang unang pagsilang ay sa tubig, at ang muling pagsilang ay katotohanan na sa Espiritu.
Gaya nito,
Juan 1 :
12 Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:
13 NA MGA IPINANGANAK NA HINDI SA DUGO, NI SA KALOOBAN NG LAMAN, NI SA KALOOBAN NG TAO, KUNDI NG DIOS.
Napakaliwanag ayon sa katotohanan na itinuturo ng saksing si Juan, na ang unang kapanganakan ay mula lamang sa sinapupunan ng isang ina. Gaya nila na mga dumaan sa unang kapanganakan (tubig) ay NAGSITANGGAP at sila'y pinagkalooban ng karapatan na maging mga anak ng Dios.
Ayan nga sila na muling ipinanganak hindi sa dugo, ni sa laman man na unang kapanganakan, kundi sa Espiritu o sa kalooban ng Dios na siya nilang MULI at HULING KAPANGANAKAN.
Gaya nga ng napakaliwanag na isinasaad ng banal na kasulatan.
Sa gayo'y tinamo nila ang karapatang maging mga tunay na anak ng Dios, at maging lehitimong bahagi ng langit, na kung saan ay dimensiyong Espiritu na kumakatawan sa kaisaisang Ama at Dios ng sangkatauhan, na tumatahan sa dimensiyong ito ng materiya.
Ito na nga ang rurok ng tagumpay sa bawa't kaluluwa ng sinoman sa kalupaan. Na mapasa kaharian ng langit kapiling ang kaisaisang Ama at Dios ng sangkatauhan. Kung ang ating kabuoan ay mula nga sa mga bahagi ng Dios. Matuwid lamang sa dulo ng lahat, na masumpungan ng sinoman ang Ama nating Dios, na kung saan ay nagmula ang lahat-lahat. Iyan sa makatuwid ang naipanganak na muli sa Espiritu.

"NAIPANGANAK NA TAYONG MULI SA PAMAMAGITAN NG PAGTUPAD SA MGA KATWIRAN NG DIOS."
Sa gayo'y tinamo nila ang karapatang maging mga tunay na anak ng Dios, at maging lehitimong bahagi ng langit, na kung saan ay dimensiyong Espiritu na kumakatawan sa kaisaisang Ama at Dios ng sangkatauhan, na tumatahan sa dimensiyong ito ng materiya.
Ito na nga ang rurok ng tagumpay sa bawa't kaluluwa ng sinoman sa kalupaan. Na mapasa kaharian ng langit kapiling ang kaisaisang Ama at Dios ng sangkatauhan. Kung ang ating kabuoan ay mula nga sa mga bahagi ng Dios. Matuwid lamang sa dulo ng lahat, na masumpungan ng sinoman ang Ama nating Dios, na kung saan ay nagmula ang lahat-lahat. Iyan sa makatuwid ang naipanganak na muli sa Espiritu.
4. HINDI NA LALABAS PANG MULI
Ang
kahulugan sa makatuwid ng mga hindi nakaka-unawa sa KATURUANG CRISTO sa nilalaman ng Juan 3:5-7 ay,
"Ang muli at muling kapanganakan sa pamamagitan ng masaganang tubig na mula sa sinapupunan ng isang ina."Ano pa't paano ngang ang sinoman na napagtagumpayan ang pagtalima sa kalooban ng kaisaisang Dios ng langit ay isisilang na muli sa pamamagitan ng tubig, gayong pinatototohanan mismo ng sariling bibig ng Cristo ang sumusunod na katuwiran ng langit.
Na
sinasabi,
APOC 3 :
12 Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa
templo ng aking Dios, AT HINDI NA SIYA'Y
LALABAS PA DOON: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at
ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa
langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.
Gayon
din naman na katuwirang sumasa Dios ang sumusunod, gaya ng nasusulat.
JOB 7 :
9 Kung paanong ang ulap ay napapawi at
nawawala, GAYON SIYANG BUMABABA SA SHEOL
AY HINDI NA AAHON PA.
10 Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay,
ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.
Kung paano nga ang sinomang napasa kaharian na ng langit ay hindi na lalabas pa doon. Gayon din naman ang sinomang kaluluwa na bumaba sa sheol (libingan ng mga patay) ay hindi na aahon pang muli sa dimensiyon ng materiya. Sapagka't ang kaluluwa na napasa langit ay iyon na nga ang pinal na husga sa kaniya ng Dios. Gayon din ang kaluluwa na napasa sheol (libingan ng mga patay) ay iyon na nga rin ang pinal na husga sa kaniya ng Dios.
Ang sukdulan, o wakas ng sinoman kung gayon ay ang PAGKATAKOT SA DIOS at SUNDIN ANG MGA UTOS NG DIOS. At mula sa banal na gawaing iyan ay naipapanganak sa Espiritu ang sinoman. At iyan na nga ang wakas ng kasinungalingan, dilim ng kaisipan, galit at panibugho, kahinaan, katamaran, kamangmangan, at kamatayan.
Sapagka't sa kaniya na ipinanganak sa Espiritu ay nagsibangon ang Espiritu ng katotohanan, Espiritu ng ilaw, Espiritu ng pag-ibig, Espiritu ng lakas, Espiritu ng paggawa, Espiritu ng karunungan na may unawa, at ang Espiritu ng buhay na walang hanggan.
Ang ipinanganak sa Espiritu, kung gayon ay ipinanganak sa pitong (7) Espiritu ng Dios na nasasaad sa dakong itaas ng istansang ito.
ANG HULING PAGHUHUKOM
Sa gayo'y walang anomang sintido, na sa sinasabing huling paghuhukom ay babangon ang masama at mabuti, upang kamtin nila ang husga ng langit. Na sila'y aahon mula sa libingan ng mga patay (sheol), at bababa mula sa langit, upang dito sa lupa ay hukuman ng Dios.
Gayon man ay napakaliwanag ang sinabi,

ECL 12 :
13 Ito ang wakas ng bagay; lahat
ay NARINIG: IKAW
AY MATAKOT SA DIOS, at SUNDIN
MO ANG KANIYANG MGA UTOS; sapagka’t ITO ANG BOONG
KATUNGKULAN NG TAO.
14 Sapagka’t dadalhin ng Dios ang
bawa’t GAWA SA KAHATULAN, pati ng bawa’t kubling bagay, maging
ito’y MABUTI o maging ito’y MASAMA.
Ang sukdulan, o wakas ng sinoman kung gayon ay ang PAGKATAKOT SA DIOS at SUNDIN ANG MGA UTOS NG DIOS. At mula sa banal na gawaing iyan ay naipapanganak sa Espiritu ang sinoman. At iyan na nga ang wakas ng kasinungalingan, dilim ng kaisipan, galit at panibugho, kahinaan, katamaran, kamangmangan, at kamatayan.
Sapagka't sa kaniya na ipinanganak sa Espiritu ay nagsibangon ang Espiritu ng katotohanan, Espiritu ng ilaw, Espiritu ng pag-ibig, Espiritu ng lakas, Espiritu ng paggawa, Espiritu ng karunungan na may unawa, at ang Espiritu ng buhay na walang hanggan.
Ang ipinanganak sa Espiritu, kung gayon ay ipinanganak sa pitong (7) Espiritu ng Dios na nasasaad sa dakong itaas ng istansang ito.
ANG HULING PAGHUHUKOM
Sa gayo'y walang anomang sintido, na sa sinasabing huling paghuhukom ay babangon ang masama at mabuti, upang kamtin nila ang husga ng langit. Na sila'y aahon mula sa libingan ng mga patay (sheol), at bababa mula sa langit, upang dito sa lupa ay hukuman ng Dios.
Gayon man ay napakaliwanag ang sinabi,
“Maliban na ang tao'y ipanganak ng TUBIG at ng ESPIRITU, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.”
Ang sinoman kung gayon ay dadaan at sasailalim sa dalawang (2) kapanganakan lamang, at bukod doon ay wala ng iba pang kapanganakan na kaniyang mararanasan. Sapagka't sa dalawang (2) kapanganakan lamang na iyon ay katotohanang matatamo na ng sinoman ang sapat at hustong karapatan na makapasok sa kaharian ng Dios.
5. ANG PANGINTAIN KAY MOSES AT ELIAS
Sa pagpapatuloy ay isang kaganapan sa kalagayang Espiritu ang nasaksihan ni Pedro, Santiago, at Juan, na sinasabi,
Mat 17:

1 At pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago, at si Juan na kapatid niya, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok:
2 At nagbagong-anyo siya sa harap nila; at nagliwanag ang kaniyang mukha na katulad ng araw, at pumuting tulad sa ilaw ang kaniyang mga damit.
3 At narito, NAPAKITA sa kanila si Moises at si Elias na nakikipagusap sa kaniya.
Iyon ay isa lamang maliwanag na pangitain, sapagka't ang sabi ay "NAPAKITA" sa kanila si Moises at si Elias. Gayon man ay hindi nangangahulugan, na ang dalawa (2) ay lumabas mula sa kaluwalhatian ng langit upang makipagkita kay Jesus at sa kanila. Kundi iyon ay isang senaryo na nasaksihan ng iba nilang mata, na may kakayanang makakita ng partikular na tanawin sa dimensiyon ng Espiritu.
Gaya lamang iyan ng naging karanasan ni Juan nang siya ay nasa munting isla ng Patmos, na nasaksihan ang hindi kakaunting tanawin sa dimesiyong iyon ng Espiritu.
Sa gayo'y maliwanag na ipinatanaw lamang sa kanila ang senaryong iyon sa kalagayang Espiritu, at isa man sa dalawa (2) ay totoong hindi lumabas sa dimensiyon ng Espiritu na kanilang ganap na kinabibilangan at tinatahanan.

Sa katunayang iyan ay hindi magiging makatotohanan na gawing batayan ng sinoman ang nilalaman ng Mat 17:1-3 bilang isang katibayang magpapatotoo sa paglabas-masok ng mga banal na kaluluwa sa kaluwalhatian ng langit. Isa nga ring napakalaking kabulaanan, na ang sinomang kaluluwa na sumasa langit na ay binibigyan pa ng Dios ng pagkakataong isilang na muli sa tubig na masaganang dumadaloy mula sa sinapupunan ng isang ina.
Wala na ngang anomang sintido ni kabuluhan man, na sila ay palabasin pang muli sa kaluwalhatian ng langit, upang gumanap sa partikular na tungkulin sa kalupaan. Sapagka't ang pitong (7) Espritu ng Dios ay malaon ng isinugo sa kalupaan, gaya ng nasusulat,
APOC 5 :
6 ..... na siyang PITONG ESPIRITU NA SINUGO SA BUONG LUPA.
Sa gayo'y kulang pa ba ang Espiritu ng katotohanan, ang Espiritu ng ilaw, ang Espiritu ng pag-ibig, ang Espiritu ng kapangyarihan, ang Espiritu ng paglikha, ang Espiritu ng karunungan, at ang Espiritu ng buhay, upang ayudahan pa ng mga kaluluwang sumasa langit na? At ano ang ginagawa ng mga anghel na mga lingkod ng mga nabanggit na Espiritu. Sila baga ay pinalalabas ng mga walang unawa, na mga inutil sa kanilang natatanging layunin?
Gaya ng maliwanag na pagkasabi sa una, ang sinomang hindi muling maipanganak sa pamamagitan ng Espiritu ay totoong hindi makakapasok sa kaluwalhatian ng langit. Ano ang kabuluhan at sintido ng reincarnation, kung sa pamamagitan lamang pala ng kapanganakan sa tubig at kapanganakan sa espiritu ay may katiyakan ng mapapagtagumapayan na nating makapasok at maging lehitimong bahagi nitong kaluwalhatian ng langit.
6. ANG PAGBABAYAD NG KASALANAN
Narito pa ang isa sa napakaliwanag na tanawin na dapat maunawaan ng sinoman sa atin, at gaya ng nasusulat ay madiing sinabi ni Jesus.
MAT 5:25 Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan.
26 Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi ka aalis doon sa anomang paraan, hanggang hindi mo mapagbayaran ang katapustapusang beles.
Ang kontexto ng Mateo 5:25-26 ay napakaliwanag na tumutukoy sa pakikipagkasundo ng sinoman sa kaniyang kaalit habang kasama niya siya sa lansangan, dahil baka makapag-isip siya na isuplong ang kaniyang kaaway sa isang Hukom, at ipasok siya sa bilangguan.
Doon nga'y sinabi, na siya ay hindi makakawala sa piitan hanggang hindi niya napagbabayaraan ang huling beles na kaniyang pagkakautang.
Diyan ay maliwanag pa sa katanghaliang tapat na ang mga talatang iyan na nabanggit sa itaas ay walang anomang ibang kahulugan, kundi ang literal na ibig sabihin nito ayon sa sinalita ng sariling bibig ni Jesus.
Gayon man, iyon ay pilit na ini-ugnay ng mga hindi nakaka-unawa sa usapin ng reincarnation. Na ginawa pang isang batas ng reincarnation, na saan man at kailan man ay hindi sinang-ayunan ng KATURUANG CRISTO.
Ano pa't sa talata 26 ay madiing sinalita ng bibig ni Jesus na ang napipiit ay hindi makakalaya, hanggang hindi napagbabayaran ang katapustapusang beles.
Ang ibig sabihin lang nito, kung ilalapat sa ibang kahulugan ay hindi makaka-alis ang sinoman sa lupa hanggang hindi niya napagbabayaran ang kahulihulihan niyang kasalanan. Kaya isa nga iyang napakatibay na katunayan, na hindi umiiral ang reincarnation, dahil sa isang kapanganakan sa pamamagitan ng mapagpalang sinapupunan ng isang ina ay magagawa ng sinoman na mabale wala ang kaniyang kasalanan. Ito'y sa pamamagitan ng mga sumusunod na salita ng sariling bibig ng Ama nating nasa langit.
Eze 18 :
20 Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.
21 Nguni't kung ang masama ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan, at gumawa ng tapat at matuwid, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.
22 WALA SA KANIYANG MGA PAGSALANGSANG NA NAGAWA NIYA NA AALALAHANIN LABAN SA KANIYA; sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya.
Kung sa katotohanang iyan na nalalahad sa dakong itaas ay magagawa ng sinoman na mabalewala ang kaniyang mga kasalanan ay katotohanan na wala na ngang anomang sintido na siya'y ay isilang pang muli sa layuning linisin ang kaniyang sarili mula sa karumihan ng mga kasalanan.

Napakaliwanag ayon sa isinasaad nitong Ezekiel 18:20-22, na madiing itinuturo, na ang reincarnation ay hindi kailan man pinahintulutan ng kaisaisang Dios na umiral sa kaniyang eksistensiya. Sa madaling salita ay mula lamang sa likha nitong mapaglarong kaisipan ng mga hindi nakakaunawa ang muli at muling kapanganakan sa tubig na rumaragasa mula sa sinapupunan ng isang ina.
7. SA MALILIIT NA BATA
Narito pa ang isang napakaliwanag na hindi pagsang-ayon ng Katuruang Cristo sa reincarnation na itinuturo ni Allan Kardec at ng mga lingkod niya na luboslubos na nadaya ng kaniyang mga kasinungalingan.
Mateo 19 :
13 Nang magkagayon ay dinala sa kaniya ang MALILIIT NA BATA, upang ipatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at ipanalangin: at sinaway sila ng mga alagad.
14 Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't SA MGA GANITO ANG KAHARIAN NG LANGIT.
Lubos na ipina-uunawa nitong si Jesus sa lahat, na ang kaluluwa ng isang bata ay walang ibang kauuwian, kundi ang kaharian ng langit lamang. Kung katotohanan ang reincarnation ay hindi kailan man madiing wiwikain ng sariling bibig ng Cristo ang gayon. Dahil sa katotohanang iyan ay walang anomang rason upang paniwalaan ang reincarnation.
Lahat ng bata sa kalupaan ay inaari ng kaharian ng Dios bilang mga kabahagi nito. Paano ngayon magiging matuwid ang muli at muling pagsilang ng tao. Kung ang mga bata pala naman ay wala ng kailangan na gawing pagpapakarunong at pagpapakalinis dito sa kalupaan. Nasa kanila ang maka Dios na pagsunod at nasa kanila ang hustong katalinuhan, upang maging kalugodlugod sa kalooban ng kaisa-isang Dios ng langit.
Sa katotohanan lamang, paglaki ng bata at naabot na ang tinatawag na hustong gulang, upang umunawa ay saka pa lamang siya nagkakaroon ng mga paglabag sa kalooban ng Dios (kautusan). Dahil diyan ay nagkakasala siya sa paningin ng Dios. Ano pa't sa buhay niyang iyon alinsunod sa Katuruang Cristo ay husto ang kaniyang panahon, upang sundin ang mga utos at kamtin ang buhay na walang hanggan sa kaluwalhatian ng langit, o ng kaharian ng langit. Iyan ang napakaliwanag na pagsilang sa Espiritu, na siyang pangalawa at huling pagsilang ng sinomang tao sa kalupaan.
EZE 18:
20 ANG KALULUWA NA NAGKAKASALA, MAMAMATAY: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.
21 Nguni't kung ang masama ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan, at gumawa ng tapat at matuwid, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.
22 WALA SA KANIYANG MGA PAGSALANGSANG NA NAGAWA NIYA NA AALALAHANIN LABAN SA KANIYA sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya.
Kung ganiyan kaliwanag ang salita ng Dios ay walang anomang sintido (sense) na paniwalaan ang umano'y eksistensiya ng reincanation. Dahil sa ang kaluluwa na nagkakasala ay tiyak na kamatayan ang hatol ng langit, kung hindi siya magbabalik loob sa Dios. At iyan ay sa pamamagitan ng paghiwalay niya sa kaniyang kasamaan, at sa halip ay ganapin ang kalooban ng Dios na tumutukoy sa kautusan (Torah), mga propeta (Nevi'im) at mga Kasulatan (Ketuvim). Na kung liliwanagin ay ang pagtalima sa nilalaman nitong Tanakh ng Dios (OT).
Sa buhay nga nating ito ay higit sa sapat ang panahon, upang ang sinoman ay magbalik loob sa Dios, at gawin ang lahat ng mga gawa na ikalulugod Niya.
Katotohanan ngang nasusulat na ang tanging ibabayad ng sinoman sa kaniyang kasalanan ay ang sarili niyang buhay. At kung magkagayon ay maituturing na isang lubhang malaking kahangalan, na sabihing matapos magbayad ng kasalanang ikamamatay ng kaluluwa ang sinoman ay taglay pa rin niya ang buhay sa kaniyang sarili. Kung siya ay patay na, ay gaya nga niya ang isang bagay na nauwi lamang sa WALA (dissoluted).
Pinapatotohanang lubos ng Katuruang Cristo, o nitong mga salita ng Dios na namutawi mula sa sariling bibig ng Cristo. Na ang usapin hinggil sa mga bata na mababasa ng maliwanag sa Mateo 19:14 ay isang malinaw na aktuwalidad, o maliwanag na tanawing naghahayag, o nagpapamalas ng isang hustong katotohanan.

Ito'y ang katotohanang naglalahad, na saan manat kailan man ay hindi kinilala, ni sinang-ayunan man ng Ama nating nasa langit ang ano mang usapin na may ganap na nakinalaman sa muli at muling pagsilang sa pamamagitan ng tubig mula sa mapagpalang sinapupunan ng isang ina (reincarnation).
Bawa't saglit, sandali, oras, araw, linggo, at taon ay kahustuhan ng panahon, na ibinibigay sa atin ng Dios, upang sa kaniyang katuwiran ay magbalik loob ang sangkatauhan.
Sa ganyan ngang kaluwag na pakikitungo ng Ama sa kaniyang mga anak, ay maituturing na isang napakaliwanag na kasinungalingan at kahibangan lamang ang aral ng mga pagano na tumutukoy sa reincarnation.
Sa pagtatapos ay maipasisiyang isang napakalaking pagkakamali sa sinoman, na ilagak niya ang kaniyang paniniwala at matibay na paninindigan sa aral na tumutukoy sa reincarnation, sapagka't iyan ay hindi kailan man sinang-ayunan ng kaisaisang Dios ng langit bilang isang katotohanan.
Sinoman sa kalupaan ay kailangang suma ilalim sa dakila at perpektong kalakaran na tumutukoy ng ganap sa nabanggit na DALAWANG (2) KAPANGANAKAN (tubig at Espiritu) lamang, upang siya'y makapasok sa kaharian ng Dios. Sukat, upang maunawaang lubos ng lahat, na ang paganong katuruan, na tumutukoy sa 'reincarnation' ay hindi kailan man sinang-ayunan ng KATURUANG CRISTO, ni iyon man ay ibinilang nito na katotohanan.
Ang reincarnation sa katotohanan ay hindi aral ng Dios na ukol sa mga tao, kundi likhang aral ng tao na ipinaaako nila sa Dios na aral ng Dios. Ano pa't kung katotohanan ang aral na iyan ay hindi na sana ginawa ng Ama ang Sheol(libingan), dahil sa kaparaanang iyan ay hindi hihinto ang sinoman sa pagsasalin-salin ng katawan hanggang sa ang sarili niyang eksistensiya ay mauwi lamang sa wala. Ang kahibangang iyan ay hindi kailan man sinang-ayunan ng Katuruang Cristo na tumutukoy ng ganap sa dalawang (2) kapanganakan (tubig at Espiritu).
Ito ay isang maliwanag na KATAMARAN lamang ng mga hangal at hibang sa paningin ng kaisa-isang Dios ng langit.. Na nagsabing MAMAYA NA, BUKAS NA, SA ISANG LINGGO NA, SA ISANG BUWAN NA, SA ISANG TAON NA. Sila ang nagsisipagsabi na SA SUSUNOD NA BUHAY NA LAMANG.
Paano nga iyon magkakaroon ng anomang kaganapan, gayong lahat ng isinisilang ay walang anomang laman, o basyo (empty) ang imbakan nila ng alaala (storehoue of memory). Ito ang isang napakalinaw na katunayan, na ang reincarnation ay hindi kailan man kinilala ng Dios na isang katotohanan.
Nasaan ang pagsulong ng kaluluwa, kung ang lahat ng alaala ng kaniyang nakaraan ay naparam na. O hindi baga siya'y magsisimulang muli sa unang antas ng pagka-unawa upang matupad ang kasabihan na "HISTORY REPEAT ITSELF".
Ang ala-ala ay ibigay ng Dios sa mga buhay lamang, at hindi sa mga namatay na. Sapagka't kung may katotohanan ang reincarnation ay nasaan ang mga ala-ala ng ating nakaraang buhay? Sa mga tao ay walang gayong ala-ala, sapagka't katotohanan na walang nakaraang buhay ang sinoman. Ang lahat ng ipinanganganak ay mga bagong tao, palibhasa'y walang anomang ala-alang laman ang storehouse of memory ng sinoman. Ito'y napakalinis at walang anomang bahid ng sinasabing alaala ng nakaraan, palibhasa'y walang nakaraang buhay.
Mula sa malabis na katamaran at kahinaan nila, ay niwalang halaga ang banal na pakinabang na matatamo mula sa sumusunod na sagradong kasabihan.
Iyan ang napakaliwanag na isinasaad ng KATURUANG CRISTO. Sundin nga nating ang mahigpit na utos ng Ama nating nasa langit gaya ng maliwanag na nasusulat.
Mat 17:
5 ........ Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
Kung ipinagkakapuri ng sinoman, na siya ay kay Cristo Jesus. Bakit nga hindi niya sinusunod ang KATURUANG CRISTO. Na mga aral pangkabanalan, na mismo ay ipinangaral ng sarili niyang bibig. Alalahanin nating lahat, na ang sinoman na hindi nakikinig at tumutupad sa KATURUANG CRISTO ay isa ngang ANTICRISTO na totoo.
Kamtin ng bawa't isa ang masaganang daloy ng biyaya ng langit, na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.

8. JESUS NG NAZARET LABAN KAY ALLAN KARDEC
Iyan nga ay hindi gaya ng iginigiit na aral espiritismo ni Allan Kardec, na ang lahat ay dadaan sa muli at muling pagsilang, sa pamamagitan ng masaganang tubig na bumubukal mula sa bahay-bata ng isang ina.
Hinggil sa aral espiritismo ni Allan Kardec, ayon sa saling Tagalog ay madiin niyang sinabi.

"Sa Espiritismo, ay walang mga dogmas, mga pari, mga kulto, mga rituwal, mga sakramento, mga obligasyon, at pagsamba. Ang Espiritismo ay nabuo sa pamamagitan ng tatlong haligi: Siyensiya, Pilosopiya, at Moral, IIinatag sa maka Dios at sa may kahustuhan na pagtuturo ni Jesus. Diyan ay ipinatatalastas na si JESUS AY HINDI DIOS, gaya ng maliwanag na ipinahahayag ng evangelio. kundi espiritu na nasa kalagayan ng isang mataas na antas, na dumating sa sanglibutan upang itaguyod ang espirituwal na pag-unlad ng tao, sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng pag-ibig bilang pangunahing batas
Allan Kardec
Kapansin pansin, na ang espiritismo ayon kay Allan Kardec ay binibigyan niya ng diin mula aniya sa kahustuhan ng KATURUANG CRISTO, na kailan man ay hindi sinang-ayunan ang likha niyang aral na tumutukoy ng ganap sa reincarnation.
Mula sa kadahilanang iyan ay makikita ng napakaliwanag, na siya ay nagsabing kay Jesus ang aral, yun pala naman ay mula lamang iyon sa sarili niyang katha ng kabulaanan. Katotohanan na dapat maunawaang lubos ng lahat, na ang Katuruang Cristo ay hindi kailan man inayunan ang Katuruang Kardec. Iyan ay dahil sa malabis nitong paghihimagsik sa mga aral pangkabanalan (katuruang Cristo) na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ni Jesucristo.
Si Pablo at si Allan sa makatuwid ay hindi lumalayo ng kalagayan sa isa't isa. Sapagka't ang aral nilang dalawa (2) ay tulak ng bibig at kabig na dibdib lamang. Magkatulad silang nagpakita ng hindi pagsunod sa KATURUANG CRISTO.
Ang sinoman sa makatuwid na laban sa KATURUANG CRISTO ay maliwanag na lumalapat sa kalagayan ng isang anti-Cristo. Si Allan Kardec gaya ni Pablo kung gayon ay isang anti-Cristo na totoo, sapagka't sinalungat niya ang aral ng Cristo na tumutukoy sa dalawang (2) kapanganakan LAMANG.
KONKLUSYONMula sa kadahilanang iyan ay makikita ng napakaliwanag, na siya ay nagsabing kay Jesus ang aral, yun pala naman ay mula lamang iyon sa sarili niyang katha ng kabulaanan. Katotohanan na dapat maunawaang lubos ng lahat, na ang Katuruang Cristo ay hindi kailan man inayunan ang Katuruang Kardec. Iyan ay dahil sa malabis nitong paghihimagsik sa mga aral pangkabanalan (katuruang Cristo) na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ni Jesucristo.
Si Pablo at si Allan sa makatuwid ay hindi lumalayo ng kalagayan sa isa't isa. Sapagka't ang aral nilang dalawa (2) ay tulak ng bibig at kabig na dibdib lamang. Magkatulad silang nagpakita ng hindi pagsunod sa KATURUANG CRISTO.
Ang sinoman sa makatuwid na laban sa KATURUANG CRISTO ay maliwanag na lumalapat sa kalagayan ng isang anti-Cristo. Si Allan Kardec gaya ni Pablo kung gayon ay isang anti-Cristo na totoo, sapagka't sinalungat niya ang aral ng Cristo na tumutukoy sa dalawang (2) kapanganakan LAMANG.
Sinoman sa kalupaan ay kailangang suma ilalim sa dakila at perpektong kalakaran na tumutukoy ng ganap sa nabanggit na DALAWANG (2) KAPANGANAKAN (tubig at Espiritu) lamang, upang siya'y makapasok sa kaharian ng Dios. Sukat, upang maunawaang lubos ng lahat, na ang paganong katuruan, na tumutukoy sa 'reincarnation' ay hindi kailan man sinang-ayunan ng KATURUANG CRISTO, ni iyon man ay ibinilang nito na katotohanan.
"ANG REINCARNATION AY HINDI ARAL, O TURO NG DIOS"
Ang reincarnation sa katotohanan ay hindi aral ng Dios na ukol sa mga tao, kundi likhang aral ng tao na ipinaaako nila sa Dios na aral ng Dios. Ano pa't kung katotohanan ang aral na iyan ay hindi na sana ginawa ng Ama ang Sheol(libingan), dahil sa kaparaanang iyan ay hindi hihinto ang sinoman sa pagsasalin-salin ng katawan hanggang sa ang sarili niyang eksistensiya ay mauwi lamang sa wala. Ang kahibangang iyan ay hindi kailan man sinang-ayunan ng Katuruang Cristo na tumutukoy ng ganap sa dalawang (2) kapanganakan (tubig at Espiritu).
Ito ay isang maliwanag na KATAMARAN lamang ng mga hangal at hibang sa paningin ng kaisa-isang Dios ng langit.. Na nagsabing MAMAYA NA, BUKAS NA, SA ISANG LINGGO NA, SA ISANG BUWAN NA, SA ISANG TAON NA. Sila ang nagsisipagsabi na SA SUSUNOD NA BUHAY NA LAMANG.
Paano nga iyon magkakaroon ng anomang kaganapan, gayong lahat ng isinisilang ay walang anomang laman, o basyo (empty) ang imbakan nila ng alaala (storehoue of memory). Ito ang isang napakalinaw na katunayan, na ang reincarnation ay hindi kailan man kinilala ng Dios na isang katotohanan.
Nasaan ang pagsulong ng kaluluwa, kung ang lahat ng alaala ng kaniyang nakaraan ay naparam na. O hindi baga siya'y magsisimulang muli sa unang antas ng pagka-unawa upang matupad ang kasabihan na "HISTORY REPEAT ITSELF".
Ang ala-ala ay ibigay ng Dios sa mga buhay lamang, at hindi sa mga namatay na. Sapagka't kung may katotohanan ang reincarnation ay nasaan ang mga ala-ala ng ating nakaraang buhay? Sa mga tao ay walang gayong ala-ala, sapagka't katotohanan na walang nakaraang buhay ang sinoman. Ang lahat ng ipinanganganak ay mga bagong tao, palibhasa'y walang anomang ala-alang laman ang storehouse of memory ng sinoman. Ito'y napakalinis at walang anomang bahid ng sinasabing alaala ng nakaraan, palibhasa'y walang nakaraang buhay.
Mula sa malabis na katamaran at kahinaan nila, ay niwalang halaga ang banal na pakinabang na matatamo mula sa sumusunod na sagradong kasabihan.
"HUWAG MO NG IPAGPABUKAS PA ANG MAAARI MONG MAGAWA SA NGAYON. SAPAGKA'T HINDI MO NALALAMAN KUNG MAY BUKAS KA PANG MAGIGISNAN.
Iyan ang napakaliwanag na isinasaad ng KATURUANG CRISTO. Sundin nga nating ang mahigpit na utos ng Ama nating nasa langit gaya ng maliwanag na nasusulat.
Mat 17:
5 ........ Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
Kung ipinagkakapuri ng sinoman, na siya ay kay Cristo Jesus. Bakit nga hindi niya sinusunod ang KATURUANG CRISTO. Na mga aral pangkabanalan, na mismo ay ipinangaral ng sarili niyang bibig. Alalahanin nating lahat, na ang sinoman na hindi nakikinig at tumutupad sa KATURUANG CRISTO ay isa ngang ANTICRISTO na totoo.
Kamtin ng bawa't isa ang masaganang daloy ng biyaya ng langit, na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
* = Evangelio ng Kaharian
RELATED ARTICLE:
1. Ang Pagkabuhay na Muli ng mga Patay (Resurrection) Click here
2. Muling Pagsilang (to be born again) Click here
3. Ang Una at Pangalawang pagsilang (first and second birth) Click here
4. Ang Una at Pangalawang Kamatayan Click here
Ikaw na nakabasa ng akdang ito, ikaw na magpasa-hanggang ngayon at sumasa-kaninong katuwiran ang iyong pinanghahawakan na may tibay, Ikaw na walang ganap na kamalayan at wastong kaunawaan at kay dali mong bumaling sa aral ng espiritismo na gumagamit at nagpapaliwanag ng mapanghikayat na pananalita gaya ng isang marikit na bulaklak ikaw ay nahumaling. Ikaw na nagsasbing matibay ang iyong pananampalataya sa kaisahan ng Dios ng langit at sa kaniyang mga propeta sa iba't ibang kapanahunan...Ikaw na naniniwala sa Reincarnation o hindi man, saan ka nga pupulutin na hindi mo nga lubos naunawaan saan paroroon ang iyong kaluluwa at espiritu kapag nalasog na ang katawan-laman ...sapagka't ito'y iisa lamang sa iyo..
TumugonBurahinGreat article, Thanks for your great information, the content is quiet interesting. I will be waiting for your next post.
TumugonBurahinmagandang blog to, nakakapagpapadagdag ng kaalaman para ibigin ng lubos ang Deus Ama.............amen
TumugonBurahin