Miyerkules, Hulyo 15, 2015

NR 003 SAN PABLO: PASIMUNO NG DAGDAG/BAWAS?

PAALALA:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. Gayon din namang nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus.  

Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal. 

Mula noong una hanggang sa kasalukuyang panahon ay isa pa ring lubhang malaking usapin, kung ang kautusan nga ba ay balido pa, o hindi na. Ayon sa mga Cristiano ni Pablo ay gayon ngang ang kautusan (torah) ay wala ng anomang kabuluhan pa. Anila, ito’y dahil sa kawalan nito ng kapakinabangan sa natatangi nitong layunin, na maghatid ng kanino mang kaluluwa sa buhay na walang hanggan sa kaluwalhatian ng langit.

Matibay ang paninindigan ng marami na ang kautusan (Torah) ay niluma na nga ng panahon at sa kalagayang iyan ay nangailangan na nga ng higit na magaling na pag-asa ang sangkatauhan, para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapatawaran ng mga kasalanan.

Gayon man ay madami pa rin ang nananalig at naninindigan, na ang kautusan (Torah) ay hindi kailan man dumako sa kalagayan ng katandaan, upang ito’y halinhan ng bagong mga kautusan. Iyan nga ay pinaniniwalaan pa rin ng marami, na ang kautusan ng Dios (Torah) ay nangatatatag magpakailan kailan man.

Ang akdang ito bilang 003, ay kabilang sa serye ng mga artikulo na tumatalakay sa talamak na dagdag/bawas sa mga salita ng Tanakh (OT). Dito ay muli naming tatanglawan ng kaukulang liwanag ang ilang talata na mababasa sa Kabanata 10 ng “Sa mga Hebreo.”  

Sa mga talatang tatalakayin sa ibaba ay pinangangatuwiranan nitong si Pablo, na ang kautusan nga ay wala ng anomang katumpakan pa sa kaniyang sarili. Iyan umano ay dahil sa natapos na ang period ng kautusan (Torah) at ng mga propeta (Nevi'im), at hinalinhan na nga nitong panahon ng pananampalataya mula sa nasasakupan nitong era ng mga Cristiano.

Lunes, Hulyo 6, 2015

NR. 001 SAN PABLO: PASIMUNO NG DAGDAG/BAWAS?

PAALALA:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. Gayon din namang nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus.  

Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal. 

Mula sa kasagsagan ng mga panahong nagsilipas ay makikita ng napakaliwanag ang pagkilala kay San Pablo, bilang isang matuwid na lingkod ng Dios. Siya ay itininuturing ng higit na nakakarami na isang santo ng simbahang katoliko. Kinikilala din siya sa gayong kabanal na kalagayan ng iba’t ibang samahan na nabibilang sa malaking kalipunan ng Cristiano ni Pablo.

Sa kabila ng katanyagan ng taong iyan sa larangan ng Cristianismo ay matuwid na tanggapin ng lahat, na may madidilim pa rin na bahagi ng kaniyang pagkatao na hindi napapag-unawa ng higit na nakakarami. Nandiyan ang hayagan niyang paghihimagsik sa mga aral na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo. Nandiyan din ang pagbabawas at pagdaragdag ng mga salita sa teksto ng mga propeta,” na ginawa naman niyang patibayang aral sa kaniyang mga sulat.

Bilang simula, ang usapin hinggil sa dagdag-bawas ng mga salita, ang sa inyo ngayon ay aming tatanglawan ng napakaliwanag na ilaw. Iyan ang isa sa madilim na bahagi ng pagkatao nitong si Pablo, na noon pa mang una ay pinagtakpan na ng mga pagano at gentil na kabalahibo niya. Hanggang sa ngayon ay tila mga bulag sa katotohanang iyan ang mga tao na kumikilala sa kaniya bilang isang banal ng Dios.