Ang katotohanan hinggil sa larangan na tumutukoy sa tunay na kabanalan ay nasasalalay sa kung sino ang ating paniniwalaan at susundin. Nariyan si Jesus na naghayag ng katuruang Cristo (evangelio ng kaharian) at si Pablo na nagturo ng katuruang Pablo (evangelio ng di-pagtutuli).
Sa hindi inaasahang pangyayari ay pinaghalo ng marami ang dalawang katuruan na nabanggit. Dahil diyan ay nagkaroon ng napakalaking pagkalito ang sangkatauhan. Sukat upang iyan ay pagsimulan ng tila walang katapusan na pagtatalo sa pagitan ng mga denominasyong Cristiano. Gaya nila ang mga mababangis na hayop sa parang na nagsasakmalan sa isa't isa araw at gabil.
Kaugnay niyan ay minabuti ng katarungang sumasa Dios na bigyang linaw sa isipan ng lahat ang katotohanan na karapatdapat isabuhay, tangkilikin, itaguyod, ipagtanggol, ipangaral, at higit sa lahat ay sundin. Iyan ay walang iba, kundi ang KATURUANG CRISTO.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay pinaghalo ng marami ang dalawang katuruan na nabanggit. Dahil diyan ay nagkaroon ng napakalaking pagkalito ang sangkatauhan. Sukat upang iyan ay pagsimulan ng tila walang katapusan na pagtatalo sa pagitan ng mga denominasyong Cristiano. Gaya nila ang mga mababangis na hayop sa parang na nagsasakmalan sa isa't isa araw at gabil.
Kaugnay niyan ay minabuti ng katarungang sumasa Dios na bigyang linaw sa isipan ng lahat ang katotohanan na karapatdapat isabuhay, tangkilikin, itaguyod, ipagtanggol, ipangaral, at higit sa lahat ay sundin. Iyan ay walang iba, kundi ang KATURUANG CRISTO.
Sa dakong ibaba ay napakaliwanag ang nasasaad na paghahambing ng KATURUANG CRISTO at KATURUANG PABLO. Diyan ay hindi mahirap makita, kung paano walang pakundangan na pinaghihimagsikan nitong si Pablo ang mga salita (evangelio ng kaharian) na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo.
Gaya ng nasusulat,
KATURUANG CRISTO
|
KATURUANG PABLO
|
MATEO 5 :
17 Huwag
ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan(Torah) o ang mga
propeta(Nevi’im) ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
18 Sapagka’t
katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang
lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN(Torah), hanggang sa maganap ang lahat
ng mga bagay.
|
ROMA 3 :
20 Sapagka’t
sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG
LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.
ROMA 4 :
15 Sapagka’t
ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG
SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANGSANG.
|
MATEO 19 :
17 At sinabi
niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa,
na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay,
|
ROMA 7 :
6 Datapuwa’t
ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon
sa nakatatali sa atin, ano pa’t NAGSISIPAGLINGKOD
NA TAYO SA PANIBAGONG ESPIRITU, at hindi sa karatihan ng sulat.
|
JUAN 12 :
50 At nalalaman ko na ANG
KANIYANG UTOS(Torah) AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na
sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA,
GAYON KO SINASALITA.
|
GAL 5 :
18 Datapuwa’t
kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, ay
WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN.
|
Sa KATURUANG
CRISTO ay payak lamang ang
sinasabi. Ang kautusan ay pinagtitibay bilang isang napakahalagang gawain na
makapagliligtas ng kaluluwa at makapagpapatawad ng kasalanan.
Si Jesucristo nga ayon sa
Ama ang ating susundin.
|
Samantalang sa KATURUANG PABLO
ay niwawalang kabuluhan at pinawawalang saysay ang kautusan. Sapagka’t
iyan ayon sa Roma 3:20 ay WALANG LAMAN, upang ang sinoman ay ariing ganap
ng Dios. Sa madaling salita, ang kautusan ay pinalalabas ni Pablo na inutil sa kaniyang sarili.
|
Pananampalataya
KATURUANG CRISTO
|
KATURUANG PABLO
|
SANT 2 :
8 Gayon
man kung inyong GANAPIN ANG KAUTUSANG HARI, ayon
sa kasulatan, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili,
ay NAGSISIGAWA
KAYO NG MABUTI.
14 Anong
pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya’y may PANANAMPALATAYA, nguni’t WALANG
MGA GAWA? (kautusan) makapagliligtas
baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan?
17 Gayon
din naman ang PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA GAWA (kautusan), ay patay
sa kaniyang sarili.
18 Oo,
sasabihin ng isang tao, Ikaw ay mayroong
PANANAMPALATAYA, at ako’y mayroong
mga GAWA:
ipakita mo sa akin ang iyong PANANAMPALATAYANG HIWALAY SA MGA GAWA (Kautusan),
at ako sa pamamagitan ng aking mga GAWA
ay ipakita sa iyo ang aking PANANAMPALATAYA.
20 Datapuwa’t
ibig mo bagang maalaman, Oh TAONG WALANG KABULUHAN, na ang PANANAMPALATAYA NA
WALANG MGA GAWA AY BAOG?
22 Nakikita
mo na ang PANANAMPALATAYA AY GUMAGAWANG KALAKIP ANG
KANIYANG MGA GAWA, at sa pamamagitan ng mga GAWA,
ay nagiging SAKDAL ANG PANANAMPALATAYA.
24 Nakikita
ninyo na sa pamamagitan ng mga GAWA’Y INAARING
GANAP ANG MGA TAO, at hindi sa
pamamagitan ng pananampalataya LAMANG.
26 Sapagka’t
kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA GAWA AY PATAY.
MATEO 17 :
5 ........Ito ang sinisinta kong Anak, na
siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
|
GAL
2 :
16 Bagama’t naaalaman na ang
tao ay hindi inaaring ganap sa mga gawang AYON SA KAUTUSAN, maliban na sa pamamagitan
ng pananampalataya kay Jesucristo,
tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo’y ariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo,
at HINDI DAHIL SA MGA GAWANG AYON SA KAUTUSAN: sapagka’t
sa mga gawang ayon sa kautusan ay HINDI
AARIING GANAP ANG SINOMAN.
GAWA 13 :
39 At sa
pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya
ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y HINDI KAYO AARIING GANAP sa pamamagitan ng KAUTUSAN NI MOISES.
GAL 3 :
11 Maliwanag
nga na sinoman ay hindi inaaring ganap sa KAUTUSAN
sa harapan ng Dios; sapagka’t ang GANAP AY
MABUBUHAY SA PANANAMPALATAYA.
ROMA 4 :
5 Datapuwa’t
sa kaniya na hindi GUMAGAWA, nguni’t sumasampalataya sa kaniya na umaaring
ganap sa MASAMA, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na
katu
ROMA 3 :
28 Kaya nga MAIPASISIYA
NATIN na ang tao ay
inaaring-ganap sa PANANAM
|
Pagdating sa usapin ng
pananampalataya ay madali lamang makilala ang KATURUANG
CRISTO. Sapagka’t diyan ay itinuturo sa lahat na manampalataya
sa kaisaisang Dios ng langit alinsunod sa mga gawa ng kautusan (Torah).
Ang mahigpit na utos ng
Ama ay si Jesus ang ating pakinggan.
|
Gayon din naman na madaling makilala
ang KATURUANG PABLO.
Sa likhang aral ng taong iyan ay itinuturo niya, na ang
lahat ay manampalataya kay Jesucristo, na walang gawa ng kautusan (Torah).
Sapagka’t para sa kaniya ay walang silbi (inutil) ang kautusan, na kung
lilinawin ay wala itong anomang kapakinabangan pagdating sa larangan ng tunay na
kabanalan.
|
Bautismo
KATURUANG CRISTO
|
KATURUANG PABLO
|
MATEO 3 :
11 Sa
katotohanan ay BINABAUTISMUHAN KO KAYO SA
PAGSISISI: datapuwa’t ang
dumarating sa hulihan ko ay LALONG MAKAPANGHARIHAN kay
sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: SIYA ANG SA INYO'Y MAGBABAUTISMO SA ESPIRITU AT APOY.
|
ROMA 6 :
3 O
hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga NABAUTISMUHAN
KAY CRISTO JESUS AY NANGABAUTISMUHAN SA KANIYANG KAMATAYAN?
4 Tayo nga’y
nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng BAUTISMO
SA KAMATAYAN: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga
patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y
makalalakad sa panibagong buhay.
|
MATEO 28 :
19 Dahil
dito’y magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na
sila’y inyong BAUTISMUHAN
sa PANGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.
20 Na ituro
ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa
inyo, at narito, AKO’Y SUMASA INYONG PALAGI, HANGGANG SA KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.
MATEO 17 :
5 ........Ito ang sinisinta kong Anak, na
siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
|
GAWA 19 :
5 At
nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila sa PANGALAN ng Panginoong Jesus.
6 At
nang MAIPATONG NA NI PABLO, sa kanila ang
kaniyang mga KAMAY, ay bumaba sa kanila
ang Espiritu Santo; at sila’y nagsipagsalita ng mga wika, at nagsipanghula.
|
Sa KATURUANG
CRISTO, ang bautismo na iniutos
ng sariling bibig ni Jesus sa mga apostol ay bautismo sa pangalan ng Ama at
ng Anak at ng Espiritu Santo. Kung lilinawin ay b
Si Jesus ang ating pakinggan,
iyan ang mahigpit na utos ng Ama sa sangkatauhan.
|
Ano pa’t si Pablo bilang
isang Gentil ay nagsagawa ng kaiba sa bautismo na itinalaga sa mga tunay na
apostol. Bagkus ay naggawad siya ng bautismo sa kamatayan ni Jesucristo. Kung
lilinawin ay bautismo sa isang pangalan lamang. Saan man at kailan man, ang
Cristo ay walang iniutos na bumautismo sa isang pangalan lamang.
|
Nagtatag ng Iglesia
KATURUANG CRISTO
|
KATURUANG PABLO
|
JUAN 5 :
30 HINDI AKO
MAKAGAGAWA NG ANOMAN SA AKING SARILI: humahatol ako
ayon sa aking narinig: at ang paghatol ko’y matuwid; sapagka’t hindi ko
pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong
nagsugo sa akin.
|
EFE 5 :
23 Sapagka’t ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa,
24 Datapuwa’t kung paanong ang IGLESIA AY NASASAKOP NI CRISTO,
ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop
sa kanikaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.
|
JUAN 12 :
29 Sapagka’t
AKO’Y HINDI
NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi
ang AMA
na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG
DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT
KONG SALITAIN.
|
7 Na nangauunat at NANGATATAYO
SA KANIYA, at matibay sa inyong
pananampalataya,
|
MATEO 16 :
18 At
sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito
ay ITATAYO
KO ANG AKING IGLESIA; at ang
mga pintuan ng HADES ay hindi magsisi- panaig laban sa kaniya.
MATEO 17 :
5 ........Ito ang sinisinta kong Anak, na
siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
|
ROMA
16 :
16 Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng
lahat ng IGLESIA
NI CRISTO.
|
Kung gayon ay hindi si
Jesus ang nagsalita sa itaas, kundi ang Espiritu ng Ama, na nagbigay sa
kaniya ng utos, kung ano ang dapat niyang sabihin at salitain. Sa makatuwid
ay hindi siya ang nagtayo ng Iglesia, kundi ang Ama.
Kung ano ang utos ng Ama
ay siya nating susundin, na si Jesus ang ating pakinggan.
|
Kung
ang Ama ang nagtayo ng Iglesia ay matuwid lamang na pangalanan iyan na,
Iglesia ng Ama, o kaya naman ay Iglesia ng Dios. Dahil diyan ay maliwanag na
ang nilalaman ng Roma 16:16 ay hindi kailan man sinang-ayunan ng katotohanan.
|
Likas na kalagayan ni Jesus
KATURUANG CRISTO
|
KATURUANG PABLO
|
JUAN 8 :
40 Datapuwa’t
ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo’y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING
NARINIG SA DIOS: ito’y hindi ginawa ni Abraham.
MATEO 26 :
38 Nang
magkagayo’y sinabi niya sa kanila, NAMAMANGLAW NA
LUBHA ANG KALULUWA KO. Hanggang sa kamatayan:
mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa akin.
|
FIL 2 :
6 Na
siya (Cristo), bagama’t nasa ANYONG DIOS, ay hindi niya
inaring isang bagay na nararapat na panangnan ang PAGKAPANTAY
NIYA SA DIOS.
ROMA 9:
5 Na
sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang CRISTO
ayon sa laman, na siyang LALO SA LAHAT, DIOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILAN MAN, SIYA NAWA.
|
JUAN 20 :
17 Sinabi sa
kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t HINDI
PA AKO NAKAKAAKYAT SA AMA, nguni’t pumaroon ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.
MATEO 17 :
5 ........Ito ang sinisinta kong Anak, na
siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
|
9 Sapagka’t
sa kaniya’y (Cristo) nananahan ang BOONG
KAPUSPUSAN NG PAGKA DIOS sa kahayagan ayon sa laman.
10 At
sa kaniya kayo’y napuspos na siyang PANGULO ng lahat ng PAMUNUAN
at KAPANGYARIHAN.
HEB 1 :
3 Palibhasa’y
siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na LARAWAN
NG KANIYANG (Cristo)
PAGKA DIOS,
...
|
Napakaliwanag ng mahigpit
na utos ng Ama, na si Jesus lamang ang ating pakikinggan. Dahil diyan,
tungkol sa likas niyang kalagayan ay ang pahayag mismo ng sarili niyang bibig
ang matuwid na pakinggan at sundin. Na siya ay tao na totoo, at kailan man ay
hindi siya naging Dios. Sapagka’t iyan ang mahigpit na utos ng Ama, na siya
ang ating pakinggan.
|
Samantala, sa likhang aral
nitong si Pablo ay ipinipilit niya na si Jesus ay Dios. Yamang Ama na ang
nag-utos na si Jesus ang ating pakinggan ay walang anomang balidong
kadahilanan, upang pakinggan at sundin ang pilipit na aral ng taong ito
hinggil sa likas na kalagayan ng Cristo.
|
Ikapu baga o abuluyan sa mga banal?
Katuruang cristo
|
KATURUANG PABLO
|
Mat 10 :
7 At samantalang kayo’y nangaglalakad, ay
magsipangaral kayo, na mangagsabi, ang kaharian ng langit ay malapit na.
8 Mangagpagaling kayo ng mga may sakit,
mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong,
mangagpalabas kayo ng mga demonio: gayon ang tinanggap
ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong
walang bayad.
9 Huwag kayong mangagbaon ng ginto, kahit pilak,
kahit tanso sa inyong mga supot:
10 Kahit supot ng pagkain sa pagalalakad, kahit
dalawang tunika, kahit mga pangyapak, o tungkod: sapagka’t ang manggagawa ay
karapat-dapat sa kaniyang pagkain.
|
2 COR 11 :
8 AKING SINAMSAMAN
ANG IBANG MGA IGLESIA, sa PAGTANGGAP KO NG UPA sa kanila, upang ipangasiwa
ko sa inyo.
2 Cor 8 :
2 Kung paanong sa maraming pagsubok sa kapighatian
ang kasaganaan sa kanilang katuwaan at ang kanilang malabis na
karukhaan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob.
3 Sapagka’t ayon sa kanilang kaya, ay nagpapatotoo
ako at higit pa sa kanilang kaya, ay
nagsiabuloy sila sa sariling kalooban,
4 Na lubhang ipinamamanhik sa amin ang tungkol sa
biyayang ito at sa pakikisama sa pangangasiwa ng mga abuloy sa
mga banal:
|
MATEO 19 :
17 At sinabi niya sa kaniya,
Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang
mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.
|
1 COR 16 :
1 Ngayon, tungkol sa AMBAGAN SA MGA BANAL, ay gawin din naman ninyong
gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia.
2 Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa’t isa sa inyo ay magbukod
na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga
ambagan sa pagpariyan ko.
|
MAL 3 :
10 Dalhin ninyo ang
boong IKASAMPUNG BAHAGI sa kamalig, upang magkaroon ng
pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako
ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan
sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang ISANG
PAGPAPALA, na walang sapat na silid na kalalagyan.
MATEO 17 :
5 ........Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
|
2 COR 9 :
7 MAGBIGAY ANG
BAWA’T ISA AYON SA IPINASIYA NG KANIYANG PUSO: huwag
mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang
nagbibigay na masaya. (Jer 17:9-10).
|
Narito, at ayon
mismo sa KATURUANG
CRISTO, maging sa aklat ng propeta Malakias ay madiing
iniuutos ng Dios, na dalhin sa kaniyang bahay ang ikasampung bahagi. Ang
ikapu kung gayon ay utos na mula sa Dios na matuwid sundin at isabuhay ng
sangkatauhan.
Madiing wika ng
kaisaisang Ama ng langit ay si Jesus ang ating pakinggan.
|
Ang ABULUYAN NA MULA SA PUSO ay utos na hindi
galing sa Dios, kundi utos na galing sa taong si Pablo. Sasang-ayon baga kayo
sa ginawang ito ng taong iyan? Inalis niya ang utos ng Dios at ang ipinalit
niya ay ang sarili niyang utos. Iyan ang KATURUANG PABLO. Dinadagdagan at binabawasan ang salita ng Dios.
|
Ilan lamang ang kahayagang iyan sa itaas, upang ipakita ang harapang paghihimagsik ng KATURUANG PABLO sa KATURUANG CRISTO. Katunayan lamang ang mga nabasa ninyong iyan na paghahambing ng dalawang katuruan sa bagong tipan ng bibliya, na itong si Pablo ay hindi kailan man sumang-ayon sa evangelio ng kaharian. Sapagka't ang aral na itinuro niya ay ang evangelio ng di-pagtutuli, na aral ng mga paganong Romano, sa makatuwid baga'y ng diyablo.
Sa pagtatapos ay napakaliwanag na ang sinomang sumasalungat sa KATURUANG CRISTO ay hayagang tinatawag na ANTICRISTO. Itong si Pablo sa makatuwid, batay sa mga paghihimagsik niya sa katotohanan na iniluwal ng sariling bibig ng Cristo ay walang alinlangang napatotohanan, na isang ANTICRISTO na totoo. Si Pablo pa ba ang inyong susundin, gayong mismong Ama na ang nag-utos na kay Jesus lamang tayo makikinig? (Mat 17:5).
MATEO 17 :5 Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Suma bawa't isa nawa ang patuloy na pagpapala ng kaisaisang Dios ng langit.
Hanggang sa muli, paalam.
SUPPORT:
Para sa inyong pakikibahagi at suporta sa sagradong gawaing ito. Click here
SUPPORT:
Para sa inyong pakikibahagi at suporta sa sagradong gawaing ito. Click here
Sa mga nagsasabing sila ay nananampalataya sa panginoong Jesucristo, ay napapanahon na, na suriin nga niya ang kaniyang sarili kung ang aral nga ba ng Kaharian ng Langit ang kaniyang dinadala o baka naman hindi niya namamalayan na sa NT ay may dalawang katuruan at mapakarami nga dito ay sulat ni Pablo.
TumugonBurahinkaya nga po 13 ang sinulat ni apostol pablo. kaya kung hindi ka nga naniniwala sa kanya huwag kang gagamit ng talata na galing sa sulat niya total wala ka nman paniniwala kay apostol pablo. sigurado ako hindi mo maiiwasan mabasa at magamit ang mga sinulat ni apostol pablo pag dating sa tunay na pagtuturo ng mga salita ng Diyos.
TumugonBurahin