Hanggang sa kasalukuyan ngang panahon ay isa ang paksang iyan na kadalasa'y mitsa ng magulong usapan sa larangang nabanggit.
Ano pa’t kung pagmamasdan ang tanawing
iyan ay tila mga mababangis na hayop na nagsasakmalan araw at gabi ang mga tao na
pumapaloob sa ganyan uri ng walang katapusang mainit at maanghang na pagtatalo.
Bunga iyan ng kawalang pagka-unawa sa katotohanan na binibigyang diin ng hindi kakaunting balumbon nitong mga banal na kasulatan (Tanakh/NT).
May umiiral na likhang doktrinang
pangrelihiyon ang bawa’t samahan na kumakatawan sa larangan ng kabanalan sa
bawa’t bansa ng mundo na ating tinatahanan. Ang mga iyon ay batay nga lamang sa
kanilang unawa sa nilalaman ng kasulatan (Bibliya). Gayon man, marami sa mga
iyon ay napatunayang hindi sinasang-ayunan ng mga katuruang pangkabanalan na
nilalaman ng bibliya.
Isang halimbawa sa mga iyon ay ang
sinalita mismo ng bibig ni Jesucristo, na ang wika ay ganito,
MAT 28 :
18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y
kaniyang kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN SA
LANGIT AT SA IBABAW NG LUPA AY NAIBIGAY NA SA AKIN.
Mula sa
mabilis na unawa, ang talata sa itaas ay
tahasang naghahayag, na ang kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay
naibigay na pala kay Jesucristo. Gayon ma’y matuwid na iyan ay saliwan, o
lapatan ng higit at malawak na unawa, nang sa gayo’y makatiyak, kung iyan nga
ang tunay na tanawing ipinakikita ng nabanggit na talata.
Tungkol
sa pagbibigay ng kaukulang paliwanag hinggil sa usaping iyan ay,
1. Nandiyan ang
personal na opinyon ng ilang karakter ng bibliya (NT) na HINDI kabilang sa mga tunay
na saksi ni Jesucristo.
2. Nandiyan din ang matapat na opinyon ng mga tinatawag na
nangakasama ni Jesus sa pagpapalaganap niya nitong evangelio ng kaharian(Katuruang Cristo) sa buong
sangbahayan ni Israel.
3. Higit sa lahat ay mababasa sa kasulatan ng mga saksi ng
Cristo ang mismong aral (katuruang Cristo) na masigla at may katapangan niyang
ipinangaral sa kabuoan ng Israel.
Kung
ang sinoman nga ay papipiliin sa tatlong (3) batayan na nakalahad sa itaas ay
magiging isang matuwid na pagpili, kung ang mismong may katawan (Jesus) ang
siyang kukunan ng kaukulang paglilinaw hinggil sa sinalita ng kaniyang bibig sa
Mat 28:18.
Ang
opinyon ay opinyon na pangsariling pahayag ng sinoman, at ito ay maaaring tumama,
nguni’t malamang ang kamalian. Palibhasa’y haka-haka lamang ang ginawang
batayan at walang naging anomang pagsang-ayon ng kasulatan.
Sa mga
tinatawag na saksi ay isang katiwatiwalang pahayag ang kanilang pagpapatotoo sa
anomang pangyayari na kanilang nakita, narinig, naamoy, nalasahan, at
naramdaman.
Pagdating
sa mismong may katawan (Jesus) na lumikha ng isang gawain, ay higit kay sa saksi ang
maaari niyang maging patotoo. Iyan ay dahil sa siya (Jesus) lamang ang nakakaalam, kung
bakit niya ginawa, o sinalita ang isang bagay, kahi man iyan ay nasaksihan ng
isa, ng ilan, o ng marami man. Sa puntong iyan ay hindi pa din maaaring
pagkatiwalaan ang sinomang saksi sa pangyayari, kung salita ang pag-uusapan,
dahil wala siyang anomang napapag-unawa sa laman ng isipan nitong taong nagbitiw ng
salita.
Dahil
diyan ay isang matuwid at makatarungang pasiya, kung ang tungkol sa Mat 28:18
ay mismong si Jesus na nagsalita ang ating kunan ng kaukulang pagpapalawak
hinggil sa usaping nabanggit.
Bago
nga sinalita ng sariling bibig ni Jesus ang nabanggit na talata, sa nakaraan ay madiin
niyang pinatotohanan ang mga sumusunod na katuwiran, na sinasabi,
JUAN 5 :
30 HINDI AKO
MAKAGAGAWA NG ANOMAN SA AKING SARILI: humahatol ako ayon sa aking narinig: at ang
paghatol ko’y matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling
kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.
31 Kung ako’y
nagpapatotoo sa aking sarili. ANG PATOTOO KO AY
HINDI KATOTOHANAN.
Sa Mat 28:18 ay isang tanawing
napakaliwanag, na pinatototohanan ni Jesus ang kaniyang sarili na siyang
nagmana ng kapamahalaan sa langit at lupa. Ano pa’t kung susundan natin ang
inihayag niyang katuwiran sa Juan 5:31 ay lalabas na isang kasinungalingan ang
ginawang pagpapatotoo niya sa Mat 28:18.
Subali’t hindi nga ang gayon, sapagka’t
si Jesus ay isa lamang sisidlang hirang (batlayan) ng Espiritu ng Dios. Ang
Espiritu ng Dios na sa panahong iyon ay masigla at makapangyarihang naghahari
sa kaniyang kabuoan ay nagwika, gaya ng nasusulat,
JUAN 12 :
49
Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa
akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN. (Juan 15:15, Juan 17:8)
JUAN 8 :
26 Mayroon akong maraming bagay na
sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay
totoo; at ang mga bagay
na sa kaniya’y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan. (Juan15:15, Juan 17:8)
Ganyan ngang maliwanag pa sa
katanghaliang tapat, na itong si Jesus
ay kasangkapan lamang ng nabanggit na Espiritu
ng Dios. Ang Espiritung iyan ang siyang isinugo ng Ama sa kalupaan at sa panahong iyon ay pinamamahayan nito ang
kabuoan ng Cristo. Ang SALITA ay sa Espiritu kung gayon, samantalang ang TINIG ay mula naman sa
sariling bibig ni Jesus.
Sa ikalilinaw ng usaping ito ay
tunghayan nga natin kung saan mababasa ang pagkakaroon ng eksistensiya ng
nabanggit na Espiritu ng Dios.
Gaya ng nasaksihan ni Juan sa kalagayang Espiritu nang siya'y nasa munting Isla ng
Patmos, ay madiin niyang pinatotohanan ang mga sumusunod na katuwirang sumasa
Dios, gaya ng nasusulat,
6 At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat
na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo,
na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, NA SIYANG PITONG ESPIRITU NG DIOS, NA SINUGO SA
BUONG LUPA.
Sa talatang ngang iyan ay maliwanag na
ang tinutukoy na CORDERO ay walang iba, kundi ang pitong (7) Espiritu ng Dios, na isinugo sa buong lupa. Ano pa’t sa
ilog Jordan ay may pangyayaring naganap, na gaya ng nasusulat,
MAT 3 :
16 At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y
umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at NAKITA
NIYA ANG ESPIRITU NG DIOS NA
BUMABABANG TULAD SA ISANG KALAPATI, AT LUMALAPAG SA KANIYA;
Narito,
at pagka-ahon ni Jesus sa tubig ay
nasaksihan ni Juan na nagbabautismo
ang pagbubukas ng mga langit, at mula doon ay bumaba kapagdaka tulad ng isang
kalapati ang Espiritu ng Dios, at
lumapag kay Jesus. Ang isinugo na Espiritu ng Dios (pitong Espiritu) kung
gayon ang siyang sumanib at namahay sa kaniyang kabuoan.
Sa
susunod na talata bilang pagbibigay diin sa pagsanib ng pitong (7) Espiritu sa kabuoan nitong si Jesus ay gaya ng napakaliwanag na nasusulat, na sinasabi,
APOC 3 :
1 At sa anghel ng iglesia sa Sardis ay isulat
mo: ANG MGA BAGAY NA ITO AY SINASABI NG MAY PITONG ESPIRITU NG DIOS, at may pitong bituin: Nalalaman ko ang
iyong mga gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay.
Sa apocalipsis
ni Juan ay wala ngang ibang entidad na tinutukoy sa Apoc 3:1, kundi itong si Jesus
lamang. Taglay niya sa makatuwid ang pitong(7) Espiritu ng Dios, na siyang SALITA na isinatinig lamang ng sariling
bibig ng Cristo. Iyan ang
napakaliwanag na Espiritu ng Dios na
lumapag kay Jesus, matapos na siya ay bautismuhan ni Juan na tagabautismo ng tubig sa ilog Jordan. Sapagka’t sa buong kasulatan
ay wala ng iba pang kabuoan ng Espiritu
na isinugo ang kaisaisang Dios, sa
layuning pamahayan at makapangyarihang pagharian ang kalooban ng mga tunay na banal ng Dios.
Ang Espiritu
ngang iyan ng Dios (pitong Espiritu)
ang siyang nagsasabi, kung ano ang nararapat sabihin, at kung ano ang matuwid
na salitain ni Jesus. Ang kabuoan ding
iyan ang may ganap na kinalaman sa mga makapangyarihang mga gawa na nasaksihan
ng marami sa pamamagitan niya.
Kaya nga pinatotohanan mismo ni Jesus, na kapag nagpatotoo siya sa
kaniyang sarili, ang patotoo niya ay hindi katotohanan. Iyan ay dahil sa may
isang nagpapatotoo sa kaniya, at iyan ay walang iba kundi ang pitong (7) Espiritu ng Dios na nasa kaniya.
Dahil sa katotohanang iyan ay sinabi
niya,
JUAN 7 :
16 Sinagot nga sila ni Jesus, at
sinabi, Ang turo ko ay
hindi akin, kundi
doon sa nagsugo sa akin. (Juan15:15)
JUAN 14 :
24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking
mga salita: at ang salitang inyong narinig ay
hindi akin,
kundi sa Amang nagsugo sa akin. (Juan 15:15)
Sa ganap na ikalilinaw ng usaping ito ay
mababasa sa ibaba ang mga persona na may ganap na kinalaman sa usaping ito.
1. Ang kasarinlan ni Jesus.
2. Ang Pitong Espiritu ng Dios na isinugo sa buong kalupaan.
3. Ang Ama na nagsugo ng pitong (7) Espiritu.
1. Ang kasarinlan ni Jesus.
2. Ang Pitong Espiritu ng Dios na isinugo sa buong kalupaan.
3. Ang Ama na nagsugo ng pitong (7) Espiritu.
Sa Juan 7:16 na mababasa sa itaas ay
maliwanag na ang nagsalita ay si Jesus
(1st person), na nagsasabing ang turo ay hindi sa kaniya kundi sa Espiritu
ng Dios (2nd person) na nagsugo sa kaniya sa sangbahayan ni Israel.
Samantalang sa Juan 14:24 na mababasa
din sa itaas ay ang kabuoan ng pitong (7) Espsiritu (2nd person) ang nagsasalita, na nagsasabing ang salitang
kanilang narinig mula sa 1st person (Jesus) ay hindi sa kaniya (2nd person), kundi sa Ama (3rd person) na nagsugo sa kaniya (2nd person).
Mula sa kaliwanagang iyan ay hindi na
magiging kalituhan pa, kung sino ang tunay na nagsasalita sa mga sumusunod na
pahayag ng sariling bibig ng Cristo.
Na nagsasabi,
MATEO 16 :
18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay
Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng HADES
ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
JUAN
10 :
9 Ako
ang PINTUAN; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya’y maliligtas, at
papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan.
JUAN 10 :
14 Ako
ang mabuting pastor; at nakikilala ko ang
sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako.
Juan 10 :
30 Ako at ang Ama ay iisa.
Juan
11:
25 Sinabi sa kaniya ni
Jesus, AKO ANG PAGKABUHAY NA MAGULI,
AT ANG KABUHAYAN: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t
siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya;
JUAN 14
:
6 Sinabi
sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay:
SINOMAN AY DI MAKAPAROROON SA AMA, KUNDI SA
PAMAMAGITAN KO.
JUAN 14 :
13 At ang ANOMANG INYONG HINGIN SA AKING PANGALAN, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak.
14 KUNG KAYO'Y MAGSISIHINGI NG ANOMAN SA PANGALAN KO, ay yaon ang aking gagawin.
JUAN 14 :
13 At ang ANOMANG INYONG HINGIN SA AKING PANGALAN, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak.
14 KUNG KAYO'Y MAGSISIHINGI NG ANOMAN SA PANGALAN KO, ay yaon ang aking gagawin.
Juan 17 :
24 ...Ako’y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.
APOC 1 :
11 Na nagsasabi, AKO ANG ALPHA AT ANG OMERA,
ANG UNA AT ANG HULI, Ang iyong nakikita, ay isulat mo sa isang aklat at
iyong ipadala sa pitong iglesia: sa Efeso, at sa Smirna, at sa Pergamo, at sa
Tiatira, at sa Sardis, at sa Filadelfia, at sa Laodicea.
Mateo 28 :
18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y
kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat
ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.
Isang napakaliwanag na katotohanan sa
makatuwid, na ang nagsaysay ng mga sumusunod na katuwiran ay hindi nga si Jesus
sa kaniyang sarili, gaya ng nasusulat,
1. Itatayo ko ang aking iglesia.
2. Ako ang pintuan.
3. Ako ang mabuting pastor.
4. Ako at ang Ama ay iisa.
5. Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan.
6. Sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.
7. Anomang inyong hingin sa aking pangalan.
8. Ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.
9. Ako ang alpha at ang omega, ang una at ang huli.
10. Lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.
1. Itatayo ko ang aking iglesia.
2. Ako ang pintuan.
3. Ako ang mabuting pastor.
4. Ako at ang Ama ay iisa.
5. Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan.
6. Sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.
7. Anomang inyong hingin sa aking pangalan.
8. Ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.
9. Ako ang alpha at ang omega, ang una at ang huli.
10. Lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.
Ang mga salitang iyan, kung gayon ay ilan
lamang sa mga winikang katuwiran nitong Espiritung Dios (pitong Espiritu) na nasa kalooban ni Jesus
mula sa kapanahunang iyon. Ang kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay
sa pitong (7) Espiritu ibinigay ng Ama, at iyon ay hindi kailan man tinamo ni Jesucristo,
na isa lamang sisidlang hirang (luklukan/medium/talaytayan/batlaya) ng pitong (7) Espiritu ngDios.
Sapagka’t maliwanag niyang sinabi,
JUAN 8 :
40 Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong
patayin, na TAONG
sa inyo’y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING NARINIG SA DIOS: ito’y
hindi ginawa ni Abraham.
JUAN 8 :
26 Mayroon akong maraming bagay na
sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay
totoo; at ang mga bagay
na sa kaniya’y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan. (Juan15:15, Juan 17:8)
17 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong
hipuin; sapagka’t HINDI PA AKO NAKAKA AKYAT SA AMA,
nguni’t pumaroon ka sa aking mga KAPATID, at
sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG
AMA, at AKING DIOS at INYONG
DIOS.
Sa panahong ngang iyon ni Jesus ay marami ang nagsisikap na siya
ay paslangin, palibhasa siya ang TAO
na nagsasaysay ng katotohanan na kaniyang narinig na sinalita ng pitong (7) Espiritu ng DIOS na sumasa kaniya. Ano pa’t katotohanan din lang na ang mga bagay na kaniyang
narinig na sinalita ng Dios ay ang
mga iyon ang kaniyang itinasatinig sa buong sangbahayan ni Israel. Gayon ngang matapos na siya’y
ibangon ng Ama mula sa dako ng mga patay ay winika niyang siya'y aakyat sa AMA, at
iniutos sa babae na paroonan ang kaniyang mga KAPATID, at sabihin aniya sa
kanila na, “Siya ay aakyat
sa kaniyang Ama, na ating Ama, at kaniyang Dios na ating Dios.”
Saan man at kailan man ay walang tao na
karapatdapat na bigyan ng kapamahalaan sa buong kalupaan, ni sa kaluwalhatian
man ng langit. Maging siya ay natutuntong sa kalagayan ng isang hari, propeta, huwes, o Cristo man.
May nag-iisang
Dios na umiiral sa kaluwalhatian ng langit, at siya’y nagsugo sa buong
kalupaan ng pitong (7) Espiritu, na
siyang namamahay at makapangyarihang naghahari sa kalooban at kabuoan ng mga
tunay na banal ng Dios. Wala ngang ibang maaaring pagkalooban ng kapamahalaan
sa kaluwalhatian ng langit, ni sa silong man nito na kung tawagin ay kalupaan,
kundi ang kabuoang Espiritu lamang na
isinugo niya sa lahat. Dahil diyan ay wala ng anomang sintido, o kabuluhan man ang presensiya sa kalupaan ng mga banal na nagsipagtamo ng pagtatagumpay na mapasa kaluwalhatian ng langit. Hindi na sila muli pang lalabas doon, upang gumanap o makibahagi man sa natatanging layunin ng pitong (7) Espiritu na isinugo ng Dios sa buong kalupaan.
Gaya ng napakaliwanag na nasusulat,
APOC 3 :
12 Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at HINDI NA SILA'Y LALABAS PA DOON: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan
Lahat ng mga banal ng Dios kabilang ang mga Propeta ng Tanakh at ang mga apostol ng Cristo ay nagsipagtagumapay na lahat sa larangan ng tunay na kabanalan sa kalupaan. Sa makatuwid ay maliwanag na sila'y ginawang haligi nitong templo ng Dios. Dahil diyan ay kasinungalingang igiit na sila'y lumalabas pa kaluwalhatian ng langit, upang bumaba sa lupa sa layuning magturo sa mga tao.
Ang pitong (7) Espiriu ng Dios ay katotohanan na may mga lingkod na anghel, at kung paano ang Cristo at ang iba pang banal ay nagsasalita ayon sa kaniyang narinig mula sa Dios ay gayon din naman sila, na hindi nagsasalita ng ayon sa kanilang sarili, at hindi nagsisigawa ng anomang sa kanilang sariling pagmamatuwid. Palibaha'y kaisa sila ng Ama, na kung saan sila ay masigla, matapat, at may galak sa kanilang kabuoan na nagsisipaglingkod sa Kaniya.
Katotohanan kung gayon na walang halong pag-aalinlangan, na ang awtorisado lamang ng kaisaisang Dios sa kapamahalaang panglupa ay hindi ang talaytayang si Jesus, kundi ang nabanggit na pitong (7) Espiritu. Gayon ding sila sa kanilang kabuoan ang sa lupa ay sugong tagapagturo sa ikabubuti ng bawa't kaluluwa na sumasa katawan. Hindi ang alin man sa kaluluwa ng nangamatay na tao sa lupa, mabuti man o masama. Lalong hindi ang alin man sa nangamatay na apostoles ng Cristo, ni ang sinasabi man na mga evolved spirit.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Gaya ng napakaliwanag na nasusulat,
APOC 3 :
12 Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at HINDI NA SILA'Y LALABAS PA DOON: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan
Lahat ng mga banal ng Dios kabilang ang mga Propeta ng Tanakh at ang mga apostol ng Cristo ay nagsipagtagumapay na lahat sa larangan ng tunay na kabanalan sa kalupaan. Sa makatuwid ay maliwanag na sila'y ginawang haligi nitong templo ng Dios. Dahil diyan ay kasinungalingang igiit na sila'y lumalabas pa kaluwalhatian ng langit, upang bumaba sa lupa sa layuning magturo sa mga tao.
Ang pitong (7) Espiriu ng Dios ay katotohanan na may mga lingkod na anghel, at kung paano ang Cristo at ang iba pang banal ay nagsasalita ayon sa kaniyang narinig mula sa Dios ay gayon din naman sila, na hindi nagsasalita ng ayon sa kanilang sarili, at hindi nagsisigawa ng anomang sa kanilang sariling pagmamatuwid. Palibaha'y kaisa sila ng Ama, na kung saan sila ay masigla, matapat, at may galak sa kanilang kabuoan na nagsisipaglingkod sa Kaniya.
Katotohanan kung gayon na walang halong pag-aalinlangan, na ang awtorisado lamang ng kaisaisang Dios sa kapamahalaang panglupa ay hindi ang talaytayang si Jesus, kundi ang nabanggit na pitong (7) Espiritu. Gayon ding sila sa kanilang kabuoan ang sa lupa ay sugong tagapagturo sa ikabubuti ng bawa't kaluluwa na sumasa katawan. Hindi ang alin man sa kaluluwa ng nangamatay na tao sa lupa, mabuti man o masama. Lalong hindi ang alin man sa nangamatay na apostoles ng Cristo, ni ang sinasabi man na mga evolved spirit.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Suma atin nawa ang kabuoan nitong pitong (7) Espiritu
ng kaisaisang Dios na isinugo Niya sa buong kalupaan, na tumutukoy sa Espiritu ng katotohanan, Espiritu
ng ilaw, Espiritu ng pag-ibig, Espiritu ng kapangyarihan, Espiritu
ng paglikha, Espiritu ng karunungang may unawa, at Espiritu
ng buhay na walang hanggan.
Hanggang sa muli, paalam.
HalleluYAH
TumugonBurahin