Huwebes, Abril 16, 2015

SALAGIMSIM NG MGA HUWAD NA TALAYTAYAN (Medium)

PAALALA:
Hindi namin layuning gibain ang paninindigan ng marami, ni ilagay man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus ay upang maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga katuwirang sumasa Dios. Hindi namin hinangad na husgahan ang sinoman, palibhasa'y ang mga salita ng Dios na isinatinig ng mga tunay na banal ang siyang humuhusga sa mga karumaldumal ng marami. Nawa'y maunawaan ng lahat na kami'y alingawngaw lamang ng mga katotohanang isinigaw at isinatitik nilang mga totoong banal na nabuhay sa malayo at malapit na kapanahunan.

Higit sa isang daang (100) taon na ang nakakalipas. Sa tinagaltagal nga ng pag-iral nitong kapatiran ng mga espiritista sa buong kapuluan, ay totoong walang anomang nabuong kaparaanan, sa pagkilala ng tunay at huwad na kasangkapan (talaytayan) ng espiritu. Palibhasa’y naging husto ang paniniwala ng mga kasapi natin, na ang nagaganap sa kanilang harapan ay isang makatotohanang interbensiyon ng espiritu. Iyan ay dahil sa simula pa lamang ay ikinakamada na nitong sistema ng kapatirang espiritista, o kaugaliang espiritista ang laman ng kanilang isipan, na ang nasasaksihan nila umanong paraan ng pagsanib ng espiritu ay katotohanan. 

Gaya ng isang doktrinang pangrelihiyon na itinatali ang kaisipan at damdamin ng sinoman sa matibay na hidwang paniniwala. Sa gayo’y naisasara ang isipan at damdamin, upang huwag ng bigyang puwang pa ang katuwiran ng ibang kaalaman. Sapagka’t ang nai-ukit sa kanilang isipan ng partikular na doktrinang pangrelihiyon, gaano man iyon kapilipit, para sa kanila ay iyon na nga ang katotohanan.

Nagsisimula mismo ang pagsusuri sa kinikilalang kasangkapan. Iyan ay upang malaman, kung siya baga’y totoong binababaan ng espiritu, at sa pamamgitan ba niya bilang isang talaytayan ay naisasatinig ang sagradong aral. Ano pa’t sa kawalan ng sistemang pagkilala sa kanila ay lumaganap na parang malaking sunog ng apoy ang pamamayagpag ng mga huwad na medium ng kapatiran sa buong kapuluan at sa ibayong dagat. Kaugalian na itinuring nila (medium) na gawaing sinasang-ayunan ng Dios. Ang mali mula sa paulit-ulit na pagsasabuhay, kung lumaon ay nagiging isang kaugalian na sa buong akala ng marami ay gawaing sinasang-ayunan ng katotohanan na suma sa Dios.

Kung iyong tititigan sila ay tila ba tunay na may nakalukob na espiritung banal sa kanilang kalooban at kabuoan, yun pala naman ay wala, at sa pagkukunwari na gaya ng isang may nakaluklok na espiritu ay napapaniwala nila ang kaawa-awa nating mga kapatid, na sila sa partikular na sandaling iyon ng gawain ay may panauhing banal na espiritu sa kabuoan ng kanilang katawan.
Ang sinoman (babae o lalake) na lumalapat sa kalagayan ng pagtulog ay naglalaro lamang ang kaniyang malay sa daigdig ng pag-iisip (psychic world). Sa gayo’y normal at malaya pa ring umiiral ang inboluntaryong paggalaw ng mga organs sa loob ng katawan. Ang kaluluwa ng katawan ay tahimik na nakamasid lamang sa iba’t ibang tanawin na kaniyang nasasaksihan sa nabanggit na daigdig. Walang anomang nangyayaring pagbabago sa katawan at ang temperatura nito ay katulad ng sa gising at may ulirat na tao.

Ang espiritu sa higit nitong mataas na antas, sa likas nitong kalagayan ay may kakayanan na pasukin ang kabuoang katawan ng sinomang tao. Nguni’t bago iyon ay kailangan muna niyang alisin o iaguwat ang alin mang makakasagabal sa kaniyang pananatili sa kabuoan ng katawan. Iyan ang kaluluwa, na habang nasa katawan ay patuloy na nakiki-alam (salita at galaw) sa adhikain ng espiritu na gumagamit sa partikular na katawan. Dahil diyan ay iniaaguwat muna ng panauhing espiritu sa hindi kalayuan ang kaluluwa ng sinomang medium, bago niya gamitin ang katawan nito. Kaya nga sa simula ng trance, ang talaytayan ay nawawalan ng malay ng ilang saglit, na ang ibig sabihin nito ay binatak (hinugot) ng panauhing espiritu palabas ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang katawan. Kasunod niyan, makalipas ang ilang saglit ay gagalaw siyang muli, na ang ibig sabihin ay nakapasok na sa kaniyang katawan ang bumabang epiritu, at handa na niyang paganahin sa kaniyang sarili ang alin man sa boluntaryong paggalaw ng katawan.

Gaya ng isang sasakyan na hindi maaari na manehohing sabay ng dalawang driver o tsuper, kundi isa lamang ang maaaring gumawa ng gayon. Kung nais niya na magmaneho ng sasakyan ay dapat muna niyang paalisin sa upuan ng tsuper ang kasalukuyan nitong tagapagmaneho. Gayon man, minsan ay pinapayagan niya na maupo sa kaniyang tabi ang dating tagapagmaneho ng sasakyan bilang tagapagmasid lamang. Nangyayari din na ang driver ng sasakyan ay tinatabihan ng navigator, na siyang nagsasabi kung aandar, bibilis, babagal, liliko, o hihinto ang sasakyan.

Sa kabuoan ng katawan ay gayon din, na kung ibig ng espiritu na gawing sasakyan ang isang katawan ay aalisin muna niya pansamantala ang kaluluwa nito, upang siya ang humalili bilang ibang entidad na tagapag-pagalaw (voluntary actions) ng katawan. 

Nguni’t kapag iyon ay nagawa niya ay biglang babagsak ang normal body temperature ng katawan, sapagka’t kaluluwa sa kabuoan ng katawan ang gumagawa at lumilikha ng init sa pamamagitan ng halos walang tigil nitong paggalaw sa mga oras at sandali na gising ang katawan. Sa pag-aguwat ng kaluluwa sa katawan ay dala niya ang kaniyang enerhiya, na siyang nagbibigay ng init sa katawan. 

Sumasanib din ang banal na Espiritu bilang tagapagsabi, kung ano ang gagawin ng kaluluwa gamit ang kaniyang katawan. Iyan ay gaya ng pasahero, na nag-uutos kung ano ang gagawin ng driver.

Isang tanda ang napakaliwanag na inilalahad ng usaping ito na dapat maunawaan ng lahat. Kung ang sinoman nga ay ibig mapag-unawa, kung may panauhing espiritu ang katawan ng sinomang medium. 

“Oo mga kapatid, HIPUIN lamang ang alin mang bagahi ng katawan ng inyong medium (talaytayan), at kapag malamig na gaya ng isang bangkay ang temperatura ng kaniyang katawan ay totoo ngang sa kabuoan ng kaniyang katawan ay may nagpapagalaw na panauhing espiritu.”

Hintayin lamang ang sandali ng pagbabasbas at tiyak na masasalat ng sinomang nagpapabasbas ang kamay ng medium na umano'y may panauhing espiritu sa kaniyang kabuoan. 

Datapuwa’t kapag sa pagdampi ng inyong kamay sa kaniyang kamay, o sa alin mang bahagi ng kaniyang katawan ay wala kayong nadamang anomang panlalamig na maaaring maihambing sa malamig na tubig – siya nga ay napakaliwanag na sumasa ilalim sa kasuklamsuklam na kalagayan ng SALAGIMSIM.

ANO ANG SALAGIMSIM?
“Iyan ang kalagayan na ipinakikita ng isang nagpapakilalang talaytayan (medium) na siya ay may panauhing espiritu sa kaniyang kalooban, nguni’t ang katotohanan ay wala, Mula lamang sa malinaw niyang pag-iisip ang sinasalita niya sa mga sumasaksing kasapi ng kapatirang espiritista. Layunin lamang niya na pasunurin sa sarili niyang agenda, o motibo ang mga miembro ng kapatiran. Iyan ay isang talamak na gawain ng mga di umano ay medium, na kasalukuyang kinikilala bilang mga opisyal na talaytayan ng kapatiran sa iba’t ibang lunduyan ng buong kapuluan at sa ibayong dagat. Wala siyang ipinagkaiba sa mapanilang lobo na nagkukubli sa kasuotang tupa”

Ang pagkilala sa pamamagitan ng paraang nabanggit ay ang pangunahin at pinaka-epektibong pagsusulit, upang mabunyag kung ang isang talaytayan ay nagkukunwari lamang na may panauhing espiritu sa kaniyang kalooban at kabuoan.

BABALA:
Iisa lamang ang ating kaluluwa, kaya ito ay pangalagaan natin ng husto alinsunod sa katuwiran ng kaisaisang Dios ng langit. Ano pa’t kung hindi tayo magigising sa kasuklamsuklam na kalakarang iyan ng mga huwad na medium ng kapatirang espiritista – ay walang pagsalang mapapahamak ang ating kaluluwa. Kung magkagayon ay wala tayong maihahalili na ano pa man diyan, palibhasa’y kaisaisa lamang iyan.

Sa bawa't panauhing espiritu na umano'y nakalukob sa partikular na medium ay may nahahanda kaming ilang katanungan, na sa pamamagitan nito'y malalaman, kung ang isang medium ay totoong kasangkapan ng espiritu, o hindi. Gayon din na may nakahandang ilang tanong sa umano'y espiritu na nagsasalita gamit ang katawan ng medium.

Sa simula pa lamang ng rituwal ng pagtawag sa umanoy banal na panauhing espiritu ay maaari ng makilala, kung huwad o tunay ang isang talaytayan. Sapagka't hindi gayon kadali ang tumawag ng espiritu. Ano pa't kapag mga apostol na ang isinasalang ay hindi nga espiritu nila ang tinatawag ng mga medium, kundi ang kanilang kaluluwa lamang.

Ang nakakatawa sa talakaying ito ay maliwanag pa sa sikat ng araw na maging ang mga talaytayan at matatanda ng kapatiran ay hindi nalalaman ang kaibahan ng espiritu sa kaluluwa na tumatahan sa katawang laman ng mga tao. Sa kanila ay iisa lamang ang kahulugan ng kaluluwa at espiritu, na kung lilinawin, ang kaluluwa ay espiritu, at ang espiritu ay kaluluwa. Nasabing mga espiritista, gayon ma'y walang kaibahan ang pagkakilala sa espiritu at kaluluwa. The same apple eka nga.

Tungkol sa usaping ito ay ano kaya ang isinasaad ng Tanakh?

Ang soul (kaluluwa) sa wikang Hebreo ay "NEPHESH" ang katawagan, samantalang ang spirit (espiritu) sa wikang Hebreo pa rin ay "RUACH" ang katumbas na salita.  Ang dalawang salitang ayan sa wikang Hebreo na mababasa sa balumbon ng TANAKH ay may dalawang magkaibang kahulugan. 

Ang kamalian ng marami ay hindi nila tinangka man lang na alamin sa wikang Hebreo ang kahulugan ng soul (nephesh) at spirit (ruach). Ang kaliwanagan at katotohanang ito ay madiing pinasisinungalingan ang katawatawang aral espiritista na nagsasabing ang kaluluwa at espiritu ay may iisang kahulugan lamang. Dahil diyan ay isang katotohanan na nararapat tanggapin ng lahat na ang kabuoan ng tao ay hindi katawan at espiritu lamang, kundi katawan, kaluluwa, at espiritu.

Tunghayan sa ibaba ang mga katunayang Tanakh na nagpapatotoo sa malaking kaibahan ng kaluluwa at espiritu.

MAGKAIBA ANG KALULUWA (nephesh)  AT ESPIRITU (ruach)
Isa 26 :
9 With my soul have I desired thee in the night; yea, with my spirit within me will I seek thee early: for when thy judgments [are] in the earth, the inhabitants of the world will learn righteousness.
(Ninasa kita ng aking kaluluwa sa gabi; oo, ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap: sapagka't pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan.)

ANG ESPIRITU NG TAO
Kaw 20 :
27  The spirit of man is the candle of the LORD, searching all the inward parts of the belly.
(Ang diwa ng tao ay ilawan ng Panginoon, na sumisiyasat ng mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.)

Ecc 3 :
21  Who knoweth the spirit of man that goeth upward, and the spirit of the beast that goeth downward to the earth?
(Sinong nakakaalam ng diwa ng tao kung napaiilanglang, at ng diwa ng hayop kung napaiibaba sa lupa?)

ANG ESPIRITU NG BUHAY
Apoc 11 :
11  And after three days and an half the Spirit of life from God entered into them, and they stood upon their feet; and great fear fell upon them which saw them.
(At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, ang Espiritu ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila'y nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila.)

ANG KATAWAN AT KALULUWA
Isa 51 :
23  But I will put it into the hand of them that afflict thee; which have said to thy soul, Bow down, that we may go over: and thou hast laid thy body as the ground, and as the street, to them that went over.
(At aking ilalagay sa kamay nila na nagsisidalamhati sa iyo, na nakapagsabi sa iyong kaluluwa, Ikaw ay dumapa upang kami ay dumaan, at iyong inilagpak ang iyong katawan na parang lupa, at parang lansangan sa kanilang nagdaraan.) 


Job 7 :
11          Therefore I will not refrain my mouth; I will speak in the anguish of my spirit; I will complain in the bitterness of my soul.
(Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig; ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa; ako'y dadaing sa kahirapan ng aking kaluluwa.) 


NAHIHIRAPAN ANG KALULUWA
Job 7 :
11          Therefore I will not refrain my mouth; I will speak in the anguish of my spirit; I will complain in the bitterness of my soul.
(Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig; ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa; ako'y dadaing sa kahirapan ng aking kaluluwa.)

NASA KAMAY NG DIOS ANG KALULUWA NG BAWA'T NILALANG
Job 12 :
10        In whose hand [is] the soul of every living thing, and the breath of all mankind.
(Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay, at ang hininga ng lahat ng mga tao.)

NAPUPUNTA SA DAKO NG MGA PATAY ANG KALULUWA
Awit 16 :
10  For thou wilt not leave my soul in hell; neither wilt thou suffer thine Holy One to see corruption. 
(Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan.)

TINUTUBOS NG DIOS ANG KALULUWA
Awit 34 :
22  The LORD redeemeth the soul of his servants: and none of them that trust in him shall be desolate. 
(Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod: at wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala.)

Awit 49 :
15  But God will redeem my soul from the power of the grave: for he shall receive me. Selah. 
(Nguni't tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol: sapagka't tatanggapin niya ako. [Selah])

Awit 41 :
4  I said, LORD, be merciful unto me: heal my soul; for I have sinned against thee. 
(Aking sinabi, Oh Panginoon, maawa ka sa akin: pagalingin mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y nagkasala laban sa iyo.)

Awit 72 :
14  He shall redeem their soul from deceit and violence: and precious shall their blood be in his sight. 
(Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan; at magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin:)

Isa 55 :
3  Incline your ear, and come unto me: hear, and your soul shall live; and I will make an everlasting covenant with you, even the sure mercies of David. 
(Inyong ikiling ang inyong tainga, at magsiparito kayo sa akin; kayo'y magsipakinig, at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay: at ako'y makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan, sa makatuwid baga'y ng tunay na mga kaawaan ni David.)

NATUTUTO NG KARUNUNGAN ANG KALULUWA
Pro 24:14  So shall the knowledge of wisdom be unto thy soul: when thou hast found it, then there shall be a reward, and thy expectation shall not be cut off. 
(Sa gayo'y matututo ka ng karunungan na malalagay sa iyong kaluluwa: kung iyong nasumpungan ito, sa gayo'y magkakaroon ka nga ng kagantihan, at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay.)

PAG-AARI NG DIOS ANG LAHAT NG KALULUWA
Eze 18 :
4          Behold, all souls are mine; as the soul of the father, so also the soul of the son is mine: the soul that sinneth, it shall die.
(Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.)

Kung ang kaluluwa ay nakagaganap sa kalooban ng Dios at nagkakasala, sa gayo'y ito ang nagkakapalad na mapasa langit, at iyan din ang napapasa dako ng mga patay (Sheoul). Ang espiritu na isa sa tatlong (3) bahagi ng tao ay ang nagbibigay ng buhay sa katawang pisikal, na dahilan kung bakit ang puso ay patuloy na tumitibok, at iba pang internal body organ ay patuloy na gumagana (involuntary actions). 

Maliwanag na ang kamalayan sa pagiging tao at alaala sa kaniyang karanasan sa lupa ay nasa kaniya at wala sa espiritu na tagapagbigay lamang ng buhay sa katawan. Sa makatuwid, kung sinoman ang nararapat na tawagin, upang umayuda sa kapatirang espiritista ay walang iba, kundi ang kaluluwa ng mga apostol. Ano pa't ang kaluluwa ayon sa KATURUANG CRISTO, sa sandaling makapagtagumpay na makapasok sa kaharian ng langit ay hindi na lalabas pa doon, na madiing sinabi,

APOC 3 :
12  Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at HINDI NA SIYA'Y LALABAS PA DOON: .......

BABALA:
Ang pagtawag sa kaluluwa ng mga namatay na, ay isang mahigpit na kabawalan sa Tanakh ng kaisaisang Dios ng langit (Deut 18:10-12).

DEUT 18 :
11  O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o SUMASANGGUNI SA MGA PATAY.

12  Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo. 

Sa punto pa lamang na iyan ay maaari ng matukoy at matiyak, na ang nasa kalooban ng mga medium (talaytayan) ng kapatirang espiritista habang sila ay naka-akto ay hindi mga apostol, kundi kung mayroon man silang lukob ay yaon lamang na pumapaloob sa parametro ng sarili nilang kaisipan. Sa madaling salita ay hindi lehitimong pamumusesyon ng banal na Espiritu, kundi ayon lamang sa salagimsim ng mapaglaro at mapangahas na bugso ng kanilang kaisipan.

Sa pagpapatibay nito ay tanungin ninyo ang nagpapakilalang espiritu (apostol) na nakalukob sa medium na ayon sa kalikasan ng apostol nang siya ay nasa lupa pa.

1. Tanungin nyo kung ano ang pangalan niya sa wikang Hebreo, palibhasa'y Hebreo na lahat ang mga apostol, maging si Pablo na nagsasabing siya'y apostol ng Cristo ay sinabing isa siyang Hebreo. Kaya maging siya ay hindi makakaligtas sa tanong na ito.

2. Ipasulat nyo ang kaniyang pangalan sa alpabetong Hebreo.

3. Ipasulat nyo sa kaniya ang katumbas na pangalan ni Jesus sa alpabetong Hebreo. Nalalaman ng mga apostol ang pangalang Hebreo ng Cristo, palibhasa'y ilang taon din siya nilang nakasama bilang mga apostol.

3. Tanungin nyo siya, na bakit kung siya'y magsulat ay mula sa kaliwa pakanan, gayong ang isang Hebreo na tulad niya ay nagsusulat mula kanan pakaliwa. Ibig sabihin lang nito ay walang espiritu ang medium, sapagka't paraan na nalalaman ng medium sa pagsusulat ang kaniyang ipinakikita (mula kaliwa pakanan), hindi ang paraan ng mga apostol sa pagsusulat na mula sa kanan pakaliwa. Ibig sabihin nito ay hindi umaguwat ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang katawan, sapagka't umiral ang malay niya sa pagsusulat mula kaliwa pakanan. Salagimsim lamang ang umiiral sa kaniya, walang panauhing espiritu sa kaniyang kalooban.

4. Ipa-recite nyo sa apostol ang Lord's Prayer (Ama Namin) sa wikang Aramaic. Nalalaman ng mga apostol ang dasal na ibinigay sa kanila ng Cristo, at sa katotohanan ay ang panalangin na iyan ang palagian nilang idinadasal, upang maka-ugnay sa kaluwalhatian ng Ama na nasa langit.

5. Itanong nyo sa kaniya, kung ano ang pangalan ng Dios ng Tanakh.

6. Itanong nyo sa kaniya, kung ano ang kataastaasang pamimitagang panawag sa Dios ng Tanakh.

7. Itanong nyo sa kaniya, kung ilan ang persona ng kalagayang Dios sa mga balumbon ng Tanakh.

(Ang mga tanong bilang 5 - 7 ay akmang tanong din sa umano'y kinikilalalang mataas na antas ng espiritu, tulad ng mga anghel at ang nagpapakilalang espiritu, na nagpapakilalang tumubos sa sala ng sanglibutan, at sa katawagang Ama ng langit.)

(Ano man ang mga naging tugon ng medium sa 1+7 na katanungan  ay mangyaring i-post kaagad sa sumusunod na link: https://www.facebook.com/katuruangcristo/?fref=ts                 Nang sa gayon ay matugunan namin asap, kung ang subject na medium ay fake or geniune)

Ilan nga lamang ang pitong (7) katanungan na iyan, upang makilala ang verdadero na Espiritu at hindi verdadero na espiritu sa higit na mababang antas. 

Sa kalagayan ng SALAGIMSIM, isa man sa mga tanong na iyan ay hindi masasagot ng naka-aktong medium, na sa totoo lang sa mga sandali ng kaniyang pag-akto ay may husto siyang sariling malay at ulirat. 

Sa kalaunan ay isasaulo ng mga magdarayang talaytayan ang mga sagot sa mga tanong na iyan sa itaas. Bagay na hindi dapat ninyong ipag-alala, sapagka't ang kaisaisang Dios ng Tanakh ay hindi kailan man mauubusan ng pitong (7) katanungan, upang malahad sa maliwanag ang katampalasanan ng mga huwad na talaytayan ng kapatiran. Ang susunod na pitong (7) katanungan ay lalabas at susupil sa mga tampalasan sa kahustuhan ng bawa't kapanahunan. Gayon ma'y walang sinomang talaytayan ang makalulusot sa pamantayang init at lamig.

Ang totoong Espiritu ay eksakto ang sagot sa tanong ninoman, at hindi nagpapaliwanag ng paulit-ulit, o nagsasaad ng mga alibi, at paligoyligoy, o paikot-ikot na mga sagot. Sinasalita niya ang pinakamagaan na paliwanag upang maunawaang lubos ng sinoman ang kaniyang salita. Palibhasa ay liwanag at karunungan sa kaisipan ang hatid ng sinomang banal na Espiritu

Ang karaniwan o mababang espiritu, kung hindi nalalaman ang sagot sa tanong ay hindi nagsasalita ng mga palusot na sagot, bagkus ay aalis, o lilisanin kapagdaka ang katawan ng medium. Iyon ay tanda na siya ay nasukol ng nagtatanong at ang una niyang reaksiyon ay takasan kapagdaka ang kaniyang kausap at kaagad tumalilis palabas ng katawan. 

Kung sa mga tanong na iyan ay makitaan ng anyo ng pagka-irita o anyo ng pagkagalit ang mukha at mabilis na pagkumpas ng mga kamay ang inyong medium - katunayan iyon na siya ay walang panauhig espiritu sa kaniyang kalooban, at siya lamang iyon sa mapanlinlang niyang sarili. 

Pagkagalit ang isang bagay na hindi maaaring maitago ng sinoman sa kaniyang kapuwa. SALAGIMSIM lamang ang maliwanag na kalagayang umiiral sa talaytayang iyon. Huwag nyo siyang paniwalaan, ni katakutan man. Sapagka't siya'y maliwanag na isang huwad na kasangkapan (medium) ng espiritu. 

Anoman ang maging sagot sa mga tanong sa itaas ng nagpapakilalang apostol sa kalagayang espiritu sa pamamagitan ng talaytayan ng kapatirang espiritista ay mangyaring ipagbigay alam kaagad sa amin. Iyan ay upang sa pamamagitan ng mga sagot ng medium sa pitong (7) katanungan sa itaas ay tuwirang matukoy, kung siya baga ay tunay, o isang huwad na talaytayan ng kapatirang espiritista. 

Hindi na nga kailangan pang padaanin ang sinomang medium sa serye ng pagsusuring iyan sa itaas, kung sa simula pa lamang ay mapapatunayan na siya ay walang panauhing espiritu sa kaniyang kalooban at kabuoan.

PANAWAGAN:
Sa inyo na mga kinikilalang talaytayan ng kapatirang espiritista ng buong kapuluan at ng ibayong dagat. Kung kayo'y may pag-ibig sa inyong kapuwa na ating mga kapatid ay hindi nyo nanaisin na sila ay maligaw ng kanilang landas. Bagkus ay ituturo nyo sa kanila ang tunay na daang matuwid (Katuruang Cristo) tungo sa buhay na walang hanggan. 

Kayong mga huwad na talaytayan ng kapatiran ay huwag na ninyong dayain pa ang ating mga kapatid, sapagka't sa hindi nila pagkabatid ay kinakaladkad ninyo ang kanilang kaluluwa sa tiyak na kapahamakan at kamatayan sa pamamagitan ng inyong mga kasinungalingan. 


Dumating na ang hustong sandali na kayo ay padadaanin ng mga dinaya ninyong mga kapatid sa inyo-inyong lunduyan sa komprehensibo at presisyong pagsusuri. Anoman ang gawin ninyong pagtatakip sa inyong sarili ay mananaig ang katotohanan, at mabubunyag ng madali ang inyong mga kasinungalingan sa layon ng pandaraya.


Gayon man ay makakahinga ng maluwag at walang katapusang pasasalamat sa kaisaisang Dios ng langit ang mamumutawi sa bibig ng mga tunay na talaytayan ng mga banal na Espiritu. Sa wakas ay mawawala na ang talamak na pamamayagpag ng mga huwad na talaytayan sa kaboan ng kapatirang espiritista sa buong kapuluan, at ibayong dagat.


Sa inyo na mga kapatid kong kasapi sa kapatiran ng espiritista sa buong kapuluan at ibayong dagat. Huwag kayong matakot na suriin ang inyong mga talaytayan sa inyo-inyong lunduyan. Nahahayag na ang natatanging paraan, kung papaano maibubunyag ang katotohanan hinggil sa mga huwad na medium ng inyong lunduyan. Kung patuloy na kayo'y magsisitahimik hinggil sa kontrobersiyal na usaping ito ay kayo rin ang talunan sa huli. Sapagka't ikapapahamak ng inyong kaluluwa ang mga kasinungalingang hatid sa inyo ng mga huwad na talaytayan.

Magsisunod nga kayo sa kautusang Cristo, na ang madiing wika ay gaya ng sumusunod:

1JUAN 4 :
1  Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan. 


Huwag nga ninyong pairalin ang karuwagan, bagkus ay gawin ang kautusang Cristo ayon sa madiing pagkakasabi. Isang kaluguran sa Dios ang sumunod sa katuwirang sumasa Dios, kaya tibayan nyo ang inyong kalooban at paninindigan. Suriin ninyo sila, alang alang sa ikabubuti at ikaliligtas ng inyong kaluluwa.

Trabaho lang ito mga kapatid, sa gayo'y hindi nangangahulugan na kami ay namemersonal ng aming kapuwa. Ang sinomang tamaan nito ay tiyak na aaray, sukat upang siya ay makilala ng lubos na isang huwad sa kalagayan na kaniyang tinitindigan. Kung siya ay magsasawalang kibo lamang ay pasasaan ba at sa madali panahon ay makikilala ninyo siya. Ang sinoman na tumanggi sa mga nabanggit na pagsusuri ay maliwanag na paglalahad ng sala bilang isang huwad na talaytayan. 

Sa sinomang talaytayan (medium) ng kapatirang espiritista na nagbibigay diin, na siya ay tunay na kasangkapan ng banal na espiritu. Mangyaring kami ay harapin mo at ganap na ihanda ang iyong sarili sa panimulang kaparaanan ng pagkilala sa espiritu at ilang katanungan, na kung masasagot ng nagpapakilalang espiritu ay tiyak na makapagpapatotoo sa giit mong deklarasyon.

Sadyang isang lubhang mahirap na gawain ang magsaad ng katotohanan, sapagka't higit na marami ang pumapalaot sa kalawakan ng kasuklamsuklam na kasinungalingan. Dahil diyan ay hindi kakaunti ang sa amin ay tumutuligsa at nagpapahayag ng iba't-ibang bintang ng kabulaanan. Gayon ma'y panatag ang aming kalooban, sa kadahilanang kami ay gumaganap lamang ayon sa udyok ng banal na Espiritu, na nagturo sa amin ng pagtangkilik, pagtataguyo, pagtatanggol at pagtalima sa mga salita (katuruang Cristo) na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo.

Dahil sa napapanahong sagradong kaalaman na inilatag namin sa itaas ay batid namin, na lubhang maraming bilang ng mga kasapi nitong kapatirang espiritista ang mabubuksan ang puso at isipan. Iyan ay sa pamamagitan ng pirmihang pagpapairal nitong hustong paraan ng pagkilala sa tunay na talaytayan ng banal na Espsiritu. Bunga nito, saan man at kailan man ay hindi na muli pa kayong malilinlang ng mga tampalasan (false medium).

Patuloy nawang kamtin ng bawa’t isa ang mga biyaya ng langit na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungan na may unawa, at sagad na buhay sa kalupaan, tungo sa buhay na walang hanggan sa kaluwalhatian ng langit.

Hanggang sa muli mga minamahal naming kapatid. Paalam.


3 komento:

  1. Ukol sa pitong katnungan

    Matapos po mabasa ito po ang mga naging katanungan ko sa sarili at marahil sa ilan na nakabasa nguni't natatakot magtanong o nahihiya.

    Paano po kung ang magtatanong ay hindi alam ang sagot sa itatanong, nalalaman po natin hindi lahat ay may kaalaman sa mga pangalang Hebreo o nalalaman ang wikang Hebreo.

    Kung ang isang talaytayan na mabasa ang blog na ito, hindimpo ba magsasaliksik siya sa mga sagot at magamit sa panllinlang at daya. Qlqm natin na ang kalaban ng Katotohanan ay tuso.

    Ayon sa nabasa mararamdaman ng nasa paligid ng umaakto ay malamig.

    Papaano kung ang nararamdaman ay matinding init di lamang sa katawan kundi sumisingaw pa ito mula sa umaakto na nadadama ng lahat?

    Makakatulong ang mga nabasa at mabuti ang adhikain na naisulat, matulungan din po sana masagot ang mga katanungan na nahango sa nabasa. Dahil isa rin po ako sa mga nagsusuri ng mga medium sa mga dinadakuan po naming mga Centro.

    Kapayapaan ay Suma atin lahat.

    TumugonBurahin
  2. May mga citas po ba sa Biblia ukol sa madadama na malamig ang katawan o anoman bahagi?

    May nagsabi sa akin ng aming tinatalakay ito, papaano kung ang isang mapanlinlang na medium na sinasabing naghahanda ay gumagamit ng yelo para palamigin ang bahagi ng nasabing katawan.

    Muli marami ang tusong medium ng kasinungalingan.

    TumugonBurahin
  3. Sa iyo Dr. Reynaldo Gorospe San Luis II,

    Sa iyong mga tanong,

    1. Paano po kung ang magtatanong ay hindi alam ang sagot sa itatanong, nalalaman po natin hindi lahat ay may kaalaman sa mga pangalang Hebreo o nalalaman ang wikang Hebreo.

    SAGOT:
    Sadyang sa karamihan ng mga magtatanong ay hindi batid ang sagot sa 1+7. I-document ang tanong at sagot, kasunod nito ay ipadala sa sumusunod na address.

    Centro Rayos ng Liwanag
    https://www.facebook.com/Centro-Rayos-ng-Liwanag-1554849471435188/timeline/

    Mula sa documented na questions and answers na ipadadala sa amin ay masasabi namin, kung ang medium, o espiritu na pinadaan sa 1+7 ay tunay o hindi.

    2. Kung ang isang talaytayan na mabasa ang blog na ito, hindi po ba magsasaliksik siya sa mga sagot at magamit sa panllinlang at daya. Alam natin na ang kalaban ng Katotohanan ay tuso.

    SAGOT:
    Mula sa documented questions and answers ay malalaman, kung nandadaya o hindi ang medium sa kaniyang mga sagot. May mga eksaktong sagot, na totoong Espiritu lamang ang nakaka-alam. Ang pandaraya ay hindi makakalusot sa mga tunay na Espiritu.


    3. Ayon sa nabasa mararamdaman ng nasa paligid ng umaakto ay malamig. May citas po ba sa Biblia na masusuportahan po ito?

    SAGOT:
    Sa larangan ng tunay na kabanalan ay may dalawang pamamaraan ng pagtuturo.

    UNA:
    Ang katuruan na nasusulat mula sa mga balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh). Iyan ay tinatawag na “WRITTEN TEACHINGS.”

    PANGALAWA:
    Iyan naman ang turo na mula sa pamamatnubay ng mga banal na Espiritu. Ang tawag diyan ay “ORAL TEACHINGS.”

    Ang tungkol sa temperatura ng katawan na pagkakakilanlan, kung ang sinoman ay may lukob na Espiritu o wala ay binigyan ng kaukulang pahiwatig sa banal na kasulatan, gaya ng nasusulat,

    Nah 3:17 Ang iyong mga prinsipe ay parang mga balang, at ang iyong mga pinuno ay parang kawan ng lukton, na nagsisihimpil sa mga bakod sa araw na MALAMIG, nguni't pagka ang araw ay sumikat sila'y nagsisilipad, at ang kanilang dako ay hindi alam kung saan sila nangandoon.

    Ang mga masasamg espiritu ay nananatili sa kadiliman ng malamig na gabi. Hindi gaya ng mga mabubuting Espiritu na nasa ilalim ng init ng araw, na naglalahad ng mga nakukubling bagay mula sa kadiliman ng malamig na gabi.

    Sa gayon ay sinabi,

    Rev 3:15 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig o mainit man: ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit.
    Rev 3:16 Kaya sapagka't ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa aking bibig.

    Ang malahiningang temperatura ng katawan ay nagpapahayag ng pag-iral nitong kabuoang pagkatao ninoman. Na may malay sa kaniyang limang (5) pangdama. Dahil sa tandang iyan ay malalaman, kung ang medium ay nagkukunwari lamang na may panauhing espiritu sa kaniyang sarili.

    Kung siya’y malamig ay mayroon ngang siyang lukob na espiritu, at dahil sa siya’y hindi maiinit ay hindi masusumpungan sa kaniya ang katotohanan.

    Hanggang sa muli, paalam.

    TumugonBurahin