Sirius |
Mula sa kasagsagan ng ministeriyo nitong Espiritu ng Dios na makapangyarihang namamahay at naghahari sa kalooban ni Jesus, ay naihayag sa mga alagad ang maraming bagay na tumutukoy sa larangan ng tunay na kabanalan. Nariyan ang pagbibigay ng kaukulang unawa sa mga salitang may ganap na kinalaman sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Sa mga iyan ay naging isang kontrobersiyal na usapin ang salitang tumutukoy sa ilaw. Ito’y dahil sa hindi nagkakaisang pang-unawa ng marami sa hustong kahulugan ng nabanggit na salita, lalo na kung ito’y ini-uugnay kay Jesus bilang ilaw ng sanglibutan.
Batid ng marami na kapag sinabing ilaw ay nangangahulugan ito ng liwanag na humahawi ng kadiliman. Tanglaw na siyang dahilan kung bakit ang mga bagay sa dimensiyong ito ng materiya ay nakikita ng mga mata, na nagbibigay daan sa kaisipan upang mapag-unawa ang mga tanawin na nasisikatan nitong liwanag ng ilaw.
Kaugnay niyan ay may winika ang sariling bibig ni Jesus, na sinasabi,
JUAN 8 :
12 Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.
(Then3767 spake2980 Jesus2424 again3825 unto them,846 saying,3004 I1473 am1510 the3588 light5457 of the3588 world:2889 he that followeth190 me1698 shall not3364 walk4043 in1722 darkness,4653 but235 shall have2192 the3588 light5457 of life.2222)
Light of the World |
JUAN 9 :
5 Samantalang ako'y nasa sanglibutan, ako ang ilaw ng sanglibutan.
(As long as3752 I am5600 in1722 the3588 world,2889 I am1510 the light5457 of the3588 world.2889)
Sa mga talata ngang iyan sa itaas ay binibigyang diin nitong Espiritu ng Dios na nasa kalooban at kabuoan ni Jesus, na siya ang ilaw ng sanglibutan. Mapapag-unawa sa talata na hindi lalakad sa kadiliman ang sinoman na susunod sa rayos ng kaniyang liwanag, na siyang ilaw ng sinoman tungo sa buhay na hindi nakakakilala ng katapusan, ni kamatayan man. Gaya nga ng nasusulat, siya na ilaw, samantalang nasa sanglibutan ay gumaganap na ilaw ng sanglibutan.
Ipinahihiwatig ng mga talata na ang ilaw ng sanglibutan ay tatanglaw sa lahat, upang ang sinomang manatili sa sikat ng liwanag nito ay patuloy na mabuhay at makapaglalakbay ng mapayapa tungo sa tunay na layunin ng buhay sa kalupaan. Ang hangarin ng Dios ay maging kaisa niya sa dakilang balanse at perpektong kaayusan ang Kaniyang mga anak sa kaluwalhatian niyang tinatahanan.
Dagdag pa ay gaya ng mababasa sa ibaba,
APOC 22 :
16 Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.
("I Jesus have sent mine angel to testify unto you these things in the churches. I am the root and the offspring of David, and the bright and morning star.")
Sirius |
APOC 2 :
28 At sa kaniya'y ibibigay ko ang tala sa umaga.
(And2532 I will give1325 him846 the3588 morning4407 star.792)
2 PED 1 :
19 At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso:
("We have also a more sure word of prophecy; whereunto ye do well that ye take heed, as unto a light that shineth in a dark place, until the day dawn, and the day star arise in your hearts:")
Sa mga talatang iyan sa itaas ay hindi mahirap unawain, na ang katawagang “tala sa umaga” ay ipinatutungkol ng marami kay Jesus ng Nazaret.
Nguni’t sa mga sina-unang banal na kasulatan (Tanakh) na naisalin sa iba’t-ibang wika ay mababasa na ang salitang “ilaw,” ay gaya ng natatala sa ibaba ang sinasabi,
Lucifer |
ISA 14 :
12 Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh Lucifer, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!
(How349 art thou fallen5307 from heaven,4480, 8064 O Lucifer,1966 son1121 of the morning!7837 how art thou cut down1438 to the ground,776 which didst weaken2522, 5921 the nations!1471)
Sa aklat ngang iyan ni propeta Isaias ay binabanggit na si Lucifer, o ang demonio ay tumutugon sa katawagang “anak ng umaga (son of the morning)” na kapagdaka ay iniugnay kay Jesus sa tawag na, “tala sa umaga (morning star).” Dahil diyan ay marami ang nagsabi, na itong si Jesus at si Lucifer ay iisa. Sa madaling salita, ang kinikilala ng hindi kakaunting mga tao na Anak ng Dios, di umano ay wala pala sa gayong kabanal na kalagayan, kundi siya ay isa palang demonio. Hindi nga ang gayon, sapagka't hindi tamang pagsasalin (mistranslation) lamang ang "son of the morning (anak ng umaga)"
Diyan ay sinasabing “anak ng umaga,” na ang ibig sabihin ay supling, o bunga. Ang umaga ay isang kalagayan ng panahon na kung kailan ay kasisikat pa lamang ng araw. Maaari din naman na sabihing “bukang liwayway” na panahong sumisilip ang liwanag ng araw sa abot tanaw (horizon) ng mga mata. Ang umaga kung uunawaing mabuti ay ang unang yugto ng panahon sa loob ng labingdalawang (12) oras ng maghapon. Ang kasunod niyan na natitira pang dalawang (2) yugto ay ang “tanghali,” at ang “hapon.”
Mula sa unang yugto ng maghapon (umaga) ay sumisikat ang haring araw, at ang lahat ay natatanglawan ng kaniyang liwanag. Sa madaling salita, sa unang yugtong iyan na nabanggit ay nananaig sa kadiliman ang liwanag. Sa kadahilanang iyan ay hindi mahirap unawain, na ang “anak ng umaga” ay walang iba, kundi ang araw (sun) na sumikat sa kinaumagahan.
Gayon man, ang tinutukoy na “tala sa umaga” ay ang bituin, o tala na nagngangalang Sirius, na lumilitaw sa silangang kalawakan bago magbukang liwayway tuwing tag-araw, karaniwan sa buwan ng Julio at Agosto. (sa mga bansa na may apat [4] na yugto ng isang taon).
Gayon man, ang tinutukoy na “tala sa umaga” ay ang bituin, o tala na nagngangalang Sirius, na lumilitaw sa silangang kalawakan bago magbukang liwayway tuwing tag-araw, karaniwan sa buwan ng Julio at Agosto. (sa mga bansa na may apat [4] na yugto ng isang taon).
Batay sa kasulatan ay ipinakikita na ang “anak ng umaga” ay tumutukoy kay Lucifer. Samantalang ang “tala sa umaga” ay walang iba, kundi si Jesus.
Ayon sa napakaliwanag na natatala mula sa balumbon ng mga orihinal na kasulatan (Tanakh) ay gayon nga rin kaya ang masusumpungang katotohanan. Na ang “anak ng umaga” ay siya ring “tala sa umaga?”
Mula sa Hebrew Study bible (HSB) ay gaya ng mababasa sa ibaba ang binibigyang diin hinggil sa usaping ito, na sinasabi,
Isa 14:12 אֵ֛יךְ H349 'eich How נָפַ֥לְתָּ H5307 na·Fal·ta How art thou fallen מִשָּׁמַ֖יִם H8064 mish·sha·Ma·yim from heaven הֵילֵ֣ל H1966 hei·Lel O Lucifer בֶּן־ H1121 ben- son שָׁ֑חַר H7837 Sha·char; of the dawn נִגְדַּ֣עְתָּ H1438 nig·Da'·ta [how] art thou cut down לָאָ֔רֶץ H776 la·'A·retz, to the ground חוֹלֵ֖שׁ H2522 cho·Lesh which didst weaken עַל־ H5921 'al- and גּוֹיִֽם׃ H1471 go·Yim. the nation
To read: How art thou fallen from heaven, o Lucifer, son of the dawn how art thou cut down and which didst weaken to the ground the nation.
Maliwanag na mababasa sa orihinal na kasulatang hebreo, na ang tinutukoy dito ay “son of the dawn (anak ng bukang liwayway),” at hindi “son of the morning (anak ng umaga).” Gayon ma’y iisa ang ipinakahulugan ng mga awtoridad sa paksang ito ng usapan. Si Lucifer kung gayon ay “anak ng bukang liwayway” na ang ginawa nilang kahulugan ay “anak ng umaga.”
Ang isang nalahad na katotohanan sa akdang ito ay hindi kailan man lumapat sa tawag na, “tala sa umaga” itong si Lucifer. Ang katawagang iyan ayon sa mga matitibay at kongretong katunayang biblikal ay tumutukoy lamang sa Espiritu ng Dios na na kay Jesus.
Sun |
Lucifer |
Sa pagtatapos ay si Lucifer ang entidad ng kadiliman, na sa pamamagitan ng liwanag ng araw ay nalahad ang kaniyang kasarinlan at kabuoan at siya’y nakilala ng lahat, bilang isang espiritu, na sa kaniyang kapalaluan ay nalaglag sa lupa mula sa kaitaasan. Siya mula sa pusikit na kadiliman ay ang nakakagimbal na anyo na iniluwal sa maliwanag ng bukang liwayway (dawn) Iyan ang kaisaisang kadahilanan, kung bakit siya ay tinawag na anak ng bukang liwayway (son of the dawn).
Sa sinomang sa inyo'y hihikayat sa pilipit na paniwalaang si Jesus at si Lucifer ay iisa - itapat nyo lang ang katotohanang inilahad namin sa akdang ito. Sa gayo'y mapag-unawa niya, (kung sinoman siya), na ang ipinanghihikayat niyang katuruang iyon ay nabibilang sa balumbon ng mga pinaglubidlubid na kasinungalingan lamang.
Patuloy nawang tamuhin ng bawa’t isa ang mga biyaya ng langit na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento