Hari ng Israel |
Mula sa malawakang pagkakawatakwatak ng mga lahing kabilang sa labingdalawang
(12) lipi ng Israel ay minabuti at ipinasya ng kaisaisang Dios, na
sila’y pagkalooban ng isang makapangyarihang hari na sa kanila ay
makapagbubuklod na muli. Gaya ng isang kawan na walang pastor ang Israel
sa kapanahunang iyon, at dahil diyan ay marami ang nahihiwalay sa kanilang
pastulan tungo sa di kailan man nila ninais na kapahamakan.
Ang kalakarang iyan ay hindi pinayagan ng ating Ama na tuluyang
lumawig at patuloy na maghatid ng maraming kaluluwa sa malabis na
kapighatian. Kaya sa sangbahayan ni Israel ay naghalal Siya at nagtalaga
ng mga hari mula sa kanikanilang natatanging kapanahunan. Ito’y sa
layuning bawiin ang marami sa iba’t ibang dako na kanilang kinaligawan, at
sila’y pamunuan na tulad sa isang pastor na masiglang kinakalinga at inaaruga
na gaya ng sa mga anak ang pag-aari niyang kawan ng mga tupa. Sila’y mga
hari na itinalaga ng kaisaisang Dios bilang tagapagligtas ng buong
sangbahayan ng Israel.
ANG UNA SA KANILA AY SI SAUL
SI
SAUL AY PINAHIRAN NG LANGIS (ANOINTED, MASYACH, MESSIAH, CHRIST)
1 Nang magkagayo'y KINUHA NI
SAMUEL ANG SISIDLAN NG LANGIS, AT IBINUHOS SA ULO NIYA, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang
Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging PRINSIPE ka sa kaniyang mana?
(Then Samuel took a vial of oil, and
poured it upon his head, and kissed him, and said, Is it not because
the Lord hath anointed thee to be captain over his inheritance?)
1 SAM 15 :
17 At sinabi ni Samuel, Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin, hindi ka ba ginawang pangulo sa mga lipi ng Israel? At PINAHIRAN KA NG LANGIS NG PANGINOON NA MAGING HARI SA ISRAEL;
17 At sinabi ni Samuel, Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin, hindi ka ba ginawang pangulo sa mga lipi ng Israel? At PINAHIRAN KA NG LANGIS NG PANGINOON NA MAGING HARI SA ISRAEL;
(And Samuel said, When
thou wast little in thine own sight,wast thou
not made the head of the tribes of Israel, and the LORD anointed thee
king over Israel?)
SI
SAUL AY INIHALAL NG DIOS NA HARI NG ISRAEL
1 SA
15 :
1 At sinabi ni Samuel kay Saul, SINUGO AKO NG PANGINOON UPANG PAHIRAN KITA NG LANGIS NA MAGING HARI SA KANIYANG BAYAN, SA ISRAEL: ngayon nga'y dinggin mo ang tinig ng mga salita ng Panginoon.
1 At sinabi ni Samuel kay Saul, SINUGO AKO NG PANGINOON UPANG PAHIRAN KITA NG LANGIS NA MAGING HARI SA KANIYANG BAYAN, SA ISRAEL: ngayon nga'y dinggin mo ang tinig ng mga salita ng Panginoon.
(Samuel also said unto Saul, The LORD sent
me to anoint thee to be king over his people, over Israel: now
therefore hearken thou unto the voice of the words of the LORD.)
1 SAM 15 :
17 At sinabi ni Samuel, Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin, hindi ka ba ginawang pangulo sa mga lipi ng Israel? At PINAHIRAN KA NG LANGIS NG PANGINOON NA MAGING HARI SA ISRAEL;
17 At sinabi ni Samuel, Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin, hindi ka ba ginawang pangulo sa mga lipi ng Israel? At PINAHIRAN KA NG LANGIS NG PANGINOON NA MAGING HARI SA ISRAEL;
(And Samuel said, When
thou wast little in thine own sight,wast thou
not made the head of the tribes of Israel, and the LORD anointed thee
king over Israel?)
SI SAUL AY INIHALAL NG KAISAISANG DIOS NA
PRINSIPE NG ISRAEL
1 SAM 10 :
1 Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging PRINSIPE ka sa kaniyang mana?
1 Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging PRINSIPE ka sa kaniyang mana?
(Then Samuel took a vial of oil, and poured
it upon his head, and kissed him, and said, Is it not because
the Lord hath anointed thee to be captain over his inheritance?)
SI
SAUL AY PINAMAHAYAN NG ESPIRITU NI YHVH
1 SAM 10 :
6 At
ANG ESPIRITU NG PANGINOON (YHVH) AY MAKAPANGYARIHANG SASAIYO, at manghuhula
kang kasama nila, at ikaw ay magiging ibang lalake.
(And the Spirit of the
LORD will come upon thee, and thou shalt prophesy with them, and shalt be
turned into another man.)
1 SAM 10 :
10 At
nang sila'y dumating doon sa burol, narito, isang pulutong na mga propeta ay
nasasalubong niya; at ANG ESPIRITU NG DIOS AY MAKAPANGYARIHANG SUMA KANIYA, at
siya'y nanghula sa gitna nila.
(And when they came
thither to the hill, behold, a company of prophets met him; and the Spirit
of God came upon him, and he prophesied among them.)
1Sa
11 :
6 At ANG
ESPIRITU NG DIOS AY MAKAPANGYARIHAN SUMA KAY SAUL nang kaniyang marinig ang mga
salitang yaon, at ang kaniyang galit ay nagalab na mainam.
(And the Spirit of God came upon Saul
when he heard those tidings, and his anger was kindled greatly.)
SI
SAUL AY NANGHULANG KASAMA NG MGA PROPETA
1 SAM 10 :
11 At
nangyari nang makita siya ng lahat na nakakakilala sa kaniya nang una, na,
narito siya'y nanghuhulang kasama ng mga
propeta, ay nagsalisalitaan ang
bayan, Ano itong nangyari sa anak ni Cis? Si Saul ba ay nasa gitna rin
ng mga propeta?
(And it came to pass, when all that knew him
beforetime saw that, behold, he prophesied among the prophets, then the
people said one to another, What is this that is come unto
the son of Kish? Is Saul also among the prophets?)
1. Si Saul ay pinahiran ng langis (anointed,
Mashach, Messiah, Cristo.)
2. Si Saul ay pinamahayan ng Espiritu ni YHVH.
3. Si Saul ay hinirang ni YHVH na hari ng Israel.
4. Si Saul ay tinawag ni YHVH na prinsipe ng Israel.
5. Si Saul ay itinalaga ni YHVH na haring tagapagligtas ng Israel
6. Si Saul ay nanghuhula na gaya ng mga propeta.
7. Si Saul ay kinilala ng YHVH na Kaniyang
Anak.
Narito, at sa itaas ay maliwanag na mababasa na si Saul na anak
ni Kish ay pinahiran ng langis ng propetang si Samuel, at
sa gayo’y lumapat siya sa banal na kalagayan ng isang Masyach (Cristo)
na totoo. Si Saul sa makatuwid ang unang Cristo na itinalaga ng kaisaisang Dios na maging tagapagligtas at hari ng Israel.
ANG PANGALAWA AY SI DAVID
SI DAVID AY PINAHIRAN NG
LANGIS (ANOINTED, MASHACH, MESSIAH, CRISTO)
SI DAVID AY PINAMAHAYAN
NG ESPIRITU NI YHVH
1SA 16 :
13 Nang magkagayo'y KINUHA NI
SAMUEL ANG SUNGAY NG LANGIS, at PINAHIRAN siya
sa gitna ng kaniyang mga kapatid: at ANG ESPIRITU
NG PANGINOON (YHVH) AY MAKAPANGYARIHANG SUMA KAY DAVID MULA SA ARAW NA YAON HANGGANG SA HAHARAPIN. Gayon bumangon si Samuel at napasa Rama.
(Then Samuel took the horn of oil, and anointed him
in the midst of his brethren: and the Spirit of the Lord came upon
David from that day forward. So Samuel rose up, and went to Ramah.)
SI DAVID AY INIHALAL NG
KAISAISANG DIOS NA HARI, PASTOR AT PRINSIPE MAGPAKAILAN MAN NG ISRAEL
EZE 34 :
23 At ako'y maglalagay ng isang PASTOR sa kanila, at kaniyang
papastulin sila sa makatuwid baga'y ang aking lingkod na si DAVID; kaniyang papastulin sila, at
siya'y magiging kanilang PASTOR,
24 At akong
Panginoon ay magiging kanilang Dios, at ang aking lingkod na si David ay PRINSIPE sa kanila;
akong Panginoon ang nagsalita.
(23 And I will set up one shepherd
over them, and he shall feed them, even my
servant David; he shall feed them, and he shall be their shepherd. 24 And I the LORD will be their God,
and my servant David a prince among
them; I the LORD have spoken it.)
(EZE 37 :
24 At ANG
AKING LINGKOD NA SI DAVID AY MAGIGING HARI SA KANILA; at silang lahat ay
magkakaroon ng isang PASTOR; magsisilakad
din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan, at susundin ang aking mga
palatuntunan, at isasagawa.
25 At sila'y magsisitahan sa lupain na aking
ibinigay kay Jacob
na aking lingkod, na tinahanan ng
inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga
anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, magpakailan man: at si David na aking
lingkod ay magiging kanilang PRINSIPE
MAGPAKAILAN MAN.
(24 And David my servant shall
be king over them; and
they all shall have one shepherd:
they shall also walk in my judgments, and observe my statutes, and do them. 25And they shall dwell in the land that
I have given unto Jacob my servant,
wherein your fathers have dwelt; and they shall dwell therein, even they, and their children, and
their children's children for ever: and my servant David shall be their prince for ever.)
SI DAVID AY KINILALA NG KAISAISANG DIOS NA KANIYANG ANAK
PSA 2
:
7 Aking
sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, IKAW AY AKING ANAK;
sa araw na ito ay ipinanganak kita.
(I will declare the decree: the LORD hath
said unto me, Thou art my Son; this day have I begotten thee.)
SI DAVID AY INIHALAL NG
DIOS NA SASERDOTE MAGPAKAILAN MAN
PSA
110 :
4
Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, IKAW
AY SASERDOTE MAGPAKAILAN MAN AYON SA PAGKASASERDOTE NI MELCHISEDECH.
(The LORD hath sworn, and will not repent,
Thou art a priest for ever after the order of Melchizedek.)
SI DAVID AY KINILALA NG
KAISAISANG DIOS NA PROPETA
DEUT 18 :
18 Aking palilitawin sa kanila ang isang PROPETA sa gitna ng kanilang mga
kapatid, na gaya mo; at AKING ILALAGAY ANG AKING MGA SALITA SA BIBIG NIYA,
at KANIYANG SASALITAIN SA KANILA ANG LAHAT NG AKING IUUTOS SA KANIYA.
(Amos 3:7)
(I will raise them up a Prophet from among their
brethren, like unto thee, and will put my words in his mouth; and he shall
speak unto them all that I shall command him.)
Nangyari nga
na ang kalooban at kabuoan ni Haring David ay pinamahayan at pinagharian ng Espiritu
ng Dios, at dahil diyan ay napasa bibig niya ang salita ng Dios (evangelio ng kaharian), at tinupad niya ang mga
iniutos sa kaniya ng Ama nating nasa
langit.
1. Si David ay pinahiran ng langis (anointed, Mashach, Messiah, Cristo.)
2. Si David ay pinamahayan ng Espiritu ni YHVH (Espiritu Santo).
3. Si David ay hinirang ni YHVH na hari ng Israel.
4. Si David ay hinirang ni YHVH na prinsipe ng Israel magpakailan man.
5. Si David ay inihalal ni YHVH na saserdote magpakailan man.
6. Si David ay hinirang ni YHVH na maging pastor ng Israel.
7. Si David ay kinilala ni YHVH na Kaniyang
Anak.
Sa kabila ng
hayagang pagiging anak ni David ay
hindi kailan man ipinahayag ng Ama na
siya ay gaya na rin niyang Dios sa
kalagayan.
ANG IKATLO AY SI
SOLOMON
Si Solomon ay pinahiran ng langis ng saserdoteng si Sadoc at ng propetang si Nathan, upang maging isang ganap na Hari ng
Israel.
1KI 1 :
34 At PAHIRAN siya ng
langis doon ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta na maging hari sa Israel: at kayo'y magsihihip ng pakakak, at magsipagsabi,
Mabuhay ang haring si Salomon.
35 Kung
magkagayo'y magsisiahon kayong kasunod niya, at siya'y paririto, at uupo sa
aking luklukan: sapagka't siya'y magiging hari, na kahalili ko: at inihalal ko
siyang maging prinsipe sa Israel at sa Juda.
(34 And let Zadok the priest and Nathan
the prophet anoint him there king over Israel: and blow ye with the trumpet,
and say, God save king Solomon. 35 Then ye shall come
up after him, that he may come and sit upon my throne; for he shall be king in
my stead: and I have appointed him to be ruler over Israel and over Judah.)
1KI 3 :
7 At ngayon, Oh Panginoon kong Dios, iyong
ginawang hari ang iyong lingkod na kahalili ni David na aking ama; at ako'y
isang munting bata lamang; hindi ko nalalaman ang paglulumabas at pumasok.
(And now, O LORD my God, thou hast
made thy servant king instead of David my father: and I am but a little child: I know
not how to go out or
come in.)
1Cro 28:
6 At kaniyang sinabi sa akin, Si Salomon na iyong anak ay siyang magtatayo ng aking bahay at ng aking mga looban; sapagka't aking pinili siya upang maging ANAK KO, at ako'y magiging kaniyang AMA.
(And he said unto me, Solomon thy son, he shall build my house and my courts: for I have chosen him to be my son, and I will be his father.)
Ito ngang si
Solomon,
gaya ni Saul at David ay walang alinlangang
nilapatan ang banal na kalagayang tumutukoy sa Cristong Hari. Siya tulad
sa dalawa (2) ay Prinsipe ng Dios sa gitna ng sangbahayan ni Israel. Palibhasa ang kaisaisang Dios ay Siya
nating Ama na nasa langit, at dahil diyan
ay prinsipe
niyang kinikilala ang sinomang natitindig sa kalagayan ng Cristong Hari. Si Solomon
nga sa kabila ng pagiging prinsipe ng Dios, o anak
ng Dios ay nahayag din bilang hari ng Israel, na gaya ng isang
mabuting pastor ay masigla at may galak sa puso na kumalinga at
nangalaga sa buong sangbahayan ng Israel
at ng Juda. Sa gayo’y hindi na
marahil kailangan pang isa-isahin ang pagkakatulad ng kaniyang banal na
kalagayan sa dalawang nabanggit na Cristong
Hari (Saul at David).
Mula sa pagiging Cristong Hari, Prisipe ng Israel, at Anak ng Dios nitong si Solomon, ay hindi siya ipinahayag ng Dios na gaya niyang Dios.
MAY PAGKAKATULAD BA SI
JESUS KAY SAUL, DAVID, AT SOLOMON SA TINAMO NILANG BANAL NA KALAGAYAN?
Si Jesus gaya ng mga propeta ng Tanakh ay gumanap sa kalooban
nitong Espiritu ng Dios na sa
panahong iyon ay makapangyarihang namamahay at naghahari sa kabuoan ng kaniyang
pagkatao.
Siya matapos na dumaan sa rituwal ng bautismo sa pagsisisi ng kasalanan nitong
si Juan ay maluwalhating pinamahayan at pinagharian ng Espiritu ng Dios. Gaya din ang sinoman matapos ang pagpapahid ng langis (anointed), sa
kasaysayan ng Tanakh ay pinamahayan kapagdaka nitong Espiritu
ng Dios ang kanikanilang kalooban at kabuoan. Dahil diyan ay matuwid
sabihin, na sa pamamagitan ng bautismo ni Juan sa ilog ng
Jordan ay natamo ni Jesus ang sagradong kalagayan bilang Cristong propeta, o propetang Cristo.
Magkagayon
ma’y malinaw sa kasaysayan na si Jesucristo ay hindi
kailan man natamo mula sa Dios ang tungkulin ng isang literal
na hari ng Israel. Bagkus ay tunay na propeta lamang
ang ganap na nilapatan ng kaniyang banal na kalagayan. Gaya ng nasusulat,
MATEO 13 :
54 At pagdating sa kaniyang sariling lupain (Nazaret), ay kaniyang tinuruan sila
sa kanilang sinagoga, ano pa’t sila’y nangagtaka, at nangagsabi, Saan kumuha
ang taong ito ng ganitong karunungan, at ng ganitong mga makapangyarihang gawa?
(And when he was come
into his own country, he taught them in their synagogue, insomuch that they
were astonished, and said, Whence hath this [man] this wisdom, and [these]
mighty works?)
57 At SIYA’Y
KINATISURAN NILA. Datapuwa’t sinabi sa kanila ni Jesus, Walang PROPETA na di may kapurihan, liban, sa kaniyang sariling lupain, at sa kaniyang sariling bahay.
(And they were offended
in him. But Jesus said unto them, A prophet is not without honour, save in his
own country, and in his own house.)
MATEO 21 :
11 At sinabi ng mga KARAMIHAN, ITO’Y ANG PROPETA, JESUS, na taga Nazaret ng Galilea.
(And the multitude said, This is Jesus
the prophet of Nazareth of Galilee.)
MATEO 21 :
46 At nang sila’y nagsisihanap ng
paraang siya’y mahuli, ay nangatakot sila sa KARAMIHAN, sapagka’t
ipinalalagay nito na siya’y PROPETA.
(But when they sought to lay hands on
him, they feared the multitude, because they took him for a prophet.)
JUAN 6 :
14 Kaya nang makita ng mga tao ang tandang
ginawa niya, ay kanilang sinabi, TOTOONG ITO NGA ANG PROPETA NA PARIRITO SA
SANGLIBUTAN.
(Then those men, when they had seen the
miracle that Jesus did, said, This is of a truth that prophet that should come
into the world.)
JUAN 7 :
40 Ang ilan nga sa karamihan, nang marinig
ang mga salitang ito, ay nangagsabi, TUNAY NA ITO ANG PROPETA.
(Many of the people therefore, when they
heard this saying, said, Of a truth this is the Prophet.)
Dahil diyan
ay lalo na ngang kailan man ay maituturing na isang malaking kamalian at
maliwanag na kasinungalingan, kung siya ay tawaging Hari ng mga Hari,
sapagka’t sa balumbon ng mga banal nakasulatan (Tanakh) ay madiing winika ng Dios
(YHVH) ang mga sumusunod na katuwiran hinggil sa usaping ito, na sinasabi,
EZR 7 :
12 Si Artajerjes, na HARI NG MGA HARI, kay Ezra na
saserdote, na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit, na sakdal at iba pa.
(Artaxerxes, king of kings, unto Ezra the priest, a
scribe of the law of the God of heaven, perfect [peace], and at such time.)
EZE 26 :
7 Sapagka't ganito ang sabi ng
Panginoong Dios, Narito, aking dadalhin sa Tiro si Nabucodonosor na hari sa
Babilonia, na HARI NG MGA HARI, mula sa
hilagaan, na may mga kabayo, at may mga karo, at may mga nangangabayo, at isang
pulutong, at maraming tao.
(For thus saith the Lord GOD; Behold, I will bring upon tyrus
Nebuchadrezzor king of Babylon, a king of kings, from the
north, with horses, and with chariots, and with horsemen, and companies, and
much people.)
DAN 2 :
37 Ikaw, Oh hari (Nabucodonosor),
ay HARI NG MGA HARI, na pinagbigyan ng
Dios sa langit ng kaharian, ng kapangyarihan, at ng kalakasan, at ng
kaluwalhatian;
(Thou, O king, [art] a king of kings:
for the God of heaven hath given thee a kingdom, power, and
strength, and glory.)
DAN 2 :
47 Ang hari ay sumagot kay Daniel,
at nagsabi, Sa katotohanan ang inyong Dios ay Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga hari, at tagapaghayag ng mga lihim, yamang ikaw ay nakapaghayag ng
lihim na ito.
(The king answered Daniel and said, It is true that your God is a GOD of gods, and a LORD OF KINGS, and a revealer of
secrets, since you could reveal this secret.)
Napakaliwanag kung gayon, na sa lupa ay may ipinakilala ang kaisaisang
Dios, na Hari ng mga hari, at
sila ay walang iba, kundi si Haring Artjerjes(Artaxerxes) at si Haring Nobucodnosor (Nebuchadrezzar). Ang Ama nating
nasa langit gaya ng nasusulat sa itaas (Dan 2:37) ay ang
kaisaisang Dios, at Siya din naman ang
kaisaisang Dios ng mga Hari sa kalupaan. Dahil diyan ay
matuwid din namang sabihin, na ang Dios ay kaisaisang
Hari sa kaluwalhatian ng langit, at sa lupa ay may hinihirang siyang
mga prinsipe
na siyang kumakalinga sa sangbahayan ni
Israel (mga anak ng pagsunod) bilang hari sa kabuoan nila. Si YHVH din naman ang
napakaliwanag na kaisaisang Dios at Hari ni Artjerjes at
Nobucodnosor. Kung lilinawin pa ay si YHVH sa makatuwid ang kaisaisang Dios ng mga nabanggit na hari ng mga hari na masiglang ipinakilala ng banal na kasulatan (Tanakh).
Gayon ngang mismong ang Dios ng mga hari (YHVH) ang naghayag sa mga hinirang niyang Hari ng mga hari. Gayon man, sa ilang bahagi ng bagong tipan (NT) ng bibliya ay nabanggit ang tungkol dito, nguni't iyan ay winika lamang ng tao. Dahil diyan ay higit ang timbang ng mga sinalita ng Dios na ginawang patibayang aral sa itaas, kay sa mga bagay na minamatuwid ng mga tao. Higit sa lahat ay katotohanan na salita ng Dios lamang ang matuwid nating pakinggan, kay sa hidwang pahayag ng sinoman hinggil sa usaping ito.
Gayon ngang mismong ang Dios ng mga hari (YHVH) ang naghayag sa mga hinirang niyang Hari ng mga hari. Gayon man, sa ilang bahagi ng bagong tipan (NT) ng bibliya ay nabanggit ang tungkol dito, nguni't iyan ay winika lamang ng tao. Dahil diyan ay higit ang timbang ng mga sinalita ng Dios na ginawang patibayang aral sa itaas, kay sa mga bagay na minamatuwid ng mga tao. Higit sa lahat ay katotohanan na salita ng Dios lamang ang matuwid nating pakinggan, kay sa hidwang pahayag ng sinoman hinggil sa usaping ito.
Saan man at
kailan man kung gayon ay walang mababasa, ni pahiwatig man sa kabuoan ng
bibliya (Tanakh) na si Jesus ay lumalapat sa
gayong kabanal at marangal na kalagayan. Gayon ding hindi mababasa sa alin mang
pahina ng bagong tipan ng bibliya na winika niya na siya ay Dios. Subali’t madiin niyang winika na,
JUAN 20 :
17 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, AAKYAT AKO SA AKING AMA AT INYONG AMA, AT AKING DIOS AT INYONG DIOS.
17 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, AAKYAT AKO SA AKING AMA AT INYONG AMA, AT AKING DIOS AT INYONG DIOS.
Sa ibang
dako, ang isang napakaliwanag na kailangang kailangang maunwaan ng lahat ay ang
katotohanan, na sa natatanging kapanahunan ni Jesus ay siya ang sisidlang hirang
ng Dios, o kopa ng kabanalan. Na
kung liliwanagin ay isang lalake na makapangyarihang pinamamahayan at
pinaghaharian sa kaniyang kalooban ng Espiritu
ng Dios. Mula sa udyok at dikta ng Espiritu
ng Dios na suma sa kaniya ay may katapangan at walang anomang isinatinig ng
sarili niyang bibig ang salita (evangelio
ng kaharian) ng nabanggit na Espiritu.
Si Jesus sa kapanahunang iyon ang inihalal
ng Dios (YHVH) na behikulo ng
katotohanan at sisidlang hirang ng tunay na kabanalan. Kaya sa tanggapin man ninyo, o hindi ay gaya
ng pagtahak sa matuwid na landas ng tunay na kabanalan ang pagsasabuhay ng mga salita (evangelio ng kaharian) na mismo
ay iniluwal ng sarili niyang bibig.
Isang tiyak
na pagkaligaw at hayagang pagpapatiwakal sa makatuwid ang panghawakan bilang
katotohanan ang sariling opinyon ng ilan sa naging tauhan ng bagong tipan ng bibliya. Sila'y nagpapahayag ng lantarang paghihimagsik sa katuwiran ng
mga salita na isinatinig mismo ng sariling bibig ni Jesus. Sa gayo’y isang napakalaking kahangalan at napakalawak na
kahibangang maituturing, kung ang sinoman ay higit pang paniniwalaan ang pangsariling
pagmamatuwid ng ilan, kahi man iyon ay hindi na lumalapat pa sa katuwiran ng
mga salita (evangelio ng kaharian) ng
Dios na mismo ay lumabas mula sa bibig ni Jesus.
Matalino
ngang maituturing ang sinoman na walang alinlangang naniwala at nagsabuhay sa mga aral ng
kabanalan na sinalita ng sarili niyang bibig. Sa gayo’y isang totoong hangal sa
paningin ng Dios (YHVH) ang marami na higit pang pinaniwalaan ang haka-hakang aral
ng ilan, na ni anino ni Jesus ay hindi
nasumpungan, ni nasulyapan man lang nila.
Sa
pagtatapos ng akdang ito ay mapag-unawa sana ng marami, na si Jesus gaya ng mga propeta ng Dios (Samuel, Nathan, Sadok,
at iba pa) sa balumbon ng Tanakh
ay naghayag ng salita (evangelio ng
kaharian) na sinasang-ayunang lubos ng katuwirang
maka-Dios.
Ang mga propeta gaya ni Samuel, Nathan, Sadok at marami pang iba, na kinabibilangan ni Jesus ay hindi nagkamit kailan man ng koronang putong ng pagkahari sa kani-kanilang ulo. Tanging Espiritu lamang ng kaisaisang Dios ang makapangyarihang namahay at naghari sa kani-kanilang kalooban at kabuoan. Napakaliwanag kung gayon na itong si Jesus, gaya ng mga totoong propeta ng Tanakh ay tagapaghatid lamang sa mga tao ng mga salita ng Dios.
Ang mga propeta gaya ni Samuel, Nathan, Sadok at marami pang iba, na kinabibilangan ni Jesus ay hindi nagkamit kailan man ng koronang putong ng pagkahari sa kani-kanilang ulo. Tanging Espiritu lamang ng kaisaisang Dios ang makapangyarihang namahay at naghari sa kani-kanilang kalooban at kabuoan. Napakaliwanag kung gayon na itong si Jesus, gaya ng mga totoong propeta ng Tanakh ay tagapaghatid lamang sa mga tao ng mga salita ng Dios.
Sa ibang banda ay katuwiran sa sinoman na masusing pag-aralan at
isabuhay ang mga katuruang pangkabanalan na ipinangaral ni Jesus sa kasagsagan ng natatangi niyang kapanahunan. Ito'y upang mapag-unawa ng lubos na siya ay hindi nagsasalita na mula sa kaniyang sarili lamang, kundi ang Espiritu ng Dios (Espiritu Santo) na nasa kaniyang kalooban ang siyang nagwiwika ng mga tunay na aral pangkabanalan, at nagpapamalas ng makapangyarihang mga gawa. Kopa ng kabanalan (Espiritu ng Dios) nga lamang ang isang propeta na gaya ni Jesus at ng mga propeta ng banal na Tanakh ng Ama.
Saan man at kailan man ay hindi lumapat ang likas na kalagayan nitong si Jesus bilang Dios na gaya ng ating Ama. Gayon ding hindi tumugma ang kaniyang kalagayan bilang Hari, Hari ng mga Hari, prinsipe magpakailan man, at saserdote magpakailan man ng buong sangbahayan ni Israel at ni Juda. Iyan ay batay sa Tanakh ng Dios, at dahil diyan ay maituturing na isang sinungaling ang sinomang magsasabing si Jesus ay Hari ng mga hari. Sapagka't saan man at kailan ma'y hindi niya natamo ang gayong karangal na kalagayan sa kalupaan.
Lahat sila na mga propeta, kabilang si Jesus ay dumaan sa banal na rituwal ng pagpapahid (anointing of oil), at tinawag na Mashiach, o Cristo. Pinamahayan ang kalooban at kabuoan ng bawa't isa sa kanila nitong Espiritu ng Dios. Iyan ang kalagayan na masasabing pagkakatulad ng mga personalidad na tampok sa artikulong ito.
Ang isang nagtutumibay na katotohanan na nararapat maunawaan ng lahat ay mga tao sa likas nilang kalagayan ang lahat ng Mashiach (Cristo) na ipinakilala ng Tanakh. Bagay din naman na matuwid tanggapin ng lahat na si Jesus, palibhasa'y lumalapat sa layuning Cristo ay taglay ang likas na kalagayan bilang tao na totoo. Ano pa't kung kikilalanin siya bilang isang Dios ay kailangan din namang kilalaning Dios ang mga Cristo ng Tanakh, na gaya ni Saul, David, Soloman, Cyrus, Isaiah, at marami pang iba.)
Lahat sila na mga propeta, kabilang si Jesus ay dumaan sa banal na rituwal ng pagpapahid (anointing of oil), at tinawag na Mashiach, o Cristo. Pinamahayan ang kalooban at kabuoan ng bawa't isa sa kanila nitong Espiritu ng Dios. Iyan ang kalagayan na masasabing pagkakatulad ng mga personalidad na tampok sa artikulong ito.
Ang isang nagtutumibay na katotohanan na nararapat maunawaan ng lahat ay mga tao sa likas nilang kalagayan ang lahat ng Mashiach (Cristo) na ipinakilala ng Tanakh. Bagay din naman na matuwid tanggapin ng lahat na si Jesus, palibhasa'y lumalapat sa layuning Cristo ay taglay ang likas na kalagayan bilang tao na totoo. Ano pa't kung kikilalanin siya bilang isang Dios ay kailangan din namang kilalaning Dios ang mga Cristo ng Tanakh, na gaya ni Saul, David, Soloman, Cyrus, Isaiah, at marami pang iba.)
Iwasan nga
natin ang kasuklamsuklam at karumaldumal na likhang doktrinang pangrelihiyon (evangelio ng di-pagtutuli) ng mga paganong Romano. Walang awang kinakaladkad
niyan ang kaluluwa ng sinoman sa dako
ng malawakang pagpapakasama sa paningin ng Ama
nating nasa langit. Huwag ngang mungkahiin ninoman ang kaisaisang Dios (YHVH) sa kaniyang galit, sa pamamgitan ng abominasyong tumutukoy sa pagkilala sa kay Jesucristo bilang Cristong hari, Hari ng mga hari, at Saserdote magpakailan man.
Hanggang sa
muli, paalam.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento