Ang bahagi niyan
sa katotohanan ng Dios ay napakahalagang umabot sa kamalayan
at pang-unawa ng lahat, sa dahilang iyan ay kinatamaran, o nakaligtaan na
siyasatin at alamin ng marami. Dulo niyan ay hindi kakaunti ang mga
nakapangaral ng katuruang pangkabanalan na kaakibat ang pagpapawalang halaga sa
hindi kakaunting panimulang kaalamang biblikal,
Gaano man
kalinis sa kaniyang akala ang hangarin ninoman, kung ang kaalaman na ipinapaabot niya sa
marami ay lihis sa katotohanan - tunay ngang siya'y hindi nakakatulong, bagkus
ay nakakaladkad niya ang kaniyang kapuwa sa kapahamakan ng sarili nitong
kaluluwa.
Ang mga payak na salita (LORD, Lord, lord) na nabanggit ay tila naging isang napakalabong tanawin sa lubhang nakakarami. Sapagka't sa kawalang malay sa tunay na kahulugang biblikal ng mga iyan ay mahihirapan na tayong bilangin pa ang mga tao na nangalihis sa totoong landas ng kabanalan sa kalupaan. Simple nga lamang ang mga salitang iyan, gayon may gumaganap ng lubhang napakahalagang layunin sa kabuoan nitong balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh).
Ang mga payak na salita (LORD, Lord, lord) na nabanggit ay tila naging isang napakalabong tanawin sa lubhang nakakarami. Sapagka't sa kawalang malay sa tunay na kahulugang biblikal ng mga iyan ay mahihirapan na tayong bilangin pa ang mga tao na nangalihis sa totoong landas ng kabanalan sa kalupaan. Simple nga lamang ang mga salitang iyan, gayon may gumaganap ng lubhang napakahalagang layunin sa kabuoan nitong balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh).
Ang salitang "LORD" (all caps) sa bilang
na 7,836 ay
mababasa sa 6,668 talata
nitong King James Version (KJV) ng Bibliya ("LORD" occurs
7,836 times in 6,668 verses in the KJV). Sa
salitang iyan ay nakukubli ang lehitimo at walang hanggang pangalan
(YHVH) ng tunay at kaisaisang
Dios (Exo
3:15) nitong dimensiyon ng Materiya at Espiritu.
(Paunawa:
Hindi lahat ng nasusulat na "LORD" sa OT ng bibliya ay tumutukoy kay YHVH [YeHoVaH]. kaya ang bilang niyan ay umabot sa 7,836. Gayon man, mababasa sa kabuoan ng OT ng bibliya sa bilang na 6,519 ang salitang "LORD" na may kaakibat na Strong's Number na "H3068." Ang bilang na iyan ang eksaktong tanda na tumutukoy ng ganap kay YHVH.)
(Paunawa:
Hindi lahat ng nasusulat na "LORD" sa OT ng bibliya ay tumutukoy kay YHVH [YeHoVaH]. kaya ang bilang niyan ay umabot sa 7,836. Gayon man, mababasa sa kabuoan ng OT ng bibliya sa bilang na 6,519 ang salitang "LORD" na may kaakibat na Strong's Number na "H3068." Ang bilang na iyan ang eksaktong tanda na tumutukoy ng ganap kay YHVH.)
Kaugnay niyan,
bilang karagdagan ay mahalagang mapag-unawa ng lubos ang kaalaman na may ganap
na kinalaman sa Strongs Exhaustive
Condordance of the Bible.
Ayon sa "Wikipedia, the free encyclopedia." Iyan ay kilala at tanyag bilang Strongs Concordance, na indise, o talatandaan ng King James Bible (KJV) na binuo sa ilalim ng direksiyon ni Dr. James Strong (1822-1892) at nalimbag taong 1890. Siya ay isang propesor ng exegetical theology sa Drew Theological Seminary sa panahong iyon. Iyan ay isang malawakang cross-reference ng bawat salita sa KJV pabalik sa salita ng orihinal na teksto (Masoretic Text o Miqra), na lalong kilala sa tawag na Tanakh.
Ayon sa "Wikipedia, the free encyclopedia." Iyan ay kilala at tanyag bilang Strongs Concordance, na indise, o talatandaan ng King James Bible (KJV) na binuo sa ilalim ng direksiyon ni Dr. James Strong (1822-1892) at nalimbag taong 1890. Siya ay isang propesor ng exegetical theology sa Drew Theological Seminary sa panahong iyon. Iyan ay isang malawakang cross-reference ng bawat salita sa KJV pabalik sa salita ng orihinal na teksto (Masoretic Text o Miqra), na lalong kilala sa tawag na Tanakh.
Ayon pa, iyan ay hindi katulad ng ibang aklat na naglalahad ng referensiyang biblikal. Ang hangarin ng Strong's Concordance ay hindi upang magkaloob ng nilalaman o komentaryo tungkol sa Bibliya, kundi magtakda ng isang indise, o talatandaan (index) sa Bibliya. Pinapayagan nito ang mga mambabasa upang maghanap ng mga salita kung saan ang mga iyon ay lumilitaw sa Bibliya.
Ang index na iyan ay binibigyang daan ang mag-aaral na muling matagpuan ang parirala (phrase) o sipi nito. Binibigyang din niyan ang mambabasa ng direktang paghahambing kung paano maaaring gamitin ang magkatulad na salita sa ibang bahagi ng Bibliya.
Sa paraang iyan, ang Strong's Notes ay nagkakaloob ng malayang pagrepaso, o pagsisiyasat laban sa pagsasaling-wika (translations), at nag-aalok ng pagkakataon para sa higit na malawak, at marami pang maalituntunin at walang kamali-maling unawa sa teksto.
Sa Strong's Concordance ay nabibilang ang 8,674 na salitang ugat sa Hebreo na nilalaman ng Lumang Tipan. (Example: Hebrew word #582 in Strong’s)
Gayon din na may
5,624 na salitang ugat sa Griego na
nilalaman ng Bagong Tipan. (Example: Greek word #3065 in Strong’s)
Ayon pa din, Ang Strong's Concordance ay hindi binuo ni James Strong sa kaniyang sarili lamang, dahil sa iyan ay ginawa mula sa aktibong partisipasyon ng higit sa isang daan (100) niyang masigasig na mga kasamahan.
Ang bawa't salita sa orihinal-na-wika ay tinatapatan ng kaukulang numero sa diksiyonaryo ng mga orihinal na mga salita na nakalista sa likod ng Concordance. Ang mga iyan ay naging kilala sa tawag na "Strong's Concordance".
Ang main Concordance ay naglilista ng bawa't salita na lumilitaw sa KJV ng Bibliya sa alpabetikong pagkakasunod-sunod sa bawa't talata, na kung saan ito ay makikitang nakalista na sunud-sunod ayon sa paglalathala nito sa Bibliya, na may isang snippet sa nakapalibot na teksto (kabilang ang salita sa italics). Makikita sa kanan ng scriptural reference ang Strong's Number. Ito ay nagbibigay daan sa mga gumagamit ng Concordance, upang tingnan ang kahulugan ng orihinal na wikang salita sa nauugnay na diksiyonaryo sa likod, na pagpapakita kung paano ang orihinal na wika ay isinalin sa salitang Ingles sa KJV ng Bibliya.
Gayon ngang ang pag-aaral ng Bibliya ay hindi na magiging mahirap at iyan ay dahil sa Strong's Numbers na siyang naghahayag ng ibig sabihin sa Ingles ng bawa't root word (Hebreo at Griego) na masusumpungan sa Luma at Bagong Tipan ng Bibliya.
Narito, at sa Strong's Concordance ay ating simulang kunin ang kahulugan sa Ingles nitong Strong's Number na H3068.
LORD
יהוה
yehôvâh
yeh-ho-vaw'
From H1961 (hâyâh); (the LORD) self Existent or eternal; Yehovah, Jewish national name of God: -
Yehovah, the LORD. Compare H3050 [yâhh], H3069 [yehôvih.]
(Mula sa H1961 (hâyâh); (ang Panginoon) sariling
eksistensiya o walang hanggan; Yehovah, panbansang pangalan ng Dios ng mga Judio: - Yehovah, ang Panginoon.) Ihambing sa H3050[yahh], H3069 [yehôvih]
Ang Strong’s Number H3068 na tumugma sa Hebreo יְהֹוָה (Yehovah) ay 6,519 ulit na mababasa sa 5,521
talata ng Hebrew Concordance ng KJV.
(Strong's Number H3068 matches the Hebrew יְהֹוָה(Yehovah) which occurs 6,519 times in 5,521 verses in the Hebrew concordance of the KJV).
Ibig sabihin ay iyan ang dami ng pangalang YHVH na nasusulat sa kabuoan ng tinatawag na Lumang Tipan ng Bibliya. Sa aklat ng Exodus ay madiing sinalita ng kaisaisang persona ng Dios, na ang YHVH (YeHoVaH) ay ang walang hanggan Niyang pangalan.
Gaya ng napakaliwanag na
nasusulat ay Kaniyang winika,
EXO 3 :
15 And God430 said559 moreover5750
unto413 Moses,4872 Thus3541
shalt thou say559 unto413 the children1121
of Israel,3478 The LORD3068 God430
of your fathers,1 the God430 of Abraham,85
the God430 of Isaac,3327 and the God430
of Jacob,3290 hath sent7971 me unto413
you: this2088 is my name8034 forever,5769
and this2088 is my memorial2143 unto all generations.1755, 1755
(At
sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel,
Sinugo ako sa inyo ni YeHoVaH, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni
Isaac, at ng Dios ni Jacob: ITO ANG
AKING PANGALAN MAGPAKAILAN MAN, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng
mga lahi.)
Ayan, at gayon
ngang isang katotohanang nagtutumibay, na ang pangalang tumutukoy sa YHVH ay ang kaisaisang pangalan na
nagpapahayag ng pagka-walang hanggan at Kaniyang alaala sa lahat ng mga lahi sa buong kalupaan. Sa kabuoan ng Tanakh kung
gayon ay wala ng iba pang pangalan ng Dios sa kaluwalhatian ng
langit, ni sa silong man nito na sukat ikaligtas ng sinoman, kundi ang
nag-iisang pangalan lamang na iyan.
Dahil diyan ay
isang matuwid na gabay sa larangan ng tunay na kabanalan ang panghawakang
mabitay, na ang salitang "LORD3068"ay salitang direktang tumutukoy
kay YHVH (YeHoVaH) bilang orihinal na salita ng teksto(Tanakh).
Sa pagbasa ng Bibliya ay laging tandaan na ang Strong's Number H3068 ay walang ibang pangalan na maaaring
tukuyin, kundi ang nag-iisang pangalan lamang ng Ama (YHVH) nating
nasa langit.
DAN 9 :
20 And while5750 I589
was speaking,1696 and praying,6419
and confessing3034 my sin2403 and the sin2403
of my people5971 Israel,3478 and presenting5307 my supplication8467 before6440
the LORD3068 my God430 for5921 the holy6944
mountain2022 of my God;430
(At samantalang ako'y
nagsasalita, at nananalangin, at nagpapahayag ng aking kasalanan at ng
kasalanan ng aking bayang Israel, at naghaharap ng aking samo sa harap ng Panginoon 3068 kong Dios dahil sa banal na
bundok ng aking Dios;)
Ang teksto sa
orihinal nitong kasulatan, kung isasalin sa Ingles ay gaya nga ng napakaliwanag
na mababasa sa ibaba.
DAN 9 :
20 And while5750 I589
was speaking,1696 and praying,6419
and confessing3034 my sin2403 and the sin2403
of my people5971 Israel,3478 and presenting5307 my supplication8467 before6440 YHVH3068 my God430 for5921 the holy6944
mountain2022 of my God;430
(At samantalang ako'y
nagsasalita, at nananalangin, at nagpapahayag ng aking kasalanan at ng
kasalanan ng aking bayang Israel, at naghaharap ng aking samo sa harap ni YHVH 3068 (YEHOVAH) na aking Dios dahil sa banal na bundok ng aking Dios;)
Ang salitang LORD 3068 (all caps) na nasusulat sa kabuoan ng Bibliya sa bilang na 6,519 na ulit ay tumutukoy lamang sa
kaisaisang pangalan, at iyan ay walang iba, kundi ang YHVH (YEHOVAH)
na siyang walang hanggang pangalan ng kaisaisang Dios at Siyang Ama nating nasa
langit.
Kasunod niyan ay
ang isang napakahalagang salita na kung hindi mauunawaan ng mabuti ay magiging
dahilan ng isang napakalaking pagkakamali. Dahil sa iyan ay itinuturing ng mga
hindi nakakaunawa na isang pangalan nitong Dios ng langit. Nguni't sa
kaalamang Tanakh ay
hindi gayon, kundi isang salita na ginagamit bilang tawag na pamimitagan sa
Dios. Iyan ay ang 'ădônây, na masusing nilapatan ng
kaukulang paliwanag sa ibaba.
Lord
אדני
'ădônây
ad-o-noy'
An emphatic form of H113; the Lord (Title, spoken in
place of YHVH in Jewish display of
reverence): - (my) Lord.
(May pagdidiing anyo ng H113; ang Panginoon, (Titulo, salitang inihahalili sa YHVH ng mga Judio bilang pagpapakita ng pamimitagan.): (aking) Panginoon.
Ang Strong's
Number H136 ay
tumugma sa Hebrew אדוני ('ădônây) ay nasusulat sa bilang na 434 na ulit sa 419 na talata sa Hebrew concordance
ng KJV ng Bibliya.
Ang YHVH, na siyang walang hanggang pangalan ng Dios ayon sa Kanonikong Hebreo ay hinalinhan ng katawagang 'ădônây. na “Lord” ang salitang itinumbas ng mga nagsipagsalin sa wikang Ingles. Ito’y sa sinaunang paniniwala na ang pangalang nabanggit (Tetragram) ay lubhang napaka-sagrado upang sambitin. Kaya minabuti ng mga tagapagturo na iyon ay halinhan na lamang ng ibang salita ('ădônây) na kakatawan sa pangalang iyan bilang PANGINOONG DIOS ng lahat ng kaluluwa.
Gaya ng
halimbawang nasusulat,
JER 32 :
17 Ah162 Lord136 GOD!3069
behold,2009 thou859 hast made6213
(853) the heaven8064 and the earth776 by thy great1419
power3581 and stretched out5186 arm,2220
and there is nothing3808, 3605, 1697 too hard6381 for4480
thee:
(Ah Panginoong136 Dios! narito,
iyong ginawa ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong malaking
kapangyarihan, at sa pamamagitan ng iyong unat na kamay; walang bagay na
totoong napakahirap sa iyo:)
Ang teksto sa orihinal nitong kasulatan, kung isasalin sa Ingles ay gaya nga rin ng napakaliwanag na mababasa sa ibaba.
JER 32 :
17 Ah162 'ădônây136 GOD3069
behold,2009 thou859 hast made6213
(853) the heaven8064 and the earth776 by thy great1419
power3581 and stretched out5186 arm,2220
and there is nothing3808, 3605, 1697 too hard6381 for4480
thee:
(Ah 'ădônây136 na Dios!
narito, iyong ginawa ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong malaking
kapangyarihan, at sa pamamagitan ng iyong unat na kamay; walang bagay na
totoong napakahirap sa iyo:)
Ang יְהֹוָה (YHVH) sa gayong alituntunin ay 'ădônây136 ang ginagawang
pagbasa ng mga Hebreo sa pangalang iyan. Gayon ma’y maliwanag na ang salitang
nabanggit ay hindi pangalan ng Dios, kundi isang "kataastaasang pamimitangang panawag" na kung babanggitin ay tunay na tutukoy lamang sa walang hanggang
pangalan (YHVH)
ng kaisaisang
Dios na nasa langit.
Gaya ng salitang "LORD," na inihalili ng mga Ingles sa
pangalang "YHVH," ang 'ădônây naman ay ang salitang Hebreo na
ipinalit ng mga Judio sa YHVH. Sa Ingles ay Lord, o My Lord (Sentence case) ang
katumbas ng 'ădônây na may kakabit na Strong's Number H136.
Ang salitang Lord136 na
mababasa ng 482 ulit sa kabuoan ng Tanakh, o nitong Old Testament ng Bibliya ay ganap na tumutukoy sa katawagang 'ădônây.
Kung ang mga Ingles ay katawagang LORD
ang siyang basa sa YHVH, ay katawagang 'ădônây naman ang
basa ng mga Hebreo sa YHVH. Ang 'ădônây naman sa
tradisyong Ingles ay pinalitan ng salitang Lord136, na
sa Bibliya ay nasusulat sa bilang na 482 ulit. Ang bilang na iyan, kung gayon ang siyang dami ng pagbanggit
sa Old Testament ng katawagang 'ădônây na tuwiran at direktang tumutukoy kay YHVH
na walang hanggan Niyang pangalan.
lord
אדן אדון
'âdôn 'âdôn
aw-done',
aw-done'
From an unused root (meaning to rule);
sovereign, that is, controller (human or divine): - lord, master, owner. Compare also names beginning
with “Adoni-”.
(Mula sa isang hindi
nagamit na salitang ugat (na ang ibig sabihin ay pamunuan); supremo,
tagapangasiwa (makatao o sagrado). panginoon, maestro (amo), nagmamay-ari.
Ang salitang אדן ('âdôn) H113 ay 335 ulit na mababasa sa 287 talata ng Hebrew Concordance ng
KJV. Ang ganap na tinutukoy nito ay “panginoon,
bosing,” o kaya naman
ay “nagmamay-ari,” na ang
pinaka-angkop at hustong kahulugan sa wika natin ay “panginoon,” o “amo.”
Ang mga halimbawa ng mga iyan ay maliwanag na mababasa sa mga sumusunod na katunayang biblikal (Tanakh).
Na sinasabi,
1SA 22 :
12 And Saul said, Hear now, thou son of Ahitub. And he answered,
Here I am, my lordH113.
(At
sinabi ni Saul, Iyong dinggin ngayon, ikaw na anak ni Ahitob. At siya'y
sumagot. Narito ako, panginoonH113 ko.)
2SA 2 :
7 Therefore now let your hands be strengthened, and be ye valiant:
for your masterH113 Saul is
dead, and also the house of Judah have anointed me king over them.
(Ngayon
nga, magsilakas nawa ang inyong mga kamay, at kayo nawa'y maging matatapang:
sapagka't patay na si Saul na inyong amoH113, at pinahiran ng langis naman ako ng sangbahayan ni Juda upang
maging hari sa kanila.)
DAN 10 :
16 And,
behold, one like the similitude
of the sons of men touched my lips: then I opened my mouth, and spake, and said
unto him that stood before me, O my lord,H113
by the vision my sorrows are turned upon me, and I have retained no strength.
(At, narito, isang gaya ng kahawig ng mga anak ng mga tao ay humipo
ng aking mga labi: nang magkagayo'y ibinuka ko ang aking bibig, at ako'y
nagsalita, at nagsabi sa kaniya na tumayo sa harap ko, Oh panginoonH113
ko, dahil sa pangitain ay nagbalik sa akin
ang aking mga kapanglawan, at hindi nananatili sa akin ang lakas.)
Ang salitang אדן 'âdôn (panginoon, maestro [amo], nagmamay-ari) sa makatuwid ay tumutukoy sa tao (1Sam 22:12,
2Sam 2:7) at sa mga sugong Espiritu ng Dios (Dan 10:16). Ang tinutukoy na isang
gaya ng kahawig ng mga anak ng mga tao ay
tinawag ni Daniel na “panginoon.” Sa talata ay makikita ng napakaliwanag na ang
ginamit ni Daniel na salita sa orihinal na teksto (Tanakh) ay אדן 'âdôn, at hindi יְהֹוָה (Yehovah), ni hindi rin אדוני ('ădônây). Na ang napakaliwanag na
ibig niyang sabihin ay hindi Dios ang kaniyang kausap sa mga sandaling iyon,
kundi isa sa mga sugong banal na Espiritu lamang. Dahil diyan ay isang
katotohanan na matuwid tanggapin ng lahat, na ang Espiritung entidad sa Dan10:16 ay hindi kailan man tumukoy sa Dios.
Sa gayo'y isang karagdagan sa kamalayan ninoman ang kaalamang tumutukoy sa "LORD, Lord, at lord" Dahil diyan ay naniniwala kami, na ang maling unawa ng marami sa kahulugan ng "Awit 110:1" ay matutuldukan sa sandaling maunawaan ng lubos ang ipinaaabot na katuwirang biblikal ng artikulong ito.
Sa gayo'y isang karagdagan sa kamalayan ninoman ang kaalamang tumutukoy sa "LORD, Lord, at lord" Dahil diyan ay naniniwala kami, na ang maling unawa ng marami sa kahulugan ng "Awit 110:1" ay matutuldukan sa sandaling maunawaan ng lubos ang ipinaaabot na katuwirang biblikal ng artikulong ito.
PSA 110 :
1 A Psalm4210 of David.1732
The LORD3068
said5002 unto my lord,113 Sit3427
thou at my right hand,3225 until5704 I make7896
thine enemies341 thy footstool.1916, 7272
(Sinabi
ng Panginoon
sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing
tungtungan mo ang iyong mga kaaway.)
Ang
tinatawag na first (1st) person ay
ang ating host na si David. Ang second (2nd) person ay ang LORDH3068
sa ngalang YEHOVAH (YHVH), at ang third (3rd)
person ay walang iba, kundi ang lord113 (panginoon) ni David na si
Haring Saul.
Sa ating texto (Awit 110:1) na mula sa banal na balumbon ng Tanakh
ay walang alinlangan na tumutukoy lamang sa tao ang salitang lord113, o “panginoon”. At sa panahong iyon ay si Saul ang naluluklok na hari ng Israel at iyan ang katotohanan
na inilalahad ng kasulatan.
Ayon na rin sa una (1st) at pangalawang (2nd) aklat ni Samuel ay si haring Saul lamang ang kaisaisang tao na tinatawag ni David na “panginoon” sa kapanahunan niyang iyon. Dahil diyan ay isang nagtutumibay na katotohanan na dapat maunawaan ng lahat, na sa Awit 110:1 ay hindi kailan man tumukoy sa kanino pa man ang salitang “panginoon,” kundi kay haring Saul lamang.
Mula sa katuwirang iyan ay isang napakalaking pagkakamali, kung tuluyang ipahahayag na ang tinutukoy na “panginoon”, o lord113 sa talatang iyan ay si Jesucristo.
Kung patuloy na igigiit na si Jesus ang tinutukoy na "panginoon" sa Awit 110:1 ay lalong magtutumibay na siya ay tao nga sa likas niyang kalagayan. Iyan ay dahil sa ang nasusulat na salitang Hebreo sa balumbon ng Tanakh, sa partikular na talatang nabanggit ay אדון ('âdôn), na tumutukoy ng ganap sa tao (ayon sa talata).
Ayon na rin sa una (1st) at pangalawang (2nd) aklat ni Samuel ay si haring Saul lamang ang kaisaisang tao na tinatawag ni David na “panginoon” sa kapanahunan niyang iyon. Dahil diyan ay isang nagtutumibay na katotohanan na dapat maunawaan ng lahat, na sa Awit 110:1 ay hindi kailan man tumukoy sa kanino pa man ang salitang “panginoon,” kundi kay haring Saul lamang.
Mula sa katuwirang iyan ay isang napakalaking pagkakamali, kung tuluyang ipahahayag na ang tinutukoy na “panginoon”, o lord113 sa talatang iyan ay si Jesucristo.
Kung patuloy na igigiit na si Jesus ang tinutukoy na "panginoon" sa Awit 110:1 ay lalong magtutumibay na siya ay tao nga sa likas niyang kalagayan. Iyan ay dahil sa ang nasusulat na salitang Hebreo sa balumbon ng Tanakh, sa partikular na talatang nabanggit ay אדון ('âdôn), na tumutukoy ng ganap sa tao (ayon sa talata).
Ang matuwid na nararapat maunawaang lubos ng lahat ay ganap na tumutukoy lamang sa nakaraan ang nabanggit na talata (Awit 110:1), at kailan man ay
hindi ito nagpahayag ng mga pangyayari na magaganap pa lamang sa hinaharap. Dahil diyan ay isang lubhang malaking pagliligaw sa kapuwa, kung ang "panginoon" na nabanggit sa Awit 110:1 ay ilalapat kay Jesus, na nabuhay sa lubhang malayong hinaharap.
Upang mapatotohanan ang mga bagay na aming binibigyang linaw sa akdang ito tungkol sa Awit 110:1 ay mangyaring basahin at unawaing mabuti ang ilang katotohanang nilalaman nitong 1st and 2nd book of Samuel hinggil sa usaping ito.
Nasa ibaba ang unang 30 sa 287 na talata ng Tanakh, na kung saan ay mababasa ang ilang gamit ng salitang אדון ('âdôn). I-click lamang ang talata, upang mabasa ang nilalaman nito.
Nasa ibaba ang unang 30 sa 287 na talata ng Tanakh, na kung saan ay mababasa ang ilang gamit ng salitang אדון ('âdôn). I-click lamang ang talata, upang mabasa ang nilalaman nito.
First 30 of 287 occurrences of H113 אדן אדון (adon)
Genesis 18:12
Genesis 19:2
Genesis 19:18
Genesis 23:6
Genesis 23:11
Genesis 23:15
Genesis 24:9
Genesis 24:10
Genesis 24:12
Genesis 24:14
Genesis 24:18
Genesis 24:27
Genesis 24:35
Genesis 24:36
Genesis 24:37
Genesis 24:39
Genesis 24:42
Genesis 24:44
Genesis 24:48
Genesis 24:49
Genesis 24:51
Genesis 24:54
Genesis 24:56
Genesis 24:65
Genesis 31:35
Genesis 32:4
Genesis 32:5
Genesis 32:18
Genesis 33:8
Genesis 33:13
Genesis 19:2
Genesis 19:18
Genesis 23:6
Genesis 23:11
Genesis 23:15
Genesis 24:9
Genesis 24:10
Genesis 24:12
Genesis 24:14
Genesis 24:18
Genesis 24:27
Genesis 24:35
Genesis 24:36
Genesis 24:37
Genesis 24:39
Genesis 24:42
Genesis 24:44
Genesis 24:48
Genesis 24:49
Genesis 24:51
Genesis 24:54
Genesis 24:56
Genesis 24:65
Genesis 31:35
Genesis 32:4
Genesis 32:5
Genesis 32:18
Genesis 33:8
Genesis 33:13
Ang kaliwanagang tanglaw sa mga salitang LORD, Lord, at lord ay magsisilbing isang kongkretong kaalaman, na makakatulong ng malaki sa kahustuhan ng unawa sa hindi kakaunting usapin na matutunghayan sa mga balumbon ng Tanakh.
Kamtin nawa ng bawa't isa ang masagana at walang patid na biyaya ng langit.
Hanggang sa muli, paalam.
Kamtin nawa ng bawa't isa ang masagana at walang patid na biyaya ng langit.
Hanggang sa muli, paalam.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento