“Hindi namin layunin na sirain o atakihin, ni ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa, kundi ang maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga patotoong biblikal
Alingawngaw nga lamang kami ng mga salita ng Dios na isinigaw ng mga totoong banal noong una. Ang mga yao’y hindi namin sariling katha, kundi katotohanang nanatili sa simula pa lamang at lumalagi hanggang sa kasalukuyan at patuloy na iiral sa mga darating pang kapanahunan.
Dalangin nami’y kasihan nawa ng higit pang malawak na pang-unawa ang sinomang babasa ng lathalaing ito. Nang sa gayo’y hindi maging mahirap sa kaniya na makita at lubos na maunawaan ang katuwiran ng Dios na binibigyang halaga sa artikulong ito. Dahil dito ay wala kaming nakikitang anomang kadahilanan, upang ang ilan ay magalit sa amin, at kami’y paratangan ng paninira, pang-aatake, o panghuhusga man ng aming kapuwa.

Tungkol
sa likas na kalagayan ng panginoong Jesucristo
ay pinatotohanan ng ilan na kinikilala ng marami sa larangan ng kabanalan. Sila
nga ay sila Lucas
at Pablo, na ang madiin nilang
patotoo hinggil sa usaping ito ay gaya ng nasusulat, na sinasabi,
GAWA 2 :
22 Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan
ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, LALAKING PINATUNAYAN NG
DIOS SA INYO SA PAMAMAGITAN NG MGA GAWANG MAKAPANGYARIHAN AT MGA KABABALAGHAN
AT MGA TANDA NA GINAWA NG DIOS SA PAMAMAGITAN NIYA SA GITNA NINYO, gaya rin ng
nalalaman ninyo;
GAWA 3 :
13 Ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, ang Dios ng ating mga magulang, ay niluwalhati ang kaniyang LINGKOD NA SI JESUS, na inyong ibinigay, at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato, nang pasiyahan nito na siya'y pawalan.
GAWA 4 :
27 Sapagka't sa katotohanan sa bayang ito'y
laban sa iyong BANAL NA LINGKOD NA SI
JESUS, na siya mong PINAHIRAN,...
Sa
patotoo nitong si Lucas ay maliwanag niyang ipina-uunawa sa lahat, na ang panginoong Jesucristo ay lumalapat sa
kalagayan ng isang BANAL NA LINGKOD NG DIOS, at ganap na dumadako sa sagradong gawaing
tumutukoy ng lubos sa katayuan ng isang pinahiran (annointed with oil). Kung lilinawin iyan ay Mashiach
sa wikang Hebreo, Khristos sa wikang
Griego,
Messias
sa wikang Latino, Messiah o Christ sa wikang Ingles, at
Cristo, o Kristo sa wika natin.
Siya ay ipinakilala ng napakaliwanag sa Aklat ng mga Gawa sa likas na kalagayang TAO at bilang isang matapat na lingkod ng Dios.
Gayon
nga rin ang madiing paglalahad nitong si Pablo, ang sinasabi nga niya hinggil sa usaping ito ay gaya ng
mga sumusunod,
1TIM 2 :
5 Sapagka't may isang Dios at may isang
Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ANG
TAONG SI CRISTO JESUS,
Ang
ganap na tinutukoy ni Pablo na tagapamagitan sa Dios at sa mga tao ay isang tunay na tao sa likas
nitong kalagayan. Siya nga ay walang iba, kundi ang panginoong Jesucristo. Isa ngang lubhang matibay na patotoo ang
gayon mula sa tao (Pablo) na nagpapakilalang isang alipin, apostol, lingkod,
emisaryo (sugo), at bihag ng Cristo Jesus.
Tungkol
diyan ay bayaan naman natin ang mismong may katawan ang magbigay ng patotoo
hinggil sa tunay niyang likas na kalagayan. Siya baga ay sumasang-ayon, o
tumututol sa madiing pagpapakilala sa kanya nila Lucas at Pablo?
Hinggil
nga sa katiwatiwalang likas na kalagayan ng panginoong
Jesucristo ay masigla niyang sinabi at binigyan ng diin ang mga sumusunod
na pahayag,
JUAN
8 :
26 Mayroon akong maraming
bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa
akin ay totoo; at ang
mga bagay na sa kaniya’y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan. (Juan 15:15, 17:8)
28 Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo
ang ANAK NG TAO, saka ninyo makikilala na ako ang Cristo, at WALA AKONG GINAGAWA SA AKING SARILI; KUNDI SINASALITA KO ANG MGA BAGAY NA ITO, AYON SA ITINURO SA
AKIN NG AMA.
JUAN 8 :
40 Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo’y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING NARINIG SA DIOS: ito’y hindi ginawa ni Abraham.
Maliwanag
ang madiing winika ng panginoong
Jesucristo, na siya ay ANAK NG TAO at TAO lamang na nagsasaysay ng katotohanan na kaniyang
narinig mula sa Panginoon nating Dios. Sukat na kung tutuusin, upang mapag-unawa ng lubos na
siya sa kaniyang sarili ay hindi kailan man lumalapat sa kalagayan ng isang Dios.
Gayon
ma’y nararapat marahil na tuldukan ang usaping may kinalaman dito, sa
pamamagitan ng mga patotoo na mismo ay may kasiglahan at may katapangang
ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo.
Ang katotohanan ngang nagtutumibay hinggil sa tunay niyang likas na kalagayan
ay ito,
JUAN 20 :
17
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t HINDI PA AKO
NAKAKA AKYAT SA AMA, nguni’t pumaroon ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa
kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS
at INYONG DIOS.
Diyan
nga’y higit sa sapat, upang lubos na makilala ang panginoong Jesucristo sa kalagayan ng isang tao na totoo. Batay sa talatang iyan, at uulitin namin, "Batay sa talatang iyan" ay walang alinlangan, na nagsasaad ng kasinungalingan at pawang
kasinungalinan lamang ang sinomang nagtuturo, na siya ay Dios.
Ang sumusunod ay talaan, na kung saan ay nasusulat ang mga balido at kongkretong katunayan, na nagpapatotoong si Cristo Jesus ay hindi kailan man lumapat sa kalagayang Dios.
1. Nagpabautismo si Jesus kay Juan ng bautismo sa pagsisisi ng kasalanan.
(Sa ilog ng Jordan samantalang si Juan ay nagsasagawa sa mga Judio nitong bautismo ng pagsisisi sa kasalanan sa pamamagitan ng tubig. Isang lalake na nagngangalang Jesus ang sa kaniya ay lumapit at nagsabing siya’y bautismuhan niya. Atubili man ay napilitan siya na gawaran ang lalaking iyon ng nabanggit na bautismo.
Sinabi sa kaniya ni Jesus ang mga sumusunod na salita,
Mateo 3 :
15 Nguni't pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon: sapagka't GANYAN ANG NARARAPAT SA ATIN, ANG PAGGANAP NG BUONG KATUWIRAN. Nang magkagayo'y pinayagan niya siya.
Gayon ma’y una ng sinabi ni Juan ang uri ng bautismo na iginagawad niya sa mga tao. Iyon nga ay ang bautismo sa pagsisisi ng mga kasalanan na nabanggit sa itaas.
Unawain nga nating mabuti ang bagay na ito.
Unawain nga nating mabuti ang bagay na ito.
Nagkakasala ba ang Dios, upang siya'y pabautismo ng pagsisisi ng kasalanan sa isang tao. Ang malinaw na sagot ay hindi.
Tao ang nagkakasala sa Dios at sa balidong kadahilanang iyan ay binabautismuhan ni Juan ang sinomang pinagsisihan ang lahat ng mga nagawa niyang kasalanan.
Dinadalisay nito ang kabuoan ng sinoman, upang siya'y maging isang katuwaan sa paningin ng Dios.
Si Jesus kung gayon sa likas niyang kalagayan ay tao na nagkasala sa Dios, dahil sa siya ay napakaliwanag na sumailalim sa bautismo sa pagsisisi ng kasalanan)
2. Nag-ayuno si Jesus.
(Nalalaman ng lahat na ang layunin ng pag-aayuno ay upang idulog sa Dios ang nangagawang kasalanan at humingi ng awa sa Dios.
Ang ayuno na may kinalaman sa hindi pagkain at hindi pag-inom sa loob ng itinalagang mga araw ay likhang kapahayagan ni Reyna Esther, na asawa nitong Hari ng Persia na si Haring Ahaseurus. Utos ng tao sa makatuwid ang uri ng ayuno na ito.
Jewish queen of a Persian king Ahasuerus.
Sa ibang anyo nito na utos naman ng Dios ay umiiwas ang sinoman sa paggawa ng masama, at dinadala sa kaniyang sarili ang kalagayan ng isang banal, na hindi lumalasap ng paghihimagsik sa kalooban ng Dios. Tao nga lamang ang gumagawa ng pag-aayuno, upang maging malakas sa Espiritu at kalasin ang bigkis ng masama sa kaniyang kabuoan. Sinomang nag-aayuno ay may lakas na labanan at talunin ang anomang tawag ng tukso.
Sa likas na kahinaan ng tao ay kailangan niyang mag-ayuno, upang siya'y maging malakas sa kaniyang sarili. Dahil nga sa natapos ni Jesus ang apat na pung (40) araw at apat na pung (40) gabi ng pag-aayuno ay natamo niya sa kaniyang sarili ang sapat na lakas, upang labanan ang masama. Dahil diyan ay hindi napagtagumpayan ni Satanas ang ginawa niyang panunukso sa Cristo.
Si Jesus ay tao, dahil sa siya'y dumaan sa rituwal ng bautismo at sa pag-aayuno, na tanging sa totoong tao lamang nauukol. Ang Dios ay hindi nagkakasala kaya hindi niya kailangan ang bautismo ni Juan. Ang Dios ay hindi mahina na gaya ng tao, kaya saan man at kailan man ay hindi niya kailangang mag-ayuno.

3. Tinukso ng Diyablo si Jesus, matapos ang kaniyang pag-aayuno.
(Nalalaman nating lahat, na ang panunukso ng diyablo ay ukol lamang sa mga tao, at hindi kailan man nangyaring tumukoy sa Dios. Sapagka’t nalalaman niyang taglay ng mga nilikha ng Dios ang kahinaan sa kaniyang sarili. Batid niyang ito’y sapat, upang malaglag at mapaglaruan niya sa kaniyang mga palad ang mga kaluluwa na sumasa katawan. Ano pa’t maging ang tao na nagngangalang Jesus, sa kabila ng taglay niyang dalisay na kabanalan sa kaniyang kabuoan ay hindi pa rin nakaligtas sa panunukso ng diyablo.
Ang tao ay tinutukso ng diyablo, datapuwa't saan man at kailan man ay hindi maaaring tuksuhin ng diyablo ang Dios. Si Jesus ay tinukso nito, at dahil diyan ay sukat upang mapag-unawa ng lahat na siya ay tao na totoo, at kailan ma'y hindi lumapat sa kalagayan ng Dios)

4. Tinawag ni Jesus na Propeta ang kaniyang sarili.
(Ang isang propeta ay banal na lingkod ng Dios, at sila'y pawang mga tao sa likas nilang kalagayan. Kung sa pahayag nitong si Jesus ay propeta siya ng Ama nating nasa langit. Iyan nga'y pagbibigay diin na siya'y lumalapat sa likas na kalagayan ng isang tao na totoo.
5. Si Jesus ay tinawag na Cristo.
(Ang katagang Cristo ay tumutukoy lamang sa tao na pinahiran ng Dios [Gawa 4:27]) Ang Cristo kung gayon ay banal ng Dios, na ang nilalapatang likas na kalagayan ay tao.
6. Si Jesus ay pitompu at walong (78) ulit tinawag na ANAK NG TAO ang kaniyang sarili. Limang (5) ulit na siya ay tinawag ng ilan na ANAK NG TAO.
(Ito ngang si Jesus sa bilang na 78 ay tinawag ang kaniyang sarili na "Anak ng Tao." Higit sa sapat upang tanggapin ng lahat na siya ay tao na totoo, sapagka't siya na mismo ang nagpatotoo na siya ay katotohanang nasa gayong likas na kalagayan.)
7. Wika ni Jesus ay, "Hindi ako ang gumagawa, ni hindi ako ang nagsasalita."
(Tao lamang ang lumalapat sa ganyang uri ng kalagayan, sapagka't ang Espiritu ng Dios na nasa kabuoan ng mga totoong banal ay ang tagapagsalita ng katuruang pangkabanalan. Ang Espiritu ding iyan ang tagagawa ng himala at sari-saring makapangyarihang mga bagay.)
8. Ang Dios ay hindi tao, at ang Dios ay hindi anak ng tao.
(Ang Dios, palibhasa’y Espiritu ay nananatili sa pagiging Espiritu, at patuloy na umiiral sa likas na kalagayan niyang iyon.)
Gaya ng nasusulat,
Gaya ng nasusulat,
Sant 1 :
17 Ang bawa’t mabuting kaloob at ang bawa’t
sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas,
na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.
Ang
madiing wika ng Ama sa Mateo 17:5, “Ito ang sinisinta kong Anak, Siya ang inyong pakinggan.” Wala nga tayong magagawa, kundi pakinggan ang
mga pinagtibay na patotoo ng panginoong
Jesucristo hinggil sa likas niyang kalagayan, sapagka’t ang utos ng Ama
nating nasa langit ay siya ang ating sundin. Sa gayo’y matuwid ngang tindigang matibay ng sinoman sa
kalupaan, na siya ay tao nga rin na gaya natin.
Oo ngang sinabi na siya ay lalang ng Espiritu Santo mula sa sinapupunan ni Maria. Nguni't hindi sapat ang gayong pahayag upang siya ay kilalanin na Dios. Sapagka't hindi kailan man pinatotohanan ng kasulatan, na ang sinomang lalangin ng Espiritu Santo ay lalapat sa kalagayan ng Dios. Papaano naman ang katotohanan na mismo ay sinalita ng sariling bibig ni Jesus hinggil sa likas niyang kalagayan bilang isang tao na totoo. Hindi baga itong si Adan at Eva ay napakaliwanag na lalang ng Espiritu Santo, at bakit saan man at kailan man ay hindi sila ipinakilala ng Dios bilang mga Dios.
Sa ibang dako at kapanahunan ay sinabi naman ng anghel kay Jose ang gaya nito,
MATEO 1 :
20 Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ANG KANIYANG DINADALANG-TAO AY SA ESPIRITU SANTO.
Maliwanag pa sa katanghaliang tapat ang sinabi ng anghel, "DINADALANG TAO," na ang ibig sabihin ay tao at hindi Dios ang ipinagbubuntis ni Maria, at iyan ay paniwalaan natin sa kadahilanang anghel na ang nagsabi.
Sang-ayon sa pahayag na iyan ng anghel ay binigyang diin mismo ng sariling bibig ng panginoong Jesucristo ang tungkol sa likas niyang kalagayan bilang isang tao na totoo. Na ang mababasa sa napakaliwanag niyang pahayag ay gaya ng sumusunod,
JUAN 20 :
17 ........nguni't pumaroon ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.
Katotohanan na ang kaisaisang Dios ng langit ay may mga anak sa kalupaan, at ang kalipunan niyan ay kinabibilangan ng mga tagatangkilik, tagapagtaguyod, tagapagtanggol, at tagasunod ng Katuruang Cristo (evangelio ng kaharian). Lahat sila ay pawang mga anak ng Dios, na kung saan ay dako na kinabibilangan nitong si Jesus.
Ang mga anak ng Dios ay hindi mga Dios kundi mga tao, at iyan ang napakaliwanag na binibigyang diin ng banal na kasulatan. Gayon man, kung igigiit ng sinoman, na si Jesus ay Dios sa likas niyang kalagayan, alinsunod sa nilalaman ng mga talata sa itaas ay matuwid na nga rin nating tanggapin, na ako, ikaw, at tayong lahat na tao sa kalupaan ay pawang Dios na lahat.
Kung ang pakikinggan natin ay itong napakaliwanag na pahayag ni Jesus hinggil sa usaping ito ay matuwid nga iyan sa paningin ng Ama nating nasa langit, sapagka't nasunod ang kaniyang utos na pakinggan natin ang mga salita (evangelio ng kaharian/Katuruang Cristo) na ipinangaral ng Kaniyang Anak. Datapuwa't kung yaong imbentong aral ng tao na nagsasabing siya ay Dios ang ating pakikinggan at higit na paniniwalaan, lalabas ngang tayo ay naghimagsik at niwalan natin ng anomang kabuluhan ang partikular na utos ng Dios na nabanggit.

40 Datapuwa’t ngayo’y
pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa
inyo’y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING
NARINIG SA DIOS: ito’y hindi ginawa ni Abraham.
JUAN 8 :
42 Sinabi sa kanila ni Jesus, KUNG ANG DIOS ANG INYONG AMA, AY INYONG IIBIGIN AKO: sapagka't
ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking
sarili, kundi sinugo niya ako.
Katotohanan na ang kaisaisang Dios ng langit ay may mga anak sa kalupaan, at ang kalipunan niyan ay kinabibilangan ng mga tagatangkilik, tagapagtaguyod, tagapagtanggol, at tagasunod ng Katuruang Cristo (evangelio ng kaharian). Lahat sila ay pawang mga anak ng Dios, na kung saan ay dako na kinabibilangan nitong si Jesus.
Ang mga anak ng Dios ay hindi mga Dios kundi mga tao, at iyan ang napakaliwanag na binibigyang diin ng banal na kasulatan. Gayon man, kung igigiit ng sinoman, na si Jesus ay Dios sa likas niyang kalagayan, alinsunod sa nilalaman ng mga talata sa itaas ay matuwid na nga rin nating tanggapin, na ako, ikaw, at tayong lahat na tao sa kalupaan ay pawang Dios na lahat.
Kung ang pakikinggan natin ay itong napakaliwanag na pahayag ni Jesus hinggil sa usaping ito ay matuwid nga iyan sa paningin ng Ama nating nasa langit, sapagka't nasunod ang kaniyang utos na pakinggan natin ang mga salita (evangelio ng kaharian/Katuruang Cristo) na ipinangaral ng Kaniyang Anak. Datapuwa't kung yaong imbentong aral ng tao na nagsasabing siya ay Dios ang ating pakikinggan at higit na paniniwalaan, lalabas ngang tayo ay naghimagsik at niwalan natin ng anomang kabuluhan ang partikular na utos ng Dios na nabanggit.
Pakinggan nga natin at tindigang matibay ang salita niyang iyan, na nagpapasabi sa kaniyang mga kapatid, na ang kaniyang Ama ay Ama din natin, at ang kaniyang Dios ay Dios din natin. Ano pa't kung ipipilit na ang panginoong Jesucristo ay Dios, mabuting tanggapin din naman natin na ang tinutukoy niyang mga kapatid ay mga Dios din na kagaya niya. Sasabihin din naman namin na tayo ay mga Dios din, palibhasa'y ipinahayag ng katotohanan na ako, ikaw, at tayong lahat ay pawang mga anak ng Dios.
Hindi nga tayo mga anak ng Dios na Dios, kundi mga anak ng Dios na tao sa likas na kalagayan. Si Jesus ay ating kapatid, na isang anak ng Dios na gaya din naman natin. Siya na ang ma'y sabi, siya nga ang ating pakinggan.

Gayon man ay maliwanag niya ring sinabi,
JUAN 10 :
30 AKO AT AMA AY IISA.
Kung ang kaisaisang Dios ay binibigyang diin ang mga salita na iniluwal mismo ng sariling bibig ni Jesus, na Siya na ating Ama ay lalong dakila kay sa lahat ay hindi nga maaari na maging iisa sa kadakilaan ang Ama at si Jesucristo, o maging ang sino pa man sa kalawakan ng langit at lupa. Ni hindi rin maaari na magka-isa ang dalawa sa pagka-Dios, sapagka’t lalabas na may isa pa Siya na kapantay sa Kaniyang kadakilaan.
Gaya ng mga sumusunod na talata ay diyan nakikipag-isa ang sinoman sa Ama nating nasa langit, upang sabihing sila at ang Ama ay iisa.
Na sinasabi,
JUAN 17 :
9 Idinadalangin ko sila: hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo; sapagka't sila'y iyo:
20 Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita;
21 Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.
22 At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa;
Sa mga talata ngang iyan sa itaas ay napakaliwanag na nagsasabing sila na mga ibinigay ng Ama sa Cristo, at sila din naman na nangagsisampalataya sa kaniyang mga gawa ay iisa sa Dios. Kaya nga sila at ang Ama ay iisa, na gaya din naman ni Jesus at ng Ama na IISA SA LARANGAN NG TUNAY NA KABANALAN.
Mali din naman na unawang maituturing, kung wiwikain na ang Ama ay si Jesus, at si Jesus ay ang Ama. Para ano pa na sinabi niya na ang KANIYANG AMA ay “lalong dakila kay sa lahat.”
Ang napakaliwanag diyan ay ang nagtutumibay na salita ng kaniyang bibig na nagsasabing,
"Ama natin ang kaniyang Ama, at Dios natin ang kaniyang Dios."
Dahil diyan ay katotohanan na ang Ama at ang anak ay iisa, hindi sa kalagayang Dios, kundi sa larangan ng tunay na kabanalan. Ang anak ay banal na gaya ng kaniyang Ama, at dahil sa masiglang pagkakaisang iyan ay napapasa gawing kanan ng kaisaisang Dios ang sinoman.
Narito pa ang isa, na sinasabi,
JUAN 17 :
3 At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala NILA na iisang Dios na tunay, at SIYANG IYONG SINUGO, SA MAKATUWID BAGA'Y SI JESUCRISTO.
Sa talata ngang iyan ay napakaliwanag na tinutukoy ang kaisaisang Dios na tunay. Ang buhay na walang hanggan ay katumbas ng pagkilala sa nagiisang Dios ng langit at lupa. Sa sinabing "iisang Dios na tunay" ay sukat, upang ang sugo sa ngalang Jesus ay makabilang sa salitang "NILA."
Sa hustong unawa ng talata ay sinasabing, ang buhay na walang hanggan ay ang makilala ng lahat ang kaisaisang Dios na tunay. Sa salitang "lahat" ay kabilang ang panginoon nating si Jesus. Gayon din naman sa talata, na sa salitang, "NILA" ay kasama siya.
Kung
babalikan natin ang mga binigyang diing pahayag nitong si Lucas at si Pablo - mula sa ilang nalahad na
katunayang biblikal sa itaas ay walang alinlangan, na sila’y napatunayang nagsasaysay ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng katotohanang inihayag ng panginoong Jesus. Iyan ang
paglalahad nila ng totoong likas na kalagayan ng Cristo. Na siya ay tao na totoo, at kailan man ay hindi lumapat sa
kabanalbanalang kalagayan ng Dios.
Ano nga? Kung sinasabing may nag-iisang Dios, at itong si Jesus ay nasa gayon ding kalagyan ay hindi baga magiging dalawa na sila? Kaya nga ang Cristo kailan man ay hindi maaaring maging Dios, sapagka't Ang Amang nasa langit ay iisa lamang at liban sa Kaniya ay wala ng iba pang maaaring kilalaning Dios na kagaya Niya sa kalangitan, ni sa silong man nito.
Iyan ay gaya ng mga napakaliwanag na nasusulat, na sinasabi,
Ito ang katuruang Cristo na hayag sa banal na katawagang, "Evangelio ng Kaharian."

OSEA 13 :
4 Gayon ma’y AKO ANG PANGINOON MONG DIOS, mula sa lupain ng
Egipto; at WALA
KANG MAKIKILALANG DIOS KUNDI AKO, at
LIBAN SA AKIN
AY WALANG TAGAPAGLIGTAS.
ISA 44 :
6
Ganito ang sabi ng
Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang MANUNUBOS, na Panginoon ng mga Hukbo, AKO ANG UNA, at AKO ANG HULI;
at LIBAN
SA AKIN AY WALANG DIOS.
ISA 45 :
21 .... WALANG
DIOS LIBAN SA AKIN, isang GANAP NA DIOS at
TAGAPAGLIGTAS; WALANG
IBA LIBAN SA AKIN.
Gayon ngang katotohanang ipinagdidiinan nitong mga balumbon ng banal na kasulatan (Tanakh), na sa kalagayang Dios ay kaisaisa lamang ang nananahang persona, at Siya ay walang iba, kundi ang Ama (YHVH) NATING nasa langit.
Ito ang katuruang Cristo na hayag sa banal na katawagang, "Evangelio ng Kaharian."
Kung nais kamtin ng sinoman sa atin ang putong ng tunay na kabanalan, ay matuwid niyang sundin at isabuhay ang sagradong katuruang Cristo (evangelio ng kaharian) na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng panginoong Jesus. Sapagka't tunay na may ganap na kasapatan ang nilalamang katuruang pangkabanalan niyan, upang kamtin ninoman sa kalupaan ang kapatawaran ng kaniyang kasalanan, at kaligtasan ng sarili niyang kaluluwa.
Iyan ang banal na kalagayang matuwid at kailangang matamo ng sinoman sa kalupaan. Dahil sa iyan ang kataastaasang kapangyarihan na may hustong lakas, na masiglang naghahatid ng kanino mang kaluluwa sa buhay na walang hanggan sa kaluwalhatian ng Ama nating nasa langit.
ITO ANG KATURUANG CRISTO AYON SA ABOT-SABI NG BANAL NA ESPIRITU.
Kamtin nawa ng lahat ang masaganang pagpapala ng kaisaisang Dios, ngayon, ngayon, at sa darating pang mga kapanahunan.

Hanggang sa muli, paalam.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento