Mula
sa maningning na alapaap ay sinalita ng Dios ang mga sumusunod,
MAT 17 :
5 .... ITO
ANG SINISINTA KONG ANAK, NA SIYA KONG KINALULUGDAN; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
Isang napakaliwanag na katotohanan, na ang pagpapayahayag ng pag-ibig sa Dios ay ang maluwalhating pakikinig sa mga turo at utos na nagmula mismo sa sariling bibig ng Cristo. Palibhasa'y sa Espiritu ng Dios ang salita (turo at utos), samantalang ang tinig ay mula sa sariling bibig ng kaniyang mga banal.
Sa ikapagtatamo ng matuwid hinggil sa larangan ng tunay na kabanalan ay walang anomang nararapat na gawin ang sinoman, kundi ang pakikinig at pagsasabuhay sa mga UTOS at KATURUANG PANGKABANALAN, na sa natatanging kapanahunan ay may katapangang ipinangaral ng sariling bibig ni Jesucristo.

Gayon ma’y hindi
maaari na makasunod ang marami sa utos at turo ng Dios na isinatinig ng Cristo,
sapagka’t hindi kakaunti ang mga tao na walang nadaramang pag-ibig sa Dios.
Kahi man sila’y nagsasabing mga alagad at mangangaral ni Jesus ay hindi naman
nakikita sa kanila ang mga tanda ng pag-ibig na nararapat nilang iukol sa Dios. Lumalabas ngang sila’y mga sinungaling at palalo, dahil sa taliwas ang
kanilang ginagawa sa kanilang ipinangangaral na salita.
Sa gayo’y anu-ano
nga ba ang maaring gawin ng sinoman, upang sa kaniya ay masumpungan ang pag-ibig
na nararapat ituon ng sinoman sa Panginoong Dios.
Hinggil sa usaping
ito ay madiing sinabi, gaya ng nasusulat,
JUAN 14 :
21 ANG
MAYROON NG AKING MGA UTOS, AT
TINUTUPAD ANG MGA YAON, AY SIYANG UMIIBIG SA AKIN: at ANG
UMIIBIG SA AKIN AY IIBIGIN NG AKING AMA, at siya'y
iibigin ko, at ako'y
magpapakahayag sa kaniya.
Narito, at sa talatang iyan sa itaas ay
binibigyang diin, na ang sinoman na nag-iingat ng mga utos na nangagsilabas
mula sa bibig ng panginoong Jesus at
tinutupad ang mga iyon ay siya ngang tunay na umiibig sa Dios. Ang batayan sa
makatuwid ng pag-ibig sa Dios ay ang
pagtalima sa mga utos na ipinagutos ng sariling bibig ng Cristo.
Hindi nga lamang iyan, kundi dahil sa kung ang sinoman ay masusumpungang ginaganap ang pag-ibig sa Anak ay gayon nga rin siya’y iibigin ng Ama nating nasa langit. Gayon din na ang Anak ay magpapakilala sa kaniya ng lubos, na kung lilinawin ay ihahayag sa kaniya ang maraming bagay na hindi nalahad sa mga pantas at sa mga magagaling na tao sa kalupaan.

At winika pa,
JUAN 14 :
23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, KUNG ANG SINOMAN AY UMIIBIG SA AKIN, AY KANIYANG TUTUPARIN ANG AKING SALITA: at SIYA'Y IIBIGIN NG AKING AMA, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming TAHANAN.
Ayan, at may kahigpitang winika ng Espiritu sa kalooban ng Cristo, na kung ang sinoman ay totoong umiibig sa kaniya ay makikita sa taong iyon ang mga gawa, na siyang tanda ng pagtupad sa mga salita na ipinangaral ng sariling bibig ni Jesus.
Sukat nga ang gayong gawa, upang siya ay magtamo ng kaukulang pag-ibig mula sa Ama nating nasa langit. Ang Espiritu ng isinugo at ng nagsugo kung gayon ay pasasa kaniya at ang kaniyang kabuoan ay gagawin nilang tahanan. Iyan sa makatuwid ang kaisaisang paraan, kung papaanong ang sinoman ay magiging isang tunay na talaytayan (medium), o luklukan ng mga banal na Espiritu.

Kaugnay niyan ay hindi maaaring ikaila, ni itanggi man ng kahit na sino sa kalupaan ang katotohanan, na ang utos at turo na sinalita ng sariling bibig ng panginoong Jesus ay hindi kaniya, kundi sa Espiritu ng Dios na mapayapang namahay at makapangyarihang naghari sa kaniyang kabuoan – matapos niyang kamtin kay Juan ang bautismo ng pagsisisi ng kasalanan sa ilog Jordan.
Na sinasabi,
MATEO 3 :
16 At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at NAKITA NIYA ANG ESPIRITU NG DIOS NA BUMABABANG TULAD SA ISANG KALAPATI, AT LUMALAPAG SA KANIYA;
At ang nagtutumibay na patotoo hinggil sa penomenang iyan ay may katapangang ipinahayag mismo ng sariling bibig ni Jesus, na sinasabi,
JUAN 8 :
28 Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako ang Cristo, at WALA AKONG GINAGAWA SA AKING SARILI; KUNDI SINASALITA KO ANG MGA BAGAY NA ITO, AYON SA ITINURO SA AKIN NG AMA.
JUAN 14 :
10 Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang AMA na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. (Juan 10:30).
Dahil sa katotohanang iyan ay hayagan niyang sinalita ang mga sumusunod, gaya ng nasusulat,
JUAN 7:
16 Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, ANG TURO KO AY HINDI AKIN, KUNDI DOON SA NAGSUGO SA AKIN (Juan 15:15)
Ang pagpapahayag ng pag-ibig sa kaisaisang Dios ng langit, kung gayon ay ang pagtalima sa mga turo at utos na isinatinig ng Cristo. Sapagka’t sa paglalahad ng katotohanan hinggil sa usaping ito ay hindi ikinaila, na ang salita na kaniyang isinatinig ay mula sa nabanggit na Espiritu ng Dios.
Ano pa’t ang sinomang hindi nabibigkis ng gayong kabanal na kalakaran, kahi man sinasabi niyang siya’y umiibig sa Anak ay niwawalang kabuluhan at niyuyurakan naman ang kaniyang mga turo at mga utos. Iyan ay sa pamamagitan ng pagtangkilik sa bulag na pagsunod, at di-makatarungang pagtatanggol sa ibang evangelio (evangelio ng di patutuli), na likhang katuruang pangkabanalan ng mga karumaldumal na Gentil.

Yamang ang utos ng Ama na nasa langit ay ang turo lamang ng panginoong Jesus ang nararapat nating pakinggan – matuwid nga na ang mga iyon ay ating GANAPIN at ISABUHAY na may kasiglahan at may galak sa ating puso. Sapagka’t hindi Niya ituturing na katuwiran sa sinoman ang pagsasabuhay ng mga aral pangkabanalan na hihidwa sa utos niyang iyan.
Bago nga magtapos ang mga patotoo sa evangelio ng saksing si Mateo ay inihabilin nitong Espiritu ng Dios na na kay Jesus sa labingdalawang (12) apostol, ang pagtuturo sa sanglibutan nitong evangelio ng kaharian (katuruang Cristo), na sinasabi,
14 At IPANGANGARAL ANG EVANGELIONG ITO NG KAHARIAN SA BUONG SANGLIBUTAN sa pagpapatotoo sa LAHAT NG MGA BANSA, at kung magkagayo'y darating ang wakas.
MAT 28 :
20 NA ITURO NINYO SA KANILA NA
KANILANG GANAPIN ANG
LAHAT NG MGA BAGAY NA INIUTOS KO SA INYO: at narito,
ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.
Kung ang sinoman nga ay totoong umiibig sa Panginoong Dios at nagsasabing siya ay lingkod niya. Hindi nga niya
kailan man pakikinggan at isasabuhay ang karumaldumal na evangelio ng di
patutuli, kundi ang evangelio ng kaharian (katuruang Cristo) lamang
ang masigla, may galak sa puso, at may katapangan niyang isasabuhay at
ipangangaral sa bahaging ito ng ating mundo. Sa makatuwid nga’y wala siyang
itatanyag na anomang ibang evangelio, kundi ang evangelio ng kaharian
lamang, na kung saa’y masusumpungan ang dalisay na katuruang Cristo.
Sa pagtatapos ay katotohanang nagtutumibay, na ang katuruang Cristo (evangelio ng kaharian)
ay ang matuwid na daan ng buhay na walang hanggan. Datapuwa’t ang katuruang Gentil (evangelio ng di
pagtutuli) ay ang likolikong daang maluwang at malapad na pintuan sa tiyak na kapahamakan ng kaluluwa ninoman.
Bakit? sapagka't ang una (evangelio ng kaharian) ay hindi kailan man sinang-ayunan ang itinatanyag na likhang taong katuruan ng ikalawa (evangelio ng di pagtutuli).
Ang pag-ibig sa Panginoong Dios ay ang masigla at may galak sa puso na pagtalima sa mga turo at utos na may katapangang sinalita ng sarili ni Jesucristo. Sa makatuwid kung gayon ay ang pagtangkilik at pagsasabuhay nitong Evangelio ng kaharian (Katuruang Cristo). Dahil diyan ay katotohanang ang sinoman ay iibigin ng Ama nating nasa langit, at siya'y magiging isang kasangkapang luklukan (talaytayan) ng Espiritu Santo.
Kung paano ngang si Jesus ay nagpakita ng pag-ibig sa ating Ama ay gayon din naman sana gumaganap ang lahat.
Gaya ng nasusulat,

31 Datapuwa't upang maalaman ng sanglibutan na ako'y umiibig sa Ama, at AYON SA KAUTUSANG IBINIGAY SA AKIN NG AMA, AY GAYON DIN ANG AKING GINAGAWA.Magsitindig kayo, at magsialis tayo rito.
Ano nga, upang maalaman ng sanglibutan na tayo ay umiibig sa Dios, at ayon sa kautusang ibinigay sa atin ni Jesus, ay gayon din ang ating ginagawa.
Gayon nga rin, na kung paano inibig ni Jesucristo ang Ama, ay sa gayon din namang kaparaanan natin iibigin ang Dios. Ano pa't upang maalaman ng sanglibutan na tayo ay umiibig sa Dios, ay tatangkilikin, itataguyod, ipagtatanggol, ipangangaral, at susundin natin ang turo (katuruang Cristo) at utos (kautusang Cristo) na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng panginoong Jesus. Palibhasa ang lahat ng iyon ay mga salita (turo at utos) nitong Espiritu ng Dios, na isinatinig lamang niya. Dahil sa katotohanang iyan ay hindi nakapagtataka, kung bakit iniutos ng Dios na si Jesus ay ating pakinggan.
Ito ang Katuruang Cristo.
Ang masaganang daloy ng biyaya ng langit ay patuloy
nawang kamtin ng bawa’t isa. Mamalas nawa sa mukha ng sangkatauhan ang anyo at
wangis ng Dios na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, kapangyarihan,
paglikha, karunungang may unawa at buhay na walang hanggan.
Hanggang sa muli, paalam.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento