Biyernes, Agosto 1, 2014

HALLELUYAH

Ang  יְהֹ (YAH) sa pangkalahatang unawa ay ang pinahikling anyo ng YHVH. Ang salitang nabanggit ay karaniwang binibigyang diin. Iyan ay makikita sa binuong salitang “hallelu-YAH, na may kahulugang “Purihin ninyo si YAH (Praise ye YAH),”  May 49 na ulit mababasa ang יְהֹ (YAH)  sa 45 talata ng KJV. Karagdagan pa diyan ay 4 na ulit namang natala ang salitang “Halleluyah” sa Apocalipsis ni Juan. Patunay na ang tinatawag na una at huling Dios sa buong sulat niyang iyon ay walang iba, kundi si יְהֹוָה (YHVH [YEHOVAH]) Siya din naman sa palayaw na יְהֹ (YAH) ang una at huling kaisaisang Dios na pinaglingkuran, itinaguyod, ipinagtanggol, at sinamba ni Moses, ni Isaias, at ni David.

Narito, at sa Apocalipsis ni Juan ay makikita ng napakaliwanag, kung paano binabanggit ang salitang “Halleluyah” sa mga talata na mababasa sa ibaba, na sinasabi,
REV 19 :
1  After these things I heard something like a loud voice of a great multitude in heaven, saying, "Halleluyah! Salvation, power, and glory belong to our God:
(After these things I heard something like a loud voice of a great multitude in heaven, saying, "Praise ye YAH! Salvation, power, and glory belong to our God:)
(Pagkatapos ng mga bagay na ito ay narinig ko ang gaya ng isang malaking tinig ng isang makapal na karamihan sa langit, na nagsasabi, Purihin ninyo si YAH; Kaligtasan, at kaluwalhatian, at kapangyarihan, ay nauukol sa ating Dios.)

REV 19 :
2  for true and righteous are his judgments. For he has judged the great prostitute, who corrupted the earth with her sexual immorality, and he has avenged the blood of his servants at her hand."

REV 19 :
3  A second said, "Halleluyah! Her smoke goes up forever and ever."
(A second said, "Praise ye YAH! Her smoke goes up forever and ever.")
(At sila'y muling nangagsabi, Purihin ninyo si YAH. At ang usok niya ay napaiilanglang magpakailan kailan man.

REV 19 :
4  The twenty-four elders and the four living creatures fell down and worshiped God who sits on the throne, saying, "Amein! Halleluyah!"
(The twenty-four elders and the four living creatures fell down and worshiped God who sits on the throne, saying, "Amein! "Praise ye YAH!)
(At nangagpatirapa ang dalawangpu't apat na matatanda at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, Siya nawa; Purihin ninyo si YAH)

REV 19 :
5  A voice came forth from the throne, saying, "Give praise to our God, all you his servants, you who fear him, the small and the great!"

REV 19 :
6  I heard something like the voice of a great multitude, and like the voice of many waters, and like the voice of mighty thunders, saying, "Halleluyah! For the Lord our God, the Almighty, reigns!
(I heard something like the voice of a great multitude, and like the voice of many waters, and like the voice of mighty thunders, saying, "Praise ye YAH! For YEHOVAH our God, the Almighty, reigns!
(At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Purihin ninyo si YAH: sapagka't ang ating Dios na si YEHOVAH na Makapangyarihan sa lahat ay naghahari.)

Kung inyong napansin, sa Rev 19:6 sa itaas ay sinabi,

Halleluyah! For the Lord our God, the Almighty, reigns!”

Diyan ay nasusulat ang “Halleluyah,” bilang papuri kay יְהֹ (YAH), at may binanggit na naghaharing makapangyarihan sa lahat na Dios. Sa biglang unawa ay titiyakin na si יְהֹ (YAH) ang Dios na tinutukoy sa talata. Gayon man, kapag nabanggit ang salitang   יְהֹ (YAH) ay maliwanag na iyon ay ganap na tumutukoy kay יְהֹוָה (YHVH) at hindi patungkol kung kanino pa mang pangalan.

Kaya nga sinabi,

"Halleluyah!" For YEHOVAH our God, the Almighty, reigns!”

Sa kabanata (chapter) 19 ng Apocalipsis ni Juan, gaya ng nasusulat sa itaas, bago magtapos ang kaniyang sulat ay nadinig niya ng 4 na ulit sa kaluwalhatian ng langit na binanggit ng makapal na karamihan ang mga salitang Purihin ninyo si YAH (Halleluyah). Sa pangalawang pagbanggit ay sinabing “ang usok (pinagsunugan) ng bantog na patutot ay pumailanglang magpakailan kailan man. Kasunod niyan, bilang pangatlo ay nagpatirapa na lahat ang dalawampu’t apat na matatanda at ang apat na nilalang na buhay, upang sumamba sa Dios (יְהֹוָה [YHVH]) na nauupo sa  luklukan, at nagsipagsabi, Purihin ninyo si YAH (Halleluyah). Sa pang-apat na pagbanggit ay narinig ni Juan ang tinig na gaya ng isang makapal na karamihan, at tulad sa lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng dagundong ng isang malakas na kulog, na nagsasabi,

Purihin ninyo si YAH (Halleluyah) sapagka’t si יְהֹוָה (YHVH)  na ating Dios na makapangyarihan sa lahat ay naghahari.”

Sa ikalilinaw ng magkasamang יְהֹ (YAH) at יְהֹוָה (YHVH)  sa isang talata ay gaya nga lamang ng ilang sumusunod na mga halimbawa mula sa balumbon ng banal na Tanakh.

Gaya nga ng nasusulat sa aklat ng mga Awit ni David ay sinabi,


PSA 106 :
Praise ye the LORD. H3050 O give thanks unto the LORD; H3068 for he is good: for his mercy endureth for ever.
(Praise ye YAH. O give thanks unto YEHOVAH; for he is good: for his mercy endureth for ever.)
(Purihin ninyo si YAH. Oh mangagpasalamat kayo kay YEHOVAH; sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.)


PSA 111 :
Praise ye the LORD. H3050 I will praise the LORD H3068 with my whole heart, in the assembly of the upright, and in the congregation.
(Praise ye YAH. I will praise YEHOVAH with my whole heart, in the assembly of the upright, and in the congregation.)
(Purihin ninyo si YAH. Ako'y magpapasalamat kay YEHOVAH ng aking buong puso, sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.)

PSA 116 :
19  In the courts of the LORD'S H3068 house, in the midst of thee, O Jerusalem. Praise ye the LORD. H3050
(In the courts of YEHOVAH’S house, in the midst of thee, O Jerusalem. Praise ye YAH)
(Sa mga looban ng bahay ni YEHOVAH, sa gitna mo, Oh Jerusalem. Purihin ninyo si YAH.)

Gayon ngang napakaliwanag na ang hustong kahulugan ng salitang “HALLELUYAH” ay “Purihin ninyo si YAH (Praise ye YAH).” Sa Psalm 106:1, 111:1, at 116:19 ay “Praise ye YAH” ang nasusulat, at kung ihahalili ang kaisaisang kahulugan nito (HALLELUYAH ) ay gaya nga lamang ng mababasa sa ibaba.

PSA 106 :
1 Halleluyah. Oh mangagpasalamat kayo kay YEHOVAH; sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.)

PSA 111 :
1 Halleluyah. Ako'y magpapasalamat kay YEHOVAH ng aking buong puso, sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.

PSA 116 :
19 Sa mga looban ng bahay ni YEHOVAH, sa gitna mo, Oh Jerusalem. Halleluyah.

Mula sa hustong kaayusan ng talata ay lumabas ng napakaliwanag, na ang יְהֹ (YAH) at ang יְהֹוָה (YEHOVAH) ay hindi kailan man naging dalawang magkaibang pangalan ng Dios, kundi ang יְהֹוָה (YEHOVAH) ay siyang ganap na tumutukoy sa kaisaisang pangalan ng Dios. Samantalang ang יְהֹ (YAH) sa tanggapin nyo man, o hindi ay nag-iisang palayaw lamang Niya. Sa katunayan ay maliwanag pa sa sikat ng araw na ang יְהֹ (YH) ay ang una at pangalawang letra lamang ng יְהֹוָה YHVH.

Ang salitang “Halleluyah”, nang isalin sa kaugaliang Latino ay mababasa na gaya ng, “Hallelujah.” Ang letrang “Y” ng tetragramaton (YHVH) ay pinalitan ng letrang “J.” Dahil diyan, kung ibabalik ang pangalan sa simulang hanay ng mga letra ay JHVH”  ang lalabas na basa. Iyan ay isang kahayagan, na kinurap ng kaugaliang Latino ang orihinal na pangalan ng Dios.

Mababasa naman ang יְהֹוָה (YHVH)  sa transliterasyong “YEHOVAH”, at ang  יְהֹ (YH) sa transliterasyong YAH. Ano’t kinailangan pa nilang halinhan ng letrang “J” ang “Y” na unang letra ng tetragramaton, upang “JEHOVAH, o JAH ang maging basa nito. Gayon ma’y hindi mababago ang anomang katotohanang nasusulat sa balumbon ng mga banal na kasulatan(Tanakh). Nagtutumibay pa rin ang pangalang יְהֹוָה (YHVH), mula sa banal nitong pagkakahayag ng higit sa anim na libong (6k+) ulit sa banal na Tanak ng kaisaisang Dios.

Bagaman ang katotohanan ay hinalinhan ng kasinungalingan, ang kaisaisang pangalang naka-ukit sa tapiyas ng mga bato at nasusulat sa mga balumbon ng papyrus at pinatuyong katad (Tankah) ay יְהֹוָה (YHVH) lamang. Iyan ang kaisaisang pangalan noong pasimula, ngayong kasalukuyan, at sa mga panahong mangagsisidating ng magpasawalang hanggan.

Paalala:
Kaugnay niyan, ang YHVH sa ibang dako ay pinalitan ng letrang “W” ang letrang “V”, na siyang ikatlong (3rd) letra ng Tetragramaton. Dahil diyan, ang YHVH  sa iba’t ibang aklat ay hindi mababasa ayon sa orihinal nitong pagkakatala sa balumbon ng Tanakh, kundi iyan ay sinasambit at isinusulat ng marami na YHWH, at mula sa mga makabagong kasulatan ay sa baybay na YAHWEH binabasa at isinusulat ang transliterasyon nilang iyan.

Kung pag-aaralan ang alpabeto ng Hebreo ay napakaliwanag na hindi kailan man ito nagkaroon ng letrang “J” at “W”. Sa kadahilanan pa lamang na iyan ay hindi maaari na maging JEHOVA, ni YAHWEH man ang transliterasyong pangalan ng Dios ng Tanakh. Napakaliwanag na kasama sa alpabetong Ingles at Latin ang letrang Y at V. Kaya naman walang anomang balidong kadahilanan, upang ang letrang Y ay halinhan ng letrang J, at ang letrang V ay palitan ng letrag W. Ano't kapag pinairal ang ganyang uri ng dagdag'bawas, ang YHVH ay lalabas na JHVH at YHWH. Ang orihinal na pangalan ng kaisaisang Dios na, YHVH kung gayon ay kinurap na ang kadalisayan, at iyan ang tinatawag na, "Paglapastangan sa banal na pangalan ng kaisaisang Dios". 

Bilang tuldok sa usaping ito, YHVH lamang ang pangalan na kinikilala nitong  Tanakh (Canon of the Hebrew bible). Ang Jehovah (JHVH), at Yahweh (YHWH), kung gayo'y maituturing lamang na mga pangalang apocrypha (non-canonical)



Sa karagdagang kaalaman
  • Ang pangalang יְהֹוָה (YHVH) ay 1,792 ulit na binanggit sa mga balumbon ng Torah.  
  • Ang pangalang יְהֹוָה (YHVH) ay 3,192 ulit na binanggit  sa mga balumbon ng Nivi’im,
  • Ang pangalang יְהֹוָה (YHVH) ay 1,467 ulit na binanggit sa mga balumbon ng Ketuvim.

Ang Torah, Nevi’im at Ketuvim ay ang tatlong (3) dibisyon ng Tanakh (Canon of the Hebrew bible), na kung saan ay mababasa ng napakalinaw ang pangalan ng kaisaisang Dios na si יְהֹוָה (YHVH). 
  • Sa Tanakh kung gayon, ang kabuoang dami ng יְהֹוָה (YHVH) ay naitala sa bilang na  6,451. 
Sa kadahilanang iyan ay יְהֹוָה (YHVH) at wala ng iba pa ang pangalan ng Dios na nararapat tindigang matibay ng lahat bilang totoo Niyang pangalan, at sa transliterasyong YEHOVAH iyan karaniwang sinasambit ng mga banal sa pakikipag-ugnayan nila sa Kaniya

Ang pangalang "JEHOVAH, o YAHWEH" kung gayon ay hindi kailan man inayunan ng Canon of the Hebrew bible (Tanakh). Dahil diyan ay maituturing na mga palsipikadong pangalan ni YEHOVAH ang anomang transliterasyon ng YHVH na gaya ng "JEHOVAH at YAHWEH ". 

Isang letra nga lamang ang palitan, idagdag, at ibawas sa pangalan ninoman ay hindi na nga iyon tutugma pa sa kaniyang pangalan, Dahil diyan ay hindi na niya pangalan ang mabibigkas, kundi pangalan ng ibang tao na. Gayon din sa pangalan ng Dios, at sa sandaling halinhan ng ibang letra ang Kaniyang pangalan ay hindi na nga Dios ang tinatawag kapag binigkas ang Kaniyang pangalan na may ibang letrang kalakip. Sapagka't ang pagbikas nito'y lilikha na ng ibang tunog na hindi umaayon sa tunay na tunog ng Kaniyang pangalan.

Samantala, ang Helleluyah, o, Praise ye YAH sa salisihang paggamit ay may isang tinutukoy na kongkretong kahulugan lamang, at iyan ay walang iba, kundi ang pangalang “יְהֹוָה (YHVH)”. Kung gagamitin ayon sa ipinakita naming wastong kaayusan ay may mga malalabong bagay na mabibigyan ng hustong kaliwanagan. Gaya nga nitong binabanggit sa Apocalipsis ni Juan ay marami ang hindi nakaka-alam, na ang pangalan ng kaisaisang Dios na si יְהֹוָה (YHVH) ay tahasang tinukoy ng hindi hihigit sa apat (4) na ulit  sa kabanata 19 nito, at iyan ay sa pamamagitan ng papuri kay יְהֹ YH sa salitang, HALLELUYAH.

Patuloy nawang tamuhin ng bawa't isa ang walang patid na biyaya na nagmumula sa kaluwalhatian ng langit. 

Hanggang sa muli, paapalam.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento